This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI – Episode 20

    September 24, 2017

    ELY: Magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas, at Mindanao! Ngayon po ay araw ng Linggo, September 24, 2017.

    Isa na namang edisyon ng “BISErbisyong LENI,” at tayo po ay napapakinggan nationwide, gayon din po sa mga himpilan ng RMN Naga- DWNX 91.1, RMN Cebu-DYHP 612, RMN Cagayan de Oro-DXCC 828, RMN Davao-DXDC 62.1.

    At sa iba’t ibang panig ng mundo, tayo po ay puwede pong mapanood, mapakinggan, sa pamamagitan po ng “RMN News Nationwide: The Sound of the Nation,” at siyempre po sa “VP Leni Robredo” sa inyo pong Facebook. Inyo po kaming mapapanood mula dito mismo sa studio kung saan man kayo naroroon sa iba’t ibang panig ng mundo.

    Magandang umaga, Pilipinas, ako pa rin po si Ely Saludar. Siyempre, kasama natin ngayon dito po sa ating studio ang nanay ng sambayanan, ang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si Madam Vice President Leni Robredo.

    [technical interruption]

    ELY: Okay, Ma’am, good morning po ulit! At siyempre, sa ating mga kababayan na nakikinig nationwide, at sa buong mundo, mga kasama. Maaari po kayong mag-text sa amin: 0921-431-1044. At maaaring tumawag o mag-text din dito sa TXTLENI, 0908-898-5364, 0915-898-5364.

    At siyempre, matapos po iyong isang linggo, alamin natin, mga kasama, mga kababayan, kung ano iyong mga naging aktibidad po ng ating Bise Presidente mula Lunes hanggang Sabado.

    Magandang umaga po, Ma’am, muli.

    VP LENI: Ano, Ka Ely, medyo mahaba ulit iyong ating linggo. Umpisahan ko kahapon. Kahapon, Ka Ely, mayroong napakalaking nakakatuwang activity na pinuntahan ko diyan sa may PICC. Ang tawag sa kaniya, Servathon 2017. Iyong sponsor nito, isang foundation na ang tawag Hands On Manila. Pero iyong konsepto niya, Ka Ely, nag-imbita siya ng mga kumpanya para mag-donate saka mag-repack ng kits para sa Marawi. Hindi ito pagkain. Ito iyong mga kits na mga gamit sa bahay, mga kits na kailangan sa pagtulog—mayroong mga kumot, unan. Mayroon ding kits na kailangan ng mga bata para sa kanilang pag-aaral.

    Pero iyong nagulat ako, Ka Ely, noong pagpasok ko sa isang hall doon sa PICC, kasi napakaraming taong nagre-repack. Ang sabi noong Hands On Manila, ito daw iyong pinakamalaki nilang event—kasi parang pang-apat na ito—more than 1,000, Ka Ely, iyong volunteers na dumating. At kung makita mo, iyong volunteers natin, tuwang tuwa. At sabi ng Hands On Manila, gusto sana nilang ma-cultivate iyong spirit of volunteerism. Kaya nakakatuwa ito, Ka Ely, kahapon. Ito, parang hanggang lunchtime nandoon kami.

    Pero pagka-hapon naman, mayroon naman kaming ginagawa sa opisina na pinag-aaralan namin kung paano matutulungan iyong mahihirap na magsasaka na taasan iyong income nila. Parang maraming agricultural business models na pinag-aaralan. At kahapon, mayroon sa aming nag-present… parang partnership ito ng UP, partnership ng ilang mga universities sa Netherlands, na pinag-aaralan ano ba iyong mga successful na agri-business models. Pinresent sa amin kahapon iyong modelo ng Jollibee Foundation, modelo ng isang farmer cooperative sa Ligbanan, Camarines Sur, modelo ng isang grupo din sa Bukidnon.

    Kahapon, Ka Ely, napagdesisyunan na iyong Office of the Vice President iyong magli-lead para ipatawag iyong lahat na mga kailangan na mga sektor, lahat na kailangan na mga ahensya, para gawin na natin iyong modelo sa buong Pilipinas.

    Kaya ito, Ka Ely, excited kaming lahat. Ngayong linggo, pagpasok ko sa Lunes, pagmi-meeting-an namin sa opisina kung paano namin ito gagawin.

    Tapos alam naman natin— Ay noong Biyernes pala, pabaligtad ako. Iyong Biyernes, maagang maaga akong umalis sa bahay kasi pumunta ako ng Atimonan, Quezon. Halos anim na oras iyong biyahe namin. Medyo malayo talaga. Umulan pa. Kasi nag-guest naman ako sa isang… parang gathering ng civil society organizations. Ang ginawa doon, Ka Ely, iyong modelo nila, iyong modelo ng Naga. Iyong Naga kasi, Ka Ely, mayroon siyang Naga City People’s Council.

    Itong bagong mayor ng Atimonan, si Mayor Ticoy Mendoza, gusto niyang gayahin iyong People’s Council sa Naga, so in-organize niya iyong 14 basic sectors sa Atimonan. At iyong pinuntahan ko, iyon iyong pinakaunang gathering ng mga basic sectors. Nagsalita ako doon, pinakuwento ako ng mga aral na napulot namin sa pagbuo ng People’s Council sa Naga.

    At ito, masaya kami kasi noong nasa Kongreso ako, Ka Ely, nag-author ako ng isang panukalang batas. Ang tawag dito, Empowerment Bill. Hindi pa ito nakakapasa, pero ito iyong konsepto niya—na hinihikayat iyong mga local government units na payagan iyong mga civil society na mag-participate sa governance. Masaya tayo doon sa Atimonan kasi parang iyong mga sectors, up na up. Kaya masaya din talaga.

    Iyong Huwebes, alam natin na ito iyong paggunita ng Martial Law, kaya nag-participate tayo sa dalawang okasyon. Iyong unang okasyon, isang misa, isang misa ng paggunita. Ang tawag nila dito, “Misa Para sa Mamamayan,” pero ginugunita talaga iyong Martial Law. Parang pinapaalala tayo na sana hindi natin makalimutan iyong mga aral na napulot natin para hindi ulit natin gawin, hindi natin ulit payagan na mangyari.

    Sa UP Chapel iyon, Ka Ely. Medyo nagulat din ako, kasi maliit iyong UP Chapel, pero napakaraming nag-attend.

    Pagkatapos noon, nagpunta kami sa Commission on Human Rights. Malapit lang iyong sa UP, kasi parang mayroong unveiling ng istatwa ni Ka Pepe Diokno. Kasi kilala naman natin, Ka Ely, si Ka Pepe. Ito, pinakasimbulo ng karapatang pantao dito sa atin. Nandoon iyong kanilang mga anak, nandoon iyong kaniyang mga apo, at napakarami ding tao. Akala namin kaunti iyong tao kasi maraming mga rally noong Huwebes—mayroon sa Luneta, mayroon sa Mendiola—pero napakarami pa ring pumunta sa Commission on Human Rights.

    Ano nga, Ka Ely, pagkatapos na pagkatapos ng programa, bumuhos iyong ulan. Sabi ko parang hinintay lang matapos iyong programa.

    ELY: Pero matatatag po iyong mga sumama sa kilos-protesta. Kahit na basa, dire-diretso lang.

    VP LENI: Balita nga namin iyong mga nasa Luneta daw—parang mas malakas iyong ulan doon sa Maynila—hindi daw nag-alisan iyong mga tao kahit grabe iyong buhos ng ulan.

    Itong linggo ding ito, dalawang okasyon sa dalawang malaking unibersidad dito sa Maynila. Naimbitahan tayo. Iyong una, iyong investiture ng bagong pangulo ng University of the Philippines, si Atty. Danilo Concepcion. Iyong investiture niya ginawa, naimbitahan tayo, pumunta tayo, dahil tayo ay alumna ng UP.

