This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI – Episode 15

    20 August 2017

    ELY: Magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas, at Mindanao! Ngayon po ay araw ng Linggo, August 20, 2017. Magandang umaga sa RMN Naga-DWNX 91.1, RMN Cebu-DYHP 612, RMN Cagayan de Oro-DXCC 828, RMN Davao-DXDC 621. At sa lahat po ng inaabot ng aming broadcast sa pamamagitan po ng “RMN News Nationwide: The Sound of the Nation” sa Facebook, at ang “VP Leni Robredo.” Mapapanood at mapapakinggan kami, saan man kayo naroon sa iba’t ibang panig ng mundo.

    Ako po si Ely Saludar at kasama natin sa ating studio ang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si Vice President Leni Robredo. Ma’am, good morning po sa inyo!

    VP LENI: Good morning, Ka Ely. Good morning po sa lahat ng nakikinig sa atin ngayong umaga. Sa atin pong mga tagapakinig na mga Bicolano, marhay na aga sa indo gabos. Sa atin pong mga kasama na taga-Visayas at Mindanao, maayong buntag sa inyong tanan.

    ELY: Good morning sa lahat po ng ating mga kababayan. Napakarami ho ng mga kaganapan. Pero, Ma’am, alam ho natin na isa po sa mga, sabihin natin na, trahedya na dumating po sa inyong buhay ay August 18, 2012.

    VP LENI: Noong Biyernes, nag-celebrate—commemorate—na kami ng panlima… Napakabilis ng panahon, Ka Ely, pero panlimang taon mula noong pumanaw iyong asawa ko.

    ELY: Kayo po ay nagtungo sa Naga. Ano pong mga pinakatampok po na ginawa niyo pong aktibidad kaugnay po ng paggunita ng pagkamatay po ng inyong asawa?

    VP LENI: Ito, Ka Ely, mula talaga noong Lunes, halos lahat talaga ng okasyon na pinuntahan ko, paggunita na sa kaniyang pagpanaw. Noong Lunes, Ka Ely, nandoon ako sa Marikina Elementary School, at parang kinommemorate talaga nila iyong kuwento—iyong pagkabuhay, iyong kuwento ng leadership ng aking asawa. Nagkaroon ng sabay-sabay na storytelling sessions. Mapalad tayo na naimbitahan tayo—naimbita tayo ni Mayor, naimbita tayo ng mga city officials. Tapos noong Miyerkules, pumunta ako sa Floridablanca sa Pampanga. Mayroon din silang selebrasyon ng paggunita ng pagkabuhay at pagkamatay ng asawa ko. At mayroon din kaming binuksan sa Floridablanca New Settlement Elementary School, mayroon tayong inilagay na library courtesy of AHON Foundation.

    Pero iyong isang highlight kasi sa opisina namin ngayon linggo, noong Martes nagkaroon ng Angat Buhay Youth summit. Ito, Ka Ely, napaka-inspiring. Nag-attend ako, closing program na, pero may 50 youth organizations all over the Philippines na parang nag-pitch sila ng kanilang mga proyekto. Noong closing program, nag-award ng 10. Iyong 10 mayroong pondo na ibinigay sa kanila para simulan nila iyong kanilang mga proyektong naisipan, pero iyong grand prize winner, magko-compete din sa South Korea. Pero noong Miyerkules ng gabi—Miyerkules na hapon pala, Ka Ely—pumunta ako sa Don Bosco. Pumunta ako sa Don Bosco, naimbitahan ako ng student leaders’ assembly nila. Ito, napakaraming estudyante. Ang Don Bosco pala, maraming branches na. Nandoon iyong lahat ng kaniyang student leaders. Pero noong Miyerkules ng gabi, umuwi ako sa amin sa Naga. Tatlong araw ako doon—Huwebes, Biyernes, Sabado, dahil marami talagang okasyon na iko-commemorate nga iyong death anniversary ng asawa ko.

    Halimbawa, noong Huwebes, pagdating na pagdating ko, umattend ako ng national assessment noong Partnerships against Hunger and Poverty, iyong convergence program ng DAR, DA, saka DSWD. Pilot kasi kami, Ka Ely, noong sinimulan ito, na inaalagaan namin iyong pinakamahihirap na magsasaka at tinutulungan sila na sila iyong magsusupply ng pangangailangan ng mga feeding programs natin.

    Napaka-inspiring noong assessment kasi nakita namin na dramatic iyong pagtaas ng income ng aming mga farmers. At dahil naging successful doon sa amin, parang gagawin na siyang national program ng DAR, DA, at DSWD. Ang sabi ni USec. Bistoyong ng DAR doon, i-e-expand na daw iyong operation sa 14 provinces. Pagkatapos noon, Ka Ely, mayroon kaming mga feeding programs.

    Pero iyong pinaka-highlight talaga, noong 18, noong Biyernes. Pagkatapos noong misa sa sementeryo para sa asawa ko, binuksan iyong isa sa pinakamalaki na museum dito sa Pilipinas. Iyon iyong Jesse Robredo Museum. Ang magpapatakbo nito, ang nagpatayo, iyong National Historical Commission of the Philippines. Ito, Ka Ely, sinimulan iyong plano 2012 pa. Dahan-dahan at natapos din, kaya nakahabol siya sa fifth death anniversary.

    Napakaganda ng museum, Ka Ely. Hindi lang siya museum tungkol sa buhay at mga aral ng asawa ko, pero magiging center of good governance na siya, kung saan iyong mag naglalakbay-aral na local officials natin, mayroon na talagang resource center na pupuntahan. Kasi napakaraming bisita ng Naga, pinag-aaralan talaga iyong mga programa ng Naga.

    Pagka-hapon noong Biyernes, nagkaroon kami ng launching ng Istorya ng Pag-asa. Ito, napakaganda din. May bagong bukas na mall sa Naga, iyong Robinsons, at doon ginawa ang launching ng Istorya ng Pag-asa. Mayroon kaming ifineature na 22 na mga kuwento ng mga istorya ng pag-asa ng mga ordinaryong tao na gumawa ng ekstraordinaryong mga bagay.

    Pagkatapos noon, sunud-sunod iyong okasyon para sa asawa ko. Mayroon na parang Bicol Athletic Association ng mga universities at mga colleges sa Naga, na iyong pinakaprograma nila, parang nagbigay ng tsinelas para sa mahihirap. At inimbitahan nila ako sa okasyon, paggunita din ng death anniversary ng asawa ko.

    Mayroon din doon iyong MCLE, iyong pag-aaral ng mga abugado, iyong continuing legal education ng mga abugado, imbitado din tayo doon.

    Tapos masaya kahapon, Ka Ely. Mayroong “Freedom Cycle.” Ang tawag doon sa programa, “Freedom Cycle: Pedal Like Jesse,” na ang pinaka-sponsor nito iyong FNF, isang German na foundation na nandito sa Pilipinas, in cooperation with the city government of Naga. Maagang maaga, nagbisikleta kami, 28 kilometers, binisikleta namin. Bilang paggunita din sa buhay ng aking asawa. Kaya nagpapasalamat tayo.

