This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI – Episode 124

    ELY: Magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas, at Mindanao! Isa na namang edisyon ng BISErbisyong LENI dito po sa RMN. Ngayon ay araw ng Linggo, September 22, 2019. Magandang umaga, Metro Manila, at magandang umaga—maayong buntag—diyan po sa RMN-DYHP Cebu, RMN-DXCC Cagayan de Oro, RMN-DXDC Davao, at RMN-DWNX Naga. Siyempre, magandang umaga rin kung saan man kayo naroon sa iba’t ibang panig ng mundo, binabati natin mula po dito sa BISErbisyong LENI.

    Ako pa rin po ang inyong Radyoman, Ely Saludar, at siyempre kasama ho natin ang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si Madam Vice President Leni Robredo. Ma’am, good morning po sa inyo!

    VP LENI: Good morning, Ka Ely. Good morning po sa lahat na kasama natin ngayong umaga. Again, special mention, Ka Ely, sa mga kababayan ko sa Bicol, kasi ngayong araw, ito iyong last day ng fiesta sa amin. Napakatagal ng fiesta—nag-umpisa ng 2ndFriday of September; ngayong araw magtatapos. Ngayong umaga lang ako dumating, Ka Ely. Nandoon ako kahapon, kasi kahapon iyong fluvial procession. So happy fiesta po sa mga kababayan kong mga Bicolano. Sa mga kababayan po natin sa Visayas at Mindanao, maayong aga, maayong buntag sa inyong lahat!

    ELY: Pero ganitong buwan talaga naka-ano iyan…

    VP LENI: Parating September. Wala siyang fixed date, pero iyong umpisa niya iyong Traslacion, parating 2ndFriday of September.

    ELY: Ayon, nataon na isa sa makasaysayan at madilim—

    VP LENI: Oo nga, September 21.

    ELY: —[na bahagi] ng kasaysayan.

    VP LENI: Kahapon nga, September 21, fluvial procession sa amin.

    ELY: Okay, mamaya, ano— Bukod pa diyan, Ma’am, ano pa po iyong mga inyo pong naging aktibidad sa nagdaang linggo?

    VP LENI: Pinaka-sentro ng aktibidad natin, Ka Ely, dinepensahan natin iyong budget, pareho sa Senate saka sa House of Representatives. Sa Senate, sa ano pa lang, sa harap pa lang ng Committee on Finance. Sa House naman, plenary na. Pero ang nakakatuwa, Ka Ely, walang kumuwestiyon sa budget natin kung bakit siya malaki—sabagay sobrang liit—

    ELY: Ito nga, Ma’am, may narinig akong kumuwestiyon bakit maliit masyado.

    VP LENI: Iyon na nga.

    ELY: Baligtad.

    VP LENI: Iyon iyong kabutihan, Ka Ely, kasi parehong mga senador saka iyong mga members of the House, nagsasabi na dapat daw dagdagan iyong budget namin. Actually mayroon sa aming assignment na mag-submit ng proposal para dagdagan. Iyong nakakabuti dito, hindi lang iyong dagdag na funding, pero iyong significance niya kasi, parang recognition na may—very relevant iyong ginagawa ng aming opisina. So iyon naman iyong nakataba ng puso.

    Kahit, Ka Ely, ano, medyo bugbog ako noong nakaraang linggo kasi wala akong boses ng dalawang araw. Nakakahiya nga doon sa mga pinuntahan kong speaking engagements. Noong Wednesday and Thursday, Ka Ely, wala akong boses. Nag-umpisa ako ng Wednesday, mayroon akong speaking engagement sa Xavier School, medyo okay-okay pa iyong boses ko, parang ganito—namamaos pero mayroon pa. Pero iyong susunod kong speaking engagement doon sa Ernst & Young, wala na talagang lumalabas. The following day, nag-attend ako ng LP NECO, wala talaga akong boses, tapos ang susunod noon, ito napakalaking event sa PICC, iyong Education Summit, wala talagang akong boses, hindi ako nakapagsalita. Although in-attend-an ko din naman lahat. Kaya iyong mga napuntahan ko pong hindi ako nakapagsalita, paghingi lang po ng paumanhin. Noong Biyernes, lumabas na ulit iyong boses ko.

    ELY: Ayan, opo. Okay, samantala—at napakaraming isyu na pinag-uusapan ngayon—siguro magandang pag-usapan din, Ma’am, dahil sa ngayon, matapos ang 19 na taon ay nakabalik ang polio dito po sa ating bansa. Nagulat ako, nabasa ko, Ma’am, iyong tweet ng anak niyo, si Tricia. Tama naman, eh.

    VP LENI: Hindi napigilan iyong sarili. [laughs]

    ELY: Pero para po sa kaalaman ng ating mga listeners, si Tricia ay nag-aaral sa pagka-doktor. Ibig sabihin, Ma’am, ibig sabihin may interes siya doon sa isyung ito.

    VP LENI: Totoo.

    ELY: Hindi lang basta—

    VP LENI: Adbokasiya niya kasi, Ka Ely, iyong vaccination, eh. Nasa huling taon na siya sa pag-aaral ng medisina, graduating siya next year. At adbokasiya niya talaga, ito.

    Pero iyong mga anak ko, Ka Ely, parating itong pigil na pigil magkomento. Iyan iyong aming usapan. Pero sa isyu sigurong ito, hindi niya napigil iyong sarili niya kasi sino ba naman iyong hindi mahahabag, ‘di ba? Iyong measles bumalik, iyong dengue nag-spike, iyong polio, after 19 years, bumalik—na lahat naman ito preventable by vaccination, ‘di ba? Kaya lang naman ito gumrabe nang ganiyan kasi maraming— DOH mismo iyong nagsabi, binabasa ko iyong statement ni Secretary Duque, iyong dahilan kung bakit mayroon na namang polio ngayon, kasi kahit preventable siya—‘di ba pagkapanganak pa lang ng bata, mayroon nang OPV, o iyong injection—

    ELY: Kasi po iyong tinamaan ng polio sa Lanao ay tatlong taong gulang na, saktong tatlong taon na rin ang Duterte administration, so lumilitaw nagkaroon po ng underdistribution, at parang kumbaga sa ano, lumamya, humina, ang pagiging aktibo sa vaccine.

    VP LENI: Hindi lang iyong tinamaan, Ka Ely, pero ‘di ba kumuha sila ng sample sa water sewerage system, iyong tubig dito sa Manila saka sa Davao, contaminated. Nakakatakot iyon.

    ELY: Delikado.

    VP LENI: Sobrang tagal na dapat na-eradicate iyong [sakit] na iyon; dahil sa scare sa vaccination, bumalik na naman. Kaya sino naman iyong hindi talaga ma… ano nga… mahahabag, maiinis, na dahil ginawang political issue iyong health, iyong mga kabataan natin iyong kailangang sumalo ng problema ng matatanda. Kaya dapat sana ito… dapat sana hindi ito nangyari. Pero ngayon na nangyari na, inaasahan natin na iyong mga opisina ng ating pamahalaan, particularly iyong DOH, talagang magiging… magiging aggressive sa paghabol, kasi parang nag-several steps backward tayo, Ka Ely, eh. Iyon nga, paghahabol noong mga na-miss out natin dahil sa controversy.

