This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI – Episode 125

    ELY: Magandang, magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas at Mindanao. Isa na namang edisyon ng BISErbisyong LENI dito po sa RMN. Ngayong araw ng Linggo, September 29, 2019. Tayo po napapakinggan mula po sa DZXL Manila. Tayo po ay napapakinggan din sa DYHP Cebu, DXCC Cagayan de Oro, DXDC Davao, at DWNX Naga. Magandang umaga, Pilipinas. Ako pa rin ho ang inyong radyoman, Ely Saludar. Kasama natin ang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si Madame Vice President Leni Robredo. Ma’am, good morning po sa inyo.

    VP LENI: Good morning, Ka Ely, good morning po sa lahat na nakikinig sa atin ngayong umaga at kasama natin sa Facebook Live. Sa atin pong mga kababayan sa Visayas at Mindanao, maayong aga, maayong buntag. Sa ating mga kababayan sa Bicol, marhay na aga sa indo gabos.

    ELY: At ngayong araw na ito, naku marami po tayong issue na pag-uusapan, Ma’am. Pero maganda unahin natin dahil sa talagang usong-uso ito pong fake news at kung saan iyong may kinalaman dito po recount ng dito po ng Presidential Electoral Tribunal dito po sa election protest. So ano pong masasabi niyo rito?

    VP LENI: Napakarami na naman, Ka Ely, ng fake news. Baka puwede nating i-flash para i-report natin ang mga fake news sites. Pero ito lang, Ka Ely, ito ang nagko-confirm na sino ba talaga ang nagpo-propagate ng fake news. Kung makikita niyo, parang pinapangunahan nila ang Supreme Court. Sinasabi nila na uupo na si BBM. Ano, panalo na sila. Mayroon pa nga akong nakita parang Youtube, Pinoy ano ba iyon…Pinoy Random TV, dapat yata ito i-report, Ka Ely. Pinoy Random TV, talagang lahat kasinungalingan ang lumalabas. Kahapon mayroon sa akin nagpadala na parang sinasabi nila si Marcos na iyong uupo tapos ako kailangan ko ibalik ang lahat ng suweldo na nakuha ko noong nakaraang tatlong taon. [laughs] Mahirap nito, Ka Ely, kasi talagang ginagastusan para magsinungaling. Saan kaya galing ang panggastos?

    ELY: At talagang malalaman niyo po na fake news para po sa ating mga listeners, ito pong kasong ito nakapag—kung saka-sakali, Ma’am ha, na hindi maging pabor—kung sakali lang hindi maging pabor sa inyo ang desisyon ng PET, ay hindi po siya otomatiko na uupo bilang bise presidente, kundi, itutuloy ang protesta.

    VP LENI: Ang issue pa lang dito—ang issue pa lang dito, Ka Ely, kung itutuloy ang protesta o hindi.

    ELY: Ayon. Yes, opo. Hindi iyong kung sino ang uupo.

    VP LENI: Gaya ng sabi ko noong nakaraang linggo, pinapili siya ng tatlong pilot provinces. Pinili niya Camarines Sur, Iloilo at saka Negros Oriental. Kung ano ang resulta noong tatlong pilot provinces, kung ano kuwestyon kasi, Ka Ely, napakita niya ba na talagang may daya na nangyari?

    ELY: Kung mayroon talagang basehan po siya, ebidensya.

    VP LENI: So kung mapakita niya, tutuloy ang protesta. Pero ilan bang—ay ilan bang probinsya ang kanyang kinuwestyon, napakarami.

    ELY: At siya ang namili, Ma’am ha.

    VP LENI: Siya ang namili. Ito nga, Ka Ely, tatlong probinsya pa lang, tatlong taon na. Tatlong taon ang ginugol. Pero ang kinukuwestyon niya hindi ko na nga mabilang kung ilan.

    ELY: Pero, Ma’am, lahat daw, parang lahat iyon 25 eh, kung… iyong tatlo, sa tatlong taon, iyong 20—ano, abot tayo ng 50 years. [laughs] Baka hindi ko na abutan iyon, ah.

    VP LENI: Pero ito, Ka Ely, hindi naman, hindi naman kailangan magsinungaling kasi kung talagang panalo kayo, hindi kayo kailangan magsinungaling. Bakit kailangan mag-peke? Parang iyong buong buhay talagang pamemeke, magmula sa [laughs]… magmula sa mga diploma, magmula sa lahat talagang peke, hanggang ba naman ngayon? Kayo na nga iyong, kayo na ang complainants, kayo pa iyong kailangang… at saka, parang, parang nalalagay sa alanganin iyong Supreme Court, ‘di ba? Kasi hindi pa naman naglalabas ng desisyon, kinu-kuwento nila na mayroon na.

    ELY: Opo. Okay. So sa ating mga kababayan ho na nakikinig ho ngayon ay huwag ho kayo basta-basta na maniniwala sa mga social media.

    VP LENI: Saka ano siguro, Ka Ely, iyong mga.. pina-flash natin ngayon iyong mga examples ng fake news. Iyong lahat kahit, kahit hindi natin kakampi, basta kasinungalingan kailangan nire-report iyong site. Para tumutulong tayo para linisin iyong, iyong ating, hindi lang airwaves pero lahat na sources ng pamemeke.

    ELY: At siyempre para mapigil na rin po ang ganiyan na panloloko sa ating mga kababayan, nako, usong-uso po ngayon iyan, lahat ng isyu.

    VP LENI: Unlimited kasi, Ka Ely, ang budget, eh, kaya siguro hanggang may budget pa talagang tuloy-tuloy pa din ang panloloko sa taong bayan.

    ELY: Opo. Sana maaprubahan na ang panukala na, iyong batas laban sa fake news.

    VP LENI: Siguro, Ka Ely, ano lang, moving forward, gusto ko lang i-take-up kasi iyong nangyari ngayong linggo, Ka Ely, iyong schedule ko ngayong linggo medyo marami at mayroong mga significant na nangyari. Ang isa kong pinuntahan noong Tuesday iyong turnover. Turnover ng leadership ng AFP. Paalis na si Chief of Staff Benjamin Madrigal. Parang iyong birthday niya kahapon—kung hindi ako nagkakamali birthday niya kahapon—nag-turnover na noong Tuesday. Ang bago na natin Chief of Staff si Gen. Noel Clement. Iyon ang significant na nangyari.

