This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI Episode 202

    BISErbisyong LENI Episode 202

    ELY: Magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas, at Mindanao! Isa na namang edisyon ng BISErbisyong LENI dito po sa RMN. Ngayon po ay araw ng Linggo, March 21, 2021. Mula po rito sa DZXL 558 Manila, tayo po ay napapakinggan sa RMN DYHP Cebu, RMN DXCC Cagayan de Oro, RMN DXDC Davao, RMN DWNX Naga, at siyempre, sa lahat po ng inaabot ng ating broadcast nationwide, netwide, magandang umaga! Ako pa rin ho ang inyong radyoman Ely Saludar. At siyempre, kasama po natin ang nag-iisang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si Madam Vice President Leni Robredo. Ma’am, good morning!

    VP LENI: Good morning, Ka Ely! Good morning po sa lahat na nakikinig sa atin ngayon sa DZXL. Good morning din po sa mga nanonood sa atin sa Facebook Live sa amin pong VP Leni Robredo Facebook page at saka RMN Facebook page. Sa atin pong mga kababayan sa Bicol, marhay na aga saindo gabos. Sa ating mga kababayan sa Visayas at Mindanao, maayong buntag. Good morning, Ka Ely.

    ELY: Opo. Good morning at pahapyaw lang ho, Ma’am, iyong mga naging aktibidad ng inyo pong Tanggapan sa gitna po ng nako, ng patuloy na tumataas na kaso ng COVID dito po sa ating bansa.

    VP LENI: Sa opisina namin, Ka Ely, tuloy-tuloy iyong requests for PPEs at saka mga medical supplies. Kaya kami ay dinoble ulit namin iyong manpower namin na kailangan magdistribute, magrepack. Gaya noong una noong March hanggang August na levels, ginagaya ulit namin ngayon. So tuloy-tuloy ulit tayo—PPEs at saka medical supplies. Marami na naman, Ka Ely, iyong requests na natatanggap natin. Ako, Ka Ely, ako mismo galing ng Iloilo. Ito talaga, Ka Ely, matagal na siyang naka-set. Matagal na siyang naka-set na biyahe dahil marami kami roong mga programa na hindi ko pa nabababaan iyong iba. So nasa Iloilo ako ng Monday hanggang Wednesdsay. Punong-puno iyong schedule ko noon, Ka Ely. Siguro daanan ko lang, Ka Ely, para magpasalamat din ako doon sa mga partners at saka mga LGUs na pinuntahan natin. Noong Day 1 namin, pagkadating na pagkadating ko pa lang from Manila, ito ang pinuntahan namin ng Day 1, Ka Ely, lahat ito south—lahat na southern towns. Nag-umpisa kami sa San Joaquin. Ang San Joaquin ay ano ito, boundary na siya, nasa border na siya sa south. Ang nasa kabila niyang town, Ka Ely, Antique na. So iyong San Joaquin, ang project natin doon namigay tayo ng mga more than 200 na mga toilet bowls. Binisita natin iyong mga recipients at saka iyong mga kabahayan na nilagyan. Ang pinuntahan namin, Ka Ely, isang fishing community. Isa siyang coastal community na mahirap talaga pero sobrang saya ng mga tao na finally, mayroon na silang sariling banyo. Ang kasama namin—kasama namin iyong local officials. Kasama namin si Vice Governor. Kasama namin si Mayor, Vice Mayor, at saka mga councilors, at saka iyong mga barangay officials. At saka iyong municipal health officer nila, Ka Ely. Ang minomonitor nila na after nang magkaroon ng mga toilet bowls iyong mga tao—sariling toilets iyong mga tao—iyong mga sakit sa parasitism tapos iyong mga gastro na sakit ay dramatically nabawasan. In fact, naging awardee sila, Ka Ely, na iyong Zero Open Defecation na parang target ng probinsya, naging awardee sila because of that. Ang problema lang nila ngayon during the pandemic, marami iyong mga—marami iyong mga bagong households. Ito raw iyong mga dati multiple households in one house. Dahil nagpandemic, parang, humiwalay na iyong iba kasi siksikan sila doon. Lahat nasa bahay lagi. So iyong mga bagong households, iyon ulit iyong tutulungan natin in the future.

     

    Pagkagaling namin, Ka Ely, sa San Joaquin, pumunta kami sa Guimbal. May binisita din kami doon na parang isang coastal community din. Magkakatabi ito halos, Ka Ely. Pagkagaling namin ng Guimbal, pumunta kami ng Tigbauan. Iyong Tigbauan naman, Ka Ely, dalawang lugar iyong pinuntahan natin. Talagang iyong pupuntahan lang natin doon mayroon tayong Community Learning Hub. Pero naimbita tayo noong munisipyo, noong LGU, na bisitahin iyong parang monument nila sa Panay landing kasi doon yata, Ka Ely, nagland iyong mga American soldiers noong ili-liberate na iyong Pilipinas. So mayroon silang malaking monument at magse-celebrate sila ng parang anniversary noon, noong Thursday, March 18. So noong nalaman ni Mayor na pupunta ako. Sabi niya baka puwedeng dumaan sa monument, parang advance na commemoration na rin. So ginawa natin iyon. Pagkagaling natin ng Tigbauan Community Learning Hub, pumunta tayo sa Oton at binisita naman natin doon mga farmers. Pagkaling nating Oton, pumunta tayo sa Sta. Barbara. At sa Sta. Barbara naman, Ka Ely, parang Tigbauan. Mayroon tayong Community Learning Hub. Pareho iyong kuwento, Ka Ely, ang laking bagay sa kanila na may napupuntahan iyong mga bata na may tutors. Tapos iyong mga computers na pinadala natin ay nagagamit ng mga college students na walang gadgets. Kailangan na lang natin i-improve doon iyong Wi-Fi connection kasi iyon iyong pinaka-problema nila pero maraming nakikinabang. At nagpapasalamat tayo sa support ng LGU at saka sa maraming volunteers na sila iyong mga tutors natin sa mga Community Learning Hubs.

     

    Pagkagaling namin, Ka Ely, ng Sta. Barbara, medyo gabi na ito, dumaan kami ng Cabatuan. Ang Cabatuan naman, Ka Ely, binigyan natin iyong isang federation ng farmers group doon ng mga equipment. Sobrang saya. Doon nga kami nagabihan. Pero sobrang saya noong kuwentuhan namin doon mismo sa farm nila. Kasi, Ka Ely, doon ko lang na-realize kung gaano kaimportante na nagme-mechanize ng mga farms. Kasi ang kuwento nila, Ka Ely, bago tayo nagbigay, ang gamit nila kalabaw. Ang sabi nila, Ka Ely, para iararo nila using iyong kalabaw, iyong isang one hectare na farm, isang linggo nila ginagawa tapos hard labor din talaga para sa kanila. Pero ang sabi nila, noong mayroon na silang equipment, iyong one hectare, two hours na lang daw ginagawa. So ang laki talagang bagay. Maraming natutulungan. Tapos parang naging fundraising pa siya ng mga farmer groups tapos nakabigay pa sila ng employment para sa mga operator noong ating equipment. So noong nagkukuwentuhan kami, Ka Ely, narealize namin na isa pala ito sa mga tulong na immediate iyong effect sa ating mga magsasaka. So tinitingnan natin sa iba pang lugar.

