This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI – Episode 122

    ELY: Magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas, at Mindanao! Ako pa rin ho ang inyong radyoman Ely Saludar. At kasama po natin sa pamamagitan po ni Atty. Barry Gutierrez, ang spokesperson po ng Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si Madam Vice President Leni Robredo. Attorney, good morning!

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Good morning, Ka Ely, at magandang umaga rin sa lahat ng ating mga tagasubaybay.

    ELY: At siyempre, tayo po ay napapakinggan sa mga himpilan ng RMN at siyempre, diyan po sa DYHP Cebu, sa Cagayan de Oro, sa Davao, sa Naga, at gayon din po sa inaabot ng ating broadcast netwide, RMN DZXL 558 Manila, sa ating Facebook, at siyempre, iyong VP Leni Robredo sa FB rin ho.

    So, Attorney, kumusta ho ang ating Bise Presidente at ano ba iyong kaniyang mga huling naging aktibidad?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Patapos na ang biyahe ni VP Leni. Naalala natin, Ka Ely, noong nakaraang linggo, simula pa lang noong kaniyang biyahe sa US at sa Canada. So itong nakaraang linggo, nitong Huwebes, nagsalita siya sa isang napakalaking forum sa Toronto—itong 13th Toronto Global Forum—kung saan siya ay naimbitang magbigay ng talumpati at napakaganda naman noong reception sa kaniyang sinabi kasi nagsalita siya tungkol sa empowerment ng kababaihan at ano ang kahalagahan nito sa pagtataguyod at pagsulong ng ating mga ekonomiya. Ngayon namang umaga, kasabay na kasabay halos—alam ko 9:15 a.m. magsisimula—siya ay magsasalita sa Los Angeles, California dito naman sa gathering ng UP Alumni Association for Greater Los Angeles o iyong UPAAGLA kasi tulad ko, si VP Leni ay Maroons din iyan—[chuckles]—so siya ngayon iyong kanilang guest speaker ngayong umaga doon. Pero sa aking pagkakaalam, mamayang gabi, lilipad na siya pabalik.

    ELY: ‘’di ba Maroons ka rin?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ah, siyempre. Kahit na natalo kahapon. [laughs]

    ELY: Pero nanalo noong first game, ah.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ah, totoo naman.

    ELY: Hindi katulad dati, laging walang—[chuckles]—laging zero.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: [laughs] Dati, mga one win lang nagse-celebrate na kami.

    ELY: Pero ngayon, mukhang may laban.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Mukha naman. Kasi lalo na noong nakaraang season, noong nag-runner-up sa Ateneo, so siyempre tumaas ang expectations, eh.

    ELY: Nadagdagan din kayo ng mga ano, ng mga player.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo. Medyo malalim-lalim ngayon iyong bench.

    ELY: Okay, so iyon po at sa susunod na Linggo ay makakasama nating muli ang ating Bise Presidente so importante ho iyan. At siyempre, ulitin ho natin na iyong mga aktibidad ng Pangalawang Pangulo, eh wala pong gastos rito ang gobyerno.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Wala, wala.

    ELY: Ito ho ay imbitasyon at siyempre ay bahagi po ng kaniyang responsibilidad iyan at siyempre iyong pakikitungo sa iba’t ibang mga organisasyon na sa dulo, ang mga kababayan natin ang makikinabang.

    At samantala, oras ho natin 9:12 na po ng umaga. Nako, napakaraming mga isyu ngayon na pinaguusapan, Attorney, at ito ho siyempre iyong pinaka-kontrobersyal pa rin—iyong sa GCTA.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo nga.