    Pero hindi ko alam kung ano iyong mayroon iyong linggong ito, Ka Ely, kasi punong-puno kami ng mga grupong nagbibisita dito, galing sa iba’t ibang mga lugar. Mayroong galing Aklan, mayroong galing Batangas, kung saan-saan pa. Hindi ko alam kung bakit nagkasunod-sunod. Pero iyong isang pinakamahalagang nangyari ngayong linggo, nagkaroon kami dito ng parang meeting with representatives ng mga ospital na magiging ka-partner namin. Alam mo, Ka Ely, alam ito ng maraming mga kababayan natin kasi ang dami nang nag-avail. Mula noong umupo ako, dinagdagan natin iyong pondo para sa medical assistance. Ngayon pinakamarami siya this year, mas marami pa next year. Pero dati kasi for the last three years, kapag nagre-request sa atin, Ka Ely, lahat pumupunta sa opisina, pumipila, ina-assess natin kung indigent ba talaga, magkano ang kailangan. So kapag na-assess natin talagang kailangan pinapadala natin through Landbank, nire-require natin sila magbukas ng account so parang nakukuha nila, pera. Pero magkakaroon ng change mula ngayon kasi instead na pera iyong nakukuha, guarantee letter na. Mayroon na tayong, mayroon na tayong kontrata sa mga ospital. Iyong isa kasi maraming dahilan kung bakit tayo nag-shift from cash to guarantee letter. Iyong isa nakita namin pinag-aralan namin iyong mga recipients over the last three years, karamihan mga Metro Manila residents. Pero itong guarantee letter, iyong ka-kontrata nating ospital hindi na lang dito sa Metro Manila. Pero sinusubukan nating magkaroon sa halos lahat na, at least regions, halos lahat na regions magkaroon tayo ng partner. Para iyong mga taga-doon na mga nangangailangan hindi na kailangang pumunta dito para pumila. Diretso na sila sa ospital. Iyon iyong number one. Iyong number two, maraming instances na nakita natin na, totoong nangangailangan, totoong may medical concerns, pero kapag hawak na iyong pera, nagkakaroon ng ibang mga… iba pang mga concerns other than medical. Pa-minsan nadadala doon sa ibang pangangailangan iyong nakuha na para sana sa medical. Eh iyong pera, Ka Ely, dapat talaga sa medical so sinisiguro natin na talagang diretso na sa ospital. Diretso sa ospital o diretso sa gamot iyong ibibigay natin na pera. I-mention ko lang, Ka Ely, iyong mga na-formalize na mga… iyong mga ospital na na-formalize na iyong arrangement. Nandito sila noong nakaraan. Navotas City Hospital, ito St. Theresa’s Dialysis Center, ano ba ito, Schistosomiasis Control Hospital, Manila Doctor’s Hospital, St. John Biocare and Dialysis Center, Philippine Orthopedic Center, National Kidney and Transplant Instittute, ito iyong NKTI, Ka Ely. Jose Reyes Memorial Medical Center, East Avenue Medical Center, PCMC—iyong Philippine Children’s Medical Center, Doctor Jose Rodriguez Memorial Medical Center, National Children’s Hospital, Rizal Medical Center, Lung Center of the Philippines, Abron Avitum Philippines Inc.—iyon na iyong natapos pero marami pang ibang listahan. Noong nakaraan Ka Ely, mayroon tayong pera sa PGH, sa NKTI, sa Philippine Heart Center, pero ito, dinagdadagan na talaga natin. Naghahanap tayo at mayroon na tayong nahanap na mga ospital sa mga probinsya halimbawa, mayroon tayong nakuhang partner sa Palo, sa Leyte para ma-service niya ang Samar at saka Leyte. Mayroon tayong tinitingnan na partnership sa Bacolod, iyong Montelibano Hospital, ito yata ang regional hospital doon. Naghahanap pa tayo lalo doon sa mga lugar na may areas tayo ng Angat Buhay, o Ahon Laylayan. Naghahanap tayo ng partner hospital para iyong mga talagang nangangailangan, direstso na doon, na hindi na kailangan na pumunta sa Maynila, hindi na kailangangn pumila dito.

    ELY: Opo.

    VP LENI: Kaya inaasahan natin, Ka Ely, na dahil dito sa shift, mas marami nang pasyente ang mase-service-an, hindi na concentrated na lang sa Manila at hindi na grabe ang pila. Kasi paminsan, Ka Ely, sa araw-araw iyong pila sa opisina grabe. Libo talaga—libo ang nakapila. Ngayon na nagshi-shift na tayo sa guarantee letter, substantially nabawasan na iyon. Ayaw natin ng pasyente na pumipila pa kaya mas mabuti talaga diretso na sa ospital. So iyong mga, iyong mga kababayan natin na nakikinig ngayon na mayroong mga medical assistance na kailangan, iyong pinaka-requirement lang talaga, indigent. Gustong sabihin, walang pambayad.

    ELY: Tunay na mahirap.

    VP LENI: Tunay na mahirap. Iyon ang kailangan. Iyong pinaka-tanong parati, Ka Ely, noong mga nagte-text sa amin, papaano kung iyong na-confinenan nila na ospital, wala doon sa listahan ng mga partners namin? Puwede pa din. Puwede pa din pero kailangan parang may form na kailangang i-comply na iyong ospital at saka kami, mag-uusap pa din para iyong bayad namin diretso sa ospital. So iyon. Kaya sa mga nakikinig, lalo na iyong mga iyong grabe, Ka Ely, dialysis patients, ano naman, marami namang maraming mga sessions iyong puwede sa PhilHealth pero gaya ng mga ganitong panahon, naubos na nila iyong quota nila sa PhilHealth. So kailangan na talaga ng medical assistance. So marami tayong mga partners na mga dialysis centers.

    ELY: Okay so, Ma’am, nababanggit niyo iyong ospital at inyo pong tulong-medical sa ating mga kababayan. Siguro maganda manawagan din tayo sa ating, lalo na iyong mga magulang na may anak na lima pababa, sa bakuna.

    VP LENI: Oo iyong bakuna. Ito, Ka Ely, ito talaga nakakalungkot. Nangyari kasi dahil pinulitika iyong issue ng Dengvaxia; maraming mga magulang ang takot nang magpabakuna. Marami tayong mga opisyal ng pamahalaan na parang nagkampanya pa laban sa effectivity ng bakuna, ayan tuloy, iyong mga iyong mga sakit na otherwise preventable ng bakuna nagbabalikan ngayon. Hindi lang iyong dengue, iyong polio…

    ELY: Diphtheria…

    VP LENI: Diphtheria. Iyong polio at saka diphtheria parang napakatagal nang panahon na wala, pati iyong measles. Tapos ngayon nagbabalikan dahil sa kakulangan ng pagpapabakuna. So iyong sa atin… iyong sa atin lang nakikiusap tayo sa mga magulang, sa mga health workers, sa mga LGU officials na talagang i-kampanya iyong pagpapabakuna ng mga bata kasi marami namang sakit na hindi, parang naiiwasan…

    ELY: Puwede maiwasan, eh.

    VP LENI: Oo.

    ELY: Opo. Lalo na po itong polio kapag tinamaan sila ng polio, buong buhay, wala na apektado na.

    VP LENI: Grabe, grabe talaga. Iyong Diphtheria din, Ka Ely, cause siya ng maraming deaths dati pero nahinto na natin ito many years ago, eh, tapos ngayon bumalik na naman. So sana, mabawi natin iyong kakulangan na ginawa natin in the past. Talagang iyong kampanya sa pagpapa-bakuna, gawing mas aggressive.

