This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI Episode 205

    BISErbisyong LENI Episode 205

    ELY: Magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas, at Mindanao! Isa na namang edisyon ng BISErbisyong LENI dito po sa RMN. Ngayon po ay araw ng Linggo, April 11, 2021. Mula po rito sa DZXL Manila 558 kHz, tayo po ay napapakinggan sa RMN DYHP 612 Cebu, RMN DXCC 828 Cagayan De Oro, RMN DXDC 621 Davao, RMN DWNX 1611 Naga, at siyempre sa lahat ng ating inaabot ng broadcast, netwide. Ako pa rin ho ang inyong radyoman, Ely Saludar. At siyempre, mga kasama, ang nag-iisang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si Madam Vice President Leni Robredo. Ma’am, good morning!

    VP LENI: Good morning, Ka Ely! Good morning po sa lahat na nakikinig sa atin ngayong umaga sa DZXL, lahat pong sinusubaybayan tayo sa Facebook Live, sa amin pong official Facebook page, sa VP Leni Robredo at saka sa Facebook page po ng RMN. Sa atin pong mga kababayan sa Bicol, marhay na aga saindo gabos. Sa ating mga kababayan sa Visayas at Mindanao, maayong buntag. Good morning, Ka Ely!

    ELY: Opo. Good morning at siyempre, patuloy na nakatutok ang lahat dito po sa pandemya at ang inyong Tanggapan walang humpay ang pagtutok at siyempre iyong pagresponde dito po sa COVID-19 at isa ho sa mga talagang kapakipakinabang ho para sa ating mga kababayan, ito hong, Ma’am, iyong Bayanihan E-Konsulta. Nako, napakaimportante ho nito.

    VP LENI: Ito, Ka Ely, ginawa namin ito kasi nag-iisip talaga kami ng paraan, actually mga ilang linggo na, mga dalawang linggo naming pinag-iisipan, papaano ba kami mas lalong makakatulong para pagdecongest ng mga ospital. Actually, Ka Ely, marami nang ibang mga iniisip. Iyong isa ngang inisip namin, Ka Ely, namention ko na yata ito noong nakaraang linggo, na hahanap kami ng partner na hotel o dormitory tapos i-convert iyon na parang field hospital pero mahirap iyon, Ka Ely, for us dahil wala—siyempre wala kaming health personnel. Wala kaming health personnel, wala kaming—wala ang opisina namin. Iisa lang ang doktor namin sa opisina. Wala kaming capacity para i-run iyon. So nag-iisip kami, Ka Ely, hanggang ito nga, iyong Bayanihan E-Konsulta. Pero nag-umpisa kasi ito, Ka Ely, kasi marami kaming natatanggap na mga messages sa Facebook sa personal page ko, sa official page, na nagpapatulong. So sabi namin, mabuti pa gawaan na natin ng programa. Marami naman, Ka Ely, na parang mga teleconsult services na iyong mga private organizations, pati nga public, mga ospital, mayroong mga clinics, iyong mga doktor, mayroon silang teleconsult services. Pero nagtanong-tanong kami, Ka Ely, kung bakit hindi nakaka-avail iyong lahat doon, marami ring considerations. Iyong number one, hindi lahat na teleconsult services ay libre. Siyempre naiintindihan naman natin iyon kasi trabaho iyon ng ating health personnel so hindi na kaagad accessible. Pero iyong pangalawa, marami sa mga nangangailangan ang walang capacity dahil walang internet connection. So iyong dinesign namin, Ka Ely, na platform ay Facebook lang lahat at iyong Messenger sa Facebook para sa Free Data. So kahit walang load, puwede pa ring makapagkonsulta. Ito, Ka Ely, ni-rush namin ito. Lunes lang, iyong nakaraang Lunes lang kami nagtawag ng volunteers. Ito, dinagsa kami, Ka Ely. Dinagsa kami kasi in 24 hours, mayroong nag-sign-up na mga 2,300 volunteers—mixed na ito. Mix na ito ng medical at saka non-medical. Iyong medical ay mga 500—almost 500. Iyong non-medical ay mga 1,800 o 1,900 yata. Hininto muna namin, Ka Ely, kasi marami po kaming messages na natatanggap na “gusto kong mag-volunteer pero wala nang sign-ups.” Hininto na po muna namin kasi ngayon kasi nag-o-onboarding. Ang gustong sabihin ng onboarding, mini-meet namin by batches iyong lahat na volunteers kasi hindi naman puwedeng isa lang na hindi naman nag-uusap-usap. May mga protocols na susundin, mayroong mga—maraming mga bagay na iko-consider. Noong bago namin ito ni-launch, Ka Ely, ilang grupo ng mga doktor iyong aming, iyong buong Holy Week, parang iyon iyong aming ginawa. Nakikipag-meet kami sa grupo ng mga doktor na chine-check namin ano bang kailangan, papaano gagawin, ano iyong—kasi kami parang nagfi-fill lang kami ng mga gaps, saan ba mayroong gap para doon kami.

     

    So ito, Ka Ely, nagpapasalamat kami sa lahat na doktor na tumulong sa amin, kumonsulta sa atin. Mayroon kaming tatlo na core doctors na halos full time na volunteer sa amin ngayon habang inaayos lang namin ito. Iyong isa sa kanila, Ka Ely, guest natin mamaya sa Istorya ng Pag-asa portion. Nag-call kami ng volunteers ng Monday, sinara namin iyong call ng Tuesday. Ka Ely, Wednesday ano na kami, larga na. Talagang sobrang binilisan namin kasi ang worry namin, Ka Ely, iyong need kasi, ‘di ba. Iyong sa kasagsagan ng pangangailangan, pasok na kami. Actually marami pang alinlangan sa opisina namin kasi una, hindi naman kami, hindi naman namin ito expertise. Talagang aasa kami sa pool of volunteers pati iyong paggawa ng online na mga transactions katulad nito. Hindi rin kami sanay. So sa amin, Ka Ely, ni-roll out namin at saka namin inaaral pa lang. So maraming mga tino-troubleshoot. In fact, Ka Ely, noong Wednesday, ni-roll out namin siya noong parang mga ala-una ng hapon, dinagsa kami. Dinagsa kami ng mga pasyente na nagkokonsulta. Parang alas-dos, parang one hour, one hour lang siyang gumana tapos alas-dos bumagsak iyong system. So talagang nag-troubleshoot, Ka Ely, dahil sa dami nga. Naayos na iyon—Wednesday evening naayos namin iyon so Thursday, tuloy-tuloy ulit. Ang problema kasi nagbacklog kami ng buong Wednesday so hanggang ngayon, Ka Ely, naghahabol kami ng backlog.