    Naimbitahan din tayo sa UST. Iyong sa UST naman, parang 84th foundation anniversary ng College of Commerce and Business Administration. Nalaman ko doon, Ka Ely, na isa pala ito sa pinakamalaking departamento sa UST. Kasi iyong UST, kilalang kilala sa Medicine, kilalang kilala sa sciences, pero iyong kaniya palang Commerce and Business Administration, malaking malaki rin.

    Ano kaya iyong mayroon sa linggong ito, na mga paaralan naman iyong nag-iimbita? Kasi last week iba naman iyong flavor. Pero ngayon, mga paaralan ulit, kasi galing tayong UST, galing tayong UP.

    ELY: At nakilala na rin po ang UST sa kanilang College of Law dahil dito sa hazing.

    VP LENI: Malungkot, Ka Ely, na-mention ko nga ito sa aking speech sa UST. Nakakalungkot. Parang hindi naman kailangang mangyari. Ang tanong natin bakit nangyayari?

    ELY: Pero ito po, Ma’am, bilang isang human rights lawyer, ano, abogada… Kasi karamihan po talaga— Bakit ginugusto ho ng mga estudyante, lalo ng mga law student, na sumali sa isang fraternity?

    VP LENI: Ito, Ka Ely, marami naman akong mga kaibigan na kasali sa fraternity. Marami silang dahilan. Iyong isang dahilan nila, networking. Alam mo, Ka Ely, pagkatapos mong mag-graduate, mahalaga iyong mayroon kang pamilya, mayroon kang pamilya sa labas ng paaralan, mayroon kang pamilya sa lahat ng ginagawa, na maaasahan mong makakatulong.

    Ito, valid naman ito, iyong networking, iyong kahalagahan. Siguro iyong hindi natin maintindihan, bakit kailangang magkasakitan?

    ELY: Mayroon naman talaga at ginagarantiya ng ating Konstitusyon iyong pagtatayo ng mga organisasyon, parang mga fraternity. Pero siguro walang sakitan, hazing. Pupuwede mo sigurong ipakita iyong iyong katapatan sa organisasyon… Ang daming bagay. Siguro kung anak-mayaman iyong mga magmi-miyembro, pagserbisyuhin mo sa grupo, utusan mo. Para magpakumbaba, para matuto sila.

    VP LENI: Totoo. Mahirap talagang intindihin, Ka Ely. Tama ka. Kasi parang sinasabi kaya nagkakaroon ng hazing kasi ito iyong parang pinakasukat kung gaano ka kadesidido na maging bahagi ng grupong ito. Pero tama ka, maraming paraan para masukat mo kung gaano kadesedido iyong isang tao na sumali.

    Gaya nito, nag-iisa. Marami sigurong— Ngayon kasi hindi pa natin masyadong nabubuo iyong kuwento, pero iyon nga, parang hindi mo maintindihan, kasi hindi kailangan.

    ELY: Iyon ho, mga kasama. Abangan po natin kung ano iyong magiging imbestigasyon sa nasabing kaso ng ating mga awtoridad.

    Pero importante din ho na pag-usapan natin iyong issue pa rin sa human rights, dahil sa ito po ay napapanahon. At maganda rin ho na malaman ng ating mga kababayan kung ano iyong kanilang mga karapatan.

    ‘Di ba, ma’am? So sa gitna ho ngayon, at napapag-usapan din sa UN, iyong United Nations Human Rights Council.

    VP LENI: Ito, Ka Ely, naalala ko noong nakaraang linggo, maraming mga nagko-comment, nagtatanong, kasi iyong pinakakuwestiyon, iyong pinakakontrobersiya kasi, iyong pag-alis ng budget ng Commission on Human Rights.

    Kung maalala natin, mayroong 600-plus million dapat siyang budget. Ginawang 1,000 pesos lang. At maraming umalma. Iyong mga umalma hindi lang iyong Commission on Human Rights, pero iyong ordinaryong tao. Kasi iyong pagtanggal ng budget, simbulo ito na hindi pinahahalagahan iyong karapatang pantao sa atin.

    Pero iyong pagtanggal na iyo, maraming nag-away-away tungkol sa interpretasyon kung ano talaga iyong mandato ng Commission on Human Rights. Mamaya, Ka Ely, iyong bisita natin matagal nang human rights lawyer. Hanggang ngayon, iyon pa din iyong ginagawa niya. Iyong lahat na issues sa karapatang pantao, bahagi ng practice niya sa pagiging abogado. Tatanungin natin siya: Ano ba talaga ang totoong mandato ng [Commission on] Human Rights, at ano iyong gustong sabihin ng human rights.

    Kasi pinag-aawayan ito. Pinag-aawayan ng ating mga kababayan, na dapat sana hindi na pag-awayan.

    ELY: Opo, kasi ako nagtataka ako dahil sa may mga kababayan tayo na sige nang sige na, “Dapat walang CHR!” Siguro iyong sa mga ganoon, hindi pa sila nakakaranas na malabag iyong kanilang mga karapatan.

    Kasi ako, nakita ko dito, Ma’am… Ito ay ginagarantiya mismo at nilikha sa ating Konstitusyon. Ano ba talaga iyong pinakalayunin ng mga bumalangkas sa Konstitusyon?

    VP LENI: Ito, Ka Ely, iyong patungkol sa pagbuo ng Commission on Human Rights, bago ito sa 1987 Constitution. Kaya mahalagang makita kung ano talaga iyong kaniyang mandato, sa mga dahilan kung bakit nilagay iyong CHR sa ating Konstitusyon. Mahalaga din ito kasi ano ba talaga iyong inaasahan sa kaniya?

    ELY: Mamaya pag-uusapan natin, kasi ang persepsyon ng mga kababayan natin, “Naku, iyong CHR, may kinikilingan.” Kapag pulis lang o sundalo ang involved sa mga posibleng krimen, parang doon lang daw nakatutok iyong CHR.

    VP LENI: Oo, kung titingnan mo, Ka Ely… Ako, tinitingnan ko sa social media, parang pinag-uusapan iyong human rights, parang parating tinatanong noong iba, “Bakit hindi tumutulong iyong human rights sa mga naging biktima ng rape? Mga nabibiktima ng mga drug addict? Bakit pinag-iinitan lamang iyong mga ginagawa ng mga pulis?” So siguro mamaya iyan iyong itatanong natin sa guest natin.

    ELY: So iyon ho. Mamaya ay inyo pong subaybayan. Kasi ako sa tingin ko ho, kaya binabantayan iyong mga pulis, sundalo, o sinumang opisyal ng gobyerno… sila po iyong may awtoridad, eh. May kapangyarihan na puwedeng umabuso. Ako, bilang—hindi naman ako abugado, pero isang mamamahayag at nagmamasid, iyon dapat iyong babantayan mo talaga: Iyong mga awtoridad, may kapangyarihan, na puwedeng umabuso.

    VP LENI: Tapos kasi, Ka Ely, ito mas simpleng pagtingin sa mga bagay. Kapag naging biktima ka ng karahasan, kanino ka lalapit? Lalapit ka sa mga pulis. Iyon iyong gawain nating lahat. Kapag naging biktima tayo, lalapit tayo sa pulis. Ang tanong, paano kung pulis iyong gumawa, kanino ka lalapit?

    ELY: Iyon po iyong magandang tanong diyan. Okay, sandali lang ho, mga kasama. Sa ilang sandali, makakausap po natin ang isa po sa ating resource person tungkol po dito sa usapin ng human rights. Importante po ito para mabigyan ho namin kayo ng sapat na impormasyon, at makaiwas din po sa mga posibleng paglabag sa karapatang pantao.

    [END GAP 1]

    ELY: Pinag-uusapan po iyong human rights kasi iyong iba parang hindi ko alam kung bulag o ano. Kadalasan sa mga Pilipino, hangga’t hindi ka nakakaranas, walang pakialam. Naku hindi po ganoon dapat. Pero kapag kamag-anak mo, kapatid mo, kaibigan mo, ang nalabag ang karapatan ay at saka tayo mag-iingay. Tingnan po natin. Mas maganda pong may kaalaman tayong lahat mga kasama. Okay samantala ma’am, nasa ating studio na. Kasama na natin.

