This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI – Episode 16

    27 August 2017

    ELY: Magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas, at Mindanao! Isa na namang edisyon ng BISErbisyong LENI. Ngayon po ay araw ng Sunday, August 27, 2017.

    Ako pa rin ho si Ely Saludar. At siyempre, kasama po natin dito po sa ating studio ang nanay ng sambayanan, ang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si Madam Vice President Leni Robredo. Madam, Ma’am, good morning po!

    VP LENI: Good morning! Good morning, Ka Ely. Good morning po sa lahat na nakikinig sa atin ngayong Linggo ng umaga.

    Ang atin pong pagbati sa ating mga kababayan, hindi lang po dito sa Luzon, pero pati na po sa Visayas at Mindanao, maayong buntag sa tanan. Sa atin pong mga tagapakinig na mga Bikolano, marhay na aga sa indo gabos.

    ELY: Okay, good morning ho! Good morning sa lahat!

    At siyempre, ngayong linggo ay marami po ang natutuwa, lalo na iyong mahilig po sa basketball, Ma’am.

    VP LENI: Oo! Nakakatuwa, Ka Ely, kasi napakaganda noong laro ng Gilas kagabi. Nalaman natin, Ka Ely, na iyon pala iyong ating pang-labing dalawa na straight na—sunud-sunod—na gold para sa Pilipinas. 94-55 iyong score, Ka Ely.

    ELY: At siyempre, alam naman natin marami nga hong mga Pilipino ang mahilig po sa basketball, at iyon po, nasungkit po natin iyong gintong medalya sa SEA Games ho. Marami-rami na rin tayo, Ma’am, nakuhang medalya.

    VP LENI: Pang-18th na iyon, Ka Ely. Maliban sa basketball, mayroon na tayo sa athletics, sa triathlon, sa boxing, gymnastics, fencing, wushu, judo, taekwondo. Ito nga, Ka Ely, ngayon ko lang nalaman, mayroon palang lawn bowling.

    Tapos iyong nakakagulat sa lahat, gold pa tayo, ice hockey. Kahit napakainit ng lugar natin, tayo pa rin iyong pinakamahusay sa ice hockey.

    ELY: Okay, samantala, mga kasama, congratulations sa lahat po ng mga atletang na sumabak po sa SEA Games, at iyong mga hindi pinalad, ay maaaring sa susunod. Pero at least nakapag-uwi po tayo ng maraming ginto.

    VP LENI: Hindi lang ginto, Ka Ely. Mayroon din tayong 25 silver medals at 47 na bronze medals.

    So sa atin pong mga manlalaro sa SEA Games, maraming, maraming salamat sa napakalaking regalo niyo sa lahat ng mga Pilipino.

    ELY: Opo. Okay. So mga kasama, bagamat sa FIBA, hindi po pinalad iyong ating Gilas Pilipinas doon, pero dito sa SEA Games, iyong mas mga bata, sila po ay nakabawi po rito.

    At samantala, tulad po ng dati dito po sa BISErbisyong LENI, Ma’am, ano po iyong mga nakaraang aktibidad po sa nagdaang linggo para na rin po sa kaalaman ng ating mga nakikinig po nationwide?

    VP LENI: Gaya ng dati, Ka Ely, medyo mahaba iyong ating linggo.

    Kung natatandaan natin, noong Lunes, August 21, ano iyon, public holiday kasi iyon iyong araw ng paggunita ng pagkamatay ni Ninoy Aquino. Pero bago tayo pumunta doon sa misa para kay Ninoy Aquino, pumunta muna tayo sa Lipa nang maaga, kasi naimbitahan tayo doon. Parang alumni homecoming siya ng St. Francis de Sales Major Seminary.

    Pero iyong nakakatuwa doon, Ka Ely, kasi iyong bagong halal na archbishop doon ay kababayan ko. Si Archbishop Gilbert Garcera. Alam mo, Ka Ely, ito iyong aming parish priest sa parokya namin dati. Iyong mga anak ko, lektor pa noong sila ay grade school. Lector pa sa parokya ni dati Father Gilbert. Ngayon ay archbishop na siya ng Lipa. Kaya nakakatuwa.

    Noong Martes, nag-participate iyong aming opisina sa isang roundtable discussion ng International Land Coalition. Paniniwala nito, Ka Ely, kapag naayos natin iyong ating mga problema patungkol sa lupa, maraming sagot ito sa matinding kahirapan dito sa atin.

    Ngayong linggo din, dalawang ambassador iyong nag-courtesy call sa atin. Iyong una, ambassador ng Saudi Arabia. Ito, magandang nag-courtesy call siya, Ka Ely, kasi napag-usapan namin iyong kalagayan ng mga OFW natin sa Saudi Arabia.

    ELY: Naku, ang dami po nating kababayan doon.

    VP LENI: Oo, ang daming problemang dumadating. Iyon iyong napag-usapan namin.

    Tapos, iyong nag-courtesy call din, bagong bagong ambassador galing sa Austria. Alam mo, Ka Ely, mayroon din tayong mga Pilipino sa Austria, at ano naman, tingin natin papunta sa maganda iyong relasyon natin with Austria.

    Kagabi, kadadating ko lang, Ka Ely. Galing ako sa Dumaguete, dahil Biyernes at Sabado nandoon ako.

    Noong Biyernes, naimbita tayo sa isang pagtitipon ng mga estudyante sa Negros Oriental State University. Masayang pagpunta, Ka Ely.

    At isang bonus doon, mayroon isang grupo ng mga estudyante nagsabi, “Ma’am, inaabangan namin iyong radio program mo sa RMN linggo-linggo!” Nagpakilala iyong isa, John iyong pangalan niya. Kaya kung nakikinig ka ngayon, John, magandang umaga sa iyo! At maraming salamat. Sana patuloy kayong makinig sa aming programa ni Ka Ely.

    ELY: Kasi umaabot diyan sa Dumaguete iyong sa DYHP, sa Cebu namin, sa RMN. Malakas iyon.

    VP LENI: Nagulat ako, Ka Ely, kasi alam ko walang RMN sa Dumaguete, nakakarating sa kanila.

    ELY: Opo, malakas po ang DYHP.

    VP LENI: Kasi sabi nila, inaabangan daw nila. Kaya sabi ko, masaya ito.

    Pagkaalis namin doon, nagbiyahe kami nang mahigit tatlong oras. Pumunta kami sa Hinoba-an, Negros Occidental.