    Iyong DepEd mayroon din siyang culminating activity para sa Brigada Eskwela, pinuntahan din natin iyon. At mayroong Jollibee party, nagpa-Jollibee party tayo sa mga mahihirap na kabataan doon sa amin.

    Kaya medyo busy, Ka Ely. Nagbiyahe kami kagabi. Ngayong umaga lang kami dumating.

    ELY: So nag-ano…

    VP LENI: Nag-bus kami kasi medyo marami-rami kasi… Oo, wala pang tulog.

    ELY: Pagdating niyo kaninang umaga, nabalitaan namin na agad-agad kayong bumisita dito sa burol ni Kian. Ito po iyong menor de edad, 17 anyos at Grade 11 student po ito, menor de edad. Iyon po iyong sinasabing naging biktima ng pag-abuso, kung pagbabasehan po natin iyong mga testigo at iyong CCTV na nakuha.

    So, Ma’am, ano po iyong naging pagtingin niyo kanina pagdalaw niyo po dito sa burol ni Kian? Nakausap niyo po iyong tatay ni Kian delos Santos…

    VP LENI: Ito, Ka Ely, nangyari kasi iyong nakakalungkot na pangyayari, nasa Naga ako. Kaya kanina, madaling araw kami dumating, pasado alas-kuwatro ng umaga, may kasama akong abugado. Binisita natin iyong pamilya. Tiningnan lang natin kung ano iyong pangangailangan.

    Nandoon iyong tatay, nandoon iyong nanay, nandoon iyong tiyuhin, nandoon iyong kapatid. Binisita natin—

    Alam mo ito, Ka Ely, parang napaka-personal sa akin, kasi ka-edad niya iyong bunso ko. Kaya kapag nangyayari ito sa ganiyan, maiisip mo na kung nangyari sa kaniya, puwedeng mangyari sa mga anak natin.

    Kinumusta lang natin. Pero parang nakakadurog ng puso noong nagkukuwento iyong mga magulang, kung gaano kabait na bata itong si Kian. Kasi alam mo, Ka Ely, napakaliit lang ng bahay nila. Ito palang si Kian, pang-hapon, nagha-high school siya doon sa Lourdes. Pumapasok yata siya ala-una ng hapon, umuuwi ng alas-siyete ng gabi. Pero gumigising siya ng alas-sais ng umaga para magbukas at magbantay ng kanilang tindahan. Siya iyong nagbabantay ng tindahan, kasi sila lang mag-aama iyong nandoon.

    Magbubukas siya ng alas-sais. ‘Pag alas-onse y media ng umaga, maliligo na siya, papalitan siya ng kaniyang tatay, papasok na sa eskuwela. Pag-uwi ng gabi, tutulong ulit siya magsara ng tindahan.

    Ganoon iyong routine nila, Ka Ely. Talagang nagtutulungan. Nandoon iyong kanilang mga kapitbahay, lahat nagsasabi na napakabait na bata nito ni Kian, matulungin sa magulang. Nakausap ko din, Ka Ely— Kaya iyak nang iyak iyong tatay, kasi iyon talaga iyong naaasahan niya, iyon iyong katuwang.

    Nakausap ko din iyong nanay. Nagkukuwento iyong nanay na noong Martes ng gabi, nakausap niya pa sa telepono itong si Kian. Nagsabi daw nga na kung mayroon siyang extra na pera, kung puwede siyang makahingi ng dagdag na 1,500 pesos, kasi may bibilhin daw siya na parang second-hand na bisikleta. Kasi nga gabi na umuuwi galing sa eskuwela. Naglalakad lang siya parati. Karamihan yata sa mga kaklase niya nakabisikleta. Gusto din ni Kian na magkaroon siya ng bisikleta. Nangako daw iyong nanay na sa a-25 magpapadala, pagsuweldo, magpapadala ng pambili ng bisikleta. Kaya iyak nang iyak iyong nanay kasi— Alam mo, kapag ganito, Ka Ely… Ako, naramdaman ko kung papa’no mawalan ng mahal sa buhay. Napakahirap talaga, parang pinapatay ka din. Pero hindi ko, Ka Ely, ma-imagine na— Mahirap nang mawalan ng asawa, pero sigurado ako mas mahirap mawalan ng anak. Kasi ito, iniluwal mo, ikaw iyong nag-asikaso. Tapos nakakaawa kasi pareho iyong tatay saka iyong nanay, parang bine-blame iyong sarili nila.

    Sabi noong tatay… Kasi noong gabi palang iyon, Ka Ely, iniwan si Kian doon pagkasara nila ng tindahan, kasi naghahanap ng mauutangan iyong tatay. Wala na daw yatang chitchirya. Kasi iyong mga binebenta nila, Ka Ely, mga school supplies, mga candy, saka chitchirya. Iyong supply yata nila ng chitchirya, wala na. Tapos matagal pa magpapadala iyong asawa, kaya sabi nila mangungutang muna. Kaya sabi noong tatay, “Kung hindi siguro ako lumabas para mangutang, hindi siguro iyon nangyari.”

    Sabi naman noong nanay, “Kung hindi siguro ako lumabas ng bansa, hindi ito mangyayari.”

    Nakakaawa, Ka Ely, kasi makikita mo, isa itong ordinaryong pamilya, katulad ng bawat pamilyang Pilipino na talagang naghihikahos na pagdaan iyong lahat na kahirapan mapag-aral lang iyong mga anak.

    Tinuro sa amin kung saan na tindahan tumatambay si Kian noong kinuha noong mga pulis. Nandoon lang sa kanto ng bahay nila. Tinuro kung saan binaril. Pinuntahan namin iyong lugar. Halos hindi mo maisip kung bakit dadalhin doon, na iyong barangay hall— Iyong barangay hall, napakalapit. Bakit hindi… Kung manghuhuli, bakit hindi sa barangay hall dadalhin? Bakit doon sa madilim na lugar?

    Pero anyway, Ka Ely, sabi naman namin, kung anong desisyon nila, at kung anong tulong na puwede naming igawad, tutulong tayo. Naiintindihan natin, Ka Ely, talagang matindi iyong paghihinagpis ng mga magulang, at hindi naiintindihan kung bakit kailangang mangyari iyon sa anak nila.

    ELY: Kasi iyong pamamaraan po ng pagpatay. Iyon po iyong matindi doon.

    VP LENI: Saka marami, Ka Ely, na nakapanood. Kasi noong ginagaludgod siya, mayroong basketball game yata doon sa basketball court na dinaanan. So maraming nakakita.

    Nakakalungkot. Nakakalungkot ito. Ngayon, Ka Ely, may mukha ito, itong si Kian. Parang sumasagi sa isip natin, ilan na ba iyong Kian na dumaan? Ilan pa ba iyong Kian na mangyayari?

    Kaya tayo naman, kapag ganito, Ka Ely, tingin ko obligasyon natin ipahayag iyong ating pagkamuhi sa ganitong klaseng pangyayari.

    ELY: Kasi may nangyari nang ganito sa Maynila. Sa Tondo yata. Na isa ring scholar. Pero walang CCTV. Pero dito po, talagang mayroong makapagpapatunay, at iyong CCTV, hindi naman po siguro ito gawa-gawa. At kung mapatunayan talaga na siya mismo iyong batang iyon—

    Kasi ngayon, Ma’am, may anggulo na sinasabi ng mga pulis na hindi iyon si Kian, eh.