     

    Noong second day naman, Ka Ely, kung first day nandoon kami sa south, second day naman nandoon kami sa north. Papunta kami sa north Iloilo. Una naming pinuntahan iyong Anilao. Sa Anilao naman, Ka Ely, ang tulong natin doon iyong equipment para sa youth center nila. Napakainspiring. Ang bata, Ka Ely, noong mayor, 26 years old lang pero ang kaniyang idea ay napakataas kasi ng teenage pregnancy sa kanila. So ang daming programang ginagawa para sa mga kabataan. At iyong youth center na iyon, parang siya iyong center ng activity ng lahat ng mga kabataan doon. Mayroon siyang mga sports equipment, mayroon siyang music, mayroon siyang mga video games, mayroon siyang—mayroong mga gumagawa ng newsletter parang journalism, may mga libro, kinumpleto, Ka Ely. Iyong building iyong LGU iyong nagpagawa pero iyong mga gamit doon galing sa amin. So binisita natin iyon.

     

    Pagkatapos, pumunta tayo sa Concepcion—paakyat ito, Ka Ely. Iyong Concepcion naman nag-feeding program tayo roon. So kinumusta lang natin iyong… kinumusta natin iyong, parang minonitor natin at nagbigay sila ng report kung ano na iyong improvement sa malnutrition sa kanila at very apparent talaga. Tapos nakakatawa sa Concepcion kasi during the pandemic, nag-launch sila ng parang ano, parang cleanliness program na lahat na mga residents kasali. Sobrang linis na ng lugar. So ito, very impressive ito, Ka Ely.

     

    Tapos pumunta tayo ng Carles. Ang Carles naman, Ka Ely, pinaka-north na ito. Parang siya iyong last town bago mag-Capiz. Siya iyong last town bago mag-Capiz. Dala natin doon iyong partner natin, iyong Alaska. Alaska Philippines iyong kasama natin doon kasi mayroong feeding program sa kanila. Pero itong pagdala natin ng Alaska Philippines, nagkaroon ng parang cooking demo hindi lang para sa malnutrition pero para rin sa, iyong mga pagkukuhanan ng hanapbuhay ng mga nanay doon. Pagkukunan ng hanapbuhay in the sense na tinuruan sila ng mga luto na simple na hindi mahal para puwede nilang ibenta. So nagparticipate tayo roon sa demong iyon, Ka Ely. The following day, pupunta sila sa Concepcion pero paalis na kasi ako so hindi na ako nakasama.

     

    Noong pabalik naman, Ka Ely, dumaan—dumiretso ako sa Iloilo City. Binisita natin iyong Iloilo Molecular Lab. Naglalagay sila ng lab doon at iyon, very impressive din ito, Ka Ely. Dati na tayong tumulong sa Iloilo. Nagbigay na tayo doon ng pera para sa test—Iloilo Province, Iloilo City. Pero ito, iyong kasama ko roon, Ka Ely, si Governor Toto Defensor at saka si Mayor Jerry Treñas. Nagpapasalamat sila doon sa tulong natin pero ngayon, tumulong ulit tayo dahil iyong lab na sineset-up nila, iyong binibigay din natin doon equipment na parang P4.9—P4.9 ba o P4.5 million. Mayroon na tayong inisyal na binigay na. Sa Iloilo City, parang P4.5 [million] ang initial for test ito, sa province oo din. So ito, Ka Ely, mababa iyong cases doon. Nag-eroplano kami papunta doon. Istrikto masyado, Ka Ely, hindi ka makakapasok kung wala kang pinakitang test results. Hindi ka makakapasok kung walang acceptance iyong LGU kasi inaayos talaga nila iyong quarantine facilities. In fact noong nasa eroplano, noong nasa airport na kami. Mayroong mga hindi nakakalabas dahil hinihingian nga sila ng mga, iyong mga documents na kailangan. Sabi ni Governor Defensor, iyong meeting daw, sila, iyong lahat na mayors ng province, na talagang iistriktuhan nila. Sabi nila kahit daw noong ni-relax noong IATF iyong mga requirements, sila nagdeisyon silang iistriktuhan nila para ma-contain nila iyong virus. So maayos naman iyon, Ka Ely.

     

    Noong Wednesday, pauwi na ako ng Maynila pero dumaan ako ng Calbayog. Dumaan ako ng Calbayog kasi binisita ko, pumunta ako sa wake ni Mayor Aquino. Iyong nabaril, Ka Ely. At naki-condole tayo roon sa pamilya. Medyo heartbreaking—hindi lang medyo pero sobrang heartbreaking. Hindi lang iyong kuwento ng pamilya, Ka Ely, pero kuwento ng mga taga-roon. Maraming detalye na doon ko lang nalaman, Ka Ely. Halimbawa, noong inambush pala sila, nakita nila actually, Ka Ely, sa CCTV. Hindi ko idedetalye lahat kasi under investigation naman ito pero may mga na-identify na mga sasakyan, etc. etc. May nabuhay palang isa. May nabuhay na isa doon sa van. Iyon iyong naging basis nila, noong ibang kuwento. Si Mayor Aquino pala mismo, Ka Ely, iyong naka-fight back at mayroon siyang tinamaan na dalawa. At iyong dalawang iyon namatay. Pero kinukuwento nila, Ka Ely, at lumabas na ito sa balita, na naka-bonnet pero parang active member ng PNP at ito iyong kanilang sama ng loob. Ito talaga iyong kanilang sama ng loob. So tayo naman, Ka Ely, hindi talaga maganda iyong balita in the sense na iyon nga, sinasabi ng mga tao roon, “iyong inaasahan namin na magpo-protekta sa amin, bakit sila pa iyong gumagawa niyan?” Iyong assurance lang sa kanila, Ka Ely, kasi wala sa NBI iyong imbestigasyon ng kaso. So ito naman, sabi ko tutukan natin lahat iyong progress ng investigation. Kasi siyempre, hindi maalis sa pamilya na mag-worry na baka may mag-attempt na i-whitewash iyong investigation. So sabi ko, pagtutulung-tulungan natin lahat tumutok para sigurado lang na iyong ebidensya—kasi ang daming ebidensya pero para sigurado lang na iyong ebidensya lumabas.

     

    So ito, Ka Ely, sabi ko nga mabuti naman na dumaan ako kasi paglapag ko pa lang sa airport ng Calbayog, ano talaga, parang palpable, parang damang dama mo—damang dama mo iyong lungkot… iyong lungkot at saka bigat na namamayani doon sa lugar. At noong nandoon nga ako, Ka Ely, iyong anak na isa doktor. Iyong anak na isa doktor. Natanggap niya iyong pagkapasa niya sa boards ng internal medicine noong time na nandoon ako. So kahit papaano, sabi nga noong family sayang hindi na naabutan ng tatay. So ito naman, Ka Ely, malakas naman iyong loob ng asawa, malakas iyong loob ng mga anak. Siyempre sobrang lungkot nila. Sobrang lungkot ng mga taga-roon pero iyong sa atin lang na siyempre, pinapakiusap na sana mabilisan iyong imbestigasyon. Sana maging very fair. Ang sabi nila, Ka Ely, hindi ito iyong unang patayan doon sa kanila. So ito pala, nangyayari na may pinatay na raw na barangay captain before that, may pinatay nang municipal treasurer na mga unsolved. So sana, hindi naman maging unsolved ito sa mayor. Ako naman, Ka Ely, nag-promise ako sa kanila na tutulong tayo para matutukan din iyong buong kaso. So pagbalik ko, Ka Ely, nag-quarantine tayo kasi iyon iyong ating health protocol sa office kapag bumababa tayo sa community. Bago tayo pumunta, nagpapatest. Pagbalik, magka-quarantine at saka nagpapatest. So in the last few days, Ka Ely, naka-quarantine ako. Pero tuloy-tuloy pa rin iyong trabaho kasi marami tayo ngayong ginagawa dahil dito sa COVID response.