    Alam mo, Ka Ely, mas malapit dumaan sa Dumaguete kaysa Bacolod papunta sa Hinoba-an, kasi parang pinaka-south na siya. At pagpunta namin sa Hinoba-an, dahil Angat Buhay area namin ito, marami kaming mga grupong kinausap.

    Ilan sa mga grupong iyon iyong Hinoba-an Fishcove Women’s Crochet Community. Alam mo, Ka Ely, ang negosyo nila paggagantsilyo. Pero nakakatuwa kasi naggagantsilyo sila pati mga swimsuit, mga gamit pambahay, mga bag.

    Tapos lumipat kami. Ito naman, Hinoba-an Women Sewers Association. Mga mananahi. Ito, Ka Ely, tinulungan natin ito. Magbibigay tayo ng financial assistance—19 lahat ng mga kababaihan—kasi mayroon silang market. Ang problema lang, Ka Ely, tatatlo iyong pinaghahati-hatian nilang makina. At iyong tatlo, kung gagamit iyong isa, nag-aarkila pa. Kaya tutulungan natin ito para mabawasan iyong kahirapan doon sa lugar nila.

    Tapos inimbitahan tayo ng DAR Negros Occidental doon sa isang elementary school, iyong C.L. Hodges Elementary School. Ito nakakatuwa din kasi iyong mga bata, masayang masaya noong binisita natin. At dahil siguro sa layo noong lugar, nagkukuwento pati iyong mga teachers na, “Ma’am, ngayon lang kami nabisita.”

    Kaya sabi ko nga, kapag nasasabihan tayo ng ganito, dadalas-dalasan pa natin maghanap ng mga napakalalayong mga lugar, na halos hindi talaga napupuntahan.

    Tapos kahapon, Ka Ely, parang piyesta pala, Ka Ely, sa Dumaguete kapag foundation day ng Silliman University. Napakaraming tao. Lahat na kainan punung-puno. Ang sabi sa amin doon, kapag foundation anniversary daw ng Silliman, iyon iyong parang piyesta sa kanila, kasi halos lahat na alumni—whether nandito sa Pilipinas o nasa abroad—nag-uuwian. Kaya marami tayong na-meet galing sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

    Naimbitahan tayo, Ka Ely, mag-grace noong SULAW, Silliman University Law Alumni Association, nag-award sila ng mga achievers. Pero ito, nakakatuwa, Ka Ely. Mayroon silang 19 na bagong pasang abogado, pero doon sa 19, tatlo iyong bar topnotchers. Mahirap na achievement iyon, Ka Ely, considering na parang provincial law school sila, pero tatlo—hindi lang isa na bar topnotcher, pero tatlo ngayong taon.

    Tapos noong pagka-hapon, Ka Ely, nag-ano tayo, nagkaroon tayo ng event para sa Istorya ng Pag-asa. Ito, Ka Ely, ito talaga iyong nagbibigay ng maraming kasiyahan, kasi iyong nanguna ng Istorya ng Pag-asa doon, iyong student government ng College of Business Administration. Pangunguna iyon ni Jolina Cinco, kaya kung nakikinig si Jolina, maraming salamat sa iyo, Jolina, saka iyong mga opisyal ng CBA Student Government.

    Pero iyong nakakatuwa, Ka Ely, kasi mayroon kaming ni-recognize na bente, bente na Istorya ng Pag-asa. Pero itong benteng ito, mga simpleng simpleng mga tao. Mga ordinaryong tao na talagang nagpamalas ng parang kakaibang pag—parang kakaibang mga ginawa sa buhay. Iyong dalawa sa kanila, PWD. Pero kahit PWD, nagse-security guard iyong isa.

    ELY: So parang normal po iyong kanilang—

    VP LENI: Oo, normal na normal. Mayroon doong nagtitinda, fruit vendor. Mayroong traffic enforcer. Ano talaga, galing talaga sa pinakaordinaryo.

    ELY: Magandang inspirasyon po iyan sa ating mga kababayan. Iyong iba po kasi, kumpleto, malakas ang pangangatawan, pero tamad.

    VP LENI: Tamad. Iyon iyong sinabi ko sa kanila. Na sabi ko kapag nabasa ng iba iyong kuwento ninyo, wala nang dahilan para magtamad-tamaran pa.

    Pero nakakatuwa, Ka Ely, marami na din kaming binuksan na mga Istorya ng Pag-asa, pero iyong sa Dumaguete, unang pagkakataon yata na iyong lahat, lahat na pinarangalan, talagang mga sobrang simpleng tao lamang.

    ELY: Opo. Okay, so talagang punung-puno ang schedule niyo, Ma’am. Imbes na ngayon dapat Sunday e pagpapahinga, mayroon pa tayong radio program.

    VP LENI: Pero ito naman, Ka Ely, sulit naman. Sulit. Talagang bawat linggo, sinusubukan natin na at least mga dalawa, tatlong araw, nade-devote natin sa pagbisita sa mga probinsya.

    ELY: Opo. Okay, so iyan ho, mga kasama. At siyempre, bukas ay iyong National Heroes Day celebration. At siguro banggitin na rin natin, dahil sa kahapon po. Alam nila, Ma’am, tinututukan niyo rin ito pong kaso ni Kian Loyd delos Santos. Kahapon ay nailibing na po.

    At kasi bagamat maraming tumutuligsa. Kasi iyong iba naman ho, sila ang nagbibigay kulay-pulitika. Pero dito ho ay ako, bilang isang komentarista, itinuturing ko na ito pong si Kian Loyd delos Santos, simbulo po ito e, ng mga alegasyon ng EJK, extrajudicial killings, sa ating bansa.

    VP LENI: Ito, Ka Ely, tingin ko napakalaking simbolo ni Kian. Siguro nakatulong nang malaki iyong CCTV footage. Alam mo, ang dami na nating naririnig na mga kuwento na ganito iyong ginawa, ganito iyong nangyari, pero parang walang mukha. Walang ebidensya, kaya parang iyong iba hindi nararamdaman iyong lalim ng epekto nito sa ating lipunan.

    Pero itong kay Kian, iyong kuwento kasi, hindi lang dahil bata siya, dahil maraming nagsasabi na parang mali iyong akala, pero may CCTV footage kasi. Kitang kita doon kung ano iyong ginawa sa kaniya. Kaya ito parang naka-relate, naka-relate iyong ating mga kababayan.