    VP LENI: Mukhang imposible, Ka Ely, na hindi iyon si Kian, kasi iyong sinabi ng tatay na pagdating niya, naabutan niya pa doon sa kung saan binaril, at nakasubsob iyong mukha sa putik. Ipinakita, Ka Ely—at nagsindi nga kami ng kandila kanina—iyong mga tama ng baril nandoon pa.

    ELY: Saka iyong sinasabi nga na kung talagang… sabihin natin na mayroong baril na dala iyong bata, pero kung lupaypay na at hawak na nila, siguro nadisarmahan na iyon.

    VP LENI: Saka ano, Ka Ely, siguro iyong kuwento nila, hindi tugma doon sa nakita natin sa CCTV. At iyong kuwento din ng mga kapitbahay, mukhang talagang imposible iyong sinasabi ng mga pulis na pangyayari.

    Pero ito, Ka Ely, iyong atin lang ninanais, sana magkaroon naman ng independent na imbestigasyon, kasi lalong— Alam mo iyon? Kapag hindi kampante iyong magulang sa klase ng imbestigasyon, hindi nabibigyan ng parang closure iyong kaso, at baka patuloy na nangyayari iyong ganitong nangyari kay Kian.

    ELY: At alam naman natin na kayo ay matagal na naging human rights lawyer.

    VP LENI: Matagal po…

    ELY: At maraming pong iba’t ibang kaso na hinawakan at tinulungan. So dito po, nag-offer po kayo kung anumang pagtulong sa usaping legal?

    VP LENI: Oo…

    ELY: Nabanggit niyo po iyong FLAG din.

    VP LENI: Kasama natin, Ka Ely, si Atty. Diokno ng FLAG, at ni-link na natin sila sa opisina. Actually, sabi ng mga magulang na kahapon, may nakausap na din sila na FLAG lawyer. Desidido iyong mga magulang magkaso talaga. ELY: Marami na ring offer sa iba’t ibang sektor dito sa pamilya ni Kian. Importante po dito siguro ay mismong ang pamunuan ng Philippine National Police ay ipakita po nila sa taumbayan na hindi po nila kinukunsinti iyong anumang pag-abuso.

    Lahat naman po tayo ay umaayon sa kampanya laban po sa ilegal na droga…

    VP LENI: Oo naman, Ka Ely…

    ELY: Pero…

    VP LENI: Iyong pamamaraan.

    ELY: Iyon. Iyong pamamaraan, at walang pang-aabuso.

    VP LENI: Tayo naman, Ka Ely, sang-ayon naman tayo na malaki talaga iyong suliranin sa ilegal na droga, pero baka iyong pamamaraan, mayroon namang mas mabuti, na hindi iyong karapatang pantao na iyong nakasalalay, iyong mga inosente nabibiktima.

    Kaya tingin ko nararapat lamang na kapag may mga pang-aabuso na ganito, talagang tayo ay tumulong, para hindi na maulit pa sa darating na panahon.

    ELY: Opo… Okay, so ayan ho, mga kasama. Lahat siguro iyong mga testigo ho diyan, huwag kayong matatakot at kung ano iyong katotohanan ay ilabas po. Pero mayroon na daw pong nakakatanggap ng pagbabanta. Ano ho kaya iyong puwedeng ditong gawin? Kasi madalas po iyong sinasabi, kapag iyong inaakusahan ay pulis, iyong mga testigo, talagang kapag tumatagal, kalaunan, umaatras po.

    VP LENI: Totoo. Kaninang nandoon tayo, marami tayong kuwento na nasagap. Kasi iyong lugar, Ka Ely, madilim na madilim iyon, pero maraming kabahayan, kaya maraming kuwento doon sa nangyari noong gabi. Pero iyong hinihingi nila para sa mga testigo, proteksyon, kasi natatakot. Natatakot iyong mga testigo kasi may pasabi na raw na pananakot.

    Sa atin naman, kung anong makakaya natin para bigyan naman sila ng proteksyon, gagawin natin.

    ELY: Okay po. Ayan po, mga kasama, ang isyung iyan. At siguro lahat po tayo ay sumubaybay sa kalalabasan ng imbestigasyon, kung mapapanagot po ba iyong mga responsable dito po sa krimeng ito, at magkaroon po ng hustisya.

    [music break]

    ELY: Okay, oras na natin, 9:25 ng umaga. Habang hinihintay natin iyong makakausap natin sa telepono… Ma’am, siguro maikuwento ko lang ho. Kasi may lumabas na survey. Ang survey mismo ay ang gumawa, ito pong si Assistant Secretary Mocha Uson, at ang sabi, sino ba ang gusto niyong ilagay sa DSWD?

    Alam naman po natin na marami tayong mga kababayang mahilig sa social media. Lumabas po dito na kayo ay nakakuha ng 78 percent…

    Ang tanong dito: Sino ang gusto niyong ilagay sa DSWD? Alam naman po na naibasura iyong kompirmasyon ni Secretary Judy Taguiwalo, at kung kaya’t bakante po ang puwesto sa DSWD. Ulitin natin—si Asec. Mocha Uson po ang nagpa-survey. At nililinaw ko po, kasi sinusubaybayan ko po iyong blog nito, ni Mocha Uson, na asec. ng PCOO.

    Si VP Leni po ay nakakuha ng 78 percent. Ang pangalawa, itong si Madam Monica Prieto-Teodoro. Ito po ay asawa ni dating Defense Secretary Gilbert Teodoro, na tumakbo rin noong 2010, pero hindi pinalad, at noong isang araw ay nagpunta po sa Malacanang, nagbigay po ng donasyon. May mga ugong-ugong na baka mabigyan ng posisyon sa Gabinete. At iyong pangatlo— Nakakuha po ng 3 percent si Prieto-Teodoro. Pero iyong pangatlo pala, si Lorraine Badoy. So pangatlo pala ito, at iyong Others ay 12 percent.

    So 78 percent po, Ma’am. At ito po ay survey ni Asec. Mocha Uson. So ano pong reaksyon niyo dito, Vice? Ano pong masasabi niyo?

    VP LENI: Unang una, Ka Ely, medyo nagulat ako na sinama niya iyong pangalan ko. Nagpapasalamat na din tayo kay Asec. Mocha Uson, na pagpapakita siguro na may tiwala na puwede tayong humawak ng ganiyang kabigat na puwesto.

    Pero mas malaki sigurong pagpapasalamat sa mga nagpahayag na ako iyong preference nila, kasi pagpapakita na tinitiwalaan tayo sa ganitong larangan.

    Nabalitaan ko pa lang po iyang noong nakaraang araw, kaya medyo nagulat po tayo, at nagpapasalamat tayo.

    ELY: Okay. Asec, salamat daw! [laughs] Pero siyempre, dito ho, open ho ito, at lahat ho… Alam niyo, iyong sumusubaybay sa blog ni ASec. Mocha Uson, halos lahat tinatawag na DDS, iyong tagasuporta ni Pangulong Duterte. So Ma’am, parang ang daming sumusuporta sa kampo ng DDS.

    VP LENI: Sa akin, ano lang… Nagpapasalamat tayo sa tiwala nila.

