This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI – Episode 123

    ELY: Okay, magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas, at Mindanao! Isa na namang edisyon ng BISErbisyong LENI sa RMN. Ngayon po ay araw ng Linggo, September 15, 2019. Magandang umaga, Pilipinas, mula po dito sa DZXL Manila.Tayo po ay napapakinggan sa DYHP Cebu—number one diyan po sa Cebu—at RMN DXCC Cagayan de Oro, RMN DXDC Davao, at DWNX Naga. Magandang umaga, Metro Manila, ito na po ang BISErbisyong LENI. Ako pa rin ho ang inyong radyoman, Ely Saludar, at kasama natin dito po sa Office of the Vice President si Madam Vice President Leni Robredo. Ma’am, good morning po sa inyo.

    VP LENI: Good morning, Ka Ely. Good morning po sa lahat na kasama natin ngayong umaga, sa atin pong mga kababayan sa Visayas at Mindanao, maayong aga, maayong buntag. Ka Ely, ano lang, special greeting sa ma kababayan ko sa Bicol kasi Peñafrancia fiesta ngayon. Kaya sa atin pong mga kababayan na mga Bicolano, marhay na aga sa indo gabos at saka happy fiesta.

    ELY: Opo. Okay, so iyon ho, sigurado’t napakaraming mga tao roon at iyon po ay dinadagsa taon-taon dahil sa—

    VP LENI: Oo, nandoon ako, Ka Ely. Nandoon ako noong Biyernes kasi iyong Biyernes, siya iyong umpisa—iyong second Friday of September. Umpisa siya, traslacion ang tawag. Iyong image, Ka Ely, noong Virgin of Peñafrancia dinadala galing sa Basilica papunta sa Cathedral. Iyon iyong start noong nine-day novena. Iyon, Ka Ely, para siyang Nazareno sa Quiapo na smaller scale. Iyong estimate ngayon ng mga nag-attend, between 1.5 to 2 million na tao.

    Ito, hindi ko ito mini-miss. Iyong kuwento ko nga, Ka Ely, mula Grade 4 siguro ako, talagang required sa amin sa school, eh, kasi Catholic school ako; required sa amin na every year sumama. Tapos hanggang noong nag-trabaho na ako, hindi ko siya mini-miss except iyong isang taon na nasa America kami kasi nag-aral iyong asawa ko; parang iyon lang iyong taon na na-miss ko siya. Tapos marami na akong recruit, Ka Ely. Maraming mga ka-opisina mula noong nasa Congress ako hanggang ngayon na nasa Office of the Vice President ako, marami akong naaaya na iyong inaaya ko, every year na rin pumupunta. ELY: Ayon, opo. At talagang ano, kaniya-kaniyang pananampalataya at ang alam ko sa Cebu, Ma’am, parang may gagawing pagdiriwang pero parang ayaw atang… matabang ang Malacañang, eh. Iyong tungkol sa simbahan po ito, ano.

    VP LENI: Siguro, Ka Ely, sa Cebu kasi ang dinadayo iyong Sinulog, eh. Sa amin naman, talagang kahit iyong mga pamilyang may mga family members na wala na sa Naga, mas inuuwian nila iyong fiesta kaysa sa Christmas. Kaya mas masaya talaga sa amin, parang iyong September, Ka Ely, parang mga limang araw yata walang pasok iyong mga paaralan sa amin. Talagang parang humihinto—humihinto iyong regular na buhay kapag September dahil sa piyesta.

    ELY: Okay, samantala, sa mga kababayan natin, ano, at sa nagdaang linggo, Ma’am, ano po ang mga aktibidad niyo?

    VP LENI: Ay, busy, Ka Ely. [laughs] Dumating na ako, Ka Ely, galing sa America noong Lunes. Lunes ng umaga ako dumating pero noong hapon, dumiretso na ako sa 2019 Ramon Magsaysay Awards. Lima iyong awardees ngayong taon. Ang isa doon si Ryan Cayabyab, siya iyong galing ng Pilipinas. Iyong apat na ibang awardees, galing South Korea, galing Myanmar, galing India, at saka galing Thailand. Ka Ely, doon sa grupong iyon—kung hindi ako nagkakamali—dalawa iyong journalists. At talagang kinikilala sila sa pagiging matapang sa gitna ng isang napakahirap na panahon. Nakita ko, Ka Ely, itong Ramon Magsaysay Awards, parang ino-honor dito iyong mga modern-day heroes, eh, iyong mga bagong bayani, pero karamihan talagang umuusbong sila dahil humarap sa matinding kahirapan at naging maayos at matagumpay iyong kanilang pakikibaka. Si Ryan Cayabyab naman, Ka Ely, kilala nating lahat, institusyon—institusyon na sa musika dito sa atin. At napaka-proud moment na makita na nagtatanggap siya ng Ramon Magsaysay Awards kasi sinasabi nga, Ka Ely, parang Asian version ito ng Nobel Peace Price.

    ELY: Opo. Talagang prestihiyoso po.

    VP LENI: Oo, iyon iyong Lunes. Tapos iyong Miyerkules, may mahalaga din na, hindi naman event pero meeting dito sa opisina, iyong bisita natin, mga representatives galing sa Sycip, Gorres, and Velayo o SGV at saka Ernst and Young. Mayroon kasi kami, Ka Ely, na napakagandang project with them. In-adopt nila—kasi ‘di ba accounting and auditing firm sila—in-adopt nila iyong MSU Marawi, iyong Mindanao State University. Pumili sila ng benteng mga accounting students at dinala nila dito sa Manila for one month para sa on-the-job training. Pero ito, Ka Ely, libre lahat. Libre iyong pamasahe papunta, libre iyong tirahan dito, mayroon pa silang daily allowance. Ang kabutihan nito, kasi sabi nga nila noong sinisimulan pa lang namin iyong project, parang para sa mga estudyante at mga magulang too good to be true, pero nangyari at nag-graduate na iyong first batch. At pinag-usapan namin dito iyong mga susunod na batch. Iyong kabutihan dito, Ka Ely, kasi halimbawa iyong sabi nila, iyong dinala dito, 20 iyong kanilang ni-recruit pero iyong tatlo lang, hindi na pinayagan ng magulang so 17 lang iyong pumunta. Talagang ano, napaka-productive noong kanilang experience. At parang nabigyan sila ng pagkakataon na hindi lang makapunta sa Manila kasi karamihan sa kanila first time sa Manila, pero makita iyong mundo sa labas ng Marawi, na binigyan sila ng pagkakataon na makita na napakaraming possibilities ng kanilang kurso na kinuha. Gulat na gulat nga iyong Ernst and Young at saka SGV kasi sobrang huhusay nilang mga estudyante.

    Noong Huwebes, Ka Ely, lumipad na ako, nag-eroplano na ako noong hapon papuntang Naga kasi hinabol ko iyong Bishop Gainza Trade Fair kasi iyong ating mga farmers na inaasikaso doon under Angat Buhay—iyong Omasenso sa Kabuhayan farmers—nag-participate sa trade fair. Nakipag-meeting ako sa may-ari ng isang malaking mall sa amin—mayroon siyang 80 branches all over Bicol—at nagkaroon ng isang kasunduan na magsu-supply na iyong ating mga farmers sa kanila. Ka Ely, iyong mga initial order nila, nalulula iyong ating mga—kasi ito iyong ating maliliit na magsasaka. Ang ino-order nila tone-tonelada na mga gulay na hindi na nila kayang ma-supply. Kaya pagkatapos, Ka Ely, noong fiesta, magkakaroon kami ng general assembly ng farmers para parang inaaya natin na mag-specialize sila. So iyon iyong ginawa ko noong Thursday tapos iyong Friday nga, traslacion. Kahapon bumalik na ako dito.

    ELY: Ayon, opo. Akala ko nga pupunta pa kami ng Sunday for the program. [chuckles]

    VP LENI: [chuckles] Oo nga, pero hindi naman kasi iyong traslacion nga, Friday pa. Iyong susunod—iyong susunod na weekend, Ka Ely, iyong pinaka-end kasi ng fiesta nag-e-end iyon fluvial procession, sa Sabado iyon kaya nandoon ulit ako sa Naga.

    ELY: Okay, Ma’am, kanina binabanggit ko iyong sa CBCP, iyong plano nila sa 2021 na iyong sa celebration ng ika-500 taong anibersaryo ng… iyong pagdating dito sa Pilipinas ng Christianity, eh mukhang ang gobyerno ay matabang at—[chuckles]—hindi tutulong. So kayo bilang isang Katoliko…

    VP LENI: Hindi ko nga alam kasi hindi lang naman siya, Ka Ely, parang selebrasyon ng mga Katoliko pero bahagi siya ng kasaysayan ng ating bansa. So iyong sa akin, sana hindi tingnan iyong relihiyon pero tingnan na ano ba iyong papel ng pagdating nila dito sa kabuuang kasaysayan ng bansa kasi napakalaki. Sana iyon iyong lens na gamitin.

