This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI Episode 201

    BISErbisyong LENI Episode 201

    ELY: Magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas, at Mindanao! Isa na namang edisyon ng BISErbisyong LENI dito po sa RMN. At siyempre, ngayon po ay araw ng Linggo, Sunday, March 14, 2021. At siyempre, mga kasama, mula rin ho rito sa DZXL Manila ay tayo po ay napapakinggan diyan po sa DYHP Cebu, RMN DXCC Cagayan de Oro, RMN DXDC Davao, RMN DWNX Naga, at siyempre sa lahat po ng naaabot ng ating broadcast nationwide, netwide. Ako pa rin ho ang inyong radyoman, Ely Saludar. At siyempre, kasama po natin ang nag-iisang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si Madam Vice President Leni Robredo. Ma’am, good morning.

    VP LENI: Good morning, Ka Ely! Good morning po sa lahat na nakikinig sa atin sa DZXL ngayong umaga. Sa lahat pong sumusubaybay sa ating Facebook Live—sa RMN page, at saka sa VP Leni Robredo Facebook page. Magandang umaga po sa inyo. Sa atin pong mga kababayan sa Bicol, marhay na aga saindo gabos. Sa ating mga kababayan sa Visayas at Mindanao, maayong buntag. Good morning, Ka Ely.

    ELY: Opo. Good morning at, Ma’am, kumusta na po at siyempre patuloy ho ang—walang tigil ang inyo pong pagtulong sa ating mga kababayan. Kahit na po iyong naranasang bagyo. At siyempre, iyong pagresponde pa rin dito po sa ating pandemya.

    VP LENI: Actually, Ka Ely, parang nagpi-pick-up ulit iyong kabusy-han namin sa COVID response. Parang walang pahinga kasi patapos pala—hindi, actually, hindi pa natatapos pero iyong kasagsagan noong operations sa mga bagyo ay parang ngayon pa lang makakapahinga. Pero dahil grumabe na naman iyong cases, Ka Ely, malaki na naman iyong mga pangangailangan lalo ng mga communities. Marami tayong natatanggap na mga requests galing sa mga barangay, marami tayong natatanggap na requests galing sa ibang mga munisipyo. So parang ano lang, Ka Ely, para siyang alon na nagshi-shift.

     

    Iyong ating—kinuwento ko ito, Ka Ely, last week na mayroon tayong teams sa Surigao at saka sa Dinagat Islands para sa relief operations for Typhoon Auring. Iyong team natin from Dinagat Islands dumating na, parang two days ago. Iyong team natin na nasa Surigao nandoon pa rin. Gusto ko lang pasalamatan iyong mga partners natin on the ground, both sa Dinagat at saka sa Surigao. Kasi alam mo, Ka Ely, hindi naman kami makapadala ng maraming tao. So halimbawa, sa Surigao isa o dalawa lang nandoon. Sa Dinagat dalawa pero iyong partners natin, LGUs, private partners, sila talaga iyong tumutulong sa operations natin. So, gusto lang natin silang pasalamatan. Kahit wala na kami sa Cebu, Ka Ely, iyong pagtulong sa mga communities doon tuluy-tuloy pa rin kasi mataas din iyong number of cases doon. Nagkaroon ng spike. So nagpapasalamat din ako sa mga partner-organizations natin kasi iyong ginawa natin sa Cebu, bumili tayo ng mga gulay at saka mga bigas doon na sa mga farmers doon. So para may dagdag kabuhayan sila, tapos iyong mga communities na nangangailangan ng pagkain nahahatiran din nila. So gusto ko lang, Ka Ely, na pasalamatan iyong partners natin doon. Gusto ko ring pasalamatan iyong mga teams natin na talagang ano, talagang hindi matatawaran iyong sakripisyong ginagawa para lang mapaabot natin iyong tulong sa iba.

     

    Pero, Ka Ely, 5,000 ulit. Five thousand ulit iyong cases natin. Kahapon pumalo tayo ng 5,000 ang bilis, Ka Ely. Parang noong last week, March ano ba iyon, March 11, parang nasa 2,000 plus pa lang tayo kung tama ako. Tapos in a matter of days, nag-5,000 a day na tayo. So nakakatakot siya. Parang nangyayari iyong prediction noong mga researchers. Sa lagay na iyon, parang at the end of March, baka 6,000 plus siya. Sana hindi naman. Pero mabilis—mabilis iyong pagkalat, Ka Ely. At parang napaka-ironic na kung kailan mayroon nang bakuna, ‘di ba. Kasi kapag tiningnan natin iyong numero ng ibang bansa, noong nagkaroon ng bakuna, pababa na talaga. Pero tayo, kung kailan nagkaroon ng bakuna, sobra naman iyong itinaas ng kaso.

     

    So ngayon, Ka Ely, pina-prepare ko, Ka Ely, iyong slides kasi gusto lang natin i-inform iyong mga nanonood sa atin doon sa mga lugar na mayroong localized na lockdown. Kasi sa halos buong Metro Manila, mayroong localized lockdown. Baka puwede nating i-request na i-post iyong—ipakita sa screen iyong mga lugar na—ayon—iyong mga lugar na may localized lockdown. Hindi na po natin babasahin isa-isa. Nakikita niyo po sa screen ngayon pero iyan po iyong mga lugar na nag-lockdown iyong mga LGU kasi ‘di ba, Ka Ely, sinasabi na hindi na ma-aafford ng economy natin iyong full lockdown. Kaya iyong nila-lockdown ngayon iyong mga lugar na marami talagang kaso. So makikita nila diyan—hindi ko kasi nakikita rito baka puwedeng—hindi ko alam kung paano ko makikita from my screen. Pero iyan po iyong mga lugar all over NCR na nagkaroon talaga ng localized lockdown. So tingnan niyo na lang po. Ang gusto lang sabihin sa mga lugar na iyan, hindi pa puwedeng lumabas, hindi pa puwedeng pumasok ang mga wala diyan during the lockdown. So mag-abang na lang po ng mga future—future announcements kung kailan mali-lift iyong lockdown. Kapag tiningnan mo, Ka Ely, Pasay yata iyan. Napakaliit kasi, hindi ko nababasa. Sa Pasay yata iyan. Ang dami—ang daming mga lugar na naka-lockdown.

     

    Gumawa kami, Ka Ely, ng—gumagawa kami ng sarili naming—mula ito last year—nagka-crunch kami ng sarili naming mga numbers. Ipakita rin natin. Pero iyong sa amin kasi, Ka Ely, iba iyong pag-crunch namin ng data kasi kapag tiningnan mo iyong… kapag tiningnan mo iyong balita, parang parating sinasabi na Quezon City, napakaraming kaso. Pero napakaraming kaso kasi ang laki ng, ano ito, ang laki ng population ng Quezon City. Pero kung gagamitin natin, Ka Ely, iyong ginagamit ng Lancet, ito iyong international na grupo na nag-a-analyze ng datos, ang ginagamit nila, Ka Ely, na analysis, parating on a per 100,000 na… per 100,000 na kaso. Ang sinasabi niya, Ka Ely, parang ina-average niya, two-week average iyong daily infections. Ina-average niya ito over, per 100,000 population. Ito lang, Ka Ely, kung puwede nating ipakita on screen. Ito iyong Top 20 na napakataas ng numbers. Hindi iyan, ang isa pa—hindi iyan. Iyong ating—iyan na ba iyon? Hindi ko nakikita. Pero kung makita natin, Ka Ely, halimbawa iyong first two, sa Kalinga ito, lalawigan ng Kalinga—

     

    ELY: Pasil.