    ELY: Okay. So mga kababayan, lusob ho sa ating mga health center. Libre po ang bakuna. At samantala, ito, pinaka-mainit na isyu, Ma’am. Ito hong naging pag-a-apruba, ano, ng US Senate panel dito po sa pagbabawal sa mga opisyal ng Pilipinas na kung saan may kinalaman sa pagkakakulong ni Senator Leila de Lima. At ito ho, iyong pangunahing nagsulong nito ay ito pong si Senator Dick Turbin at Patrick Leahy, opo.

    VP LENI: Ang mensahe kasi nito, Ka Ely, ang pinaka-mensahe niyan ay iyong bansa nila, sine-seryoso iyong kanilang kampanya sa violation ng human rights. Sine-seryoso iyong kampanya nila sa paggamit ng power ng pamahalaan para manggipit ng mga political opponents. Ito, mas statement ito. Mas statement na, “Mas seryoso kami kaya gagawin namin ito.” At karapatan nila iyon. Pareho din noong karapatan ng… pareho din noong karapatan ng China na i-prevent iyong officials natin na papasok. Ito, karapatan. Puwedeng hindi tayo sang-ayon pero hindi siguro natin maipagkakaila na karapatan nila iyon bilang isang bansa. Kaya nga tayo kumukuha ng visa kasi sila iyong may karapatang mag-approve kung sino iyong papasok at hindi.

    Pero pagpapakita ito na iyong bawat bansa, puwedeng magpakita ng, iyong statement kung ano iyong mga values na mahalaga sa kaniya. At ngayon, ginagamit ito ng America para ipakita sa ibang bansa na mayroong mga values na napakahalaga sa kanila at gagamitin din nila iyong power ng kanilang gobyerno para ipahayag iyong mensaheng iyon. Iyon lang naman iyon, ganoon lang ka-simple.

    ELY: Pero kasi iyong iba pong ating mga senador at iba’t ibang mga opisyal, ang tingin ho nila rito ay panghihimasok sa pang-loob na usapin ng Pilipinas ito pong nangyari sa kaso ni Senator Leila de Lima. Kaya ho [ano po] nakikita niyo po rito?

    VP LENI: Pero iyong sa atin kasi, Ka Ely, choice naman natin iyong kung magpapa-pressure tayo o hindi, ‘di ba. Kahit pa anong gawin noong nasa labas na i-pressure tayo, nasa sa atin kung magpapa-pressure tayo. In the same manner na choice din nila iyong pagdedesisyon kung sino iyong papasok sa bansa nila o hindi.

    Kaya iyong sa akin, kahit pa may attempts na panghimasukan tayo, kapag ayaw natin, kaya natin iyong harangin. Pareho din iyon noong threats sa ating sovereignty, nasa sa atin iyon kung papayagan natin o hindi. Kahit gaano pa kalakas iyong pressure, nasa sa atin na sisiguraduhin natin na hindi natin i-a-allow na panghimasukan tayo.

    Pero siguro iyong pag-kuwestiyon noong aksyon nila, hindi natin iyon puwedeng pakialaman kasi in the same manner na hindi nila dapat pakialaman iyong mga desisyon natin, hindi din natin puwedeng pakialaman iyong desisyon nila kasi statement iyon ng mga values na mahalaga sa kanila.

    ELY: Opo. Okay, maliwanag ho iyan at pinag-uusapan natin dito, eh, magandang idugtong natin iyan, Ma’am, iyong dito sa UN Resolution, iyong sa Rohingya Muslims na kung saan ang Pilipinas ay bumoto laban sa resolusyon na kumo-kondena, ano, sa human rights violations.

    VP LENI: Noong una nating narinig iyon, Ka Ely, lalo na kasi isa lang tayo sa dalawa, ‘di ba, isa lang tayo sa dalawang bansa na nagsabing hindi tayo sang-ayon sa resolusyon. Kasi bigyan lang natin ng konteksto, parang marami nang violation ng human rights iyong treatment ng mga Rohingya refugees sa Myanmar. Marami nang nangyayari at ano ito, more than a year na na nangyayari. Nagkaroon ng UN Resolution para magkaroon ng isang strong statement na dine-decry iyong ganito, parang, ino-oppose iyong ganitong sitwasyon sa pangyayari—

    ELY: Kino-kondena.

    VP LENI: Kino-kondena. Isa lang tayo sa dalawang bansa na nagsabing hindi natin iyon kino-kondena.

    ELY: Kasama natin ang China. [laughs]

    VP LENI: Oo, tayo lang at saka China. Ano, BFF, Ka Ely. [chuckles]

    ELY: Oo. [chuckles]

    VP LENI: Pero… pero siguro, ako kasi, Ka Ely, sinubukan ko—sinubukan kong tingnan kung ano iyong dahilan at nabasa ko iyong statement na parang explanation ng ating boto. Mayroong explanation iyong ating boto at parang tama naman iyong explanation. Parang sinasabi niya na, “Totoong may mga nangyayaring hindi maganda pero iyong hinihingi lang namin na mas long-term, iyong solusyon na hahanapin, hindi lang short-term, na iyong hinihingi namin na, parang nagsa-sang-ayon naman. Nagsa-sang-ayon na talagang kailangang proteksyunan—kailangang proteksyunan iyong mga Rohingya refugees. Pero iyong sa akin lang, Ka Ely, iyong pag-boto kasi ng “No,” kasi tingin ko kahit ganoon iyong statement, puwedeng “Yes” iyong boto mo, eh. Kapag sinasabi mo lang na “Yes, but ang hinihiling namin ito…” May kaibigan tayo, Ka Ely, nakapagsabi na matagal nang ang isa sa mga dahilan kung bakit “No” iyong ating boto ay matagal nang policy ng foreign affairs na kapag iyong resolution, parang against a particular country or country specific, talagang hindi tayo sumasang-ayon, hindi tayo sumasali. Malamang, iyon iyong dahilan.

    ELY: Puwede naman mag-abstain, Ma’am, kung saka-sakali.

    VP LENI: At saka puwedeng mag-abstain at puwedeng iyong script, kapag binasa mo, Ka Ely, pina-print ko nga iyong explanation.

    ELY: Nabasa ko nga, Ma’am, iyong ano. Parang naguluhan nga ako bakit nag-“No” tayo, eh.

    VP LENI: Oo, kasi iyong explanation niya sang-ayon naman, ‘di ba. Mayroon lang siyang—

    ELY: Parang kinikilala lang na mayroon talagang nangyaring paglabag.

    VP LENI: Mayroon talagang nangyayari at kailangang may gawin tayo. At hinihiling niya lang mas long-term na approach. Tama naman. Tama iyong explanation pero iyong pagboto kasi ng “No,” parang maraming tao na ang hindi tinitingnan iyong dahilan ng boto pero tinitingnan kung bumoto ka ba ng “Yes” or “No.”