    Pero, ito, Ka Ely, noong pagpunta ko sa Dumaguete, mayroon din doon isang kuwento na malungkot. Nakilala ko iyong magulang ng isang pinatay naman ng mga drug addict. Pangalan noong bata, Nikki, 20 years old siya. Dalawa silang napatay.

    ELY: Drug addict, Ma’am, ang pumatay?

    VP LENI: Drug addict naman ang pumatay. Si Nikki, 20 years old. Iyong kaniyang kasama, Lorraine ang pangalan, 17 years old. Pumunta sila sa Siquijor para pumasyal. Doon lang sila nagkakilala. Bahagi sila ng dalawang malaking grupo na parang sumusuporta doon sa mga longboarding. Pero mayroong isang drug addict na—Dapat sana masayang okasyon, napatay iyong dalawa.

    Kaya ito, dalawang mukha. Parang masama iyong loob nung magulang kasi napapansin iyong iba, gaya kay Kian, pero parang iyong hinagpis na pinagdaanan nila, hindi napapansin. Kaya talagang sinubukan natin, Ka Ely, na kausapin, puntahan, at tulungan. Tingin ko kahit naman sino naman iyong salarin ay dapat iyong lipunan talagang makiramay. Hindi lang makiramay, pero magpahayag ng, ‘di ba? Pagka—Magpahayag ng galit sa pangyayari.

    Kaya ito, Ka Ely, kapag nakakaalam tayo ng ganito, talagang tututukan natin ito.

    ELY: So dito ho talagang tayo po ay—kayo po, Ma’am, ay sumusuporta. Tayong lahat ay sumusuporta sa kampanya laban po sa ilegal na droga. At siyempre ang ayaw lang natin iyong may mga pag-abuso.

    VP LENI: Iyong paraan. Pang-abuso lalo na ng—

    ELY: Ayusin lang iyong proseso.

    VP LENI: Saka pang-aabuso lalo na noong mga taong inaasahan natin na iyon iyong mangangalaga sa ating kaligtasan.

    ELY: Opo, poprotekta. Okay. So ayon ho, mga kasama.

    At samantala, bukas iyong National Heroes Day celebration. Alam naman natin talagang ang mga bayani dito po sa ating bansa ay talagang dapat po nating kinikilala, mga kasama, at iya’y hindi kailanman dapat na kalimutan, dahil sa, sabihin natin ay malaki po ang utang na loob natin sa mga bayani kung bakit narito tayo ngayon.

    VP LENI: At saka ito, Ka Ely, mayroong interesting dito sa National Heroes Day. Kasi binabasa ko noong nakaraan saan ba ito nanggaling? Ito pala, Ka Ely, National Heroes Day pala parang 1934 pa. 1934 nagkaroon na ng isang batas na itinatalaga iyong National Heroes Day pero sa matagal na panahon nagkaroon ng kalituhan.

    Kasi kung naalala mo, Ka Ely, mayroon tayong November 30 na Bonifacio Day. Iyong Bonifacio Day, parang mas nauna siyang itinalaga. Parang 1921 siya itinalaga. Pero iyong Bonifacio Day pala, iyong unang parang—iyong unang batas na paglabas nito, parang hindi lang araw ni Bonifacio, pero araw din ng mga bayaning hindi nakilala. Kaya iyong National Heroes Day dati daw, nalilito na kung ano ba talaga, last Sunday o last Monday ng August ise-celebrate, o kasabay ng Bonifacio Day?

    Napakatagal na panahon, parang ang National Heroes Day, Bonifacio Day din. Nabasa ko nga Ka Ely na dati pala iyong pinaka-selebrasyon nito, dalawa. Iyong isa, parang nagkakaroon ng formal military review iyong mga ROTC cadets sa UP na pinupuntahan ng lahat na sangay ng pamahalaan. Iyong executive, iyong legislative, iyong judiciary, saka ito pala napakalaking event. Pagkatapos ng ROTC pass-in-review na pumupunta raw iyong mga tao sa Caloocan, doon sa Bonifacio Monument at doon ginagawa.

    Noong 1941 daw, parang mayroon nang threat na papasukin tayo ng mga Hapon, iyong Second World War, for the first time daw, iyong Pangulo ng Pilipinas, si Manuel L. Quezon noon, parang inaddress niya iyong ROTC pass-in-review at sinasabihan niya iyong mga tao na mayroong ganitong threat para sa atin.

    Tapos 1942 nga, nag-Second World War. At nung second world war daw, si Presidente Jose Laurel naman, cinelebrate daw iyong National Heroes Day sa Mt. Samat, sa Bataan, pagpapakita ng kabayanihan ng mga Pilipinong naglakad. The following year naman daw, iyong celebration naman ng National Heroes Day, sa Capaz, Tarlac naman dahil iyong Capaz, Tarlac pala, Ka Ely, naging prison camp noon, e ito katatapos lang ng Second World War.

    Pero iyong 1952, President Elpidio Quirino na, eto na iyong klinaro, na iyong National Heroes Day ice-celebrate last Sunday of August, hiwalay ito sa Bonifacio Day, na November 30. So iyon na iyong umpisa, si Pangulong Cory inulit iyong pagpaalala na hiwalay iyong National Heroes Day sa Bonifacio Day. Pero noong panahon pala, Ka Ely, ni President Gloria Macapagal Arroyo, na nilipat, na hindi na siya last Sunday of August pero ginawa siyang last Monday of August.

    Kasi kung naalala mo, noong panahon ni Pangulong Arroyo, parang pino-promote iyong local tourism, iyong mga long weekends natin, Ka Ely, talagang parang tinutulak iyon para iyong mga Pilipino makapagpasyal sa buong Pilipinas. Kaya kung gagawing long weekend iyong last weekend of August, di may pagkakataon iyong ating mga kababayan na pumasyal. Kaya iyon, hanggang ngayon, iyon na, last Monday of August.

    ELY: Okay, so samantala, mga kasama, at kaugnay pa rin ng National Heroes Day celebration, at Ma’am may makakausap po tayo dito. Kasi alam mo, dito sa atin naman e, araw-araw mayroon pong bayaning maituturing e.

    VP LENI: Ito, Ka Ely, iyong opisina kasi namin, ilang beses nang pumuntang Marawi, mula noong kahit hindi pa nagkakaroon ng labanan, at lalo na ngayong may labanan na, at marami talagang mga bayaning nakakausap doon. Mga bayaning hindi nakikilala ng publiko, pero marami talagang ginagawa para makatulong sa mga kababayan na nasa Marawi.