     

    ELY: Opo. Okay, at samantala, Ma’am, ngayon talagang marami po ang nababahala dito po sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID dito po sa ating bansa. Iyong pinakahuling datos, Ma’am, kahapon as of 4 p.m. kahapon, halos umabot na ng walong libo—7,999.

     

    VP LENI: Kulang lang ng isang tao, Ka Ely, para maging walong libo.

     

    ELY: So maraming nagtatanong saan ba tayo nagkulang, saan ba nagkaroon po ng pagkakamali. Kasi narinig ko, Ma’am, at sa inyong palatuntunan sa mga nakaraan pa, nauuna dapat na aminin muna kung mayroong pagkukulang o wala, o kung may problema.

     

    VP LENI: Ako, Ka Ely, iyon iyong nakakalungkot kasi iyon na iyong sinasabi natin mula umpisa, ‘di ba? Pero kapag naririnig kasi natin iyong... kapag naririnig natin iyong comment ng mga nasa pamahalaan, parang masyado pa ding defensive. Ako, sana hindi ganoon, dahil kung masyado tayong defensive, sinasabi natin na “excellent” iyong ating pagsugpo, hindi natin mahahanapan ng solusyon. Kapag sinasabi natin na may problema tayo, parang may tinu-twist pa, Ka Ely. Naaalala ko dati noong sinabi ko iyong problema, parang sinabi pa na iniinsulto natin iyong mga frontliners—eh kabaligtaran, kabaligtaran, kasi ang sinasabi nga natin, Ka Ely, ayusin natin, kasi iyong frontliners grabe na iyong sakripisyo.

     

    Iyong LGUs grabe na iyong sakripisyo. Nakikita ko ito, Ka Ely, kasi lagi akong bumibisita on the ground. Iyong mga local officials natin, pagod na pagod na din, Ka Ely. Ang dami na nilang ginagawa. Kapag hindi natin naayos sa national, parating sila iyong... parang parating sila iyong nagsa-suffer ng consequences.

     

    Kahapon, Ka Ely, 7,999 cases. Ang positivity rate was 15.7%. Sobrang taas nito, kasi ang ideal, Ka Ely, less than 5. Eh tayo 15.7 iyong positivity rate.

     

    ELY: Grabe.

     

    VP LENI: Ang gustong sabihin, sa lahat na nate-test, sa lahat na nate-test, parang almost 16% positive. Ito, Ka Ely, pinakamataas siya since nagsimula iyong pandemic, kasi bago nitong surge na ito, iyong pinakamataas na naitala ay August 10, at iyong August 10 ay 6,958 cases. Iyong kahapon, 7,999.

     

    Iyong OCTA, Ka Ely—siguro nababasa mo naman—iyong OCTA palit sila nang palit ng estimate. Iyong estimate nila parang three days ago, end of March magiging 8,000. Dahil, Ka Ely, ganito iyong bilis ng transmission, ang kanilang estimate kapag wala tayong ginawa na... alam mo iyon... medyo dramatic na solusyon, magiging 10,000 to 11,000 end of March. Tapos kapag nagtuloy-tuloy ito, puwede pang maging 20,000 by April.

     

    Eh iyong problema nito, Ka Ely, hindi kakayanin ng ating healthcare system. Hindi kakayanin ng ating hospitals. Ngayon nga, ‘di ba, maraming ospital sa Maynila ay na-reach na iyong kanilang parang red flag na capacity, kasi iyong ICU capacity, iyong ICU capacity natin ngayon, parang pumapalo na na halos 70%, iyon na iyong red flag. Na ang sinasabi ng OCTA—kasi ang inaaral nila iyong numero—ang sinasabi niya, kapag hindi ito nagbago ay magiging 100% siya sa first week of April.

     

    Ano ang implikasyon nito? Kapag napuno iyong ating mga ospital ng COVID patients, number one, kapag mayroon pang mga pasyenteng darating, hindi na natin maa-accommodate. Number two—na isa sa mga pinakamalaking problema—pati iyong mga non-COVID hindi na natin maaasikaso. At maraming mamamatay kung hindi natin sila maaasikaso. Noong March— Iyong tinatawag, Ka Ely, na Rt, ito iyong tinatawag na... ito iyong reproductive number, R-naught iyong tawag ng iba, noong isang araw 1.95. Ang ideal nito, Ka Ely, less than 1. Noong isang araw, 1.95. Kahapon ay 2.03. Gustong sabihin, na sa bawat—iyon iyong bilis ng transmission, iyon iyong dami ng nahahawa ng isang pasyente, ito iyong bilis. Ang sinasabi, Ka Ely, ng OCTA, na ano na ito, nakakapag-alala na kapag umabot ng 2 talaga iyong ating reproductive number. So kailangan pa nilang mag-readjust ulit kapag paakyat ito nang paakyat, kasi iyon nga, mahihirapan iyong—

     

    Ang problema talaga natin, Ka Ely, sa maraming kaso, hindi kakayanin ng mga ospital. Paminsan naririnig kasi natin iyong... halimbawa, kahit iyong quarantine centers, ngayon daw ay more than 50% o 50% iyong laman ng quarantine centers. Pero ang sinasabi nila, 602 quarantine facilities na ang na-build. Dito sa Metro Manila, ang target yata ay 720, dapat magkaroon ng 26,000 beds. Pero ito kasi, Ka Ely, itong 602 quarantine facilities, all over the Philippines ito. So iyong tanong: Dito ba sa Metro Manila, enough ba? Kasi kapag ganito iyong surge, mabilis siyang mapuno. So papaano ba natin masusugpo iyon?

     

    Iyong pinaka— Naririnig na naman natin ito, Ka Ely, sa ibang mga officials, na ang sisi na naman nasa tao kasi matigas iyong ulo, hindi sumusunod. Pero ito na nga, Ka Ely, iyong sinasabi natin dati: Na kung iyong tao may kakainin, kung iyong tao may ibubuhay sa pamilya, madali para sa kaniya na sumunod. Pero kung walang pagkain iyong pamilya, kahit pa nandiyan iyong danger na mahawa siya, lalabas at lalabas siya. Lalabas at lalabas, maghahanapbuhay, para makakakain iyong pamilya, na hindi iniinda iyong takot na mahawa siya. So iyong parati nating— Ito, matagal na natin itong kinakampanya, na iyong... iyong... ano ito... iyong tulong sa mahihirap ay sana madadagdagan. Nagbigay tayo noong April. Nagbigay tayo noong April, pero ngayon na grabe iyong surge, kailangan na kailangan ito. Kasi madali lang sabihin na “Sumunod na lang kasi kayo”. Madali iyan sabihin, kasi— Halimbawa, kung ikaw nasa bahay, kahit hindi ka pumasok may kakainin ka, nanonood ka ng Netflix, naka-aircon ka pa siguro, madali iyan sabihin. Pero sa ordinaryong Pilipino na nakikipagbaka araw-araw, kahit pa sabihin mong grabe iyong pandemic, kung walang kakainin iyong pamilya, lalabas at lalabas.

     

    So iyong sa akin, Ka Ely, nakita naman natin iyong example ng ibang mga bansa, talagang iyong tulong sa mga mahihirap nandiyan, kasi iyon lang iyong tanging paraan, iyon lang iyong tanging paraan. Iyong tinutukan natin noong mga nakaraang buwan ay pagbukas ng ekonomiya. Parati nating sinasabi, Ka Ely, na iyong pagbukas ng ekonomiya, tama naman iyon para makapag-hanapbuhay na iyong lahat, pero hindi mo mabubuksan iyong ekonomiya, hindi mo mabubuksan iyong tourism, hanggang iyong tourism nandiyan. Mayroong paunti-unting pupunta, pero hindi ka talaga makakaginhawa na magbiyahe, kumain sa labas, kung takot ka pa.