    ELY: Kumusta ba—at ngayon ang siyempre, ang ginagawang imbestigasyon ng Senado ay in aid of legislation at mukhang aamyendahan. Mayroong iba naman, tanggalin na raw o i-repeal. So ikaw ba, ano ba ang take niyo dito sa batas na ito?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ako, mula simula pa lang, tingin ko na, Ka Ely, at sinabi ko na rin ito noong nakaraang linggo, ang problema hindi iyong batas mismo, eh. Maganda naman iyong pangitain nitong batas na ito. Ito ay nagsisilbing, kumbaga, incentive para sa ating mga nakabilanggo na naging maayos ang kanilang ugali habang sila ay nakakulong, nag-participate sila sa mga programa na makakapagsulong ng kanilang pagre-reporma at ng kanilang pagbalik muli bilang produktibong miyembro ng ating lipunan. Ang malaki talagang pagkakamali dito, iyong implementasyon, ‘’di ba. Ang malaking katanungan talaga dapat dito ay naka-address sa liderato ng BuCor. Pangunahin na dito ang dating direktor, si Nicanor Faeldon na talagang ang tanong dito: papaano—una—ganoon karami na mga heinous crimes convicts ang ni-release sa ilalim ng kaniyang pamumuno? Pangalawa, papaanong ang mga taong tulad ni dating mayor Sanchez na nahulihan mismo ng drugs sa loob ng kulungan ay magka-qualify pa para sa ganitong klaseng programa. Eh nakabatay ang GCTA sa good behavior, eh—ibig sabihin, Ka Ely, ‘’di ba, sumusunod ka sa patakaran ng Bilibid; ikaw ay hindi gumagawa ng anumang paglabag o violation ng mga rules. Eh ito, mahulihan ka ng drugs, eh ‘’di ba krimen nga iyon? Hindi lang iyon violation ng rules, eh. Gumawa ka ng panibagong krimen habang ikaw ay nakasentensya. So ‘’di ba iyon pa lamang ay batayan na para hindi ka isama dito sa mga ganitong klaseng programa tulad ng GCTA.

    Tingnan niyo ngayon, ang nangyayari dahil ang ginawa nilang kontrabida ay iyong batas mismo, eh ‘di lahat noong mga lumaya na halos dalawang libo yata noong mga nakaraang ilang taon, eh ngayon ay huhulihin muli. Eh, siguro iyong ibang mga tao naman diyan palagay ko baka naman talaga namang lehitimong ano, hindi natin masasabi dahil sa dami ng mga iyan.

    ELY: At maraming mga ano, mga nakabilanggo hindi lang sa Muntinlupa na kung ikukumpara mo sa kanilang kaso na ano, na napagdusahan na nila lampas-lampas pa, eh.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Totoo.

    ELY: Ibig sabihin, [iyon] talaga ang nagpapasikip ngayon sa ating mga bilangguan.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama.

    ELY: Ang ganda po ng layunin ng batas at para po sa inyong kaalaman, sa Senado ang may pangunahing may-akda dito ay iyong yumaong Senador Miriam Defensor-Santiago.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama.

    ELY: Kasi may mga attacks, ano, sa social media at malamang siguro mga trolls ito, ano, na kung saan parang sinisisi sa dating pangulo bakit pinirmahan iyong batas na ito. So iyong parang ano—wala pong kasalanan ang batas, eh—sa nag-implement, ‘’di ba.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama.

    ELY: So maliwanag, Attorney, na dito ay bukod sa batas na iyan, ‘’di ba ang liwanag sa ano, sa—binasa ko iyong batas na ito, iyong Republic Act, pero mayroon pang Department Order, eh, si Acting Secretary Caguioa na ngayon ay Justice na ng Supreme Court.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama. At ito, isa sa mga pinaka-importanteng lumabas ito, tingin ko, doon sa mga Senate hearing dahil ayon nga sa Department Order na iyan—nabanggit na niyo noong nakaraang linggo, Ka Ely—kung iyong naka-preso ay nakakulong dahil sa na-convict siya ng heinous crime, bago actually ma-approve dapat iyong kaniyang grant ng GCTA, may mandatory review noong Secretary of Justice. Eh ang lumabas doon sa Senate hearing, si Secretary Guevarra ng DOJ, eh ni hindi umabot sa kaniyang opisina iyan, eh ‘’di ba. Kaagad-agad sa level pa lang ng BuCor Director, si Faeldon, eh na-approve na at naipalabas na itong mga ibang preso doon. Kasama na nga dito dapat si Mayor Sanchez, kasama dito iyong mga na-convict sa pagpatay ng Chiong sisters, kasama dito iyong mga drug lords na Chinese na nagse-serve din ng reclusion perpetua. So madaming mga tao na talagang sa tingin ng marami, hindi dapat nabigyan ng benepisyo nitong GCTA law ay na-release dahil hindi rin na-review; hindi rin nagkaroon ng pagkakataon na ma-review ng DOJ itong mga approval na ito. So malinaw na malinaw para sa akin, Ka Ely, ang pagkakasala dito hindi doon sa batas mismo na maganda nga ang layunin, pero doon sa mga taong nag-implement, lalo na iyong mga tao sa Bureau of Corrections.