    At iyong makakausap natin ngayon, Ka Ely, isa siyang former City Councilor, pero isa siyang miyembro ng Suicide Squad ang tawag. Kaya siguro alamin natin sa kanya bakit ang tawag sa kanila doon, Suicide Squad.

    Iyong ating makakausap—ewan ko kung nasa linya na siya, Ka Ely—si Anuar Marabur.

    ELY: Dating Marawi City Councilor.

    VP LENI: Dating Marawi City Councilor. Pero napakaganda ng kuwento niya, Ka Ely, kung paano nag-umpisa iyong Suicide Squad.

    ELY: Okay, Councilor, magandang umaga po sa inyo.

    ANUAR: Magandang umaga rin, Ka Ely. Kaya po tinawag kaming Suicide Squad kasi binubuwis namin ang buhay namin na voluntary po iyan. Hindi po kami sinuswelduhan diyan, kung hindi, serbisyong totoo po ang ginagawa po namin para lang makasagip ng buhay ng tao. Ang nasagip po namin na mga tao, Christian o Maranaw man, wala kaming pinipili, 653 po.

    VP LENI: Ang nasalba niyo na?

    ANUAR: 653 ang nasagip namin, iyong na-rescue namin.

    VP LENI: Napakarami na po pala. Napakarami ng natulungan ninyo. At ito, bago lang po tayo magpatuloy, Councilor Anuar, narinig ko po iyong kuwento na noong una daw sumiklab iyong labanan, kasama niyo si Mayor, kasama niyo daw po si Mayor, galing kayong City Hall, kasi may bibisitahin sana kayong patay. Tama po ba iyon?

    ANUAR: Opo, opo. First day iyon, iyong May 23 po, mga ala una po ng hapon na may bibisitahin kami na patay, sa bandang Watu Balindog. So bigla pong pagdaan namin doon sa may Basak Malutlut, may putukan doon. So huminto po kami, tapos pinauna po iyong pulis po ng Marawi City para tanungin iyong mga sundalo po natin, so nakapagsabi ang mga sundalo po natin, may operation doon.

    So that time na hindi pa alam kung ISIS ba iyon, Maute ba iyon, o civilian na in-operation lang ng mga kasundaluhan po natin. Tapos parang may ano ako na may nakapagsabi din, bulong-bulong lang sa mga kanto-kanto na sabi nila mga before Ramadan, na may sasalakay nang mga Maute dito sa Marawi. So sinabihan ko po si Mayor, sabi ko, “Mayor pumuwesto na tayo, bumalik tayo sa City Hall kasi baka ito iyong sinasabi ng mga tao na mga Maute group ito o kaya Isis.”

    VP LENI: E di bumalik po kayo?

    ANUAR: Bumalik po kami sa City Hall, na tumawag si Mayor sa Barangay Chairwoman doon sa Basak Malutlut sa incident na iyon, sinabi niya operation daw. Sinabi ko kay Mayor, “Mayor huwag kang maniwala diyan kasi matagal iyan. Kung operation lang iyan, tapos na iyan.” Mahaba iyon eh, mahaba ang putukan e. Sabi ko, mas sigurado po tayo na i-assume natin na mga ISIS yan. Iniwanan ko po si Mayor dun sa City Hall, pinuntahan ko iyong pamilya ko, pina-evacuate ko po sa biyenan ko. Sabi ko, kasi maliliit lang iyong mga anak ko e. So pagkatapos doon, bumalik ako sa City Hall, nakita ko po iyong mga ISIS na pagala-gala doon sa may barrio port malapit sa City Hall. Nakilala ko po iyong mga *** kasi naka-flag sila ng black e at may dalang armas. Sabi ko hindi ito pulis, hindi ito sundalo, na sabi ko na nga mga ISIS ito.

    Bumalik po ako sa bahay namin sa doon sa Bangon. Iyong Bangon na iyon, iyon ang malapit sa City Hall. Iyon ang una nilang pinuntahan, pinuntahan ng mga ISIS. Iyong mga pinsan ko po, kasi iyong tatay ko na retired colonel po sa AFP, kasamahan po iyan ni kwan, naging estudyante po ni Secretary Lorenzana po. Iyong tatay ko was a Scout Ranger, Class 20-75. So iyong mga pinsan ko po, may mga pulis at saka mga marunong din humawak ng baril, pinuntahan po namin iyong mga ISIS na iyan doon sa barangay namin.

    VP LENI: A pinuntahan niyo?

    ANUAR: Kinausap ko po, sinabi ko sa kanila, umalis kayo dito, hindi jihad ang hangarin niyo. Kung hindi ito disturbance at saka hindi maganda itong layunin ninyo. Kasi kung jihad yan, doon kayo sa bundok. Kung itong strategy niyo na dito mismo sa siyudad, ay hindi ito. Kung hindi kayo aalis dito, makipag-barilan na kami sa inyo. Iyong baril nila, tinutok sa akin. Iyong Yakan na iyon, Yakan. Tausug, Maguindanao, at saka may foreigner, Indonesian, Malaysian, Saudi, Yemen, Thailand. Iyan ang nandoon that time sa Marawi na mga ISIS.

    VP LENI: Pero Councilor, iyong kinausap niyo po sila, ilan sila noon?

    ANUAR: Kaunti lang sila, kay walo lang. Nung umpisa, hinihintay pa nila iyong mga iba galing sa Basak Malutlut iyong nakipagbakbakan doon, iyong umpisa. Then galing sa Tuca, sa Barangay Amito [Marantao], at saka galing doon sa Barangay [Moriatao] Loksadato, kasi maraming nag-raid diyan pala na mga taga-Basilan, taga-Jolo, taga-Maguindanao.

    VP LENI: Dumayo. Dumayo po sa Marawi.

    ANUAR: Oo. Parang long-range plan iyan e. Parang matagal na iyang plano nila, na salakayin nila ang buong Marawi.

    So, nakipag-usap ako. Nung tinutukan nila ako ng baril, eh hindi naman nila pinutok sa akin, lang na naman, umalis kami. Na-trending iyan sa Facebook e. Nung nakipag-ano ako sa kanila e. May naka-video pala na pamangkin ko, pinost niya sa FB, tapos nung umalis kami, sabi ko sa mga pinsan ko, iyong may mga baril diyan, ilabas niyo na kasi lalabanan natin ito. Ang mga p mga ISIS na ito.

