This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI Episode 198

    BISErbisyong LENI Episode 198

    ELY: Magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas, at Mindanao! Ito na po ang BISErbisyong LENI dito po sa RMN ngayong araw ng Sunday. Mula rito sa RMN DZXL 558 Manila, tayo po ay napapakinggan diyan po sa RMN DYHP Cebu, RMN DXCC Cagayan de Oro, RMN DXDC Davao, at RMN DWNX Naga. At siyempre sa lahat po ng inaabot ng ating broadcast nationwide, netwide, ako pa rin ho ang inyong radyoman Ely Saludar. At siyempre, mga kasama, ay kapiling ho natin ang ating nag-iisang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si Madam Vice President Leni Robredo. Ma’am, good morning!

    VP LENI: Good morning, Ka Ely! Good morning po sa lahat na nakikinig at nanonood sa atin ngayong umaga. Ka Ely, pasensya ano lang ako, wala akong data. Wala akong video kasi nasa gitna ako ng isang meeting with city officials at saka Naga City People’s Council dito sa Naga. Umuwi ako, Ka Ely, noong Friday. Binisita namin iyong aming housing project noong Friday pero kahapon at saka today, buong dalawang araw ay gugugulin ko para ayusin iyong, parang improvement at saka assessment ng Naga City People’s Council, Ka Ely. Isa itong initiative na nagsimula noong mayor pa iyong asawa ko. Magse-celebrate ng 25th anniversary this year pero iyong sa amin lang, Ka Ely, nagkakaroon kami ng evaluation at saka assessment kung ano iyong mga improvements na kailangan gawin, kung nakatutOkay pa ba siya doon sa dati niyang objective. So kahapon, Ka Ely, buong araw, iyon iyong marami kaming meetings—meeting with the board of directors, board ng NCPC, iyong meeting with sectoral representatives. Ngayong umaga, ang ka-meeting ko Naga City officials at saka iyong ibang officers ng Naga City People’s Council.

     

    ELY: Okay, Ma’am, tama at talagang abalang-abala ho kayo at nakita rin namin iyong mga binisita niyong mga proyekto at siyempre ay matapos po iyong mahaba-habang panahon na, ‘di ba, parang binubuntutan ho kayo ng protesta. Kumusta ho iyong pagtanggap ng ating mga kababayan diyan at ngayon—ito, parang unang-unang pagkakataon, Ma’am, at least bago mag-eleksyon, natuldukan na talaga na walang basehan iyong mga protesta laban sa inyo ni dating Senador Bongbong Marcos.

     

    VP LENI: Actually, Ka Ely, mula pa noong Friday pagdating ko, hindi pa rito sa Naga, dito pa sa Lupi, Camarines Sur, sinasalubong talaga ako ng kagalakan ng mga tao. Kasi dito naman sa amin, Ka Ely, wala namang duda—walang duda na hindi ako nandaya ng eleksyon kasi napakatagal na namin, Ka Ely, sa pulitika. Alam ng mga tao rito na unang-una, wala kaming capability na mandaya. Pangalawa, kahit may capability kaming mandaya, hindi namin iyon gagawin. Kaya iyong sa amin, Ka Ely, parang ang pakiramdam ng mga tao rito sa amin, laban din nila iyon. Laban din nila iyon kasi nasasaktan sila na pinagdududahan ako. Siyempre, Ka Ely, iyong iba kasi napapapaniwala nila, eh. Iyong ibang hindi naman nakakakilala sa atin, napapapaniwala nila. Kaya rito, masaya iyong mga tao na vindicated tayo. Ano halos, halos limang taon din, Ka Ely, halos limang taon din na pinapaniwala nila. Sabi ko nga, kung mayroong utang si Mr. Marcos, utang niya ito doon sa mga taong pinapaniwala niya. Iyong kaniyang propaganda na siya ay dinaya, may mga taong napapaniwala niya. Kasalanan niya ito sa kanila. Kasi iyong mga tao naman, Ka Ely, hindi naniwala; wala namang problema. Masaya lang sila dahil na-prove na tayo iyong nagsasabi ng totoo. Pero papaano iyong mga taong dahil sa fake news na pinapalabas nila, naniwala talaga. Kahit papaano, Ka Ely, nakantiyawan iyong mga taong iyon, napahiya, kasalanan niya iyon. Kasalanan iyan ni Mr. Marcos.

     

    ELY: Yes, Ma’am. At saka hindi na puwedeng gamitin iyong isyung iyan lalo’t nalalapit na naman ang eleksyon at pinapakilala siyang siya ay—[chuckles]—eh pasalamat ho tayo sa Supreme Court, Ma’am, dahil sa hindi naging moot and academic ito pong kasong ito.

     

    VP LENI: Oo nga. Oo nga, Ka Ely. Actually, actually, Ka Ely, kung hindi ako nagkakamali, una o pangalawang beses pa lang na nag-decide, na parang naging final iyong desisyon ng Presidential Electoral Tribunal sa isang protest case kasi iyong mga nauna, nagmu-moot—nagiging moot kasi may kumandidato so hindi na natutuloy. Pero ito, parang natuldukan talaga.

     

    Iyong sa akin lang, Ka Ely, iyong nakakalungkot lang kasi alam mo naman, ‘di ba, nag-decide na iyong Supreme Court, nag-a-attempt pa rin silang mag-fake news. Instead na malugod na tanggapin, nag-a-attempt pa mag-fake news na pinapapaniwala pa iyong tao, na hindi na-dismiss with finality. Eh ito, Ka Ely, panlilinlang lang talaga, eh. Pero iyong sa akin lang, Ka Ely, hindi lang ito simpleng pagsisinungaling. Pero iyong sa akin, nakita natin kung papaano iyong ambisyon ng isang tao. Ambisyon noong isang politiko para lang makuha niya iyong kaniyang inaasam ay sisirain niya talaga iyong mga institusyon. Willing siyang sirain iyong mga institusyon, bahiran ng pagduda ang COMELEC, bahiran ng pagduda ang Supreme Court para lang makamtan niya iyong kaniyang kagustuhan na para bang, para sa akin, walang pakialam. Walang pakialam sa pagsira sa mga democratic institutions para lang sa political gain mo. Tingin ko, ito iyong mas grabe. Iyong mas grabe na wala siyang pakialam. Basta sa kaniya, mahalaga na, ‘di ba.

     

    Ito nga may desisyon na gusto pang baguhin iyong narrative. Gusto pang baguhin iyong narrative na kahit alam naman niya, Ka Ely, alam niya naman. Klarong-klaro iyong—ipinost nga ng Supreme Court iyong dispositive portion ng desisyon pero pinipilit pa rin. Wala naman itong… walang ibang dahilan, Ka Ely, kundi linlangin—linlangin iyong tao. Siguro mag-save face sa supporters kasi pinapaniwala niya. Iyon iyong nakakalungkot kasi hindi na lang ito between us, eh. Iyong laban hindi lang Marcos versus Robredo, eh. Pero alam mo iyon, kapag sinira mo iyong democratic institutions, iyong sinisira mo iyong bansa natin.

     

    ELY: Ayon, tama. Eh kung tatakbo sila, paghandaan na lang nila iyong eleksyon sa 2022.

     

    VP LENI: Iyon na nga, Ka Ely. Iyong sa akin lang, kaya nga may eleksyon kasi ito iyong pagkakataon na, ‘di ba, na ipapakilala mo iyong sarili mo, sasabihin mo iyong mga plano mo. Pero iyong sa akin, Ka Ely, iyon talaga iyong pinaka-nakakalungkot. Instead na tanggapin, gusto pang, parang mag-cast ng… mag-cast ng doubt sa integrity ng institution. Parang ano nga, eh, alam niya naman na—ako nga, dahil sa tagal ng kaso ang daming nagduda sa akin, sa legitimacy ng aking mandato. Pero sa atin, tiniis natin iyon kasi alam nating may prosesong kailangan sundin. Kami, Ka Ely, never natin na, parang, inalagaan natin iyong proseso at saka iyong Supreme Court at saka Presidential Electoral Tribunal as an institution hindi maapektuhan, hindi mabahiran. Pero sila, Ka Ely, ito naman may desisyon na, ano ba talaga? Talagang hihirit pa.

