This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI – Episode 19

    17 September 2017

    [GAP 1: Phone patch with VP Leni, review of week’s activities]

    ELY: Magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas, at Mindanao! At siyempre ngayon po ay araw ng Linggo, mga kasama. Isa na namang edisyon ng “BISErbisyong LENI” dito po sa RMN, mga kasama.

    At siyempre, tayo po ay napapakinggan nationwide at gayon din po sa ating mga himpilan sa RMN Naga-DWNX 91.1, RMN Cebu-DYHP 612, RMN Cagayan de Oro-DXCC 828, at RMN Davao-DXDC 621.

    At siyempre, sa online streaming, “RMN News Nationwide: The Sound of the Nation,” at siyempre sa ating Facebook Live, “VP Leni Robredo,” mga kasama.

    Magandang umaga, mga kasama! Ako pa rin po si Ely Saludar, at siyempre dito po sa ating studio, mayroon pong pinadala dito si Ma’am na financial expert.

    [technical interruption in FB Live]

    SALVE: Ako po si Salve Duplito. First time ko po ngayon, kaya excited po ako.

    ELY: Okay. At siyempre, mga kasama, nandito na. Nasa linya na natin ang ating… ang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, kahit na nasa labas po ng Metro Manila ay makakapiling po natin dito po sa kaniyang palatuntunang “BISErbisyong LENI.”

    Magandang umaga po, Ma’am Vice President Leni Robredo! Good morning po.

    VP LENI: Magandang umaga! Magandang umaga, Ka Ely. Magandang umaga, Salve. Magandang umaga po sa lahat na nakikinig sa atin ngayong umaga.

    Ano, Ka Ely, Salve… nandito ako sa Naga ngayon, kasi ito iyong last day ng celebration ng Peñafrancia fiesta, kaya… Hindi natin ito, Ka Ely, mini-miss. Kinukuwento ko nga kina Salve dati—kasi sumama sila noong first week. Sabi ko, mula bata pa ako hanggang ngayon, talagang nandito kami sa umpisa hanggang sa huli. Na-miss lang yata namin ito, Ka Ely, noong tumira kami ng isang taon sa Amerika, noong nag-aral iyong aking asawa. Pero maliban doon, talagang iyong lahat ng piyesta, nandito kami. Hindi lang para kumain, pero para… Iyong devotion talaga sa Peñafrancia, iyong lahat ng Katolikong Bikolano, medyo matindi talaga doon.

    ELY: At siyempre ho dinadayo din po ito ng mga turista, iyong mga galing sa Metro Manila at iba pang mga dayuhan, kaya wala pong masakyan. Kahit eroplano, fully booked.

    VP LENI: Mahirap na mahirap, Ka Ely. Balak sana natin dito tayo magre-remote broadcast kasi nandito naman iyong RMN-Naga. Pero napakahirap, Ka Ely, na humanap ng masasakyan ngayon, kasi talagang punung-puno iyong Naga ngayong Peñafrancia fiesta.

    SALVE: Gaano karami, Ma’am, iyong dumating…

    VP LENI: Ngayon parang pareho pa din noong Traslacion. Kasi noong nandito kami, Ka Ely, nina Salve noong nakaraang Biyernes—iyon iyong pinaka-first day na inililipat iyong image ng Virgin of Peñafrancia, galing sa Basilica papunta sa Naga Cathedral. Parang iyon kasi, Ka Ely, iyon iyong nagsi-signal ng start ng nine-day novena, iyong Traslacion. Sumama kami doon nina Salve—

    SALVE: First time ko iyon, Ma’am.

    VP LENI: Taon-taon, sumasama kami. Iyong estimate na tao na sumama, 2 million. At ngayon ganoon din. Napakarami din ngayon.

    Ngayon naman, iyong kahapon, iyon iyong ninth day. From the Cathedral naman to the Basilica, ibabalik ulit. Ang kakaiba noong kahapon, hindi lang siya on foot. From the Cathedral to the river, on foot siya, pero pagdating sa river, fluvial na iyong procession.

    At iyon, Ka Ely, ine-explain ko. Marami kaming pumunta dito ngayon. Ine-explain ko doon sa mga first-timers, na kung mapapansin nila, iyong sumasama— Napakaraming sumasama sa fluvial procession, pero walang babae. Iyong paniniwala dito sa amin, dapat iyong Virgin of Peñafrancia lang iyong babae, kaya lalaki iyong lahat na kasama. Ito iyong medyo kakaiba dito.

    ELY: Hindi bale, next year, aagahan natin iyong pag-book…

    VP LENI: Sa susunod baka ikaw, Ka Ely, puwede nang sumama…

    SALVE: Mga two weeks pa lang, Tito Ely, nandoon na tayo…

    ELY: One month pa lang.

    VP LENI: Ito talaga iyong medyo matinding tao dito.

    ELY: Opo, ang dami nga. Kitang kita po namin, Ma’am. Siguro sa ating mga listeners at sa mga sumusubaybay sa ating Facebook Live dito po sa “VP Leni Robredo,” kita sa video footage, naku, napakarami po talagang tao, Ma’am.

    VP LENI: Oo. Itong ipinapakita natin ngayon, kahapon namin iyan kinuha, Ka Ely.

    ELY: Ang dami ho. Ang kagandahan po, maganda po ang panahon diyan, Ma’am.

    VP LENI: Maganda iyong panahon. Pero alam mo, Ka Ely, taon-taon mayroon ditong medyo tradisyon na nangyayari, bago ng araw—bago noong kahapon—ulan nang ulan parati dito. Kasi ang paniniwala, parang pinupuno iyong river, para malalim iyong tubig. Kasi kung mababaw iyong tubig, babagal iyong pagoda sa pag-andar.

    Kaya dito, mula Monday yata hanggang Wednesday, Thursday, talagang ulan nang ulan. Pero noong Thursday, Friday na, okay na. Kaya iyong paniniwala nila, na iyon iyong miracle, parating sinisiguro na malalim iyong tubig para tuluy-tuloy iyong biyahe ng pagoda.

    ELY: Okay, samantala, bago tayo magsimula sa iba pang mga naging aktibidad ninyo, Ma’am, batiin niyo po ang mga nakikinig sa atin, Luzon, Visayas, at Mindanao.

    VP LENI: Oo, sa mga kababayan natin na mga Bikolano, marhay na aga sa indo gabos. Happy fiesta. Sa mga nakikinig po sa atin sa Visayas at Mindanao, kasi mayroon tayong mga RMN sa Cebu, sa Cagayan de Oro, sa Davao, maayong buntag sa inyong tanan. Happy Sunday po sa lahat ng nakikinig sa atin.

    ELY: Okay, so kahit na Linggo, siyempre nandiyan na po kayo, pero sa nagdaang linggo—mula Lunes—ay ano po ang inyong mga pinagkaabalahan?

    VP LENI: Matindi tayo ngayon, Ka Ely. Noong Lunes, Ka Ely, September 11 iyon, nandoon ako sa Doña Remedios Trinidad sa Bulacan, kasi iyon iyong founding anniversary ng town na iyon. Alam mo iyong DRT, Ka Ely, ano iyon, isa sa mga Angat Buhay sites namin, kaya noong founding anniversary nila naimbitahan tayo, kaya nandoon tayo.