    VP LENI: Kasama na natin. Ito ka Ely hindi ko pa sa iyo nakuwento, kilalang-kilala ko po ang guest natin ngayon. Kasi naging boss ko siya ka Ely. Parati kong kinukuwento naman na matagal na panahon bahagi ako ng isang NGO ng mga abogado. Tawag SALIGAN, short ito ng Sentro ng Alernatibong Lingap Panligal at ang bisita natin ngayon siya ang boss ko noong nandoon ako. Pero ngayon, siya na ang Executive Director ng Alternative Law Groups. Ang pagkakaalam ko ang Alternative Law Groups parang isang grupo ito ng 23 na mga NGO na lahat patungkol sa pag-aasikaso ng mga batas, pag-implement, pag-interpret ng mga batas patungkol sa pagtulong sa mas, parang ito ang napapag-iwanan ng lipunan. Kaya i-welcome natin si Atty. Marlon Manuel.

    ATTY. MARLON MANUEL: Magandang umaga VP Leni, ka Ely at sa lahat ng mga taga-pakinig.

    VP LENI: Kanina ka Ely bago tayo mag-umpisa, sinabihan ko si Atty. Marlon kung bakit naisipan natin kung bakit siya ang imbitahin. Kasi noong nakaraang linggo, maraming pumapasok na tanong sa atin sa social media patungkol sa human rights. Maraming hindi nakakaintindi kung ano ang human rights. Kasi nakakasakit paminsan basahin, mayroong nagko-comment na pampagulo lang ang human rights, na kaya hindi natin nagagawa ang dapat nating gawin dahil sa mga human rights, human rights. Kaya minabuti natin na iyong episode natin ngayon talagang i-devote natin sa pag-discuss ng human rights. Siguro ang una nating tanong kay Atty. Marlon, sa simpleng eksplanasyon, ano talaga ang gustong sabihin ng human rights.

    ATTY. MARLON MANUEL: Pagtiningnan natin ang konsepto ng human rights simpleng-simple ano. Ang karapan mo dahil ikaw ay tao. Ibig sabihin walang kailangan kondisyon—hindi kailangan na ikaw ay nakapag-aral, o may kapangyarihan, o may mga ari-arian. Ang tanong lang ay tao ka ba. So kung tao ka, mayroon ka ritong mga karapatan. So hindi mo kailangan ng gobyerno o hindi mo kailangan ng batas para ibigay sa iyo ito. Ibig sabihin, taglay mo na ito dahil ikaw ay tao. Iyon lang, ganoon kasimple ang ibig sabihin ng karapatang pantao.

    VP LENI: So gustong sabihin Atty. Marlon, kahit hindi ito dinifine sa ating saligang batas, karapatan mo rin ito.

    ATTY. MARLON MANUEL: Oo karapatan mo pa rin. Hindi nga ito isang bagay na binibigay sa iyo ng kung sino man kahit ng gobyerno. Kinikilala ito na taglay mo na dahil nga ikaw ay tao.

    ELY: So linawin lang natin, ito pong si Atty. Marlon Manuel, hindi po siya taga-CHR. Linawin po natin kasi baka sabihin, nako iyang mga taga-CHR, maliwag po iyan. Pero ipaliliwanag po niya at bibigyan po tayo ng sapat na kaalaman kung ano iyong mga karapatan, ano mang uri ang iyong kalagayan sa lipunan.

    VP LENI: Ito ka Ely sinabi na natin kanina na iyong ating konstitusyon nakapalaman din doon ang ating human rights, at saka signatory ang Pilipinas sa isang deklarasyon iyong Universal Declaration of Human Rights na kung saan, pagsignatory ka doon, may obligasyon kang pangalagaan ang lahat na karapatan na pinirmahan mo doon. Pero sabi nga ni Atty. Marlon kanina, kahit pa hindi tayo signatory o hindi iyan nakapalaman sa saligang batas, ito ay karapatan natin dahil tao tayo. Ito Atty. Marlon may sinasabing civil rights, political rights, social rights, anu-ano ang mga karapatan na ito?

    ATTY. MARLON MANUEL: Maraming iba-ibang manipestasyon ang karapatang pantao. Kung babalikan natin ang Universal Declaration of Human Rights na ito ay isang dokumentong pinagkasunduan ng iba-ibang bansa na kasapi ng tinatawag nating United Nations, ito’y isang mahabang listahan ng mga karapatan na kinikilala ng mga bansa dahil nga doon sa naging mapait na karanasan doon sa World War II. So nakikita nila ang daming naging paglabag doon sa karapatan. So nagkaroon sila ng kasunduan, at nilagay nila karapatan sa buhay, karapatan sa ari-arian, karapatang bumoto, karapatan laban sa diskriminasyon. Eventually, nagkaroon ng dalawang dokumento na parang hiniwalay iyong mahabang listahan. Iyong isa ay tinatawag na Civil and Political Rights, iyong isa naman ay Economic, Social, and Cultural Rights. Pagsinabi natin na Civil and Political Rights, ito iyong may patungkol sa gobyerno. Ibig sabihin pinagbabawalan ang gobyerno na lumabag sa mga karapatang ito, dahil ito ay may kinalaman sa kalayaan ng isang tao. Ang kalayaan niyang mabuhay ng malaya, mapayapa. Iyong Ecoonomic, Social, and Cultural Rights, ito iyong mas malawak na mga kondisyon para iyong isang tao ay mabuhay ng makatao. So kasama dito iyong karapatan sa pag-aaral, makataong pabahay, karapatan ng mga manggagawa halimbawa, kasama dito sa Economic, Social, and Cultural Rights. Pero lahat ito ang malinaw ngayon ay magkakaugnay. Hindi natin puwede sabihin na dapat mauna ito, dapat mahuli ito.

    VP LENI: Pero ito Atty. Marlon alam natin na iyong nakaraang dalawang linggo ang pinaka-kontrobersiya na pinagdaanan natin ang paggawa ng budget ng Commission on Human Rights na Php1,000. Parang nagulat din ako ka Ely kasi parang organic. Pagkatapos lang ng botohan, makikita mo parang sumabog ang social media. Sumabog ang social media sa galit. From Php600+ million ginawang Php1,000. Pero pinag-uusapan namin Atty. Marlon ni Ka Ely kanina, ang kontrobersiya talaga nag-aaway ang iba’t ibang grupo ng mga tao kasi hindi naiintindihan, ano ba talaga ang mandato ng Commission on Human Rights. Kasi parang iyong dahilan yata ng House of Representatives sa pagbawas ng budget, parang sinasabing hindi mo naman kasi ginagawa ang mandato mo. Pinipili mo lang ang kakasuhan mo. Bakit pinag-iinitan mo ang pulis at mga sundalo, at hindi mo iniintindi iyong mga kaso na ordinaryong tao ang naglabag. Ano ba talaga iyong totoong mandato ng CHR?

    ATTY. MARLON MANUEL: Alam mo maganda nga iyong naging timing ng usapin tungkol sa CHR kasi nasabay siya doon sa paggunita natin sa anibersaryo ng martial law. Eksaktong-eksakto kasi iyong ating saligang batas, iyong constitution natin ay naglagay ng mga probisyon kaugnay ng karapang pantao, kaugnay ng katarungang panlipunan sa konteksto ng martial law. Sa katunayan, ang CHR natin ngayon hindi ito ang unang-unang nabuo na ahensya ng gobyerno. Panahon ni Pres. Corazon Aquino, bago pa tayo nagkaroon ng 1987 Constitution, isa sa mga unang executive order niya, number 8. March 1986 naupo siya di ba, February. March 18 pa lang mayroon na siyang executive order, tinayo niya ang Presidential Committee on Human Rights. At ito nga iyong pinamunuan ni Ka Pepe Diokno. At ito ang naging basehan din ng ating konstitusyon, iyong pinag-uusapan nila, na itatag ang CHR. Kaya noong natatag na ang CHR, pinalitan na niya ang Presidential Committee. Pero malinaw na malinaw doon sa mandato ng Presidential Committee halimbawa, na ang iniiwasan nating mangyari ay iyong mga nangyari noong panahon ng martial law. Kung saan ang gobyerno, mga ahensya ng gobyerno ay naging kasangkapan sa paglabag ng karapatang pantao ng mga tao. So binabanggit doon ang paglabag sa karapatan sa buhay, karapatan laban sa torture, laban sa walang basehang pagkakakulong. So malinaw na iyon ang konteksto ng pagkakaroon ng isang komisyon ng karapatang pantao.