     

    Tinitingnan ko lang, Ka Ely— Ang pinaka-solusyon sana natin ngayon iyong mga bakuna, ‘di ba, iyong mga bakuna. Pero mabagal din iyong rollout. Iyong dumating na bakuna na sa atin, Ka Ely, 1,125,600. Iyon iyong dumating. Siyempre kulang na kulang pa siya. Nakikita ko iyong ibang mga nagki-criticize, sinasagot ng mga supporters na “Inubos kasi ito noong mga mayayamang bansa, kaya hindi tayo makakuha ng supplies.” Sabihin pa natin na totoo iyon, pero iyong supply na nakuha natin, iyong 1,125,600, by March 17—as of March 17... ito, datos ito ng DOH—ang naro-rollout pa lang... ang nababakuhanan pa lang ay 269,583. Ito, as of March 17. Kapag kinuwenta mo ito, Ka Ely, 23.95% pa lang. So hindi nga supply lang iyong problema; malaking problema iyong rollout, iyong deployment. At ito, Ka Ely, parang sirang plaka na tayo dito eh, kasi last year, inuulit-ulit na natin ito: na habang wala pang bakuna, paghandaan na natin iyong deployment, para pagdating niya, mabilis na nating made-deploy. Kasi kung napaghandaan natin iyon nang maayos, Ka Ely, iyong 1,125,600 dapat ano iyon eh... dapat marami na iyong nakinabang noon. Iyong sa atin lang— Sabihin pa nating kalahati—hindi pa nga tayo nangangalahati, kasi iyong kalahati ire-reserve for the second dose. Pero 23.95% pa lang tayo.

     

    Kahapon, Ka Ely, nabasa ko iyong... Nabasa ko kahapon iyong interview kay Secretary Duque. Parang ang sinasabi niya, hindi puwedeng madaliin iyong rollout, kasi binibigay ito sa health frontliners. Hindi daw puwedeng sabay-sabay kasi mawawalan ng tao sa ospital. Iyong sa akin naman, Ka Ely, puwedeng pinaghandaan ito. Nakita naman natin— Nakita natin iyong example sa ibang mga bansa, na mayroon na silang— Parang tinreat nila ito hindi lang supply chain problem, pero logistics problem. Pinaghandaan na kung paano iyong rollout, para pagdating tuloy-tuloy.

     

    Ngayon, Ka Ely, maraming bottlenecks. Marami ngayong bottlenecks. Kulang iyong mga magbabakuna. Sinasabi na natin paulit-ulit noon na wala pa iyong bakuna, mag-identify na kung sino iyong mga magbabakuna, mag-training na, tingnan na kung saan iyong mga centers, huwag lang mag-concentrate sa mga ospital kasi talagang magkakaroon ng bottleneck.

     

    Nakita naman natin, halimbawa, Ka Ely, US. Iyong US, sobrang sama ng numbers nila, sobrang sama ng numbers nila, pero noong nanalo si President Biden, iyong kaniyang promise ay 100 million shots in 100 days. Ka Ely, na-achieve nila iyong 100 million in just 58 days. Pero bakit nila iyon na-achieve? Kasi inasikaso nila iyong logistics nila, inasikaso nila iyong flow. Nakikita naman natin sa balita, iyong mga malalaking arena, malalaking health center, ay binuksan. Nag-train ng napakaraming mga vaccinators para mabilisan. Nakita natin kung paano nila ginagawa. Iyong Israel ganoon din. Iyong Israel, Ka Ely, pinagplanuhan nang maayos. Iyong Israel, iyong supply chain pinakamaayos, kasi nakuha na nila agad iyong kailangan nila.

     

    So iyong sa akin, kahit nga mag-concentrate na lang muna tayo sa dumating, hindi pa natin siya— Ilan— Nag-start tayo March 1. As of March 17, 23% pa lang ang nagagamit. Hindi ko alam mula March 18 saka kahapon kasi wala akong mahanap na updated na numero. Pero ito nga eh—

     

    Tapos nakikita ko, Ka Ely, ang ating target—na tama naman—70 million— Basta ang sinasabi niya, Ka Ely, dapat may herd immunity na tayo at the end of the year. Ang pangarap nga natin by Christmas medyo normal na tayo, mas masaya na tayo kapag Christmas. Pero ang 70%, Ka Ely, ay 73,500,000 na tao. Gustong sabihin, between now and December 31—mga 286 days iyon, between now and December 31. Kung mayroon pa tayong 286 days para ma-achieve natin iyong target natin, dapat makapagbakuna tayo ng 256,993 na tao every day. Hindi tayo, Ka Ely—hindi natin iyan maa-achieve kung hindi natin ii-improve kung ano ang mayroon tayo ngayon. Kasi iyong mayroon tayo ngayon, parang nag-aaverage lang tayo 15,000 a day. So ang kailangan natin, 256,[993] ang ating babakunahan, para ma-achieve natin iyong 70% na herd immunity. Kasi kung 105 million people, 73,500,000 na tao iyon.

     

    So para sa akin, Ka Ely, ayusin natin. Ito iyong sinasabi natin dati, na habang wala pang bakuna, ayusin na. Hindi puwedeng iyong mga tao lang sa ospital iyong magva-vaccinate. Sa ibang mga bansa nga, inactivate na nila iyong lahat na puwedeng magbakuna, tinraining, etc. Eh ngayon, nandiyan na iyong bakuna, ngayon pa lang natin gagawin. Kung naaalala mo, Ka Ely, noong sinabi natin ito noong huli, ang sabi sa atin, napakahuli na natin magsabi at 10 steps ahead na sila—pero nakikita natin ngayon, nakikita natin ngayon, Ka Ely, na hindi handa. Kasi iyong numero, hindi naman galing sa atin; iyong numero ay galing sa kanila. So sa atin, Ka Ely, pagtulung-tulungan na natin.

     

    Iyong private sector, sobrang grabe iyong tulong. Iyong private sector, marami sa kanila na nag-oorder, parang pumapasok sa isang tripartite agreement. Pero nakikita natin, Ka Ely, halimbawa, nabasa ko din kahapon na iyong Moderna may 20 million na padating. Iyong Moderna may 20 million padating. Hindi ko lang alam kung lumabas na iyong FDA, pero dapat soon, kasi kung padating ito, dapat hindi na siya matagalan. Iyong 20 million daw, iyong 13 million ay para sa gobyerno, iyong 7 million sa private sector.

     

    Iyong sa akin lang, Ka Ely... Ako, tama naman na umaasa tayo sa private sector na tutulong sa pamahalaan, pero sana hindi ganoon ka-stringent din iyong requirements para sa kanila. Gustong sabihin, Ka Ely, sana hindi na pahirapan. Kasi iyong mga malalaking negosyo, madali para sa kanila na “50% para sa empleyado namin, 50% ido-donate ko sa pamahalaan”. Kaya iyon. Pero marami tayong nare-receive na mga nagtatanong na mga maliliit na negosyo, na hindi naman nila kaya na 50% ido-donate nila, 50% lang iyong sa empleyado. Ako, Ka Ely, sa akin, sana mas maging liberal na dito. Ang gustong sabihin, imbes na pahirapan, magkaroon na ng arrangement kung paano susunod pa din doon sa prioritization ng pamahalaan, pero bigyan ng mas maraming elbow room iyong private na makatulong. Kasi, Ka Ely, kahit exclusive sa empleyado nila, tulong pa din iyon sa Pilipinas, ‘di ba? Kahit empleyado nila saka mga pamilya ng empleyado nila iyong ibabakuna, tulong iyon—

     

    ELY: Mababawasan ang kargo ng gobyerno, ibig sabihin, ‘di po ba?