     

    Pero ito, Ka Ely, sobrang challenging nito sa amin kasi I think sa lahat ng ni-roll out namin na programa, ito na iyong pinakamahirap para sa opisina. Pinakamahirap siya in the sense na ang daming taong kailangan. Ang daming… ang daming, parang stakeholders. Ang daming stakeholders na kausap. Halimbawa iyong mga pasyente pa lang, iyong mga pasyente pa lang grabe na tapos iba-iba iyong concerns. Ang dami naming limitations. Halimbawa, Ka Ely, kapag nangangailangan na ng hospitalization, hindi namin iyon mapo-provide kasi ang protocols natin, lahat na nangangailangan ng hospitalization, ire-refer natin sa One Hospital Command. So iyon iyong ating limitation. Mabuti na lang, Ka Ely, very helpful na rin naman kahit overwhelmed sila, very helpful naman iyong One Hospital Command. Kausap natin iyong mga LGUs kasi halimbawa iyong… halimbawa iyong concern kailangan lang ng quarantine center, kailangan lang na ma-isolate na walang lugar sa bahay, ang dami-daming mga concerns. Pinakamahirap, Ka Ely, kapag emergency kasi while in-announce namin na para lang kami sa outpatient, hindi namin kaya iyong emergency situations, Ka Ely, kasi wala nga kaming ospital. So kapag emergency, irerefer lang siya sa One Hospital Command, pero hindi rin naman puwedeng kahit hindi siya pasok doon sa outpatient, hindi na namin aasikasuhin. Siyempre kahit hindi namin iyon kaya, talagang maghahanap pa rin kami ng paraan para maasikaso.

     

    So ito, Ka Ely, nagpapasalamat ako sa staff namin kasi mula Monday yata, mula noong nag-call kami hanggang ngayon, marami pa sa amin iyong mga walang tulog kasi ang dami talaga, Ka Ely, na inaasikaso. Paminsan hatinggabi—gaya kagabi, marami ring mga emergency na kailangan makapagugnayan kami sa mga LGU. Pero ano naman, iyong nakakataba ng puso, Ka Ely, ang dami talaga nating mga kababayan na gustong tumulong. Gaya ng sabi ko, Ka Ely, iyong pool of doctors natin almost 500 iyong nag-sign-ups. Hindi pa lang namin natatawagan lahat dahil by batch iyong aming onboarding. Pero, Ka Ely, kahit busyng-busy iyong mga medical doctors natin at a time like this nagvo-volunteer pa rin. So iyon iyong talagang ipapasalamat natin, iyong mga external volunteers natin ano rin talaga, saludo talaga kasi ang dami ngayong naghahanap ng maitutulong lang. So pang-apat na araw na ngayon, Ka Ely. Hanggang ngayon marami pa rin kaming pinaplantsa kaya iyong nakikinig po sa atin na nag-avail, kung mayroon pong slight delay, humihingi kami ng paumanhin kasi sinasabay pa lang namin iyong pag-ayos ng lahat na gusot. Pero hopefully, ngayong pagpasok nitong linggong ito, mas smooth na lahat.

     

    So ano naman, Ka Ely, very rewarding kasi ako, Ka Ely, naririnig ko iyong ibang consultations ano talaga, nakikita ko kasi online naman lahat. Kahit sobrang pagod sa part namin, sobrang pasalamat na mayroon nito kasi ang mga nagkokonsulta, Ka Ely, wala na talagang mapuntahan. Wala silang mapuntahan. Hindi lang ito COVID, pati iyong mga non-COVID cases. Pati mga non-COVID cases. So iyong sa amin, kahit sobrang pagod, sobrang hirap, masaya rin kami na mayroong napupuntahan iyong mga walang napuntahan dahil sa grabe ng kaso ngayon. Kaya marami kaming kailangang pasalamatan, Ka Ely.

     

    ELY: Opo. Ma’am, napakaimportante niyan kasi iyong binabanggit niyo kahit hindi po sa COVID, kasi marami po tayong mga kababayan, lalo na ho siguro iyong mga senior citizen, takot hong pumunta sa ospital kasi ‘di ba, wala ka namang COVID, baka makakuha ka pa ng COVID, eh. Kaya importante ito at maganda ho rito libre. At iyong iba naman, ayaw pumunta, walang pambayad sa konsulta, so ito, libre. Tapos ito, safe na safe po ito, Ma’am.

     

    VP LENI: Oo, ito, Ka Ely, ang pinakasadya niya talaga iyong mga hindi naman kailangang pumunta sa ospital, mayroon siyang matatanungan. Ito, Ka Ely, ngayon ko lang na-realize na ang laking bagay. Iyong dagsa ng pasyente sa amin, Ka Ely, makikita mo na ang—[technical lag]—ini-interview sila ng mga doktor, ano, Ka Ely, ang tagal na nilang kailangan ng medical help pero hindi sila nakaka-seek ng medical help dahil nga COVID. Ito iyong mga usually pumupunta sa mga public hospitals. Ano talaga, ito, Ka Ely, napakalaking bagay na may natatawagan sila, kahit iyong mga COVID, Ka Ely, kahit iyong mga COVID-positive, malaking bagay sa kanila na may natatawagan sila. Halimbawa may symptoms na lumabas na ganito, kinakabahan sila, ano ba iyong dapat gawin.

     

    Kaya kami, Ka Ely, siguro nabasa mo rin ito, nagpapadala kami ng mga COVID care packages. Na iyong mga basic na kailangan nila, nandoon na. Kasi iyong experience namin, Ka Ely, actually hinabol lang namin ito since yesterday—ay, yesterday kami nag-umpisa—iyong karamihan, Ka Ely, imo-monitor sila ng doktor, iyong mga nagse-self-isolate imo-monitor. Usually ang tinatanong ng doktor, ano ba iyong temperature mo ngayon, ano ba iyong oxygen level. Karamihan sa kanila, Ka Ely, hindi nasasabi iyon kasi walang oximeter, walang thermometer. Iyong iba kahit nasa bahay o whatever, hindi rin makakabili ng gamot. So itong COVID care package na pinapadala namin, Ka Ely, kahapon kami nag-umpisa, kinumpleto namin iyong basic na kailangan. Mayroon siyang thermometer, mayroon siyang oximeter, mayroon siyang mask. Kasi ang presumption, Ka Ely, nasa bahay siya. Mayroon siyang mask, mayroong disinfectant na panglinis, pati trashbag mayroon, mayroon siyang mga gamot, iyong mga basic na gamot, iyong mga instructions, pero, Ka Ely, ang instruction namin maghintay sa instructions ng doktor. Kaya, Ka Ely, marami kaming natanggap na requests. Marami kaming natanggap na requests na kung puwede padalhan din sila noong care package. Hindi po kami makakapadala kung hindi natingnan ng doktor namin kasi mahirap magpadala, may mga gamot doon, eh. May mga gamot doon [na] kung hindi dumaan sa amin, baka makasama pa. So humihingi kami ng paumanhin na iyong COVID care package po, nilalaan muna natin sa mga pasyenteng dumaan sa Bayanihan E-Konsulta. Unang-una, kulang naman iyong ating resources so bina-budget natin iyon. Pangalawa, gusto natin binibigay iyon kapag nakausap na siya ng volunteer doctors namin. Kasi iyong mga gamot doon, Ka Ely, kinumpleto din namin iyong basic na kailangan. Halimbawa, mayroon siya sa fever, mayroon siya sa ubo. Dalawang klase iyong sa ubo. Mayroong dry cough, mayroong cough with phlegm, mayroon siyang for allergy, mayroon siyang for sipon, mayroong kung nadedehydrate, mayroong oral hydration salts, may mga vitamins, so ayaw namin na nagbibigay nito na hindi nakausap nang doktor. Para iyong doktor iyong magbibigay ng instructions kung alin lang doon iyong iinumin niya. So ito, Ka Ely, hihingi lang kami ng paumanhin kasi ang dami naming natatanggap na requests sa Facebook. Pero, Ka Ely, pinost ko ito kasi ang dami rin sa aking tumawag. Halimbawa, may mga kaibigan akong mga congressman, tinawagan ako noong nalaman. Sabi niya, puwedeng pa-share kasi gagawin ko rin sa distrito ko. So pinapadala ko, Ka Ely, iyong kopya. Pinapadala ko iyong kopya ng package, pinadala ko iyong kopya ng monitoring sheet, para iyong kaniya-kaniya, puwede nang gumawa sa lugar nila. Mayroon din sa aking nag-text na mga kaibigan na, “Sige, gagayahin ko rin kasi sa mga empleyado namin na nagpa-positive, ganoon din iyong ibibigay ko.” So ini-encourage po natin iyong iba na sa kaniya-kaniyang lugar, kahit sa bahay lang, halimbawa may kasama kayo sa bahay na nagpositive, okay siya na mayroon tayong ganitong package para iyong kailangan during nagse-self-isolate, nandiyan kaagad. So iyon, Ka Ely, malaki siyang bagay. Malaki siyang bagay na mayroon noon. Hindi na nila kailangang bumili sa labas. Lalo na, Ka Ely, iyong oximeter kasi may mga nagpopost on Facebook na pinadalhan namin na nagsasabing buti na lang pinadalhan kami kasi bumibili sana kami sa botika, out of stock ngayon. Mayroon daw yata, Ka Ely, na mga nag-order din online pero parang next week pa darating so malaking tulong siya.