    ELY: Ayon, opo. Okay, so iyon ho ang problema rito bagama’t may binabanggit noon, ano, si dating BuCor chief Faeldon na hindi niya raw alam. Pero may batas, ‘’di ba, iyong ignorance of the law excuses no one.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama. Ignorantia legis non excusat. May natutunan ako, ha. [laughs]

    ELY: Iyon ba iyon. Ignorantia juris non ano ba?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ignorantia legis non excusat.

    ELY: Ayon. Latin ano iyon.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Latin. [laughs]

    ELY: Kasi may mga ganiyan, ginagawa sa—oh, english sa akin, ignorance of the law excuses no one. Okay, so iyon ho importante. Pero sabihin natin dahil sa hindi abogado si dating BuCor chief Faeldon, sundalo po iyan, siguro ako bilang mamamayan, oh sige, tatanggapin ko iyon, pero iyong legal chief, hindi, kasi may legal department, eh.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo, tama.

    ELY: Ano ba naman iyon, “Boss, may ano, may Department Order.” Ibi-brief ko iyong boss, eh, ‘’di ba kaya may legal department sa BuCor. Sino ba iyon, Attorney Santos, eh kung ganoon hindi ginagawa ang kaniyang trabaho. [chuckles]

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: At saka, lahat naman ng opisina ng gobyerno may legal at kung hindi abogado iyong hepe ng opisina, eh natural na kapag may mga ganiyang importanteng pagkilos na gagawin, kokonsultahin mo siyempre iyong legal. Tatanungin mo, “Sang-ayon ba ito sa batas? Mayroon ba tayong nalalabag na regulasyon dito?” Eh kumbaga, ang tawag diyan due diligence na lang, ‘’di ba, Ka Ely. Para sigurado na kapag nagka-singilan, kapag nagkaroon ng aberya sa mga susunod na ano dahil sa desisyon, masasabi mo na, “Hindi, kinonsulta ko iyong abogado ko.”

    ELY: Iyong iba nga talagang humihingi ng legal opinion. ‘’di ba mayroon diyan iyong tanggapan na ganiyan, iyong sa office of ano—

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: OGCC (Office of the Government Corporate Counsel).

    ELY: Iyon, iyong mga ganoon. Hihingian mo ng legal na opinion para makasiguro na legal sila at wala silang sabit.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo, kasi iyon nga kapag nagkaroon ng may mga magrereklamo o may lalabas na mayroon pa lang nalabag, madedepensahan mo ang sarili mo na kumonsulta ka, ‘’di ba, at nag-seek ka ng advice ng mga lawyers na legal ito, ito dapat iyong proseso, sinunod niyo. Pero ang hirap kasi na hindi mo gagawin iyon, hindi mo pakikinggan, tapos biglang ang iyong palusot, “Hindi ko kasi naintindihan iyong batas.” Eh trabaho mo bilang isang opisyal na intindihin, alamin kung ano iyong mga patakaran.

    ELY: Pero ngayon at mawalang galang lang po, ano, sa ilang tanggapan ng ating pamahalaan, kapag may mga ganiyang nagtatanong, “Partner, Attorney, paano ba tayo lulusot dito?” [laughter] “Oh, ito gagawin natin, eh. Anong bang mga lusot diyan para makaiwas tayo sa Ombudsman?”

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Eh iyon nga, kaya nagkakaroon minsan ng masamang image ang mga abogado, eh. Imbes na nagiging taga-sabi kung ano iyong tamang gawin, eh nagiging consultant kung papaano iiwas sa batas kahit mali iyong gustong ipatupad.