    Pero nakakapanghina lang na nag-“No” tayo doon. Iyon nga, sabi mo kung mayroong mga, kung para sa kaniya hindi perpekto iyong “Yes,” puwede namang mag-abstain at saka i-explain iyong abstention. Pero iyong pag-“No” kasi, nagkakaroon ng misimpression na hindi natin kinikilala, ‘di ba? Parang ang misimpression, hindi natin kinikilala na mayroong ganoong pang-aabuso or parang pumapayag ba tayo na mag—

    ELY: Ako, Ma’am, ang magiging impresyon ko, persepsyon, eh dahil sa nag-“No” tayo, parang kinu-kunsinte natin iyong pag-aabuso sa karapatan.

    VP LENI: Iyon nga, iyon iyong impression ng “No,” eh. Pero kapag binasa mo, Ka Ely, iyong statement, hindi naman ganoon.

    ELY: Tama.

    VP LENI: So sana, iyon nga, sana at the very least mag-abstain o iyong explanation na iyon puwede namang “Yes” kasi kinikilala niya naman. Pero baka mas malalim pa iyong dahilan, Ka Ely. Hindi natin alam kaya mahirap din i-second guess natin iyon.

    ELY: At dito rin, siyempre, iyong pag-suspend sa ano, iyong mga foreign loans.

    VP LENI: Oo, may dalawa na yatang na-suspend. Iyong sa France, parang iyong sa France, Ka Ely, ano sana iyon, proyekto ng DOTr tungkol sa Bus Rapid[Transit] system; iyong ano naman, iyong isang na-suspend iyong sa Germany, tungkol naman iyon sa climate change—dalawang napakahalagang proyekto sana na nakinabang siguro hindi lang iyong bansa natin pero pati sana iyong mga ibang bansa. Ito, iyong pag-protesta ng pag-boto laban sa—

    ELY: Sa Iceland.

    VP LENI: Sa Iceland tungkol doon sa pagpuna sa atin ng ating mga human rights violations. Pero parang…

    ELY: Pero, Ma’am, iyong resolusyon doon hindi tayo inakusahan, ah. Ang resolusyon nila, para imbestigahan. [chuckles]

    VP LENI: Parang imbestigahan pa lang. Iyong sa akin, inulit ko na ito—ay, sinabi ko na ito, Ka Ely, before, sasabihin ko ulit na kung hindi naman tayo guilty, parang iyong natural reaction natin, “Sige, imbestigahan niyo para makita niyo na hindi naman namin iyon ginagawa.”—iyon iyong number one. Number two, iyong 18 na bansa na iyon, hindi lang naman iyon iyong parang may ginawa na mape-perceive na laban sa atin. Halimbawa, iyong mga threats sa ating sovereignty. Bakit hindi pareho iyong ating pag-respond, ‘di ba? Parang mas ano nga ito, mas nakakatakot in the sense na puwedeng mawalan tayo ng teritoryo. Pero iyong pag-respond natin, parang baliktad. Ito na nag-a-agree lang sila na imbestigahan tayo, iyong ating response inaayawan na natin iyong grant o iyong loans na otherwise makakatulong sana sa atin, makakatulong sa mas maraming Pilipino.

    So iyon siguro iyong tanong—bakit iba iyong response considering na may mas urgent na threat sa ating sovereignty.

    ELY: Pero iyong DND, Ma’am, nagpapa-exempt, eh, kasi may mga military aid ka na natatanggap.

    VP LENI: Oo, iyong DND nagpapa-exempt kasi mayroon yata siyang pending na loan ba o grant o purchase with Australia. Titingnan natin kung papaano… papaano magmu-move forward ito pero disappointing. Disappointing na—

    ELY: Pero, Ma’am, sa pangkalahatan, nakikita niyo rito iyong pag-suspinde sa mga foreign loans at sa iba pang mga tulong dito sa mga bansang ito [na] makakasama sa mga Pilipino?

    VP LENI: Parang nade-deprive kasi tayo ng tulong, eh. Iyong dine-deprive natin iyong ating mga kababayan ng tulong. Halimbawa, iyong Bus Rapid[Transit] system, ang tagal-tagal na nitong pangarap, ‘di ba. Ang tagal nang pangarap lalo na ngayon na grabe na iyong traffic. Eh iyon sana kung natuloy iyon, baka sakaling nakapag-umpisa na tayo. Itong climate change, nakita naman natin, Ka Ely, talagang—ewan ko lang, Ka Ely, kung napapanood mo sa news iyong si Greta Thunberg, isang Swedish na 16-year-old na talagang siya iyong nag-uumpisa na, parang i-fire up iyong mga tao laban sa climate change. Itong kontrata sa Germany na sinuspinde, iyon sana iyong isa sa magiging kontribusyon natin doon sa laban against climate change pero wala.

    Eh sa atin, karapatan natin, Ka Ely—uulitin ko—karapatan natin na kung mag-desisyon… pero ang tanong natin: bakit iyong response natin iba? Considering na ang dami namang threats sa ating kasarinlan, sa ating sovereignty. Ito, parang grabe iyong—nag-overreact tayo. Iyon tuloy na mas immediate, parang wala tayong reaksyon.

    ELY: Iyon. Siguro mas maganda, talagang magkaroon ng mas matibay na polisiya dito, ano, iyong ating pamahalaan. Kasi siguro may mga nagbibigay, Ma’am, ng tulong ang ibang bansa, nagbibigay ng kondisyon, eh. Pero kung hindi naman masama ang kondisyon, eh ang kondisyon huwag lang lalabag sa mga karapatang ganito—

    VP LENI: At saka iyong kondisyon, makakabuti naman sa atin, eh. Kapag ang kondisyon, huwag maglabag sa karapatang-pantao, ‘di ba mabuti iyon para sa atin? [chuckles] Kaya hindi ko alam bakit may resistance kapag pinag-uusapan iyong—

    ELY: Iyong sa corruption… [chuckles]

    VP LENI: —iyong may resistance kapag pinag-uusapan iyong human rights. Kung naaalala mo, Ka Ely, iyong na-suspend din na second tranche ng grant galing sa US. Ano rin iyon, eh, corruption iyong isyu. So, ano ba ang masama doon? Ano bang masama kapag sinabihan ka ng bansa na, “Bibigyan kita basta siguraduhin mong walang paglabag sa karapatang-pantao.” Mabuti nga iyon para sa atin, eh.

    ELY: Oo, parang sa estudyante: “Bigyan kita ng pang-tuition pero mag-aral ka ng mabuti, ah.” [laughs]

    VP LENI: Oo, totoo.

    ELY: Oo, okay. So iyon po, mga kasama, at iyan po ang ilan sa mga isyu na ating pinag-uusapan ngayon. At marami pa ring isyu, Ma’am, iyong, nako, Ma’am, iyong sa ninja cops. Ang tagal na ho nito. [chuckles]

    VP LENI: Iyong sa ninja cops, Ka Ely, parang common… parang public knowledge, common knowledge na talagang nangyayari. Ang pinaka-question—ito, number one nakakalungkot kasi marami namang matitinong pulis, eh. Pero dahil maraming—maraming matitinong pulis—pero dahil may ilan na pasaway, nadadamay iyong buong institusyon—iyon iyong number one. Number two, ito kasi, depende sa pag-respond ng leadership. Kung iyong mga pasaway, talagang dini-deal with iron hands, ano ito, masasalba iyong buong reputation ng institusyon. Pero kung iyong mga pasaway, pino-proteksyunan, eh talagang lalong nadadamay iyong mga mabubuti na naman.