     

    ELY: Opo.

     

    [technical difficulty]

     

    ELY: Okay, sandali. Ayusin lang po natin ang ating linya sa ating Bise Presidente at nawala sa ere, ano. Sandali lang po. Alam n’yo naman ho, mga kasama, iyong quality ng ating internet dito po sa ating bansa ay talagang dapat tayong masanay. Talagang napakasama po, ano, ng serbisyo ng internet dito po sa atin.

     

    Oras na po natin, mga kasama, sa buong kapuluan, 9:20 in the morning. Samantala, tuloy-tuloy lang ho tayo. Napakaimportante ho, mga kababayan, alam n’yo ho dito sa E-Konsulta, ito po ay ligtas na paraan para maka-konsulta tayo nang libre po sa mga doktor, mga kababayan.

     

    So iyan po, ano, ang ilan sa mga... mga bagong proyekto po ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo, mga kababayan. At bukod diyan, mamaya kumustahin natin sa ating Bise Presidente itong Swab Cab. Napakaimportante po nito, ‘di ba, mga kasama.

     

    [music break]

     

    ELY: Okay, samantala, mga kasama, oras na po natin, 9:21 na ho ng umaga. At para ho sa ating mga kababayan, iyong pinakahuling report, mga kasama, as of April 10, ano, 4 PM, ay 12,674 iyong bagong kaso na naitala, mga kasama. Ang dami ho, ano. At dahil diyan, iyong kabuuang 853,209 na po ang kaso. Ang active cases ay nasa 190,245—naku, napakarami po nito ha, mga kasama— Okay na? Wala pa.

     

    At samantala, iyong mga recoveries, iyong mga gumaling po sa COVID-19 ay nakapagtala ng 593 new recoveries, at umaabot na po iyan sa 648,220. Ang mga namatay—ito ho ang pinakamasamang balita—ay 225 ang bagong nadagdag ho sa kabuuang 14,744 na namatay dahil po sa COVID-19. So kaya napakaimportante ho nito, mga kababayan, na patuloy ho tayo na mag-ingat at sundin natin iyong mga health protocols, iyong physical distancing, at iyong pagma-mask ho, iyong face mask at face shield. May nabasa ako sa CDC, ano, mas maganda daw na doblehin na iyong face mask, lalo na kung pupunta ka sa matataong lugar, iyong mga hindi mo maiiwasan na may mga makakasalamuha ka, kahit na mga isang metro pang layo, mga kababayan, ay dapat ho talaga ay dapat doble na iyong face mask, doblehin na, tapos naka-face shield pa, social distancing. Iyan po ang importante sa mga panahong ito.

     

    [music break]

     

    ELY: Okay, oras na po natin, 9:24 na po ng umaga. Okay, balikan natin si VP, si Madam Vice President Leni Robredo. Ma’am, balik ho tayo.

     

    VP LENI: Ayon, Ka Ely. Pasensya na. Iyan iyong problema ng internet dito sa bahay namin—laging ganiyan, kaya actually, Ka Ely, kapag mahahalagang Zoom meeting, kahit bakasyon pumupunta ako sa opisina, kasi ang hirap talaga. Pero pasensya na po.

     

    Kanina, Ka Ely, sinasabi mo iyong Swab Cab—naririnig actually kita, may ano lang, may lag lang sa connection. Pero iyong Swab Cab namin, Ka Ely, tapos na kami sa Malabon. Sa Malabon, almost 1,300 iyong na-swab natin.

     

    Iyong first day natin—kinukuwento ko iyon, iyong first day namin doon, mahina. Mahina kasi maraming ayaw magpa-test. So kami, Ka Ely, iyong second day, nag-incentivize kami. Nag-incentivize kami noong second day: iyong lahat na nagpapa-test, nagbigay tayo ng bigas. Tapos lahat na nagpa-positive ay mayroon tayong food pack para sa pamilya, para habang nasa isolation center iyong family member ay siguradong mayroon silang kakainin. Ayon, dumami na, Ka Ely, noong second day.

     

    So doon sa 1,300, almost 1,300, ang nag-positive, Ka Ely, 80. Eighty iyong nag-positive, so marami talaga. Sabi ko nga, “Kung hindi pala tayo pumunta, baka iyong 80 na iyon, hindi nila alam na positive sila.” Mayroon kami, Ka Ely, na part siya ng partnership namin with Malabon, na iyong mga nag-negative— Kasi antigen testing iyong sa amin, at ito iyong advice ng doktor: Kapag positive, sigurado na iyon na positive, pero mayroong mga nagne-negative na baka hindi lang kaagad na-catch ng antigen testing, so iyong mga nag-negative na mayroong symptoms, o na-contact trace, o nagkaroon ng exposure, the following day ina-RT-PCR. So ito, Ka Ely, substantial number pa din iyong nag-positive doon sa RT-PCR.

     

    Ito, Ka Ely, marami kaming natatanggap na requests for Swab Cab. Pero kami, hindi lang siya simpleng pupunta ka doon, magte-test. Kasi kung wala iyong buong programa, wala din, parang nagsayang lang tayo ng pera. Dapat ang testing, bahagi lang siya ng isang programa. So kaya, Ka Ely, pumunta kami sa Malabon, kasi nag-agree sila doon sa sinuggest namin na programa. Ano iyong programa? Sila iyong nag-groundwork, sila iyong nag-identify saan ba napakadami ng transmission, so sila iyong nagsabi, “Dito sa street na ito.” Tapos habang nagsu-swab test kami, Ka Ely—ang kabutihan sa antigen, 15 to 20 minutes after, nakuha mo na iyong result, so habang nagsu-swab test, mayroon nang ambulansyang naghihintay. So kapag may nagpa-positive, dinadala na doon sa isolation center na tumulong kaming i-set up. Tapos nagko-contact trace na kaagad, para iyong mga na-expose doon sa nag-positive, ma-swab na din right then and there. Tapos iyong RT-PCR na kakambal nito, Ka Ely, kabahagi din siya ng programa. So kaya okay iyong sa Malabon, kasi iyong testing bahagi lang siya ng programa.