     

    ELY: At saka unanimous, Ma’am, ha. Ni isang—

     

    VP LENI: Buti na lang. [chuckles] Buti na lang, Ka Ely.

     

    ELY: Kaya nga sabi ni dating Supreme Court Chief Justice Artemio Panganiban, “nako, malabo nang mabaligtan iyan. Unanimous, eh.”

     

    VP LENI: Oo naman. Buti na lang, Ka Ely, unanimous. Kasi I think, kung hindi siya unanimous, lalo pa silang, ‘di ba, maghahanap ng paraan. Nakita ko nga, Ka Ely, iyong mga bayaran na trolls, iyon pa rin iyong narrative na ginagamit. Na parang sinasabi nila iyong humawak kasi ng kaso dalawang dilawan, may tinuturo na dalawang justices. Eh hindi nila sinasabi, Ka Ely, na 15 iyong justices. Fifteen iyong justices, karamihan dito appointed na ni Pangulong Duterte. Ang pinupuntirya nila, iyong china-charge nila na dalawang dilawan. Iyon nga iyong nakakalungkot, Ka Ely, eh. Iyong panlilinlang, eh.

     

    ELY: Tama, opo. Pero diyan, Ma’am, sa Naga at sa inyong pag-iikot, kumusta ang kaso po ng COVID diyan, Ma’am?

     

    VP LENI: Wala rito, Ka Ely. Ilang araw na siyang zero. Ilang araw na siyang zero. Halos wala na talaga—wala na talagang transmission dito. Actually, Ka Ely, for quite some time, isa-isa lang. Paisa-isa lang iyong kaso rito. Maayos iyong pagpapatakbo ng COVID response. Ito, hindi lang sa Naga, Ka Ely, halos buong probinsya paunti-unti lang. Parang nagkaroon lang sila ng spike last year, parang ilang buwan din last year iyong unang nag-uwian iyong mga LSIs pero na-control naman agad. Pero kami kasi, Ka Ely, dahil sa protocols sa opisina, kahit walang kaso rito required talaga kaming mag-quarantine pagbalik. Kaya nga, Ka Ely, ano, actually kaya rin ako umuwi ng weekend kasi bukas death anniversary ng nanay ko. One year na. Kung naalala mo Ka Ely, pumunta ka, ‘di ba. Pumunta ka nung namatay iyong nanay ko. One year na siya bukas. Pero hindi ko na mahintay bukas, hindi ko na mahintay bukas dahil kailangan kong habulin iyong mga quarantine procedures namin tapos kailangan ko na ring makabalik sa opisina the soonest possible time. So pagkatapos ng mga meetings ko today, doon na namin iko-commerate iyong magpapa-misa na kami for—doon sa death anniversary ng nanay ko.

     

    ELY: Magandang balita, Ma’am, diyan sa Naga sa inyong hometown eh halos wala na—

     

    VP LENI: Wala na, oo.

     

    ELY: Kasi sa hometown ng isang, mukhang napakaraming tarpaulin na ngayon dito sa Metro Manila, eh ang taas ng kaso ng COVID doon. [chuckles]

     

    VP LENI: Oo nga, Ka Ely. Ako, ayaw ko nang mag-comment kasi iyong numero naman at saka iyong mga facts iyong magpapakita. Pero dito, Ka Ely, in fact nandito ngayon iyong lahat na city officials kasi pag-uusapan nga namin iyong kung papaano lalong mai-improve iyong Naga City People’s Council. Pero pagdating ko pa lang, iyon na iyong report sa akin dito. Parang several days na na walang kaso. Noong nakaraan naman na mga linggo at buwan, parang magkakaroon ng isa, magkakaroon ng dalawa, tapos controlled na ulit. Maayos, Ka Ely, iyong pagpapatakbo. Maayos iyong contact tracing dito. May sariling contact tracing app iyong Naga, iyong E-Salvar. Ano rin, dati, Ka Ely, noong mataas pa iyong kaso strikto iyong pag-require ng mga test. Ngayon, hindi na masyado. Kami nga, Ka Ely, inalis na nila—‘di ba parang nagkaroon ng, ano ito, ng bagong regulation na iyong mga government officials o iyong mga government na pumupunta sa ibang lugar, hindi required mag-test pero kami, Ka Ely, nagpa-test kami. Nagpa-test kami kahit APOR kami, iyong authorized person outside of residence, kahit APOR kami, Ka Ely, hindi kailangan ng test, para sa amin dapat maging responsible pa rin. So kami, Ka Ely, bago kami umuwi dito nagpa-test kami. Pagbalik namin after seven days magpapa-test ulit kami. Kasi iyon na rin iyong contribution namin, hindi lang dito pero kahit saan na lugar na pinupuntahan namin.

     

    ELY: Pero, Ma’am, ang masamang balita, parang naaantala itong pagdating ng mga bakuna. Inaasahan na rin na lalong mag-aayos po ang sitwasyon dito po sa ating bansa.

     

    VP LENI: Nakakabahala talaga, Ka Ely, kasi lalo na kapag araw-araw pinapanood at saka binabasa natin iyong lahat na mga balita na maraming mga lugar sa buong mundo na nagbabakuna na. Iyong mga kasabay natin, Ka Ely, na hindi nagbabakuna wala masyadong kaso. Halimbawa dito sa Southeast Asia, parang Thailand, kung hindi ako nagkakamali South Korea paumpisa pa lang. Pero sa kanila kasi, Ka Ely, hindi mataas iyong kaso so walang sense of urgency. Sa atin, Ka Ely, mataas iyong kaso natin, eh, so dapat mas urgent dapat iyong ating response. Kahapon nga tinitingnan ko pati sa Rwanda sa Africa nag-start na. Nag-start na magbakuna. So sa atin habang tinitingnan natin iyon, alam natin kung gaano ka-importante iyong pagbabakuna, lalong nagiging impatient iyong mga tao kung kailan na darating, lalo pa kasi several, parang last week, several weeks ago sinabi na na darating siya ng Feb. 14 pero walang dumating. Ang sa akin lang, Ka Ely, mahalaga sana iyong mga healthcare workers natin mauna na kasi siyempre… Kahapon, lampas 2,000 na naman iyong kaso. Siyempre iyong exposure ng ating frontliners nandoon. So sana, iyong kaunting darating sana sila na iyong unahin kasi sila talaga iyong pinaka-nangangailangan na ngayon.

     

    ELY: Okay, Ma’am, at iyong naunang mga panukala mo na dapat talagang pagtuonan ng pansin iyong face-to-face classes lalo na sa mga lugar na talagang napakababa na ng kaso eh dito ho sana—pabor ho ba kayo na magkaroon ng, i-MGCQ na iyong buong bansa?

     

    VP LENI: Ako, Ka Ely, ang tanong ko lang: ano iyong basis, ‘di ba? Ano iyong basis ng MGCQ? Kasi wala namang problema mag-MGCQ kung may basehan tayo roon. Pero kapag tiningnan kasi natin iyong numero, Ka Ely, iyong numero ang taas ng transmission. Ang taas pa ng transmission, wala pa iyong bakuna. So sinasabi natin, dahil sa ekonomiya. Pero doon na tayo nagkamali mula umpisa pa eh, ‘di ba. Nagkamali tayo mula umpisa pa kasi hinihiwalay natin iyong ekonomiya sa kalusugan. Hindi naman iyon puwedeng hiwalayin kasi kahit buksan pa natin, Ka Ely, iyong ekonomiya, kung takot iyong tao, ganoon pa rin naman. Sa akin iyong mga usapin na ganito, dapat sana lahat na energies natin nandoon sa pag-control ng transmission at saka pag-provide ng bakuna, hindi na sa kung ano-ano pa. Dapat i-sentro na lahat doon kasi iyon iyong pinakamahalaga ngayon.