    Pero nagmadali tayong bumalik— Ano din, lampas dalawang oras din iyong biyahe papunta doon, pero nagmadali tayong bumalik kasi ala-una naka-schedule iyong budget hearing, sa plenary hearing ng budget ng Office of the Vice President sa House of Representatives. Kaya before one, nandoon na tayo sa House. Ano naman, Ka Ely, hindi naman natagalan. Mula noong tinawag iyong budget natin, mayroon kaagad nag-motion na ito ay i-approve na. Actually, mayroon nga, Ka Ely, si House Minority Leader Suarez, nagsabi pa sa podium na nagpo-propose siya na dagdagan pa iyong budget namin. Kaya hindi tayo nahirapan mag-defend ng budget sa Congress.

    SALVE: Lagare po pala kayo, Ma’am.

    VP LENI: Oo, kaya ano iyon, talagang blockbuster iyong Monday natin.

    Pero noong Tuesday, ito iyong na-call off iyong opisina. Ito iyong medyo malakas iyong ulan, may baha sa iba’t ibang bahagi ng Manila.

    Pero iyong Wednesday, Ka Ely, medyo espesyal iyong Wednesday namin, kasi nag-launch ng Istorya ng Pag-asa sa Ateneo. Iyong Istorya ng Pag-asa, kung naaalala po ng ating mga listeners ngayon, bawat linggo nitong Biserbisyo, mayroong tayong fini-feature na Istorya ng Pag-asa.

    Iyong maganda kasi in-adopt ng Ateneo iyong programa. Hindi lang kami nag-launch, hindi lang nag-share ng mga kuwento, ng mga stories of hope, pero pumasok kami sa isang partnership with Ateneo na gagawin na itong regular program ng Ateneo de Manila. Mayroon silang isang subject para sa freshmen na college students, ang tawag nila, Ka Ely, InTACT: Introduction to Ateneo Culture and Traditions. Kabahagi noon ang Istorya ng Pag-asa.

    ELY: Yes, Ma’am. Kaya pala nakita ko iyong doon sa may Ateneo, doon sa may e-board nila, Istorya ng Pag-asa.

    VP LENI: Oo, Ka Ely. Sa labas ng campus mayroon silang napakalaking LED board, at iyon iyong launch ng Istorya ng Pag-asa, naka-advertise doon.

    SALVE: So lahat ng freshmen students po under sa programang iyon, makikita nila iyong stories of hope.

    VP LENI: Oo, Salve. Ang mangyayari, isa sa mga magiging activities ng InTACT students iyong paghanap ng stories of hope sa community. Kaya napakaganda. Ano ito, sabi naman… Noong launch nag-attend iyong mga opisyal ng Ateneo, sa pamumuno ni Fr. Jett, iyong presidente, si Fr. Jett Villarin, at sinabi nila na swak na swak daw iyong konsepto ng Istorya ng Pag-asa sa tinuturo din nila sa mga estudyante. Iyong mga values na itinuturo nila, sabi nila akmang akma na isali ito doon sa InTACT. Kaya exciting ito.

    SALVE: Parang mababawasan iyong pagrereklamo ng mga kabataan, ano? Kasi kung makikita nila itong mga istorya na ito, ibang iba, eh.

    VP LENI: Oo, kaya ano talaga ito, Salve, excited lahat. Ang sabi nila, ang magiging assignment yata ng mga estudyante, maghanap ng mga ganoon sa community.

    Ito, maganda ito, kasi alam naman natin na sa paligid natin, kahit na maraming nag-aaway sa paligid, marami pa din na inspiring na mga kuwento na kailangan talagang malaman nating lahat.

    ELY: Siguro maganda ring mamulat din iyong iba nating mga kabataan, lalo na iyong maganda na iyong kanilang kalagayan—napag-aaral sila nang maayos ng kanilang mga magulang—pero sa kabilang banda, mayroong mga kapos-palad na gustong gustong makapag-aral, pero wala pong pagkakataon.

    VP LENI: Ito talaga, Ka Ely, tingin ko maganda iyong naisipan ng Ateneo na ipasok ito, kasi ano talaga ito, iyong mga kabataan, kapag nakita nila iyong kuwento na pinagdadaanan ng iba, baka mabawasan iyong reklamo. Alam mo, maraming reklamo ng kahirapan, pero kapag nakita nila na mas matindi iyong kahirapan na pinagdadaanan ng marami, siguro iba na iyong maipapakitang reaksyon. Kaya ito maganda talaga.

    SALVE: Iyong parang sinasabi ni Ma’am lagi, iyong imposible magiging posible. Maganda iyon kunglahat ng kabataan ganoon ang attitude.

    VP LENI: Oo, iyon talaga. Tingin ko kung mamulat sila sa mga Istorya ng Pag-asa, mag-iiba iyong pananaw.

    ELY: Okay… So ano pa po iyong ibang aktibidad, Ma’am?

    VP LENI: Iyong kinukuwento ko na Istorya ng Pag-asa sa Ateneo, Miyerkules iyon. Huwebes nang maagang-maaga, lumipad ako patungong Tacloban, kasi pumunta kami sa tatlong bayan sa Eastern Samar. Medyo malayo pa siya, Ka Ely, sa Tacloban. Ang pinuntahan namin, Hernani, Balangkayan, saka Salcedo. Kasi ito ay Angat Buhay sites din.

    Iyong Balangkayan, Ka Ely, may tinurn-over tayong mga proyekto doon. Iyong unang itinurn-over natin, isang parang school jeep. Parang multi-cab ito, Ka Ely. Kasi isa sa pinakamalaking problema ng Balangkayan iyong dropout sa paaralan. At nalaman natin na iyong isang matinding dahilan ng mga dropout, ang lalayo pala ng mga paaralan. Mayroong mga naglalakad nang ilang oras. Kapag hindi na kinakaya, Ka Ely, instead na magpursigi, aalis na lang sa paaralan. Kaya itong ibinigay natin na multi-cab, parang magse-serve siya sa apat o limang barangay na malalayo. Ihahatid sila sa paaralan at ihahatid ulit sa bahay pagka-hapon iyong mga estudyante na malalayo.

    SALVE: Libre po ito, Ma’am? VP LENI: Oo. Ano Salve talaga eh, maraming mga lugar kasi doon na parang wala pang public transport. Siguro dahil sa layo, dahil sa kakulangan ng mga daan. Kaya mayroon tayong mga points kung saan susunduin iyong mga estudyante. Kaya noong pagpunta natin, noong itinurn-over natin ito, excited na excited iyong mga… pati iyong mga teachers, saka mga estudyante, kasi mababawasan na daw iyong lakad nila.

    SALVE: Bawas, Ma’am iyong putik sa sapatos. [laughs]

    VP LENI: Oo, oo, totoo iyon. Maraming pagkatapos maglakad, maghuhugas na lang ng paa sa paaralan. Ito, mababawas-bawasan iyon.