    ELY: Opo, at dito, muling lumitaw, saktong sakto, Ma’am, iyong mga programa sa sanitation, magkaroon ng maayos na palikuran iyong ating mga kababayan. Kasama sa inyong ano iyan, eh…

    VP LENI: Parati, Ka Ely. In fact, marami kaming mga communities kung saan naglalagay talaga kami ng mga toilet facilities, dahil marami pa tayong communities, Ka Ely, na wala pa nito. Ayon, iyon iyong number one. Number two, pati sa mga paaralan, mayroon tayo iyong mga WASH facilities na nilalagay. Programa naman ito ng gobyerno, pero iyong aming opisina, sumusubok lang na para mag-fill in the gaps. Iyong mga hindi pa nabibigyan, mabigyan namin. Iyong kaunting pondong ibinigay sa amin ng pamahalaan, talagang kaunti ito compared sa iba. Dito namin talaga ginagastos sa mga pang… ano ito… pang-fill in sa gaps ng mga lugar na dapat sana ay may ganitong facilities pero wala.

    ELY: Opo. Samantala, sa huli nating isyu, at ito iyong report ay kung saan ipina-suspinde iyong mga loans at grants mula po sa mga bansa—parang nasa 18 po ito—iyong mga sumuporta sa Iceland, na kung saan eh nais paimbestigahan ang Pilipinas dito po sa United Nations Human Rights Council. So kayo, Ma’am, ano po ang epekto? Kasi may mga bansa na talagang tumutulong po sa mahihirap, sa mga bansang tulad ng Pilipinas.

    VP LENI: Parang pareho din ito, Ka Ely, noong… ‘di ba iyong Millennium Challenge [Corporation] Fund na hindi… iyong 2ndtranche hindi na sa atin naibigay, na maraming proyekto sa pipeline na hindi talaga napondohan. Okay lang sana kung mayroon tayong perang pangpalit, pero kung walang perang pangpalit—pareho din, na iyong magsasakripisyo, iyong dapat sana beneficiaries nitong mga programang ito. Nakakalungkot dahil pandagdag na sana ito sa programa para sa mga mahihirap. Mayroon ngang parang hindi ulit tumutugma na mga statements, kasi parang sabi yata ng spokesperson wala namang ganoong order, pero—

    ELY: Pero nasa website ng gobyerno po ito, iyong Bureau of Customs.

    VP LENI: Kaya parang iyong ano din ito—

    ELY: Sabagay, Ma’am, hindi naman na bago ito.

    VP LENI: [laughs]

    ELY: Iyong ano pa…

    VP LENI: Iyong sa ambush.

    ELY: “Ipina-ambush kita” o ano bang… may sabi, eh.

    VP LENI: “Inambush ka na.”

    ELY: “Na-ambush ka na.” Parang ang layo. Kasi ako, Ma’am, father ko Bisaya din, eh, at iyong RMN, marami ho ang mga Bisaya. Pero ang layo, Ma’am, ng “kita” at “ka na”.

    VP LENI: Pero may espesyal tayong bisita ngayon, Ka Ely.

    ELY: Tamang-tama nga, Ma’am, dahil sa…

    VP LENI: Dahil sa selebrasyon natin kahapon—hindi pala selebrasyon, pero paggunita—commemoration ng Martial Law kasi kahapon, September 21. At wala nang sigurong ibang mas… mas malaking simbolo ng atrocities noong Martial Law kundi iyong bisita natin ngayon—former chairman ng Commission on Human Rights, Ma’am Etta Rosales. Ma’am Etta, magandang umaga sa iyo.

    ETTA ROSALES: Magandang umaga rin po.

    VP LENI: At maraming, maraming salamat sa pagpapaunlak sa amin on a Sunday morning. At maraming salamat din kasi the other day, naging panauhin din namin siya, Ka Ely; may ginagawa kami ngayon na Angat Buhay Youth run for young public officials. Isa rin si Ma’am Etta sa aming mga mentors. Kaya maraming salamat, Ma’am Etta.

    ETTA ROSALES: Maraming salamat din po.

    VP LENI: Siguro, Ka Ely, iyong itatanong natin na una kay Ma’am Etta: Noong Martial Law ba—iyong September 21, 1972—nasaan siya, ano iyong ginagawa niya, at papaano siya naging isa sa mga pinaka-celebrated na biktima nito?

    ETTA ROSALES: Noong Martial Law— When Martial Law was… noong na-kuwan siya, ipinataw ang Batas Militar, 1972—nasa bahay pa ako noon, nagtuturo ako sa Jose Rizal College ng social sciences, so wala naman akong ka-malay-malay na huhulihin ako. Kasi mayroon akong mga libro na inuwi, nagpunta ako sa China dahil mayroon iyong, kuwan, exchange of relations, people-to-people relations. So nagpunta ako sa China noon tapos bumili ako ng maraming libro kasi eh ganoon naman ang ginagawa at saka teacher ako. Eh ngayon, mayroong—nangailangan kami ng driver, so kumuha ng isang driver, tapos narinig na namin na magma-Martial Law na at iyong mga libro ko eh baka subersibo daw, ganiyan. So sabi ng driver, “Hayaan niyo’t itatago ko itong mga librong ito. Huwag kayong mag-alala.” Iyon pala, ahente iyong driver.

    VP LENI: Ahente ng pamahalaan?

    ETTA ROSALES: Ng pamahalaan noon. So iyong driver, tinago nga niya, pero tinago niya doon sa kampo, doon sa military camp, iyon. So iyon iyong naging batayan kung bakit ako nahuli noong Oktubre—a month later.

    VP LENI: Talagang 1972 pala kayo, Ma’am Etta, nahuli?

    ETTA ROSALES: Oo, nahuli, at hindi ko naman naiintindihan iyon, ano. So a month after, hinuli nila ako mula sa bahay. At iyon, dinala nila ako sa Camp Crame o Camp Aguinaldo ba iyon, at iyon, iyon iyong nangyari noon. At nagtataka ako: “Bakit niyo ako hinuhuli? Hindi ko maintindihan!” Iyon pala ang batayan doon, iyong mga libro na kinuha ko, binili ko mula sa China.

    VP LENI: Iyon na iyong ginamit laban sa inyo?

    ETTA ROSALES: Laban sa akin.

    VP LENI: Tapos ano iyon, you were brought to trial? Mayroong parang proceedings para mahatulan kayo na guilty kayo of subversion or whatever?

    ETTA ROSALES: Walang mga ganoon. Wala—

    VP LENI: Wala, basta kinulong ka lang?

    ETTA ROSALES: Basta detinido ka lamang at iyong pag-aresto, kuwan iyon, iyon iyong dating gawi. Basta warrantless arrest, huhulihin ka lang, ide-detain ka lang—

    VP LENI: Walang pinakitang order from the court o—?

    ETTA ROSALES: Wala, wala, wala. Basta pinuntahan lang ako sa amin.

    VP LENI: Sa bahay kayo pinuntahan?