     

    Iyon namang face-to-face classes, Ka Ely, last year pa, ‘di ba last year ko pa iyon sinasabi. Kung hindi ako nagkakamali, August, September, sinasabi ko na na—dati, Ka Ely, more than 600 na mga LGUs iyong walang transmission talaga. So ang sinasabi ko lang, doon sa mga walang transmission, baka puwedeng umpisahan iyong face to face. Hindi naman kailangan araw-araw mag-klase pero kahit several—once or twice a week pupunta iyong estudyante, follow-up lang ng teachers kung hindi sila napapag-iwanan pero ang daming indecision. Nagsabi na iyong DepEd na, oo, binawi ulit. Noong sinabi ni Presidenteng hindi—alam mo iyon, para sa akin, Ka Ely, napaka—iyong indecision, iyong pag-urong-sulong, ang daming maaapektuhan negatively. Ang dami nating mga bata na hindi nakakabasa. Sa lahat ng mga tests, halos lahat nasa dulo tayo. Eh dapat sana inaasikaso natin ito. Nagkuwentuhan tayo noong Sunday,  naglabas ng CDC study na sa ibang lugar nga, Ka Ely, na may—mataas pa iyong community transmission, iyong inuuna nilang asikasuhin magkaroon na ng pasok. Magkaroon na ng pasok kasi iyon ang pinakamahalaga. Ang ginagawa nila, Ka Ely, nagbibigay sila ng funding para sa mga schools para i-equip sila sa mga kinakailangan para ma-prevent iyong transmission inside the classroom. Pero ang findings, Ka Ely, ng CDC, mas minimal ang transmission sa paaralan kasi mas marami na mga, parang protocols, ang puwedeng sundin doon para ma-prevent. Pero hindi ko alam, Ka Ely, kung ano nakakatagal sa desisyon natin. Pero ‘di ba, last year pa natin ito pinag-uusapan.

     

    ELY: Oo nga po. At dito nga sa Metro Manila, papayagan yata kinse anyos pataas. Siguro iyong mga senior high school puwede na ng face-to-face.

     

    VP LENI: Mahirap talaga, Ka Ely. Ako lang, sa akin, sana hindi one size fits all nga iyong pagdesisyon. Kasi halimbawa, Ka Ely, since last year ang daming malalayong lugar, mga coastal communities na mahihirap iyong mga families, na wala namang community transmission. Na iyong mga teachers mismo at saka mga estudyante at saka mga magulang, gusto na mag-face-to-face. Bakit—hindi ko alam kung ano iyong nakakatagal. Eh ngayon ano na, patapos na iyong February wala pa ring desisyon. Pero dapat sana, last year pa inasikaso ito para hindi masyadong natatagalan iyong, the longer na out of school iyong mga bata, lalong napapag-iwanan. Mabuti iyong may mga kaya, mabuti iyong may mga gadgets kasi kahit hindi pumapasok, patuloy iyong pag-aaral. Pero, Ka Ely, iyong mga wala, iyong mga walang wala na umaasa sa modules na sarili nila ang pag-answer ng modules, hindi naman equipped iyong mga magulang para tumulong, obviously iyong mga magulang na nakakatulong, pero magulang na mismo nagsabi na hirap na hirap sila. Iyon sana, i-consider iyon para hindi napag-iiwanan iyong mga bata.

     

    Ano lang, Ka Ely, iyong sitwasyon sa Metro Manila, sa Cebu, sa Davao, hindi naman iyon iyong sitwasyon sa buong Pilipinas. So iyong sa akin, Ka Ely, dito na lang sa Camarines Sur, marami kaming mga coastal towns na wala namang transmission na ano ba naman iyong papasukin iyong mga bata kahit once or twice a week. Follow-up lang. Follow-up lang kung may mga hindi sila naiintindihan doon sa mga modules, matutukan lang iyong mga non-readers, alam mo iyon. Tingin ko, Ka Ely, hindi naman iyon mahirap, eh. Kailangan lang mag-desisyon. Eh iyon iyong hindi natin ginagawa.

     

    ELY: Ayon. Eh talagang kawawa. Sinasabi niyo nga, Ma’am, galing na nga po sa mga mahihirap na pamilya, para pa silang lalong nakakawawa sa kasalukuyan dahil sa kawalan po ng maayos na desisyon ng ating gobyerno.

     

    VP LENI: Totoo. Totoo, Ka Ely. Iyon iyong nakakalungkot kasi puwede naman, eh. At saka iyong DepEd, Ka Ely, nagsabi na nga iyong DepEd na nag-survey sila, more than 50 percent o more than majority sa mga magulang, hindi lang magulang pati teachers, ang gusto nang mag-face-to-face. Eh dapat sana, Ka Ely, basehan na iyan, eh. Hindi lang sa kagustuhan pero iyong science din nagsasabi na iyong mga walang transmission, baka puwede naman—hindi naman kailangan na buong klase iyong pumasok all at the same time, ‘di ba. Puwede namang, sabihin natin na 25 percent ng klase papasok once a week o twice a week para lang sa follow-up. Madali naman iyon gawin basta may tumututok lang, pero hindi pa rin nagagawa.

     

    ELY: Kaya lang, Ma’am, parang ako ang obserbasyon ko, ito ha, na parang kapag galing sa inyo ang panukala, kahit na maayos, mabuti, ayaw nila, iniiwasan. [chuckles]

     

    VP LENI: ‘Di bale na, Ka Ely, kahit ayaw nilang pakinggan. Kahit natutuligsa tayo, gagawin pa rin natin kasi obligasyon natin.

     

    ELY: Kasi ang dami niyo nang pinanukala, eh, na talagang makakabuti pero iniiwas nila. Pero kapag nagkalimutan, bigla na lang i-introduce na parang sila na. [chuckles]

     

    VP LENI: Eh ano nga, Ka Ely—naalala mo, Ka Ely, iyong DepEd several months ago nagsabi na na puwede nang face-to-face, parang noong sinabi ni Presidenteng hindi ulit, hindi ko alam kung pinaglaban man lang nila. Pero sana, oo naman. Kasi sayang talaga. Sayang talaga ang opportunity, Ka Ely. Iyong kinukuwento ko nga sa inyo na iyong Community Learning Hubs namin, ang balak namin kaunti lang ang bubuksan. Noong umpisa pito nga lang iyong binuksan namin. Ngayon, Ka Ely, 56 na kami kasi ang daming requests. Ang daming requests at saka iyong mga Community Learning Hubs mismo, marami doon mga teachers mismo iyong nagvo-volunteer magturo kasi sila, Ka Ely, iyong mga nagwo-worry din sa mga estudyante nila na wala ring opportunity na tutukan nila. So sa akin, nandoon iyong desire, nandoon iyong recognition ng risk, dedesisyunan lang talaga.

     

    ELY: Opo. Okay, eh talagang mag-aabang lang ho tayo, Ma’am, kung ano ang kaganapan. Pero diyan, Ma’am, sa inyong lugar sa Naga kasi sa iba’t ibang mga lugar talagang umiiyak na po, ano, lalo na po iyong ating mga negosyante at talagang hirap po. Eh papaano ho naayos, ano, eh iyong sinasabi natin paano makakaalpas sa kasalukuyang pandemya?