    ELY: Ayan, mga kasama, isang issue na ating pinag-uusapan…

    [music break]

    [Gap 2]

    [Advertisement]

    ELY: Siguro habang hinahantay natin ang ating makakausap sa pamamagitan ng telepono, ma’am siguro ho maikuwento ko lang ho kasi may mga lumabas na survey, at ito, ang survey mismo ang gumawa ito pong si Asst. Secretary Mocha Uson. Ang sinasabi sino ho ba ang gusto ninyo ilagay sa DSWD. Ito po alam naman natin na maraming kababayan tayo na mahilig po sa social media, at dito po lumabas sa survey na kayo po ay nakakuha ng 78%. Ang tanong ho rito, sino ang gusto ninyo ilagay sa DSWD? Kasi alam naman po natin na naibasura po ang kompirmasyon ni Sec. Judy Taguiwalo, kung kaya’t bakante po ang puwesto sa DSWD. Ulitin natin, si Asec. Mocha Uson ang nagpasurvey. Nililinaw ko po kasi sinusubaybayan ko ang blog na ito. Itong si Mocha Uson. Asec. ng PCOO. Si VP Leni po ay nakakuha ng 78%, at ang pangalawa ay itong pong si madame Monica Prieto-Teodoro. Ito po ang asawa ng dating defense secretary Gilert Teodoro na tumakbo din noong 2010 pero hindi po pinalad. At noong isaw ay nagpunta sa Malacanang at nagbigay po ng donasyon, may mga ugong-ugong na baka mabigyan po ng posisyon sa gabinete. Nakakuha po ng 3% ano si Prieto-Teodoro, pero iyong [pangalawa] pala si Lorraine Badoy 8%, tapos iyong others ay 12%. So 78& at ito po ay survey ni Asec. Mocha Uson. So ano pong reaksyon niyo dito. Ano pong masasabi… [laughs]

    VP LENI: Unang-una ka Ely, medyo nagulat ako na sinama niya ang pangalan ko. Nagpapasalamat na din tayo kay Asec. Mocha Uson na pagpapakita siguro na may tiwala na puwede tayong humawak ng ganyan kabigat na puwesto. Pero mas malaki siguro na pagpapasalamat doon sa mga nagpahayag na ako iyong preference nila kasi pagpapakita na tinitiwalaan tayo sa ganitong larangan. Kaya nabalitaan ko pa lang po iyan noong nakaraang araw kaya medyo nagulat tayo pero nagpapasalamat tayo.

    ELY: Okay. So Asec. salamat daw [laughs]. Pero siyempre dito ho open po ito at lahat po. Kasi alam ninyo ang sumusubaybay dito po sa blog ni Asec. Mocha Uson, ang alam natin puros lahat tinatawag na DDS, iyong taga suporta ni Pangulong Duterte, so parang ma’am, maraming sumusuporta sa kampo ng DDS [laughs].

    VP LENI: Basta ang sa atin ka Ely, nagpapasalamat tayo sa tiwala.

    ELY: Okay samantala mga kasama. Okay nasa linya natin itong si Executive Director ng Naga City People’s Council at makakausap natin ma’am. Kasi ito po’y may kinalaman pa din siyempre ang ating pag-gunita sa pagkamatay ni dating mayor, dating DILG Secretary Jesse Robredo, ang inyo pong asawa. Nasa linya po natin si ma’am Johann “Dada” Dela Rosa.

    VP LENI: Magandang umaga, Dada.

    EXEC. DIR. DADA DELA ROSA: Ma’am magandang umaga din po.

    VP LENI: Alam mo ka Ely inimbitahan natin si Dada kasi siya ang executive director ng Naga City People’s Council at iyon ang kinukuwento ko kanina ka Ely. Actually sa buong Bicol ka Ely, number one ang Naga sa tourist arrivals. Pero kung titingnan mo wala naman kaming tourist spots talaga na sasabihin, sa Naga mismo. Pero sobrang daming pumupunta na bisita hindi para mamasyal pero para pag-aralan ang magagandang programa ng Naga. Karamihan sa mga programang ito nasimulan ng asawa ko, pero tingnan mo naman ka Ely matagal na. Limang taon na siya wala, pitong taon na siya hindi mayor, pero ang programa hindi lang nagpatuloy pero lalong umusbong. At ito si Dada, siya ang Executive Director ng Naga City People’s Council, isa sa mga dahilan kung bakit naging matagumpay ang Naga City People’s Council, ito bahagi noong People Empowerment Ordinance na sinimulan ng asawa ko. Kaya tanuning natin ngayong umaga ka Ely si Dada. Iyong siguro very briefly lang Dada, ano ba iyong Naga City People’s Council at ano ba iyong buod ng People Empowerment Ordinance?

    EXEC. DIR. DADA DELA ROSA: Ang Naga City People’s Council po ay iyon po ay isang samahan ng mga samahan sa lungsod ng Naga na kung saan po puwedeng tumugon sa hamon ng empowerment ordinance na magbuklod-buklod ang mga samahan para magparticipate doon sa governance ng lungsod, na kung saan binuksan ng lungsod ng Naga ang pintuan niya sa pakikilahok ng mga ordinaryong mamamayan. Itong Empowerment Ordinance binibigyan ng puwang na makasama ang kinatawan ng People’s Council sa lahat ng kolektiba, konseho, task forces at saka board doon sa structure sa lungsod ng Naga, kasama po diyan ang legislative standing committees. At hindi lang po kasama kung hindi binibigyan po ng pagpapahalaga kagaya po ng pagkilala sa kanya bilang bahagi ng quorum at saka po pagbibigay ng kapangyarihan sa kanila, pagbabahagi ng kapangyarihan ng pamahalaan na kung saan sila’y binibigyan ng karapatan din o iyong kapangyarihang bumoto doon sa mga pinag-uusapan sa loob ng mga istrakturang ito.

    VP LENI: Siguro Dada i-explain lang natin sa mga nakikinig sa atin, kasi ka Ely doon sa Naga diba iyong traditional na model, pagnahalal ka sa posisyon, parang sa iyo na binibigay iyong lahat na responsibilidad na magplano, magdesisyon para sa constituency mo—sa musipyo, probinsya o lungsod. Pero sa Naga kahit may nahalal na opisyal, may puwang para sa ordinaryong tao. May partisipasyon. Kaya iyong sinasabi sa atin ni Dada, parang iyong mga organized na mga grupo sa Naga, iyong mga NGO at PO, nakakaupo sila sa lahat na komite at council. Tapos iyong ine-explain ni Dada kanina, hindi lang sila observer. Pero kabagi sila sa quorum, pinapakinggan ang boses nila, nakakapagparticipate sila. Parang iyong pinapakita dito kung tama ako Dada, sa pagdedesisyon hindi sapat na gobyerno lang ang nagdedesisyon pero kailangan pa din pakinggan sa lahat na oras iyong saloobin ng ordinaryong tao.

    EXEC. DIR. DADA DELA ROSA: Opo ma’am. Actually po ma’am ang mga kataga po niyan ni Mayor Jess noon is that kung ang tao ay nakikilahok sa pamamahala, hindi ito garantiya na 100% walang problema o masusolusyonan lahat. Pero masisiguro natin na maskulang iyong mali na pagdedesisyon.