    ELY: Hindi po kasama rito iyong mga sinasabi iyong ni-rape, iyong iba’t ibang kriminal na bakit hindi raw po ito tinitingnan ng CHR.

    ATTY. MARLON MANUEL: Ganito ang pagtingin natin diyan. Iyon kasing biktima ng krimen, ay biktima ng isang pribadong indibidwal din. At ang may pangunahing tungkulin na habulin at tugisin iyong pribadong tao na iyan na gumawa ng isang krimen, ay iyong ibang ahensya ng gobyerno. Iyong kapulisan halimbawa, iyong ating piskal, prosecutors, at iyong iba pang ahensya ng gobyerno kasama na ang korte. Pero malinaw doon sa pag-uusap noong mga nagsulat ng ating konstitusyon, ang hinahanap nila, saan pupunta ang tao pag ang gobyerno na ang lumabag ng kanilang karapatan. Kaya nabuo talaga doon ang pagkakaroon ng isang independent na ahensya ng gobyerno na magbabantay sa gobyerno mismo. Iyon ang pangunahing tungkulin ng CHR.

    VP LENI: Kaya ito din yata ang dahilan ka Ely kung bakit iyong head ng CHR at saka iyong mga commissioners niya, hindi puwedeng basta-basta palitan. Hindi puwede basta-basta tanggalin sa puwesto. Kasi mayroon siyang fixed term. Kaya iyon din ang pinag-uusapan na magresign nalang si Chairman Chito Gascon. Nakita ko kasi sa social media may mga comment, bakit hindi nalang kasi iyan tanggalin kung ayaw magresign. Hindi puwede tanggalin ka Ely kasi mayroon siyang fixed term. Ito din tingin ko kaya ito nilagay kasi kung puwede siyang tanggalin ng pangulo sa kahit anong oras kahit walang dahilan, hindi na siya magiging independent. Ang gustong sabihin, kahit sinong pangulo, gagawin niya kung ano ang gusto ng pangulo kahit ito mali. Kaya ginawang fixed term para mayroon siyang karapatan na umoo o hindi, ayon sa kanyang paniniwala, hindi sumusunod sa kahit kanino.

    ELY: Actually mayroon ngang mga panukala na parang bigyag dagdag kapangyarihan ang CHR para magprosecute. Parang mas magiging mabisa po siguro iyong human rights.

    VP LENI: Kasi ngayon nag-iimbestiga lang siya.

    ELY: Tama iyon nag-iimbestiga, nagrerekomenda sa pulis.

    ATTY. MARLON MANUEL: Noong mga nakaraang kongreso may naisalang na na panukalang batas, na ang layunin pa nga ay palakasin pa ang CHR. Kaya nakakalungkot na ngayon ang pinag-uusapan natin ay mga pagtatangka na pahinain ang CHR. Dapat makita natin ang usapin na ito, hindi lang ito usapin ng budget. Usapin ito ng independence ng CHR. Kasi pag ang CHR ay nalagay sa iyong pressure, iyong harassment, o panliligalig ng ibang ahensya ng gobyerno, ay medyo nababawasan ang kanyang pagiging mabisa bilang bantay talaga ng gobyerno.

    VP LENI: Pero ito mayroon ding isa pang kontrobersiyang konektado doon Atty. Marlon. Parang sinasabi ni Chairman Chito Gascon na hindi namin magawa ng maayos ang trabaho namin ngayon lalung-lalo na sa mga extra judicial killings kasi hinihingi namin ang datos galing sa pulis, pero hindi sa amin binibigay.

    ATTY. MARLON MANUEL: Unang-una, kung susundan natin iyong tinatawag nating freedom of information na sinasabi ng gobyerno, mayroon na tayong executive order na nagsasabi ng polisiya para sa transparency, o iyong paglalatag ng mga opisyal na dokumento. So dapat ay sumusunod ang lahat ng ahensya kasama ang kapulisan. Hindi ito secret documents. Hindi ito paglabag sa national security halimbawa, hindi ito mga confidential documents. Ito ay mga dokumento ng pag-iimbestiga halimbawa ng mga pulis, ng Philippine Nation Police, doon sa mga tinatawag nila na death under investigation. So dapat maisapubliko ito ng ating kapulisan at makakatulong ito para sa pag-uusap kung mayroon nga bang mga nangyayari na malubhang paglabag ng karapatang pantao. So para sa kapulisan na rin natin makakatulong ang paglalabas nila ng mga dokumentong kaugnay nito.

    VP LENI: At ito Ka Ely, napakahalaga ng pag-reklamo ng taong bayan. Mahalaga ang pagreklamo niya kasi napressure. Napressure ang House of Representatives na ibalik ang budget. Pero ang mensahe kasi nandoon na. Kahit iyong pagbalik ng budget, mayroong parang mensahe na binabalik namin ang budget pero gawin ninyo na iyong dapat ninyong gawin. At ito pinapatungkol pa doon sa huwag lang iyong mga paglabag ng kapulisan, pero pati iyong paglabag ng pribadong tao kaya nakakalungkot kasi parang hindi pa rin klaro ang mandato ng human rights. Pero ito binalik na. Binalik na ang budget, nakakuha na tayo ng mga commitment galing sa ilang mga senador na pagdating nito sa senado, hindi pahihirapan.

    ELY: Pero dito kasi may fixed term po ang chairman ng CHR, kung talagang mayroon po silang ebidensya na talagang hindi maganda ang performance, puwede namang ipa-impeach?

    VP LENI: Oo. Puwedeng ipa-impeach.

    ELY: Kasi impeachable officer iyong ano…

    ATTY. MARLON MANUEL: Hindi siya kasama doon sa listahan ng mga impeachable officers. Kahit na tinatawag siya na constitutional body.

    ELY: Pero paano po siya matatanggal?

    ATTY. MARLON MANUEL: Kung makakasuhan siya sa Ombudsman halimbawa, maari siyang makasuhan at maari siyang matanggal. Pero iyon ay kung may paglabag sa kanyang tungkulin. Iba kasi ang impeachment, may pagkapolitikal ang proseso at limitado lang…

    VP LENI: At saka ine-enumerate lang kung sino iyong mga opisyal na puwede i-impeach.

    ELY: Siguro kung may gusto kung sino man, kasuhan sa Ombudsman ang CHR chairman. So napakaimportante po nito mga kasama ano. Iyong mga nakikinig ho sa atin, ito hong pinag-uusapan natin para po sa pangkalahatan. Para magkaroon po tayo ng kaalaman sa ating mga kababayan.