    ELY: Pero, Attorney, ikaw, abogado ka, pero bakit maraming mga abogado dito sa atin, ewan ko lang, maaring sa ibang bansa rin pero dito sa Pilipinas iyong ehemplo, iyong batas na ilalaban depende sa kaniyang kliyente.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Eh, oo nga. [laughs]

    ELY: Halimbawa, akusado iyong kaniyang kliyente, naito-tono niya iyong batas para sa kaniyang kliyente kahit na akusado or iyong sa biktima, minsan nadadali pa iyong biktima, eh, kapag magagaling.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ayon na nga. Eh kasi ako, tingin ko, mali talaga iyon kasi klarong-klaro iyan, kapag sumumpa ka bilang abogado, kapag tiningnan mo iyong code of professional responsibility, klaro doon na ang tungkulin ng isang abogado ay alamin iyong batas, at kung may kliyente siya, i-advise iyong kliyente kung ano iyong tama, ano iyong mali. Hindi kumbaga hanapan ng lusot—

    ELY: Hinahanapan ng butas, eh.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Eh, iyon nga.

    ELY: Iyong malinaw na batas, pinalalabo tapos kukuwestiyunin, “Hindi, may gray areas dito, eh.” So dadagdagan na naman ng trabaho iyong Supreme Court, “ Hindi, ang talagang”—

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Iyon ang malungkot doon. Tama iyon.

    ELY: Alam mo kaya hindi nauubusan ng trabaho iyong Supreme Court, may mga nanggugulo na abogado, eh. “Hindi, wala, eh. Walang sinabi. Eh ‘’di bawal.” “Oh hindi, dalhin natin sa Supreme Court.” Kaya hindi nawawalan ng trabaho ang Supreme Court, eh.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Eh ang joke nga diyan, Ka Ely, ‘’di ba, kung may isang abogado raw sa isang bayan, hindi magkakatrabaho. Pero kung may dalawang abogado, pareho silang yayaman. [laughs]

    ELY: Grabe, ano. So iyan po ang sabihin natin na mga persepsyon sa ating mga abogado. Pero nagulat ako, ano, iyong binabanggit ni dating Solicitor General Estelito Mendoza na dapat pala, ang alam ko, maximum 40 years lang, eh, kapag reclusion perpetua. Sabi niya, “Hindi.” Pero ilang counts iyong sa kaniya [Sanchez], eh, kaya mahigit 200 years. So ibig sabihin, parang ang pinalilitaw lang niya doon—hindi naman literal—dapat walang kapag-asa-pag-asa na makalabas si Sanchez.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Well, ang problema kasi doon… ang problema natin, Ka Ely, dito, hindi naman iyong mismong haba ng reclusion perpetua, eh. Ang problema natin, iyong Article 70 ng Revised Penal Code. Mayroon kasing tinatawag diyan, iyong three-fold rule, eh. Simple lang: kung ikaw ay kasuhan ng lagpas sa isang kaso tapos sentensyahan ka ng lagpas sa isang sentensya dahil marami kang krimen na ginawa tulad nga nitong si Sanchez, pitong counts iyan ng rape at saka—

    ELY: Sabay-sabay mo kasing sine-serve iyon.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo—hindi, hindi puwedeng sabay-sabay; dapat consecutive kasi hiwa-hiwalay iyon, eh. Pero, ayon sa Article 70, una, hindi puwedeng lumagpas ng pinakamahabang sentence times three, okay, at sa anumang sitwasyon, hindi puwedeng lumampas ng 40 years. So kumbaga, iyon iyong maximum talaga.

    ELY: So 40 talaga?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Nakatakda iyan sa ano, sa ating Revised Penal Code. Pero ang paliwanag ng Supreme Court diyan—kasi ilang beses na ring lumabas iyan sa ating hudikatura—ang sinasabi nila diyan, kasi iyong 40 years, iyon na iyong haba ng buhay ng isang tao. Pero kailangan mong alalahanin na, Ka Ely, ang Revised Penal Code, 1932 kasi pinasa iyan, eh, baka noong 1932, iyong 40 years talagang iyon na talaga iyong buong buhay ng tao—[laughs]—pero ngayon siyempre, iba na.