    VP LENI: At saka iyong karanasan natin sa Naga, pagtinatanong na ang mga tao ng gusto nila o saloobin nila, parang nababawasan na ang mga problemang pinagdadaanan. Hindi naman natatanggal lahat pero nababawasan na ang mga problemang pinagdadaanan kasi maaga pa lang, pinapakinggan na sila.

    EXEC. DIR. DADA DELA ROSA: Actually ma’am maraming karanasan pong nangyari na iyan dito kung saan binabahagi iyong responsibilidad. Kung hindi po ako nagkakamali, iyong pagdedesisyon po ng Naga City Coliseum noong na ngayon po ay JMR Coliseum na na kung saan kinunsulta lahat si Mayor Jess ng mga lider ng lipunan, banko, barangay na kung ipagpapatuloy pa iyong proyekto. At ang sabi niya na kung siya ay personal na tatanungin, ayaw na niya. Pero noong pinakinggan na lahat, ito ay sumasang-ayon lahat, kinabuhakasan madaming kritiko kung bakit ipagpapatuloy, sabi niya bakit ako ang tatanungin ninyo, tanungin ninyo ang tao kasi sila ang nagdesisyon na ipagpatuloy.

    VP LENI: At saka ikuwento siguro natin Dada kay ka Ely, alam mo ka Ely noon may nagpropose ng golf course sa Naga. Sa katunayan ang asawa ko noon mayor, gusto niya kasi dagdag na bisita iyon, at buwis na papasok sa Naga. Pati karamihan doon sa city officials ng Naga gusto na i-welcome ang golf course. Pero sabi ng Naga City People’s Council ayaw namin iyan kasi masama iyan sa environment. Iyong supply ng tubig macha-challenge masyado. Ang City Hall ka Ely pinakinggan ang People’s Council at marami pang iba. Di ba Dada marami pang iba, iyong golf course, iyong coliseum.

    EXEC. DIR. DADA DELA ROSA: Marami pa po. Pero hindi naman po lahat ng desisyon ng Naga City People’s Council at ng tao ay salungat. Karamihan din po ay pag-sang-ayon doon sa mga proposisyon ng pamahalaan, pagsusuporta po.

    ELY: Pero ang kagandahan dito kapag nagsalita ang taong bayan pinapakinggan ng City Hall. Kasi sa iba pong lugar, hindi na po tayo magbabanggit, pero kapag ginusto po ng mayor, tapos na ang kuwento. Hindi po ba?

    VP LENI: Ito si Dada, di ko lang alam kung pag-umpsia ba ng People’s Council kabahagi ka na noon?

    EXEC. DIR. DADA DELA ROSA: Nasa youth sector po ako noong nagsimula. Kami po ang tumulong doon sa paghahanap ng mga accredited officials at iyong unang pagtitipon po ginawa po noon sa Ateneo de Naga University. Pero after that naging volunteer then eventually po naging board, after noon po ay iyong Naga Secretariat na po na halos 10 taon ako. So halos buong ano po, kabahagi yata ako.

    VP LENI: Ito ka Ely, sina Dada madalas na silang maimbita sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas para ituro kung ano ang pinagdaanan at karanasan ng People’s Council. Pero siguro tanungin natin si Dada, iyong mga subok bang gayahin iyong People’s Council natin, anu-ano ang mga pinagdadaanan nilang suliranin. Kasi ang alam ko parang wala pa talagang nakakagaya ng gayang-gaya sa atin.

    EXEC. DIR. DADA DELA ROSA: Ma’am marami pong nagsubok, marami din pong, may mga nagtagumpay at marami din pong hindi nagtagumpay kasi hindi, parang ayaw pa din pong bitiwan talaga iyong, ayaw ibahagi iyong kapangyarihan. Mayroon nagsubok sa Quezon City sa Legazpi City po. Pero mayroon din naman pong nagtagumpay sa may parte ng Quezon Province at saka sa, alam ko pero hindi ko pa po nakakausap iyong sa may Mindanao. Pero ang kagandahan naman po, iyong pagkilala po na itong klaseng pamamahala na kung saan kasama ang tao ay mayroong pagkilala na magandang modelo po ito. Kasi walang kumokopya po nito, sinubukan ng NCPC na humingi ng tulong at nagpresent po kami ng concept doon sa United Nations Democracy Fund. Isa po itong pandaigdigang pagsumite ng proposal at pinalad naman po ng iyong konsepto ng demokrasya na ginagawa sa Naga ay napili po siya sa aabutin po ng 4,000 proposals sa buong mundo at iyon din pong Philippine-American Fund ng USAID napili din po ang konsepto ng NCPC. So ngayon po ito po ay nagbunga ng 13 people’s council sa mga karatig na bayan. Mayroon na din pong nagpasa ng kanilang ordinansa.

    VP LENI: Pag sinabi mo Dada na sa karatig bayan, diyan din sa Camarines Sur?

    EXEC. DIR. DADA DELA ROSA: Opo. Kasi ang ginawa po kasi namin ay mahihirapan kaming i-sustain iyong tulong at technical na pag-assistance sa kanila kung medyo malayo. So alam naman po natin ang hirap ng organizing na kapag binibitawan biglang nawawala. So ngayon patuloy pa din. Iyong 13 po na binuo ng NCPC nakapag-influence pa din ito ng lima pa. So iyong tatlo po doon sa halos, iyong lima po sa partido areas po na nabuo din na people’s council na sariling effort din po ng mga tao at saka may tulong din po doon sa Tigawon, San Jose at Lagonoy.

    VP LENI: Ito kasi ka Ely ang kabutihan talaga ng may people’s council ang nararamdaman ng tao. Nararamdaman ng tao na kabahagi sila ng pamamahala kaya unang-una mas madali na isulong ang mga proyekto kasi nandiyan na ang kanilang suporta. Pangalawa, kapag mahirap ang proyekto ang tao na mismo ang nagsasabi na naiintindihan namin kung bakit nahihirapan ang pamahalaan. Kaya imbes na naglalaban iyong pamahalaan at ang tao, parati silang magkakampi. Kung hindi man sila nagsasang-ayon, maaga pa. Parang napaplantsa na nila ang gusot. Kaya ito siguro ka Ely, siguro tanungin lang natin si Dada, ano ba iyong advice siguro may mga nakikinig sa atin dito na mga representatives ng NGO, ng mga PO—ano kaya iyong puwedeng i-advise para magkaroon din ng puwang para sa ganitong klase ng pakikilahok.

    EXEC. DIR. DADA DELA ROSA: Ang advice po kasi is, iyong para kasing una ang tingin na nila sa lungsod ng Naga is ibang planeta—na hindi puwede, kasi mga ganyan puwede gawin iyan sa Naga. Pero nasubukan po namin, naging magtagumpay ang People’s Council sa dalawang maliliit na bayan. So ang medyo mahirap lang kasi sa mga ganitong samahan, kung ikaw iyong parang nagli-lead na organization doon sa bayan, at mabuo ang people’s council para magiging pantay kayo. So kailangan lang po kasing isipin ng mga samahan, iyong People’s Council iyong konsepto ng pakikilahok is ito iyong pagbabago ng environment, sistema at proseso na kung saan iyong minimithi ng ating mga kasama, mga members natin ay makakamit sa paraan ng pagtutulong-tulong. Ito po ay manifest doon sa engagement po ng mga samahan doon sa bottom-up na kung saan mas malakas po ang partisipasyon ng mga bayan na kung saan mayroong mga kumikilos na People’s Council. So kung gugustuhin po, sa ngayon po proud to say po iyong NCPC kasi mayroon na siyang libro, iyong guidebook na kung saan, hindi na po namin kailangan pumunta sa lugar, papadala nalang po namin iyong libro.