    Kasi iyong nakakalungkot dito, Ka Ely, marami tayong mga pulis na kakilala, na ka-trabaho before—ako, Ka Ely, naging chairman ako ng Regional Advisory Board ng PNP sa amin at nakilala ko, mahuhusay, matitino, mga maaayos na mga public servants tapos madadamay sa mga ganito dahil sa kagagawan ng iilan. Pero nasa leadership kasi iyan kung papaano ba sila magre-respond. Kung poproteksyunan nila, eh talagang dinamay na nila iyong masasama. Number two, kung hindi nila nagawa nang maayos na response, nadadamay pa rin nila iyong buong institusyon.

    Kaya ito, challenge ito. Challenge ito sa leadership bakit patuloy na nangyayari iyong ganito considering na ang tagal na nitong isyu? Parang ito, binuhay na lang ito ulit pero alam ng lahat na maraming mga pasaway na—eh iyong mga pasaway pa, Ka Ely, ito pa iyong mga na-a-assign sa, ‘di ba, iyong balita iyong mga ninja cops, ito iyong mga na-assign sa drug war, eh. Na iyong mga huli nila, nire-recycle din nila at pa-minsan ginagamit pang pang-ransom sa—[chuckles]—sa mga kagustuhan nilang mga kalokohan na pangyayari.

    Kaya tingin ko, unfair ito—unfair sa buong institusyon, unfair doon sa mga handang mag-buwis ng buhay para proteksyunan iyong ordinaryong Pilipino na iyong kanilang reputasyon, iyong kanilang institusyon, nadadamay dahil sa kagagawan ng iilan na mga pasaway.

    ELY: Okay, at sa panghuli nating isyu, sa wakas ay iyong DOF at BIR umaksyon dito sa POGO. May pinasara, ang laki diyan sa Eastwood. Nagulat ako 8,000 pala iyong mga Chinese workers.

    VP LENI: Totoo. Ito nga, nabasa ko iyong statement ni Senator Joel Villanueva. Inulit niya kasi last year pa niya ito tinatanong, Ka Ely, at last year niya pa ito dine-demand—nasaan iyong listahan? Nasaan iyong listahan ng lahat na pumapasok dito sa atin? At bakit hindi natin alam kung ilan talaga sila? Bakit hindi natin alam kung ilan iyong may papel talagang magta-trabaho? Hanggang ngayon, hindi pa rin napo-produce. Itong pagsara nito ng BIR at saka ng DOF nitong POGO operations na ito, magandang balita ito.

    Pero again, nire-remind lang tayo na alam na ang dami na nating reklamo tungkol dito mula last year pa, mula 2017. Bakit hindi pa rin naaaksyunan? Hanggang ngayon, hindi pa rin tayo nabibigyan ng listahan.

    ELY: At saka, Ma’am, kalat-kalat na sila, ah. Siguro dapat sa iisang lugar lang, talagang hindi nila aalisin iyon. Nasa iisang lugar na lang.

    VP LENI: At saka nagke-create kasi ng parang artificial na, ‘di ba, halimbawa, iyong demand sa real estate. Talagang—eh papaano kung…

    ELY: Kaya iyong mga Pilipino, nagugulat ang mahal ng condo unit, eh. Dahil doon pala sa mga POGO, eh.

    VP LENI: At saka everywhere na, Ka Ely. Ako nga, malayo sa sentro iyong aking tirahan pati sa amin mayroon na ring mga nakatira na… Pero iyong kuwestiyon talaga nito, papaano ba natin sila nire-regulate?

    ELY: Yes, opo.

    VP LENI: Papaano natin nasisiguro na iyong mga pumapasok dito, legal iyong papel? Papaano natin nasisiguro na iyong mga pumapasok dito hindi nang-aagaw ng mga trabaho na dapat sana sa Pilipino? Kasi marami na tayong narinig na pumasok dito, hindi naman pala iyon iyong dahilan kundi nagiging construction workers na dapat sana sa Pilipino iyong trabahong iyon. So, dapat ayusin iyong documentation kasi papaano tayo magre-respond nang maayos kung wala nga tayong datos.

    ELY: At siyempre, higit sa lahat, magbayad ng buwis—ng tamang buwis, opo. Diyan, iyong sa Island Cove siguro dapat imbestigahan rin ng BIR. Ang dami raw diyan, Ma’am, iyong napakaraming ano, sa POGO diyan.

    VP LENI: At saka sila iyong nag-a-avail ng infrastructures natin, sila iyong nag-a-avail ng benefits na otherwise dapat sana sa mga Pilipino. Iyong ordinaryong Pilipino nagbabayad ng buwis, eh dapat lalo na sila.

    ELY: Opo. Okay, at sa ilang sandali, ito na po, Ma’am, ang ating Istorya ng Pag-asa.

    VP LENI: Iyong ating Istorya ng Pag-asa. Ito, Ka Ely, napaka-espesyal ng bisita natin ngayon. Magandang umaga, Ma’am.

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: Magandang umaga po.

    VP LENI: Ang bisita natin, Ka Ely, si Dr. Cristina Cristobal. Espesyal siya dahil teacher siya sa Philippine Science High School — galing doon iyong aking anak.

    ELY: Ah, Pisay.

    VP LENI: Oo. Pero ano siya, Ka Ely, fresh from a success na well-deserved. Isa siya sa pinaka-recent na Metrobank Awardees. Iyong Metrobank Foundation Outstanding Filipinos, ‘di ba, as teacher. Ma’am, good morning po.

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: Good morning po.

    VP LENI: Ma’am, congratulations po sa inyo. Ma’am, nagja-judge po ako diyan before sa Metrobank Foundation. Alam ko po kung gaano kahirap makasali doon sa list ng winners. Ka Ely, ilang—mahaba iyong proseso. Iyong ibang award-giving bodies, magbibigay ka lang ng portfolio mo. Ito, nagbigay ka ng portfolio mo, dumaan ka sa pre-screening, in-imbestiga nila lahat ng claims mo, tapos mayroon pa siyang series of interviews kaya Ma’am, congratulations. Talaga pong assured tayo na kapag Metrobank Foundation Awardee, napakahusay talaga.

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: Salamat po. Talaga pong ano, eh, parang dumadaan po sa—

    VP LENI: Oo, sa butas ng karayom?

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: Butas ng karayom.

    VP LENI: Pero, Ma’am, binasa ko po iyong bio mo, 39 years ka ng teacher?

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: Opo.

    VP LENI: Thirty nine years na siya sa Philippine Science.

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: Pero bukod pa po doon, may dalawang taon pa po ako sa private school so a total of 41 years na.