     

    VP LENI: Ganoon din naman, Ka Ely, dito. Marami din iyong nagre-reklamo na naaapektuhan talaga iyong kabuhayan. Pero ngayon kasi, Ka Ely, mas normal na rito. Halimbawa, while iyong mga malls hindi pa rin bumabalik iyong dati, pero may mga tao na sa mga malls. Halimbawa iyong mga kainan. Iyong mga kainan, Ka Ely, may nabisita ako dalawa na, dalawa na kainan mula noong Friday, marami na iyong tao. Sumusunod sila doon sa required na occupancy. Pero iyon nga iyong sinasabi ko, Ka Ely, na hindi puwedeng ihiwalay iyong health sa economy. Kasi kapag na-control mo iyong transmission, ang tao na mismo iyong mas kampanteng lumabas. Kapag—kahit buksan mo iyong lahat restaurants, halimbawa buksan mo iyong lahat na sinehan, eh kung grabe pa iyong transmission, takot pa iyong taong manood. Kaya iyong asikasuhin talaga iyong kalusugan. Asikasuhin iyong transmission. Kasi iyon iyong magpapabuhay sa ekonomiya. Kahit anong promote natin, Ka Ely, kahit anong promote natin ng ating tourist spots, kahit anong promote natin ng mga negosyo, kung mataas iyong transmission, aakyat lang iyan nang kaunti pero hindi natin ma-a-attain iyong desired level. Pero kung nandito na iyong bakuna, bumaba na iyong transmission, mas normal na iyong pakiramdam ng mga tao. Gaya nga rito, Ka Ely, kinukuwento ko nga roon sa mga kausap ko mula kahapon, sinasabi ko, “Buti pa rito parang normal na. Normal na iyong buhay.” Normal na iyong buhay kasi wala nang transmission. Iyong social distancing sinusunod pa rin. Iyong limit sa number of people sinusunod pa rin. Naka-mask pa lahat ng tao. Pero mas normal na. Mas normal dahil mas kampante iyong tao. Ganoon lang naman iyon, Ka Ely, eh. Kaya ang pagtrabahuan natin iyong pag-kontrol. Hindi iyong kung ano-ano na kahit anong benta natin, kapag takot ang tao ganoon pa rin iyon.

     

    ELY: Opo. Okay, so siguro ngayon naman nasanay iyong mga tao, Ma’am, na may pandemya at kaniya-kaniyang ingat na lang, ano, sa kanilang sarili.

     

    VP LENI: Oo, totoo. Tingin ko, Ka Ely, kailangan hindi pa rin—hindi pa rin natin ile-let iyong guard natin. Iyong ating pag-iingat, kailangan pa ring nire-remind. Pero, Ka Ely, kapag mababa kasi iyong transmission, mas manageable. Kapag mataas iyong transmission, talagang nakakatakot pa rin. Halimbawa, Ka Ely, sa Manila, siguro mula noong pandemic last year once lang kami—kaming pamilya, once lang kami nakakain sa labas. Kami lang apat iyong magkakasama at kumain lang kami sa labas noong birthday ng anak ko. Hindi na naulit. Bakit hindi na naulit? Kasi takot kami. Takot kami na ganoon pa rin. Tingin ko, Ka Ely, kami pareho, iyong pakiramdam namin, pakiramdam hindi siguro ng lahat ng tao pero maraming tao, na kahit gusto na nilang lumabas, kahit gusto na nila ‘di ba, parating kino-control iyong sarili dahil natatakot sa transmission. So para sa akin, iyon lang naman iyon, eh. Kaya nga sabi ko, ang saya dito sa Naga kasi ano na, eh, iyong mga tao alam na kung anong gagawin. Sila mismo conscious kahit iyong mga… kahit iyong mga establishments alam na nila iyong gagawin na ganito lang, may limit. Dito lahat na papasukan mong tindahan ay may—hindi lang for compliance, Ka Ely, na contact tracing ha pero maayos na contact tracing talaga. May app lahat. Maayos iyong pagpatakbo kaya maayos din iyong—parang slowly nakakabalik na iyong tao sa normal. Iyon naman iyong inaasam natin.

     

    ELY: Opo. Okay, at, Ma’am, alam kong abala ho kayo at siguro ang inyo pong mensahe sa ating mga kababayan na nakikinig ho ngayon nationwide, netwide, sa gitna pa rin ng pandemya at nako, napakarami pong naghihirap ngayon, ang taas ho ng bilihin, at iba’t iba hong problema sa ating ekonomiya. At siyempre iyong bakuna, wala pa rin ho.

     

    VP LENI: Iyong sa akin lang, Ka Ely, unang-una, nagpapasalamat ulit ako. Nagpasalamat na ako. Nag-post kami ng video, Ka Ely, pero nagpapasalamat ako sa lahat na supporters na naniwala sa atin mula Day One. Mula Day One dahil noong lumabas iyong desisyon noong Tuesday, hindi kami makapagpasalamat nang personal, Ka Ely, kasi nga pandemic. Pero iyong mga hindi pa namin nakakausap personally ngayon gusto naming paabutan ng pasasalamat. Ang daming klaseng tulong, Ka Ely. Halimbawa iyong mga abogado namin grabe iyong sakripisyo noon kasi alam niyo naman iyong limitations namin. Halimbawa iyong mga revisors—iyong mga revisors natin, Ka Ely, na tinulungan tayo sa pag—parang mga watchers sila noong nagbibilangan ulit. Iyong mga supporters online, iyong mga taga-correct ng mga fake information, marami iyon, Ka Ely. Mahirap iyong laban kasi iyong kalaban natin, isang makinarya na may bayad. Eh iyong sa atin talagang organic na mga volunteers so nagpapasalamat tayo sa kanila. Alam mo naman, Ka Ely, iyong mga kasagsagan pa ng news, mayroong mobilization sa Supreme Court, mayroong kung ano-anong klaseng pagpapahayag, so nagpapasalamat tayo sa kanila, at saka iyong lahat na hindi nagpatinag sa lahat na false information, naghintay ng almost five years bago lumabas iyong desisyon.

     

    Pero iyong sa atin naman pong mga, iyong sa iba pa nating mga kababayan na naghihintay ng bakuna, nagaalala, sa atin, patuloy—patuloy na mag-iingat. Mahirap pa rin. Gaya kahapon, iyon nga, 2,000 plus ulit iyong transmission. Hindi pa po tayo out of the woods. So kahit parang kating-kati na tayo mag-back to normal, iyong ano rin, iyong pag-asikaso, pag-siguro na hindi natin nakakalimutan. Hindi nakakalimutan iyong ating protocols. Sa mga programa po natin, alam nating maraming naghihirap ngayon. Marami po tayong existing na programs. I-check na lang po iyong ating Facebook page. Sa mga nawalan ng trabaho na naghahanap ng employment, mayroon po tayong Sikap.PH, puwede niyo iyang puntahan. Doon sa mga nagnenegosyong maliit na walang capacity magkaroon ng online presence, mayroon po tayong BAYANIHANMart, sa iskaparate.com. Iyong mga out-of-school youth ages 18 to 30 na naghahanap ng trabaho, mayroon tayong TrabaHOPE. Iyong mga mayroong kaalaman mag-negosyo pero kulang ng kapital, kailangan ng equipment, kailangan ng tulong, mayroon po tayong sustainable livelihood and training program. Mag-message lang po sa aming Facebook page. Tatawagan po kayo ng aming team kasi kami po ay naghahanap talaga ng mga matutulungan na mga kababayan natin, mga grupo, individual, puwede po iyon. Iyong medical assistance program natin, Ka Ely, tuloy-tuloy. In fact, mas dinagdagan natin iyong allocation doon kasi alam nating mas maraming nagkakasakit. So iyong sa amin po, huwag lang mag-atubili na mag-comment. Mag-comment, magpadala ng message. Mayroon po tayong full time na team na taga-sagot lang at ire-refer sila sa mga teams na tatawag sa kanila para i-check kung magka-qualify sila sa requirements ng mga programa natin. So i-check lang po lagi iyong VP Leni Robredo Facebook page.