    Pagkaalis namin sa Balangkayan, lumipat na kami sa Hernani. Itong Hernani naman, matagal kasi itong site ng Jesse Robredo Foundation noong right after Yolanda. Ito iyong isa sa pinaka-devastated. Halos isang daan yata iyong namatay dito. Ito halos taon-taon pumupunta ako. Last year nandoon ako. Ngayong taon nandoon ako. Iyong pinuntahan natin iyong piyesta nila, pero itinaon nila sa fiesta iyong parang inauguration ng bagong government center. Kasi halos naubos… Iyong government center nila dati, halos wasak na wasak ng Yolanda.

    Pero noong bumalik ako, Ka Ely, Salve, parang sobrang sayang tingnan na ibang iba na iyong mukha ng Hernani ngayon kumpara sa pagpunta-punta ko dati. Kasi ngayon bago na iyong kalsada. Iyong mga nasira ng Yolanda, halos iba na, binago na lahat. At ang kuwento ng mga tao doon—ito, hindi lang sa Hernani, pero sa Balangkayan saka sa Salcedo—napakaraming international agencies, civil society NGOs na nagpunta sa kanila para tumulong. Kaya maraming bagong negosyo, may opportunities sa trabaho. Pati daw iyong number ng cars na dumadaan sa kanila, dumadami na. Iyong daan, lumawak.

    Doon sa Hernani mayroon din kaming binisitang parang nature park na puno ng mga rock formations, na gusto nilang parang i-promote for tourism. Kaya ito, excited lahat.

    Paglipat naman namin sa Salcedo, may binisita kami doon na parang demo farm. Demo farm ito ng local government ng Salcedo. Doon, ganoon din. Iyong pinakaprodukto nila iyong cassava, pero mayroon silang kape, anu-anong gulay. Napaka-impressive kasi parang iyong cooperative na ginawa nila right after Yolanda—ang pangalan noon Farmers Entrepreneurs Association—parang ito, pangalawang taon na yatang in-award-an na pinakamahusay na farmers’ cooperative sa buong Region VIII. Nakakatuwa, kasi parang mula sa wala, dahil sa Yolanda, naubos din sila, mayroong umusbong na ganito.

    Pinuntahan namin iyong demo farm. Nag-meeting kami with farmers. Ano sila, kahit may pangangailangan, upbeat masyado. Pareho noong sa Hernani, sabi noong mga taga-Salcedo, “Kahit marami kaming sinakripisyo noong Yolanda, mas mabuti kami ngayon kaysa noong bago mag-Yolanda.” Kaya sa mga kuwentong trahedya, may mga umuubong din na magagang resulta, kagaya ng nangyari sa Eastern Samar.

    ELY: Okay ho, ang daming mga pangyayari.

    VP LENI: Oo, halos araw-araw, Ka Ely. Kasi Huwebes iyon, nakauwi kami dito— Umalis kami ng lampas alas-singko ng umaga. Nakabalik kami, hatinggabi na. Kaya sa susunod na araw, opisina ulit. Biyernes ng gabi, biyahe na kami ulit papuntang Naga, kasi kahapon nga iyong fluvial procession.

    At marami talagang dumadayo dito. Maraming dumadayo dito na mga bisita. Maraming galing Maynila na… iyong iba, taon-taon nandito, dahil iyong devotion nila; iyong iba, first time nila dito, at ini-introduce natin iyong devotion, na sana iyong mga first-timer, taon-taon na din gawin ito. Kaya ano talaga, Ka Ely, maraming mga nandito, maraming mga nakikiisa sa kasiyahan ng mga Bikolano. Kaya ito naman, iyong piyesta sa amin, parang ito iyong Christmas. Iyong piyesta sa amin, iyong lahat na Bikolano, parang humihinto iyong lahat na regular na ginagawa para makipagsaya—

    SALVE: Oo, noong nakita ko iyon –

    VP LENI: —sa Peñafrancia fiesta.

    SALVE: Noong isinama ako ni Ma’am noong first week, namangha ako, kasi ang dami talagang tao. Bata, matanda, babae, lalaki, sobrang dami.

    Pero kapag tinuhog mo talaga lahat iyong ginawa ni Ma’am, nagsisimula sa faith talaga, ano? Iyong faith galing sa Peñafrancia, pati iyong mga ginagawa sa baba, kailangan talaga ng paniniwala.

    VP LENI: Ito kasi, Ka Ely, miraculous ito. Marami nang miracles na ipinakita. Karamihan sa pag-heal ng mga maysakit. Kaya marami talaga iyong parang every year dumadating para magpasalamat kasi naging recipient sila ng milagro.

    ELY: Opo… Okay, at alam ko abala ho kayo diyan, Ma’am. Pero samantalahin ko na rin, dahil simula noong September 5 hanggang October 5 ay ito hong National Teachers’ Month, at siyempre itong National Teachers’ Day at World Teachers’ Day. Alam ko ho kasi kayo po ay may lahing guro. Ang inyo pong butihing ina ay teacher.

    VP LENI: Kahit ako po, Ka Ely.

    ELY: Kayo po mismo.

    VP LENI: Nagturo ako ng mga sampung taon, habang nag-aaral ako ng abogasya. Kaya ito rin talagang ipagdiriwang natin iyong Teachers’ Month.

    Actually, Ka Ely, diyan sa studio, may mga naging guest na tayo na teachers na ano din, mga istorya ng pag-asa.

    ELY: Pero hanggang ngayon po, ano, iyong inyong ina ay nagtuturo pa din.

    VP LENI: Nagtuturo pa din. 81 na siya…

    ELY: Nagmamaneho pa.

    VP LENI: Nagmamaneho pa.

    ELY: Siguro ano po ang inyong masasabi sa ating mga teachers ngayon na nakikinig nationwide? At siguro bago mag-October 5 ay bigyan natin ng pansin itong ating mga guro na napakaimportante rin, ano, Ma’am?

    VP LENI: Oo, Ka Ely. Sa mga teachers parati tayong nagpapasalamat. Parati tayong sumasaludo, parati tayong nagpapasalamat sa mga sakripisyo. Parati ko iyang kinukuwento, noong ako ay congresswoman, napakaraming bayaning teachers na nakilala natin. Iyong hindi iniinda iyong oras na inilalaan sa trabaho. May pamilyang inaasikaso, pero parating inuuna pa din iyong paaralan. Ito iyong mga gumagastos sa sariling pera parang tumulong sa paaralan, sa mga estudyante. Ano talaga, Ka Ely, kung pag-aaralan mo iyong tungkulin ng mga teachers, ano talaga sila, silent natin na mga bayani. Kaya nararapat lang na ino-honor natin sila ngayon.

    ELY: Okay, alam ko, Ma’am, may mga aktibidad pa ho kayo diyan sa Naga, so hanggang sa susunod na linggo po muli, na magkasama tayo dito sa studio.

    VP LENI: Opo. Maraming salamat, Ka Ely. Maraming salamat, Salve. Maraming salamat sa lahat na nakikinig sa atin. Magkasama-sama po sana ulit tayo sa susunod na linggo.