    ETTA ROSALES: Sa bahay ako pinuntahan. So nagpunta ako, sumama ako, at nagtaka ako kasi prior to that, mayroon akong ilan na kaibigan na tumawag sa akin at inaresto sila at itong mga inarestong ito, mga propesor sa UP, so mga kasamahan ko dahil young instructor din naman ako noon. So sabi ko, “Huwag kayong mag-aalala, huwag kayong mag-alala, tatawag ako sa kuwan, sa ating adviser.” Iyong adviser namin noon, si Ka Pepe Diokno kasi iyon ngang FLAG, ‘di ba, so, “Huwag kayong mag-alala,” sabi ko. So tawag naman ako kay Ka Pepe Diokno at sabi kong ganoon, sasabihin ko sa kaniya isusumbong ko sa kaniya na—

    VP LENI: Pati siya hinuli din?

    ETTA ROSALES: Hinuli rin. Tapos ang sumagot sa akin, “Sino ito?” Iba na iyong boses. “Sino ito? Ano ang pangalan mo?” Doon ko naramdaman na medyo iba na iyong…

    VP LENI: Hinuli na rin siya.

    ETTA ROSALES: So iyon pala, nahuli na siya. So that’s when I… naintindihan ko noon na talagang grabe pala, naghuhulihan na. Kaya noong hinuli ako, medyo naramdaman ko na na bahagi ito. Pero iyong batayan, hindi ko naiintindihan.

    VP LENI: Pero noong hinuli po kayo at pinasok kayo sa selda, may mga kasama kayong mga babae rin?

    ETTA ROSALES: Mayroon din, at ang marami nga mga propesor, mga instructors. Sa kuwan kami dinala, sa ano… sa Philippine National Police, kuwan, dito sa Camp Crame, at saka doon sa malaking stand ako nila, sa open court nila. Doon maraming mga nahuling mga professors, teachers, businessmen—

    VP LENI: So doon kayo nagkita-kita?

    ETTA ROSALES: Doon kami nagkita-kita. Kaya masaya rin siya at iyon iyong open at tinatawag nilang “smiling Martial Law”, dahil sabi nga nilang ganoon, kami iyong show window nila na Martial Law was “smiling Martial Law”, ayon. Si Haydee Yorac nandoon; because she asserted gusto niyang mag-swimming, so nakapag-swimming pa siya doon sa Camp Crame swimming pool, mga ganoon.

    VP LENI: Gaano po katagal iyong detention mo?

    ETTA ROSALES: Sandali lang kasi my father, kuwan eh, military ang father ko, eh.

    VP LENI: Ah, talaga?

    ETTA ROSALES: Oo, pero of course, wala na siya noon kasi he died of cancer way before Martial Law. So kilala iyong tatay ko and then my mother—

    VP LENI: So naging instrumental iyon na—?

    ETTA ROSALES: Malaking bagay iyon. So, at saka I had two babies, two children, so naging instrumental din iyon.

    VP LENI: So may anak na kayo at that time?

    ETTA ROSALES: Yeah. Siguro mga seven, six years old iyong youngest, tapos seven years old iyong mas matanda. So, during that time, tapos binisita ako, pero natutuwa ako doon sa mga bata kasi galit sila, eh. Naka-ganon sila, nilalabanan nila iyong kuwan, iyong military. Pero hindi nila ako sinaktan. Pero tinanong nila, “Sino si Jose Maria Sison?” “Ay, nababasa ko iyan,” kakong ganoon. “Pero bakit niyo tinatanong?” Talagang I had no idea…

    VP LENI: Parang gusto nilang i-link kayo?

    ETTA ROSALES: Oo, gusto nila akong i-link, so ayon. Tapos noong ire-release na nila ako, eh ‘di after a month they decided na to release me kasi for humanitarian reasons, mayroon akong mga two little children, so palalayain na nila ako. So pinalaya nila ako. But it was the work of my mother na nag-trabaho para sa release ko. Eh noong ire-release na ako, wala ang nanay ko so, “O, released na kayo.” “Anong released ako? Kinuha niyo ako, aba’y dapat ibalik niyo ako!” sabi kong ganoon. “Ma’am, hindi namin ginagawa iyan sa mga detinido, basta nire-release lang namin.”

    VP LENI: Parang bahala na kayong umuwi sa inyo.

    ETTA ROSALES: Oo, pero nagpumilit ako kasi Cubao lang, eh napakalapit sa Camp Crame. Kumuha sila ng jeep nila. [chuckles] “O, sige.” Inuwi nila ako doon sa bahay, iyon.

    VP LENI: Pero iyong— Kayo po, sabi mo hindi kayo sinaktan, pero ‘di ba ang daming mga, parang, testaments ng atrocities noong mga detained na mga— Ano po iyong nasaksikahan niyo o nalaman niyo?

    ETTA ROSALES: Well, kuwan, I was arrested naman twice, eh. Iyon lang iyong una. Iyong pangalawa na—

    VP LENI: Kailan iyong pangalawa?

    ETTA ROSALES: Iyong una was in 1972, iyong pangalawa was 1976. Iyon iyong pinaka-mainit, na talagang matinding-matindi, you have to go underground.

    VP LENI: Iyong 1976, on what grounds? Subversion din?

    ETTA ROSALES: Oo. At saka naka-underground na ako. Ibang usapin na iyan. Hindi na ako— Nagtuturo pa rin ako pero pagkatapos, I had to, wala na, hindi na ako natulog sa bahay. Naging matindi na, eh.

    VP LENI: Noong nag-underground kayo, iyong mga anak niyo kanino naiwan?

    ETTA ROSALES: Sa tatay nila at saka sa lola nila. At sinabi ko iyon na pinagbilin ko na, sa nanay ko na, “Alagaan niyo muna iyan dahil hindi ako pupuwede na manatili sa bahay at mag-a-underground ako.” Tapos nahuli nila ako. Iyon, matindi na iyon.

    VP LENI: Saan kayo nahuli, Ma’am Etta?

    ETTA ROSALES: Sa kuwan, sa Pasig. In a torture house which they called the “safe house.” Doon sila… doon nila hinuhuli lahat. Dinadala nila doon sa Pasig. Walang nakakaalam doon. Nire-rentahan nila iyon tapos doon sila nagto-torture. Doon ako na-torture na katakot-takot. Grabe iyong torture.

    VP LENI: Anong klaseng torture iyong pinagdaanan mo, Ma’am Etta?

    ETTA ROSALES: Kuwan iyon, sexual molestation, ano, tapos iyong kuwan, iyong pagsasakal. Sinasakal ka then they got a belt tapos gaganunin ka. Tapos iyong Russian roulette, iyong baril.

    VP LENI: Ah, ginanoon ka rin?

    ETTA ROSALES: Ginanoon din ako. And then sa loob-loob ko, ewan ko, eh, lumalabas iyong tapang mo. Sa loob-loob ko, “Kung patayin niyo ako, wala kayong makukuha sa akin. Eh kaya niyo ako kinuha para may makakuha kayo ng information.” So, wala, wala silang nakuha. Hindi nakatulong iyong kanilang Russian roulette dahil hindi pa rin ako kumikibo. Tapos noon, patindi nang patindi dahil mayroon iyong… hindi naman siya ano, iyong water cure, but it’s a mild version. Kumuha sila ng tubig tapos ginanoon, ng basahan, ginanoon sa mukha mo. Tapos nagpanggap ako na namamatay na ako—kasi nagtatrabaho rin iyong utak mo, eh—nagpanggap ako na namamatay na ako dahil nagtatanong sila, “Sino si Imelda? Sino si Imelda?” Iyon pala, iyong mga kasamahan ko, they called me Imelda. Malay ko naman, ano. Kasi parang sa amin, you’re not supposed to reveal your name, your identity.