    Ano nga, Ka Ely, eh, kahapon ng umaga, nag-attend ako ng isang event sa amin. Event siya ng Church of Jesus Christ of the Latter-Day Saints na partner ng aming opisina. Napakaganda noong mga sinabi ng mga elders nila na, “Ang aming simbahan, bukas ito sa lahat—hindi lang ng mga members of the church—pero bukas ito sa lahat na denomination sa lahat na paniniwala.” Tingin ko iyon iyong pinaka… pinaka… parang mirror ng dapat na ugali ng bawat isa sa atin na iba man iyong pananampalataya, iba man iyong simbahan na pinanggalingan, na magkakapatid pa rin. Sana ganoon iyong pagtingin, na hindi dahil may mga samaan ng loob sa leaders ng Catholic Church, pero bilang mga Pilipino—iyong pag-celebrate ng isang malaking event bilang mga Pilipino—dahil napahalagang bahagi siya ng ating kasaysayan bilang isang bansa.

    ELY: Oo kasi malaki po ang papel dito ng gobyerno pero parang ang Pangulo, parang—[chuckles]—matabang po.

    VP LENI: Sana magbago pa naman, Ka Ely.

    ELY: Opo. Okay, samantala sa iba pa nating mga isyu, ito ho kasi may binabanggit na— Iyong una ho talaga, narinig ko sa speech ng ating Pangulo, na itabi na muna natin iyang arbitral ruling dahil sa 60-40 na hatian.

    VP LENI: Kaya tayo, Ka Ely, nag-statement. Kaya tayo nag-statement kasi nabahala tayo sa pahayag ng Pangulo. Parang sinasabi niya papasok tayo sa isang joint exploration deal with China, 60% iyong sa Pilipinas, 40% sa China. Pero nakita naman natin, Ka Ely, iyong transcript. Talaga namang sinabi ng Pangulo na i-set aside iyong arbitral ruling. In fact, kahapon, nasa balita, lumabas ito sa ilang pahayagan, na may sinabi pa yata siya na ito iyong… ito iyong hinihingi, ito iyong hiningi ng Chinese Premier, na papayag sila sa isang 60-40 deal, basta i-set aside iyong arbitral ruling. Although may contrary… may contrary statement dito iyong ating DFA Secretary, sabi niya hindi naging demand iyon. So hindi natin alam kung ano talaga iyong nag-transpire.

    Pero iyong sa akin lang, Ka Ely, klaro iyong transcript, lumabas ito sa lahat na pahayagan. Hindi naman ito… hindi ito parang tsinambahan natin. Bago tayo naglabas ng pahayag, tiningnan natin iyong lahat na transcript, at klarong klaro iyong sinabi ng Pangulo.

    ELY: Ako, narinig ko mismo iyong speech, eh.

    VP LENI: Hindi ko narinig iyong speech, nabasa ko iyong mga transcript na lumabas sa pahayagan. Pero iyong sa akin, Ka Ely, ngayon hinihimas, hinihimas ng Presidential Spokesperson, na hindi iyon iyong gustong sabihin. Pero iyong pinakapunto lang nito, kaya nga tayo nag-statement, kasi obligasyon nating maging maingat sa mga sinasabi. Kung hindi iyon iyong gustong sabihin, dapat sana hindi sinabi. ‘Di ba? Kasi kapag sinabi mo, kapag pahayag ng Pangulo, policy na iyan ng bansa, eh. Kaya tayo nagre-react kasi nakakabahala iyong kapag sinabi mong hindi—na kailangan i-set aside. Ano iyon, napakalaking bagay iyon pagdating sa sovereignty natin. Iyong sa atin, iyong ating Konstitusyon pinapayagan naman na iyong gobyerno pumasok sa mga kasunduan na hindi naman kailangang i-set aside iyong arbitral ruling. Iyong sa akin lang, Ka Ely, anytime puwede tayong pumasok sa kasunduan, pero huwag naman tayong papasok nang may kalapit—na ang kapalit, parang, gini-give up natin iyong ating karapatan sa sarili nating pag-aari.

    ELY: Marami pong nagsasabing eksperto, dapat maging maingat tayo dahil sa puwedeng gamitin sa atin, balikan iyong ganiyang deklarasyon ng ating Pangulo, na parang inayawan na natin ito pong arbitral ruling.

    VP LENI: Totoo. At tayo naman, Ka Ely, parati nating tinitingnan iyong opinyon ng mga eksperto. Kaya nga natatawa ako doon sa statement ni Presidential Spokesperson.

    ELY: Ano nga pong sabi niya?

    VP LENI: [laughs]

    ELY: Kasi ang sabi, kayo raw po, VP, ay litong lito—[laughter]—at hindi niyo raw naiintindihan. Ano po ba talaga?

    VP LENI: Totoo iyon, Ka Ely. Litong lito talaga ako, kasi ang sinasabi ni Pangulo, iba sa sinasabi niya. Nagsabi si Pangulo na i-set aside iyong arbitral ruling; ang sabi niya hindi iyon iyong gustong sabihin. So talagang tama siya: litong lito ako. Pero nakakatawa lang iyong sinabi niya na gamitin ko daw iyong instincts ko as a lawyer saka iyong maternal instincts ko. Eh precisely iyon nga iyong ginamit ko kaya ako nag-make ng statement, kasi nakakabahala iyong pahayag.

    Pero iyong sa akin lang, Ka Ely, tayo, hindi lang basta kumontra, pero sinisiguro natin na bilang lingkod-bayan, mayroon tayong obligasyon na kapag may masamang… kapag may masamang pahayag o may masamang nangyayari, kailangan tayong magboses. Kahit pa sila magalit sa atin. Itong statement na ito, ang implications saka ang repercussions nito napakalaki, hindi lang sa atin, pero sa future generations. Isipin mo, pinaglaban na natin tapos ginive up natin iyong binigay na sa atin—iyong may declaration na atin, igi-give up natin just for a deal with China? Iyong sa akin lang, puwede namang— Naaalala ko, Ka Ely, mayroong inilabas na statement si former Foreign [Affairs] Secretary Albert del Rosario, na sinasabi—ito, Ka Ely, eksperto ito—na sinasabi niya na iyong Konstitusyon natin ina-allow, ina-allow tayong pumasok sa mga agreements, pero mayroong mga… mayroong mga kailangang ma-satisfy bago tayo pumasok sa agreements. Number one, dapat makakabuti iyon sa atin. Number two, dapat hindi tayo madadalahan, hindi tayo mababawasan, at sisiguraduhin na makakabuti iyon sa ating ekonomiya. So sa akin, Ka Ely, baka sa susunod, pag-usapan na nila kung ano ba talaga.

    ELY: Mag-usap muna bago magsalita.

    VP LENI: Oo. Kasi halimbawa, si Presidential Spokesperson, spokesperson siya ng Pangulo. Dapat pareho iyong sinasabi nila.

    ELY: Ngayon parang ano, eh… parang tagapag-paliwanag.

    VP LENI: Taga-himas.

    ELY: Tagapag-paliwanag… Kasi ako po, matagal po akong nag-cover sa Malacañang, at naging presidente din naman ako niyang press corps. Kapag ang Pangulo ay nagsalita—

    VP LENI: Iyon na iyon.

    ELY: Iyon na po ang polisiya ng administrasyon.

    VP LENI: Totoo. Kaya iyon nga iyong pino-point out natin, Ka Ely. Kung sinasabi niyang litong lito tayo, talagang litong lito tayo, kaya tayo bumoboses. Kasi hindi naman puwedeng matapos sa kalituhan dahil sa mga pahayag na hindi nakakabuti sa ating lahat.

    ELY: Siguro kausapin ni Secretary Panelo iyong… iyong bata sa isang noontime show—

    VP LENI: Oo nga. [laughs]

    ELY: —na gusto niyang maging sundalo para ipagtanggol ang Pilipinas laban sa China.

    VP LENI: Mabuti pa iyong bata, Ka Ely. [laughter]

    ELY: Maraming ganito, pati nga iyong sa SOGIE bill, eh. Ang linaw po ng speech ng Pangulo. Ako po mismo narinig ko, kasi nakikinig ako ng speech niya para sa aking mga komentaryo. Ang linaw, tapos kinabukasan binago.