    ELY: Okay, ayan po ang ating bise presidente, Madam VP Leni Robredo, mga kasama, live mula sa Naga. Pinutol na po natin iyong ating pahayag sa kaniya dahil maraming aktibidad.

    Ano, Salve? Nakapunta ka na noon?

    SALVE: Napakaganda ng experience ko. First time ko. Hindi nga makapaniwala si Ma’am kasi sabi niya, hindi na daw ako taga-Legazpi, taga-Naga na daw ako. [laughs]

    ELY: Okay, di bale, sa susunod na linggo makakasama na natin si Vice President Leni Robredo dito po sa ating studio.

    [music break]

    Samantala, napakaimportante din po. Iyong mga nakikinig sa atin, sumusubaybay sa Facebook Live, lalo na po iyong mga overseas Filipino workers. Napakarami.

    SALVE: Talaga? Ilan ba?

    ELY: Marami! Sa Middle East kasi, maging sa Hong Kong at ibang bansa, kapag Sunday kasi day-off nila. Mayroon tayong mga message na nakukuha sa Facebook ni VP Leni Robredo. At nagbibigay sila ng kanilang mga pahayag.

    SALVE: Mga bayani din natin iyang mga OFW, ano?

    ELY: Si Salve Duplito, mga kasama, ay itinuturing po itong financial expert, kasi alam niyo ho napakaimportante ho ngayon… Ang buhay ho ngayon dito po sa atin ay kapag may kaunti kang pera, dapat wais ka kung paano mo gagastusin, ‘di ba?

    SALVE: Kaso ang Pilipino, hindi wais madalas. One-day millionaire tayo lagi.

    ELY: Okay, so siguro bigyan natin ng payo iyong ating mga kababayan. Lalo na iyong mga overseas Filipino workers na nakakaipon naman kahit papaano pero pagdating ho dito sa ating bansa, pag-uwi po nila, talagang kundi man ubos-ubos, hindi malaman kung saan sila mag-i-invest. Iyong iba, parang madalas na unang naisip, “Bili tayo ng tricycle or pampasaherong jeepney,” kasi ang kanilang persepsyon, kapag ikaw ang operator, ikaw na rin ang magda-drive, so wala ka nang amo. ‘Di ba ganoon ang persepsyon?

    SALVE: Oo, tama. Nagiging negosyante.

    ELY: Pero sa kabilang banda, hindi po nila naiisip, ilan na ba ang bumibiyaheng tricycle sa amin? ‘Di ba?

    SALVE: Malapit na nga ma-phase out nga ‘yan, eh, ‘di ba dahil sa climate change?

    ELY: At saka siguro, ‘di ba, may mga… Ako nagtapos ako ng komersyo, ano? May mga feasibilty study pa ‘yan eh. Titingnan mo, magkano ba ang kita nito? So iyong sa maintenance, magkano ang gastos? Dapat kino-compute lahat iyon, ‘di ba?

    SALVE: Oo, tama iyon.

    ELY: Ikaw ba, anong nakikita mo na magandang… siguro mag-invest, kasi mas maganda iyong kabisado rin nila?

    SALVE: Oo, iyon nga, Ka Ely. Kanina Tito Ely ako, Ka Ely pala dapat.

    Ang ating mga Pilipino, siyempre, ang naiintindihan nila ay iyong nakikita nila. Eh ano iyong kinalakihan nila? Tricycle, jeep, ganoon. Pero dapat maaga pa lang, tinuturuan na natin sa pag-iipon at pag-i-invest sa financial instruments, kasi iyong mga bagay-bagay na nag-i-invest ka, kumikita siya para sa iyo, pero wala ka nang ginagawa.

    Ito iyong… ‘Di ba, kapag naglagay ka ng pera sa tricycle, nagtatrabaho ka pa rin, naghihirap ka pa rin. Araw-araw lumalabas ka. Kung marunong kang mag-invest sa financial instruments, iyon ay kikita para sa iyo nang wala ka nang ginagawa. Hindi naman ibig sabihin hindi ka na nagpapagod, hindi ka na nagpapawis, pero dapat ang ginagawa muna natin, intindihin.

    ELY: Pero iyong iba naman kasi, medyo may pangamba diyan, takot sila pumasok. Kasi sino naman ang hindi matatakot kung hindi mo kabisado.

    SALVE: Tama. Kaya dapat iintindihin muna. Iyong unang investment mo, Ka Ely, sa utak mo. Intindihin mo muna, pero kapag naintindihan mo, okay na.

    ELY: Pero gaano naman kaligtas? Kasi alam mo, iyong iba, talagang pinaghirapan iyan, ano, lalo na iyong mga OFW, pinag-ipunan nila. Iyong iba halos ano, iyong talagang sa sarili nila, wala na, eh. Makaipon lang para sa pamilya. So papaano, gaano kaligtas at gaano katatag, lalo na dito sa Pilipinas, iyong mga ganiyang binabanggit mo na uri ng investment?

    SALVE: Lahat ng bagay, walang 100-percent guarantee. Dapat maintindihan na natin na, kahit iyong tricycle, wala namang guarantee iyon, eh.

    ELY: Lahat naman may risk, mga aksidente.

    SALVE: Or mga aksidente, ganoon. So hindi ko puwedeng sabihin na 100 percent hindi mawawala iyong pera mo, pero kapag naintindihan mo kung papaano, bumababa iyong risk niya. Ang mga sample niyan, iyong time deposit. Hindi iyan investment, ha? Karamihan ng mga tao, iniisip nila investment. Sabihin nila mababa masyado iyong kita, lugi ka ba?

    Ang pinakamaganda para sa overseas Filipino workers iyong tinatawag na mutual funds. Iyong mutual funds na iyan, naka-divide iyan sa iba’t ibang—sa market—tapos kapag naglagay sila ng pera doon, hindi na nila kailangang bantayan masyado as opposed to stock or bond. So kapag nilagay nila doon, mayroon nang taong nag-i-invest para sa kanila. Puwede na nila iyong unti-untiin para kapag tumanda sila, mayroon na silang pang-retirement.

    ELY: Pero linawin natin, kasi ako pumasok ako sa ganiyan…

    SALVE: Akyat-baba iyan.

    ELY: Pero may binawasan, parang binabayaran mo rin sila… May parang manager, anong tawag?

    SALVE: Meron kang management fee na tinatawag, 1.5 kadalasan. Kapag lagpas na sa 1.5, huwag na, Ka Ely. Masyadong mahal na iyon. Para sa akin, personal, kapag lagpas sa 1.5 iyong fee, huwag na. Doon sa mababa sa 1.5.

    ELY: Pero siguro kadalasan, halos lahat naman ng mga institusyon, halos pare-parehas naman ang fee nila. Kasi importante iyon, kumbaga sa ano, ikaw nga ang boss nila, eh. Mina-manage nila iyong pera mo, kung saan dapat i-invest na maganda.

    SALVE: Tama iyan, at puwede mong ilabas at ipasok kahit kailan.