    Sabi nila, sige, kumuha sila, lumabas sila, apat lang yata, kasali iyong armas ng tatay ko, nakipag—ayun lang, nilagyan ko na ng boundary, sabi ko huwag kayong maglagpas dito, kay papatayin ko kayo. Then nakipagbarilan na kami sa kanila iyong mga almost one hour. Then sabi ko, kung hindi ako maki-coordinate sa city government, malamang dalawa ang kalaban natin. Pulis, military, at saka itong mga ISIS.

    Pumunta po ako sa may City Hall, wala doon si Mayor, ay may pinuntahan, kumuha din ng mga puwersa sa mga barangay, iyong mga BFAP, natagpuan ko doon iyong tatay niya po. Sabi ko hiraman niya ako ng pwersa, kung may pulis dito o kaya iyong authority. Kung walang authority, ipaubaya niyo sa amin iyong mga baril dito. Naririnig niyo po ang putukan diyan sa may bandang ***, iyon ngang mga pinsan ko po.

    VP LENI: Malapit na malapit sa City Hall.

    ANUAR: Desidido po kaming makipagbarilan para lang hindi masira ang Marawi, iyon ang sinabi ko. Kahit mamatay kami doon, kahit ma-sacrifice kami, basta lang hindi masira ang Marawi.

    Walang nakinig sa akin kay wala doon si Mayor e hindi naman sila authority na magbigay sa akin ng authority.

    So, walang nangyari. Tumawag ako ulit sa mga kamag-anak ko doon, sabi ko magtigil lang po kayo diyan makipag-laban kasi wala tayong authority. Baka naman makalaban natin ang gobyerno, e mahal naman natin ang gobyerno kaya tayo makipaglaban dahil suportahan natin ang gobyerno. Iyon ang kuwan, huminto kami, sabi ko wait lang ang signal ko. Kung magsilayas tayo, magsilayas tayo.

    Noong mga sobra one hour walang nang nangyari, tumawag ako, umuwi na lang kayo, doon na lang kayo sa bahay mag-stay, tapos hintayin niyo ano ang gagawin ko, iyon ang sundin niyo. So lahat sila nakinig sa akin. Dumating si Mayor, hinintay ko ang kaniyang order, kung anong order niya. E hinintay din ang order ng brigade, hinintay din ang order ng mga pulis kung paanong gawin. So iyong mga ISIS na iyon, nagsi-alis po sa barangay namin, doon po pumunta sa sentro, doon sa may Banggolo, sa Poblacion.

    VP LENI: Doon na grabe iyong laban.

    ANUAR: Oo, doon na. Ang ginawa ko po, sabi ko i-ano na lang iyong mga tao, i-save ko na lang. Lahat ng mga tao, iyong dumadaan sa kalsada, wala, kahit na, makaiyak ka kung makita mo. Naka-wheelchair, naka-straight chair, may dextrose galing sa Amay Pakpak Medical Center. Iyak ako nang iyak noong that time na iyon kasi nahihirapan po ang mga tao. Iyong may malasakit po. Grabe. Kaya galit na galit ako sa mga ISIS, sa mga p ISIS na iyan. Kung sino man kayo, mga p ninyo, mga duwag kayo. Hindi ko kayo tatantanan, kung ako lang. Kahit makabalik tayo sa Marawi. Tinatawag niyo din akong kalaban, lalabanan ko kayo.

    Pangalawa po, iyong nangyari. Iyong mga na-trap po, mga Christian, mga Maranaw, tinulungan po iyan ng—tinulungan ko po, under sa city government, at saka sa provincial government, na pinamumunuan ni Bombit.

    VP LENI: At nabalitaan po namin, Councilor, na kahit talung-talo kayo sa armas, talagang lumulusob kayo sa mga alanganing lugar para lang ma-rescue iyong ating mga kababayan.

    ANUAR: Opo. Kahit pinagbabaril po ako, hindi po ako natatakot. Ni minsan, hindi po ako natakot. At saka iyong mga kasamahan ko, sila lang ang natatakot. Pero ako, hindi po ako natatakot. Marami po akong experience na grabe iyong pagkuha ko sa mga tao kasi barangay-to-barangay e. Ako man ang magsimula, kaya nga tinawag kami na Suicide Squad kasi magpakamatay kami doon maka-save lang kami.

    Ang pinagtataka ko lang, mga sister or brother, na iyong mga effort ko, parang sinasapawan ngayon e. So nagpapasalamat ako sa program man ni Vice President Leni Robredo, kasi parang na-voice out ko rin iyong feeling ko at saka iyong nagawa namin. Kasi parang noon lang e. Na-trending ako sa Facebook, iyong ginagawa ko so ngayon parang sinasapawan. Laging politika ito, o hindi ko alam.

    Marami po tayong nagagawa. Iyong ibang mga bagay diyan na konting, kahit aso lang na na-save, na trending na sa news. Kami na mga tao na 653 iyong grupo ko lang nakuha, wala. Hindi nababalita sa news, hindi kami kinakausap na anong kwan. ‘Di ba may mga award na mga bayani? Anuhin natin ang bayani kung patay tayo? Dapat may bayaning—mas mabuti iyong may bayaning buhay.

    VP LENI: Pero ito po, Councilor. Nagpapasalamat po kami sa iyo. Nagpapasalamat po kami sa iyo, nagpapasalamat po kami sa mga kasamahan niyo diyan po sa Suicide Squad. Napakarami na pong buhay ang inyong nasalba. Sana po, personal na makapagpasalamat kami sa inyong lahat.

    ELY: Okay, Councilor, salamat po sa inyong oras ha. Hanggang sa susunod po.

    VP LENI: Maraming maraming salamat po.

    ANUAR: Kay Vice President, na-meet niya po ako noong time na eleksyon diyan sa Marawi. Natulungan ko po siya, pakisabi na lang, iyong mga gaya namin na maraming na-i-contribute. Kahit na konting contribute sa Pilipinas. Mga Maranaw po kami.

    VP LENI: Councilor, si Vice President po itong kausap niyo. Kaya naririnig po kita, salamat po nang napakarami, hindi lang po sa tulong niyo sa akin, pero sa tulong po sa ating mga kababayan. Pagbalik po namin sa Marawi, sana po magkausap tayo. Maraming salamat po.