    VP LENI: At saka ito ka Ely gusto lang nating itanong kay Atty. Marlon kasi ito napakahalaga, maraming mga pumunta sa opisina namin noong mga nakaraang buwan, na iyong pinakareklamo talaga niya ay iyong hindi nila alam kung ano ang gagawin pag mayroong tokhang. Marami tayong mga kababayan lalung-lalo na doon sa mga lugar na parang, ito lugar na maraming mahihirap tuloy kaya nakakalungkot na parati nabibiktima ng mga searches na wala namang pasintabi, walang search warrant. Kapag nandoon na, hinahaluglog ang mga bahay kahit walang pinapakitang dokumento. Ang parating tanong, pag nangyari iyon sa amin, ano ang puwede naming gawin? Iyon ang una. Pangalawa, noong nakaraang dalawang linggo at iyon ka Ely, mayroong sumiklab din na isang pagkatakot, kasi mayroon yatang mga ilang kapulisan na pinasok ang ibang mga establishments dito sa may Katipunan, at iyong ginagawa parang sinisearch din ang mga gamit ng customers, mga estudyente. Parang sinasabi nila noong sila ay nasita, parang sinasabi nila mayroon naman kaming koordinasyon sa may-ari ng establishment, restaurant. At mayroon kaming koordinasyon sa barangay. So iyong tanong natin iyong dalawa. Una iyong sa tokhang, pag nangyari sa inyo iyong dumating ang mga pulis at magsesearch, ano iyong dapat ninyong gawin? Iyon ang tanong natin kay Atty. Marlon.

    ATTY. MARLON MANUEL: Sisimulan ko iyong pagsagot doon sa dalawang tanong, magkaugnay iyong tanong, sa pagbalik sa ating konstitusyon. Ang sinasabi sa ating constitution, karapatan ng bawat mamamayan na maging panatag sa kanilang ari-arian, sarili. Ito ang tinatawag na right to be secure in the home, kung nasa, kahit nasa sasakyan ka nasa labas. At ito ay pagbabawal sa hindi makatwirang paghahalughog o iyong tinatawag sa constitution na unreasonable search. Ang general rule natin diyan, hindi puwedeng basta maghalughog ang ahensya ng gobyerno kahit na pulis pa iyan. Ibig sabihin hangga’t walang pagpayag ang isang pribadong mamamayan, hindi dapat naghahalughog. So halimbawa ang tokhang, ang patakaran ng gobyerno at ito ay opisyal na patakaran din ng ating kapulisan, hindi dapat nagkakaroon ng paghahalughog kung ikaw ay walang search warrant. Ibig sabihin iyon ang unang-una. Kasi kapag may search warrant ka, ibig sabihin dumaan sa korte iyong impormasyon na nakuha at iyon ang magiging justification para ikaw ay maghalughog sa isang bahay.

    ELY: Atty., iyong sa search warrant kasi marami na rin akong na-interview niyan at sumama na rin ako noong field reporter ako, may partikular na lugar ha, iyong sa search warrant.

    VP LENI: Hindi puwedeng hahalughugin mo lahat ng bahay sa kalyeng ito.

    ATTY. MARLON MANUEL: Tama iyan. At saka ang pag-iissue ng mga huwes iyong mga judges natin sa search warrant ay nakabase doon sa testemonya ng isang tao, talagang may positibo siyang impormasyon na iyong hahanapin niya ay nandoon. Hindi ito blanket authority na, sige nga maghanap kayo baka nandiyan so halughugin ninyo ang buong barangay. Walang ganoong blanket search warrant. Kaya talagang iyon ang pangunahin natin, hindi puwedeng basta-basta pumasok ang mga pulis sa ano mang bahay, para maghanap. At kadugtong din noon, iyong sinasabi na nangyari na paghahalughog sa mga bag. Bawal iyon sa ating konstitusyon. At maging, binabalikan ko, maging sa opisyal na polisiya ng Philippine National Police. Maging sa kanilang manual of operations, hindi dapat ginagawa iyan. Kasi wala kang dahilan para maghalughog. Iyong tinatawag na probable cause na magiging dahilan mo para maghalughog, iyong pagpasok mo sa isang restaurant tapos sinabi mo sa lahat ng tao na, o ibukas ang mga bag, ibig sabihin ano iyon, naghahanap ka kung ano man iyong posibleng makita mo pero wala ka talagang pinaghihinalaan na tao na may ginagawang kasalanan. So hindi puwede iyan.

    ELY: Sa pangkaraniwan lang iyong mga check point di ba? Iyong halimbawa sa kotse, hindi pupuwedeng basta buksan iyong trunk tapos halughugin di ba?

    ATTY. MARLON MANUEL: Tama iyon, visual search unless…

    ELY: May nakitang parang may dugong tumutulo diyan o ano man, o baril, iyan pupuwede.

    ATTY. MARLON MANUEL: Tama ho iyan. Halimbawa pag sinilip ng isang pulis o kahit mga sundalo, minsan may mga check point ang mga sundalo, tiningnan ko o sinilip ko iyong sasakyan, hindi ako papasok, hindi ako puwedeng pumasok, so titingnan ko lang, ang tawag nga diyan minsan flashlighting, kasi ifa-flashlight tutukan mo ng flashlight titingnan mo sa loob. May nakita kang granada, iyon. Puwede mo ngayon hulihin ang tao na iyon. Puwede mong pababain. Pero hindi mo puwedeng sabihin, o may bag ka diyan patingin ka iyong bag mo, buksan natin, o halughugin nga natin ang kotse mo. Hindi puwede iyon. Talagang visual search lang.

    VP LENI: Pero ano ang pagkakataon Atty. Marlon na kahit walang search warrant, puwede pa ding maghanap ang pulis.

    ATTY. MARLON MANUEL: May mga kinikilalang kondisyon para doon sa tinatawag na valid warrantless search. Magbibigay ako ng simpleng halimbawa. Hinuli mo ang isang tao, hinuli mo siya dahil may sinaksak siya. Nakita mo na sinaksak niya. So hinuli mo siya, ang unang gagawin ng pulis kakapkapan iyong tao na iyon. Iyon ay search incidental to an arrest. Bakit pinapayagan iyan? Kasi kailangang protektahan ang ating kapulisan na nanghuhuli. Baka iyong taong ito na nakita nila na nanaksak, baka mayroon pang nakatagong baril o panaksak, o kaya kailangang i-secure nila ang ebidensya, iyong patalim na ginagamit. So iyan ay tinatawag na valid warrantless search na kaugnay ng isang valid arrest. So iyan ay pinapayagan iyon. Isa pa, iyong tinatawag na plain view. Ibig sabihin, nakita mo na. Nakita ko na, hindi ko na kailangang magbukas ng bag o kotse kasi kitang-kita ko na na nandiyan ang object na iyon. So iyan ay walang warrant, puwede kong ipabuksan, puwede kong kuhanin iyong gamit na iyon.

    ELY: Pero Atty. sa ngayon, nakakalungkot dahil sa nakikita ko at nagpapa-interview, ang nagiging perception pa lalo ng mga kabataan, alam mo basta pag mukhang mahirap talagang iba ang trato ng mga pulis. Kung makakapkap, padadamputin, at saka basta bakit ganoon ang karapatan ba ay iba sa mahirap at mayaman, kasi sa ngayon di ba iyong mga lugar nga po ng mahihirap, kung puntahan ng mga pulis…

    VP LENI: Iyon ang number one na biktima ng tokhang.

    ELY: Opo, ganoon-ganoon lang pero sa malalaking subdivision hindi po sila makakapasok hanggang gate lang sila.

    ATTY. MARLON MANUEL: Babalikan ko ang sinabi ko kanina noong nagsimula tayo ano. Ang karapatang pantao ay taglay ng bawat isa basta ikaw ay tao. Walang kinalaman ito kung ikaw ay mayaman, ikaw ay mahirap. Kung ganoon, iyong paglabag na nangyayari na mas ang naaapektuhan ay mahihirap, ay lalo nang mas malubhang kasalanan. Kung baga wala nang mas malubhang kamalian kasi nga nagkakaroon ka pa ng diskriminasyon, mas nagiging mahigpit ang gobyerno halimbawa sa mga mahihirap kaysa doon sa mga may kaya.

    VP LENI: Pero ang pinaka tanong Atty. Marlon sa mga nakikinig sa atin, alam nila na bawal iyon pero pag may pumunta pa din na mga kapulisan sa barangay nila, ano ang puwede nilang gawin?