    VP LENI: Parang nagiging practice na kasi, Ka Ely, eh, na magpapahayag iyong Pangulo, i… ano ito… iko-correct, iko-correct ng Presidential Spokesperson. Parang hindi yata ganoon iyong—

    ELY: Baligtad po.

    VP LENI: Baligtad. Dapat iyong Pangulo iyong nagko-correct kasi iyong sinabi niya is policy. So iyong pinakatanong lang: Ano ba talaga? Tingin ko hindi lang ako iyong nalilito, pero marami pang ibang tao ang nalilito kung ano ba talaga iyong gustong sabihin. Sasabihin ise-set aside iyong arbitral ruling, sasabihin hindi iyon iyong gustong sabihin. Talagang magdadala iyon ng kalituhan.

    ELY: Opo. Okay, at sa mga talumpati rin at ako mismo, napapakinggan ko rin, isa ho kayo sa talagang personal na binara ng Pangulo at hindi raw kayo—abogado raw kayo pero hindi kayo nagbabasa. Ito, Ma’am, may kinalaman at napag-usapan din natin dito sa BISErbisyong LENI, iyong pagtanggap po ng mga regalo ng mga pulis at iba pang public officials.

    VP LENI: Ka Ely, klaro iyong batas. At hindi lang isang batas iyong nagsasabi na bawal iyon. Mayroon tayong tinatawag na Republic Act [No.] 6713, kung hindi ako nagkakamali Section 7, sinasabi niya—Section 7(c) yata, hindi ko na maalala—pero sinasabi niya—Section 7(c) o Section 7(d)—sinasabi niya na talagang bawal. Kung ang pagtanggap ng regalo by reason of your office—mayroon nga siyang…

    ELY: Kahit nga indirect, Ma’am, eh, ‘di ba. Parang nakalagay doon, maliwanag, eh.

    VP LENI: Totoo, Ka Ely. Mayroon siyang sina-cite na parang exceptions, iyong parang from foreign organizations, hindi ko, Ka Ely, naaalala iyong exact words pero sinasabi niya iyong exceptions, halimbawa, pagbigay ng scholarship grants, hindi iyon bawal. Basta makakatulong iyon sa trabaho mo. Halimbawa, mayroon sa iyong nag-imbita… mayroon sa iyong nag-imbita na—parang iyong nangyayari sa akin—nag-imbita na gumawa ng… mag-deliver ng speech. Iyong nag-imbita sa iyo, siya iyong gagastos sa pamasahe mo, sa accommodation mo, kung iyon, iyong cost niya parang regular, puwede iyon. So, very specific, Ka Ely, iyong batas. Mayroon tayong Presidential Decree—mayroon tayong isang Presidential Decree na very specific. Mas strikto nga iyon, Ka Ely, parang 1970—kung hindi ako nagkakamali—1971 o 1973 pa iyon pinasa na sinasabing bawal talaga. Mayroon tayo sa Revised Penal Code na sinasabing crime iyong pag-commit ng indirect bribery.

    Pero iyong pahayag niya kasi, Ka Ely, noon, sinasabi niya na kung mayroong nagbibigay sa iyo by reason of your office, tanggapin mo. Talagang iyong sa akin, ewan ko lang kung anong libro iyong hindi ko nabasa pero, Ka Ely, very specific naman. Parang iyong batas, iyong wording niya, parang hindi naman nagli-leave ng any doubt na sinasabing bawal talaga.

    ELY: At mismong ano, ang Civil Service Commission, eh, nagsabi rin, eh.

    VP LENI: Sila nga ang nagsabi at saka alam natin iyon, Ka Ely.

    ELY: At matagal nang binabanggit po iyan sa gobyerno. Talagang bawal.

    VP LENI: Sa practice, Ka Ely, ang hindi bawal iyong galing sa sarili mong pamilya, iyong mga dati mong kaibigan na hindi naman konektado sa trabaho po, iyong mga customary na hindi connected sa trabaho. Pero iyong statement niya kasi, Ka Ely, narinig mo naman sinasabi niya by reason of your work, eh. Ayon iyong bawal.

    ELY: Opo. Kasi kaya nga iyong sa mga nakaraan na ipinagbabawal, ‘di ba, Ma’am, iyong sa airport, na batiin ka, halimbawa, “Uy, Merry Christmas,” kasi may intensyong nanghihingi ka.

    VP LENI: [laughs] Parang nagso-solicit ka.

    ELY: So ipinagbawal iyon, Ma’am, hindi ba?

    VP LENI: Totoo, totoo.

    ELY: So puwedeng doon iyong pinanggalingan.

    VP LENI: Ano nga, Ka Ely, eh, klaro naman na kapag konektado sa trabahong ginagawa mo, inaasahan mong gawin, bawal talaga. Talagang iyong pinaka-exception niya lang, Ka Ely, iyong hindi konektado sa trabaho.

    ELY: Okay, samantala, ang oras po natin—nako, ang bilis po ng oras, ano—9:25 a.m. na at maya-maya… Pero samantala, ito ho, kasi iyong ating Armed Forces of the Philippines at siyempre, Defense department, may mga POGO na parang malapit po sa mga military camps, ‘di ba, sila po ay naalarma. Talagang—

    VP LENI: Oo, pero nakakagulat iyong telco. [laughs]

    ELY: Ayon. Bakit biglang ang AFP ay pumasok sa isang kontrata dito po sa Mislatel consortium na alam naman natin ang kasosyo nito ay mga Chinese at iyong gobyerno po ng China. So ano ho kaya ito?

    VP LENI: Ako, Ka Ely, dalawang bagay: una, nagtitiwala tayo na iyong AFP alam iyong ginagawa nila. Inaasahan natin na hindi naman nila ipapayag kung ito ay threat sa ating seguridad. Pero on the other hand, makikita rin natin, marami nang mga bansa na kahit nga pagpapapasok ng Chinese telcos, wary sila. Halimbawa, US, Canada—

    ELY: Huawei nga ‘di ba, Ma’am, talagang pinuntirya ng US iyon, eh.

    VP LENI: —iyong Australia, dahil nga sa ugali na ginagamit iyon para mag-gather ng intelligence. So iyon iyong dalawang mukha noon. Hindi pa naman napipirmahan ni Defense Secretary [Delfin Lorenzana] iyong kontrata pero mayroon nang pahayag iyong AFP. Ako, inaasahan natin na alam nila iyong ginagawa nila, na hindi naman nila… hindi nila isusugal.

    Hindi nila isusugal iyong seguridad natin. Iyon na lang iyong pinanghahawakan natin. Alam naman natin na iyong ating AFP, mga professionals din. Sana… sana mayroon silang nalalaman na hindi natin alam. Pero iyong pagpahayag pa rin ng pagkabahala, ginagawa natin.

    ELY: Opo. Kasi kunin po natin ang binanggit ho, ano, ng isang Defense analyst na si Jose Antonio Custodio, ang sabi niya, “tanga” o stupido ang Beijing kung hindi nila—

    VP LENI: —kung hindi nila gagamitin. Totoo.

    ELY: Kung hindi nila sasamantalahin. Kasi ibig sabihin, nandiyan na, eh. Alangan namang hindi samantalahin.

    VP LENI: At saka by practice kasi, Ka Ely, ‘di ba, by practice, talagang ang ginagamit nila ito to gather intelligence. So ano ang kaibahan noong mga ilalagay dito sa atin?

    ELY: Iyong mga walang paalam nga, Ma’am, ‘di ba, talagang kukuha. Ito, lalong legal na.

    VP LENI: At saka iyong ibang bansa, iyong mere fact na pagpapasok, ano na sila, red flag na iyon sa kanila. Eh, tayo, hindi lang natin pinapapasok pero talagang ilalagay pa sa loob ng military installations.

    ELY: Ayon, opo. Parang inihain pa natin sa kanila para mas madali nilang makuha.

    VP LENI: Pero sana naman—ako, Ka Ely, buo iyong aking tiwala na sana tama naman iyong pagdesisyon. Hayaan—hintayin muna natin kung ano iyong mga susunod na pangyayari pero siguro hindi naman mali na magpahayag tayo ng ating pagkabahala.

    ELY: Opo. Bilang isang Pilipino, siyempre iyong ating interes dito iyong buong bansa.

    VP LENI: Oo, totoo.

    ELY: Kasi sila, Ma’am, iyong mga opisyal ng ating gobyerno, nandiyan lang iyan tapos aalis din naman.

    VP LENI: Pagkatapos ng 2022, palit na naman. Pero iyong AFP naman, Ka Ely, mga professional ito na—

    ELY: Isang institusyon po ito na talagang…

    VP LENI: —na alam iyong ginagawa. So sa atin, iyon iyong pinanghahawakan natin ngayon. Pero tingin ko, okay lang na nagpapahayag tayo ng pagkabahala.