    So may mga na-receive kami, Ka Ely, na mga request. Ang iba sa labas ng Metro Manila—mayroong Cavite, mayroong request sa Pampanga, mayroong request sa Bulacan. Pero kapag sinasabi namin, Ka Ely, iyong kailangan namin on the ground, iyong iba sa kanila sinasabi hindi sila ready. Wala na daw silang isolation centers, busy iyong kanilang mga BHERTs para mag-contact trace. Kapag ganiyan, Ka Ely, hindi muna tayo magte-test. Kasi kung hindi lang rin magagawa iyong programa, nagsasayang tayo ng pera.

     

    So iyong susunod natin, Ka Ely—pero ito, wala pang date ngayon, pero malamang this week, sa Marikina. Iyong kausap natin, ang nag-request, si Congresswoman Stella Quimbo, at sabi niya gagawin nila iyong buong programa on the testing. So doon po sa mga nagre-request, iyon po iyong aming... iyon iyong aming requirement—na dapat bahagi lang siya ng programa, kasi kahit ka mag-negative ngayon, bukas puwede ka ma-infect. So dapat ang pinaka-sadya, Ka Ely, nito, iyong mga walang access sa testing ma-test at ma-isolate, para hindi na kumalat iyong transmission.

     

    So... Kaya— Siguro kung may nakikinig po na nagtatanong kung puwede doon sa Swab Cab, iyon po iyong dahilan kung bakit hindi kami kaagad maka-oo. Kasi ayaw po namin na pumunta nang wala iyong programa, at hindi naman namin kaya na kami iyong gagawa noon, kasi kulang na kulang din kami ng tao. So kailangan talaga namin iyong partnership with the LGU, kasi iyong large part po ng programa, LGU po iyong gagawa. Parang sa amin lang, libreng testing, tapos pupunta doon. Kahit nga iyong incentives, puwede iyon sa amin, iyong pagbigay ng bigas, pagbigay ng food packs, puwede iyon sa amin. Pero ang hindi talaga namin kaya, iyong contact tracing, iyong groundwork saka iyong isolation. Kailangan talaga— Kami, willing kami mag-set up ng isolation, pero kailangan namin ng lugar. So sa Malabon, ginawa natin iyon kasi nagbigay sila ng lugar, isang eskwelahan, na iyong paaralan nilagyan natin ng mga tents, para talagang naka-isolate. Tapos may nurse na nag-aasikaso sa kanila. So ito iyon, Ka Ely. Hindi po siya ganoong kadali na makapag-request kung walang commitment na gagawin iyong buong programa.

     

    Kasi ‘di ba, Ka Ely, kahit ma-test ka ngayon, nag-negative ka, bukas puwede kang maging positive. So kung walang programa—mahal din kasi, Ka Ely, iyong isang test eh; ayaw din natin na magsayang ng pera. Ayaw nating magsayang ng pera. So iyon po iyong sagot sa mga nagre-request na hindi po natin mapagbigyan agad, kasi kailangan po natin ng partnership with the LGU.

     

    ELY: Pero Ma’am, ito hong Swab Cab na ito, sa aking pananaw, ito na iyong... parang ito na ho iyong tinatawag na mass testing. Kasi sa Malacañang, sa testing czar, ginagawa nilang literal eh—kapag sinabing mass testing, buong populasyon. Eh ang linaw naman—

     

    VP LENI: Hindi naman. Saka tingin ko, Ka Ely, wala naman yatang bansa na tinest iyong buong populasyon. Hindi ko alam kung mayroon. Pero kapag sinasabi kasi natin, Ka Ely, iyong mass testing, ang gusto nating sabihin mas targeted, na iyong mga lugar na matataas iyong transmission, doon mag-test nang mas marami.

     

    Kasi halimbawa, Ka Ely, ‘di ba mayroon ang DOH na report every day. Kapag tiningnan mo, Ka Ely, ang positivity rate natin nasa 20%, paminsan lalampas pa—may araw na nag-24, may araw na 21—pero kapag tiningnan natin iyong total number of tests, mababa pa din, between 30,000 to 50,000 a day. Iyong sinasabi lang natin, Ka Ely, kulang na kulang ito sa lala ng transmission dito sa atin. Hindi natin— Kapag hindi natin nate-test, eh ‘di hindi natin nagagawa iyong programa, kasi hindi naman tayo nag-a-isolate nang hindi nate-test. Naka-quarantine sila, pero kadalasan sa quarantine, may mga kasama pa rin na iba, baka doon mismo sa quarantine nagkahawaan. So iyong sa akin, Ka Ely, ito sana, na doon sa mga lugar na mataas iyong transmission, dito sana mag-test nang marami.

     

    Ito, Ka Ely, iyong ating nire-request, pero nami-misinterpret yata. Hindi ko alam kung nami-misinterpret o may ibang dahilan, pero ito iyong gusto nating sabihin, kasi may standard naman tayong hinahabol, Ka Ely, eh. Ang WHO standard, dapat less than 5% iyong positivity rate. So ang layo natin sa standard, kasi nasa may 20% tayo eh. Paano natin mapapababa iyon? Mapapababa natin iyon kapag nag-test tayo nang mas marami. Pero hindi siya puwede na basta ka lang mag-test. Dapat targeted iyong testing saka bahagi lang siya ng programa. Kasi kahit mag-test ka nang mag-test nang napakaraming tao, kung hindi ka naman nagko-contact trace, kung hindi ka naman nag-a-isolate, wala din, Ka Ely. So kaya nga iyon din iyong dahilan, kahit ready kami mag-test, ayaw din namin. Ayaw namin na hindi buo iyong programa, kasi ayaw natin magsayang ng resources.

     

    ELY: Opo. At ngayon talagang punung-puno na, ano, iyong mga ospital dito po sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan sa NCR+ Bubble. Talagang ang dami ho Ma’am na nagpa-panic ngayon eh. Kaya ngayon nagkakaubusan ng oxygen, kaniya-kaniyang bilihan. Dapat hindi po ginagawa iyon eh. ‘Di po ba.

     

    VP LENI: Nabalitaan ko nga, Ka Ely, na nagkakaubusan ng oxygen kasi nagpa-panic din iyong tao. Kapag sinabi kasing ubusan na iyong supply, kahit iyong iba wala pa namang sakit, may pambili, ginagawa na iyon. Kaya iyon lang iyong pakiusap natin, na sana huwag ganoon, kasi marami iyong maaapektuhan.

     

    Pareho din iyon, Ka Ely, noong vaccine. Kasi, Ka Ely, nakikita ko—ako, marami akong kakilala, kaibigan iyong iba, na nagpabakuna na dahil talaga namang nandoon sila... nandoon naman talaga sila doon sa... ano iyon, iyong less than 60 na may comorbidity. Pero sa akin, iyong suggestion ko lang, Ka Ely, sana may subgroup pa iyon—sana iyong mga less than 60 na may comorbidity, unahin sana iyong walang capacity mag-work-from-home. Kasi iyong iba work-from-home naman, nasa bahay lang, tapos nakipag-unahan pa sa vaccine. Sana mauna—at tulungang hanapin sila, kasi ang iba hindi naman marunong mag-register online, so dapat mas proactive iyong pagyaya.