    VP LENI: So ikaw si Imelda?

    ETTA ROSALES: So ako si Imelda. Eh malay ko naman? So naisip ko, “Sino, si Imelda Marcos?” Naku, eh ‘di lalo nila akong tinorture na ganoon, ‘di ba. And then finally, they said, “Mayroon ka bang kilala?” So I mentioned a name of a person na professor, pero one year na nawala, umalis na, nagpunta na sa US. Binigay ko iyong address niya and so on. Naku, tuwang tuwa sila. Takbo sila doon, wala na. And then so pagbalik nila, lalo silang nagalit. Doon na nila ako talagang binigyan ng todo-todong kuwan, iyong electric shock—iyon iyong pinaka-masakit.

    VP LENI: Papaano nila iyon ginagawa?

    ETTA ROSALES: Hahawakan ka, eh ‘di nilalagyan nila ng wires dito [points to wrist] tapos iyong sa paa para todo, para todo-todo iyong kuryente.

    ELY: Paa at kamay, opo.

    ETTA ROSALES: Paa at kamay hanggang doon sa mga talampakan. Ayon, talagang masakit iyon. At hindi ka na maka— They were asking stupid questions. Sa loob-loob ko, kinu-kuryente na ako, sabi ko—actually, earlier pa nga noong ginaganoon nila ako ng basahan, noong nagtatanong sila sino si Imelda, papaano naman ako makakasagot kung naka-ganoon iyong basahan—

    ELY: Naka-busal sa inyo.

    ETTA ROSALES: Naka-busal sa akin. Ayon, hanggang noong pumasok na iyong kuryente, iyon ang talagang grabe na. Uncontrollable na. Na-traumatize iyong katawan ko and patindi nang patindi iyong kanilang ano, iyong kanilang…

    VP LENI: Iyong voltage.

    ETTA ROSALES: Iyong voltage. Sobrang sakit.

    VP LENI: Buti hindi kayo namatay.

    ETTA ROSALES: Oo nga. Buti nga hindi ako namatay kasi namamatay ang mga tao doon. Alam nila…

    VP LENI: Alam nila iyong parang ano, iyong parang…

    ETTA ROSALES: Iyong level, iyong antas noong…

    ELY: Iyong kakayahan.

    ETTA ROSALES: Iyong kakayahan noong tao. Eh nagpanggap na nga ako, eh, nagpatuloy pa rin sila. So after that, after iyong kuryente, wala na, naging uncontrollable iyong katawan ko. Nagkaroon ako ng trauma tapos pinaalis na nila ako, dinala nila— Pero naka-kuwan ka, naka—

    VP LENI: Naka-blindfold.

    ETTA ROSALES: Naka-blindfold ka.

    VP LENI: Doon pa rin iyon sa Pasig?

    ETTA ROSALES: Sa Pasig lahat iyan. At hindi ko alam kung gaano katagal iyan ha. Tapos there were occasions—

    VP LENI: Nag-lose track ka na ng—

    ETTA ROSALES: Oo, ng time, kasi naka-kuwan ka, naka-blindfold ka. Pagkatapos mayroong ahente sila na sabi, “Itatakas kita. Halika, gusto mo itatakas kita?” Siyempre, ayaw ko. Malay ko ba naman kung ano iyon, ‘di ba. Ayon. Tapos mayroon akong naramdaman—kasi iyon, iyong utak mo it works, eh—naramdaman ko na habang nandoon ako, pinasok ako doon sa kutson nila, sa kutson kung saan sila natutulog, doon ang sexual molestation na talagang several silang nakapatong sa iyo.

    VP LENI: Oh my god.

    ETTA ROSALES: Tapos, pagka-maramdaman nila na pumasok, ang pintuan ay mag-kuwan, titindig sila. So sabi ko, “Aba, may official and unofficial torture dito?” ‘Di ba unofficial iyong ginagawang iyon kasi bigla silang titindig. Hindi allowed iyon. Tapos papasok iyong mga officers, iyon, tapos paglabas patuloy na naman. Ganiyan, ganoon iyong naramdaman ko. And I’ve lost track of time kung gaano katagal iyong torture na iyon.

    VP LENI: Pero iyong pangalawang detention mo, gaano katagal iyon, Ma’am Etta?

    ETTA ROSALES: One month din.

    VP LENI: Pero grabe iyong pinagdaanan mo.

    ETTA ROSALES: Grabe. Grabe iyong pinagdaanan. It’s— Talagang kuwan… Although siyempre, kung ihahambing mo iyan doon sa mga iba, worst case pa iyong mga iba kasi ano, naka—they stretch the body, nakatali iyong bandang ulo niya sa kama tapos dito sa kabila tapos ise-stretch nila, mga ganoong klase.

    VP LENI: Oh my god.

    ETTA ROSALES: Oo, ganoon. At saka mayroon iyong ilulubog nila sa lupa, ‘di ba? Tapos kapag nilulubog sa lupa, buhay na kukunin. Tinatakot lahat iyan hanggang naka-ganoon na, at pinapatong lamang iyong…

    VP LENI: Tapos wala kayong way of knowing kung sino iyong…

    ETTA ROSALES: Ay wala, nakabusal iyan at saka, ulitin ko, nakatakip lahat iyon. And then, iyon, naramdaman ko na lang much later, noong natapos na iyong torture, nanginig iyong katawan ko—for how long, hindi ko alam. May tremors because of the trauma. Tapos naramdaman ko later on na nakaupo na ako, matagal na iyon, inalis iyong piring ko tapos in-interview ako. Ang nag-i-interview sa akin, si Aguinaldo, the one who became a congressman pero namatay. Siya iyong nag-i-interview sa akin. Tapos merong mga binabasa iyong mga ahente na nahuli sa kamay ko, sa bulsa ko. Tapos binabasa nila. I knew it was Aguinaldo kasi sabi niya, “O ito, nakasulat ang pangalan mo. Pinakaganid na ahente. Bantayan.” Tapos tawa sila nang tawa. Ayon pala si Aguinaldo iyong nag-i-interview sa akin. That was the last time I remember. Then later on, dinala nila ako sa Camp Olivas, early early in the morning, mga dawn siguro iyan. Pagdating ko doon sa Camp Olivas, there was a young colonel na sumalubong sa akin na… siyempre naka-ano ako, inalis na nila iyong piring pero nakahawak sila sa akin. Tapos sabi ko, “are you going to do the same thing that you did to me before?” Lumalabas iyong tapang eh. Tiningnan ko iyong colonel, “are you going to do the same thing again to me like what you did to me before?” Nagulat iyong colonel, “Why? Did you touch her?”

    So doon ko naramdaman, iba’t iba iyong patakaran nila. Because actually while I was being tortured sabi nila eh, “alam mo kahit sa Presidente Marcos hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa iyo dito. We can do anything to you. Pwede namin ikaw patayin, hindi niya malalaman.”

    VP LENI: At eto iyong sinasabi niyong danger ng martial law.