     

    VP LENI: Oo, mababawasan iyong kargo ng gobyerno. Mayroong mga best practices na, Ka Ely, na ginagawa iyong ibang bansa. Halimbawa iyong Indonesia, iyong Indonesia, Ka Ely, parang mas ni-liberalize nila iyong pagtulong sa—pag-allow sa private sector na tumulong. Parang dito inallow niya, Ka Ely— Indonesia ito. Parang siya, inallow niya iyong private companies na bumili ng COVID-19 vaccines sa sarili nilang gastos, para ito sa pag-provide nang free sa kanilang mga empleyado saka mga pamilya. Pero ang requirement, Ka Ely, sa Indonesia, dapat iyong bibilhin ng companies na bakuna, ibang brand sa binibili ng gobyerno. Para siguro—ako, ang presumption ko, para hindi kumpetisyon. Halimbawa, kung ang Indonesian government ang binibili Sinovac, so puwedeng iyong mga private companies bumili ng AstraZeneca, ng Pfizer, ng Moderna. Ako, tingin ko, Ka Ely, napaka-sound na ano ito, na arrangement. At kapag tiningnan natin, mas maganda iyong rollout ng Indonesia sa atin pagdating sa bakuna. Grabe din sila. Actually, mas malala iyong kaso nila, Ka Ely. Mas malala iyong cases nila, pero tinitingnan ko, dramatic iyong pagbaba. Halimbawa, by— Parang January, ang rolling seven-day average nila nasa 12,000 cases; ngayon mataas pa din, pero mga 4,000 na lang ngayon. Gustong sabihin umeepekto, kasi mas malala sila sa atin, Ka Ely, dati, pero umeepekto iyong kanilang rollout. In just two months, ang binaba ng number of cases nila ang laki.

     

    Iyong India, Ka Ely. Iyong India, nag-approve din sila ng parang large-scale na private sector participation. Ang sinasabi nila, Ka Ely, puwedeng bumili iyong mga private companies ng mga... ano ito... ng mga bakuna on their own—at pinayagan nga ng India na puwedeng magbenta, puwedeng magbenta iyong private companies, may cap lang sa price. Parang iyong cap... parang AstraZeneca iyong ipinayag nila; ang cap nila ay US$4 to US$5 per shot, na puwede itong i-charge nila sa mga magpapabakuna sa kanila.

     

    Pero sa akin, Ka Ely, hindi naman natin kailangang gayahin sila, pero may best practices na na nagwo-work. Sa atin, nagpapasalamat tayo sa private companies kasi talagang nag-iinvest sila para dito, pero sana hindi siya maging prohibitive, hindi maging prohibitive, na sa maliliit na kumpanya, tulungan sana na makabili nang hindi ganoong kagrabe iyong requirements, kasi hindi naman kaya ng lahat.


    ELY: Opo. Kaya nga, Ma’am, may reklamo nga, mismong si Secretary Locsin, ang sabi iyong Filipino Chinese Chamber of Commerce ay gustong bumili ng bakuna, pero hinaharang po ito. Dahil may mga panawagan nga, ma’am, na pabayaan na iyong mga pribadong sektor. Sa Senado, sabi po nila dapat pabayaan na na bumili ng bakuna, para maging mabilis ho. Kasi isa po ito sa mga pinakamabisa na para mapigilan itong patuloy na paglaganap ng kaso ng COVID dito sa ating bansa.

     

    VP LENI: Totoo, Ka Ely. Nakita naman natin ito sa US, ‘di ba? Sa US, sobrang lala talaga ng sitwasyon nila. Sobrang lala ng sitwasyon nila, pero noong naayos nila iyong vaccine rollout, grabe iyong pag-decrease ng kanilang trajectory. Mataas pa din iyong kaso ngayon, pero hindi na pareho noong pre-vaccine time. So sa akin lang, Ka Ely, naiintindihan naman natin na gusto kasi ng pamahalaan na... gusto ng pamahalaan na... ano ito... na iyong prioritization niya masunod, ayaw niya na magkukumpitensya pa iyong gobyerno saka iyong private sector. Pero, Ka Ely, sa lagay ngayon, dapat lahat sanang tulong welcome na—hanapan na lang ng paraan na hindi... na masusunod iyong gusto niyang mangyari, pero hindi na magiging sobrang hirap para sa private companies na tumulong. Kasi gaya nga ng sabi ko, kahit pa iyong bibilhin niya para lang sa empleyado, tulong pa din iyon kasi Pilipino pa din iyon eh, nandito pa din sa Pilipinas iyong kanilang tuturukan. So hindi na dapat ganoon.


    Saka iyong rollout, Ka Ely, may problema tayo, kasi 17 days after dumating iyong bakuna, 23% pa lang. Nakita ko iyong— May nakita ako online na ang claim 38%, pero parang mali iyong computation, so hindi ko alam kung mali iyong 269,000 na sinabi nilang nabakunahan na. Hindi ko alam kung saan iyong mali, pero kung ang babasehan iyong numbers na ibinigay nila, 269,583, 23.95% pa lang iyon. So may problema tayo sa rollout.

     

    ELY: Okay. Ngayon, Ma’am, pinag-aaralan daw ng DOH na unahin sa pagbabakuna iyong mga rehiyon o lugar na pinakamataas iyong COVID, tulad po dito sa Metro Manila. Talagang dito po iyong pinaka-epicenter ng virus. So ano pong pananaw n’yo rito, ma’am?

     

    VP LENI: Sa akin, Ka Ely, logical iyon, logical iyon kasi kung hindi mo makontrol sa Metro Manila, mag-ooverflow pa din ito sa mga probinsya. Pero ang point ko lang nga, bakit ngayon pinag-uusapan? Bakit ngayon, na dapat, ‘di ba, parang ang taas na ng kaso? Ito iyong sinasabi natin na sana naplano na. Totoo na iyong surge in the last few days, few weeks lang, pero ano kasi, Ka Ely, dapat hindi siya discretionary.

     

    Iyon iyong sinasabi natin. Pati iyong mga ano natin... pati iyong mga... Halimbawa, iyong mga... ano ito... iyong mga quarantine natin. Dapat sana science iyong nagdidikta, hindi iyong kung ano iyong pag-uusapan. Dapat sana kapag ganito ang kaso ganito iyong phase, kapag ganito iyong kaso ganito iyong phase. Again, Ka Ely, ang dami nang mga lessons galing sa ibang lugar. Again, ang Israel, Ka Ely. Halimbawa ang Israel, dahil very successful iyong kanilang vaccine rollout, Phase 3 na sila ngayon. Pero klaro sa kanila, kapag Phase 1 ganito. Sa kanila, iyong Phase 1, iyon iyong pinakaunang pagluwag, mayroon nang pasok iyong mga bata eh. Ang Phase 2 dadagdagan kung sino ang puwedeng pumunta sa ospital.

     

    Iyong sa atin kasi, parang masyadong discretionary, na kung anong mapag-usapan ng IATF, ganoon. Kapag nag-usap na ang IATF—ito, Ka Ely, ang tagal ko na ding sinasabi, na sana represented iyong mga LGU. So noong nag-decide iyong IATF na wala nang requirements sa boundaries, maraming LGUs iyong hindi sumunod. Iyong contact tracing. ‘Di ba, Ka Ely, iyong contact tracing, ngayon pinipilit na na mag-StaySafe lahat, eh ang tagal na nating sinasabi. Siyempre iyong mga LGU napilitan nang magkaroon ng sarili kasi hindi inasikaso.