     

    VP LENI: Oo, Pasil at saka Lubuagan. Ang kaunti kasi ng population nito, Ka Ely. Ang population ng Pasil ay 9,644. Iyong populaton ng Lubuagan ay 8,733 pero kapag tiningnan mo iyong two-week average niya over sa 100,000 cases, ang taas. Ang taas talaga. So totoo na iyong absolute numbers niya mababa. Iyong absolute numbers niya mababa kasi kaunti iyong kaniyang population. Pero kapag tiningnan natin, i-factor in natin iyong number of people doon, ang taas ng average niya. Tapos kapag nakita natin, Ka Ely, iyong pumapangatlo iyong Pasay. Iyong pumapangatlo Pasay. Totoong mas marami iyong kaso sa City of Manila, mas marami iyong kaso sa Quezon City, pero kung on a per 100,000 population, ang taas ng Pasay. Mayroon siya ngayon na active cases na 3,169. Pero kapag tiningnan mo, Ka Ely, iyong two-week average niya on a per 100,000 na population, ang taas din. So bakit kailangan? Ito iyong explanation ng Lancet, Ka Ely, bakit kailangan natin na ganoon iyong pag-crunch ng data, ganoon iyong pag-analyze, kasi pa-minsan, kapag tiningnan mo lang iyong absolute numbers, madaya, eh. Kasi kapag sinabi mo na ilan ba iyong na-infect sa Quezon City? Sobrang dami. O ilan ba iyong na-infect sa Pasig, sobrang kaunti. Pero hindi natin na-take into consideration iyong population. Kapag ganito iyong pag-crunch, Ka Ely, makakatulong siya, eh. Makakatulong siya sa pagplano. Makakatulong siya sa pagplano na hindi absolute numbers iyong tinitingnan pero iyong percentage. So makikita po sa screen iyong mga matataas iyong kaso. Halimbawa sa Kalinga mataas. Mountain Province mataas. Siyempre NCR mataas. Iyong Cebu City mataas. Mayroon ding lugar sa Isabela na mataas. Iyong Cabagan. Mayroong mga lugar sa Cebu na matataas din—iyong Lapu-Lapu at saka Mandaue. Mayroon sa—iyong Sagada mataas. Iyong Benguet—La Trinidad, Sablan mataas iyon. So kapag tiningnan natin, Ka Ely, halos ano, hindi—ang concentration niya hindi lang particular na lugar pero naka-spread na talaga. Halimbawa sa La Union, mayroon—maraming lugar sa north. Maraming lugar sa… maraming lugar sa Cebu. Mataas talaga iyong kaso. So ito, Ka Ely, medyo nakakapag-alala siya. Nakakapag-alala siya kasi binabasa ko kagabi. Mayroong interview sa mga ospital. Ang sinasabi niya lang iyong occupancy ng COVID patients parang nasa 70 to 80 percent na. Ano na rin iyon, critical. Critical na iyong, ano ito, iyong occupancy. Ito, iyong mga public hospitals na dinadalhan talaga ng patients gaya ng PGH, ng San Lazaro, ng East Avenue, matataas na iyong occupancy. So iyong pinaka-ayaw natin, Ka Ely, na makarating talaga siya sa critical level kasi iyong pinaka-ayaw natin maraming pasyente wala nang ospital na mapuntahan. So iyong pakiusap lang, Ka Ely, sa lahat na mag-iingat, iyong lahat na health protocols sundin, sana ganoon pa rin. Kasi iyong level natin ngayon, parang sinasabi nila na level na ito noong August. Iyong August alam natin na kasagsagan iyon. Ngayon, parang malapit na nating maabot iyong level na iyon. Kaya iyong level din ng pag-iingat ng bawat isa sana ganoon din.

     

    ELY: Ma’am, sinasabi rin po ng IATF na hindi na kinakailangang bawasan pa, ano, iyong maximum capacity sa mga mass gatherings. Ano ho ba ang pananaw niyo rito?

     

    VP LENI: Ako, actually, Ka Ely, hindi ko kasi alam iyong basis. Hind ko alam iyong basis pero kapag tiningnan kasi natin, Ka Ely, iyong datos, dapat talaga may gawin tayo. Kapag tiningnan natin iyong datos dapat may gawin tayo kasi noong nag-ECQ tayo, Ka Ely, noong March, April of last year, sobrang baba kumpara ngayon iyong kaso. Pero nag-ECQ tayo. Naiintindihan naman natin, Ka Ely, iyong sinasabi na hindi na nating kakayanin. Hindi na natin kakayanin na mag-ECQ pa. Pero sana, Ka Ely, sana iyong mga health protocols, sana hindi isantabi. Halimbawa, habang tumataas iyong mga kaso natin, nagdeklara naman iyong IATF na iyong pagpupunta sa ibang mga lugar hindi na kailangan iyong testing, delikado iyon. Kaya kami, Ka Ely, hindi namin iyon sinunod. Every time na bababa kami sa communities, talagang nagte-test kami. Kasi iyong ayaw namin, kami iyong may dala-dala ng sakit. Bawat baba ng either ako o noong mga kasama ko, sinisiguro namin na magte-test kami—swab test—para siguradong… Sana, Ka Ely, kahit hindi mag-full lockdown, sana iyong ibang mga, ano ito, parang mga health protocols nandoon pa rin. Hindi isantabi. Kasi iyong natatakot nga tayo, maoverwhelm tayo sa number of cases.

     

    ELY: So kapag pumupunta kayo, Ma’am, sa probinsya, eh talagang kayo po ay sumusunod sa, iyong ano, iyong sa health protocols, iyong sa screening at, ‘di ba, may mga triage na tinatawag diyan?

     

    VP LENI: Oo naman, Ka Ely. Depende kasi. Usually kasi depende sa lugar. Iba-iba iyong requirements ng mga lugar, may lugar na—halimbawa, iyong Baguio ‘di ba alam natin na for a very long time, strikto talaga sila sa mga triage areas. May mga areas naman na hindi strikto iyong  pagpasok pero may requirement kang pupuntahan. May requirement ka na parang isa-submit mo iyong sarili mo sa isang lugar para ma-check ka. O may mga lugar naman na kailangan mong i-present iyong mga medical certificates. Kami, Ka Ely, kahit noong mga panahon na hindi sila strikto sa—iyong tawag nila APOR, iyong Authorized Person Outside of Residence, iyong mga government employees na kapag umiikot, nagkaroon ng time na sinabi na hindi na kailangan mag-present. Kami, Ka Ely, hindi namin iyon sinunod. Hindi namin iyon sinunod kasi tingin namin, pagiging responsible iyong magte-test ka. So kami, Ka Ely, papunta nagte-test kami, pabalik nagka-quarantine kami. Dati nga, Ka Ely, iyong quarantine namin limang araw lang. Ngayon, iyong quarantine namin pitong araw. Iyong quarantine namin ngayon pitong araw. On the seventh day, mag-RT-PCR test kami. Puwede lang kaming pumasok ulit sa opisina kapag may negative result na kami. So ganoon iyong ginagawa namin, Ka Ely. Ganoon iyong ginagawa namin kasi iyon naman iyong kontribusyon natin sa society. Talagang paminsan, Ka Ely, parang may mga tinatamaan na hindi maimagine kung papaano natamaan. ‘Di ba narinig mo na siguro, Ka Ely, ang daming mga nagsasabi na hindi nga lumalabas ng bahay pero natamaan pa rin. So sa atin, Ka Ely, mayroong mga sirkumstansya sigurong hindi maiiwasan pero makakatulong na kung ano iyong puwede nating gawin sa side natin, gagawin natin.

     

    ELY: Opo. So kayo dumadaan po kayo sa health screening at si Senate President Tito Sotto ay dumaan din, ano. Pero ang PNP Chief… [chuckles] Ito, talagang pinag-uusapan ho ngayon, Ma’am. Kinumpirma ho ng LGU ng Oriental Mindoro government na hindi po ito sumailalim sa health screening at marami ngang nagsasabi na dapat hindi puwede, kahit na sino na mataas na opisyal, [dapat] sumunod bilang ehemplo, Ma’am.