    VP LENI: Hmm. So bago ka po nag-Pisay. Pero ever since po, iyong tinuturo niyo talaga is History?

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: Opo. Social Science at talagang nasa Philippine History po talaga at marami din pong taon, nagturo rin po ako ng Philippine Government, Constitution and Politics.

    VP LENI: Tinituro ko po iyon before. Noong teacher pa po ako, iyon iyong—Economics po at saka Philippine Government and Constitution iyong aking tinuturo. Pero ito, Ma’am, ano naman, marami namang History teachers na nagtuturo niyan, pero tinitignan ko, what sets you apart is parang hindi ka sumunod? Parang hindi ka sumunod sa mold ng—parang iyong kahon, kung papaano ituturo iyong History. Ano siya Ka Ely, ‘di ba kapag History—ako kasi, Ma’am, nag-compete ako noong grade school sa quiz bee—iyong Philippine History and Culture. Parang kapag history, minememorize namin iyong mga libro—iyong sa amin po noon, si Gregorio Zaide—mine-memorize namin iyon at parang iyon na iyong bible mo. Pero iyong sa’yo, iba. Parang hindi ka nakuntento na ganoon aaralin iyong history. Pero ikaw, in-encourage mo na primary sources iyong magiging batayan. Pero iyong kapag primary sources, Ma’am, talagang tao mismo or pangyayari mismo or para parang first hand ‘di ba?

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: Iyong mga documents—

    VP LENI: Paano niyo po naisipan na—at mahirap iyon kasi iyong availability din—so papaano niyo successfully na-i-implement iyon sa mga estudyante na may preference sa primary sources considering na iyong accessibility din sa primary sources ang kuwestiyon?

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: Unang una po, nai-pasok po namin ito sa curriculum kaya ang Philippine Science naman po—

    VP LENI: Hindi kasi siya DepEd, Ma’am, ‘no? DOST siya.

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: Isa po siyang system sa bawat rehiyon ng bawat bansa, mayroong Pisay campus. So nakapasok po at isa po ako sa nagsulong na dapat po, nandoon iyon kasi kung magko-concentrate sa textbook—may textbook naman po talaga iyong mga bata. Agoncillo po.

    VP LENI: Agoncillo. [chuckles]

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: Ang problema po doon ay nalulula iyong mga bata sa dami ng kailangan nilang isaulo.

    VP LENI: Oo at saka ang daming mga petsa. [laughs]

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: At kami naman pong mga teacher, parang nagiging spokesperson lamang noong aklat. So noong nag-ano po ako, PhD, isa sa tinignan ko ay paano po ba madedevelop iyong historical thinking skill at nagbasa po ako ng maraming research journals. Ito po isang magandang paraan iyong pag-expose sa kanila sa maraming primary sources kasi dito nakaka-konekta sila. Kasi iyong sa aklat, masyadong detached saka remote na from their personal experience. So, katulad po sa klase ko at nandoon din po iyon sa curriculum—iyong mga bata po, may mga proyektong ginagawa. Isa po diyan, hindi ko maalala kung si Jillian—

    VP LENI: Dumaan po sa iyo si Jillian? [laughs]

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: Hindi po. Kanya pong close friend ay presidente ng student council. Ayon po, gumagawa po sila ng family history project, local history, institutional history at doon po ini-interview—halimbawa po, family history project iyong pinili—ini-interview po iyong mga kamag-anak, lola—

    VP LENI: Ang galing. Very interesting para sa estudyante.

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: Opo. Hindi lang po mismong buhay nila pati kung ano iyong pangyayari sa lipunan kasi nandoon po iyong koneksyon sa history. Ano iyong mga pangyayari sa lipunan na nakaapekto doon sa buhay ng pamilya.

    VP LENI: Pero hindi ba iyan, Ma’am, sobrang hirap for you as a teacher? Kasi mas madali for you na magbabase lang sa textbook, ‘di ba? Pero to encourage them to look for—halimbawa, documents, saan pa ba available iyong mga document?

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: Actually, marami. Katulad po nitong huling topic namin na tungkol sa Philippine National Territory. Iyong amin pong ginamit iyon pong ginawang mapa ni Fr. Pedro Murillo Velarde.

    VP LENI: Mayroon po kaming kopya noon. [laughs] Mayroon po kami sa conference room.

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: At iyon po ang isa sa mga dokumento na sinubmit nung ating mga grupo na nakikipaglaban po tungkol doon sa—

    VP LENI: Kagaya po ng map na iyon, saan siya available? Sa library ba ng Pisay, mayroon?

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: May ano po naman, may access po iyong mga bata lalo po ngayon—

    VP LENI: May internet na.

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: —iyong mga bata so bigay niyo lang po iyong mga assignment nila, hahanapin po nila.

    VP LENI: Kasi noong binabasa ko—

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: Sa Ateneo po, mayroon.

    VP LENI: Sa Ateneo, mayroon. Binabasa ko po iyong ano mo, iyong kung papaano mo nagawa iyong pagtuturo parang namangha ako kasi sabi ko, siguro kung ganito iyong pagtuturo ng history, siguro mas naging interesting siya. Kasi parang kapag sinabing history, ang mga bata parang “Ay, mahirap, boring, bindi naman namin kilala.”

    ELY: Saka iyong mga kakabisaduhin, masyadong marami.

    VP LENI: Oo, masyadong marami.

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: Hindi po katulad noong—mabalik lang po ako sa family history project, nakikita nila na konektado pala sa buhay ng kanilang pamilya. Mas nagiging personal sa kanila iyong dating ng kasaysayan.

    VP LENI: Mayroon pa, Ma’am, nakasabi na parang ngayon, sa DepEd yata iyong curriculum parang iyong high school History, Asian History na siya. So noong nag-grade school na siya, mayroong Philippine History pero kapag high school, wala ng Philippine History, babalikan niya uli iyon kapag college na paminsan kapag hindi kasi tuloy tuloy tapos masyadong far apart, nawawala iyong interest. Pero ang sabi, Ma’am, parang pinaglaban niyo na may Philippine History pa rin iyong high school. Pero, Ma’am, naging possible iyon dahil hindi kayo sa DepEd system?

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: Ma-suwerte po kami na sa Philippine Science po kami kasi we can craft our own curriculum. Kaya po sa aming Grade 7, ang social science po ay Philippine History.

    VP LENI: Ang galing.

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: Tapos po for Grade 10, nandoon po for one full academic year, iyon pong Philippine Government, Politics and Constitution at naisulong po natin iyong ganoon.

    VP LENI: Ang isa, Ma’am, na parating bumabalik-balik ngayon na sinasabi na kaya hindi tayo natututo sa lessons from the past, kasi mayroon tayong ino-omit na ituro sa mga bata from our history na dapat sana natuto na tayo dahil sa kasaysayan natin. Ang isa dito iyong Martial Law.

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: Opo.