    ETTA ROSALES: Oo, iyon ang danger ng martial law, dahil—

    VP LENI: Kasi marami ang abusado…

    ETTA ROSALES: Abusado, oo. Dahil ikaw ay dissenter, dahil ikaw… By then I was a known critic na of martial law, kaya nila ikaw patayin.

    VP LENI: At napakaraming namatay…

    ETTA ROSALES: At ang dami…

    VP LENI: Ano iyong count ng namatay? Hindi natin alam, ano? Iyong actual count? Pero iyong actual na—

    ELY: May mga report noon…

    VP LENI: Iyong PCGG, Ka Ely, ang estimated total ng ninakaw [ng mga Marcos], 530 billion pesos. At iyong 530 billion pesos, parang ang nare-recover pa lang, 171 billion. Parang kapag tinitingnan mo iyong amount, hindi mon a ma-imagine kung gaano iyon kadami, hindi ba.

    ELY: Ito iyong report, 107,240 primary victims ng human rights violations during Martial Law, 70,000 people arrested, tapos 34,000 people tortured, 3,240 killed by the military and the police…

    VP LENI: Ang dami…

    ELY: Opo… Marami po talaga ang nangyari ano, pero kapos po tayo sa oras, eh bukod sa mga na-torture at talaga namang marami po na naging paglabag sa karapatang pantao, iyong usapin po dito eh iyong mga ninakaw.

    ETTA ROSALES: Ah iyong ninakaw, plunder aspect iyan.

    ELY: Kasi July 2003, iyong huli Ma’am, 683 million worth of Marcos assets sa iba’t ibang Swiss banks na deklarado na po itong ill-gotten wealth, wala na, hindi na nila maitatanggi ito…

    VP LENI: Saka na-recover na nga, Ka Ely, na-recover na nga iyong 171 billion.

    ELY: Pesos…

    VP LENI: …pero hindi pa iyon kalahati ng lahat ng ninakaw…

    Pero si Ma’am Etta, Ka Ely, hanggang ngayon very active sa usapin ng human rights, sa usapan ng pagkontra sa authoritarianism, sa usapin ng pagbalik ng martial law. Lahat ng mga threats sa freedom ng mga Pilipino. Ano iyong pinaka leksyon, Ma’am Etta, noong martial law, noong panahon ng diktador Marcos, na dapat sana na hindi na maulit sa mga susunod pang panahon?

    ETTA ROSALES: Ang pinaka leksyon para sa akin, dahil ang tanda ko na, ‘di ba, kinakailangang bantayan natin ang ating demokrasya at ang ating kalayaan. Kasi may nang-aagaw lagi eh. So iyong mga naniniwala sa demokrasya, sa kalayaan, sa kasarinlan, sa karapatang pantao, iyon iyong mga mamamayan…

    VP LENI: Magbabantay…

    ETTA ROSALES: Pero kailangan bantayan. Kailangan vigilant, para maging vigilant ka, at para bantayan mo, dapat informed ka. Dapat alam mo. Kaya doon nagiging napakahalaga iyong patuloy na pag-aaral tungkol sa katotohanan. Mayroong philosopher na ang sabi nga niya, itong si Nietzsche, “Everything is subject to interpretation, and the interpretation that prevails is a function of power rather than of truth.”

    VP LENI: Parang totoong totoo iyon, Ma’am Etta…

    ETTA ROSALES: ‘Di ba? Precisely. So para makuha mo ang katotohanan, dapat magkakaisa ang mamamayan, na para sa kanila mahalaga ang katotohanan, sapagkat ang katotohanan ang siyang magbibigay sa iyo ng katarungan at kalayaan.

    VP LENI: At lalo na siguro ngayong mahirap iyon, ano. Kasi ang dami nang sources ng information na parang mahirap i-discern kung sa information na nakukuha mo, totoo pa ba ito o hindi na? So ngayon, nakakahanga ito Ka Ely, si Ma’am Etta, kasi sabi niya ‘ang tanda ko na,’ pero sobrang active pa.

    ELY: Active pa rin.

    VP LENI: Sobrang active pa. Nakita nga kita, Ma’am Etta, isa ka doon sa mga nasa Supreme Court last week.

    ETTA ROSALES: Ah yes, yes.

    VP LENI: At talagang ano pa, talagang nagbabantay pa sa any threat to our democracy. Kaya malaking simbolo at malaking inspirasyon dapat sa atin lahat.

    ELY: Okay Ma’am, at mainit na pinag-uusapan iyong usapin ng martial law, at kayo po ay… graduate po kayo ng UP. Kayo muna, ano ang take niyo rito na isasama na, ituturo na sa UP iyong Martial Law?

    VP LENI: Ako, dapat nga hindi lang sa UP. Dapat sa lahat ng paaralan. Dapat ginawa na natin ito after 1986. Dapat ginawa na natin ito, kasi isa sana ito sa safeguards kung papaano natin masiguro na hindi na ulit mangyayari pa. Ngayon parang na-single out iyong UP, hindi lang dahil sa mga estudyante, pero dahil na rin maraming mga sector iyong nagde-demonize sa kanila. Hindi naman sector—maraming mga tao na makapangyarihan ang nagde-demonize sa kanila. Sana iyong UP as a community, huwag matinag. Kasi ito naman, since time immemorial, ito iyong kanyang character eh, na hindi siya nagpapatalo sa takot. Hindi siya nagpapatalo sa pananakot. So sana hindi lang UP, sana lahat ng paaralan gawin na ito.

    ELY: Opo, kasi meron nang panukala na gawing persona non grata sa UP at sa Mapua iyang mga Marcos, kasi maraming mga estudyante ang naging biktima diyan ng Martial Law.

    VP LENI: Oo, maraming estudyante ang naging biktima noong Martial Law. Pero iyong sa akin nga Ka Ely, iyong sinasabi ni Ma’am Etta, iyong pinakamahalaga talaga, information. Kasi kapag binigay mo naman iyong tamang information, iyong tao, mag-a-action naman… parang iyong appropriate na response naman iyong gagamitin. Kaya lang ngayon medyo nama-muddle, kasi iyon nga, iyong information, akala ng iba iyon iyong totoo. Iyon iyong pinapaniwalaan nila, akala nila iyon iyong totoo, kasi iyon naman iyong nakukuha nilang information…

    ELY: Lalo na ngayon sa…

    VP LENI: Iyong social media kasi…

    ELY: Grabe po iyan…

    VP LENI: Hindi mo na alam kung ang nababasa mo, totoo o hindi. Eh ilang beses na ngang may binalitang namatay, hindi naman totoo. At iyong tao ang tendency, maniwala kaagad. So mas mabuting itinuturo ito sa paaralan, kasi sa paaralan, from verified sources ito eh. So mas mabuti talaga, sa lalong madaling panahon, seryosohin. Seryosohin iyong pagtuturo nito, para iyon na iyong “never again.” Hindi ba, Ma’am Etta?

    ELY: Eto Ma’am, pinakahuling balita, may mga sinasabing broadcaster na nili-link sa rebeldeng komunista. Thirty-one broadcasters, so…

    VP LENI: Parang cycle naman siya, Ma’am Etta, ‘di ba?