     

    VP LENI: Totoo iyon, Ka Ely. Dapat nga tayo iyong example. Walang excuse kasi wala namang na-e-excuse sa virus, ‘di ba. Wala namang na-e-excuse sa virus so dapat talaga kung mayroong—kung ano iyong policy on the ground, sumunod tayo. Gaya ng sabi ko, Ka Ely, responsibility natin na hindi tayo carrier, eh. Responsibility natin na hindi tayo carrier. Again, maraming mga circumstances na hindi natin kontrolado pero iyong mga kontrolado natin iyon iyong gagawin natin. Iyong nangyari yata kasi, Ka Ely, parang nag-helicopter siya. Nag-helicopter siya diretso sa kampo. Diretso sa kampo. Hindi siya dumaan doon sa procedure. Pero kahit kasi, Ka Ely, dumaan sa kampo, dapat nagkaroon ng procedure pa rin pagbaba. Dapat nagkaroon pa rin ng procedure sa baba.

     

    At saka binabasa ko, Ka Ely, iyong mga comments online, iyon pala kasi bago pumunta, parang nagpa-test. Nagpa-test bago pumunta pero dapat sana noon, hinintay iyong results, ‘di ba. Dapat sana hinintay iyong results. Iyon naman iyong—kasi kung magte-test ka tapos hindi mo hihintayin iyong result at pumunta ka pa rin, para saan iyong test. So iyon iyong breach. Iyong breach, Ka Ely, dalawa talaga, eh. Iyong breach number one hindi dumaan sa triage. Number two, nagpa-test pala. Pero bumiyahe at in-expose iyong sarili after nagpa-test at habang naghihintay ng result. So I think, Ka Ely, iyon iyong ipapaalala natin sa lahat ng nakikinig na kahit iyong mga government officials—kasi kami, Ka Ely, ikot kami nang ikot kasi mayroong mga tulong na—para hindi ma—pumupunta kami sa mga lugar kasi may tulong na dinadala doon. In fact, ngayong week, community ulit kami. Pero kami, nagpatest. Nagpatest kami, Ka Ely, kahapon. Nagpatest kami kasi in preparation. Halimbawa, ako, nakuha ko na iyong aking results kagabi. Pero iyon nga, Ka Ely, iyong virus walang ine-excuse. So hindi rin tayo puwedeng magpa-excuse sa mga protocols. Sana… sana, Ka Ely, iyong mga policies ng IATF, walang ganoon. Ang gusto kong sabihin, kahit pa iyong kino-consider nilang APOR, totoo na parang additional layer na minsan nakakasagabal pero tingin ko, Ka Ely, iyong sagabal worth na gawin dahil kalusugan iyan ng bawat isa sa atin ito.

     

    ELY: So ano, nakakadalawa na itong si General Sinas. Strike Two na sabi nga ni Senator Ping Lacson, eh. Nakakadalawa na kasi iyong una, iyong mañanita.

     

    VP LENI: Ah, oo nga, oo nga.

     

    ELY: Tapos ito naman hong sa Oriental Mindoro.

     

    VP LENI: Pero iyon nga, Ka Ely, siguro ano, may outrage pero gawing leksyon para sa ating lahat. Dapat maging reminder siya sa atin lahat na maging responsable. Maraming mga paraan kung paano tayo mai-infect. Kahit sa amin, Ka Ely, siyempre pumupunta ako sa opisina araw-araw. Pagsakay ko pa lang sa sasakyan nae-expose na ako kasi may kasama ako sa sasakyan, ‘di ba. Kapag nasa opisina ka, kasama mo iyong mga staff so exposure iyon. Kapag mayroon kang mga bisita, nae-expose ka. Kaya sa akin, Ka Ely, may mga bagay na hindi maiiwasan. Pero makakatulong na iyong lahat na… iyong lahat na protocols, sinusunod natin kasi hindi naman siguro tayo 100 percent na malilibre. Pero at least, nagiging responsable tayo.

     

    ELY: Opo. At siyempre, bilang hepe ng PNP, sila po ang nagpapatupad ngayon ng mas mahigpit na health protocols sa ating mga kababayan at ‘di ba mayroon nga pong ipapatupad sa Lunes na iisang—o unified na curfew dito sa Metro Manila kasama po ang PNP. Eh sana, magsilbing ehemplo. Kasi baka gawing ganiyan, Ma’am, “eh PNP chief nga, eh, hindi…”—baka sabihin ng tao ganoon—“Eh ako hindi rin puwede?” So baka magkagulo.

     

    VP LENI: Ako lang, Ka Ely—may dalawang ipapatupad, at least iyon iyong announcement: iyong isa iyong curfew. Ako naman, Ka Ely, marami nagkukuwestiyon nito pero kasi, Ka Ely, may tiwala naman ako sa mayors, eh. Para sa akin, iyong mayors iyong nakakaalam, eh. Iyong mayors iyong nakakaalam ng sitwasyon on the ground. So kung maalala mo, Ka Ely, kahit may nagsabi nang IATF na puwede nang magbukas ng sinehan, maraming mga mayors iyong ayaw sumunod. So itong curfew, maraming tumutuligsa na hindi ito makakatulong sa pag-ampat ng virus. Pero sa akin, sa akin, magbigay na tayo ng tiwala sa mga mayors kasi hindi naman ito hihilingin kung hindi sa kanila mahalaga. Iyon iyong number one.

     

    Ang hindi ko lang talaga maintindihan, Ka Ely, iyong bawal—kahit iyong mag-asawa—bawal iyong PDA.

     

    ELY: Tama. Magkatabi sa kama pag-uwi ng bahay tapos bawal. [chuckles]

     

    VP LENI: Naiintindihan ko naman, Ka Ely, na mahirap kasi, ‘di ba, mahirap na i-distinguish iyong mag-asawa at saka hindi mag-asawa pero medyo nakakatawa lang. Pero sa akin, Ka Ely, tingnan natin. Kasi ang worry ko, Ka Ely, baka pareho ito noong, ano iyon, iyong harang sa motorsiklo.

     

    ELY: Nagkaroon sila ng barrier sa mga motorsiklo…

     

    VP LENI: Oo, ‘di ba, pero inalis din. Inalis din.

     

    ELY: Pagkatapos, Ma’am, noong nakabili na, at saka inalis. [laughter]

     

    VP LENI: Ito kasi, Ka Ely, iyong sinasabi natin na ano, eh, ito iyong sinasabi natin na sana bago nagbababa ng policy, pinag-aralan, nakabase sa datos, nakabase sa siyensya, iyong lahat na mahahalagang mga stakeholders nakonsulta. Kasi kung basta-basta lang, paminsan alanganin, eh.

     

    Ito na nga, Ka Ely, na contact tracing talagang—nakita ko sa Facebook iyong sinabi na kailangan na talaga ng app ngayon. Ka Ely, may sinend sa akin noong mga—may mga several na nagsend sa akin iyong parang soccards, iyong social media cards na March 2020 sinasabi ko na. March 2020 tapos inulit natin sa Biserb, Ka Ely. Inulit natin August 2020, na iyong kahalagahan ng app. Kasi parang sinasabi nila, “O, nakaano na tayo, naka-hire na tayo ng enough na tracers.” Parati nating sinasabi, Ka Ely, na hindi iyon sapat. Hindi iyon sapat kung hindi standardized. Hindi standardized iyong contact tracing na programa kasi iyon nga, iyong mga LGUs sa kahihintay, nagkaniya-kaniya na lang. Pero effective iyon sa loob ng LGU. Alam naman natin na iyong mga tao mobile na mobile, ‘di ba? Nakakalungkot lang na March 2021 na, nagbibigay na naman ng palugit na 10 days para i-upload iyong app. Eh pinuna na nga natin ito, Ka Ely, noong August of last year na April 2020 may IATF resolution na na StaySafe yata, Ka Ely, ‘di ba. StaySafe ba iyong pangalan ng app?

     

    ELY: Opo, StaySafe.

     

    VP LENI: StaySafe app na dapat iyon na iyong susundin. Parang hindi naman na-implement. So ngayon, after a year, iyon pa rin iyong pinag-uusapan natin.

     

    ELY: Pero, Ma’am, narinig ko ang panig dito ng StaySafe. Parang iniipit sila ng DOH. Napakaraming requirements daw kaya hindi ma-implement nang husto ito.