    VP LENI: Iyon siguro ka Ely, ang maitutulong ng ating programa kung mayroong nakikinig na mga NGO o PO na interesado na gayahin o gumawa ng sariling… Mayroon nang guidebook na puwede nilang ipadala.

    ELY: So maganda ho ito. At siguro lahat po, umpisahan sa mga LGU at kung saka-sakali sana pang-national puwede po ito. Maganda po ito na mangyari kasi kapag ganito, kapag may boses talaga, tunay na boses ng bayan, siguro wala hong magiging batikusan kasi lahat nagdesisyon po dito.

    VP LENI: Actually ka Ely mayroon akong pinasang panukalang batas noong ako’y nasa kongreso pa na People Empowerment Bill pero natapos iyong termino ko na hindi pa ito napapasa. Kaya sana mayroon uli magpanukala noong parehong batas.

    EXEC. DIR. DADA DELA ROSA: Mayroon po, Vice. Actually pinagsalang po uli ni Congressman Gabby Bordado at balita po niyan nakapasa na po sa first reading, papunta na po ng second reading.

    VP LENI: Magandang balita iyan ka Ely. Siguro ka Ely pasalamatan natin si Dada. Maraming salamat Dada sa pagbabahagi ng napakahalagang konsepto ng pamumuno. Sana po nakikinig ang ating mga kapatid na nasa mga NGO at PO na mabigyan ng inspirasyon sa pakikipag-usap natin ngayong umaga kay Dada.

    ELY: Okay, Dada salamat muli.

    EXEC. DIR. DADA DELA ROSA: Maraming salamat din po.

    [Advertisement]

    ELY: Ma’am may mga text message tayong nakuha ma’am.

    VP LENI: Medyo marami-rami ito ka Ely. Mayroon po tayong isang text message na nakuha sa isang karpintero. First time ata siyang nagtext sa atin, taga Cagayan de Oro. Humihingi siya ng tulong pero kausap na natin siya ka Ely, taga Brgy. Balubal, Cagayan de Oro City, kausap na siya ng ating opisina. Mayroon din nagtext sa atin na pulis, SPO4 siya, ang tinatanong niya malapit na siyang magretire, taga Bulacan. Finofollow-up niya ang pangako na madodoble ang sweldo ng mga government forces. Kaya iyong opisina natin ka Ely, tinawagan iyong PNP finance service office. Kinakamusta natin kung kamusta iyong pangako na madodolble ang serbisyo. Ang sabi sa atin noong nakausap doon, narinig na din daw nila ang pangako pero wala pa silang directive. Kaya iyong ipapangako nalang natin doon sa nagtext sa atin, na pag mayroon na pong directive, ipapaalam namin sa iyon. Sana makahabol pa po doon sa retirement ninyo kasi madali na daw sila magretire. Marami pa ito ka Ely, pero siguro i-mention ko nalang iyong iba. Mayroon sa ating nagtext din taga Brgy. Mabini, Buenavista, Quezon. Ito ka Ely mayroon siyang emphysema nangangailangan ng medical treatment at gamot, kausap na din natin. In fact may usapan na rin ang anak niya pupunta sa ating opisina para matulungan doon sa kanilang kahilingan. Mayroon din tayong text galing sa Sta. Teresita Kalayaan, Batangas City, mayroon din siyang tinatanong na assistance pero ito katext na siya ng opisina. Iba-iba ka Ely ang mga concerns na nakakarating sa atin. Mayroon ding nagtext may nirereklamo isang ospital sa Angeles City, ito kausap na din natin siya sa telepono. Ang ating kasagutan doon nalang sa private text message natin sasabihin.

    ELY: Okay siguro isingit ko lang ma’am. Ito mayroon pang text, ngayon lang. GoodAM ma’am VP Leni, ako po si Guarda Cabog, 58-years-old, taga Nasugbu, Batangas. Wala po akong hanap-buhay, may maliit po akong tindahan dito po sa amin at matanda na ang nanay ko, 88-years-old na siya kaya hindi ko po maiwan. Kaunti lang po kita ng tindahan ko ma’am, kulang po pambili ng gamot at pagkain ng nanay ko. Puwede po ba ako mag-apply ng livelihood puhunan po para sa pandagdag para matugunan ang pangangailangan namin ng nanay ko.

    VP LENI: Pahintay nalang po ma’am Guarda, sa text message ng opisina namin.

    ELY: Tamang-tama ma’am di ba may naging guest tayo dito sa DTI. Mayroon po silang ganyan di ba, pasok sila dito.

    VP LENI: Actually ka Ely maraming available. Iyong DSWD, DTI mayroon. At depende sa klase ng pangangailangan. Kaya ang ginagawa natin ka Ely, kapag mayroong mga dumadating sa atin na ganyan na request, nililink natin doon sa opisina, either sa DSWD o sa DTI. Tayo ang tutulong para magfacilitate, kasi mahirap kasi ka Ely pag malalayo kagaya nito taga Batangas. Ililink natin siya doon sa provincial office doon.

    ELY: Opo. Okay. So napakaraming, alam ninyo ho, dito sa Istorya ng Pag-asa, may mga nakakausap po si ma’am na, iyong ginamit po ang kanilang, talagang nakuha po lahat ng impormasyon marami po kasing mga proyekto ang gobyerno na baka hindi po alam nila na puwedeng i-avail ng bawat Pilipino.

    VP LENI: Totoo. Actually ka Ely iyong mga nauna nating nakausap na mga Istorya ng Pag-asa napatapos nila ang kanilang mga anak dahil din sa maraming tulong galing din sa gobyerno. Talaganga kailangan lang alam mo, kailangan sipagan sa pag-aapply. Pero ang opisina namin ka Ely iyon ang ginagawa ngayon na nililink iyong ating mga nangangailangan nating mga kababayan sa opisina na puwedeng magbigay ng pangangailangan. Kasi ang Office of the Vice President kasi ka Ely walang pondo para sa budget na ganito. Pero mayroon kaming mga staff na puwedeng makatulong para siguraduhin na magkakaroon sila ng access.

    ELY: May mga nagtetext kinukuha ang address po sa OVP, magtetext po sa inyo ang tanggapan para malaman ninyo kasi magpapadala po ata sila ng sulat. At ito may mga reaksyon, oras na para lumaban sa mga pulis kaming mga sibilyan. Naku. Siguro baka sa pagkadismaya po ito.