    ELY: Opo. Okay, samantala sa iba pa nating isyu, ito napaka-importante nito, iyong usapin ng bigas. Oo, kasi talagang ang dami pong nagrereklamo na mga magsasaka na parang ang sabi nila, ito hong Rice Tariffication Law ay nagsilbing parusang kamatayan sa kanila at sa kanilang kabuhayan.

    VP LENI: Totoo iyan, Ka Ely. Iyong sa naalala ko, campaign pa—senatorial campaign for 2019—pumunta ako sa Nueva Ecija, talagang ang lakas ng pagpaabot ng statement sa mga rice farmers doon, kung gaano sila naaapektuhan. Pero ito, Ka Ely, recent lang kasi may mga magsasaka nga kaming tinutulungan sa Camarines Sur, kausap ko mismo iyong DA noong Thursday. Kausap ko mismo iyong DA sabi niya doon daw sa amin, kapag basa, mayroon pang bumibili ng P8 lang. Talagang napaka—sobrang bagsak. Although may, parang may agreement na ang DA at saka may pahayag na rin ang NFA na parang pinaka-mababang bili kapag basa ay P14, tapos iyong bili noong 14 percent or less ng moisture ay P19. Mabuti-buti ito kasi hindi… hindi magga-grabe iyong ating mga magsasaka.

    Pero iyong sa akin, marami namang ginagawa iyong DA ngayon, Ka Ely, para—tayo, ina-a-appreciate naman iyon—para ma-mitigate iyong effects, pero sana iyong pang long-term. Hindi lang na reactive dito sa nangyayari ngayon pero moving forward, papaano ba mas magiging long-term iyong tulong. Iyong mga LP senators and congressmen, may finile na resolution sa Congress—sa House at saka sa Senate—na hinihingi nila—medyo magkaibang kaunti iyong version, halimbawa sa House, iyong hinihingi nila na iyong P13 billion—iyong P13 billion kasi iyong P9 billion na iyong Rice Competitiveness Enhancement Fund at saka doon sa P10 billion na tulong, mayroon pa raw na P4 billion—ang hinihingi sa House ng mga LP congressmen, ibigay na iyon, i-release na iyon bilang tulong sa mga rice farmers para maibsan naman iyong kahirapan na nararamdaman nila dahil dito. Iyong sa Senado naman sina Senator Kiko Pangilinan, parang hinihingi nila iyong P10 billion, na iyong P10 billion na RCEF at saka iyong kung ano man iyong tariffs na nakokolekta, ibigay na. Kasi kung naaalala natin, Ka Ely, iyong TRAIN Law…

    ELY: Tama. Kasi bago, Ma’am, iyong bill pa lang ho iyong Rice Tariffication Law na iyan, bill pa lang, iyon na agad ang binabanggit.

    VP LENI: Iyon na. Iyon na iyong binabanggit ko kasi dahil sa experience sa TRAIN [Law].

    ELY: Iyon, sa TRAIN Law po.

    VP LENI: Kasi iyong batas mismo, may safety net. Halimbawa iyong sa TRAIN, kung naaalala mo, Ka Ely, iyong safety net niya magbibigay siya ng P200 a month. Pero alam natin na ang tagal na nilang nararamdaman iyong epekto, hindi pa nare-release. Parang nangyayari ulit ngayon. At hindi pa napipirmahan iyong batas, iyon na iyong concern natin, ‘di ba, na sana kung mayroong safety nets, ibigay na in advance. Kasi hindi naman ito mga mayayaman na puwedeng—mayroong pangtustos—

    ELY: Mag-abono or ano.

    VP LENI: ‘Di ba? Ang kailangan nila, na kapag tinamaan sila, mayroon na silang pang—

    ELY: Wala naman silang savings, Ma’am.

    VP LENI: Wala, wala. Ano ito, isang kahig, isang tuka, eh. Karamihan nga iyong produce nila naka-sangla na. So para sila pa iyong sasalo tapos saka na sila tutulungan, iyon iyong mahirap.

    ELY: Kaya, Ma’am, ano, iyong kasabihan na, “Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.”

    VP LENI: Pero nakikita ko naman iyong mga pahayag ni DA Secretary William Dar, very positive naman, Ka Ely; mukhang talagang naghahanap ng mga paraan para maibsan. Pero iyon nga, iyong hiling natin sana mas long-term, na maunahan na iyong solusyon bago pa man ramdam na ramdam iyong problema kasi kawawa talaga sila.

    Halimbawa sa amin, Ka Ely, sa programa namin, naaaya na namin iyong ibang mga rice farmers na sumubok ng ibang pananim. At marami sa kanila, talagang willing. Halimbawa iyong sa Pili—sa Pili, Camarines Sur, mayroong mga rice farmers doon na last year pa o early this year, na nag-shift na sila sa Gabi. At ang kinu-kuwento nila kasi kasama sila doon sa aming trade fair, ang kuwento nila mas marami iyong kita nila. Pero ilan ba iyong ganoon, ‘di ba? Ilan ba iyong—ang pagshi-shift kasi, Ka Ely, ng kinasanayan, ng mindset, talagang mahirap.

    So iyong sa akin lang, baka pagtulung-tulungan. Ako, iyong experience ko, Ka Ely, sa DA namin, talagang napakaresponsive. Pero hindi ko alam kung buong bansa ba ganito din. Kasi iyong iyak talaga ng ating rice farmers ngayon, napakalakas.

    ELY: Opo. Okay, so abangan po natin at sana masolusyonan iyong binabanggit nila na nagkakaroon po ng rice hoarding sa mga imported na bigas.

    VP LENI: Iyon na nga. Parang naaabuso pa—naaabuso pa noong mga kapitalista at mga importers. Wala pang findings pero may mga lumalabas na ganoon. Sana hindi totoo.

    ELY: Okay, sa iba pa nating isyu, ito na ho, Ma’am, iyong kontrobersyal na GCTA Law at nagkakaroon po ng pagdinig diyan sa Senado at parang ako, obserbasyon, medyo nalihis nang kaunti kasi nasisisi po iyong nakaraang administrasyon partikular sina dating DILG Secretary Mar Roxas at dating DOJ Secretary na ngayong Senator Leila de Lima.

    VP LENI: Parang ang husay nga maglihis, Ka Ely. Pero ito, okay naman na tanungin sila. Okay naman na tanungin sila kung bakit ba iyong IRR hindi kasama sa mga exceptions iyong mga nag-commit ng heinous crimes. Pero hindi ito iyong isyu, Ka Ely, eh—ang isyu iyong korapsyon sa pag-a-avail ng GCTA. Ang dapat sanang tutok ng isyu: sino ba iyong mga corrupt na BuCor personnel na nagiging instrumental sa pag-grant ng mga GCTA na dapat sana hindi pa naman iga-grant? Gaya nito iyong computation para kay Mayor Sanchez, mali talaga iyon. Hindi dahil sa batas, pero iyong application mismo, nakita natin sa hearing sa Senado na pati iyong pag-avail noong medical… iyong parang…

    ELY: Hospital pass.

    VP LENI: Iyong hospital pass, talagang binabayaran. Ito dapat iyong imbestigahin.

    ELY: Isa pang matindi, Ma’am, na nangyari iyong naisama iyong pangalan ni Janet Lim-Napoles tapos ang kaso, rape.

    VP LENI: [laughs] Iyon na nga.

    ELY: Pero maari bang magkamali ang computer doon, ng mga listahan?

    VP LENI: Iyong tingin ko, Ka Ely, hindi iyong—okay naman na tanungin iyong batas pero side issue kasi iyon, eh. Ang tanong: itong mga nangyayaring ito, dahil ba ito doon sa batas o dahil sa implementasyon ng batas? At saka ang tanong muna, doon ba sa implementasyon ng batas, ano iyong hindi—ano iyong pang-aabuso sa korapsyon na nangyayari? Kasi kapag nilihis mo iyong usapin na ang bine-blame mo na iyong gumawa ng batas, eh, iyong dating mga nangungurakot ay makakalusot na naman.

    ELY: Pero ako naman, Ma’am, iyong pagtanaw ko diyan at sinubaybayan ko iyong isyu na iyan, sabihin natin na lahat ng batas o IRR, hindi perpekto. Iyong sa IRR, talagang sabihin nating may mga butas. Pero noong maupo at naging OIC na ngayong si Justice Secretary Caguioa, naglabas siya ng Department Order—

    VP LENI: Hindi, si Justice Secretary Guevarra.

    ELY: Hindi, Ma’am, iyong si—

    VP LENI: Ah, iyong dati pa.