     

    ELY: Opo. Ingat ho lagi kayo diyan, ha. At alam ko natutuwa iyong ating mga kababayan diyan sa Naga at patuloy niyo hong tinututukan din iyong iba pang mga proyekto diyan at siyempre sa iba’t ibang panig ng ating bansa. Salamat po, Ma’am.

     

    VP LENI: Maraming salamat, Ka Ely!

     

    ELY: Mga kasama, iyan po ang ating Bise Presidente Leni Robredo na ngayon ay nandoon po siya sa Naga, mga kababayan. At mahina ang signal kasi ano, at hindi siya nakapag-via Zoom. Kaya ayon, phone patch nalang po. Inyo namang narinig ho, radyo naman ho ito, mga kababayan. At siyempre sa Facebook eh pasensya muna ho kayo. Ako muna ang makikita ninyo [chuckles]. At mamaya makakasama ho natin ang kanyang tagapagsalita ano, si Atty. Barry Gutierrez para magbigay pa ho ng mga dagdag na pagpapapaliwanag dito pa rin ho sa mga issue at siyempre ang mga aktibidad po ng Office of the Vice President. Napakaimportante at iyong ating Istorya ng Pag-asa, mga kababayan. Oho, dahil sa alam niyo naman dito po sa BISERbisyong LENI, ito pong Istorya ng Pag-asa ay naku, napakaganda ho nitong segment na ito dahil sa, kasi ito po ay ano nakapagbibigay po ng inspirasyon sa ating mga kababayan, ‘di po ba? Lalo na po iyong iba—ang iba hindi naman kinakailangang tumulong, hindi ba? Iyong hindi naman obligado na tumulong, at pag ano mauunawaan mo na sa kanilang kalagayan. Pero tumutulong ho sa kanilang kapwa. Hindi lang ho ito pera. Hindi dahil sa mayaman po sila o kung ano man. Wala po rito—walang mahirap, mayaman basta lahat po may maitutulong sa kapwa. Ito po ang nagbibigay ng inspirasyon sa ating mga kababayan. Ito, biruin mo magugulat ka, naku nakatulong pa o! Biruin mo ang daming problema, kung anu-ano etcetera at siyempre ang kanilang mga ginagawang tagumpay, na naalpasan nila sa gitna po ng napakaraming problema, lalo na po ngayong may pandemya.

     

    [Music break]

     

    ELY: Okay, oras na po natin mga kasama, 9:33 AM. Samantala, magtutuloy-tuloy ho tayo sa ating pagtalakay pa rin, dito po sa BISErbisyong LENI, iyong mga programa at ginagawa po ng Tanggapan ng ating Pangalawang Pangulo. Nasa linya na po at kasama ho natin ang opisyal po na tagapagsalita ng ating Bise Presidente Leni Robrero. Si Atty. Barry Gutierrez. Attorney, magandang umaga po sa inyo!

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Magandang umaga, Ka Ely, at magandang umaga sa lahat ng ating mga tagasubaybay.

     

    ELY: Eh ikaw legit ka na rin na spokesman ha, kasi dahil sa ‘di ba, may desisyon na ang Supreme Court, eh. [chuckles]

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: [chuckles] Hindi na under protest, Ka Ely. [chuckles]

    ELY: Hindi ka na puwedeng sabihan na fake spokesman ha.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo! [chuckles]

    ELY: Siyempre kumpleto na iyan at Attorney, ‘di ba, binanggit na mismo ni retired Chief Justice Artemio Panganiban, nagbanggit siya, naku malabo namang baliktad iyan. Bagama't siyempre sa proseso, mayroon sila puwedeng mag-MR—

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama.

    ELY: Pero sabi ng mga observer at mismo ito dating Supreme Court Justice, malabo na iyan kasi unanimous eh. Ikaw ba, Attorney, bilang abogado at siguro nasusubaybayan mo rin, di ba, mga galaw ng kaso dito sa ating bansa. Eh ano, may pag-asa pa ba o talagang normal na lang eh, siyempre may MR, pero wala na malabo na. Kasi collegial ano ito, ‘di ba, Attorney?

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama. Tama, Ka Ely. At saka ‘di ba, kung titingnan natin ang praktikalidad nito, para mabaliktad iyan, dapat walong Justice ang magbago ang isip, di ba? Para maging 8-7, ‘di ba? So medyo malayo na ang—malabo nang mangyari iyon kasi gaya nga ng sinabi ni Chief Justice Panganiban, at ng iba pang mga court observers at saka mga eksperto, kapag unanimous ang desisyon, napakaliit na ng posibilidad na magbabago pa ito. At tingin ko bukod doon sa boto, ang linaw noong ano eh, noong naging basehan, kapag tiningnan mo ang dispositive portion sinasabi nila hindi napatunayan ni Mr. Marcos ang kanyang mga alegasyon doon sa kanyang protesta. Kaya binabasura nila ang buong protesta na kanyang sinampa. So mukhang ano iyon, medyo matindi ang ganoong klaseng konklusyon—hindi—wala nang pakyeme-kyeme. Talagang diniretso at sinabi na hindi mo napatunayan ang gusto mong patunayan, kaya binabasura na namin ang buong protesta at gaya nga ng ilang beses nang nasabi, sumang-ayon ang buong korte dito sa desisyon na ito. So lahat ng narinig kong ekspertong nagsalita, lahat ng nagsulat tungkol dito ang sinasabi ay mukhang decisive na at final na, mukhang hindi na magbabago itong desisyon na ito. Pero baka naman. May kalayaan naman silang habulin sa pamamagitan ng MR. Pero ang iniisip ko lang dito, natalo na kayo ng eleksyon. Nagpa-recount kayo, natalo kayo. Lumabas ang desisyon ng PET, talo na naman kayo. Talaga ba namang gusto pa niyong mag-MR sa lagay na ganyan? Eh ano na iyan, kumbaga 3-0 na ang iskor dito sa kaisa-isang eleksyon na ito. Ang hirap naman na maghahabol pa ng ano, pero sa dulo desisyon naman nila iyon, ‘di ba?

     

    ELY: Oo, tama opo. Pero dito nga at kanina kausap natin ang ating VP Leni dahil sa ano 'no—at least nabawasan—nawala na ang anino. Iyong mga banta kasi alam mo naman ang mga ganyan, lalo't maimpluwensya—at sabi natin, maraming pondo [chuckles], di ba, iyon ang ginagamit. Pero ngayon sa mga trolls, siguro wala na silang—mag-iisip pa sila ngayon kung ano ang kanilang gagawing anggulo kasi ngayon ang kagandahan dito, Atty., hindi ito nalampasan ng eleksyon na hindi naging moot ang academic itong kasong ito. Dahil sa ang ganda ng ginawa dito ng Supreme Court dahil hindi lang ito dahil sa kasong ito. Siguro sa mga susunod pang mga election protest na dapat bago mag-eleksyon talagang nakapaglalabas na ng desisyon, di ba, ang Korte?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo naman, Ka Ely, kaya malaki ang pasasalamat namin at ni VP Leni talaga sa PET para sa timely na resolution na ito. Tama ang sinabi niya kanina na historical ito, dahil kadalasan kapag nagkakaroon ng protesta na naisasampa sa PET maging sa Vice Presidential man o sa Presidential race, hindi nareresolba on the merits. Ang nangyayari nadidismiss dahil ayon tumatakbo ang ano, iyong nagprotesta sa panibangong eleksyon. O kaya halimbawa sa kaso ni FPJ, yumao ang nagpoprotesta. So hindi na niya inabutan ang dulo ng proseso. So ngayon lang talaga nangyari na talagang bago umabot sa naging moot and academic, bago natapos ang termino o kaya tumakbo sa panibangong posisyon ang nagpoprotesta, talagang nagkaroon sila ng decision on the merits at ako, talaga ang tingin ko malaking pasasalamat dapat natin sa PET, at hopefully, kung sakaling magkakaroon pa ng ganitong klaseng mga kaso in the future, maging precedent itong naging proseso dito sa particular na protestang ito, di ba? Kasi tama ang sinabi, Ka Ely, kahit na mula simula, halimbawa sa panig namin nila VP Leni malinaw sa amin na hindi nagkaroon ng dayaan, malinaw na lehitimo ang pagkapanalo niya.