    VP LENI: Naiintindihan naman natin ka Ely kasi alam mo ka Ely pagpunta ko kanina galit na galit talaga ang mga magulang doon. Parang sinasabi nila na mangyari kaya iyan sa mga anak nila. Talagang hindi mo din maaalis ang poot. Kasi ako noong nalaman kong 17 years old, siyempre mai-imagine mo puwedeng anak mo ito. Kasi gaya sa akin, mayroon akong anak na 17 years old din. Talagang nakakaawa.

    ELY: Opo, siguro… Abangan muna natin ang proseso nga batas dito. Samantala.

    [GAP 3]

    [Advertisement]

    ELY: Dito ho sa isa pang pinakatampok natin sa ating palatuntunan BISErbisyong Leni ito pong INP—Istorya ng Pag-asa. At nasa linya natin ito pong si Councilor Badong del Castillo.

    VP LENI: Alam mo ka Ely, bago natin siya makausap, ang kuwento ni Councilor Badong napaka-inspiring. Anak siya ng magsasaka. Mahirap na mahirap lang para mapag-aral iyong sarili nagjanitor sa City Hall. Pero ito ka Ely sa pag-janitor, naging CPA, abogado, konsehal, at naging head pa siya ng Bureau of Local Government Finance—isang national government agency dito sa Metro Manila. Kaya kausapin natin siya, ipakuwento lang natin ng panandalian ang mga kahirapan na pinagdaanan niya.

    ELY: Dito ho talagang ipakikita natin na ang kahirapan hindi po hadlang sa tagumpay. Councilor, magandang umaga po sa inyo.

    COUN. BADONG DEL CASTILLO: Magandang umaga po.

    VP LENI: Magandang umaga Coun. Badong ayan inuna ko na iyong kuwento mo kasi excited akong ikuwento. Ito Coun. Badong alam ng lahat na nakakakilala sa iyo na dati kang janitor. Puwede bang ikuwento mo sa amin anong edad ba ikaw nagsimulang magtrabaho bilang janitor.

    COUN. BADONG DEL CASTILLO: Bago po mag-janitor ma’am, nagtrabaho po ako bilang basurero sa Naga mga 19-years-old po ako niyan.

    VP LENI: Ah basurero muna, naku hindi yata iyan lumabas sa kuwento. Basurero muna tapos?

    COUN. BADONG DEL CASTILLO: Tapos po nagtrabaho po sa pagse-semento ng kalsada bago po akong nag-janitor.

    VP LENI: Tapos basurero, nagse-semento ng kalsada, tapos naging janitor na kayo.

    COUN. BADONG DEL CASTILLO: Opo madame.

    VP LENI: Noong janitor na kayo, anong edad kayo?

    COUN. BADONG DEL CASTILLO: Actually nahuli po akong makatapos ng high school dahil sa kahirapan. Nakapagtapos ng high school ako na edad 20 na. Pagkatapos po ng high school nagtrabaho na po ako bilang janitor sa Naga City Hall.

    VP LENI: Gusto mong sabihin Coun. na noong basurero kayo at saka iyong nagtatrabaho sa kalsada, hindi pa kayo noon tapos na high school.

    COUN. BADONG DEL CASTILLO: Hindi pa po. Pagsummer po nagtatrabaho ako sa basura, nagtrabaho ako sa kalsada—pag summer po iyon para makatulong ako sa pag-aaral ng high school.

    VP LENI: Tapos noong nag-graduate kayo ng high school, tsaka kayo nag-janitor.

    COUN. BADONG DEL CASTILLO: Opo.

    VP LENI: Tapos noong nag-janitor na kayo, kayo na ba ang nagpaaral sa sarili ng college?

    COUN. BADONG DEL CASTILLO: Ako na po ang nagtutustos ng pag-aaral ko sa college. Tapos po iyong dalawa kong kapatid na nag-high school din, tinutulungan ko din po na makapag-aral.

    VP LENI: Pero papano mo iyan nagawa, nag-janitor kayo sa umaga tapos pag-gabi kayo nag-aaral ng college?

    COUN. BADONG DEL CASTILLO: Opo. Pumapasok po ako ng mga bago mag ala-sais ng umaga, pagdating po ng hapon paalam na ako na papasok sa paaralan. Pero kung may pagkakataon po na kung may committee hearing kasi nasa sanggunian ako noon, hindi ako nakakapasok ng pag-aaral.

    VP LENI: Absent kayo.

    COUN. BADONG DEL CASTILLO: Opo.

    VP LENI: Naku. Pero hindi ba iyon mahirap? Paano kayo nakakaaral kasi kung maghapon nasa trabaho kayo, tapos paglabas saka pa lang kayo papasok. Anong oras kayo niyan nakakauwi?

    COUN. BADONG DEL CASTILLO: Karamihan po alas-singko ng hapon pauwi na po ako. Sa Penafrancia po kasi ako nanunuluyan noon, nangungupahan po kami. Nag-aral po ako noong una sa Naga College Foundation mga walking distance, mga 5mins po iyon mula sa tinitirhan namin. Tapos mga 15mins drive, kaya naaabot ko pa po iyong 5:30 ng hapon.

    VP LENI: Tapos uuwi kayo ng gabi, anong oras?

    COUN. BADONG DEL CASTILLO: Mga alas-nuebe ng gabi.

    VP LENI: Mga alas-nuebe tapos mag-aaral pa kayo?

    COUN. BADONG DEL CASTILLO: Opo mag-aaral po muna hanggang alas-onse. Tapos matutulog, gising ng mga alas-singko ng umaga para pumasok.

    VP LENI: Ilang taon mo kunuha iyong, ano nga iyong course mo noong college accountancy di ba?

    COUN. BADONG DEL CASTILLO: Opo. Bachelor of Science in Commerce, major in accounting.

    VP LENI: Anong edad ninyo noong nag-graduate kayo ng college?

    COUN. BADONG DEL CASTILLO: Bali po hindi ko natapos ng apat na taon, inabot ako ng kulang-kulang anim na taon para matapos ang Bachelor of Science.

    VP LENI: Tapos noong nag-graduate ka, janitor ka pa din.

    COUN. BADONG DEL CASTILLO: Opo. Janitor pa din po ako hanggang 1977 po ako nag-graduate, janitor pa din po ako noong panahon na iyon.

    VP LENI: Tapos pagkagraduate niyo nagboard exam na kaagad kayo? CPA board?

    COUN. BADONG DEL CASTILLO: Hindi pa po wala pa pong pera. Kaya nagboard exam po ako 1985 na.

    VP LENI: Matagal..

    COUN. BADONG DEL CASTILLO: Opo. 8 years.

    VP LENI: So noong nag-graduate kayo, 8 years bago kayo nagboard exam.

    COUN. BADONG DEL CASTILLO: Opo.

    VP LENI: At nakapagboard exam ka dahil medyo nameron nang ipon.

    COUN. BADONG DEL CASTILLO: Mayroon na po ng kaunti. Pero, actually po may asawa na ako noon, sabi ko sa asawa ko, huling pagkakataon na ito pag hindi ako pumasa wala na talaga. So nag-try po ako magreview sa University of Nueva Carceres. Doon, awa po ng Diyos, nakapasa noong 1985. HIndi naman po sa pagmamayabang, noong exam po na iyon nakapasok pa po sa Top 20.

    VP LENI: Kita mo ka Ely. Ito noong nakapasa kayo ng CPA board, siguro naman napromote na kayo?