    ELY: Okay, siguro sa mga susunod ho, baka may tanong ho kayo, ikokonsulta natin kay Ms. Salve.

    SALVE: Puwedeng puwede.

    ELY: Ako, kokonsulta rin ako kung paano kami mag-invest, kami ni Jopau.

    SALVE: Mayroon kaming session mamaya, pagkatapos.

    [GAP 2: Interview with Jessie Garbo, micro-entrepreneur/beneficiary of Project Pearl]

    ELY: Okay mga kasama, balik po tayo. Ang oras po natin, 9:37 ng umaga. Ako pa rin po si Ely Saludar. Kasama natin dito po sa ating studio, ang ating co-host ngayon ay si Ms. Salve Duplito, isa pong financial expert.

    SALVE: Magandang umaga!

    ELY: Okay, so, Ma’am Salve, ito kasama na natin, ito siguro’y magsisilbing inspirasyon din sa ating mga kababayan na gustong magkaroon po ng career o hanapbuhay o negosyo.

    SALVE: Okay, si Nanay Jessie Garbo. Kayo ay isang beneficiary ng Project Pearl, tama po ba? Ayan, pero paano nagsimula iyong inyong negosyo?

    JESSIE GARBO: Nagsimula po ako sa, ano ho namin, sa Project Pearl. Iyong mga beneficiary ng Project Pearl, iyong mga anak namin. Tapos si Mommy Melissa… tinuruan po nila kung paano gumawa ng recycled beads.

    SALVE: So ito, gawa sa…

    JESSIE GARBO: Sa magazine.

    SALVE: Ah, gawa sa mga magazine na tinatapon na. So instead na makadagdag sa basura—

    JESSIE GARBO: Magagawan pa rin po ng paraan.

    SALVE: Okay. Tapos saan ginagamit?

    JESSIE GARBO: Ito, ginagawa namin itong kuwintas. Ito naman iyong bead na maliliit, ginagawa naming hikaw.

    SALVE: Ah okay, fashionista pala dapat ang inyong kliyente.

    JESSIE GARBO: Ngayon, ito po siya naman, iyong maliliit na ito, ginagawang bracelet.

    SALVE: Okay. Kumusta naman ang negosyo natin?

    JESSIE GARBO: Sa ngayon po, kapag may order lang po kami gumagawa. Natutuwa ako noong na-invite kami sa Angat Buhay kasi marketing talaga ang kailangan namin. May production man po kami, pero wala kaming marketing. Saka doon sa workshop namin, marami kaming natutunan. Hindi parang hula-hula system ng pagnenegosyo, may step-by-step pala—iyon bang minutes o oras sa paggawa, may labor percent pala ang sarili natin. Iyon talaga ang hindi ko alam.

    SALVE: Tama, hindi hula-hula system. Bago ito sa pandinig ko.

    JESSIE GARBO: Kasi ano eh, kapag nakagawa kami, tantiyado lang kung magkano, noong naka-ano ako sa Angat Buhay, marami akong natutunan na ngayon ko lang nalaman.

    ELY: Kasi dapat talagang meron bawat ano, step one, step two. Katulad sa mga ano, kung mapapansin niyo sa mga tindahan, kakain ka, tinitimbang eh, tinatakal. Kasi bilang po iyon kung magkano. Halimbawa, kung magkano iyong gastos doon, sakto iyon sa presyo na ibebenta. So ganoon po siguro, buti nga iyong natutunan po ninyo sa Angat Buhay.

    SALVE: Nag-workshop kayo ng dalawang araw—apat na araw—tapos ang nagturo sa kanila, Ka Ely, walang iba kundi si Reese Fernandez Ruiz. Siya iyong… Kung naaalala niyo, ssiya iyong napaka-successful na ngayon na may-ari ng Rags2Riches. At iyong mga produkto ngayon ni Reese ay sinusuot ng mga Hollywood actors and actresses, mga British royalty, ano? So noong nag-seminar kayo kay Reese, naintindihan niyo na iyong pricing? Paano kayo nagpepresyo ng produkto niyo?

    JESSIE GARBO: Oo, naunawaan ko, kasi noong that time talaga, may kulang kami sa kaalaman kung paano mag-ano sa negosyo. So noong natutunan ko sa kaniya, sa bawat minuto pala sa paggawa, sa pag-cutting mo, kailangan kukuwentahin mo iyon. Doon mo rin kukunin pala kung magkano ang ipapasahod mo sa sarili mo. Isa pa doon, natutunan ko na ang lahat ng mga mula sa pamasahe, sa materials, idagdag mo doon sa final—

    ELY: Lahat ng mga expenses.

    JESSIE GARBO: —na product mo. Kumbaga ang pagod mo ay sapat na doon sa price na ginawa mong product.

    SALVE: Tamang tama ito para din doon sa mga OFW na nakikinig ngayon, na nagpaplanong mag-negosyo.

    ELY: Ganoon ho, hindi basta sabak nang sabak kasi Salve, ano? Kadalasan ngayon, naku, malakas iyong ganoong ano, tinda…

    SALVE: Nagpapadala sa trend.

    ELY: So, “Hindi magtayo rin tayo ng ganoon,” so dumami nang dumami sila, humina sila pare-pareho. Lahat sila walang kinita.

    SALVE: So ang gusto mong sabihin, titingnan mo rin iyong demand. Titingnan mo rin iyong market para doon sa produkto, for instance, gaano karaming tao ang magsusuot ng bracelet at ng kuwintas na ganiyan.

    JESSIE GARBO: Bukod sa bracelet ho, naggagawa rin kami ng star, nilalagay po sa Christmas tree.

    SALVE: Parang cute iyon. Wala kayong dala?

    JESSIE GARBO: Wala nga lang akong dala.

    SALVE: Pang-Christmas tree. Okay, so mga glitters na iyon?

    JESSIE GARBO: Wala siyang glitters, ganito lang po siya.

    SALVE: Magazine lang talaga.

    JESSIE GARBO: Magazine lang po talaga siya. Kasi dalawa ito. Ito walang coating. May coating ito. Ang coating nito ay iyong sa wood— Puro lang po siya barnis talaga. Ito kasi, magazine ito na may mga kulay na binukod ko at ito ang ni-roll ko ngayon. Kaya kahit hindi mo siya coating-an, ang ganda siya tingnan.

    SALVE: Ah, so nag-i-innovate na rin si Nanay Jessie, dahil kailangan baguhin mo, magkaroon ka ng bagong produkto lagi, intindihin mo kung ano iyong gusto ng mga tao.

    JESSIE GARBO: Hindi tulad noong nagro-roll pa kami, halu-halo iyong puti, halu-halo iyong mga kulay, kaya medyo ano kami. Ngayon, natutunan ko mas maganda pala iyong ipupuro mo, ise-separation mo iyong ano, mas maganda ang kinalabasan ng product.

    SALVE: So ano naman iyong mga susunod na balak niyo po?

    JESSIE GARBO: Ang susunod na balak, gusto ko sanang maiangat iyong product namin na paggawa ng beads, at marami kaming mga kananayan na matulungan sa hanapbuhay.