    ATTY. MARLON MANUEL: Una, mahalaga iyong sama-samang pagkilos, dapat organisado ang mga community ano. Mahirap talaga ang tinatawag na mataas ang vulnerability, mataas ang pagiging insecure mo kung ikaw mismo, ikaw lang. Kung ikaw lang ang magsasabi sa pulis na ay huwag ho kayong pumasok o huwag kayong lumapit sa amin ano. So kailangan talaga dito ang tinatawag na community action, kasama ang mga barangay officials. May mga kaso tayo na nakikita na minsan ang mga barangay officials ay pumapayag na mangyari ito. So dapat mapagusapan ng bawat komunidad, ano ba ang gagawin natin? Hindi naman natin sinasabi na tututulan kung ano man iyong gustong pagkilos ng mga pulis. Pero kailangan may aksyon ang buong komunidad para masiguro na walang paglabag sa karapatan, walang paglabag sa mga guidelines doon sa mga operasyon ng mga pulis pag may isinagawa sila na ganito.

    VP LENI: Ang nakakalungkot doon Atty. Marlon kasi mayroon sa aming mga reklamo na na-tokhang sila, pero barangay officials mismo ang kasama ng pulis. Kaya ito mahirap. Mayroon ding kaming kakilalang barangay captain, pumunta din sa opisina nagrereklamo kasi ang ginawa niya ka Ely, pareho noong advise ni Atty. Marlon na gawin itong isang community parang, initiative na kung may mga dumating ano ang gagawin. Iyong ginawa nila sa barangay nila, isang barangay ito sa Manila, ang ginagawa nila pagdumating na iyong magtotokhang, nagsasound ng parang siren iyong barangay captain. Mayroon siyang megaphone, pinapalabas niya ang lahat ng mga tao tapos mag-gugrupo sila para i-resist iyong search kung wala namang search warrant. Pero nakakalungkot nito Atty. Marlon, iyong kapitan na iyon, babae siya iyong kapitana, kinasuhan ng pulis ng obstruction of justice. Kaya ito tinatanong niya, kasi mayroon na siyang kaso. Pero ang kaso niya lang, talagang nireresist nila. Na hinihingian nila ng search warrant, at kung walang search warrant, iyon na magtatawag na siya ng mga residente ng barangay para, parang i-kordon iyong bahay na hindi i-search kung walang search warrant. Siya na ang may kaso ngayon.

    ELY: Iyan po talaga. At ngayon ay, mawalang galang na po ha sa mga matitinong pulis, pero marami pong pulis ngayon, iba po. Ang lalakas po ng loob at talagang, anong human-human rights. Wala na, hindi na po iginagalang o nirerespeto ang ating mga kababayan. Ganoon po ang talagang nangyayari po lalo na po sa mahihirap na lugar.

    VP LENI: Pero Atty. Marlon itong advise mo kanina, gusto nating ulitin sa mga nakikinig sa atin. Ano sana iyong pinakamagandang mangyari sa isang barangay. Tama ba iyong planuhin nila ano ang gagawin kapag mayroong mga dumating na magtotokhang?

    ATTY. MARLON MANUEL: Una, importante talaga ang kaalaman ng bawat isa. Ano ba ang puwede, ano ang hindi. Doon nagsisimula ang pagkilos. Kung hindi mo alam ang karapatan mo, talagang ang paglabag ay mangyayari nang hindi mo nalalaman. Pangalawa, kapag alam mo na iyong karapatan mo, kailangang planuhin ano ba ang gagawin natin halimbawang may potential na paglabag sa ating karapatan. Marami talagang mga community na medyo may kahandaan doon sa pagkilos. Mayroon akong isang kausap na barangay dito sa Quezon City, na walang naging biktima ng karahasan doon sa naging operasyon ng mga pulis doon sa kanilang lugar kasi sumama sila lahat doon sa mga hinuli. May mga hinuli ang mga pulis, ibang usapin pa iyan kung tama ang paghuli, pero may mga hinuling mga tao iyong mga pulis. Sinamahan nila hanggang sa presinto. Marami sila. Ibig sabihin kung may kayang gawin iyong ilang mga komunidad na ganyan, hindi iyong matatakot lahat. Kasi pag natakot lahat, walang kikilos pati iyong mga barangay officials takot, wala talagang magiging pagharang kung ano man ang paglabag. Pero magandang balikan din natin na dapat may panawagan din tayo doon sa ating PNP, na siguraduhin na hindi nangyari ito. Kagaya noong sinabi ni ka Ely na parang lumalakas ang loob ng ilang mga pulis.

    ELY: Siyempre ang sasabihin ng Chief PNP, kung ayaw lumaban din palabanin, anong magiging persepsyon ng isang pulis?

    ATTY. MARLON MANUEL: Iyon nga lang ang nakakalungkot ang mga ganun pananalita. Pero iyong opisyal na polisiya pa rin ng pulis. Halimbawa, iyong kanilang manual of operations ay dapat naipapatupad pa rin nila kasi iyon ang kanilang batas na sinusunod.

    VP LENI: Ito halimbawa dumating na mga pulis, pagdating mayroon naman silang search warrant, pero takot pa din ang may-ari ng bahay kasi sasabihin ng may-ari, baka taniman kami. So ano iyong puwede niyang gawin. Habang may pinakitang valid search warrant, ano iyong puwede niyang gawin para maiwasan na taniman sila?

    ATTY. MARLON MANUEL: Doon sa pagsearch kung halimbawa may warrant, dapat talaga may witnesses. So puwede kang tumawag ng barangay official, puwede mong… Kasi hindi ka naman hinuhuli. Kung search warrant iyan, hindi iyan para hulihin ka. Iyan ay para maghalughog. So ibig sabihin, iyong mga miyembro ng pamilya dapat ay nandoon pa rin sa loob ng bahay para tingnan kung ano ang gagawing paghahanap. At iyong paghahanap ng mga pulis, hindi iyong minsan napapanood natin sa TV na sinisira lahat. Hindi. Sa search warrant hindi dapat may pagsira ng mga kabinet, talagang maghahalughog ka, maghahanap ka. So dapat may witness iyon, dapat may barangay official na nandoon.

    VP LENI: Sana napapakinggan tayo ka Ely ng mga…

    ELY: Kaya lang kung biglaan? Kasi iba may papasok na mga pulis dis oras ng gabi, anong gagawin mo? Siguro puwede ho i-video kaya lang baka kumpiskahin din iyong mga cellphone.

    ATTY. MARLON MANUEL: Walang dahilan para kumpiskahin ang cellphone. Kung babasehan natin ang police operations ano. Walang dahilan bakit mo kukumpiskahin ang cellphone, bakit mo papatayin ang CCTV halimbawa. Kung ikaw ay nagpapatupad lamang ng isang search warrant na galing sa korte, ibig sabihin wala kang dapat ikatakot. So hindi dapat bawal iyon. Lalung-lalo na bahay mo iyon. Ibig sabihin lahat ng nangyayari doon sa bahay mo kontrolado mo, dapat alam mo. Except that iyon nga, mayroong utos ang korte na halughugin ang bahay mo.

    VP LENI: Ito ka Ely kulang na kasi ang oras natin pero huling tanong ko kay Atty. Marlon. Iyong naranasan ng mga estudyante, karamihan kasi sa kanila estudyante. Iyong naranasan ng mga estudyante na nasa restaurant, na may pumasok na mga pulis. Inispect iyong mga bag nila, ano ang puwede nilang gawin kapag nandoon sila sa isang lugar tapos mayroong ganoon.