     

    Halimbawa, Ka Ely, sino ba iyong mga hindi makaka-work-from-home? Sabihin na natin lahat na healthcare workers nabakunahan na. Pero sino iyong hindi makaka-work-from-home? Halimbawa iyong mga drivers ng public transportation, iyong mga nagtatrabaho sa mga botika, sa mga grocery, iyong mga vendors sa market. Iyon, Ka Ely, wala iyong capacity na mag-work-from-home, so sana sila iyong unahin. Huwag na sana muna makipag-unahan iyong sa bahay naman nagtatrabaho, kasi kulang pa iyong bakuna ngayon. While legally, Ka Ely, ano naman, naka-schedule na sila, so hindi nila kasalanan na nagpabakuna na sila, kasi talagang naka-schedule na din iyong less than 60 na may comorbidity—iyong tinatawag natin na A3 group. Pero iyong suggestion ko lang sana, Ka Ely—siguro sa DOH, sa IATF, sa mga LGUs—na sana mas proactive iyong pagyaya, mas proactive iyong pagyaya noong mga kababayan natin na less than 60 pero walang capacity mag-work-from-home, kasi sila talaga iyong sobra ang exposure.

     

    Kahit sa opisina namin, Ka Ely. Actually niyayaya na ako, Ka Ely, kasi hypertensive nga ako. Sinabi ko, sinabi ko sa chief of staff namin, “Unahin natin, hanapin iyong mga less than 60 na may comorbidity, na sila talaga iyong mas babad sa community.” Kasi kahit, Ka Ely, ako bumababa sa community, hindi ako kasing babad kaysa doon sa iba naming staff. Kasi may mga staff kami, Ka Ely—halimbawa iyong mga drivers namin, sila iyong nagdedeliver ng mga binibigay namin. Mayroon kaming mga staff na sila iyong nagpapakain sa communities, sila iyong— Halimbawa, iyong mga staff namin na nagma-man noong aming mga Swab Cab. Sila iyong mas vulnerable.

     

    So iyong pakiusap sana natin, Ka Ely, sana unahin natin—kahit po, iyon nga, hindi naman kasalanan talaga ng iba, pero sana iyong mga nagbibigay ng mga vaccine, sana magkaroon ng mas proactive na pagyaya doon sa mga taong hindi kaya mag-work-from-home dahil iyong mga trabaho nila wala talaga sa bahay. So sana ganoon, Ka Ely. Kasi mayroon akong mga kaibigan na nagkukuwento na “nag-register ako online, nakapasok kaagad ako kasi matumal yata iyong takers.” Pero kung matumal iyong takers, Ka Ely, kasi baka—hindi ako sigurado, pero ang mga naiisip ko lang, baka iyong iba kasi walang capacity na mag-register online.

     

    Iyong iba takot, takot sa bakuna. Kaya kami ngayon, Ka Ely, marami kaming ginagawa na effort para makatulong sa tiwala sa bakuna. Hopefully mailabas na kaagad iyong mga information materials na iyon. Pero maraming takot kasi hindi naiintindihan, o nakukuwentuhan ng kung ano-ano na nakakatakot tungkol sa pagbabakuna. So kailangan mas proactive tayong magkumbinse, mas proactive magyaya.

     

    Kung kailangan na online lahat na registration, sana may volunteers na tumutulong na i-register iyong mga kailangang i-register. Ano na, magtulungan na tayo. Kasi halimbawa, sa opisina namin, Ka Ely, iyong drivers namin na may comorbidities, sinabihan ko iyong mga staff na tulungan n’yo na, tulungan na sila na mag-register, kasi iyong iba, “ayaw ko na kasi hindi naman ako marunong, hindi ako marunong mag-register online.” So iyong mga iba po na nagtatanong kung ano iyong puwedeng magawa, isa ito sa mga puwedeng volunteer areas: Sa mga lugar ninyo, alamin kung may mga vaccines pang available, tapos kung mayroon kayong mga kakilala na hindi talaga kayang mag-work-from-home dahil iyong nature ng trabaho niya ay sa labas, siguruhin natin na mauna na sila sa linya, para kapag lumalabas sila, nagtatrabaho, mas protected na sila.

     

    ELY: Opo. Pero, Ma’am, iyong FDA ay inaprubahan na iyong paggamit ng Sinovac sa mga senior citizen, pero sa AstraZeneca, iyong edad 60 below ay hindi na puwede. Maraming kinakabahan, iyong mga 60 below na tinurukan ng AstraZeneca.

     

    VP LENI: Actually, Ka Ely, malaki iyong debate tungkol diyan. Malaki iyong debate tungkol diyan, kasi I think iyong basis noon, kasi mayroong reported cases ng blood clot. Pero ang sinasabi naman ng ibang mga doktor, sobrang kaunti, sobrang kaunti ng kasong iyon, at dito nga sa atin wala ngang cases na ganoon.

     

    Ako, ayaw ko, Ka Ely, na—hindi naman ako eksperto doon eh. Hindi ako eksperto doon. Ako, magtiwala tayo na iyong FDA ay gagawin iyong nararapat. Ang debate lang, parang sinasabi ng ibang doktor, “Totoo, mayroong mga risks, pero lahat naman na bakuna may risk, pero iyong benefits far outweigh the risks.” So ito, sana ma-resolve siya as soon as possible. Gaya ng Sinovac, mayroon ding natatakot na mga seniors. “Bakit dati bawal, tapos ngayon puwede na? Dahil ba wala nang supply noong isa, kaya sinabing puwede na ito?”

     

    So sa akin, Ka Ely, iyong communication napakahalaga, kasi mataas na nga iyong mistrust sa vaccine, kung hindi pa maayos iyong communication, lalong madadagdagan iyong natatakot. So iyong sa atin, iyon sana iyong ayusin: paano ba iko-communicate sa tao na dapat hindi sila natatakot sa bakuna. Kapag paiba-iba kasi, Ka Ely, lalo silang magdududa.

     

    ELY: Opo. Okay, Ma’am, at siyempre, sa mga naapektuhan ng ECQ dito po sa NCR+ Bubble ay nagsimula nang ibigay iyong ayuda sa ating mga kababayan, at ang dami ring mga nangyaring kapabayaan, kakulangan, kapalpakan. Parang ngayon lang tayo nagbigay ng ayuda eh. [chuckles] Eh noong nakaraan ay namigay na rin tayo, pero grabe ho, at mukhang hindi naorganisa masyado iyong sa distribution, Ma’am.

     

    VP LENI: Oo nga, Ka Ely. Tingin ko iba-iba naman. Per LGU iba-iba iyong experience. Pero, Ka Ely, parang hindi na tayo natuto, ano? Parang hindi na tayo natuto kung paano aayusin ito. Kasi last year ganito din iyong naging problema. Dapat hanapan na talaga ng sistema iyong ganito, kasi lalo na ngayong pandemic, kapag hindi maayos iyong... ano ito... hindi maayos iyong distribution, baka nagkakahawaan pa doon sa linya eh.