    COUN. BADONG DEL CASTILLO: Mga a year after napromote na po. Ay hindi dati na pong promoted ako, nasa budget office na po ako noon.

    VP LENI: Noong nag-graduate ka ng college siguro napromote ka na din.

    COUN. BADONG DEL CASTILLO: Hindi pa po mga tatlong taon pa po mula noon.

    VP LENI: Janitor pa rin ba iyon?

    COUN. BADONG DEL CASTILLO: Opo.

    VP LENI: Gusto ninyong sabihin college graduate na kayo pero janitor pa rin kayo, tapos pagkatapos ng tatlong taon napromote kayo sa budget office.

    COUN. BADONG DEL CASTILLO: Opo. Noong makatapos ako ng college, hindi na ako pinapag-janitor pero iyong sweldo ko po janitor pa din, ang trabaho ko clerical na.

    VP LENI: Ah clerical na. Tapos noong nakapasa kayo ng CPA na nasa budget office kayo, saan kayo na-assign na.

    COUN. BADONG DEL CASTILLO: Nasa budget office pa din po.

    VP LENI: Oo pero mas mataas na ang posisyon kasi CPA ka na.

    COUN. BADONG DEL CASTILLO: Opo mataas na posisyon na po, budget examiner na po ako noon.

    VP LENI: Tapos ano iyong sunod-sunong mong promotion noon, councilor?

    COUN. BADONG DEL CASTILLO: Bale po noong 1985 noong nakapasa ako hanggang 1988, nasa budget office pa rin po wala pong promotion noon kasi medyo limited ang personnel. Noong manalo po si Sec. Robredo as mayor, pinakiusapan po akong tulungan siya sa isang pang special assignment na binigay sa akin, iyong magreport sa kanya araw-araw tungkol sa pananalapi ng city. So after mga 6 months sabi niya sa akin, i-assign daw ako sa treasurer’s office. So nilipat po niya ako sa treasurer’s office hanggang 1990, ako po ang in-appoint ni Sec. na Chief ng Accounting Division.

    VP LENI: Naku from basurero, tapos taga-semento, naging janitor tapos chief acountant na. Naging chief accountant kayo ilang taon na?

    COUN. BADONG DEL CASTILLO: Mga 39 years old na yata iyon.

    VP LENI: Tapos ng chief accountant naalala ko naging chief administrator kayo di ba?

    COUN. BADONG DEL CASTILLO: Opo. Noong 1998 po noong natapos ang term ni Secretary, noong nag-aral siya sa Harvard, dinesignate po akong administrator ni dating mayor Roco.

    VP LENI: Tapos naging administrator kayo ng ilang taon?

    COUN. BADONG DEL CASTILLO: Bale tatlo po.

    VP LENI: Pero noong panahon na iyon, nag-aaral na ba kayo ng law?

    COUN. BADONG DEL CASTILLO: 1992 po sa pangangailangan ng trabaho napilitan ako mag-aral ng, mag-enrol sa college of law. Kasi po halos araw-araw pumupunta ako sa legal office para kumunsulta. So naisip ko po na mas mabuti siguro na mag-aral ako ng batas para kahit kaunti may nalalaman ako at masagutan iyong pangangailangan ng trabaho.

    VP LENI: Tapos kailan mo natapos ang law school mo?

    COUN. BADONG DEL CASTILLO: 1992 po ako nagsimula nakatapos ako 1997, diretso po nagreview ako ng bar.

    VP LENI: Tapos take one ka di ba?

    COUN. BADONG DEL CASTILLO: Opo. September of 1997 ako kumuha, awa ng Diyos po nakapasa.

    VP LENI: Tapos pagkatapos ng city administrator, nagkonsehal pa siya. Anong taon kayo nag-konsehal?

    COUN. BADONG DEL CASTILLO: 2004 po. Naimbitahan po ni dating Sec. Robredo na sumama sa kanya.

    VP LENI: Tapos hanggang 2010 tama ba ako? Hanggang 2010 konsehal kayo.

    COUN. BADONG DEL CASTILLO: 2011 po ma’am.

    VP LENI: Ah 2011. Nanalo pa siya ng 2010, third term pero inaya siya na maghead ng Bureau of Local Government Finance sa Department of Finance. Tapos ilang taon kayo doon?

    COUN. BADONG DEL CASTILLO: Apat na taon po ako doon. Nagsimula po ako noong October of 2011, hanggang September of 2015.

    VP LENI: Tapos 2016 ka Ely kumandidato na uli siya ng councilor kaya ngayon councilor na uli siya.

    ELY: Okay. Councilor bago po tayo magtapos baka mayroon po kayong mensahe sa ating mga kababayan. Alam ninyo ang iba diyan nakikinig, naku janitor ako habang buhay na siguro akong ganito, o kung ano man ang kanilang kinanalagyan talagang sa hirap po talaga ng buhay, pero siguro bigyan niyo po sila ng pag-asa counsilor.

    COUN. BADONG DEL CASTILLO: Totoo po, na sabi ko po noong janitor ako hindi habang buhay janitor ako. At saka sa mga wala pong kaya sa buhay, sabi nga huwag tayong mawalan ng pag-asa kasi po magsumikap lang tayo, makakamit natin ang ating mga pangarap. So kailangan lang pong huwag mawalan ng pag-asa.

    ELY: Councilor, maraming salamat po at kayo po ay nakapagbibigay din po ng inspirasyon sa ating mga kababayan na nakikinig ngayon nationwide.

    VP LENI: Maraming salamat councilor Badong, maraming salamat sa inspirasyon na binibigay mo sa aming lahat.

    COUN. BADONG DEL CASTILLO: Maraming salamat din po madam, maraming salamat din po ka Ely.

    ELY: Iyan po si Councilor Badong Del Castillo diyan po sa Naga.

    VP LENI: Ka Ely wala na tayong oras pero gusto lang natin batiin iyong mga nakikinig sa atin ngayon na sinasabi kung nasaan sila. Dito sa Pilipinas mayroon nagsasabi taga UP, Pasig, Iligan, mayroong Biliran Leyte. Taga Davao, Pasay City, Sto. Tomas Batangas, mayroong Bataan, sa may Camarines Sur, may Naga. Cagayan de Oro, Cebu, Rizal, Quezon City. Pero ka Ely ito masayang-masaya tayo kahit iyong mga kababyan natin na nasa ibang bansa kasama din natin ngayong umaga. Mga taga Amerika po mayroong taga Orlando, Kentucky, parang first time itong nadaanan natin na kasama natin. California, Pennsylvania. Mayroon ding Canada—Ontario, Toronto. Mayroong Australia. Brunei, Thailand, Hong Kong, Bahrain, Taiwan, Kuwait, South Korea. Ito ka Ely napapansin ko habang tumatagal ang ating programa, maraming-marami nang nakiki-isa sa atin na galing sa ibang bansa. Kaya sa inyo po na mga kapatid natin sa ibang bansa, maraming-maraming salamat po sa sakripisyo na ginagawa ninyo. Tunay po kayong mga bayaning Pilipino.

    ELY: Maraming maraming salamat po ma’am. Hanggang sa susunod na linggo.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Aug 19, 2017