    ELY: Iyong naging OIC na ngayon ay Justice Caguioa, naglabas siya ng Department Order na kung saan kapag heinous crime, dadaan sa SOJ.

    VP LENI: Totoo, totoo. Hindi naman iyon nasunod.

    ELY: Iyon, Ma’am, ang hindi po sinunod ng kasalukuyang Justice Secretary.

    VP LENI: Ang problema lang, Ka Ely, tama iyon, marahil ay nakita nila na hindi na-include iyong heinous crimes doon sa mga exceptions, iyon iyong kakulangan marahil ng IRR, kasi sa batas nandoon, eh, pero sa IRR wala. Pero ang punto nga, ito ba iyong pinaka-problema natin ngayon? Kasi mukhang isa lang ito sa maraming problema, pero mas pinaka-problema iyong korapsyon. Kaya nangyayari ito dahil sa matinding korapsyon. Iyon iyong tutukan. Iyong sa akin, kung mali iyong IRR, eh, ‘di maggawa ng technical working group na i-amend iyong IRR kung ano ba iyong dapat gawin. Kailangan bang i-amend iyong batas? Eh, ‘di i-amend iyong batas. Pero huwag namang iwanan iyong usapin ng korapsyon kasi iyon talaga iyong pinaka-buod ng lahat ng ito.

    ELY: Opo. Okay, so ang talagang matindi ho diyan sa NBP ay nagpapatuloy pa rin iyong mga ano, iyong mga… kapag mayaman ka, kahit sa loob ng bilangguan ka, maganda ang buhay mo.

    VP LENI: Iyon nga iyong isang mensaheng binibigay natin, Ka Ely. Parang iyong nangyayari ngayon, iyong mensahe parang kapag mayaman ka, puwede kang makalusot; kapag mahirap ka, sorry na lang.

    ELY: Opo. Okay, samantala, ang oras po natin, nako, 9:39 na po ng umaga.

    VP LENI: Oo nga, eh. Napakabilis ng oras.

    ELY: Sa huli nating isyu, Ma’am, at ito, bagama’t mayroon hong tagubilin dito ang Supreme Court na ang magkabilang kampo bawal magsalita tungkol po sa detalye ng isyung ito, pero sa pangkalahatan, ano po ang masasabi niyo ho? Kasi ang sinasabi po ng Supreme Court, tapos na po, nai-submit na ni Associate Justice Benjamin Caguioa iyong kaniyang report sa PET. So, ano po ang reaksyon niyo rito?

    VP LENI: Hindi ko kasi, Ka Ely, puwedeng i-discuss iyong detalye, pero parang pagbigay lang ng konteksto, noong nag-file ng kaso si Bongbong Marcos during the preliminary conference, marami siyang probinsyang kinu-kuwestiyon. Parang during the preliminary conference, iyong naging agreement sa kaniya at saka saang korte, ang sinasabi: “Pumili ka—pumili ka ng tatlong probinsya na best exemplifies the fraud that you are talking about.” So ang gustong sabihin, ikaw iyong pumili saan—alin na probinsya ba iyong nagpapakita na talagang may dayaan?

    ELY: Para patunayan na—

    VP LENI: Para patunayan. Kasi ang usapan, kapag nakita natin dito sa tatlong pilot provinces na pinili mo na talagang may dayaan, itutuloy natin iyong pagbilang. Kasi ang daming probinsya, eh, ang daming probinsya iyong kinu-kuwestiyon. “Pero, kapag pinili mo iyong tatlong pilot na wala tayong nakita, idi-dismiss na natin iyong kaso” kasi magastos. Hindi lang magastos sa parties pero sa court din, sa dami ng trabaho ng court—

    ELY: Tama, nauubos iyong oras doon.

    VP LENI: Ang dami, Ka Ely, na kinu-kuwestiyon na probinsya. So siya iyong pumili—hindi kami, hindi iyong korte—siya iyong pumili. Ang pinili niya CamSur, Iloilo, Negros Oriental. So iyong nangyari during the past three years, binuksan—nagkaroon ng revision—binuksan iyong mga balota, tiningnan ulit iyong tatlong probinsya.

    So ito ngayon iyong inaasahan natin na sabi ng Korte Suprema—noong September 9 yata iyon—nag-submit na raw ng report si Justice Caguioa kasi siya iyong naka-assign sa kaso. Iyong revision, si Justice Caguioa nag-appoint siya ng tatlong, parang head revisors na magsusupervise ng lahat. Ang isa doon si Justice Vitug, mga taong kilala because of their integrity and probity. So nagkaroon ng revision. Hindi namin alam kung ano iyong report.

    ELY: So iyon iyong aabangan po natin.

    VP LENI: Iyon iyong aabangan natin. Pero kami kasi, Ka Ely, confident kami kasi mayroon naman kaming mga watchers. So kami, in fact, last month pa, nag-file na kami—last month or two months ago—nag-file na kami ng motion na kung puwedeng desisyunan na. Kasi sa amin, Ka Ely, kapag nadesisyunan na ito, hindi na magkakaroon ng kalituhan; kapag nadesisyunan na ito, hindi na magkakaroon ng platform si Marcos na maggawa ng maraming propaganda saka kasinungalingan. Eh, ‘di ba, siya iyong nagpo-promote ng pagtawag sa akin ng Fake VP, siya raw iyong tunay na VP. Pero kapag nag-desisyon na ang Korte Suprema, malalaman natin ano ba talaga iyong totoo. Kaya makakabuti sana sa amin, Ka Ely, na mag-desisyon na.

    So kami, hinihintay namin iyong ano ba talaga iyong nasa report ni Justice Caguioa at saka sana iyong Korte Suprema, kapag nag-desisyon siya, base doon sa report dahil siyempre iyong report, iyon iyong nagpapakita kung ano talaga iyong nangyari. Kasi kung hindi iyon susundin at sabihin natin na magpapatuloy, eh iyong tatlong probinsya, Ka Ely, three years, eh ito, ilan pa ba iyong natitira? So ang tagal—

    ELY: 22 [provinces] pa.

    VP LENI: Parang nagkakaroon lang ng—iyon iyong pinagmumulan ng maraming fake news. Pero kapag nag-desisyon na ito na tapos na, wala na siyang platform para maghasik ng kasinungalingan. Kaya sa amin, ang gusto sana namin mas maging—iyong tapos na para alam ng tao kung ano talaga ang nangyari noong 2016 elections.

    ELY: Bagama’t nililinaw po natin na hindi po natin pinangungunahan, ano, kung ano man ang pormal na desisyon.

    VP LENI: At saka hindi natin alam, Ka Ely, hindi natin alam. So iyong sa atin, pag-provide lang ng context. Pero kung ano iyong detalye noong nangyari sa loob, bawal tayong mag-discuss.

    ELY: Opo. Kasi may mga kapwa alegasyon na ang kampo nila nagde-declare na raw po kayo na kayo na ang nanalo tapos mayroon din namang sa kampo nila na kapag naging paborable sa kanila ang desisyon, sila na ang uupo. Kaya nga ako sa aking radio program, eh, kumuha ako ng isang dating opisyal ng COMELEC, eh, na niliwanag natin, si Attorney Goyo Larrazabal, na kung ano man ang desisyon niyan, kung pabor man kay Mr. Marcos, diretso ang pagbibilang sa 22 na probinsya.

    VP LENI: Nakita ko nga, Ka Ely, parang may campaign na ngayon para siraan iyong Justice na involved sa kaso. Nakakalungkot.

    ELY: Ay oo nga po. Tama, mayroong mga ganoon.

    VP LENI: Nakakalungkot. Nakita ko na marami nang paninira na ginagawa. Sana huwag naman ganiyan; sana hintayin. Alam naman nila kasi, hindi lang naman kami iyong may watchers, Ka Ely, sila mayroon din. So alam nila kung ano ang nangyari during the revision.

    ELY: Opo. So panawagan po niyo, Ma’am, na i-respeto ng magkabilang panig ano man ang desisyon.

    VP LENI: Oo, oo. At saka ang dasal naman natin, Ka Ely, na sana iyong Presidential Electoral Tribunal, iyong desisyon naka-base talaga sa kung anong nangyari during the revision kasi ito naman iyong parang pinaka-buod ng exercise. Kasi halimbawa hindi susundin iyong, ano ito, iyong resulta ng revision, parang sayang—sayang iyong naging ehersisyo.

    [GAP 3] ELY: Okay, iyan po ang ilang maiinit na isyu na ating pinag-usapan sa oras natin, 9:45 na po ng umaga. At ito na, Istorya ng Pag-asa, opo.