    [GAP 3]

    VP LENI: Mayroon po siyang levoscoliosis. Actually ito, Ka Ely, natulungan ng DSWD, tinutulungan ngayon ng opisina namin pero baka po puwedeng magbigay siya ng mas maraming detalye kasi palagay po natin kailangan niya ng espesyalista. Gusto sana natin siyang tulungan na makapunta po dito sa Manila para matingnan siya. Mayroon pang iba, Ka Ely, na ano naman, nakapagpadala na din tayo ng sagot. Eto si Vida Palacio, tinatanong niya, may suggestion siya, Ka Ely, kung puwede daw i-discuss din natin sa isa nating episode iyong batas tungkol sa Continuing Professional Development na nire-require daw po ito sa mga professionals. Kaya siguro, Ka Ely, one of these days, maimbitahan natin representative ng PRC, iyong Professional Regulatory Commission, para i-discuss ito sa atin. Iyong regular na texter din natin, Ka Ely, iyong barangay kagawad Jose Menggito ng Bulacan. Kung naalala mo Ka Ely, parati siya sa atin nagte-text, binigyan natin siya ng update at iyong update natin parang tinake up niya sa isang barangay council meeting, mayroon siyang mga panibagong update, Ka Ely. Iyong una, kaya daw hindi natuloy iyong proyekto dahil hindi pala nakapagbigay ng counterpart budget iyong kanilang municipal government. May tinatanong din siya, Ka Ely, ang isa daw na binigay na dahilan kung bakit hindi natuloy iyong proyekto doon sa kanila sa Bohol, na-disapprove daw ito ng Mines and Geosciences Bureau, iyong MGB, dahil malambot daw masyado iyong lupa. Kaya ito pangako po natin kay kagawad, itatanong po natin sa MGB kung totoo po itong sinasabi kasi sabi niya, Ka Ely, hindi daw siya naniniwala na ito talaga iyong tunay na dahilan kaya itatanong po namin para sa iyo, Kagawad. Iyong iba, Ka Ely, nasagot na din natin direkta sa kanila.

    ELY: Opo. Okay so siguro iyong ngayong umaga naman at may nag-text at siguro basahin ko na rin ito. “Good morning po, VP Leni. Isa po akong dating OFW at nabiktima rin po ng karahasan sa Malaysia at ngayon po ay hindi na ako makapag-apply nang maayos na trabaho kasi overaged na po ako kaya nahihirapan na akong mag-apply. Sa iyo ako ngayon lumalapit kasi alam kong matutulungan niyo po ako. Josephine Magbanua.”

    VP LENI: Sige po.

    ELY: Taga-Bongabong, Oriental Mindoro.

    VP LENI: Kunin ko po iyong numero niyo. Tatawagan po kayo ng aming opisina para po mapag-usapan natin kung anong klaseng tulong iyong puwedeng mabigay sa inyo.

    ELY: Okay so marami po ‘no ang mga kababayan natin na mga nagte-text din. At ito pa: “Good AM po, Madam Vice President. Gusto ko lang pong humingi ng tulong sa inyo para sa aking kapatid na nagkaroon po ng depresyon halos baliw na po ito. Gusto ko po siyang maipagamot ngunit wala po akong magawa dahil ako po ay dalawang taon nang bulag. Please help me. Gilian ng Camarines Sur.”

    VP LENI: O, Camarines Sur. Sige papuntahan natin kasi alam mo, Ka Ely, itong depression, madali siyang magamot basta nakakainom ng gamot. Hindi siya—alam mo paminsan, nawawalan ng pag-asa iyong ating mga kababayan na may kamag-anak na nagkakaroon ng depresyon. Pero ito dramatic, Ka Ely, iyong pagpalit ng ugali at pagtingin sa buhay kapag nakakapag-inom na ng gamot.

    ELY: Okay so napakarami pa ho tayong text pero sa mga susunod ho natin na palatuntunan, at iyan po dito ho ay agad naman kayong kino-contact ng tanggapan ng Bise Presidente at ulitin natin, lahat po may limitasyon pero lahat po ng pupuwedeng itulong e gagawin po ng tanggapan ng Bise Presidente.

    [BREAK]

    ELY: Ang ating Istorya ng Pag-asa.

    VP LENI: Ayan, mapalad tayo, Ka Ely, kasama po natin ngayon, Karissa Geronimo. Siya po iyong head ng iVolunteer Solutions Team. Ito napakaganda nitong iVolunteer, Ka Ely. Ngayon ngayon ko lang ito nalaman, iyong existence ng grupong iyon. Pero iyong kanilang tema kasi, Ka Ely, iyong kanilang parang motto, hikayatin iyong bawat Pilipinong mag-volunteer towards nation-building. Ito, Ka Ely, napakagandang mottong sinusulong kasi marami tayong kababayan na kapag may kalungkutan na pinagdadaanan, parang kasalanan ng lahat. Kaya ito, parang sinasabi ng iVolunteer Solutions Team na lahat tayo may obligasyon na tumulong para ayusin iyong ating bansa. Kaya ito, mag-good morning muna tayo. Mag-good morning tayo kay Karissa Geronimo. Magandang umaga, Karissa.

    KARISSA: Magandang umaga po, Ma’am.

    ELY: Okay, good morning.

    VP LENI: Ito, Karissa, siguro bigyan niyo lang kami ng ideya kailan nag-umpisa iyong iVolunteer at ano talaga iyong pinakadahilan kung bakit siya binuo.

    KARISSA: Nag-umpisa po siya, 2009. Dalawang lalaki po *** at iyong ibang founders ng iVolunteer. At ang nag-trigger sa kanila ay iyong experience nila sa Ondoy.

    VP LENI: So nangyari ito pagkatapos ng Ondoy?

    KARISSA: Opo. So ang na-observe po nila is maraming gustong tumulong.

    VP LENI: Pero hindi lang alam paano?

    KARISSA: Oo or alam nila kung saan pupunta kasi pinupuntahan nila iyong mainstream like DSWD, Red Cross, pero ‘pag dating nila doon, tinataboy na sila kasi overflowing na ang mga volunteers. Pero alam naman natin sa community-level or iyong mga ibang grassroots na organization, kailangan nila ng tulong. So, naisip nila, may magagawa tayo sa problema na ito. IT kasi iyong background nila so puwede tayong magsimula sa isang website, na ang gagawin lang natin i-a-address iyong gap na iyon, na ipagsama-sama natin.

    VP LENI: Kung may kailangan ng tulong, may gustong tumulong, paano magkakahanapan iyong dalawa.

    KARISSA: Oo. Match-making kumbaga. Ng volunteers at ng mga causes na kailangan ng tulong. But then, eventually na-realize nila at na-realize noong mga miyembro ng organization na it’s more than just a website.

    VP LENI: So nag-umpisa siya website?