    SALVE: Iyon, so natulungan ka na, gusto mo rin tumulong doon sa iba. Ang importante rin yata dito, Ka Ely, iyong link ng mga nanay sa merkado. Kasi kahit na gaano kadami iyong gawin, kung walang bibili, hindi magiging pera. Itong mga ito, hindi magiging pera eh, mag-i-stock lang ito doon sa iyo, so papaano, ano iyong strategy natin doon?

    JESSIE GARBO: So noong sa workshop namin, may nakausap kami na—kay Ma’am Imelda Camille—na gusto niya beads lang muna. Kasi ang pahayag niya sa akin, itong mga beads ay mabebenta na.

    SALVE: Ah, ganoon.

    JESSIE GARBO: Iba-ibang sizes, saka sabi ko sa kaniya, may coating at walang coating, gusto niyang makita.

    SALVE: Ah. Saan daw ba, sino daw ba iyong bumibili?

    JESSIE GARBO: Sa Great Women.

    SALVE: Ah, sa Great Women. Ito ay isang movement sa buong Asia, ‘di ba? Sa buong Asia na ang mga kababaihan ay maraming nagagawang napaka-cute na mga bagay.

    JESSIE GARBO: Oo nga po, eh.

    ELY: So isa ito sa masasabi natin na para po sa ating mga babae… Kasi madalas nilang naririnig dito sa “BISErbisyong LENI” iyong Angat Buhay, ‘di ba? So malaki iyong natulong sa inyo po ito, ano, at ito iyong sa Angat Buhay Women Entrepreneurs’ Knowledege Exchange Workshop na inyo pong pinuntahan.

    SALVE: Parang may bago na nga, Angat Kabuhayan. Parang dahil ang gusto natin ay magkaroon ng trabaho iyong ating mga kababayan.

    ELY: Kasi hindi lang iyong parang nangagamuhan. Ito ay ibig sabihin may sarili kang negosyo. Napakaimportante. So maganda iyong ganiyang binabanggit, ishine-share niya iyong natutunan niya sa workshop. Iyong mga nakikinig sa atin sa kanilang mga tahanan na wala pong pagkakataon na makapunta rito, siguro iplano rin ninyo na maka-attend dito sa workshop. Lahat pupuwede, ano? Kahit sino?

    SALVE: Lahat naman, syempre iyong—

    ELY: Iyong mga interesado, ano?

    SALVE: Iyong mga interesado, puwede namang tumawag at mag-text kung gusto nilang sumali.

    ELY: Siguro makipag-cooridnate tayo sa Angat Buhay. Halimbawa, iyong mga nasa Cebu, mga nakikinig sa atin, diyan sa Cagayan De Oro, sa Davao, at sa iba pang panig ng ating bansa.

    SALVE: Kasi ito talaga iyong push natin, Ka Ely, ngayon: trabaho. Dahil kapag may trabaho, nakakapag-aral ang mga bata, nakakakain nang maayos, ‘di ba? Tama ba, Nanay Jessie? At gumaganda ang buhay.

    ELY: Iyong mga ganiyang produkto, kapag talagang pagpupursigihan, puwede pang ipang-export yan. ‘Di ba? Iyong quality niya, eh.

    SALVE: Tama, pero ayon nga, complete, continuous innovation, saka excellence sa quality

    ELY: So kumusta ngayon, syempre marami rin kayong— Kapag may mga ganiyan, grupo kayo ng mga kababaihan, marami kayong natutulungan din.

    JESSIE GARBO: Bale sa ngayon po, active kami mga anim, kasi after ng nag-seminar kami, pag-uwi ko, nag-report din ako sa Project Pearl, ganito ganyan, tapos iyong mga dati kong mga kasama inipon ko, tapos kinausap ko sila.

    SALVE: Sisingitan ko na ng financial planning. Habang nagpaplano kayo tungkol sa inyong produkto, sa inyong negosyo, planuhin niyo na rin iyong buhay niyo. Umupo kayo kasama ang inyong pamilya, isipin niyo, five years, ten years, 15 years from now, ano iyong gusto niyong mangyari sa buhay niyo? Kasi hindi lang puro negosyo. Habang nagnenegosyo kayo, kumikita kayo, mag-iipon din kayo nang kaunti. So kunwari, kumita kayo, nagsweldo kayo, ‘di ba sabi ninyo iyong labor cost dapat mayroong bayad? So kumita kayo ng… Sabihin nating sampung libo sa isang buwan, mag-commit kayo sa sarili ninyo na 500 to 1,000 kung pupuwede. Itabi niyo, iipunin niyo lagi, huwag niyo ibabalik sa negosyo. Ito ay para sa mga panahon na kapag nagkasakit kayo, hindi na kayo uutang, ‘di ba? O nagkasakit iyong mga bata. Tapos kung hindi man magamit, tuloy-tuloy na naiipon, para kapag tumanda na tayo, hindi na tayo aasa sa gobyerno ng pera.

    ELY: Saka ano, ako talagang… Siguro baguhin natin iyong tradisyon na kadalasan sa ating mga kababayan, mga magulang, aasa sa anak. ‘Di ba pag-aaralin, tapos hindi nga siya nakapag-ipon sa sarili, kapag nakapagtapos na iyong mga anak, sila na iyong bahala.

    SALVE: Kaya dumadami ang anak, para maraming mag-asikaso.

    ELY: Pero marami ring mga pangyayari na maraming mga anak—mawalang-galang na po sa iba—maraming mga anak, pinabayaan iyong mga magulang.

    SALVE: Totoo.

    ELY: Maraming ganiyan, so talagang nakadidismaya. Kaya maganda, talagang bata ka pa, mag-ipon ka para sa sarili mo hanggang pagtanda. Iyon ang binabanggit mo sa kaniya.

    Okay, so iyon ho, baka mayroon ho kayong mga ipapayo pa sa inyo pong mga kapwa… Iyong mag-isip po gusto po ng negosyo. So ano pong maipapayo ninyo sa kanila? Para sabihin natin ay maging matagumpay at magtuloy-tuloy po iyong kanilang mga pangarap na magkaroon po ng sariling negosyo. Ano pong maishe-share niyo?

    JESSIE GARBO: Ang maishe-share ko lang po sa mga katulad ko na magulang na nagsisikap para maiangat ang buhay ng pamilya ay kailangan pong magtiyaga po tayo. Sa ano mang ginagawa natin, kung ito ay nabigo man tayo sa una, sa pagtitiyaga natin ay makakamtan natin ang tagumpay. Kaya huwag po tayong mawalan ng pag-asa sa buhay, na patuloy pa rin tayong magsisikap. Tulad ko, na-invite sa workshop, mayroon akong kakulangan sa sarili ko, at may natutunan ako. Kaya kung sa inyo ay… Kung talagang ang gusto niyo talagang mangyari sa buhay ninyo ay maiangat iyong sarili ninyo, kaya marami pa kayong matutunan, huwag ho kayong mahiya, sapagkat ang matutunan ay iyong kayamanan ng isang tao.