     

    VP LENI: Totoo, Ka Ely. In fact, iyong mga kaibigan natin sa Congress nagkukuwento during the hearing na parang ang sinasabi nga nila, Ka Ely—ito hindi first-hand information pero kuwento lang na nakakaawa na raw iyong StaySafe kasi may impression na pinapahirapan. Pero iyon nga iyong—sa panahon na dapat nagtutulungan tayo, parang masyadong iba iyong priorities. So ngayon, ito na naman. Pinag-uusapan na naman, Ka Ely, ngayon. Dapat talaga—ewan ko na lang kung ma-implement na siya ngayon pero parang iyong one year sobrang tagal naman noon. Sobrang tagal na okay lang sana kung hindi ganito iyong sitwasyon natin.

     

    Pero ewan ko lang, Ka Ely, kung nakita mo iyong pinublish ng WHO, iyong parang may comparison siya ng mga bansa at saka papaano siya nagko-cope dito sa virus. Parang tayo iyong iba iyong direksyon, Ka Ely, eh. Kahit iyong mga malala, iyong sinasabi nilang—iyong halimbawa iyong US, Ka Ely, iyong US sobrang lala ng response nila initially. Initially sobrang lala ng response pero after the elections, Ka Ely, bumuti. Bumuti iyong response. Ang target nila ngayon, Ka Ely, parang ngayong nagwa-one million a day na yata sila. Parang nagwa-one million a day na vaccination. Tapos ang target nila mag-two million a day kasi ang target nila, Ka Ely, by May, lahat na gusto ng bakuna available na sa kaniya. By July, back to normal na sila. Iyon iyong kanilang target. Nakita ko lang iyong exchange, Ka Ely, iyong comment ni Senator Ping na masyadong mabagal. May sagot si Secretary Duque na mabagal daw kasi hindi siya puwedeng madaliin kasi ano iyon, kasi parang sinasabi niya na hindi sabay-sabay, kasi pagkaka-inject, kailangan pang maghintay ng few minutes—few hours pala, few hours pala para makita kung mayroong reaction. Pero, Ka Ely, ito na iyong sinasabi natin from the very start, ‘di ba. Ito iyong sinasabi nila na 10 steps ahead sila. Pero from the very start, sinasabi na natin iyong deployment, kahit wala pang vaccine, iyong deployment puwede nang paghandaan. Ngayon, at saka pa lang—nakita ko kasi iyong statement ni Secretary Duque na maghahanap ng mga schools, maghahanap ng mga covered courts o gym yata para gawing vaccination center. Puwede itong ginawa noon pa. Puwede itong ginawa noon pang wala pa iyong bakuna. Ito iyong sinasabi natin, Ka Ely, na ang dami na nating puwedeng gawin habang naghihintay tayo ng bakuna. Ngayon, parang iyong average yata natin, 30,000 iyong nababakunahan every week—sobrang bagal nito. Parang iyong computation nila, Ka Ely, it will take ano, mga ilang years, kung 30,000 a week lang iyong nababakunahan, ilang years ang kailangan para ma-reach natin iyong herd immunity. Kasi iyong herd immunity, Ka Ely, between 70 to 80 million Filipinos dapat ang mabakunahan para maka-back to normal tayo. Eh kung 30,000 a week, Ka Ely, ilang taon ang kailangan natin bago mabakunahan lahat?

     

    ELY: Pero iyong mga bakuna na dumarating ay puro donasyon pa ito, ha. Kasi marami ngang nagtatanong, eh. Eh mahigit sampung trilyon na ang utang natin, wala pa ring nabiling bakuna.

     

    VP LENI:  Iyong dumating—parang nagkaroon na, Ka Ely, ng tatlong shipment. Iyong dumating na SinoVac, iyong dumating na SinoVac ay donation. May dalawang shipment ng AstraZeneca na dumating. Donation yata from the COVAX facility. So wala pa iyong ating binili. Sana, sana dumating na, Ka Ely, lalo na ngayong grabe. Lalo na ngayong grabe iyong cases kasi iyon talaga iyong makakatulong. At sana iyong deployment niya, mabilisan. Hindi puwedend 30,000 a week, iyong ginagawa natin ngayon, kasi—dapat talaga… dapat talaga, Ka Ely, bilisan.

     

    ELY: Opo. Okay, Ma’am, at samantala, sa iba pa nating isyu, noong nakaraang linggo ay naging madugo, ano. Ang dami hong napatay rito na sinasabing mga aktibista, Ma’am. At maraming nagtatanong, ano ho ba ang proseso, Ma’am? Kayo ho bilang abogado, papaano ho ba talaga kasi ang pagkuha ng ano, ng search warrant, at maging arrest warrants, maraming nagsasabi, parang ang daling makakuha ang mga pulis pero sa implementasyon, bara-bara rin, Ma’am.

     

    VP LENI: Actually, Ka Ely, ito iyong sinasabi noong mga petitioners sa Anti-Terror Law, ‘di ba, na parang sa papel maganda pero kapag ang mag-iimplement ay may halo nang abuso, may halo nang hindi pagsunod sa letter at saka sa spirit noong pinapasunod ay maraming ganito na mangyayari. Ito na iyong sinasabi nila. Parang sinasabi kasi nila, parang iyong narinig ko kasi, Ka Ely, na interview doon—nabasa—iyong interview doon sa police chief ng Calabarzon, parang sinasabi niya na iyong operations daw, legitimate kasi nagko-comply lang naman sila doon sa Executive Order 70 na pinirmahan ng Pangulo. Kapag tiningnan mo, Ka Ely, iyong Executive Order, ang emphasis noon, ang emphasis noon, ito, Ka Ely, binabasa ko ngayon, ang sinasabi niya may need for delivery of basic services and social development packages in conflict affected and vulnerable areas. So malinaw, Ka Ely, na iyon iyong emphasis. Iyon iyong emphasis na siguruhin na iyong mga areas ng nasa conflict o iyong areas na vulnerable sa recruitment, mabuhusan iyon ng tulong, basic services at saka social development packages kasi ito nga iyong makaka-hinder para hindi sila naattract sa recruitment. Pero, Ka Ely, iyong nangyari kasi sa Calabarzon, mayroong search warrant. Pero iyong pagsilbi ng search warrant, siyam iyong namatay. Siyam iyong namatay tapos ang kuwento lahat nanlaban. Iyong sa akin lang, Ka Ely, hindi natin alam—ako, hindi ko alam kung ano talaga iyong nangyari pero kapag binasa mo iyong mga statements ng mga nandoon, parang sinasabi nila na imposibleng nanlaban. Siyempre hindi natin alam. Hindi natin alam kung anong totoo. Iyong pinaka-makakatulong dito, Ka Ely, magkaroon ng imbestigasyon na unbiased. Magkaroon ng imbestigasyon na unbiased tapos kung sino man iyon, kung ano man iyong lumabas sa imbestigasyon na mayroon mang nang-abuso, mayroong nagkasala, iyong certainty ng penalty ay dapat nandoon. Kasi kung wala iyon, parang makukulong tayo sa sitwasyon na iyong dapat na nangangalaga sa ating kaligtasan, iyon na iyong kinakatakutan natin. Ayaw natin iyon.

     

    Iyong sa akin, Ka Ely, marami akong kakilala na uniformed men na napakamabubuting tao. Napakabuting opisyal. Iyong sa atin lang, iyong panawagan lang natin sa kanila na dapat hindi tinotolerate iyong ganitong actuations kasi makaka-erode ito sa confidence ng taumbayan sa ating protectors.

     

    Ganoon din, Ka Ely, iyong nangyari doon sa Calbayog. Ang sinasabi pala, ang official statement ay parang shootout, pero marami iyong witnesses on the ground ang nagsasabing hindi, kundi ambush iyon. Again, wala tayo roon, Ka Ely. Mahirap humusga ng maaga. Pero iyong hinihingi natin, sana iyong imbestigasyon maging fair. Sana ang imbestigasyon maging fair. Sana kung sino man iyong na-find out na nagkasala ay ma-penalize. Kasi ang nakataya rito, Ka Ely, ang nakataya rito iyong integrity. Iyong integrity noong mga institusyon.