    ATTY. MARLON MANUEL: Una, mahalaga na huwag pumayag basta-basta na magbukas ng bag o ibigay ang bag sa pulis. Kasi minsan, madalas naririnig natin sasabihin, kung wala ka namang tinatago bakit hindi mo buksan ang bag mo. Alam mo delikado iyon, delikado ang ganoong kung ganoon ang pagbabasihan natin kasi sa ilalim ng ating batas, ng saligang batas natin, iyong waiver. Iyong waiver of rights, iyong pagpayag mo ay maaring maging dahilan para kung ano man iyong makita sa gamit mo, whether planted o hindi, ay magagamit laban sa iyo. Kasi kung hindi ka, kung walang waiver at kung ikaw ay napilitan lamang, binuksan basta-basta ng walang pahintulot mo, hindi magagamit iyong ebidensya na makukuha. Pero kung ikaw ay pumayag dahil iniisip mo wala namang mangyayari sa akin, papayag ako. So dapat huwag ganoon. Pero mahalaga rin na iyong pagtutol natin ay gawin sa maayos na paraan. Halimbawa sabihin natin sa mga pulis, wala po kayong search warrant. Ano ba ang inyong patakaran dito? Hindi kayo puwedeng basta maghalughog lalung-lalo na ay mga bag namin, kami ay mga pribadong tao. Nandito kami sa isang, pribadong lugar pa rin iyon kahit na sabihin natin na restaurant. Pribadong lugar pa rin so hangga’t wala talaga search warrant, hindi iyan puwedeng isagawa.

    VP LENI: Napakahalaga. Sana napakinggan tayo ka Ely noong mga nagtatanong sa atin ngayong umaga. Pero ka Ely wala na tayong oras. Kaya siguro papasalamat na tayo kay Atty. Marlon ka kanyang pagpunta at napakahalaga na ibinahagi niya sa atin ngayon umaga.

    ELY: Atty., salamat po sa inyong oras.

    ATTY. MARLON MANUEL: Salamat din.

    ELY: Nawa’y nakatulong ho tayo sa ating mga kababayan nationwide at sa iba’t ibang panig ho ng mundo para magbigay kaalaman hinggil sa kanilang mga karapatang pantao.

    [END GAP 2]

    ELY: Ito kasama na natin sa studio si Jenny Cortes. Ito po ay para po sa ating istorya ng pag-asa mga kasama. Kasi dito ho’y makakapulot po tayo ng mga kung ano man ang ginawa ng ating mga kababayan para maalpasan ang naging pagsubok sa kanilang buhay.

    VP LENI: Ito ka Ely kanina binabasa ko ang kuwento ni Ma’am Jenny. Binabasa ko pa lang ka Ely parang dinudurog ang aking puso kasi si Jenny, halos hindi na niya nakilala ang tatay niya. Pinatay ang tatay niya noong siya ay 11 months old pa lang. Hindi pa nga siya nag-iisang taon. Marahil wala nang ala-ala si Jenny sa kanyang tatay. At ang tatay niya ay pinatay dahil din sa karahasan na dala ng batas militar. Pero hindi lang iyon, naiwan siya sa nanay niya. Pero pati ang nanay niya biktima din ng martial law. Kaya batiin muna natin si Jenny, magandang umaga sa iyo Jenny.

    JENNY CORTES: Good morning po.

    VP LENI: Noong tinitingnan ko iyong kuwento mo, walang nabanggit na kapatid. Nag-iisa ka lang ba?

    JENNY CORTES: Isa lang po akong anak ng magulang ko. Pero nag-remarry po ang nanay ko noong 15 na ako. So mayroon akong sister. May kapatid po ako na 20 years younger.

    VP LENI: Kasi parang anak mo na? [Laughs] Kasi ka Ely binabasa ko iyong kuwento, parang iyong tatay at nanay niya mga student leaders. Tama ba iyon Jenny? Saan sila nag-aral.

    JENNY CORTES: Sa UP Diliman po sila. Organizers at saka aktibista.

    VP LENI: Tapos nag-asawa sila, pinanganak si Jenny, pinakauna nilang anak. Pero ka Ely 22-years-old lang ang tatay niya noong namatay. Ano ba iyong kuwento ng pagkamatay ng tatay mo Jenny?

    JENNY CORTES: Nagsimula na po sila mag-organize ng sa kanayunan, sa may Zambales po siya. Tapos doon po nagkaroon ng engkuwentro sa military. Tapos doon po siya namatay. Isa po siya sa, kung hindi po ako nagkakamali, isa siya sa unang aktibistang galing sa Metro Manila na namatay sa kanayunan.

    VP LENI: Grabe ka Ely, 22-years-old, may 11-month-old na anak, namatay. Pero hindi lang ito. Iyong nanay niya ilang beses din nakulong, naaresto, nakulong dahil ang nanay niya aktibista din. Naalala mo ba Jenny kung kailan ang unang pagkakulong ng nanay mo?

    JENNY CORTES: Hindi ko na po alam iyong… Ang pinakamaaga kong ala-ala kasi na na-ano ko, sabi nga ng lola napakabata ko pa noon, nakasakay ako sa eroplano papuntang Davao kasi underground ang nanay ko. Nagtatago siya dahil hindi nga siya… dahil hinahanap siya ng mga ano…

    VP LENI: Mga anong taon kaya iyon?

    JENNY CORTES: Mga siguro early 70s po iyon. Tapos…

    VP LENI: Iyong height talaga…

    JENNY CORTES: Opo. Tapos naalala ko din na nakakulong siya sa Crame. Maraming ibang mga ano parang, madaming-madami silang mga babaeng detainees na..

    VP LENI: Nagbibisita ka doon?

    JENNY CORTES: Oo. Bumibisita ako doon. Hindi lang ako, marami ding mga bata na nakikita ko kasi ano siya, parang women’s detention center. Tapos iyon mga naka double deck sila na ano, naka-detain sila doon lahat. Tapos sabay-sabay kaming lahat na maliliit na batang dumadalaw sa mga nanay nila.

    VP LENI: Napakahirap ka Ely noon. Nawawala ang nanay mo na ang liit-liit mo pa.

    JENNY CORTES: Tapos noon, nakulong din siya sa MSU kasama nila Ninoy Aquino. Ano po iyon, solitary confinement. So wala siyang kasama sa selda niya.

    VP LENI: So hindi mo siya nakikita?

    JENNY CORTES: Nabibisita namin siya. Tapos pinayagan ako magspend ng mga weekend kasama siya.

    VP LENI: Buong weekend nandoon ka?

    JENNY CORTES: Oo. So buong weekend nandoon kami.

    VP LENI: Parang nakulong ka na din.

    JENNY CORTES: Oo kasi ano siya, solitary confinement so kuwarto siya pero ang mga bintana nakasara. Di niya makita ang labas para maka-ano siya, sinagan ng araw. Nilalabas lang tuwing hapon para makapag-exercise sa isang yard.

    VP LENI: Pero ito naalala mo ba kung ilang beses siya nakulong?

    JENNY CORTES: Ang ano ko, mga three times.

    VP LENI: Bawat pagkakulong sa kanya, nasa lola ka?

    JENNY CORTES: Opo doon po ako lumaki. Doon po ang pinaka, kumbaga pinaka-stable na environment ko. Kung saan siya puwede mabisita, dinadala ako ng lola ko.

    VP LENI: Pero kailan natapos ang kahirapan ng lola mo?

    JENNY CORTES: Mga late 70s na narelease siya finally. Inurong ng gobyerno ang mga kaso sa kanya. Binigyan siya ng amnesty. Kasi parang loss of interest or something, parang ganoon. Kasi iyong mga kumbaga mga witness against her case, mga military officers din. So noong siguro noong hindi na siya masyadong threat, tsaka lang siya pinalabas.

    VP LENI: Ito ang iisipin natin ka Ely kapag nakarinig tayo ng ganito, ilan pa kayang libong mga bata, anak iyong lumaki na wala ang magulang. Lumaki na sa kulungan sa kabibisita. Kasi ang pinaka-alam natin na kuwento iyong kuwento ni Ninoy, kuwento ng kanyang mga anak. Kung gaano kahirap na lumaki na halos hindi nakasama ang tatay. Naalala ko si Kris Aquino mayroon siyang kuwento na parang pinapayagan lang yata sila magbisita tuwing Miyerkules at weekends. Pag Miyerkules, parang pinapayagan na siya ng school na maagang uuwi kasi pupunta sa kulungan. Parang di ba ka Ely, napakahirap.