    SALVE: Ang ganda. Bawal ang tamad sa mga Pilipino, ano? Go lang nang go.

    ELY: Okay so, Mrs. Jessie, salamat ho sa inyong oras, ha, dito po sa palatuntunan ni Vice President Leni Robredo. Salamat po, ha? Okay.

    [GAP 3: Istorya ng Pag-asa feat. Filipino inventor Maja Prevendido]

    ELY: Ito, alam niyo po, maraming Pilipino ay imbentor. At isa po ito, isang Filipino inventor.

    SALVE: Si Nanay Maja. Tuwang-tuwa ako kay Nanay Maja noong nakita ko siya kanina kasi iyong mga Pilipino, maraming talagang mga inventions. Kasi mautak talaga ang mga Pilipino, ‘di ba? Maraming inventions pero kaunti lang doon ang naririnig natin. Lagi na lang iyong mga inventions sa labas ng bansa, kaya dapat lang talaga malaman ng mga Pilipino ano iyong mga bagay-bagay na ginawa natin.

    Katulad ni Nanay Maja. Iyong unang-unang nakakatuwa—mamaya na iyong soap. Gusto ko talaga iyong gata eh. Alam mo, Bicolana ako, eh. Mahilig ako magluto ng gata. Baka puwedeng ipakita. Pero ikukuwento rin natin para doon sa mga nakikinig. Tungkol saan itong gata?

    MAJA PREVENDIDO: Okay. Napakarami ng inventions ko, mga simple lang. Ito, tinawag ko lang itong gata-maker, because we are a coconut-producing country. But this is a squeezer and a strainer at the same time, na kahit anong pilipit mo hindi nagbabago, it stays the same. Kasi kung tela, kapipilipit mo, napuputol. At saka hindi ito nag-a-absorb ng liquid. Nylon. Kasi kung tela iyan, iyong mga ibang gata mo, iyong ibang mga extracts mo, na-a-absorb ng tela. So ito, hindi na-a-absorb so nafa-flush out mo iyong lahat ng iyong gustong i-squeeze.

    ELY: Iyong katas talaga.

    MAJA PREVENDIDO: Yes.

    SALVE: I-describe lang natin, Nanay, para doon sa mga nakikinig sa radyo, hindi nakikita. So para siyang maliit na bag na nylon, na may pangsara sa ibabaw. Parang drawstring bag.

    MAJA PREVENDIDO: Oo, parang drawstring lang. So kapag may Hudas…

    SALVE: Naku, nakakatakot. So ang gagawin natin, ipapasok natin dito iyong niyog.

    MAJA PREVENDIDO: Ilagay mo iyong gusto mong i-squeeze at i-strain.

    SALVE: At sabi mo nga, pati calamansi, pati lemon…

    MAJA PREVENDIDO: Oo, puwede diyan. Kahit anong gusto mong i-squeeze at i-strain at the same time. Mga herbal.

    SALVE: Parang juicer na rin pala ito.

    MAJA PREVENDIDO: Oo, kaya lang siyempre, hindi ito mechanical. I mean, de-kamay.

    SALVE: Mas maganda nga hindi gumagamit ng kuryente.

    MAJA PREVENDIDO: Correct, at saka ma-e-exercise ka.

    SALVE: Tama, kasi iyong mga kamay— Ito iyong sinasabi mo sa akin kanina. Ang mga kababaihan ang laging nasa kusina, pero mahina ang grip at maliliit ang mga kamay.

    MAJA PREVENDIDO: Yes.

    SALVE: Nasubukan mo na ba, Ka Ely, na mag-squeeze ng coconut?

    ELY: Hindi pa.

    MAJA PREVENDIDO: Ay, kasi uso na ngayon sa palengke na doon mo ipa-gata.

    SALVE: Pero minsan kasi, gusto mo bilhin iyong bilog kung ayaw mo pa gamitin agad.

    ELY: At saka uso na rin ngayon iyong sa supermarket na powdered na.

    MAJA PREVENDIDO: Oo.

    SALVE: Oo, pero iba ang lasa.

    ELY: Iba pa rin ang natural.

    MAJA PREVENDIDO: Oo. Masarap talaga iyong natural.

    SALVE: So ito, ipapasok mo diyan…

    MAJA PREVENDIDO: Oo, ipapasok mo iyong niyog sa loob. One or two lang, kasi kapag marami, mahina. Mahina ang grip ng mga kababaihan. Tapos…

    SALVE: Ang innovation mo yata dito, Nanay Maja, is it’s nylon. So iyong juice niya, hindi napupunta sa tela.

    MAJA PREVENDIDO: Yes.

    ELY: Hindi sinisipsip ng tela… Talagang lumalabas.

    MAJA PREVENDIDO: Opo. At saka kung tela iyan, kapipilipit mo, mapuputol iyon. Eh ‘di wala na, hindi mo na mapakikinabangan.

    SALVE: Pang-ten years daw ito.

    MAJA PREVENDIDO: Kahit ten years, gamit mo pa rin. You buy only once.

    ELY: Ah, pang-ten years iyan.

    MAJA PREVENDIDO: Opo, kaya matagal akong yumaman. Pangit daw sabihin na hindi ako yayaman, kasi matibay.

    SALVE: Kasi ang gusto ni Nanay makatulong lang.

    ELY: Oho, Ma’am, makaraos lang po tayo, okay na.

    MAJA PREVENDIDO: Oo, ayaw ko ng throw-aways. Hindi ka makakatulong sa environment. Isa lang ito sa mga inventions ko.

    SALVE: Oo nga.

    ELY: Pinariringgan iyong mga nagmimina. Sige ho.

    SALVE: May ganoon. May hugot ka sa mga minero?

    ELY: Oo, kasi ano, ‘di ba? Nakakasira sila sa kalikasan pero kumikita nang limpak-limpak. Sige, balik ho tayo sa issue.

    SALVE: So aside po dito, mayroon pang ibang inventions?

    MAJA PREVENDIDO: Iyong una kong inventions, pinagtatawanan dati dito. Akala naloka ako dito.

    ELY: Opo.

    SALVE: Pero nanalo siya sa Geneva, Switzerland.

    MAJA PREVENDIDO: Nanalo ito sa International Invention Exposition sa Switzerland, sa Geneva. Lagayan lang ito… Supot din ito.

    SALVE: Ka Ely, hindi ka na maglu-loofah.

    ELY: Oo, may sample na ako, eh.

    MAJA PREVENDIDO: So ilagay mo lang ito, ano? Ito ang pinakauna kong invention, mga 1990. Ilagay mo lang iyong sabon mo sa loob. Paligo ito, ha? Kailangan ito… Ito very simple, common sense. ‘Di ba nalalaglag ang sabon?

    ELY: Opo.

    MAJA PREVENDIDO: Isabit mo sa kamay mo habang ikaw ay nagsasabon. Slippery kasi ang sabon, eh, minsan naa-ano. Minsan nashu-shoot sa toilet bowl. Kung nakasabit, hindi na malalaglag.