     

    Kaya sa akin, Ka Ely, nakakalungkot na nangyayari ito. Ayaw natin na dumating tayo sa punto na pareho na tayo noong ibang mga bansa na sobrang gulo. Ayaw nating dumating tayo sa puntong iyon kasi, Ka Ely, hindi naman ito dinideserve ng mga Pilipino, ‘di ba. Hindi ito dinideserve ng mga Pilipino. Parang kapag pinaghinalaan ka papatayin ka, parang lahat na lang patay, ‘di ba. Paghihinalaan ka na involved ka sa drugs, patay. Eh makikita naman natin, Ka Ely, iyong pagpapatay ba, naresolve niya ba iyong problema natin? Eh dito lang sa drug war, nakita natin na hindi. Tapos ginagawa na naman natin ngayon. Ginagawa na naman natin ngayon eh alam natin na hindi iyon iyong solusyon. Eh nakalagay nga—alam naman nila, Ka Ely, kasi nakalagay sa Executive Order, eh. Nakalagay sa Executive Order na whole of nation approach, with emphasis on the delivery of basic services and social development packages. So alam, alam  na iyong susi ay ito. Iyong susi hindi patayan, hindi—iyong EO 70 hindi siya license para iyong violence at saka iyong pagpapatay, iyon iyong means para ma-eradicate natin iyong problema natin sa communism. Sana lang, actually, Ka Ely, iyong hinihiling lang natin: makakatulong para sa lahat na makita ng tao na iyong imbestigasyon maayos, iyong imbestigasyon fair at unbiased para magtiwala ulit ang tao.

     

    ELY: Pero, Ma’am, dito kasi tulad ng ano na nabasa ko ito ang isang aplikante sa pagka Chief Justice si Justice Segismundo, sabi niya talagang dapat ay higpitan ano, ng mga hukom ang pag-ano—ang pag-apply ng mga warrant ng pulis kasi—kasi parang nagiging madalian, ma'am. Kukuha ng warrant dito sa Metro Manila tapos i-implement iyon sa probinsya, puwede naman. Pero sa aking pagkakaalam, hindi naman ako abogado, maliwanag di ba, Ma'am may mga instruction doon sa halimbawa search warrant kung anong mga lugar lang, ‘di ba? Specific ho na iyon lang dapat na titingnan ng mga pulis, parang hindi nasusunod ito.

     

    VP LENI: Actually—actually, Ka Ely, ang batas maraming safeguards. Maraming safeguards iyong batas kaya nga tama naman ang ini-interview na Chief Justice na reminder din ito. Reminder ito sa mga members of the judiciary na nagbibigay ng search warrants. Siguraduhin nila na ang binigay nila hindi magagamit—hindi magagamit sa pagpatay. Hindi magagamit sa pang-aabuso ng kapangyahiran. Actually, Ka Ely, maraming safeguards hindi dapat ganoon kadali. Hindi dapat ganoon kadali makakuha ng search warrant dahil kailangan—kailangan, Ka Ely, may personal—may ano, may personal knowledge, may proper determination ng judge ng circumstances. Pati nga iyong araw at oras ng pagsilbi ng search warrant ay mayroon tayong safeguards. Kaya nandoon siya, Ka Ely, so hindi natin maintindihan kung bakit ganito. Parang—parang naging license to kill, eh. Sana hindi naman. Sana hindi naman—sana ipakita ng leadership na hindi nila ito-tolerate. Sana ipakita ng leadership na hindi nila ito-tolerate na nangyayari ito. Sana iyong mga napapatawan ng penalties, Ka Ely, hindi pinapapahinga lang tapos mabibigyan ulit ng assignment. Kasi hindi siya nagiging deterrent, eh. Hindi siya nagiging deterrent na kapag mainit na, pahinga—parang diyan ka na muna tapos makikita natin susulpot na naman, may bagong assignment. Hindi siya nagiging deterrent para hindi gawin iyong mga abuses na nagagawa. So sa atin, Ka Ely, nagdedemand tayo. Nagdedemand tayo sa leadership na ipakita nila na hindi ito tolerated. Ipakita nila na kung may nagkasala, ito ay paparusahan.

     

    [END OF GAP 1]

     

    ISTORYA NG PAG-ASA SEGMENT

     

    ELY: Okay, Ma'am, at bago tayo mag-INP, Istorya ng Pag-asa binabati natin si Manang Luisita Conception, mother-in-law ni Anding Flores ano. At, Ma’am, birthday ni ano, Kiel Fernandez, iyong commander-in-chief.

     

    VP LENI: Naku hindi ko alam. Kiel, happy birthday, Kiel! Naku hindi ko—na-miss out ko dapat nag-greet ko kay Kiel kanina. Kiel, happy birthday!

     

    ELY: Iyan po ang commander ni Major Arnie Fernandez.

     

    VP LENI: Oo, ni Arnie [chuckles]

     

    ELY: Okay, ma'am. Ito na po—ready na ba ang ating Istorya ng Pag-asa at ito'y bahagi pa rin siyempre at ng ating palatuntunan. Pagbibigay po ng inspirasyon sa ating mga kababayan sa gitna po, lalo na ho ngayon may pandemya.

     

    VP LENI: Ayon. Ang guest natin ngayon, Ka Ely, ang kuwento nito parang pang-MMK. Ang kuwento nito pang-MMK, pero pakinggan natin sa kanya. Si Luzviminda Siapo. Anong palayaw mo, Luz ba?

     

    LUZVIMINDA SIAPO: Minda po, Minda. Good morning po, Vice President. Okay naman po.

     

    VP LENI: Minda, ikuwento natin sa kanila ang pinagdaanan mo. Kasi iyong pinagdaanan mo noong nalaman ko ang kuwento mo, parang hindi ko ma-imagine kung paano—alam mo iyon. Ang sakit, hindi ko ma-imagine kung paano mo dinaanan na ngayon ay malakas pa din ang loob mo. Ayon. Kaya, Minda, kaya guest ka namin.

     

    LUZVIMINDA SIAPO: Salamat.

     

    VP LENI: Iyong kuwento mo, at kung papaano mo hinarap ang mga pagsubok ay malaking inspirasyon sa aming lahat. So ikuwento natin, Minda, [single] parent? Single parent. Ilan ang anak mo, Minda?

     

    LUZVIMINDA SIAPO: Dalawa po.

     

    VP LENI: Dalawa ang anak mo. Iyong—tatlo, ‘di ba? Tatlo, namatay ang isa. Pero para buhayin sila, ikaw ay nagtrabaho abroad. Saan ka nagtrabaho, Minda?

     

    LUZVIMINDA SIAPO: Sa Kuwait po ako nagwork, Vice.

     

    VP LENI: Noong nasa Kuwait ka, Minda, sino—kanino mo naiwan ang tatlo mong anak?

     

    LUZVIMINDA SIAPO: Naiwan ko sa mother ko, tapos ang panganay, si Raymart, briniefing ko na siya na ganito ang gawin mo kapag nasa ibang bansa ako. Ganito dapat ang pagkain niyo sa isang linggo. Nabrief ko na siya kasi ang mother ko, may katarata, hindi siya masyadong makakapag-intindi doon sa mga maiiwan.

     

    VP LENI: So parang si Raymart, noong wala ka parang siya ang tumatayo din na magulang noong kanyang mga kapatid?

     

    LUZVIMINDA SIAPO: Opo, opo. Siya po talaga. Siya ang naghahatid sa school kasi ano po, tawag dito, nag-aaral lang po siya ng alternative school, iyong tuwing Saturday—opo, tuwing Saturday lang po ang kanyang pasok.

     

    VP LENI: Tapos, Minda, ‘di ba, 19 years old? 19 years old—

     

    LUZVIMINDA SIAPO: Opo, 19 years old po siya.