     

    ELY: Oo nga po. Kunsabagay, binigyan po ng DILG ng kaniya-kaniyang diskarte ang bawat LGU. Siguro depende din sa kanilang mga lugar, ‘di po ba, Ma’am? Kung sobrang dami eh sila po ang dapat na dumiskarte dito. Pinakamatindi dito, Ma’am, maiwasan iyong mass gathering, kasi kapag pinalabas mo sa bahay ang mga iyan, parang ang gobyerno ang lumilikha pa na magtipon-tipon sila, at iyong posibilidad na magkahawaan.

     

    VP LENI: Totoo. Totoo iyon, Ka Ely. Mayroon kasing mga lugar na sobra talaga, iyong grabe ang tao. I think mas mahirap din i-manage, kaya mahirap din maghusga kasi iba-iba iyong sitwasyon. Pero iyong sa akin, siguro kaniya-kaniyang diskarte din sa mga barangay, dahil mas kilala nila iyong barangay nila. Mas kilala nila iyong barangay nila, dapat naiisip na nila kung paano gagawin iyong diskarte. Kasi may mga lugar, Ka Ely, na para hindi mag-ipon-ipon, parang binahay-bahay. I think iyong Pasig ganoon iyong ginawa. Iyong Valenzuela yata, mayroon ding ibang paraan, parang mayroong schedule—hindi masyadong klaro, pero mayroong schedule, so mas maayos. May mga lugar naman na mahaba iyong pila. So sa akin lang, Ka Ely, siguro diskarte na ito ng mga barangay, diskarte na ng mga barangay kung paano nila gagawin. Minsan din, hindi mo din ma-blame iyong barangay, kasi ang ibababa sa kanila ganito lang na numero, pero ang daming mas nangangailangan. So kadalasan nagagalit pa sa barangay, na hindi naman nila kasalanan, kasi ito lang iyong allocation sa kanila. So ito talaga, Ka Ely—ang iba ngang barangay, parang ayaw na lang nila na may ganito, dahil lalo lang... dahil sa kanila pa nagagalit, lalo lang nag-aaway-away, kung hindi lang rin mabibigyan iyong lahat na nangangailangan. Malaking tulong, malaking tulong na nabibigyan, pero kailangan kasi mas maging understanding tayo ngayon, kasi ang dami talagang naghihirap.

     

    [END OF FIRST GAP]

     

    ISTORYA NG PAG-ASA SEGMENT

     

    ELY: Opo. Okay, Ma'am, at siyempre ito ang ating Istorya ng Pag-asa. Dumako na ho tayo, importante ho ito para makapagbigay ho ito ng inspirasyon sa ating mga kababayan na iba mga makatutulong pero kahit na limitado ang kanilang—di ba, ang sitwasyon o anuman, ay talagang nagbibigay po ng inspirasyon. Ito po ang ating Istorya ng Pag-asa, ma'am. Nasa linya na natin.

     

    VP LENI: Alam mo, Ka Ely, bisita natin ngayon nahihiya na kami sa kanya [chuckles]. Nahihiya na kami sa kanya kasi okupado namin ito halos buong linggo. Halos buong linggo dahil nga kasama siya doon sa tatlong doktor na halos nagfu-fulltime sa amin ngayon para maalalayan lang iyong roll-out ng ating Bayanihan E-Konsulta. Iyong bisita po natin ngayon isang medical doctor, si Dr. Raymond John Naguit. Pero Dr. RJ ang tawag namin sa kanya. Dr. RJ, good morning sa iyo.

     

    1. RAYMOND JOHN NAGUIT: Good morning! Good morning, VP Leni, Ka Ely, at sa lahat po ng nanonood ng BISErbisyong LENI.

     

    VP LENI: Ayon. Si—actually, ikuwento natin, Dr. RJ sa kanila kung papaano ka namin nakilala. Kasi noong ni-roll-out—actually, fina-follow ko si Dr. RJ sa Twitter so nakikita ko na talaga na public health advocate siya. Saka mental health advocate. Mula pa noon ang kanyang mga tweets ay nakikita ko na pinupush talaga ang community-based—community-based na health programs na iyon din ang pinapaniwalaan natin. Tapos ang laking mental health advocate ni Dr. RJ. Siguro, Dr. RJ, bigyan lang natin ng background ang mga nanonood sa atin ngayon. Papaano ka na-involve o papaano mo na-decide na i-advocate iyong public health saka mental health?

     

    1. RAYMOND JOHN NAGUIT: Opo. Actually ang sa mental health po, napakapersonal kasi ng reason. Nagsimula po ako na isang advocate na iyon nga, before po nagkaroon ako ng experience na iyong isa sa mga malalapit ko sa pamilya namin ay nagkaroon ng suicidal ideation. At noong high school pa lang po kasi ako noon, during that time. So hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko. And siguro dahil doon sa frustration na iyon na hindi ko alam ang gagawin, iyon ang nagtulak talaga sa akin na mag-advocate ng mental health. Tapos later on, iyon po, naging kongkreto na siya noong lina-lobby mo namin ang mental health law dati noong 2016, doon po nagsimula talaga iyon. So napakarami talagang mga advocacy awareness sessions at iyon po talaga ang nagpa—nakatulong sa akin, ano, para mas mapalalim pa iyong advocacy na hindi lang siya personal, pero ito rin ay shared na issue na kinakaharap ng mga kasama natin. Lalo po ngayon na nasa pandemiya tayo. Iyong mga dating walang mental health condition, posible ngayon nakakaranas na sila ng some form of mental health problem. Tapos iyong mga na-diagnose naman dati pa, o kaya iyong mga gumaling na, posible ngayon maging severe ulit o kaya bumalik ang mga ganitong concerns. So ano siya, totoong-totoo po talaga siya at ano siya, dikit talaga siya sa mga issues na kinakaharap natin ngayon.

     

    VP LENI: At ano, Dr. RJ, ‘di ba, nakikita naman natin—nakikita mo iyong mga humihingi sa atin ng tulong. Marami doon. Marami sa humihingi sa atin ng tulong iyong problema talaga, mental health. Kaya nga ikaw ang aming pinakasource—resource pala. Pagdating sa mental health. Makikita natin na very real talaga siya and I think kahit, Dr. RJ, marami pa tayong kailangan gawin? Marami pa tayong kailangang gawin as far as iyong mental health is concerned. Iyong mga—may mga steps tayo na tini-take na improvement na from the past, ‘di ba? Kasi ‘di ba dati parang hindi nire-recognize ang mental health as a real issue on the ground, ‘di ba? Tapos mabuti naipasa na ang Mental Health Law. Ngayon is na talaga siya sa kino-consider na iyong mga areas na malaki ang—hindi lang malaki ang potential ayusin, pero malaki talaga ang need. So nagpapasalamat kami sa iyo dahil ang laki—nakikita ko mayroon tayong thread tungkol doon. Nakikita natin ang pangangailangan talaga. At magpasalamat din tayo, Dr. RJ, sa mga organizations. Mga organizations na ang advocacy din mental health kasi marami ang nag-reach out sa atin, di ba? Maraming nag-reach out sa atin na nag-offer ng partnership.