     

    So sa akin, Ka Ely, sana mas maging bukas, sana mas maging bukas sa suggestions, kasi iyon naman... iyong best solutions, nakukuha sa pag-suggest. Iyong sa atin, Ka Ely, kahit nga— Nakita ko iyong statement ni Senate President Tito Sotto, iyong pakiramdam natin pala, iyon din iyong pakiramdam niya. Ang dami nating suggestions, hindi naman pinapakinggan. Sa akin, Ka Ely, since last year—nag-one year anniversary na tayo—parang iyong suggestions natin dati, hindi pa din. Gaya nitong contact tracing, ang tagal na nating sinasabi na kung mayroon lang isa na standard para sa lahat, mas madali para sa atin. Ngayon, Ka Ely, ang daming nagpo-post sa Facebook, sa Twitter—hindi natin alam kung totoo—na “ako, close contact ako ng ganito, ni-report ako as close contact, wala man lang tumawag sa akin ni isa.” So ang daming nagpo-post ng mga ganiyan. Hindi natin alam kung totoo iyan na mga kaso, pero pagpapakita na hindi maayos. Sa atin, Ka Ely, kahit pa mag-lockdown tayo— Ito iyong sinasabi natin dati, ‘di ba? Tama iyong lockdown, pero magiging tama lang iyong lockdown kung after ng lockdown, test, isolate, trace, saka treat. So ang tanong ko lang: ginagawa ba natin iyon? Kasi halimbawa ngayon, ang daming naka-surgical lockdown. Ang daming mga lugar, ang daming mga barangay na naka-surgical lockdown. Ang pinakamahalaga doon, ang tanong ko: iyong ni-lockdown ba na barangay, nag-mass testing ba doon? Kasi kung ni-lockdown mo lang for one week, for two weeks, pero hindi naman maayos iyong testing, hindi maayos iyong isolation, iyong contact tracing, wala din. So iyong sa atin, sana maging meaningful iyong mga lockdown. Okay naman na nagla-lockdown, pero sana kapag ni-lockdown mo iyong isang barangay, siguraduhin mo na nag-mass test ka doon, kasi kung hindi lang naman, wala din eh, hindi mo din mako-contain, kasi hindi mo nga alam kung sino iyong mga infected saka hindi.

     

    So para lang sa akin, Ka Ely, sana makinig, sana bilis-bilisan. Saka sana mayroon na tayong mga phases na “kung ganito, ganito iyong mangyayari”, “kung ganito, ganito”. Magsasabi tayo na ECQ kapag ganito iyong numbers, magsasabi tayo na GCQ kapag ganito iyong numbers. Ito, ang dami na nating quarantine models, pero ang pag-decide, parang discretionary pa din. Noong nag-ECQ tayo, ilan ba iyong kaso natin? Ngayon na ganito kataas, ano iyong desisyon? So sa atin, Ka Ely, para tayong laging naghihintay, lagi tayong naghihintay sa kung ano iyong ide-declare. Tama naman na naghihintay tayo, pero sana iyong assurance lang na pinakinggan iyong iba’t ibang—lalo na iyong LGUs, kasi sila talaga iyong nakakaalam. Kaya nga kapag bumibisita ako, Ka Ely, madalas sabihin na “hindi namin sila sinunod kasi hindi iyan magwo-work dito sa amin”. Pero kung may mga representatives sana doon, mas smooth sana ito. Hindi iyong urong-sulong—kapag mag-declare, hindi pala acceptable, babawiin. Pero kung isang usap sana na nandoon iyong lahat na stakeholders, mas magiging maayos iyong pag-manage.

     

    [END OF GAP 1]

     

    ISTORYA NG PAG-ASA SEGMENT

     

    ELY: Okay, Ma'am. Narito na po iyong sa ating Istorya ng Pag-asa para magbigay po ng inspirasyon sa ating lahat. Lalo't nako ito, sa gitna pa rin po tayo ng pandemya, Ma'am.

     

    VP LENI: Naku ito, Ka Ely, na bisita natin, sorry po at naghintay kayo. Ang bisita natin, Ka Ely, sobrang saludo ako dito. Kasi ito iyong nagbibigay ng kalinga sa maraming mga kababayan natin na nangangailangan. Introduce muna natin siya, si Fr. Flavie Villanueva. Fr. Flavie, good morning po sa iyo.

     

    1. FLAVIE VILLANUEVA: Magandang umaga, Ma'am VPL. Magandang umaga, Ka Ely, at sa lahat ng sumusubaybay sa ating magiting na programa. Magandang umaga po sa inyong lahat.

     

    VP LENI: Ayon. Fr. Flavie, ikuwento po natin sa kanila, unang-una iyong Kalinga Center. Kasi ang Kalinga Center nabisita ko siya two years ago yata. Two years ago, at sobrang impressed ako kasi ang Kalinga Center ay nandoon ang mga homeless. Nandoon iyong mga nangangailangan ng kalinga. Nakakakain sila, nakakapaligo. Mayroong parang group discussion. Mayroong spiritual healing. Fr. Flavie, ikuwento mo lang papaano ito nag-umpisa at bakit ito ginawa.

     

    1. FLAVIE VILLANUEVA: Marami pong salamat sa pagkakataon. Ito po ay nagsimula bunga ng aking—siguro sabihin natin, malalim na pagdama noong ako ay itinalaga dito po sa Catholic Building sa Tayuman. Nakita ko po ang laganap na, sabihin natin surge ng mga homeless. At tinanong ko rin kung ano ang direktang ginagawa ng aming kongregasyon ng SVD. At noong nakita ko na may maari pang idagdag doon sa mga kanilang kanilagayan, sabi ko, "Dagdagan pa natin." At iyong pagdadag ay hindi nga lang sa paraan ng pagkain. Nakita ko na mayroon silang pamamaraan para makakuha ng pagkain. Pero iyong ligo, iyon po ang medyo kulang para sa kanila. At ninais ko rin na bakit hindi natin itaas ang antas ng pakikipagkapwa-tao. Lagyan natin ng dangal. Iyong hindi ba makapagbigay lang. Hindi masabi nagsilbi lang. Hindi masabing mayroon na. Pero bakit hindi natin itaas ang antas? Kaya sinabi po natin iyong may dangal, o dignified way of providing food and healthcare. Kaya noong nagpunta po kayo, Ma'am—

     

    VP LENI: Pero, Fr. Flavie, ikuwento ko lang kung ano ang nakita ko pagpunta sa inyo. Kasi di ba by batch ang pumupunta? Pero pagpasok sa inyo, pagpasok pa lang, kasi mayroon ano di ba, parang mayroong step-by-step—

     

    1. FLAVIE VILLANUEVA: Station.

     

    VP LENI: Oo. Ang pinakahuli ang kain, ‘di ba? Ang pinakahuli ang kain.

     

    1. FLAVIE VILLANUEVA: Pagkain, yes.

     

    VP LENI: Pagpasok, father, binibigyan siya ng damit. Binibigyan siya ng damit para may mga nakahilera na doon. Pagkabigay sa kaniya ng damit, doon na siya sa paliguan. Malaki siya na may mga cubicles, di ba? Malaki na may cubicles, nakita natin iyon. Ang daming nakapila. Pagpunta niya bibigyan siya ng damit na ipapalit, tapos pupunta siya, maliligo siya. Father ang tanong ko lang, papaano niyo napoprovide iyong damit? Kasi nakita ko ang daming pantalon, ang daming mga t-shirt na nandoon. Tapos ang ayos, di ba? Talagang nakatupi siya. Parang nakaready na siya doon sa mga nakapila. Saan niyo kinukuha iyong mga damit?