    VP LENI: Marami iyong, actually may finger pointing, may sisihan na kaya tayo nagkakaganito na naman, parang bumabalik iyong panahon noong inayawan na natin kasi hindi na natin tinuro sa mga anak. Pero, nabalitaan ko, Ma’am, na kayo, kasama ito sa modules na tinuturo niyo, iyong Martial Law?

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: Opo, kasama po iyan. In fact, bukod po sa eskwelahan, nakagawa rin po ako ng module sa Bantayog ng mga Bayani at ginagamit po nila ito kapag may mga bisita—

    VP LENI: Ito ba, Ma’am, iyong dahilan kung bakit noong maraming kuwestiyon doon sa burial, maraming sunod-sunod, parang naging very active iyong Pisay sa participation?

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: Opo. Nagpunta pa po kami sa Bantayog ng mga Bayani. Pero mabalik lang po ako sa punto po noong pagiging maswerte namin sa Philippine Science at mabalik din po ako doon sa punto na iyong Metrobank, hindi lang magtatapos sa in-award. Kasi po, matapos po iyong awarding, mayroon pa po kaming project na i-implement.

    VP LENI: Oo. Parang may choices pa kayo, Ma’am?

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: May dalawang tracks po. Iyong isa, magcoconduct ng lecture, iyong isa naman po ay roundtable discussion.

    VP LENI: Iyong pinili niyo daw ay roundtable. Napaka-exciting.

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: Opo.

    VP LENI: Pero iyon, Ma’am. Roundtable po with government officials iyon, ‘di ba? Pero who determines iyong ka-roundtable?

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: Puwede po kaming mag-propose. Actually, bukod po sa DepEd, nag-courtesy call po kami sa Senate.

    VP LENI: Oo, saka sa House.

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: Opo. Nabanggit ko na po ito kay Senator Win Gatchalian.

    VP LENI: Siya iyong education.

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: Opo. Committee chair.

    VP LENI: Sila yata ni Sen. Angara. Parang si Senator Win yata iyong primary and secondary. Tapos si Senator Angara iyong tertiary.

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: Tapos sa House naman po, si Committee Chair Roman Romulo. Nabanggit ko na po sa kaniya ito kasi nga po isa po ito sa nais kong isulong din. Baka puwedeng reviewhin ng DepEd ang kanilang curriculum para maibalik po iyong Philippine History kasi wala po ito, eh, pati po iyong pagtuturo ng Philippine History.

    VP LENI: Tsaka iyon, Ma’am, paano, Ma’am, kasi ngayon, marami ngayong parang dini-distort iyong stories, ‘di ba? Paano kaya mapi-prevent ito na idi-distort iyong facts. Ang sabi nila revisionism pero I agree with you—sabi mo Ma’am, hindi iyon revisionism pero distortion. Papaano kaya siya mapi-prevent? Kasi halimbawa ngayon marami ng propaganda na parang iyong golden years nating during Martial Law when in fact, tayong dumaan doon, alam natin na hindi. Pero tingin niyo, ano iyong dapat nating gawin para hindi napapalitan iyong facts?

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: Balik po ako ulit sa primary sources. Iyon po iyong—kapag tinuturo ko po ito sa mga estudyante, iyong primary source po na ginagamit ko, iyon pong Constitution. Iyong 1935, iyong luma at saka paano pong nangyari na nagkaroon tayo ng 1973? So binabalikan ko po iyon.

    VP LENI: So nagkakaroon po sila ng opportunity i-compare.

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: Lalo na po iyong mga ginawang amendments, iyong ’76, ’81, ’84. So nakikita po doon na talagang—

    VP LENI: —attempt

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: —at nagamit iyong Saligang Batas natin na dapat po hindi nangyari kasi Supreme Law of the Land po iyon, eh. So doon pa lang po, iyong primary source, talagang objectively we can present how things can be distorted—

    VP LENI: Totoo. Parang hindi siya open for misinterpretation. So, Ma’am, kapag gumagamit kayo ng primary sources, kapag tinuturo niyo ba iyong Martial Law, nakakapag-imbita kayo ng mga victims ng karahasan?

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: Actually po hindi kailangan imbitahan—isa po sa mga teacher namin although kaka-retire pa lang niya—isa pong biktima ng martial law, nakulong.

    VP LENI: So siya po mismo ang source niyo?

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: Opo. At kasama din po siya sa isang grupo. Iyong claimants—

    VP LENI: Ah.

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: Marami po. Bukod po sa kaniya, may naimbitahan na rin po kaming iba at sila po ay nagsasalita sa harap ng aming mga estudyante at nabibigyan ng mukha at nabibigyang-buhay muli iyong panahon na iyon—talagang isang malungkot na bahagi ng ating kasaysayan.

    VP LENI: Kasi, Ma’am, ngayon, nakakalungkot kapag binabasa mo na lalo na sa Facebook kasi mayroon propaganda machine na talagang nagsi-spend ng funds na dini-distort talaga kung ano iyong totoo. Parang sinasabi na Golden Era of Infrastructure, parang pinaka-maganda iyong ekonomiya natin at the time of Martial Law. So iyon siguro, Ka Ely, iyong benefit ng primary sources na hindi mo mapapalitan kasi andoon na iyon.

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: At saka iyon nga pong ano rin—nais ko rin po sanang isulong rin, iyong pagpapalakas po ng history education natin at political education.

    VP LENI: Totoo.

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: Siguro po kaya marami tayong problema. Iyon nga po, sabi po ninyo kanina, maraming omissions at lalo po ngayon, sa curriculum, wala po iyong pagtuturo.

    VP LENI: Siguro kung tinuturo po ito sa mga eskwelahan, hindi ganoon kadali ma-influence iyong mga kababayan natin sa masamang propaganda kasi pa-minsan ngayon, kasi hindi mo rin ma-blame iyong mga naniniwala kasi iyon din iyong information na nakakarating sa kanila. Pero siguro kapag tinuturo siya sa school, siyempre na-vet na iyon ng academic council kung ano iyong laman ng ituturo. Baka mas nasa better position sila magsabi na “Ah, ito kasinungalingan ito. Ito iyong totoo.”

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: At saka bahagi rin po iyong pagtuturo at paglinang noong critical thinking, iyon bang hindi tinatanggap at face value kundi pagsusuri po.

    VP LENI: Pero, Ma’am, in connection po doon sa assignment niyo na Metrobank, kasi nakita ko na iyong roundtable will be with government officials, most probably kasama iyong DepEd doon, ‘di ba? Kasi tingin ko kailangan sana ma-influence—kailangan sana ma-influence hindi lang iyong DepEd kundi iyong particular na mga nagtuturo ng history na ito sana iyong paraan to better teach the subject na mas maaapreciate ng mga tao. Kasi, nakita ko, Ma’am, mayroon akong mga nakaka-come across na mga bata galing sa ibang bansa na parang sila, alam na alam nila iyong history nila. Pero iyong sa atin parang kulang ng kaalaman tungkol sa bakit ba tayo nandito. Paano tayo nakarating dito?