     

    Pero ito, Dr. RJ, siguro mag-shift ako nang kaunti. Kasi nag-reach out ka sa amin noong ni-launch namin ang Swab Cab, ‘di ba? Parang sinasabi mo na gusto mong magvolunteer doon. Alam ko ang dami mo nang ginagawa ngayon pero ano ang nagbubunsod sa iyo kung bakit na gusto mo na—sa dami ng ginagawa mo nagvovolunteer ka pa sa isang initiative na gaya ng Swab Cab?

     

    1. RAYMOND JOHN NAGUIT: Opo. Actually dati po parang bago pa magkaroon ng launch po ng Swab Cab, nagswab test na rin po ako sa mga nasa community, sa mga partner po ng mga NGO namin kasi iyong kung saan po ako nagko-consultancy ngayon ay community-based na, NGO rin po siya. So ginagawa ko na siya before, pero sa tingin po mas malaki talaga ang potential kapag na-link po ang ano, iyong mga services na iyan to an institution. So and of course iyong direktang access ngayon, iyon po talaga ang ano, iyong kailangan talaga. And iyon nga po, the past few weeks kasi lalo na noong hindi pa ina-announce iyong ECQ, tapos napapansin mo na na mukhang pataas na uli ang mga kaso, ang bigat sa feeling. Kasi parang nauulit nalang ang nangyari last year. So unti-unti nagkakaroon ng restrictions. Tapos ramdam mo talaga iyong mga tao sa ground mukhang nahihirapan talaga sila. Nangangamba sila doon sa trabaho nila, lalo na iyong mga nasa no-work, no-pay na ano, na scheme ano. And iyon nga po, isa rin sa mga napansin ko while doing community work before ay parang hindi naka-sentro ang pag-uusap sa health doon sa tao mismo. Ako, parang, kaya malaking advocate po talaga ako ng public health kasi dapat hindi naiiwan ang public doon sa health system. So ayon po iyong isa sa mga advocacy ko rin na ibalik natin iyong ano, ang pag-uusap sa public health doon sa tao talaga. Kasi at the end of the day, parang sa tingin ko po hindi talaga maging sustainable—kung, kahit anong initiative iyan kung hindi po alam ng mga tao kung paano papangalagaan ang sarili nila. And iyon nga po, parang E-Konsulta na ano, na program, actually provided a way ano para hindi lang po magbigay ng health interventions, kasi iyon po ang immediate concern. Ano ba iyong mga gamot na iinumin, ano ba ang mga gagawin kung sakaling bumaba ang oxygen o nagkakaroon sila ng sintomas. Pero ako, iyong teleconsultation, nakikita ko rin po siya bilang isang platform na mag-educate at mag-empower ng mga nasa community. Kasi marami naman po talaga silang ginagawa na para alagaan iyong kanilang mga mahal sa buhay. Pero kailangan lang po talaga nila ng minsan guidance mula sa isang health professional. At kung ili-link din po natin siya doon sa mental health component, malaking bagay rin kasi kapag nakakausap silang health professional. I remember recently mayroon pong statistics na nagsasabi na mayroong mga Pilipino na namamatay without even seeing a doctor. So iyong mga ganoon ba, na kahit through phone lang. Kahit napalimitado ng puwede nating gawin online, nabibigyan po natin sila ng kaunting abiso patungkol sa kanilang kalusugan.

     

    VP LENI: Ito, Dr. RJ siguro ang isang itatanong ko sa iyo, kasi ngayon halos full-time kayo. Ang kasama po ni Dr. RJ ang anak ko si Tricia, saka si Dr. Keisha, Si Dr. Keisha ay anak din ng isang staff namin sa OVP. Silang tatlo ang halos full-time na tumutulong talaga sa amin, maraming ginagawa. Nagta-triage, nagte-teleconsult. Sobrang dami. Pero, Dr. RJ, in the past 3 days, kasi fourth day natin ngayon. Ano iyong mga experiences mo doon sa mga pasyenteng nakausap mo at tingin mo ano iyong na-fill natin na gap, tapos ano iyong lessons?

     

    1. RAYMOND JOHN NAGUIT: Una po sa lahat siguro iyong ano pag-decongest talaga ng mga hospitals. I think, siyempre hindi naman po ako, hindi ko naman sasabihin na malaki na agad iyong natulong natin, pero sa tingin ko ano siya, iyon po ang isa sa mga gap na tina-try nating i-address na i-address natin ang mga COVID as well as non-COVID cases kasi po ngayon iyong isa sa mga napapansin natin na kapag iyong isang ospital ay nasabi nila tumatanggap ng COVID, siyempre ang mga tao medyo nag-aalangan na na pumunta doon. Pero siyempre hindi po natin maiiwasan na minsan mayroon talagang mga emergency na mga cases. So napupunta talaga sila doon. And ang challenge po doon ay walang beds na available para sa kanila, or medyo matagal bago sila mabigyan ng bed, or ma-accommodate. Pangalawa po ay siyempre iyong ano, mga tanong patungkol sa bakuna, kasi marami rin po kaming nafaflag na vaccine-related…

     

    VP LENI: Marami-rami iyon…

     

    1. RAYMOND JOHN NAGUIT: Opo, lalo na kung mayroon silang kunwari high blood o kaya other comorbidity—iyong mga tanong ba na ganun. Madali silang sagutin, mabilis lang iyong ganoong teleconsult, pero malaki rin iyong ambag niya doon sa pagkumbinse sa mga tao na magpabakuna kasi nirorollout na po natin iyan ngayon. Tapos nandiyan rin po iyong mga nasa home isolation. Kasi po siyempre iyong isa rin sa mga inaadvocate po ngayon iyong home-based isolation kasi nagkakapunuan na po sa mga ospital, lalo na kung mild to moderate na mga cases naman, hindi naman ganoon ka-severe iyong mga symptoms, pwede rin po silang mag-home isolation. Pero iyon nga po, kung ano iyong mga sintomas na kailangan nilang bantayan, ano iyong mga medications o management na puwede nating ibigay, malaking tulong po iyon doon sa mga nagho-home isolation siguro.

     

    VP LENI: Saka ano DR. RJ, ‘di ba, saka DR. RJ naririnig ko rin kasi iyong ibang conversations, parang after nilang nakakausap kayo sobrang pasalamat nila—sobrang pasalamat nila na may nakausap na doktor. Parang naaappease iyong kanilang mga takot.

     

    1. RAYMOND JOHN NAGUIT: Actually ano po, iyong isa sa mga napansin ko rin recently, kasi iyong E-Konsulta natin, nililink din po natin sila sa mga ano e, sa mga ibang pangangailangan nila, so I think iyon iyong isa sa mga model na sana ma-pick up ng ating gobyerno na parang streamlined siya. Kunwari pagkatapos nating maidentify na nag-home isolation ito, iyong OVP po ay nagpo-provide ng COVID Care Kit, so nandoon po iyong mga disinfectant, iyong mga mask nila, iyong mga basic na mga gamot. Ako iyong favorite ko talaga diyan iyong home monitoring tracker, kas inga po ito iyong isa rin sa mga inaadvocate natin na sila mismo iyong nagfifill out, ano ba iyong mga O2 saturation levels, ano iyong temperature nila, so it actually provides a space for them to be empowered doon sa mga ano nila, sa mismong kalusugan po nila.