    KARISSA: Yes po and base siya doon sa skills nugn founders.

    VP LENI: Pero ito, Karissa, iyong website ba parang nakalagay kung ano iyong mga tulong na kailangan, ganoon ba iyon?

    KARISSA: Para siyang bulletin board lumalabas.

    VP LENI: Okay. Tapos kung ako gustong tumulong, magla-log-in ako sa website, titingnan ko ano ba iyong mga available na tutulungan at ano iyong gusto kong kunin na cause.

    KARISSA: Opo. Depende sa skills mo kasi may mga kanya-kanya tayong ano e, kagalingan, ‘di ba? Kung mahilig ka na makipagsalamuha sa mga bata or magturo, mayroong mga tutorials. Kung hindi ka naman para doon, gusto mo nasa environment ka or recycling, mayroon din pong mga causes. So ang trabaho po talaga ni iVolunteer is maging tulay between volunteers at mga causes.

    VP LENI: Pero ito, halimbawa ako, dati wala naman akong, hindi ako kasali sa kahit anong grupo pero gusto ko talagang tumulong, ‘pag pumasok ba ako sa website, puwede kaagad akong i-match o mayroong mga requirements na kailangan kong parang sundin bago ako i-match sa isang advocacy?

    KARISSA: So naiintindihan po namin na lahat tayo gusto natin magsimula somewhere, right? So ang advocacy po namin is kailangan very easy, very accessible, very low barrier. So karamihan po doon sa volunteer opportunities sa website, oras lang ang kailangan. May makikita po kayo doon, mga isa o dalawang oras tuwing Saturday.

    VP LENI: Nakalagay kung ilang oras?

    KARISSA: Yes po.

    VP LENI: Oh, ganda.

    KARISSA: Tapos kung may free time ka, puwede kang pumunta. Mag-MRT ka lang papunta sa Quezon Ave., ‘di ba? Tapos tulungan mo si Mang *** na mag-feeding, mag-soup kitchen na siya lang din iyong nag-ano—hindi ito NGO, ha? Isang grupo lang siya.

    VP LENI: Paano niyo nahahanap iyong mga grupong ganito?

    KARISSA: A lot of them are by word of mouth or referrals. But may team po kami na iyon lang ang ginagawa nila—maghanap po ng mga organizations or mga grupo ng individuals na mayroong program para sa communities.

    VP LENI: Tapos kailangan niya lang ng extra hand.

    KARISSA: Yes po. Other than that, mayroon din po kaming mga volunteers din within iVolunteers. Iyong na-mention ko kanina, volunteers din po iyon e, within iVolunteers, parang kami iyong back office. And the whole team of iVolunteers, lahat po kami volunteers. May day jobs kami so it’s a testament na may magagawa ka from anywhere.

    VP LENI: Gustong sabihin, hindi ka full-time dito. Mayroon kayong ibang trabaho pero nagvo-volunteer kayo for this advocacy.

    KARISSA: Opo para ma-run iyong organization—para ma-promote ang volunteerism.

    VP LENI: Ang galing ah.

    KARISSA: So it’s an organization with solutions created by volunteers, for volunteers.

    VP LENI: Oo, for volunteers. Kaya ito kahit sino puwedeng mag-log-on sa website?

    KARISSA: May mga volunteers po kami na pamilya, iyong mga anak nila, *** may mga matatanda din po na nagvo-volunteer through the website.

    VP LENI: Ito it doesn’t matter kung isa ka lang o puwede ding grupo kayo, tinatanggap niyo?

    KARISSA: Opo. Kasi ano nga, ang kailangan lang po talaga, gusto rin po naming i-advocate na it only takes one person to change, to start change. So a lot actually of our volunteers are solo volunteers, right? May mga pinanggagalingan din na mga sariling experiences. Mayroong iba gustong mag-explore ng ibang options, outside of work. Or may iba rin baka gusto mag-date. Magvolunteer sila para mag-date, o ‘di ba? Or kung nag-iisip ka kung anong gagawin mo this weekend, imbes na manood ng sine, ask your friends out to go volunteer as well. Anyway, it’s just one or two hours, right?

    VP LENI: Pero ang galing ng naka-isip nito, Karissa, kasi kahit sa Angat Buhay, Ka Ely, iyong isang realization namin ngayon, napakarami naman talagang gustong tumulong, hindi lang alam kung saan pupunta, hindi alam kung paano. Kaya kung nagbibigay ka ng pagkakataon na magsasabi ka, “Ito iyong kailangan, ganitong oras iyong puwede mong ilaan.” Napakadali para doon sa—sa isang banda madali para sa gustong tumulong. Sa kabilang banda naman, napaka-beneficial doon sa mga nangangailangan ng tulong.

    KARISSA: Opo. Minsan ang kailangan lang kunwari ng mga kids na nagpupunta sa tutorial, kailangan lang nila ng kausap, who will tell them stories and then ma-expose sila sa iba’t ibang klase ng mga tao na “Puwede pala akong maging ganito. Kasi iyong nagturo sa akin noong isang Saturday…”

    VP LENI: Pero ito ang nagwa-wonder lang ako, wala namang particular na lugar na—iba-iba? Wala kayong parang headquarters o na ‘pag ganito na nangangailangan ng tulong, dito gagawin? Walang ganoon?

    KARISSA: Ang role po ni iVolunteer is maghanap ng organizations at itong mga organizations, sila iyong nagpo-post sa website. Sila iyong nagke-create ng volunteer opportunities.

    VP LENI: So parang portal lang na doon magkikita-kita iyong nangangailangan saka gustong tumulong.

    KARISSA: Opo.

    VP LENI: Pero ito, limited ba kayo sa Metro Manila?

    KARISSA: Greater Metro Manila but with strategic partnerships tulad ng sa Gawad Kalinga na may mga builds all over the country.

    VP LENI: So nilalagay niyo rin, saan iyong opportunities na gusto mong gumawa ng mga bahay.

    KARISSA: Opo. Ginagawa po iyon ni Gawad Kalinga. Ino-open up din nila iyon, pinopost nila sa website ng iVolunteer.

    VP LENI: So sa mga nakikinig sa atin ngayon, kasi ang dami nating listeners na mga young people na, itong mga kabataan na ito, iyong experience namin, maaasahan e. Ang dami-daming gustong mag-volunteer. Nagkakaroon kami, Ka Ely, monthly ng Metro Laylayan. Ito iyong pagpupunta namin sa pinakamahihirap na lugar dito sa Metro Manila, marami kaming volunteers na mga kabataan. Kaya siguro baka puwedeng mag-partner iyong opisina namin at saka iVolunteer para parang pagtagpuin iyong mga nangangailangan saka gustong tumulong.