    Habang mayroong protestang pending, siyempre puwedeng gumawa ng kung anu-anong kuwento. At iyon nga ang naranasan natin di ba, kung anu-anong kuwento ang pinapalabas nitong kampo ni Mr. Marcos. Maski lumabas na ang resulta ng recount, nagpapalabas pa sila ng ibang numero, nagpapalabas ng ibang kuwento. Ito nga, Ka Ely, mismong ito ngang desisyon lumabas noong tanghali di ba, noong Tuesday. Ang una pang sagot nila hindi daw buong protesta ang nadismiss. Iyon lang daw second cause of action. Mabuti nalang , kaagad-agad, kinorek ng Korte Suprema. Nag-issue sila ng clarification, ang sabi nila, hindi. Hindi totoo na isang cause of action lang ang nadismiss, buo. Buong protesta dinismiss, nilabas nila. Pagkatapos noon ibang kuwento naman. Iyon daw dahil hindi daw—dahil daw seven lang ang nag-concur completely at eight daw ang nag-concur in the result, ibig sabihin daw noon talo daw si VP Leni. Parang ano ba, binabaliktad-baliktad pa eh. Klarong-klaro na ito na 15 ang nagsabi na dapat i-dismiss. Iyong seven na sinasabi nila sumasang-ayon kami sa buong, lahat ng mga sinabi doon sa desisyon. Iyong walo, sinasabi nila mayroon kaming ibang batayan pero sang-ayon pa rin kami dito sa resulta na dapat i-dismiss ang kasong ito. So ganoon na kaklaro, ELY: 15-0. Ganoon na kaklaro na dinismiss ito, ginagawan pa rin ng kuwento.

    Pero sa akin, ang laking tulong talaga noong nagdesisyon ang PET dito at very, very united ang kanilang position. Fifteen Justices ang bumoto for dismissal. So mas madaling i-correct ang mga maling nilalabas ng kabilang kampo. Pero sa totoo lang, Ka Ely, nakakadismaya iyong—nakakadismaya ang sinabi nga ni VP Leni kanina. Ang hirap talaga na nauuna ang ambisyon sa lahat. Di mo alam nakakasira ka na sa mga institusyon, talagang napapahina mo ang tiwala ng mga tao sa iba't ibang institusyon natin tulad ng COMELEC, tulad ng Korte Suprema. Para lang maipagpatuloy mo ang kuwento na hindi ka natalo. So sana pagkatapos nito, maka move-on na tayo. Mahilig naman ang mga Marcos na magsabi ng move-on eh, siguro panahon din ito para dinggin nila ang kanilang madalas sabihin na move-on. Nagdesisyon na, final na ang naging deklarasyon. Totoo mayroon pang room para mag-MR pero sa puntong ito, pagkatapos ng ganito ka-decisive na pagkatalo, pagkatapos ng malinaw na resulta ng eleksyon at ng recount, dapat siguro pag-isipan na ng malalim na panahon pa para mag-move-on.

    ELY: Ayon. Siyempre at hindi na rin nila magagamit ang issue na iyan sa eleksyon at kung iintroduce ang isa na di ba, wala na. May ano—may desisyon ang supreme court kaya siguro humanap nalang sila ng ibang ano, ibang issue, Atty. o anggulo o gimmick, ‘di ba [chuckles]

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo at saka matititigil na rin ang nag-i-introduce ng "the real VP." [chuckles] Wala na, ito na eh, klarong klaro eh.

    ELY: Saka hindi rin nila puwedeng ano—kasi parang ang Supreme Court sinisiraan pa na, hindi Dilawan kasi iyan eh. Dalawa nalang natitira di ba, iyong appointee noon ni dating Pangulo Noynoy Aquino?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tatlo pa, Ka Ely.

    ELY: Pero 15 sila eh.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo nga.

    ELY: ‘Di ba. [chuckles]

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Eh anong tawag dito—at saka sa dulo, ang desisyon ng Korte Suprema hindi lang naman isang tao ang gagawa. Pinagbobotohan iyan, pinag-uusapan. Collegial body nga, ang ibig sabihin ng collegial pinag-uusapan natin at ang desisyon natin ay bilang isang grupo, hindi lang isang tao ang nagdedesisyon. At klarong klaro dito kung 15-0 ang boto, lahat sumasang-ayon na dapat talaga ibasura na itong protestang ito. So hindi masasabing dahil lang biased iyong isa o dalawang justices na humawak nito, di ba? Talagang malinaw na malinaw lahat ng mga justices na tumingin doon sa ebidensya, pinag-aralan ang kaso. Pinag-aralan ang iba't ibang mga submissions ng iba't ibang panig dito, ang kanilang konklusyon ay dapat talaga tapusin na at ibasura ang protestang ito dahil wala namang batayan at walang napatunayan na anomalya sa eleksyon ng 2016.

    ELY: Pero, Attorney—

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: So iyon dapat—iyon na dapat ang huling salita tungkol dito.

    ELY: Tama, opo. Pero Atty., dito sa naging desisyon na ito ng Supreme Court dito sa kasong ito, ay lalo nilang pinatibay ang institusyon at nawala ang mga ano, kasi pagdududa dahil sa si Chief Justice mismo ay kababayan iyan eh, di ba? Doon—ibig sabihin kababayan ng mga Marcos iyan, pero noon may mga kaunting, naku baka delikado ah. So ngayon dahil sa 15-0, nawala ang pagdududa sa lahat at sa mga mahistrado na talagang independyente ang Supreme Court.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Totoo iyan, Ka Ely. Kami naman, si VP Leni, klarong-klaro naman. Mula simula, talagang nagtitiwala siya sa integredad ng ating mga mahistrado. Doon sa integredad ng proseso, at natutuwa kami na sa dulo parang na-affirm ang tiwala na iyon. Pero tama ang sinasabi niyo, Ka Ely, noong una may mga nagdududa. May mga kuwentong mga lumalabas, pero ngayon kapag tumitingin ako sa mga comments ng iba't ibang mga tao sa social media, mga netizens natin, madaming nagsasabi nga na natutuwa sila na kumbaga ang kanilang kompyansa sa ating Korte Suprema, medyo tumibay dahil nga sa naging resulta nitong kasong ito. Lumalabas na kahit ano pa ang kanilang probinsyang pinanggalingan, o ano ang kanilang personal na mga affiliations sa nakaraan, kapag nakaupo ka na bilang mahistrado ang tinitingnan talaga ang ebidensya. Ang tinitingnan ang kung ano ang mapapatunayan sa loob ng isang kaso. So ma-ano nga, mayroong—malaking hakbang ito para muling maibalit ang tiwala ng ating mga kababayan sa mga institusyon tulad nga ng Supreme Court at talagang kahanga-hanga ang naging paghandle ng PET dito sa buong prosesong ito. Mula doon sa recount hanggang sa desisyon na ito. At natutuwa kami na ang tiwala ni VP Leni, ang tiwala ng mga abogado, ang tiwala ng buong team ay na-affirm. At lumabas ang katotohanan at nanaig ang katotohanan sa dulo.