     

    1. FLAVIE VILLANUEVA: Ito po ay galing din sa kabutihang loob ng ating mga kababayan. Lahat ng nagnanais na magbigay, ay welcome po. Ang pakiusap ko lang dalawa. Una, ay iyong may dangal din na damit ang ibigay natin. Huwag iyong mga matagal nang nakalugmok sa ating mga kabinet. Iyong may dangal na damit. Pangalawa kung magbibigay para hindi na rin mahirapan po ang center, kung puwedeng nakasegregate na rin. Bata babae, bata lalaki, pang-matanda and so on. So sa ganoon ay nakikita ng ating mga tumatanggap, ng mge beneficiaries natin, "Oy, maayos. Hindi kami latak." O sabihin na nga natin sa lenguahe natin, hindi porke't nasa laylayan ay bibigyan mo ng butas butas.

     

    VP LENI: Tapos, Father, ‘di ba pagkaligo nila, pagkaligo nila pupunta sila doon sa isang lugar—naka-participate ako doon, eh—parang may small group discussions. Tapos mayroon kayong parang bawat grupo may isang team leader, parang trained na counselor. Tapos nagkukwentuhan lang ng kahit ano. Ano, ano—bakit naisipan niyo na mayroong ganoon, Father?

     

    1. FLAVIE VILLANUEVA: Ma'am, actually, before po, before that—bago sila kumuha ng damit, mayroong isang salamin tayong nilagay. Bago sila kumuha ng damit, pinapaharap ko sila sa salamin, at winiwika nila, "Ngayo'y madungis, mamaya maaring luminis." Gusto kong makita nila kung nasa saan at sino sila sa kasalukuyan. At pagkatapos nga po noong nawika niyo na pagkatapos maligo, bago tumuloy sa coaching area, mayroon uli isang salamin. Kung saan humarap naman sila, this time winiwika nila na, "Malinis na ako. Pagpapahalagahan ko ito. Maaring magbago ang buhay ko." Napakahalaga po kasi na makita nila kung sino ang dati, at sino na ang ngayon dahil ginusto nila. Alam naman natin kapag ginusto at hinangad, may bumubungang maayos po. Sa after that ang karanasang iyon, ay inuupuaan. Inuupuan nila in class—

     

    VP LENI: Ano usually ang pinapag-usapan doon sa small group discussion?

     

    1. FLAVIE VILLANUEVA: Iyon po ay nakabatay sa salitang Kalinga. Every week mayroong isang salita: Kaibigan, Ayusin, Linisin, Ingatan, Nilay, Galang, Aruga. Every week po ang isang salita iyon, kada punta nila, pinag-uusapan, pinalalalim po.. Para magkaroon ng, ika nga, internalization.

     

    VP LENI: Pagkatapos, Father, after noon, kasi nagparticipate ako, ‘di ba? Sobrang impressed ako kasi parang ang lalim ng mga sharing. Ang lalim ng mga sharing ng mga nandoon, at iyon ay halo. Mayroong mas bata pa, mayroong mas may edad na. Ito lang, Father, pagkatapos noon, kakain ‘di ba. Parang may mess hall kayo doon sa dulo. Tapos nakita ko ang lalaking mga kawa. Ang lalaking mga kawa ang nandoon tapos mayroong mga babae na nagsisilbe. So ang sa akin, saan nanggagaling ang pagkain niyo? Kasi marami siya, at marami kayong pinapakain araw-araw. Saan siya nanggagaling, at saka sino ang mga naninilbihan doon?

     

    1. FLAVIE VILLANUEVA: Noong una po ang naninilbihan ay mga kaibigan, mga volunteers galing sa parokya. Pero nitong humaba ang panahon, ay mayroon tayong parte ng programa na tinetrain natin ang mga beneficiaries upang makaangat. At sa kanilang pag-angat ay tinatawag natin silang beneficiary-volunteers or B-Volt. Sila ay dumadaan din sa masusing proseso ng paghuhubog, upang makapag—makita nila “na dito ako galing, naririto na ako, puwede na ako maya-maya tumaya muli, at maging bahagi ng lipunan.”

     

    VP LENI: So parang, Father, ang nangyayari, instead na recipient sila, tumutulong na rin sila?

     

    1. FLAVIE VILLANUEVA: It's a cycle po. It's a cycle of human authentic development natin na sinasabi. At doon naman po sa sinabi niyo po na madami talagang pumupunta ay totoo po. During pre-COVID, we were averaging at least mga 700 po a week. Pero kung ako po ay makakapagbahagi lang, ngayon pong COVID, dahil sinara nga po ng barangay captain at ng ilang kapulisan, ay doon na po nanganak ang dalawang programa na tinawag na Safe Shelter, natapos na po at nagkaroon ng pag-abot sa kalye kung saan sila naroroon. Iyon po ang medyo mas madrama. I think nabahagi ko po ito sa inyo minsan sa isang pagbabahagi natin. Umabot po tayo… nagsimula tayo na 250, nag 400, nag 600, noong December umabot tayo sa 1,100 each day…

     

    VP LENI: At saka ano ito, Father, pinupuntahan niyo ito sa Luneta, pinupuntahan niyo kung nasaan iyong mga homeless.

     

    1. FLAVIE VILLANUEVA: Opo.

     

    VP LENI: Kasi siguro bigyan natin sila, Father, ng background. Pinasara nung barangay. Pinasara nung barangay tsaka pulis iyong center dahil sa pandemic.

     

    1. FLAVIE VILLANUEVA: Yes po.

     

    VP LENI: Pero nakakuha kayo ng partners na mga schools, na iyong mga walang tirahan, sila iyong kumupkop sa kanila.

     

    1. FLAVIE VILLANUEVA: Opo.

     

    VP LENI: Alam koi ito, Father, kasi nagbibigay kami ng mga pagkain doon sa mga centers na yun. Iyong La Salle yata umabot ng mga 300, tama ba? Mga 300

     

    1. FLAVIE VILLANUEVA: Ang La Salle at tsaka Benilde… Opo… At saka iyong St. Scholastica…

     

    VP LENI: […] Mayroon pa kayo, Father, iyong maliliit na centers, ‘di ba?

     

    1. FLAVIE VILLANUEVA: Opo. Tulad sa Paco Catholic, dalawang center noon. Malate Catholic School, Espiritu Santo, ito po iyong mga eskwelahan na piton a nakilahok po sa tinawag nating Safe Shelter. At kasama rin po diyan iyong kaisipan: Paano pag nagsara ang Safe Shelter? So… pero simultaneous po dito iyong pagpapakain natin. Hanggang sa araw na ito, nagpapakain tayo, walang patid. Ang pinaka minimum ngayon po, dahil sa patuloy na pagpapataboy sa atin, nawala na tayo sa Lawton, nawala na tayo sa Kalaw, nawala na sa Luneta, ngayon ay isiniksik po tayo sa isang sulok sa may Paco, na malayong abutin. So ang nangyari po ay iyong mga may kakayanan lang ang nakaka tanggap… At iisantabi muli ang mga higit na nangangailangan. Ito po ay sa Canonigo. Kahapon po nagbigay kami ng 300, at may sobra pa, so ito iyong inilako natin sa iba’t ibang parte ng Kamaynilaan din.

     

    VP LENI: Pero, Father, papaano natin nasu-sustain? Papaano natin nasu-sustain iyong ang dami niyong pinapakain every day?

     

    1. FLAVIE VILLANUEVA: Magandang tanong po iyan, Ma’am. Noong una, kinakaya pa siguro ng kapal ng mukha ko na malimos. Pero nung umabot na po sa 300, 400, that is times forty pesos last year, that’s equivalent already to 15, 20, hanggang 40,000 a day pag 1,000 ang pinakakain. I would solely attribute this to God’s providence, kasama ng mga taong tulad niyo po na may malalim na pagdama, na hindi nababahala na magbigay sa abot ng kaya. At kahit iyong may kurot na pagbigay, iyon po iyong hinahandog. Kasi this is not me, this is beyond me po.