    JENNY CORTES: Tapos ano, naalala ko po minsan kasi nagkakasabay kami sa pagdalaw. Iyong mga ano, sila.

    VP LENI: Ah. Pareho kayong mga bata.

    JENNY CORTES: Oo mga bata. Tapos iyong mga kapatid niya, si Presidente Cory. Medyo ano po. Kasi mga tita ko noon halos hindi na rin sila pabisita kasi pagbibisita ka doon, ano po, strip search.

    VP LENI: Huhubarin mo ang damit mo?

    JENNY CORTES: Opo kasi bawal. Bawal magpasok ng kontrabando o kung ano. So lahat ng bisita nila…

    VP LENI: Kailangan mong hubarin ang damit?

    JENNY CORTES: Oo kasi bawal magpasok kahit na lapis, o papel, o ano na puwede ka, iyong detainess makapag-communicate outside.

    VP LENI: At ang balita ko Jenny parang may isang children’s book, may isang libro ka Ely. Ang title ng libro ‘Isang Harding Papel.’ Ang sumulat nito si Orgie Devera. Ito daw kuwento mo Jenny, totoo ba iyon?

    JENNY CORTES: Hinalaw po niya iyan doon sa experience ko noong dinadalaw ko ang nanay ko, iyong mga ginagawa namin sa loob noong naiiwan ako sa kanyan tuwing weekends.

    VP LENI: Napaka-interesting Jenny hanapin ang librong ito para mabasa. Parang lumaki ka na sa kulungan.

    JENNY CORTES: Opo.

    ELY: Parang nakulong na din siya.

    VP LENI: Oo parang nakulong din siya. Pero ito ka Ely kaya sinasabi natin kanina na si Jenny ay ating Istorya ng Pag-asa kasi si Jenny ay naging sculptore. Ito ay sculpture siya, balita ko Jenny nagtrabaho ka under kay Arturo Luz?

    JENNY CORTES: Nag-assist po ako sa kanya na gawin iyong mga obra niya sa kahoy mula 2010. So ako po ang assistant niya sa sculptures niya.

    VP LENI: Ang galing. Pero pagkatapos mong maging assistant, ang balita ko magkakaroon ka na ng solo exhibit.

    JENNY CORTES: Nagsolo exhibit na po ako dati pa. So actually, sa October 10.

    VP LENI: Sa Crucible Gallery, saan ito?

    JENNY CORTES: Sa Megamall po.

    VP LENI: Kaya siguro ka Ely iyong mga nakikinig sa atin ngayon, iniimbitahan natin sila October 10, Crucible Gallery. Ito Jenny, ano ang medium na ginagamit mo.

    JENNY CORTES: Mostly po kahoy at mga bakal.

    VP LENI: Pero ito maliit ka pa ba artist ka na?

    JENNY CORTES: Opo. Ano po, connected nga iyon doon sa ginagawa namin ng mother ko sa kulungan. Kasi noong nandoon po siya, solitary confinement so mag-isa lang siya doon, wala siyang ginagawa. Cut-off siya sa mundo, walang day-in, day-out, mag-isa lang siya. So ginawa ng lola ko, nagsa-smuggle siya ng mga craft art materials sa nanay ko. Tapos pag weeekend iyon ang gagawin namin. Gumagawa kami ng paper flowers.

    VP LENI: Siya ang nagtuturo sa iyo?

    JENNY CORTES: Opo. Mayroon kaming libro tapos gagayahin namin.

    VP LENI: So doon nag-umpisa?

    JENNY CORTES: Opo iyong interest. At saka iyon, kasi iyon po ang magandang ala-ala noong bata ka. Pag binalikan mo na gumagawa ka with your hands, naalala ko iyong kumbaga quality time namin ng nanay ko dahil napakakaunti.

    VP LENI: Tapos noong nagkolehiyo ka, iyon na ang inaral mo?

    JENNY CORTES: Well actually po inaral ko po iyong art under apprenticeship sa isang iskultor, kay Jerry Araos. So kanya po ako nag-apprentice, sa kanya po ako natuto ng craft ko. Woodworking at saka carving, at saka sculpture.

    VP LENI: So sa pamilya ninyo ikaw ba ang nauna na pumasok sa larangan na ito?

    JENNY CORTES: As an artist po, ako po.

    VP LENI: Kasi sabi kasi nila namamana daw iyon.

    JENNY CORTES: Kasi may mga tita po kasi ako na art collectors, mayroon pong may-ari ng art gallery. So lumaki din po ako sa ganoong environment.

    VP LENI: Pero ka Ely nakakatuwa. Isipin mo na dahil sa sirkumstansya ng paglaki niya, walang tatay ang nanay loob at labas sa kulungan. Isipin natin di ba parang maaapektuhan ang buhay, ang paglaki, pero si Jenny tunay na istorya ng pag-asa. Kasi kahit napakahirap ng pinagdaanan, parang nagamit niya pa ang kahirapan para pagbutihin ang sarili.

    ELY: At nalampasan niya ang pagsubok sa buhay ng kanilang pamilya.

    VP LENI: Kasi Jenny dito sa programa natin, ang huling bahagi parating tungkol sa mga Istorya ng Pag-asa. Iyong mga istoryang ng mga ordinaryong tao na pinapamalas iyong tibay at kahusayan na sa gitna ng maraming pagsubok, marami pa ding nagagawang kabutihan at kagalingan at isa ka na doon. Ito kaya natin finifeature kasi gusto natin na parang ma-inspire ang ating mga kababayan na nagdadaan din sa mga maraming pagsubok. Na hindi naman iyon dahilan para sirain na ang kanilang buhay. Puwede iyong magamit na… ito ngayon ang parang behikulo na para mahanap mo kung saan talaga ang kahusayan at kabutihan. Ito napaka-ano ka Ely, kaya gusto ko nga hanapin ang libro na hango sa kanyang buhay kasi di ba parang, sa gitna ng matinding kahirapan, ganito ka pa din. Parang pinagmamaliki, kasi artist, sculptor, ako din susubukan kong makadaan.

    JENNY CORTES: Maraming salamat po.

    ELY: Okay. So Jenny salamat sa iyong oras. Nawa’y nagbigay ka ng inspirasyon sa ating mga kababayang nakikinig ngayon, ano man ang kanilang dinadaanan na pagsubok sa kanilang buhay.

    VP LENI: At ano ka Ely ipagpasalamat din natin kay Jenny kasi kung ano man ang kalayaan at mga karapatan na tinatamasa natin ngayon, dahil ito doon sa mga nauna sa atin na ipinaglaban, nagsakripisyo, ibinuwis ang kanilang buhay at karapatan, para makamtan ulit natin ang ating mga karapatan. Kaya Jenny maraming salamat. Kabahagi ka maraming sakripisyo.

    JENNY CORTES: Maraming salamat.

    ELY: Maraming salamat. Si Jenny Cortez, ang anak po ng martial law victim.

    VP LENI: Ito ka Ely ang bilis bilis ng oras pero gusto lang natin i-greet ang mga kasamahan natin ngayon, lalo na sa ibang bansa, ang ating mga kababayan sa ibang bansa, ito ngayon ko lang nakita ka Ely, Scotland. Ngayon ko lang nakita na mayroon pala tayong mga kababayan na nandoon na kasama natin ngayon. Sydney, Australia, Hongkong, at saka Lisbon, Portugal. Hanggang Portugal mayroong Pilipino. Ontario, Canada linggo-linggo natin nakakasama. At mga kababayan natin dito sa Pilipinas mayroong galing Cebu, Palawan, Iloilo, Nueva Vizcaya, Davao at ibang bahagi pa ng Pilipinas. Maraming salamat pong muli sa inyo sa pagsama po sa amin sa linggong ito. Sana po sa susunod na linggo makasama muli namin kayo.

    ELY: Maraming salamat po ma’am.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Sep 23, 2017