    VP LENI: Mag-i-Istorya ng Pag-asa na tayo. Iyong, espesyal iyong bisita natin, Ka Ely, ang kaniyang pangalan ay Geraldo, pero Jek iyong kaniyang palayaw, si Mr. Jek Jumawan. Isa siyang Senior High School teacher ng Lagro High School, pero hindi lang siya simpleng teacher. Pero ano siya, short film director, actor, saka theater arts advocate. Alam mo, Ka Ely, medyo revelation siya sa amin, kasi isa siya sa mga nag-participate sa Istorya ng Pag-asa Film Festival. Pero noong mas nakilala siya ng team, na-find out ng team na siya mismo iyong Istorya ng Pag-asa. Iyong kaniyang kuwento ay napaka-inspiring, kanina kino-congratulate ko siya, Ka Ely, pagdating ko kasi Gawad Geny Lopez awardee siya this year. Alam naman natin kung gaano kahirap makuha iyong award na ito, so talagang karapat-dapat. So i-greet muna natin si Mr. Jek Jumawan. Sir Jek, magandang umaga sa inyo.

    GERALDO JUMAWAN: Magandang umaga, Ma’am. Gawad Geny Lopez Original National Finalist mga kasama si Ryan?

    VP LENI: Ah, si Ryan.

    GERALDO JUMAWAN: Ka-batch ko siya.

    VP LENI: Ah, ka-batch mo siya! Pero ito, Sir Jek, kinu-kuwento dito na noong nag-teach ka, noong naging senior high school teacher ka, may sinimulan ka nang dalawang theater groups sa Lagro High School. Bakit mo ito naisipan? Bago ka ba pumasok doon talagang mahilig ka na sa theater?

    GERALDO JUMAWAN: Nasa puso ko na noong maliit pa lamang ako, dahil ang aking ina ay mahilig sa panonood ng pelikula, so iyon iyong una kaagad na—

    VP LENI: Mahilig ka na sa pelikula?

    GERALDO JUMAWAN: Mahilig na sa pelikula, mga Chinese movies pa noon sa probinsya.

    VP LENI: Oh. [chuckles] Taga saan ka, Sir Jek?

    GERALDO JUMAWAN: Taga-Davao City.

    VP LENI: Kaya iyong Jumawan galing talagang Mindanao iyon. Tapos papaano ka napunta sa Lagro?

    GERALDO JUMAWAN: So iyon nahilig din ako sa theater. So noong napunta ako Maynila kasi nga hindi ako nakapagtapos ng aking kolehiyo, so tumira ako doon sa ate ko, and then nagsulat ako sa comics, sa pocket book––

    VP LENI: Oo, nabalitaan ko nga na nagsusulat ka rin ng comics. So talagang arts na iyong inclination mo?

    GERALDO JUMAWAN: Medyo, Ma’am.

    VP LENI: Tapos noong makapasok ka sa Lagro, talagang isa na sa mga pangunahin na ginawa mo, talagang mag-start ng theater group?

    GERALDO JUMAWAN: Iyon talaga ang aking plano, sapagkat noong ako’y nasa high school pa lamang, nahilig na ako sa theater arts. So sabi ko, kapag ako ay maging isang guro, itatayo ko ang theater club. So iyon na iyong Teatro Oktubre Nueve—

    VP LENI: Oo nga.

    GERALDO JUMAWAN: —na magdiriwang na ika-dalawampu’t taon sa Oktubre Nueve.

    VP LENI: Ang tagal na, ano?

    GERALDO JUMAWAN: Matagal na, Ma’am.

    VP LENI: Matagal na. Tapos mayroon pang isa ‘di ba? Ano pangalan noong isang theater?

    GERALDO JUMAWAN: Mahilig na rin ako sa pelikula so noong 2007, ay nagtayo ako ng Sining Bahandi Youth Filmmakers.

    VP LENI: Tapos ang balita ko nagkakaroon na kayo diyan ng film festival?

    GERALDO JUMAWAN: Yes, Ma’am, kasi advocacy ko na ilatag sa mga kabataan, padaloy sa kanila ang aking mga kaalaman, natutunan sa mga workshop, sa pamamagitan ng libreng pa-workshop din sa kanila. So, itinayo ko sa Barangay Greater Lagro ang Sining Kabataan noon.

    VP LENI: Pero itong parang film festival na ito, hindi ito limited sa Lagro National High School?

    GERALDO JUMAWAN: Hindi, Ma’am, kasi kung sino iyong mga kabataan na interesado na gusto matulungan. Kasi marami naman din akong mga kaibigan na filmmakers na willing din magbigay ng mga palihan. So basically organizers and then naging tagapanayam sa mga acting, sa directing, may mga kaibigan din akong mga filmmakers na willing din magbigay ng mga libreng panahon sa cinematography––

    VP LENI: Talagang hilig mo siya?

    GERALDO JUMAWAN: Yes, Ma’am. Passion ko talaga.

    VP LENI: Pero itong ginagawa mong parang outreach, parang adbokasiya mo ito, hindi ba siya mahirap? Kasi iyong filmmaking, nakikita ko iyong mga—halimbawa iyong sa ating INPFF, kung gaano siya kahirap. Maraming mga sumali na mga professionals na parang makikipagbuno ka sa napakaraming entries, parang ang hirap to make the break, ‘di ba? Lalo pa kasi, kapag 5 minutes lang, kailangan mong ma-capture iyong buong film. Eh ikaw hindi lang gumagawa ka pero tumuturo ka pa, ano iyong mga difficulties na pinagdadaanan mo dito?

    GERALDO JUMAWAN: Ma’am, unang-una, iyong totoo, financial.

    VP LENI: Financial.

    GERALDO JUMAWAN: Kasi ayaw ko po na iyong sa staff ko na magugutom, so siyempre kailangan ng pakain, transpo kung mayroon kaming paglipat ng mga eksena. And then siyempre may mga magulang na hindi naiintindihan iyong passion ng kanilang mga anak, pinipigilan minsan, pero wala tayong magagawa kasi nga sila ay under pa sa kanilang mga parents, so minsan hindi makakasipot doon sa shooting––

    VP LENI: Pero dahil ang mga kasama mo, mga bata pa. Tapos nabalitaan ko na iyong mga films na ginagawa mo, hindi lang ito story-telling pero mas adbokasiya? Balita ko, Sir, gumawa kayo ng film on hemophilia? Tapos ngayon parang may ginagawa ka yata on LGBTQ?

    GERALDO JUMAWAN: Yes po, Ma’am.

    VP LENI: Ano iyong—puwera sa financial—ano iyong kahirapan na dinadaanan considering na kapag advocacy related kasing film, parang—ito na-experience namin to sir, mayroon kaming YouTube channel, kapag seryoso, hindi masyado interesado iyong mga tao.

    GERALDO JUMAWAN: Totoo, pero wala tayong magagawa kasi misyon talaga.

    VP LENI: Totoo. Kailangan talagang gawin.

    GERALDO JUMAWAN: Dahil mayroon tayong adbokasiya, mayroon tayong nais ihatid sa mga manonood na mga aral, na mga leksyon ng kahit kapulutan lang ng aral.

    VP LENI: Pero iyong sa iyo, ano iyong ginagamit mong camera? Kasi alam ko na sobrang mahal, ‘di ba? Sobrang mahal ng equipment, hindi ba ito naging sagabal?

    GERALDO JUMAWAN: Nakakatuwa ngayon, sa panahon ngayon kasi cellphone lang puwede nang gumawa ng pelikula, hindi katulad ng dati na celluloid o film base, kaya ako naging filmmaker, kasi nangarap ako na makagawa ng pelikula at wala na doon sa panahon na gagastos ka ng malaki, so ito na iyong makabagong panahon ngayon na makabagong teknolohiya na puwedeng gamitin. Sa akin, DSLR ang gamit ko, mayroon akong dalawang DSLR, unluckily medyo…

    VP LENI: Mahal din iyon, ‘di ba?

    GERALDO JUMAWAN: Medyo sira na iyong isa kasi iyong mga bata hindi ko mapigilan…

    VP LENI: Ah, hindi nagagamit ng maayos?

    GERALDO JUMAWAN: Opo, pero part of their experience naman na magkaroon ng ganoong klase ng pagkakataon.