     

    VP LENI: Pero, Father, malaki iyong pasalamat namin sa iyo, kasi kahit merong mga gustong magbigay, kung walang nag-aasikaso, mahirap. So kami po nagpapasalamat kami sa iyo na nandyan ka, ikaw iyong nagko-coordinate ng lahat na efforts. At sana naririnig ito ng mga nakikinig sa atin. Kasi marami po tayo mga supporters, et cetera, na gustong i-channel iyong kanilang support sa pagtulong. Gusto po namin ipaalam sa kanila na merong ganitong effort. At nakikita natin. Nakausap ko po iyong mga tinutulungan niyo nung pumunta ako sa Tayuman, at talagang hulog ng langit. Kasi di ba, Father, iyong bukas pa iyong center sa Tayuman, iyong mga walang matutulugan sa gabi, pwede pang makitulog dun sa center niyo. ‘Di ba ganoon iyon?

     

    1. FLAVIE VILLANUEVA: Yes po.

     

    VP LENI: Eh paano ngayon sarado siya. Saan sila nakikitulog?

     

    1. FLAVIE VILLANUEVA: Mayroon tayo, bunga nga po nung pagpapasara… ay… mayroong Safe Shelter na mga eskwelahan na kailangan na rin magbukas, doon po nalikha iyong tinatawag nating Arnold Jannsen Bahay Kalinga. Ito naman po ay iyong lugar kung saan para sa mga desidido, para sa mga nais at bukas magabayan, para sa mga nais na kumawala na sa kulturang kalye, at lumikha at tumahak patungo sa kulturang kalinga. Mayroon po silang… mayroon po tayong nilikhang programa kung saan merong ALS, pang isang taon; merong naghahangad dun sa mga naghahangad ng skills training, 6 months formation; at para naman po sa mga nagnanais magparekomenda ng trabaho, mayroon din masusi na tatlong buwan na pinagdadaanang proseso. Ang challenge lang po nga ay COVID, so hindi pa fully implemented itong 1 year, itong six months, itong three months. Ngunit mayroon na po tayong batch 1, na nagmula sa safe shelters, na dumaan sa masusing, sabihin na nating paghuhubog. Of the first batch, merong 46 na pumunta po from the Safe Shelter. At mayroon pong labindalawa na nakahanap na ng trabaho. Mayroon pong siyam na nakipagbati at nakiugnay muli sa kanilang mga pamilya. Dahil nagkaroon ng alitan, lumayas, nagpunta ng kalye. Ngayon, naibalik po natin sa pamilya. At mayroon din pong I think anim na nairekomenda sa mga institusyon na imbis sa kalye sila manirahan, imbis na may sakit na nag-iisang sinasarili, mayroon pong mga institusyon tayong itinulay para sa kanila. So sabihin na natin na ang Bahay Kalinga ay isang tulay patungo sa paglaya sa kalye, patungo sa isang buhay, at buhay kalinga.

     

    ELY: Okay, Ma’am… Ma’am…

     

    VP LENI: Wala na tayong oras, Ka Ely…

     

    ELY: Ma’am pero ito, mayroon lang…

     

    VP LENI: Magpapasalamat tayo kay Fr. Flavie

     

    ELY: Yes, Ma’am…

     

    VP LENI: Magpapasalamat tayo kay Fr. Flavie kasi marami ngayon nakikinig sa atin ngayon, marami dito naghahanap ng matutulungan. Mayroon ba kayong Facebook page na pwede sila mag comment doon, na pwede nila puntahan?

     

    1. FLAVIE VILLANUEVA: Opo.

     

    VP LENI: Kasi kung iba, pwede naman sa amin. Pwedeng through us. Pero mayroon po bang… anong Facebook page, Father, iyong pwede sila mag comment?

     

    1. FLAVIE VILLANUEVA: AJ Kalinga Foundation po. AJ Kalinga Foundation.

     

    VP LENI: AJ Kalinga Foundation.

     

    1. FLAVIE VILLANUEVA: AJ Foundation natin na nangangalaga sa mga taong dukha, sa mga taong lansangan. Ang programa ay kalinga at mayroon din namang pangalawa, na alam niyo rin po, iyong paghilom. Para naman sa mga kapatid nating napaslangan o pinaslang ang mga mahal sa buhay.

     

    ELY; Ma’am, mayroon lang po babati sa inyo. Sandali lang ha. Pakinggan ninyo, panoorin ninyo.

     

    VP LENI: Sige lang.

     

    ELY: O, sige.

     

    [VIDEO GREETING FROM ARNOLD JANNSEN BAHAY KALINGA PLAYS] Mula sa amin sa Arnold Jannsen Bahay Kalinga, maraming salamat po, Vice President Leni Robredo sa inyong suporta, lalo na sa panahon ng pandemya.

    Maraming salamat po sa inyong pagtulong para sa mga kapatid naming homeless.

    Mula sa aming puso, maraming salamat po, VP Leni. Nawa’y marami kayong matulungan.

     

    ELY: Okay, Ma’am.

     

    VP LENI: Maraming salamat po, Fr. Flavie. Iyon pala iyong surprise niyo sa akin. Maraming salamat po sa lahat ng taga AJ Kalinga Center. Fr. Flavie, mag-usap tayo kasi mayroon tayong mga parallel programs na pwede gawin. Pero lahat po ng nakikinig sa atin ngayon, punta na lang po kayo doon sa Facebook page nina Fr. Flavie, kung gusto ninyo tumulong. So, Ka Ely, wala na tayong oras.

     

    ELY: Salamat po.

     

    VP LENI: Maraming salamat sa lahat.

     

    ELY: Okay.

     

    1. FLAVIE VILLANUEVA: Maraming salamat din po, Ma’am VPL at Ka Ely sa inyong suporta. Ito po ay pagmodelo na inaalay natin para sa tanan, at sap ag-ayos ng ating lipunan.

     

    ELY: Salamat po, Father.

     

    VP LENI: Salamat po, Father. Maraming salamat.

     

    1. FLAVIE VILLANUEVA: Salamat po. God bless you both.

     

    ELY: Ma’am, at sa pang huli, ang inyo pong mensahe sa ating mga kababayan.

     

    VP LENI: Pagpaalala lang, Ka Ely, matindi ngayon. Matindi ngayon. Kung hindi po kayo kinakailangan lumabas ng bahay, huwag munang lumabas ng bahay. Mayroon pong nilabas iyong DOH na parang mga suggestions na susundin. Nasa Facebook page po ito, I think, ng DOH, pero mayroon siyang sinasabi, Ka Ely, ang isa niyang suggestion, Ka Ely, ay kahit nasa loob ng bahay, kahit nasa loob ng bahay, kung may mga kasama, mag-mask. Ganoon siguro katindi talaga ngayon. Pero iyong lahat pong mga dati nating pinapaalala sa inyo, ngayon po natin iyon dapat gawin. Kasi talagang matindi ngayon. So ako po, dasal ko iyong kaligtasan ng lahat. Sa mga nagkakasakit po, ipagdasal natin na sana malampasan nila iyong pinagdadaanan ngayon. Mag-iingat po tayo. Ka Ely, mag-iingat ka.

     

    ELY: Opo. Salamat ho at ingat din kayo. Ingat po tayong lahat. Maaalpasan po natin ang pandemyang ito. Maraming salamat po, Ma’am.

     

    VP LENI: Salamat.

     

    ELY: Maraming salamat. Iyan po ang ating Bise Presidente, VP Leni Robredo. Muli, isa pong magandang umaga, Pilipinas.

     

     

    - 30 -

     

     

     

     

     

     

    Posted in Transcripts on Mar 21, 2021