     

    VP LENI: Oo, tapos ito, Minda, siya ang tumatayo na magulang ng dalawa niyang kapatid. Ano ang nangyari habang wala ka? Paano mo na—ano ang nangyari sa kanya, paano mo nalaman ang trahedya?

     

    LUZVIMINDA SIAPO: Kasi po noong March 29, magkachat pa po kami.

     

    VP LENI: Anong taon iyan, Minda?

     

    LUZVIMINDA SIAPO: March 29, 2017.

     

    VP LENI: 2017.

     

    LUZVIMINDA SIAPO: So magkachat kami ng mga petsa na iyon at saka iyong araw na iyon. Bago siya i—tawag dito po, kidnapin ng mga 14 masked men. Magkachat pa po kami noon eh. Ang naging problema kasi siya—naging problema po, nagchat siya sabi niya, "Mama, pinabarangay ako ni Kuya Pons," sabi niyang ganyan. Sabi ko, "Sige, pumunta ka sa barangay." Ang gusto ko nga pong mangyari noong time na iyon, marecord ang usapan nila sa barangay kasi—

     

    VP LENI: Sino si Kuya Pons?

     

    LUZVIMINDA SIAPO: Iyong may-ari po ng bahay na tinitirhan namin sa Maynila po.

     

    VP LENI: Okay.

     

    LUZVIMINDA SIAPO: Tapos sabi ko, "Sige, pumunta ka. Sumama ka para alam mo kung bakit." Tapos noong huli na sabi ko, "Ano bakit hindi mo ako nai-record?" Iyong parang i-record para masend niya sa akin kung ano ang pinag-usapan kasi nasa ibang bansa nga po ako. Sabi niya, "Tapos na, mama, okay na." So kampante po ako, kasi okay na sinabi niya. Tapos noong gabi, matatapos na kami magtrabaho doon sa Kuwait. Ang oras dito sa Pilipinas—sa Kuwait ay nasa 11 o'clock ang tapos ng trabaho namin, so.

     

    VP LENI: 11 ng gabi?

     

    LUZVIMINDA SIAPO: Opo, 11PM. Tapos doon po sa Kuwait kasi, ma'am, hindi puwedeng gumamit ng cellphone. So ang cellphone namin nakatago siya kung saan-saan kasi kukunin ng aming employer, iyong may-ari, iyong boss namin. Tapos kinuha ko siya noong pagkatapos ko magtrabaho para i-check kung may mga message. So nagulat po talaga ako noong oras na iyon kasi may message lang siya na emoji na lumuluha, iyong ganyan. Sa—

     

    VP LENI: Sino nagpadala niyan?

     

    LUZVIMINDA SIAPO: Pamangkin ko po ang nagpadala noon. So parang sabi ko, "Bakit ganoon?" Tapos maya-maya may nagchat na naman, iyong kaibigan ng anak kong si Raymart, na emoji na naman po lumuluha. Sabi ko, "Ano bang nangyayari?" So nagchat ako, "Ano bang nangyayari diyan?" Hindi sila makapagsabi po. Ang nangyari iyong isa kong pamangkin nagchat uli siya, emoji na umiiyak, anak po iyon ng kapatid ko iyong pang-apat, na sinabi niya na si Tiil—kasi po ang pangalan ni Raymart ay Tiil gawa ng kanyang paa is clubfooted. So sabi niya, "Si Tiil, auntie, patay na." Talaga pong—iyong magugulat po kayo kasi kakachat niyo lang po. Kakausap niyo pa lang. Oras pa lang po ng kakatapos niyo lang mag-usap, tapos biglang patay na agad. So iyong mga oras na iyon po, Vice President, kung ano po, tawag dito, kung iisipin niyo po ng mga oras na iyon, ang china-chat ko na nalaman kong patay ang anak ko, talaga po ang luha ko hindi ko mapigil na bumagsak kasi po hindi po ako makapaniwala na patay. Tapos ang nangyari sabi ko, "Paki send naman ang ano, iyong picture na—" Duguan po talaga siya. Gusto ko makita iyong duguan kasi baka mamaya hindi talaga totoong patay so. Nasa morgue, nagsend po ang pamangkin ko na unang nag-chat. Duguan po ang sinend sa akin. So doon na iyong lupasay po ng iyak, talagang hindi ko na malaman kung ano ang gagawin ko. Nakatwalya ako, bumaba ako doon sa sala ng boss ko kasi alas dose umaakyat siya sa kuwarto niya. Iyong boss kong babae. Bawal po iyon, di ba, kasi nakatapis lang ng twalya. Tapos hindi nila alam na mayroon akong cellphone, nagulat sila. Mayroon akong cellphone na dala pagbaba. Tapos pinapakita ko sa kanila na, "Madame," sabi ko, "Ang anak ko mot." Ibig po sabihin ng mot, patay. Tapos ayaw po maniwala noong boss ko na babae. Sabi niya, nagdadahilan lang daw po ko. So pinakita ko po ang picture, ayaw niya talagang maniwala. Ang ginawa ko po, lumuhod. Tapos umiyak ako ng umiyak sa kanya noong gabing iyon. Sabi niya, umakyat daw po ako sa taas. So ang ginawa ko pinuntahan ko po ang isang kasamang katulong doon sa third floor, Pilipina din po siya. Nagpapatulong po ako sa kanya na talagang ikumbinse ang aking boss na si Raymart ay patay. Tapos ngayon bumaba po ang ano, kasamahan kong katulong, pati siya napagalitan po kasi gumagawa lang daw po kami istorya. Tapos noong nasa kuwarto na ako, sinilip ako noong anak niyang babae. Hindi po ako tumitigil ng kakaiyak. Kasi nakita mo ang anak mo dugo-dugo tapos iyong—nahihirapan po talaga ako—iyong duguan siya tapos makikita mo ilang months nalang magkikita na sana kayo kasi matatapos na po ang kontrata ko, ano. Tapos patay na siya. Nahihirapan po ako noong oras na iyon. Wala po akong ginawa kung hindi umiyak, nang umiyak.

     

    VP LENI: Minda, papaano mo siya nakumbinse na pauuwiin ka? Kasi noong una ayaw niyang pumayag, 'di ba?

     

    LUZVIMINDA SIAPO: Opo. Noong second day, noong unang araw ng umaga nang namatay si Raymart noong gabi. Ang ginawa ko po, naglinis pa rin po ako ng bahay. Iyong simula hanggang second floor hanggang sa baba, ipinagluto ko pa rin po sila ng almusal. Tapos ginagawa ko pa rin bilang katulong ang obligasyon ko para sa isang amo ko na kahit na alam ko po na patay ko ang anak ko sa Pilipinas. Tapos po noong nagdala po ako ng chai, kasi nagcha-chai sila sa umaga, iyon po ang pagkakataon na kinausap ko po ang madam ko. Sabi ko, "Madam, baka po puwede po ipauwi niyo ako ng Pilipinas kahit lang po makita ko lang ang anak ko?" Tapos po lumuhod po ako sa may paahan niya kasi nakadiretso ang paa niya doon sa may sofa. Tapos po, kiniss ko ang feet niya ng umaga noong naghatid ako ng chai para ano po, para bumaba ang kalooban niya na pumayag siya na pauwiin po ako sa Pilipinas. Pero hindi po, sinipa niya ang ano ko, iyong paghawak ko sa paa niya. Sinipa niya, tapos pinaalis niya na ako. Tapos doon po sa kusina, isa po sa mga ginagawa ko, nagpe-pray po talaga ako na irelease ako, makauwi ako, makauwi ako ng Pilipinas. Second day, kinausap ko po ang anak ng boss ko na isa sa mga kumuha sa akin sa agency na pauwiin niyo na ako ng Pilipinas. So kinausap nila ang mama nila, thanks God kasi po—prayer is talagang napakapowerful kasi inirelease po ako noong nanay nila. Noong second day pumayag siya na pauwiin ako ng Pilipinas, pero one week lang po. Back-to-back ang ticket. Tapos ang nangyari po, hold po ang aking sahod. Opo. So ang sahod ko po sa Kuwait kasi—iyong sahod ko sa Kuwait is 1.5 ang hindi nila naibigay kasi ang kalahati inutang ng boss ko na lalaki. Siya nagpapasahod sa akin. Tapos iyong isang buwan, iyon pa pong delay sila kung magbigay tapos utang pa po ang iba. So hindi full payment po ang binibigay sa akin ng boss ko. So ang nangyari ang pera ko po sa wallet is Php 20 na Philippine money na natira sa wallet ko. Tapos mayroon po akong ano, Vice President, mayroon po akong, 5KD sa Kuwait, nasa  P750 po iyon. So pumayag na po ako na i-hold nila lahat ng gastos—ay iyong sahod ko po makauwi lang po ako ng Pilipinas.