    ELY: Okay baka may mga puwede ka pa—imbitahan nating iyong ating mga listeners.

    VP LENI: Saan sila pupunta, anong site.

    KARISSA: Okay. Visit lang po nila iyong website namin: ivolunteer.com.ph. Isa pa pong form of volunteerism that we’re inviting everyone to is on October 22, mayroon po kaming fun run.

    VP LENI: Okay. October 22.

    KARISSA: October 22 po sa Circuit Grounds ng Makati. You can choose kung what to run for. So that’s another form of volunteerism.

    VP LENI: Ang galing ha. Iba-ibang causes?

    KARISSA: Yes. You can run for education and then part of the proceeds will go to the organizations participating in that event. Pumunta po kayo sa BayaniRun. ‘Pag punta niyo po sa website, makikita niyo po siya, nasa top po siya noong choices. Register po sila. Run for a cause on October 22. Among other volunteer opportunities that are available po.

    VP LENI: Ayun, nakikinig po sa atin na interesadong tumulong ay iyong pinakamalapit na puwedeng pagparticipate-an nila iyong BayaniRun, Circuit Grounds ito sa Makati. October 22. Anong oras ito?

    KARISSA: 4 AM.

    VP LENI: 4 AM, kayang-kaya iyan. 4 AM, Sunday. Ito ang kagandahan, hindi siya for one particular cause lang. Iba-ibang causes iyong available. Ikaw iyong pipili kung ano iyong tatakbuhin—para sa ano iyong tatakbuhan mo.

    KARISSA: Also, invite your friends to pledge for your run. Puwede rin. Kung may mga kaibigan kayo overseas.

    VP LENI: Iyong mga hindi makakatakbo pero ikaw iyong tatakbo para sa kanila .

    KARISSA: Tama, tama.

    ELY: Okay so, Ma’am Karissa.

    VP LENI: Ano lang siguro, Ka Ely, isang ano na lang, baka tanungin ulit natin si Karissa, ulitin mi lang ulit ano iyong website na pupuntahan nila.

    KARISSA: Punta po sila sa www.ivolunteer.com.ph. Puntahan rin niyo po kami sa Facebook iVolunteer Philippines. Mayroon din po kaming Twitter at Instagram.

    VP LENI: Okay. Kaya Ka Ely si Karissa iyong inimbitahan natin ngayon kasi iyong tema natin National Heroes Day. Ito iyong fine-feature natin, iyong mga bayaning hindi nagpapakilala.

    ELY: At ang mga Pilipino, likas na sa atin iyang mga, iyong bayanihan e. Noon pang araw, ‘no so okay, Ma’am Karissa, salamat po sa inyong oras ha.

    VP LENI: Maraming salamat, Karissa. Maraming salamat sa buong team ng iVolunteer.

    KARISSA: Makakarating po.

    ELY: Salamat po. Bago po tayo magtapos, ito ihabol ko lang ito, naka-ilang text po ito, Ma’am. Ito, Vice President, ito nakikiusap po dalawin niyo raw po sila sa Casiguran, Aurora.

    VP LENI: Oo kasi alam mo Ka Ely, noong nasa Saligan pa ako, noong hindi pa ako politiko at ako ay human rights lawyer, area ng opisina namin iyong Casiguran, Ka Ely, at ilang beses akong gustong sumama pero ang problema, Ka Ely, ako kasi na-assign ako sa Bicol area. Iyong pumupunta sa Casiguran iyong mga ka-opisina kong mga nandito sa Manila. Pero nag-usap-usap kami na kung pupunta sila sa susunod, sasama ako. Kaya iyon po, hindi imposible na sa lalong madaling panahon, makakapagbisita din po ako sa inyo.

    ELY: Okay, ayan po, iyong texter natin si Jude Espinosa. Okay so samantala, bago tayo magtapos, at marami pa tayong mga babatiin. Binabati natin siyempre iyong ating kasamahan sa OVP, si JoPaulo Espiritu. Happy birthday!

    VP LENI: Oo. Actually, Ka Ely, tatlo silang may kaarawan. Si JoPau, si Mara, saka si Macky. Ayan, sabay-sabay kaya naghihintay tayo ng libre nila, Ka Ely.

    ELY: Tumakas, Ma’am. Wala ngayon.

    VP LENI: Oo, tumakas. Hindi sa atin nagpakita pero, Ka Ely, ano lang, special mention lang natin iyong mga kababayan natin na nasa ibang bansa na kasama natin ngayong umaga, na nakikinig. Mayroong taga-Florida, taga-Florence, Kentucky, mayroon ding taga-HongKong. Sana okay lang sila kasi ang lakas ng bagyo dun, Ka Ely, signal number 10. Nakita natin iyong mga video sa Facebook, sana po okay kayo diyan. Mayroon din taga-Toronto, Canada, New Jersey, Ontario, at dito sa Pilipinas. Ito, Ka Ely, parang first time ko itong nakitang kasama natin ngayong umaga, taga-Mountain Province. Ito, iyong iba nakakasama na natin, iyong iba’t-ibang lugar pero ngayong umaga mayroong taga-Mountain Province kaya magandang magandang umaga po sa inyo. Maraming salamat sa pagsama po sa amin ni Ka Ely ngayong umaga. Tapos Ka Ely bago lang tayo magpaalam, alam ko magse-celebrate ng 65th anniversary iyong RMN.

    ELY: Opo.

    VP LENI: Kaya happy anniversary, RMN.

    ELY: Okay so happy anniversary sa lahat po ng pamilya at bumubuo po ng RMN Radio Mindanao Network na ito pong himpilan nagsimula diyan po sa Cagayan de Oro na kung saan ay napapakinggang tayo diyan po sa RMN CDO.

    VP LENI: Ayun. Happy anniversary, RMN.

    ELY: At siyempre, batiin na rin natin ang ating mga bossing, sina Sir Eric Canoy, Rico Canoy, at Ma’am Inday Canoy.

    VP LENI: 65 years, Ka Ely. Hindi biro.

    ELY: Opo, Canoy family. Okay so maraming salamat mga kasama at hanggang sa susunod na linggo dito po sa BISErbisyong LENI, mga kasama.

    – 30-

    Posted in Transcripts on Aug 26, 2017