    VP LENI: Pero ang galing kasi parang hindi mo sinarili iyong interes, hindi mo sinarili iyong talent, at talagang nag-ano kang mai-share ito sa iba. Pero ano iyong experience mo sa pakiki-deal with the community at saka sa mga bata? Ano ba iyong level nila of interest sa filmmaking? Nandoon ba o kailangan pang i-develop? Kasi ewan ko, Sir, kung na-experience mo na din ito, marami kaming nakakausap na sabi nila, ang hirap maki-deal sa mga kabataan ngayon kasi napaka-iksi na ng, ano iyon, ng attention span. Na hindi na sila nagtatagal sa isang passion, hindi gaya noong panahon natin, ‘di ba, Ka Ely, siguro magkakalapit, ito eh mas bata ka sa amin, pero ‘di ba iyong panahon natin, kapag pumasok ka sa trabaho, iyon na iyong trabaho mo for life? Ngayon daw iba na. Iyong mga kabataan, parang hanap ng hanap nang—parang hindi naku-kuntento, hindi ba iyan naging issue sa ginagawa mong adbokasiya?

    GERALDO JUMAWAN: Challenge sa akin, kasi gaya ng sabi ni Michael Co-Lim, na naging speaker namin sa Cinemalaya, kailangan ang pagtuturo ng film appreciation ay magsisimula sa bata. Kasi nakakalungkot kasi––

    VP LENI: So hindi siya nabibigla?

    GERALDO JUMAWAN: Oo.

    VP LENI: Parang… parang gusto mo ba, Sir, sabihin na kagaya mo, sabi mo bata ka pa, nahawa ka ng magulang mo na iyong interes, parang iyon ba iyong sinasabi ni Michael na talagang itong parang nanu-nurture over the years, ganoon ba iyon?

    GERALDO JUMAWAN: Kasi nakakalungkot na ang gaganda ng palabas sa sinehan, kakaunti lang ang nanonood. Kasi nga hindi nabibigyan ng pagkakataon iyong mga kabataan, lalo sa mga elementary, na bigyan sila ng kamalayan, na ito iyong mga pelikula, ito dapat ang panoorin niyo, ito dapat ang tangkilikin niyo, para unti-unti magkakaroon na sila ng pagtangkilik. Ma-appreciate nila at magtangkilik doon sa takilya.

    VP LENI: So ikaw, lumaki ka ng ganoon. Lumaki ka ng, sabi mo nga Chinese movies, pero iyong pagpapanood ng mga seryosong films, sinimulan mo ba iyan, bata ka pa?

    GERALDO JUMAWAN: Medyo, kasi iyong nanay ko Noranian. So alam niyo naman iyong mga pelikula ni Nora Aunor mga uri ng pelikula…

    VP LENI: [laughs] Okay, kababayan ko iyon.

    GERALDO JUMAWAN: Pero may mga pelikula noon si Nora na tumatakbo lang sa ilalim ng puno, pelikula na siya. Kasi nga love team sila so, pero unti-unti nag-mature si Nora, gumanda iyong mga pelikula na sinasamahan at ginagawa. So iyon na-appreciate ko iyong Bona, Tatlong Taong Walang Diyos, maging si Vilma Santos ang dami niyang mga pelikula ring magaganda.

    ELY: Pero may mga pelikula ngayon na iisang lugar lang pero pumapatok. Mayroon ngayon iyong mga bagong mga pelikula, Hong Kong lang. Isa Japan, Japan lang. Sapporo.

    VP LENI: Pero sir, ito curious lang ako kasi ano ka talaga, eh, film buff, ano iyong para sa iyo na mga pelikulang Pilipino na dapat mapanood ng bawat Pilipino?

    GERALDO JUMAWAN: Iyong ano, kasi idol ko ngayon si Brilliante Mendoza, eh, iyong katotohanan. Iyong mga realidad, mga…

    VP LENI: Ano ba yan, full-length ba iyon na?

    GERALDO JUMAWAN: Actually mayroon siyang pelikula ngayong Mindanao? Na kung saan ay tumatalakay sa––

    VP LENI: Pero hindi siya for commercial release?

    GERALDO JUMAWAN: For commercial release. Nauna ngang naimbitahan ibang bansa, sa Busan Film Festival then try niya daw isubok sa Metro Manila Film Festival, sana makapasok. Kasi kapag gumawa si Brillante Mendoza, salamin talaga ng lipunan ang pinapakita niya sa kaniyang mga pelikula, saka realidad.

    VP LENI: Okay, hanapin nga natin iyan.

    ELY: At saka dati, Ma’am, iyong mga kasaysayan ng mga bayani dati hindi naman pumapatok, eh, pero ngayon ‘di ba, Ma’am, patok sa pelikula iyan?

    VP LENI: Oo, iyong mga Heneral Luna…

    GERALDO JUMAWAN: Ayon, pumatok iyon. Mahirap din talagang pusuan din ang masa, bagamat talagang gusto nila.

    VP LENI: Lalo siguro ngayon, madami ng distractions. Iyong mga sinehan nga hindi na kumikita gaya noong panahon, ‘di ba? Eh kaya kaya iyong sa amin, Sir, kaya nakikita namin na kahanga-hanga kasi pinu-pursue mo ang isang bagay na napakahirap pero pinupursue mo siya at hindi lang para sa sarili mo, pero para din sa mga, parang shine-share mo iyong kaalaman. Hindi lang Gawad Geny Lopez iyong pinalanunan ni Sir, eh, Marami ka pang ibang awards na nakuha, iyong 2015 Ulirang Guro sa Filipino.

    ELY: Ayon. [chuckles]

    VP LENI: Tapos, iyong Natatanging Guro sa Filipino, ano, talagang curious ako. Itong pagtanggap mo ng awards, anong klase iyong, parang, style mo as teacher?

    GERALDO JUMAWAN: Sinasabi nga natin na dapat ang teacher, sa loob ng silid aralan ay isang aktor. Kasi nga, basically ang asignatura ko ay Filipino. So, komunikasyon ito.

    VP LENI: Oo.

    GERALDO JUMAWAN: So dapat ang mga bata, pagkatapos ng semestre ay dapat mahusay nang magsalita sa harap, na hindi nahihiya, na-develop ang tamang pagsasalita sa harap. At iyong pagsulat rin nila, kasi ang communication ano, written and oral.

    VP LENI: Ito, kapag senior high school ba, ano iyong mga tine-take up sa Filipino? Kasi naalala ko ‘di ba, Second year – Ibong Adarna, Third Year – Noli Me Tangere, Fourth Year – El Filibusterismo

    ELY: Tama.

    VP LENI: Kapag ano ba, Grade 11 at saka Grade 12, ano iyong tine-take up?

    GERALDO JUMAWAN: Depende, Ma’am. Sa katulad ko, TVL ako.

    VP LENI: Ano iyong TBL?

    GERALDO JUMAWAN: Ah, Tech-Voc.

    VP LENI: Okay.

    GERALDO JUMAWAN: Then mayroon ding academics. So magkakaiba iyong ano—

    VP LENI: Hindi ba mas mahirap?

    GERALDO JUMAWAN: Medyo. Kasi mas more on technical iyong sa amin. Technical iyong ano…

    VP LENI: So papaano iyong Filipino doon?

    GERALDO JUMAWAN: So kailangan iyong mga bata ay maalam sa mga gawaing pang-teknikal at mga terminong pang-teknikal din. Sapagkat, kapag lumabas na sila sa paaralan at pumunta na sa komunidad kung saan sila ay magtatrabaho, maalam sila at tama ang mga pang-komunikasyong kanilang ginagawa.

    VP LENI: Hindi ba mas mahirap ngayon na ang dami nang batang nag-i-english? Parang hindi tulad ng panahon natin na, parang iyong English talaga foreign language.

    VP LENI: Pero ngayon, kahit sa paaralan, kahit sa bahay, parang ang dami daming nag-i-english? So hindi ba iyon nakaka-get in the way ng pagtuturo niyo ng Filipino?

    GERALDO JUMAWAN: Nakakatuwa naman iyong ganoon kasi nga second language nga natin iyong English. At ang mga bata din, dapat talaga ay mahusay sa Wikang Pambansa.

    VP LENI: Oo.

    GERALDO JUMAWAN: Sapagkat hindi natin maitatwa, pananda iyan ng ating ano, mga paham sa wika.

    VP LENI: Totoo, at saka iyan ang identity natin. Pero iyon nga, Sir, eh, parang nakakatuwa na ang dami mong awards as a Filipino teacher na, ang panahong ngayon, parang ang Filipino parang regarded na as one of the hardest subjects, ‘di ba. Hindi gaya noon na parang iyong Filipino isa sa mga madadali, iyong mahihirap talaga Math at saka Science. Pero ngayon iyong mga bata isa sa pinaka-nahihirapan na nila, Filipino

    GERALDO JUMAWAN: Nakakalungkot nga minsan na may mga mag-aaral na mababa ang marka sa Filipino. Tapos pupunta ang magulang, sasabihin niya, “Filipino lang? Ang baba ng grade mo? Binagsak mo?”