     

    VP LENI: Ang dala-dala mo lang iyong P700?

     

    LUZVIMINDA SIAPO: Opo. P700 lang po. Tapos, inisip ko siyempre po mayroon akong anak na kailangan kong pasalubungan. Sabi ko, "P20 ang matitira sa akin, maibibili ko ito ng chocolate or papasalubong ko—ang ginawa ko po, dahil noong time na iyon, may nagsabi na susunduin ako sa airport. Ang ginawa ko, bumili nalang po ako ng mga tsokolateng mga sale para lang pong masabing galing akong abroad ng mga anak ko tapos wala na po akong ipapasalubong sa kanila. So ibinili ko po iyong P700, so P20 nalang po ang natira sa wallet ko po. So napakahirap, iyon po ang pinagdaanan ko sa Kuwait.

     

    VP LENI: Tapos, Minda, pagdating mo ano ang kuwento sa iyo? Ano ang nangyari sa anak mo?

     

    LUZVIMINDA SIAPO: Diyos ko po ang nangyari sa anak ko ay sinabi lang na ano, nagtitinda ng marijuana. Iyong nagtitinda daw ng marijuana doon sa blotter, so sinabi lang na nagtitinda ng marijuana noong March 29, kinabukasan March 30 patay agad. So 29 lang ng gabi, March 30 ng mga 1 o'clock, 2 o'clock natagpuan na siya kaagad na patay. So parang nakaka-ano po ang kuwento.

     

    VP LENI: Iyong sinasabi mo kanina, Minda, na dinukot siya ng 14?

     

    LUZVIMINDA SIAPO: Opo. 14 po. Kasi ganito po iyon, iyong unang pumunta ang mga 14 masked men ng 29 ng gabi. Nagmamanman na po pala, pumunta doon sa lugar kung saan si Raymart pinuntahan ng mga barangay. So naka civilian pa po sila, wala silag mask. Pero mga naka armas po sila. 14. So nakasakay sila, dala-dalawa doon sa motor, pitong motor po ba ang dala? Mga ganoon po ang sinabi doon ng kapitbahay. Tapos mga bandang 11 ng gabi, or 10 yata po yun. Dumating naka-mask na sila. Pero same pa rin po iyong damit, naka-mask na lang po sila.

     

    VP LENI: Pero ano yun, nalaman mob a kung sino iyong 14 na yon?

     

    LUZVIMINDA SIAPO: Ang sabi ng mga kapatid ko, pulis eh.

     

    VP LENI: Okay.

     

    LUZVIMINDA SIAPO: Pulis sila.

     

    VP LENI: Alam mo kung saan dinala iyong anak mo?

     

    LUZVIMINDA SIAPO: Hindi po nila nakita sa bahay, Ma’am, kasi po nung time na yun, Friday iyon kinabukasan dadalhin ng kapatid ko sana – Ah Friday ba? Basta papapasukin nung kapatid ko ng construction kasi every Saturday lang naman iyong pasok nya. Tapos ang magiging mangyayari, mahahabilin na sila, iyong anak ko po  doon sa lola nila kasi napa-opera ko na iyong mata so mahahabilin na. Tapos -

     

    VP LENI: Magtatrabaho si Raymart?

     

    LUZVIMINDA SIAPO: Oo, magtatrabaho si Raymart. Tapos nung araw na iyon na papatayin siya, bumaba siya sa bahay nanghihiram siya ng bag doon sa ano niya, kaibigan nya kaya hindi po siya inabot sa bahay. 15, 10 minutes pa lang daw po nakakababa si Raymart saka dumating daw po iyong mga pulis na mga naka-bonnet.

     

    VP LENI: So saan siya nakita?

     

    LUZVIMINDA SIAPO: Doon lang din po sa street namin, Ma’am. Sa pinakadulo ng street po namin. So siguro mga pang-walong bahay simula doon sa bahay namin. Doon po siya nagpunta kasi doon po iyong kanilang parang tambayan ng mga kaibigan niya. So ang nangyari po, may nagturo. Kasi, syempre, kapag ikaw iyong huhuli, hindi mo naman malalaman kung sinong huhulihin mo so mayroon talagang nakakakilala sa kanya. So ang nakakilala sa kanya – Ang sabi nung kasamahan ng anak ko na si Raymart, tao ng barangay ang kasama ng mga naka-bonnet. Kilala nila iyong nagturo na tao ng barangay. Tapos po nung tinuturo si Raymart, ang sabi nga nung nagturo “Ayon!” Saka lang po siya in-ano ng mga masked men. Ang ginawa naman ni Raymart dahil tinuro siya, doon sa may kanto may bahay ng kaibigan niya – Ano siya po eh, pumunta siya doon sa bahay ng kaibigan niya tapos nagtago po siya doon sa taas. Ang nangyari sumigaw iyong isang pulis na malaki ang katawan, nakabonnet siya na “Pag hindi niyo pinababa yan, pati kayo madadamay”. So ang ginawa nung mag-asawa, sabi ni Raymart “Sige po ate, bababa na lang po ako. Wala naman akong kasalanan.” Tas nung pagbaba nga niya, pinalo siya ng malakas na hampas ng baril sa ulo. Gaano katindi po iyong ganon? Iyong wala ka man lang alam kung bakit ka hinuhuli. Siguro po ang iniisip ng anak ko wala ka naming alam, bakit ka hinuhuli. Wala naming search warrant. Wala po. Pagkapalo sa kanya ng malakas, sinakay na po siya sa motor.

     

    VP LENI: Tapos saan siya dinala?

     

    LUZVIMINDA SIAPO: Hindi na po alam ng mga kaibigan ni Raymart kung saan siya dinala. Kasi nung sinusundan nila iyong mga dumukot sa kanya, hindi na nila mahabol-habol. Tapos po nalaman na lang mga ilang oras, patay na si Raymart.

     

    VP LENI: Saan siya nahanap, Minda?

     

    LUZVIMINDA SIAPO: 'Di ba po kasi hinanap siya ng mga kaibigan niya? Kung saan siya dinala? Iyong kapatid ko, nagpunta sa police station ng mga oras na iyon, wala. Walang police station na naka-assign. Wala iyong mga barangay tanod – ay iyong mga nakalagay doon sa loob ng barangay. Wala. Ang mga mayroon mga tanod doon sa labas. Siguro mga tatlo lang daw iyon sabi ng kapatid ko. Nung oras na hinahanap nila si Raymart ng alas-dose, hindi nila makita. Tapos pagbalik nila ng ala-una, papunta dun sa police station ng Navotas, andun na iyong mga police. Patawa-tawa pa daw iyong mga police. Ganoon ang reaction – ganoon ang pagkakuwento sa akin ng mga kapatid ko. Tapos mga ilang oras lang, natagpuan si Raymart na patay na siya. Na may nakapagsabi na may patay doon. Kasi kakahanap yata ng mga kaibigan, iyon natagpuan nila.

     

    VP LENI: Ano iyong ikinamatay niya, baril? Ano bang kinamatay niya?

     

    LUZVIMINDA SIAPO: Baril po. Baril.

     

    VP LENI: Saan iyong tama niya?