    ETTA ROSALES: Ginawa naman iyan…

    VP LENI: Parang cycle siya kasi noon ganyan din…

    ETTA ROSALES: Ganiyan din, ganiyan din. Pero ngayon, ako, para sa akin, mahalaga iyong the budget is being discussed ngayon, tapos tinaas iyong antas, iyong level ng kuwan, budget para sa mga… sa education, para sa mga SUCs. So isang advantage ito na pupwedeng pag-aralan, ‘di ba, sa DepEd saka sa CHed, na makausap nang husto na kung ano iyong naging halimbawa sa UP, ituro ang Martial Law, ganoong din dapat sa kabuuan, sa lahat ng SUCs, ‘di ba. Importanteng importante iyan, sa SUCs. So iyon, isang pagkakaton na pwedeng pag-aralan at ilabas iyan, i-lobby iyan sa mga…

    Tapos pangalawa, tama iyong sinasabi ninyo na ang daming hindi makatotohanan, pero iyang mga estudyante na nag-aaral, nakikita rin nila. Halimbawa mga law students, tapos mga students of diplomacy and international relations, ngayon nangangamba sila—bakit ba, halimbawa, iyong mga usapin na ang foreign loans eh ihihinto na lang bigla kasi parang gustong… anong tawag mo dito… nagve-venganza.

    VP LENI: Iyong mga critical sa atin…

    ETTA ROSALES: Oo, doon sa mga critical… Critical hindi sa atin eh, critical doon sa patakaran ng…

    ELY: Sa polisiya…

    ETTA ROSALES: Oo, sa patakaran ng Palasyo. Pero sa mamamayan, hindi sila critical. Kasi sa mamamayan, iyon nga, pagsuporta nila sa karapatang pantao ng mamamayan…

    ELY: Saka hindi. Ma’am, akusasyon, gustong pa-imbestigahan lang.

    ETTA ROSALES: Yes…

    ELY: Hindi naman sinabing guilty na ito.

    ETTA ROSALES: Yes, at gustong magkaroon ng comprehensive report. Kaya iyong mga estudyante… Kasi nagtututo pa rin ako ngayon eh, so ako, sinasabi ko doon sa mga estudyante, pag-aralan ninyo kung ano ang rule of law, ang batas, sapagkat kung sumasalungat sa batas, ang patakaran ng Palasyo o kung sino pa man, aba pwede kayong tumutol at dapat kayong tumutol. Sapagkat ang batas, para sa inyo.

    ELY: Okay, Ma’am Etta, sa panghuli…

    VP LENI: Wala na tayong oras…

    ELY: Maraming nakikinig po sa atin ngayon nationwide, at ngayon madalas nating nababasa mga kabataan, “Never Again,” kayo po, ano ang pupwedeng gawin at maaaring kontribusyon ng ating kabataan para huwag na pong maulit itong Martial Law? Bagamat hindi pormal na ideklarang may martial law sa buong bansa, pero iyong iba’t ibang mga pangyayari… So anong pwedeng gawin ng mga kabataan o sa pangakalahatan ng mga Pilipino?

    ETTA ROSALES: Sa mga kabataan, dahil meron silang pagkakataon na mag-aral at sila iyong pinaka-mobile, tumatagos sila sa lahat ng mga sektor eh—mayroong mga kabataan na manggagawa, magsasaka, mayroong mangingisda, kabataan sa lungsod din—mag-aral sila at ilabas nila iyong kuwan… gamitin nila iyong pinag-aaralan nila, para sa ganoon, mailabas iyong katotohanan. At kung ano iyong baluktot at walang katwiran na patakaran, tutulan na nila iyon. Pero dapat gawin nila sa pamamaraan ng kolektibong pagkakataon, nang sa ganoon mas malakas ang tinig nila. Tulad nga ng UP saka iyong tinatawag na Mapua, iyong mga ginagawa ng UP at Mapua University, tama iyon, eh. Tama iyon. At huwag na huwag pabayaan iyong ating kaalaman sa kalayaan, na huwag tayong pumasok sa panahon ng pananakot, ano. Huwag tayong matakot.

    ELY: Ma’am Etta, salamat po sa inyong oras.

    VP LENI: Ma’am Etta, maraming salamat hindi lang sa oras pero sa inspirasyon.

    ELY: Iyong inyo pong naging karanasan, nawa’y maging—dahil makasaysayan po ito—maging impormasyon po sa ating mga kabataan. Good morning po sa inyo.

    VP LENI: Maraming salamat, Ma’am Etta…

    ELY: Mga kaibigan, iyan po si dating CHR chairperson Etta Rosales. At Ma’am, maya-maya, habang papasok iyong ating Istorya ng Pag-asa, iyong atin pong mga nakikinig ngayon sa iba’t ibang panig—

    VP LENI: Marami, marami ito. Florence Vicente from Parañaque, magandang umaga sa iyo. Fine Faderog Cariaga ng Renegade HK. Dina Cabal del Rosario from Bula, Camarines Sur. Elvie Binag from Hong Kong. Naku, marami ito, Ka Ely, pero unahin ko muna iyong pag-introduce ng ating Istorya ng Pag-asa feature ngayon, kasi isa ito sa pinakahinahangaan kong tao, Ka Ely—President Michael Yanga ng Dr. Yanga’s Colleges Inc. sa Bulacan. Magandang umaga sa iyo.

    MICHAEL YANGA: Good morning po dear Vice President. Good morning, Sir Ely.

    VP LENI: Ayan. Kaunting context lang Ka Ely. Nakilala ko ang paaralan nila by accident. Hindi ko pa alam iyong paaralan nila, pumunta ako ng Bangkok. Bangkok po iyon, ano? Pumunta ako ng Bangkok for a speaking engagement. Noong nasa airport na ako mayroong mga bata. Mayroong mga bata na mayroon silang dalang mga trophies. So nakiusyoso ako, Ka Ely. Iyon pala, nasa Bangkok sila kasi nag-participate sila sa isang robotics competition. Panalo sila. At noong kausap ko na sila, ininterview ko sila, nakita ko—nalaman ko sa kanila Ka Ely, na galing sila sa Dr. Yanga’s Colleges sa Bulacan. So tinatanong ko kung saan ba iyon, etc., etc. Tapos iyon pala, hindi lang… hindi lang pala iyon ang unang kompetisyon na sinalihan at pinanalunan nila. Pero ilang taon na sila nagko-compete all over the world—at parati silang nananalo. So dahil doon Ka Ely, nagpa-set ako ng time para mabisita ko ang paaralan nila. Ito, Ka Ely, ang nakakatawa. Kasi March 4, 2019 ako nagbisita. Iyon ang sinasabi ni Bikoy na nandoon ako sa meeting sa Ateneo. Nandoon actually ako earlier, earlier during the day, naglunch pa nga ako sa school nila kasi prinisent nila iyong programs nila sa akin.

    Pero ‘di ba, President Yanga, kinukwento mo na the school was started by your grandfather, ‘di ba? Lolo mo. Tapos after ng lolo mo, tatay mo na iyon nagpalit. Tapos ikaw ang pangatlo. Pero sabi mo, noong nag-uumpisa kayo, parang tapunan siya ng mga inaayawan na estudyante, ‘di ba?

    MICHAEL YANGA: Ang tawag po sa amin noon ay “school of last resort”. And during 2000-2001, it came to a point na gusto na po ibenta ang school. Parang ako na po ang last—hindi ho dahil ako ang pag-asa, kaya lang ako ang pinakabunso, tinry po nila ilagay doon. So… iyon po.