    VP LENI: “Filipino lang?” [chuckles]

    GERALDO JUMAWAN: Parang ang sakit sa amin bilang mga guro sa Filipino.

    VP LENI: Parang nadede-value iyong ano—

    GERALDO JUMAWAN: Opo

    VP LENI: So anong ginagawa niyo kapag ganiyan?

    GERALDO JUMAWAN: Pinapaliwanag namin na hindi po ganoon kadali ang pag-aaral sa Wikang Filipino, sa asignaturang Filipino. Sapagkat, katulad rin ng Ingles, nagkataon lamang na nasasalin ito sa Ingles iyong mga tinuturo, ay dapat din nating bigyang diin, tuon ang tamang gramatika, lalo na iyong panitikan at saka kulturang Filipino.

    ELY: Okay.

    VP LENI: Pero ito, last na lang kasi time na, curious lang ako kasi sinasabi mo kanina na kaya ka lumuwas sa Maynila from Davao, kasi hindi ka nakapagtapos. Gusto ba noong sabihin, dito ka sa Maynila nagtapos

    GERALDO JUMAWAN: Dito ako nagtapos.

    VP LENI: Oh. Anong edad mo na noon? 20s?

    GERALDO JUMAWAN: Ah, 27? Kasi nag-department store, supermarket—

    VP LENI: Ah, talaga? Oh my god.

    GERALDO JUMAWAN: Iyon ang mga work ko, naging janitor din ako dati.

    VP LENI: Talagang Istorya ng Pag-asa. So pagpunta mo dito sa ate mo, hindi ka kaagad nag-aral?

    GERALDO JUMAWAN: Hindi ako nag-aral.

    VP LENI: Nag-trabaho ka muna?

    GERALDO JUMAWAN: Nag-trabaho muna ako

    VP LENI: So nag-janitor ka, nag-trabaho sa ano.

    GERALDO JUMAWAN: Sa supermarket, sa ano, puwede ko bang banggitin iyong mga ano—

    VP LENI: Oo, oo.

    GERALDO JUMAWAN: Sa Landmark, bagger ako

    VP LENI: Oh, talaga?

    GERALDO JUMAWAN: Sa Toby’s, stringer ako.

    VP LENI: Iku-kuwento ko sa Landmark, kakilala ko iyon. Iku-kuwento ko na iyong dating bagger nila, sikat na teacher na ngayon. Dapat parangalan ka ng Landmark

    ELY: So taga-Davao ka, sige batiin mo, napapakinggan tayo sa DXDC Davao.

    VP LENI: Oo, sa Bisaya.

    GERALDO JUMAWAN: Okay, maayong buntag sa mga taga-Davao diha. Labi na diha sa akong mga ka-batchmates sa Rizal Memorial Colleges at saka sa Sta. Ana Elementary School.

    VP LENI: Ayn. Dapat proud sa iyo iyong mga kaklase mo, sa narating mo. [chuckles]

    GERALDO JUMAWAN: Sobra silang proud nga, Ma’am, nakakatuwa nga. Noong nag-reunion kami—

    VP LENI: Oo, tsaka ito, Sir, sana hindi kayo magsawa na ipagpatuloy iyong adbokasiya mo kasi sobrang bihira siya. Sobrang bihira siya at tingin natin iyong buhay mo mismo isang malaking inspirasyon. Pero mas malaki pang inspirasyon iyong ginagawa mo. Parang hindi lang siya giving back, eh. Pero parang ang gusto mo na iyong kabutihang natanggap mo sa buhay mo, mai-share mo sa iba. So sana, patuloy kang—sana mag partner tayo, ‘di ba?

    GERALDO JUMAWAN: Sana nga, Ma’am.

    VP LENI: Mag-partner tayo sa ibang mga adbokasiya kasi sa filmmaking din, adbokasiya namin kasi ang daming mga mensahe. Iyong mga tao kasi ngayon hindi na nagbabasa, eh. Kakaunti na lang iyong nagbabasa. Pero through film, parang mas naiintindihan nila at mas na-a-appreciate iyong mga lessons na gusto natin i-share. So sana i-explore natin iyong—

    GERALDO JUMAWAN: Yes, Ma’am, malaking karangalan po sa akin iyong maging bahagi—

    VP LENI: Sana magkaroon tayo ng partnership.

    ELY: So, Teacher Jek, thank you po. Salamat po.

    GERALDO JUMAWAN: Maraming salamat po.

    ELY: Okay. good morning. Okay, so—

    VP LENI: Wala nang oras. [laughs]

    ELY: So Don Lino, hihingi lang ako ng ano, iyong susunod na programa natin si Don Lino Celle, hihingi lang po ako ng ilang minuto dahil iyong sa mga—

    VP LENI: Oo, para ma-greet lang natin.

    ELY: —iyong mga listeners at nakikinig sa programa natin sa Facebook Live.

    VP LENI: Ayan si Aimee Jardin ng Commonwealth, QC. Sana hindi siya masyadong nata-traffic kasi iyong mga kausap natin ngayon na taga-Commonwealth ang reklamo niya nata-traffic sila. Talagang grabe iyong traffic ngayon. Lory De Lara from Washington DC. Ano kaya kung na-meet ko ito nung pumunta ako doon?; Linda Cox from Las Vegas, ayan hindi pa ako nakakapunta diyan; Maria Elizabeth De Castro, Happy Fiesta to Our Lady of Penafrancia—siguro Bikolano ito; Florence Apostol Vicente: “Please say hi to Vicente Guilas and Etorne family.” Ayon, kumusta po iyong mga Vicente Guilas and Etorne family from Paranaque. Maraming salamat po.Si Nhetz Sulleza Arapan from Hong Kong. Sana okay kayo diyan. Sana makabisita ulit kami ni Ka Ely. Ito si Ella Oro from Malaysia. Kumusta po iyong—sabi niya Ka Ely: “Good morning to all, Ma’am Leni and Sir Ely.” Kumusta po iyong mga kababayan natin sa Malaysia; Luis Guanlao from Seattle, Washington. Ayan, Ka Ely, hindi pa tayo nakakapunta sa Seattle para mag Istorya ng Pag asa; Eto naman Jun Garlitos from Vallejo, California. Naku, nandiyan lang ako last week. Hindi sa Vallejo pero sa LA; Joseph Lao: “Congratulations to the Awardees of Ramon Magsaysay Awards and to Maestro Ryan Cayabyab.” Ayon, talagang proud na proud tayo kay Ryan Cayabyab; Raqueza Bregente Marata, good morning daw; Ana Barbante, “Good morning po”—nako maraming salamat, napuri ako ngayon—“sa napakaganda at napakabait naming VP Leni. I hope you’re doing fine together with your family. Good morning din kay Ka Ely.” Maraming salamat sa iyo, Ara; Carlos Menodiado Jr, kumusta ka; Anneli Martin, Anneli maraming salamat sa pagsusubaybay; Ester Carino Estrella, good morning din sa iyo, hindi niya sinabi kung taga saan siya; Ching Dublado Bagay-Plaza, God bless you more; Eric Tugonon, maraming salamat sa iyo, Eric; Rene Molina, God bless din; Vivian Caringal. Ayan hindi nila sinabi iyong kung galing sila saan pero maraming salamat sa pagsama sa amin ni Ka Ely ngayong umaga.

    Ka Ely, iyong mga pahabol hindi na natin kaya kasi umutang lang tayo ng oras pero maraming salamat po sa inyo.

    ELY: Okay, maraming salamat, Ma’am at sa panghuli, mensahe po sa ating mga kababayang listeners at nakikinig, nanonood sa ating Facebook Live

    VP LENI: Salamat lang sa lahat, Ka Ely, kasi mayroon na tayo talagang mga loyal na followers. Pero ito, special shoutout sa mga kababayan ni Teacher Jek. Ayon, Rizal Memorial—

    GERALDO JUMAWAN: Colleges.

    VP LENI: —Colleges.

    ELY: Yes, diyan sa Davao.

    VP LENI: Sa Davao, ayan, nakaka-proud itong inyong kaklase. Ako din, special shoutout din sa mga Bicolano na nagse-celebrate ng Peñafrancia Fiesta ngayon. Nandiyan po ako ulit sa sabado para sa fluvial procession. Sana po magkita-kita tayo.

    ELY: Opo. Okay, maraming salamat, Ma’am, ang ating Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si Madam Vice President Leni Robredo. Ako pa rin ho ang inyong radyoman, Ely Saludar. Hanggang sa susunod na BISErbisyo LENI. Dito lang po sa RMN.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Sep 14, 2019