    So sana Ma’am—ito Ma’am, ano na wishful thinking na sana ma-influence niyo. Sana ma-influence niyo iyong history professors, particulary sa secondary level, na sana hindi lang na sundan iyong example mo pero sana pareho mo, mag-explore ng better ways ng pagtuturo kasi sa nangyayari ngayon nakikita natin kung gaano kahalaga iyong pagtuturo ng history. Pero ito, Ma’am, kami nagpapaabot kami ng Congratulations sa iyo. Alam po namin na iyong 39 years, hindi iyong matatawaran.

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: Pumasok nga po ako diyan, dalaga. Ngayon, Lola na po ako. [laughs] Marami na po akong apo.

    VP LENI: [laughs] So marami na pong dumaan sa inyong estudyante.

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: Dati isang campus lang kami. Ngayon, 16 campuses na.

    VP LENI: Oo nga, 16 campuses na. Sa amin po mayroon na sa Bicol, sa Goa, Camarines Sur. Pero ito po, salamat. Sana po maging daan kayo, iyong pagkapanalo niyo, maging daan kayo para ma-inspire iyong iba pang professors of history na i-take on niyo iyong challenge, na pareho noong pag-take on niyo. Ma-suwerte po iyong Pisay na nandiyan kayo kaya congratulations po, Ma’am, at maraming salamat po sa pagpapaunlak sa amin kahit Linggo pero malaking honor po sa amin na maging guest kayo.

    DR. CRISTINA CRISTOBAL: Malaking karangalan din po sa akin.

    VP LENI: Thank you po.

    ELY: Okay, Ma’am, thank you po. Samantala, marami pa tayong listeners, ano, na nakikinig ngayon dito po sa BISErbisyong Leni at Ma’am happy viewing kay Gian Reyno, pamangkin ng ating cameraman na si Raprap.

    VP LENI: Happy viewing, Gian! Ito mahaba, pero nakita ko agad. Si Lloyd, kaibigan natin ito. Si Lloyd Castañeto Jambaro. Kasama ito, Ka Ely, doon sa Dubredo. Iyong mga supporters ni Presidente at mga supporters ko. Pero sabi niya, “Gusto ko lang po sana magpabati dahil we’re celebrating the 51st anniversary of our Church in Binalonan Baptist Church.” Ayon. Iyong mga miyembro po ng Binalonan Baptist Church, Happy 51st Anniversary po sa inyo.

    Ito, si Lolit Abada, watching from Edmonton, Alberta. Parang lumalamig na diyan ngayon, nabasa ko sa diyaryo.

    Si Eric Tugonon, watching from Cebu. Maraming Salamat, Eric, sa palaging pagsama sa amin bawat linggo.

    Chen Glenda, “Goodmorning po VP Leni, God Bless.”

    Leo Ocampo, naniniwala daw siya sa akin—ay, Lea—Maraming Salamat, Lea.

    Carolyn Ramos, si Carolyn kaibigan natin ito. Maraming Salamat sa iyo. Ito si Renan Gabarra, Luisa Magante from San Francsico, California. Ito rin si Elena Reyes from Canada. Palagi tayo, Ka Ely, maraming viewers from Canada. Ito pa, isa pang Canada, Meli Cabaneros from Ontario, Canada. Elena Cortez, “Laban hanggang kaya natin.” Parati po nating kakayanin. Huwag patalo.

    Ito si Francisca Misa Rivero “Good morning, VP Leni” Good morning din sa iyo.

    Joey Magno, Norma Ilagan, good morning po. Caling Perez, Joshua Dela Cruz, good morning din.

    Maraming naggu-good morning, Ka Ely, “To the real Vice President.” Siguro reaksyon ito doon sa fake news. Iyong mga nagre-react po sa fake news, para ma-prevent po natin ito, i-report po natin iyong mga purveyors of fake news.

    Ito, Canada ulit. Baby Balite De Castro. “Good morning VP Leni from Toronto.” May mga kamag-anak iyong asawa kong De Castro, may mga kamag-anak kaming De Castro. Ano kaya kung kamag-anak namin si Baby.

    Nieves Villaruz “Malasakit sa kapakanan para sa lahat, mabuhay.” Salamat sa iyo, Nieves.

    Si Estrella Robles, Canada ulit. “Watching from Toronto, Ontario, Canada.” Kumusta po iyong kababayan natin sa Toronto.

    Ito, Canada ulit. Anthony Magdaraog Valeza from Manitoba. Ayun kumusta po. Marami rin pong Pilipino sa Manitoba.

    Adonis Manzan from Guimaras. Ayon, kakagaling ko lang doon, Ka Ely, sa Guimaras noong isang buwan. Kumusta po iyong mga tiga-Guimaras.

    Ito naman from Macau, Robert Mirando. Kumusta po iyong mga kababayan natin sa Macau? Marami po tayong kababayan doon, Ka Ely, na nagta-trabaho sa hotel. Kapag pumasok ka sa hotel sa Macau, maraming Pilipino.

    Meli Cabaneros, ayan si Meli, lagi rin tayong sinasamahan nito also from Ontario, Canada.

    Ara Barbante, “Good morning po”—Ito iyong gusto ko, Ka Ely—napakabait, napakasipag at napakaganda”— ayan. [laughs] Maraming Salamat, sa iyo, Ara. Tignan mo, napupuri ako ni Ara. Ah! Bicolano pala siya. Ikaw, Ara, hindi mo agad sinabi, Bicolano ka pala.

    Edgar Taton, “Good morning, tuloy ang laban.” Maraming salamat sa iyo, Edgar.

    Iyon. Iyon ang mga nagmessage sa atin ngayong umaga. Kaya maraming salamat po sa parating pakikiisa sa amin.

    ELY: Okay, maraming salamat, Ma’am. At mensahe muli sa ating mga listeners at iyong mga madalas po mabiktima ng mga iba’t ibang uri ng fake news hindi lang po sa inyo pati sa mga iba’t ibang issue na binabaliktad.

    VP LENI: Maraming nabibiktima. Siguro, Valedictorian lang ako, Ka Elypero marami ring nabibiktima ng fake news pero lumaban na po tayo. Dati kasi hindi natin pinapansin pero ngayon lumaban na tayo, i-report po natin. Huwag tayong gagawa din ng sarili nating fake news kasi nagdadagdag tayo sa problema.

    ELY: Huwag nating kontrahin ng kontra fake news; I-correct dapat natin.

    VP LENI: Iyong mga trolls, ang kalaban truth warriors. Kaya tayo po, maging truth warriors tayo. Iyong mga nagsisinungaling, i-report na lang natin.

    ELY: Okay, maraming salamat sa ating mga listeners, mula po diyan sa DYHP Cebu, Cayagan De Oro, Davao, Naga, mula po dito sa Metro Manila, sa DZXL, napakinggan po natin ang ating Bise Presidente, si Madam Vice President Leni Robredo. Ako pa rin po ang inyong radyoman, Ely Saludar hanggang sa susunod na edisyon ng BISErbisyong LENI sa RMN.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Sep 28, 2019