    VP LENI: Okay. Pero ang pinakainteresting, papano mo na-turn around? Kasi di ba kinukuwento mo iyong mga estudyante niyo, iyong mg kick-out galing sa ibang mga paaralan na wala nang ibang paaralan na tumatanggap, saka sa inyo pupunta. Papaano mo na-turn around iyong school na iyong mga estudyante ngayon sobrang huhusay na?

    MICHAEL YANGA: Akala ko po dati basta isali ninyo ng competition okay na, mga ganoon ho. Tapos magpasikat or what… Ano po eh, character formation po talaga iyong…

    VP LENI: Kasi kasi nakita ko iyong mga estudyante, ‘di ba? Sobrang gagalang, sobrang… talagang ano, mahuhusay talaga.

    MICHAEL YANGA: Salamat po. Ano po kasi siya eh, mix po ng Catholics, Protestants, Iglesia ni Kristo, so ang ginawa po namin, ecumenism po, ang value of God-centeredness, inano po namin iyon…at iyong Atenean value po na magis. Kaya ho iyong pagka-underdog po namin…

    VP LENI: So parang ano siya, best of all worlds pinaghalo ninyo.

    MICHAEL YANGA: Opo. And iyon po…at saka po iyong ini-immerse…in-immerse ko po talaga iyong sarili ko sa kanila. Kumbaga ho noong iyong first years ko po, kilala ko halos lahat po ng estudyante, and it came to a point nga ho, kunwari may JS Prom, just to ano lang po, eh hindi ho sila sinusundo, ako pa po driver [laughs] para lang po— Iyon talagang ganoon po. Ang motto ho kasi namin ay “more than school, a family.” So naging parang…

    VP LENI: Pero iyon, nag-assume ka sa presidency, anong taon?

    MICHAEL YANGA: 2002 po.

    VP LENI: 2002. At that time, ano pa, talagang “school of last resort” pa siya. So noong inumpisahan mo ang mga pagbabago, anong taon mo masasabing puwede mo nang i-claim na umiiba na?

    MICHAEL YANGA: Mga ano po, 2007-2008?

    VP LENI: Mabilis.

    MICHAEL YANGA: Mabilis ba?

    VP LENI: Mabilis iyon. Kasi di ba? Mahirap, mahirap baguhin eh. Mahirap baguhin ang reputation. Saka iyong pagbago niyo kasi parang, parang masyadong opposite sides of the spectrum. Ngayon sobrang respected iyong paaralan. In fact, gumagawa na kayo ng bagong campus, ‘di ba?

    MICHAEL YANGA: Mayroon na po.

    VP LENI: Nadaanan ko iyon. Gumagawa kayo ng bagong campus, gustong sabihin nag-e-expand ang population ng school.

    MICHAEL YANGA: Incidentally, Vice, noong 2002, nasa 523 po kami. Ngayon po ay nasa 5,300-plus, so parang di ba, nag-times 10 po…

    VP LENI: At hindi lang iyon. Iyong quality ng students na na-attract ninyo iba na, ‘di ba?

    MICHAEL YANGA: Opo. Iyon nga po. At ang vision po kasi ng grandfather ko is a private school for the poor. So kaya po iyong maganda po quality students ng mga mula po sa marginalized na ang nakukuha rin po namin.

    VP LENI: Pero papaano kung ang mga estudyante niyo galing din sa mga mahihirap, papaano nagsu-survive ang school?

    MICHAEL YANGA: Iyon nga, napapagalitan ho ako minsan. Malaking bagay po iyong voucher system, iyong ESC po.

    VP LENI: Oo, nakatulong iyon sa inyo.

    MICHAEL YANGA: Sobrang nakatulong po iyon. Tapos mayroon po kami iyong inspired po ng Pondo ng Pinoy, ewan ko po kung na-ano… iyong sa Catholic church. Iyong may mga coin banks po ang mga bata, so kahit magkano lang po. So nakakatulong po, parang students helping fellow students. And then kami rin po, personal rin po, ano po namin, advocacies. Kaya ho ganoon.

    VP LENI: Kasi kapag binisita mo Ka Ely, mayroon silang mga laboratories for…ang binisita ko iyong robotics lang eh. Pero napaka-impressive. Parang ano talaga siya, iyong kakayahan ng mga estudyante, ang babata pa eh. Saka mahuhusay magsalita, magagalang. Iyong sa akin lang, kaya inimbita namin kayo kasi iyon ang Istorya ng Pag-asa, ‘di ba? Kung papaano mo i-turn around ang school. At I’m sure ang daming mga kapareho niyong paaralan sa buong bansa na kapareho niyo noong nag-uumpisa kayo. So ano ang isang bagay na ma-advise mo doon sa mga paaralan na iyon na iyon ang nag-work sa school niyo?

    MICHAEL YANGA: Siguro po, talaga po ang una po mahalin ang mga estudyante. Iyong pagiging, kung babae po ang leaderm maging nanay ka. Maging tatay ka sa kanila. If you’re treating them like family, kapag kapamilya, bibigay niyo po kasi lahat, eh. Talagang mas makikita mo iyong maganda sa kanila. Iyong robotics po nagkaroon kami noon, Vice, hindi dahil gusto naming mag-robotics.

    VP LENI: Oo.

    MICHAEL YANGA: Hinahanapan ko iyong mga mahilig mag-Counter Strike, iyong mga mahilig mag-video [games]—

    VP LENI: Oo, nakuwento mo nga.

    MICHAEL YANGA: —para magkaroon sila ng outlet tapos iyon pala iyon iyong strength namin. Hindi ho namin alam.

    VP LENI: Kasi kinukuwento niya, Ka Ely, na marami siyang mga estudyante na problema nila kasi mahilig sa video games, so nag-isip sila ng paraan kung papaano ma-channel iyong hilig na iyon into more productive things, tapos nakita nila iyong robotics. Pero anong year kayo nag-start mag-reap ng awards?

    MICHAEL YANGA: Ano po, 2009 po.

    VP LENI: Ang bilis, ‘no?

    MICHAEL YANGA: So 2007 na ho kami nag-start.

    VP LENI: Medyo nagbago na.

    MICHAEL YANGA: Opo. 2009 po.

    VP LENI: Tapos 2009, 2009 na ba nag-compete na kayo abroad?

    MICHAEL YANGA: Opo, 2009 po nag-national champion na kami, pero abroad po, number 9 po kami sa World Robot Olympiad.

    VP LENI: Ang laki nang bagay noon, ‘di ba? Parang from nothing, national champion kayo sa robotics. At saka ang mga tinatalo nila, Ka Ely, ang yayaman na mga schools.

    MICHAEL YANGA: Ayun nga po.

    ELY: Mabigat.

    VP LENI: Mga Chinese schools, mga exclusive schools, iyon iyong tinatalo nila. Pero parang iyong korona kasi hindi nabibitawan. Na over the years, kung 2009 ka nag-start maging national champion, 2019 na ngayon pero patuloy na nag-a-achieve, kung anu-anong awards. Nandito sila last, last month iyon, sir, ano?

    MICHAEL YANGA: Opo, last month po.