     

    LUZVIMINDA SIAPO: Ang tama nya, mayroon dito lumusot dito. So sa pangalawang tama, lumabas na po dito sa may ulo. Mayroon po eh. Tapos yun, iyong mga tenga niya duguan na po.

     

    VP LENI: Tapos, Minda—wala na kasi tayong oras kasi alas diyes na.

     

    LUZVIMINDA SIAPO: Opo.

     

    VP LENI: Ang kuwento, hindi ka na bumalik 'di ba? Hindi ka na bumalik doon sa trabaho mo kasi inalagaan mo na iyong mga anak mo na natira. Pero ngayon, nagnenegosyo ka diyan sa inyo.

     

    LUZVIMINDA SIAPO: Opo. So ito po iyong – Nagnenegosyo po ako ng ihaw-ihaw dito po dito sa lugar namin sa Cavite. So lumipat na po kasi ako ng Cavite. Thanks God dahil doon sa wisdom na binigay niya sa akin. Iyong P1,500 na hiningi ko rin po iyon para pang-negosyo ang dami na po niyang ipinanganak na pera. So bale nabayaran na niya iyong mga kuryente ko, kumakain pa kami. Kahit papano may konting ipon. So nanganak na siya. Triple triple na po iyong P1,500 dahil doon sa pag-iihaw ko po.

     

    VP LENI: Ayon. Iyon nga iyong gusto naming i-feature ngayon, Minda, kasi grabe iyong trahedyang dumaan sa pamilya mo. Pero nahanap mo sa sarili mo iyong malampasan iyon.

     

    LUZVIMINDA SIAPO: Opo.

     

    VP LENI: At sa paglampas noon, napabuti mo pa iyong buhay ninyo.

     

    LUZVIMINDA SIAPO: Opo, Ma’am.

     

    VP LENI: Kasi na-kuwento mo nga, nag-abroad ka iniwan mo iyong mga anak mo para maghanapbuhay. Pero hindi rin naging madali iyong buhay mo sa Kuwait. Kasi sabi mo nga, konti na lang iyong sweldo, inuutang pa ng amo mo.

     

    LUZVIMINDA SIAPO: [laughs]

     

    VP LENI: Tapos mayroon kang mga hindi nakuhang sweldo pero nagnegosyo ka. Ang pinaka-kapital mo P1,500. Pero parang hindi na lang ihaw iyong ginagawa mo 'di ba? Parang mayroon ka na ring mga ibang –

     

    LUZVIMINDA SIAPO: Mayroon po akong binuksan na, wala pa pong isang buwan iyong negosyo ko “Isabella’s Bagnet” at saka sisig. So naghalo po ako. Mayroon rin po akong tatlong putahe na lutong ulam every tanghali. Parang sa lutong ulam po kasi, kasi na-idea ko magluto, iyong tutubuin ng lutong ulam, imbis na kakainin naming iyong pera, iyong tubo na lang po ng lutong ulam ang aming kinakain. Tapos iyong sa ihaw po, iyong kita naman ng ihaw, iyon po iyong mga pambayad naming ng kuryente, mga pangangailangan ng anak ko.

     

    VP LENI: Iyong kabutihan Minda, hindi mo na kailangan iwanan iyong mga anak mo.

     

    LUZVIMINDA SIAPO: Opo. Isa sa pinaka hindi ko na po talaga sila maiiwan. Iyon po iyong kinabubuti po ng mayroon kang negosyo. Hindi mo na iiwan iyong mga anak mo para mangulila ka sa ibang bansa. Iyak ka nang iyak. So dito, kahit nasa loob ka lang ng bahay, nakikita mo sila, napapakain mo sila. Kung ano iyong kinakain mo, nakakain din ng mga anak mo. Naipagluluto mo. So kumikita ka na, kasama mo pa iyong pamilya mo. Hindi mo na kailangan pang – iyong minsan minumura ka na lang ng amo mo, 'di ba po? So dito, hawak mo iyong oras mo, panahon mo sa mga anak mo. Oras sa pagnenegosyo. Oras na kumita ka. So napakaganda po na mayroon kang hanapbuhay sa, kahit sa labas lang ng bahay, kahit paunti-unti lang.

     

    VP LENI: Sayang, sayang, Minda, wala na tayong oras. Pero napakaganda ng kuwento mo. Iyong sa hinling ko lang, kasi ako nawalan na din, nawalan na din ako ng mahal sa buhay. Ang hindi ko ma-imagine, Minda, iyong mawawalan ng anak. 'di ba dapat iniluwal natin iyon, inalagaan natin tapos sa pagkakataon pa gaya noong kinwento mo. Pero sana, sana, Minda siyempre, lahat naman tayo nagnanais na sana iyong mga nawala sa atin, nasa mabuting kalagayan na ngayon. Sana mahahanap mo iyong katarungan para sa anak mo, para sa pamilya mo. Pero nagpapasalamat rin kami sa inspirasyon na binibigay mo. Kasi iyong pinakapunto ng Istorya ng Pag-asa, Minda, na maging halimbawa iyong kuwento mo sa mga nanay na katulad mo din na nagdaan din sa grabeng hirap pero nahanap niya iyong, alam mo iyon, nahanap niya iyong landas na kung saan iyong paghihirap na iyon, nagamit para sa kabutihan. So maraming salamat, Minda. Maraming salamat.

     

    LUZVIMINDA SIAPO: Thank you, Vice President. God bless po sa inyo.

     

    VP LENI: God bless din. Mag-iingat ka!

     

    LUZVIMINDA SIAPO: Salamat po. Opo. Thank you po.

     

    VP LENI: Ka Ely—

     

    ELY: Yes, Ma’am.

     

    VP LENI: Sayang, sayang kulang na tayong oras. Napakaganda ng kuwento ni Minda, 'di ba? Napakaganda kasi ito iyong punto natin sa Istorya ng Pag-asa, Ka. Ely.

     

    ELY: Opo. Ma’am, bago tayo magtapos –

     

    VP LENI: Na may mga kababayan tayo na dumaan tayo sa grabeng hirap pero nakita naman natin kay Minda, nakakatawa na ulit siya. Kasi nagamit niya iyong kaniyang pagdadalamhati para magdala ng kabutihan para sa mga anak niya.

     

    ELY: Opo. Okay, Ma’am, bago tayo magpaalam, inyo pong mensahe sa ating mga kababayan.

     

    VP LENI: Sa akin lang, Ka Ely, napakataas na naman po ng kaso ng COVID-19 ngayon. Iyong sa akin lang po, pakiusap—pakiusap na iyong lahat ng health protocols, iyong mga nababalitaan po natin may mga lugar na medyo kampante na, hindi na masyadong nagsusuot ng mask, hindi na sumusunod ng social distancing, huwag po tayong masyadong kampante. Mahirap pong magkasakit. Magastos magkasakit lalo na pag COVID ang ating sakit. Ayaw po natin na nalalagay kayo sa kapahamakan. Ayaw po natin na marami pang mamatay, kaya sakin po pagtulung-tulongan natin to. Pagtulong-tulongan po natin na siguraduhin natin na maampat na natin iyong virus. Hindi po – Iyong pag-ampat hindi lang po iyong obligasyon ng pamahalaan, pero obligasyon ng bawat mamamayan. Kapag nagkakasakit po, huwag matakot. Dapat po magpa-test tayo kasi kung hindi tayo magpapa-test, hindi natin alam baka nakakahawa na tayo sa iba, hindi natin alam na COVID. So iyong pinakakaunti lang po na symptoms—masakit iyong lalamunan, umuubo, may sipon, may lagnat, magpa-test na po kaagad para iyong tamang interventions ay nagagawa sa atin.

     

    ELY: Okay, Ma’am, salamat! Ingat ho kayo lagi. Good morning po sa inyo.

     

    VP LENI: Salamat, Ka Ely.

     

    ELY: Mga kasama, iyan po ang ating Bise Presidente Leni Robredo. Maraming salamat, mga kasama, sa inyong pagsubaybay dito po sa BISErbisyong LENI sa RMN.

     

     

    - 30 -

    Posted in Transcripts on Mar 14, 2021