     

    VP LENI: Saka ano talaga… Ako isa din na napansin ko Doc RJ na, iyong iba parang kumakati pa lang iyong lalamunan, natatakot na talaga. Natatakot na talaga, nagsi-seek na ng help, gusto lang nilang… kapag ang doktor ang nagsabi na hindi pa naman iyan COVID, kailangan lang nating imonitor iyong symptoms, parang sila naaappease. Pero Doc RJ, hindi ko alam kung nasa thread ka pa kagabi, midnight na, iyong isa mga frustrating para sa akin iyong biglang bumagsak na oxygen level, biglang babagsak na oxygen level, halimbawa minsan nasa 70s na, tapos walang ospital na available. Kailangan pa nilang maghintay ng ma-accommodate sa ospital, and I’m sure kayong mga doktor ganoon din. Kasi kanina, kagabi, nakikita ko iyong mga thread. Iyong mga doktor natin nagbibigay na ng instructions, na kailangan makabit na iyan sa oxygen habang naghihintay ng ospital kasi baka hindi kayanin, iyong mga ganoon. Parang para sa akin, ang laking bagay na may mga doktor on call for situations like that kasi kapag doktor na iyong kausap ng mga family member, kahit papaano napapanatag sila. I’m sure sa mga nagkokonsulta sa iyo nararamdaman mo rin iyong ganoon.

     

    1. RAYMOND JOHN NAGUIT: Opo, and minsan sa part din po ng doktor nafufrustrate din po kami e, lalo na kung hindi namin maibigay iyong ideal na management doon sa pasyente. Pero iyon nga po, kaya nga I think iyong mga ginagawa nga po natin ngayon, mga ano sila, mga stop gap measures, pero at the same time kailangan po nating ilink ito doon sa malawakang pagreform ng ating health system. So kumbaga ano, napag-usapan niyo po kanina na kailangan i-scale up talaga iyong testing, management ng mga non-COVID cases, iyon din po iyong ano, dapat tinutugunan ng pansin ng ating government.

     

    VP LENI: Oo ‘di ba kasi, Doc RJ, ang dami din sa ating nagkokonsulta na hindi talaga COVID—hindi talaga COVID tapos iyong iba, ang tagal na nilang naghihintay na matapos ito para makapagpacheckup, pero hindi sila nakakapagpacheckup dahil nga sa COVID pa, takot silang pumunta sa ospital. So ang laking bagay talaga. Pero kami, Doc RJ, wala na tayong oras pero gusto naming magpasalamat sa iyo. Humihingi kami ng paumanhin na lagi ka naming nagagambala. Sinasabi ko nga sa iba nating kausap na, siguro maplantsa lang natin iyong buong proseso ay baka gumaan-gaan iyong load. Kasi ngayon talagang grabe iyong load natin kasi sinabay natin sa pag-aral iyong pag-rollout, at kasalanan ko iyon, Doc RJ. Kasi sinabi ko sa team na mag-tweak na lang tayo along the way, i-rollout na natin kasi ang daming nangangailangan ngayon. So marami tayong inaasikaso sa backend pero nagpapasalamat kami sa mga doktor na kagaya niyo na parang dinevote na talaga iyong sarili sa kawang-gawa.

     

    1. RAYMOND JOHN NAGUIT: Ako rin po gusto ko ring magpasalamat kasi while doing teleconsults, nakukuha ko rin po iyong sense of fulfillment kasi parang, iyon nga po sabi ko nga sa inyo kanina, parang medyo mabigat talaga iyong feeling noong hindi pa nag-a-announce ng ECQ. So eto, parang kongkretong ambag ito, na for… one of my realizations po talaga recently ay iyong kapag pinag-usapan po natin iyong pag-asa, minsan nakukuha natin siya doon sa tuluy-tuloy na pagkilos. Ngayon po ang dami nating ginagawa, so siguro ano rin ito, nagiging source rin siya ng pag-asa para sa akin.

     

    VP LENI: Iyon. Nagpapasalamat kami sa iyo, Doc RJ. Sayang wala nang oras. Hindi ko sa kanila nakuwento na registered nurse ka din. Ka Ely, registered nurse din itong si Doc RJ. Pagkatapos niyang maging registered nurse ay nagdoktor na tapos dinevote talaga iyong advocacy sa public health saka sa mental health. So maraming salamat sa iyo, Doc RJ—linggo ngayon pero nagtatrabaho pa rin tayo. Maraming salamat!

     

    ELY: Okay, salamat, Doc!

     

    VP LENI: Ka Ely…

     

    ELY: Okay, Ma’am, at bago tayo magpaalam…

     

    VP LENI: Wala na tayong—

     

    ELY: Yes, Ma’am wala na tayong oras, at bago tayo magpaalam, Ma’am inyo pong mensahe sa ating mga kababayan na nakikinig ngayon nationwide, netwide.

     

    VP LENI: Kami lang, Ka Ely, dati pa din. Iyong mag-iingat, iyong hindi… Kung mayroong kasama sa bahay—ito siguro iyong bago na inaadvocate natin—kung mayroong kasama sa bahay na laging lumalabas dahil nagtatrabaho, mas mabuti na sa loob ng bahay naka-mask pa rin. Gaya sa amin, Ka Ely, ako nag-o-opisina ako everyday, iyong isa kong anak nagtatrabaho, nagduduty sa ospital, nagki-clinic, so dito sa bahay naka-mask kami lahat para maiwasan. Sa amin po, iyong Bayanihan E-Konsulta ay available, pumunta na lang po sa ating Facebook page.

     

    Mayroon lang akong isang gustong isingit bago tayo magpaalam. Ang iba kasi, pumupunta sa amin para doon sa medical certificate. Di ba, Ka Ely, may mga opisina na humihingi ng parang, “fit to work” o parang medical certificate, ako po humihingi kami ng paumanhin, hindi po tayo nagbibigay ng ganyan. Kasi iyong mga doktor pong volunteers natin, ayaw din nilang mag-issue ng medical certificate at fit to work na hindi nila personal na nakita iyong pasyente. So iyong sa akin po, ang inaasikaso lang po natin ngayon, iyong mga outpatient na may immediate na medical help na kailangan. Gustuhin man po nating mapagbigyan lahat, nagiging careful lang po iyong mga doktor natin na ayaw nilang magbigay ng ganoon, ng fit to work, na hindi naman nila nakitang personal iyong pasyente. So kami po, while gusto naming makatulong—kung may nararamdaman kayo, puwede iyan sa atin, pangangailangan ng may makausap na doktor, puwede iyan sa atin—pero iyon lang, iyong issuance lang Ka Ely, iyong issuance ng fit to work certificate, iyon ‘iyong hindi natin magagawa.

     

    ELY: Opo. Okay, Ma’am, salamat po. Ingat po kayo at ingat po tayong lahat.

     

    VP LENI: Maraming salamat!

     

    ELY: Okay, mga kababayan, iyan po ang ating Bise Presidente Leni Robredo. Maraming salamat sa inyong pagsubaybay dito po sa BISErbisyong LENI dito po sa RMN. Muli po, isang magandang umaga, Pilipinas.

     

     

     

    -30 -

     

    Posted in Transcripts on Apr 11, 2021