    [END OF GAP 1]

    ISTORYA NG PAG-ASA SEGMENT


    ELY: Okay, Attorney, ito na ang ating Istorya ng Pag-asa. Napakaimportante ho nito sa ating palatuntunan. Dahil sa ito po ang mga, di ba ang pagbibigay po ng inspirasyon sa ating mga kababayan at ang iba tumutulong ho hindi lang dahil sa maraming pera o kung anuman, di ba? So ito nagbibigay ng inspirasyon sa ating mga kababayan lalo't sa gitna ng ating—‘di ba ang daming problema. Ngayon may pandemya. Okay nasa linya na natin, Attorney, ang ating panauhin ngayong umaga.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Mukhang ang kausap natin ngayong umaga, Ka Ely, ate Lorna Movilla, siya ang auditor ng LNK Montalban. Itong LNK Montalban ay isang grupo ng mga kababaihang padyak TODA members, galing sa Rodriguez, Rizal. So—

    ELY: Dalawa sila, Attorney, ha.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ah, kasama din si ate Neng Zerrudo ang Presidente ng LNK Montalban. Si Ate Lorna, auditor ng organisasyon na ito. So—naririnig na ba tayo? Magandang umaga, ate Neng! Magandang umaga, Ate Lorna!

    ELY: Naka-mute ata sila.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Naka-mute yata kayo.

    ELY: Wala tayo sa Kongreso [chuckles]. Okay na, paki-ayos ang ating linya para mapakinggan ang ating—

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Naka-mute ata sila.

    ELY: Okay. Sandali lang po, Atty., at ito maganda ho ito ano para maipaalam natin sa ating mga listeners at nanonood sa ating Facebook Live ano—Okay na? Okay, Attorney.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Good morning, Ate Lorna!

    LORNA MOVILLA: Magandang umaga din sa inyo!

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Kuwentuhan mo naman po kami tungkol sa LNK ng Montalban. Ano po ba iyong grupo niyo na iyan sa Rodriguez?

    LORNA MOVILLA: Ito po, Sir, iyong pinakamagandang grupo sa kababaihan po. Ito po ay napakalaking tulong po na dumating si Ma’am Leni Robredo dito sa amin kasi iyong mga kababaihan po dito wala po ng alam sa hanapbuhay. Naturuan po kami magpadyak magkaroon ng sariling hanap buhay hindi aasa sa asawa kasi maliit ang sweldo ng mga asawa namin.  Tapos sa totoo lang simula noong naging Vice, si Ma’am Leni Robredo, siya iyong inspirasyon ko na babae. Kasi alam mo kung bakit? Kasi ang lakas ng loob niya at magaling pa makisama sa mga mgtao. Nang dumating siya dito ang laki ng tuwa ko. Para lang siyang kapitbahay na kakuwentuhan mo, maganda kausap. At saka pinagyayabang ko sa kanya na ang mga babae dapat talaga huwag panghinaan ng loob kagaya dapat sa kanya na masipag, matiyaga marunong makisama sa tao. Tapos, Sir, ang pinagyayabang ko lang sa pagpapadyak ko ang kita kasi ng asawa ko maliit lang ngayon tumutulong ako sa kanya magpadyak ako para may pambili kami ng ulam. Sa awa ng Diyos, Sir, nakapagpatapos kami ng dalawang anak na IT.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Wow, ang galing ah!

    LORNA MOVILLA: Opo, sa ngayon mga online sila kasi pandemic kung baga hindi ko masyadong iniisip ngayon na magpapadyak kasi nakakatulong na sa akin yung mga anak ko. Pero pinagyayabang ko pa rin na sana lahat ng babae magsipag lang sila huwag umasa na walang pinagaralan. Dapat pag naisipan nila kung ano ang tama gawin na nila para sa pangarap sa kanilang anak. Kasi ang mga anak natin ang pag-asa, Sir. Ganito po sa umaga, Sir, naghahatid ako ng mga anak ko sa school. Pagkahatid ko sa school bibiyahe na po ako para may pambili kami ng ulam, bigas kasi sa totoo lang ang sahod ng asawa ko tatlong libo sa kinsenas, dalawang libo sa katapusan. Hindi na kasya sa amin, Sir. Kaya sabi ko noon nung mga panahon ko na iyong gusto ko ng patigilin Sir sa pag-aaral kasi hindi na naming kaya baon na  kami sa utang. Alam mo minsan araw gabi ginagawa ko ng hanap buhay kasi katulad pag may bayaran ang anak ko sa school ay ang sahod naman ng asawa ko hindi naman sasapat. Biyahe ako ng umaga, biyahe ako ng gabi matulog ako kahit dalawang oras lang. Pero natuwa naman ako dahil masipag mga anak ko dahil nag-aral sila ng todo. Kaya ang pagpapadyak Sir bukod sa nakapag exercise ka pa kumita ka pa. Kaya, Sir, laking pasalamat ko na nakausap ko kayo ngayong umaga. Maraming, maraming salamat kay Ma’am VP po na kami ay naalala dito sa Montalban. Kasi akala ko napakalayo niya kita mo Bise nakapunta sa Montalban. Nakausap kami na mga babae tapos gusto ko sanang magpasalamat sa aming Presidente si Nene na napasama ako sa aming samahan at sama si Ate Virgie po siya po iyong nag-recommend sa amin dito. At sa mga kapitbahay ko malaking tulong din sa akin na sana huwag akong panghinaan ng loob kasi tulad nga ng maliit na kita. Hindi ko akalain na napag tiyatiyagaan naming, na karamihan talaga dito, Sir, nagtiya-tiyaga talaga, Sir, kung  ano nalang iyong makikita. Kung hindi makakapadyak magtitinda na lang ng gulay para may makain. Kasi sa hirap talaga ng panahon namin ngayon. Sana, Sir, marami pang matulungan si Ma’am Leni na katulad namin hindi lang sa babae pati rin sana sa mga lalaki kasi iyong mga lalaki tambay. Hindi naman po lahat ng lalaki masipag mayroon ding tamad, sana lahat din matulungan para masaya lahat. Iyon sana gusto ko.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo, makaka-asa naman kayo, ate, na tuloy-tuloy naman ang pagsisikap ni VP na mas marami ang matulungan at nakakatuwa ang kuwento niyo. At congratulations na iyong dalawa palang anak niyo grumaduate na ng IT. Talagang ang laking bunga ng inyong pagsisikap at paghihirap.

    LORNA MOVILLA: Kaya nga, Sir, nagpapasalamat din ako sa mga anak ko na nakita nila ang paghihirap namin noon. Talagang papasok sila dati—walang kain,may dalang limang piso lang pambayad sa bond paper kung may pa-xerox. Mga college na sila niyan, Sir. Noong araw. maglalakad papuntang school napakalayo, tapos uuwi na sila saka na kakaen kasi nga di pa ako nakaluto ng umaga dahil wala pa akong kita. Kailangan biyabiyahe muna. Kaya pag naaalala ko, masakit ba sa dibdib na bakit kaya ako pinalaki na mahirap? Marami namang mayayaman, kako hindi pantay-pantay ba. Iyon ang gusto ko mangyari.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Hindi ba kayo nahirapan noong una, Ate? Kasi bibihira ako na nakakakita ng babae na padyak ang nagiging hanap buhay eh. So noong simula, hindi ba nagkaroon ng, wala bang nang-aasar sa inyo? Sinasabi na hindi niyo dapat ginagawa yan, ano naging karanasan niyo doon?

    LORNA MOVILLA: Maraming lalaki ang nagsabi, o ang sarap ng buhay ng asawa niyo kayo araw gabi nagpapaadyak kaunti lang pahinga niyo parang mga babae kayo na walang tulog. Ang sagot lang namin ganito, sabi ko hindi kaialngan lalaki lang ang maghanap buhay kung gusto mo tumulong sa pamilya kahit babae magagawa mo iyan dapat ang pangarap mo matupad. Iyong iba nga maraming naiingit sa akin ngayon, Sir, eh kasi nakita nila na medyo tumaba na ako ngayon. Tapos nakakabili na kami ng pagakain iyong mga anak ko nagbibigay na ng sweldo di katulad noon na pagdating na ng umaga magtatanong yung mga anak ko. Mama ano almusal natin sagot ng isa siguro lugaw, hindi champurrado. Kasi pagpalit palitin ko iyan, Sir. Kung hindi champurrado sa umaga, lugaw. Sa hapon kami kakain ng kanin kasi tinitipid ko yung bigas dahil mahina ang kita. Pero ngayon nakakabili na kami ng pagkain kasi nga.