    ELY: At saka, ‘di ba, ang maganda diyan… Ikaw, nag-i-scrub ka?

    MAJA PREVENDIDO: Oo, parang scrub.

    SALVE: Sensitive ang skin ko.

    ELY: Oo, iyon. So ipapasok mo diyan iyong sabon…

    MAJA PREVENDIDO: Oo, ipasok mo sa loob. Actually, ito pang-ligo. Ito, panglaba ng damit. Ito, hugasan ng plato. Pero ito, masarap na panghilod.

    ELY: Ako, gusto ko pumuti, eh.

    MAJA PREVENDIDO: Oo, masarap ito panghilod.

    SALVE: Alam niyo, Nanay, ang favorite ko dito, iyong sinabi niyo sa akin kanina… Kasi laging natutunaw ang sabon, ‘di ba?

    MAJA PREVENDIDO: Yes, kapag malambot, madaling maubos.

    SALVE: Yes, pero kapag sinabit mo, natutuyo siya.

    MAJA PREVENDIDO: Tama.

    SALVE: Kasi kuripot ako, eh.

    MAJA PREVENDIDO: Tama. Akala nga nila, Ilokano ako, eh, pero GI din ako. Genuine Ilonggo.

    ELY: Tama, para walang aksaya.

    MAJA PREVENDIDO: Walang aksaya talaga, wala. Hindi lang iyon, kasi kapag maliit na ang sabon mo, kapag nahulog, hindi mo na dadamputin. Nagka-clog sa sink, ng drainage. Baka ma-slide ka pa.

    ELY: So may mga nagtetext sa atin, saan ba makukuha iyan?

    SALVE: Maraming bibili.

    MAJA PREVENDIDO: Ibigay ko cellphone ko?

    ELY: Maga-ahente po ako niyan.

    MAJA PREVENDIDO: Of course, all the time! Kaya lang mura lang ito, baka hindi ka kikita nang malaki.

    ELY: Hindi po, basta makatulong po kayo sa kapwa, okay na po iyan. Iyan po ang misyon ni Bise Presidente, makatulong lang sa kapwa.

    MAJA PREVENDIDO: Yes. Okay. Sa Lagro ako, eh, sa Quezon City. Pero ito ang aking cellphone. 0933-6624148. May landline ako. 775-8849. Maja po ang pangalan ko.

    ELY: Ayun. Maja Salvador.

    SALVE: Puwede po ba ako sumingit ng isang tanong? Iyong tanong po, Nanay Maja, paano po ba nagkakaroon ng isip-imbentor ang mga Pilipino? Iyong hindi lang tayo gastos nang gastos?

    MAJA PREVENDIDO: Very good question. Kasi lagi akong tinatanong, paano ang pag-imbento? Actually, simple lang din. Lagi mo itanong sa sarili mo, paano ko magagawang mas madali, mas matipid, mas matibay ang aking ginagawa? Kasi lahat puwede i-improve. Even the way you sit, lahat iyon. Tapos kasi alam mo, kapag nagtatanong ka nang ganiyan, your mind will start working, will start looking for answers. At kapag mayroon kang idea, dapat i-catch mo iyon. Huwag mo pabayaang mawala. Kasi ang ideas are like butterflies daw: they fly away when you don’t catch them. Kaya ang ideas, i-catch mo iyon. Isulat mo iyon, i-drawing mo iyon. When you have time, work on it.

    ELY: Ayon.

    MAJA PREVENDIDO: Malay mo, makaimbento ka ng mga bagay-bagay na… Kasi kapag sino-solve mo daw ang sarili mong problema, hindi mo alam naso-solve mo na rin ang problema ng ibang tao. Baka ng sangkatauhan.

    SALVE: Iyan ang pag-asa ng bayan natin.

    ELY: So kailangan mabilis mag-isip?

    MAJA PREVENDIDO: Not really. Basta kapag nag-isip ka, isulat mo. Importante iyon kasi baka mawala iyon, malimutan mo.

    ELY: Ayan, tama. Isulat mo.

    MAJA PREVENDIDO: Puwede ipa-patent ang mga istorya, kaya pinapa-copyright iyon para hindi kayo kopyahin.

    SALVE: Iyon pa, dapat ipa-copyright. Alam mo iyang copyright, asset mo din iyan eventually. Eventually puwede kang umutang, iyong collateral mo iyong patent mo.

    ELY: Dito sa Pilipinas, puwede na ba iyan? Ang alam ko sa US, eh.

    SALVE: Magiging. Puwede nang maging ganiyan. Meron nang bill ngayon sa Congress, Movable Collateral Bill.

    ELY: Sa huli, Mrs. Maja, ano pa po?

    MAJA PREVENDIDO: Marami pa po sana akong inventions na gusto ko sanang i-share.

    ELY: Sige ho, pero naibigay niyo na rin po ang inyong number. Ingat po kayo sa pagsagot, ha? Baka ma-scam po kayo sa cellphone.

    SALVE: Lalo kapag dito mo binigay iyong telepono mo, alam ng lahat. Maraming nakikinig.

    ELY: Hindi, kasi maraming… Mga loko kasi gusto makapangloko talaga.

    MAJA PREVENDIDO: Lokohan na lang po kami.

    SALVE: Palaban si Nanay.

    ELY: Maraming salamat po kay Mrs. Maja Prevendido.

    [music break]

    ELY: Ms. Salve, may mga tanong sa atin dito sa ating hotline kay VP Leni Robredo. Ito siguro, maikli lang: Paano ba magkaroon ng tamang investment, Ma’am Salve?

    SALVE: Ang sasabihin ko muna iyong mga hindi tamang investment. Ang hindi tamang investment iyong scam. Laging nagpa-promise ng mataas na return na tuloy-tuloy. Wala po niyan. Kapag mayroong nagsabi sa inyo na ito, guaranteed return, buwan-buwan bibigyan ka ng 4%, 5%, sobrang taas ng interes, lumayo na lang kayo. O kaya ibigay niyo iyong number ng kaaway niyo.

    ELY: Yes. Iyan, si Aaron Ricardo Prebistero iyan. Samantalang ito… Ito, investment sa maliit na kapital. Saan ba dapat? Dapat ba sa insurance pa? Tama ba sa insurance?

    SALVE: Iyong insurance at saka investment, para sa akin, ay hindi dapat pagsamahin. Kung gusto niyo talaga mag-invest, lagay niyo na lang sa investment para bawas sa fees na kailangan bayaran.

    ELY: Okay. So iyon ho, ang bilis ng oras, ano? Parang kailan lang. Naka-isang oras na kaagad tayo. Ms. Salve, paalam na tayo at baka may babatiin ka. Taga-Legazpi ka, ano? Napapakinggan tayo doon, sige po.

    SALVE: Marhay na aga sa indo gabos na nagdadamog diyan, kung igwa kamong naintindihan, kuta na puwede man itaram sa ibang tao taranim makatabong pa kita.

    ELY SALUDAR: Maraming salamat po mga kasama sa inyong pagsubaybay sa ngalan po ni Bise Presidente Leni Robredo.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Sep 16, 2017