    VP LENI: Last month. May tatlong grupo ng estudyante na kagagaling lang. Anong mga lugar iyon?

    MICHAEL YANGA: Iyong isa po sa Denmark po.

    VP LENI: Oo, iyong isa sa Denmark.

    MICHAEL YANGA: —noong August po, senior high school po namin. Iyong elementary po namin sa Turkey. And then, iyong high school po namin sa US. Pare-pareho po naka-gold.

    VP LENI: Talagang every year, Ka Ely. Ang mga estudyante basta maging mahusay lang nabibigyan ng chance na makapag-byahe, nabibigyan ng chance na talagang mag-achieve. Sabi ko nga sa mga estudyante kasi ito na iyong future, eh. Iyong future talaga technology na. Parang iyong itinatanim niyo, ito talaga iyong madadala nila pang-habambuhay kaya ano talaga, very impressive. Iyong sa akin lang siguro iyong kulang lang iyong advertisement for the school, ‘no? Kasi kung hindi ko kayo na-meet accidentally, hindi ko kayo makikilala.

    MICHAEL YANGA: Hindi nga po.

    VP LENI: So siguro kami tutulong.

    MICHAEL YANGA: Thank you so much po.

    VP LENI: Siguro si Ka Ely tutulong. Every now and then i-ku-kuwento iyong school niyo.

    MICHAEL YANGA: Salamat.

    VP LENI: Pero napakahusay.

    MICHAEL YANGA: Salamat.

    VP LENI: Ano siguro, kasi iyong ino-offer niyo hindi maraming schools ang nag-o-offer noon. ‘Di ba parang iyong mga bata pinu-push niyo talagang mag-imagine ng maraming mga bagay. Iyong mga, ano nga iyong mga projects nilang pinanalunan ngayon?

    MICHAEL YANGA: Isa ‘yan, iyong sa isa po, ano, eh—

    VP LENI: Iyong sa Denmark ano iyon?

    MICHAEL YANGA: Pang sa evacuation po. Iyong pag-ano po ng mga relief goods na anti-corruption po.

    VP LENI: Ano ‘to, Ka Ely, parang one stop shop na iyong pag-impake ng mga relief goods mapapabilis na wala na masyadong, walang pilferage. Iyong sa US, ano iyon?

    MICHAEL YANGA: Virtual reality po para matulungan po sa depression iyong mga astronauts.

    VP LENI: Ito napaka-timely.

    MICHAEL YANGA: Opo.

    VP LENI: ‘Di ba, napakatimely. Mga bata, Ka Ely, nag-i-isip nito. Tapos saan iyong isa?

    MICHAEL YANGA: Iyong suit naman po.

    VP LENI: Ah, oo.

    MICHAEL YANGA: Iyong suit po na para po iyon sa bones po ay hindi, para po sa mga space, iyong sa mga astronaut.

    VP LENI: Para hindi nag-a-atrophy.

    MICHAEL YANGA: Opo, nag-a-atrophy po.

    VP LENI: Hindi nag-a-atrophy kasi ‘di ba ‘pag iba iyong environmental conditions sa space. Pero alam mo iyon, ‘di ba, kung hindi mo inintroduce iyong robotics sa kanila, sa age na iyon, hindi pa sila mag-i-imagine ng ganoon, pero because of robotics at saka because of the competitions na na-pu-push sila na talaga gawin iyong more than what is expected of them. Kaya siguro, sir, kami ang magpapasalamat sa inyo.

    MICHAEL YANGA: Thank you po.

    VP LENI: At sana marami pang maging pareho niyo. Pero sana mas makilala iyong school, hindi for publicity’s sake pero tingin ko kasi kayo iyong magandang modelo na puwede namang gawin na mahusay, eh, ‘di ba? Puwede namang gawing mahusay at saka iyong paghahanap ng niche. Hindi siya kailangan na robotics pero iyong hahanapin mo, saan ba puwede humusay iyong paaralan.

    MICHAEL YANGA: Exactly.

    VP LENI: ‘Di ba? Tapos ‘pag binuhos mo iyong sarili mo doon, posible talaga.

    MICHAEL YANGA: Opo.

    VP LENI: Kaya maraming salamat, sir.

    MICHAEL YANGA: Thank you rin po, Vice.

    VP LENI: Siguro sa susunod naming pagbisita may mga kasama kami para maalala iyong paaralan niyo.

    MICHAEL YANGA: Salamat po.

    ELY: Okay, thank you po.

    VP LENI: Maraming salamat! Ka Ely, wala nang oras. Mayroon pa ba?

    ELY: Wala nang oras tayo.

    VP LENI: Wala na, alas-diyes na.

    ELY: Mabilisan lang, ah, dahil medyo masakit ang lalamunan ng ating Bise Presidente.

    VP LENI: Oo nga, eh.

    ELY: Pasadahan ko na. Dina Cabal del Rosario. Itong si Binag Elvie, Rita Hans-Maclang, Vlad Dayrit, o marami ho, Reynalda Alfonso, Jerry Aquino, Joy Aurello [Aurellano], Carmen Hamol Resurreccion, Lit Clemente, Dominador Flores, Wilmar Cleto, Maria Mercedes, Nida Bernardo Restua, Cesario Mariano, May Silver, Yma Torente. So salamat po sa inyong mga pagbigay ng mensahe.

    VP LENI: So salamat po sa pagbigay ng mensahe. Pasensya na kayo kasi kinukulang kami parati ng oras pero maraming salamat pa din. Sir Michael Yanga, maraming salamat sa iyo.

    ELY: Okay, ma’am, sa pagtatapos at mensahe po sa ating mga listeners na nakikinig ngayon nationwide? Syempre sa dami po ng pangyayari dito po sa atin at pinakamatindi ho rito, iyong ating mga kababayan ha, iyong pagbabalik ng polio, siguro dito sa mga vaccine na ganito, opo.

    VP LENI: Mag-i-ingat, Ka Ely. Nakiusap na tayo kanina at tingin ko ginagawa naman ng DOH iyong kanyang trabaho, pero sa atin, sa mga individuals, mga families, maging maingat, kasi kung maaalala po natin noong panahon na mayroon pang polio, marami talagang tinatamaan at ito ay pang-habambuhay na sakit na dala-dala ng mga kabataan so iwasan. Nakakatakot iyong sinasabi sa Manila at saka Davao…

    ELY: Iyong sa tubig.

    VP LENI: Iyong contaminated iyong water sewage system. Sana sa lalong madaling panahon— Saka iyong vaccination pala, Ka Ely. Iyong pagpapabakuna pa ng mga bata, maraming libreng bakuna sa mga health centers.

    ELY: Punta ho kayo sa health centers. Nationwide po iyan, sa iba’t ibang barangay ho ninyo.

    VP LENI: Iyong pananakot na nakakasama iyong bakuna, hindi po iyan totoo kasi kung totoo iyan, hindi naman iyan ibibigay ng mga health centers. Kaya alagaan po natin iyong kalusugan ng ating mga kabataan.

    ELY: Okay, mga kasama, mga kababayan, iyan po ang ating Bise Presidente, si VP Leni Robredo, at syempre ako pa rin ho ang inyong Radyoman, Ely Saludar. Hanggang sa susunod na BISErbiyong LENI dito po sa RMN.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Sep 21, 2019