    ELY: So hindi po kayo dapat kainggitan so kayo po dapat ay maging inspirasyon dahil sa hirap ng buhay, diba Attorney na isalba niya at naigapang yung pag-aaral.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama, tama.

    ELY: So, Attorney, ‘di ba may kasama siya, baka? Katabi niyo po ba siya Ate Lorna?

    LORNA MOVILLA: Ah sa iba po siya.

    ELY: Ah sige, akala ko katabi mo. Para bago matapos ang ano…

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Pero ako natutuwa talaga sa kwento niyo dahil diba parang patunay talaga na basta mayroong determinasyon meron talagang kagustuhang tumulong kaya talagang magawa. Kaya talagang magawan ng paraan at ngayon yan nagbunga na nakakatuwa po iyong mga anak niyo ay grumaduate at nakakapag trabaho na ngayon.

    LORNA MOVILLA: Opo, mayroon pa po akong dalawang anak na gusto pa ring mag-aral, sabi ko sige tuloy lang. Kasi sabi ko ang pangarap dapat ay hindi hinihintay, hinahap yan lagi kong sinasabi sa kanya iyan. Kasi kung uupo ka lang diyan, wala kang mapapala. Sabi ko sa mga anak ko kung ano gusto niyo na gawin basta tama gawin niyo kasi alam mo naman ngayon sa panahon ngayon maraming loko loko napariwara pa. Paminsan may mga magulang pa na pariwara. Ang anak nila minsan ang mga anak nila gusto makapag aral pero hindi makapag aral dahil may bisyo sila. Ako, hindi ko ginawa iyon, Sir, kasi naawa ako sa pamilya ko na ayaw ko maranasan nila na matulad sila sa akin na walang pinag aralan. Ang gusto ko mapag yabang ba nila na kahit kami nagpapadyak lang natitinda ako minsan ng gulay na talagang iyong hanap buhay ko ba ay hindi dapt ikahiya. Kasi kako pinaghirapan ko iyan, sana sa lahat ng nanay at tatay kung may anak kayo na gustong mag-aral suportahan niyo na kasi iyon ang malaking tulong talaga sa inyo pagdating ng panahon. Katulad ko ngayon, hindi na ako masyadong nagpapadyak napapahinga ng kaunti kasi iyong mga anak ko nakakatulong na yun sana yung gusto ko sa lahat ng mga magulang.

    ELY: Som Attorney, hingan ka namin ng mensahe para sa ating mga kababayan, na nasa ganyang sitwasyon o hindi naman ganyang katindi ng sitwasyon niyo pero kayo nakaalpas at iyon nga napagtapos niyo ang inyong mga anak. Ano po iyong maipapayo niyo sa ating mga kababayan? Na para magsilbi ring inspirayon, sa mga tao na nasa ganyang kalalagayan, o mas matindi? Sige po.

    LORNA MOVILLA: Ang ano ko lang, Sir, sana sa mga magulang na gusto mag-aral ang kanilang anak suportahan nila na dapat ibigay nilang panagarap para pagdating ng panahon makatulong din naman sa kanila. Kasi mahirap po Sir na walang pinagaralan yung mga anak, kasi marami ngayong loko lokong tao baka mapariwara lang yun lang sana ang gusto ko. Maraming salamat po, Sir.

    ELY: Okay,  Ate.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Thank you, Ate, at salamat sa istorya na kinuwento niyo ngayon at talagang nakakataba ng puso na kinuwento niyo iyan, congratulations at sana tuloy tuloy ang asenso.

    LORNA MOVILLA: Opo, Sir, maraming salamat.

    ELY: Sige po, Ate, good morning po sa inyo.

    LORNA MOVILLA: Salamat po

    ELY: Okay maraming salamat po kay, Ate Lorna.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Nakakatuwa iyon, Ka Ely.

    ELY: Oo nakapagpatapos ng dalawa, ano?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Patunay, Ka Ely, na ang kagustuhang tumulong wala sa babae o lalaki, nasa determinasyon, nasa sipag, nasa tapang. At kahit babae ka, kahit lalaki ka at gusto mong abutin iyong panaginip para sa inyong mga anak ‘di ba para sa iyong pamilya, magagawan ng paraan. Basta magsisipag at magsisikap.

    ELY: Yes, nako ang dami na nating nainterview diyan na mga na ganyan katindi iyong problema pero nalagpasan nila iyong hamon sa kanilang mga buhay, Attorney.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo nga, ‘di ba kinukwento nga ni Ate Lorna na may pangungutya pa kasi parang hindi nga naman regular na makikita mo mga babae nagpapadyak.

    ELY: Oo trabahong lalaki iyan, eh.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Pero sa dulo, siya ang napatunayang tama. Napagraduate niya ang kanyang mga anak, napaganda niya ang kanilang kalagayan sa buhay. At iyon naman dapat ang iniisip natin sa lahat ng ating mga kababayan na magsikap lang mabigyan ng pagkakataon at natutuwa ako na sa kahit maliit na paraan nakatulong si VP Leni at ang aming Tanggapan dito.

    ELY: Opo, Okay, Attorney, bago tayo magpaalam mensahe po ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa ating mga kababayan ngayong umaga.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Siguro, Ka Ely i-re echo ko lang yung sinabi ni VP Leni kanina, salamat—salamat sa lahat ng nagtiwala, salamat sa lahat ng kumilos. Salamat sa lahat ng mga nagdasal at sumuporta nitong nakaraang apat at kalahating taon sa laban ni VP Leni dito sa protest. Ngayon nakuha na natin ang tagumpay, makakahinga na tayo nang kaunti. Patuloy lang ang ating pagkilos at pagsisilbi sa ating kababayan, at ang ating pagtindig para sa kung ano ang tama, ‘di ba. At gaya nga ng sinabi niya sana dito sa krisis ng COVID sa lalong madaling panahon, sana mapalakas pa natin ang ating mga pagtugon para matapos na ang itong paghihirap nating ito. Sana iyong bakuna dumating na, maayos iyong maging distribution para makabalik na tayo sa isang kalidad ng buhay na mas maayos na nakakalabas na tayo, nakakapasok, at nakakasama na natin iyong ating mga kamag-anak at kaibigan dahil ang hirap talaga nitong dinaanan natin nitong nakaraang taon na ito at habang wala pa talagang malinaw na pupuntahan, lalo na sa isyu nitong bakuna ang hirap makita kung paano ang magiging katapusan nito. Pero gaya nga ng paulit-ulit na sinabi ni VP nagtitiwala siya na basta tayo ay kikilos na magkakasama, magkakaisa at patuloy na itutulak kung ano iyong tama malalagpasan natin ito.

    ELY: Okay, Attorney, salamat. Ingat po kayo lagi!

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ingat din kayo lagi, Ka Ely.

    ELY: Okay, mga kababayan, iyan po si Atty. Barry Gutierrez, ang opisyal na tagapagsalita ni Bise Presidente Leni Robredo.

    Maraming salamat mga kasama sa inyong pagsubaybay. Ako pa rin ho ang inyong radyoman Ely Saludar, sa pangalan po ng ating mga kasamahan dito po sa DZXL RMN Manila. Muli po, isang magandang umaga, Pilipinas.

     

     

    - 30 -

     

    Posted in Transcripts on Feb 21, 2021