    ELY: Pero siguro, Attorney, ang binabanggit doon, halimbawa kasi kung makakasuhan na mga 30 anyos ka, tapos iyong buhay na sinasabi na hindi sa buhay na gumagalaw ka, kundi iyong—

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Iyong productive ka pa.

    ELY: Oo, at iyong ma-e-enjoy mo iyong buhay.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama.

    ELY: Kasi kapag nag 70 [years old] ka na, ano pa ang gagawin mo?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Pero, Ka Ely, may mga 70 plus ngayon medyo active pa rin talaga. Iba na rin ngayon. Presidente natin ilang taon na iyan, 70 plus na iyan.

    ELY: Oo, pero ibig kong sabihin, kasi iyong sa 40 na taon, wala na, nasayang, nasa loob ka, eh. Siguro dapat talaga kasi nareporma ka na sana.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Dapat. Iyon ang idea doon, ‘’di ba.

    ELY: Oo. Pero sa panghuli, dito po sa isyung ito, Attorney, papaano itong mga pinapasuko, ano, at ngayon pinakahuli iyong nag-surrender, iyong dalawa sa pitong nahatulan dito po sa… iyong sa Chiong sisters. So ano ba ito, kasi may mga sinasabi na parang, ano ba ito, may paglabag ba ito? Bagama’t may mga nauna ng ano, iyong binabanggit, iyong kaso ni Tan, na hind double jeopardy kundi hindi kasi tama iyong pagpapalaya sa kaniya. Puwe-puwede ba sila? Walang malalabag na batas dito o karapatan?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Kung mapapatunayan talaga ng gobyerno na walang nilabag na batas, ibig sabihin, na mali… mali iyong paglalabas, tama naman na puwede silang hulihin ulit. Pero doon nga iikot iyong usapang iyon, eh. Kasi kung halimbawa, ako iyong na-release, eh ‘di kukuwestiyunin ko rin iyong ano, sasabihin ko na nag-comply ako sa lahat ng mga requirements niyo at mayroon actually na provisions diyan sa GCTA law, sa [R.A. No.] 10592 na nagsasabi na once na-grant na iyong Good Conduct Time Allowance, hindi na puwedeng bawiin iyon, ‘’di ba, so iyon iyong mga panghahawakan ko. Ngayon, kailangang patunayan ng gobyerno na mayroon ngang maling nangyari. Halimbawa, may lumalabas ngayon na kuwento na nagkaroon raw ng “GCTA for sale”. Iyong talagang imbes na talagang maayos na review kung qualified ba iyong tao, eh nagkaroon na lang ng bayaran, ‘’di ba. Ayon, kung mapapatunayan talaga na ganoon ang nangyari sa isang kaso—ako tingin ko, klaro na iyong taong na-release sa ganoong klaseng pamamaraan ay dapat talagang hulihin ulit at tapusin iyong remainder ng kaniyang sentence. Pero kung mapapatunayan naman noong tao na talagang siya ay nag-comply, wala namang bayad na nangyari dito—

    ELY: At tama iyong computation—

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: —at tama iyong computation, ayon, tingin ko medyo mahihirapang i-justify iyon. Pero siyempre, ngayong mayroong arrest warrants na yata o mayroon nang panawagan iyong…

    ELY: Fifteen days. Kapag hindi sila susuko, mayroon nang ultimatum.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Kaninang umaga yata 76 na iyong sumusuko. Ako, tingin ko naman tama na sumusuko at ikaw ang magsampa sa korte, ‘’di ba, kuwestiyunin mo iyong legalidad noong…

    ELY: Kuwestiyunin sa Supreme Court, ‘’di ba.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama.

    ELY: Okay, so iyon ho, abangan po natin. Sa Lunes, ipagpapatuloy iyong hearing.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Pero ang interesado ako rito, Ka Ely, ano nang mangyayari kay Director Faeldon kasi ‘’di ba tinanggal na ni Pangulo…

    ELY: Iyon nga, ang tanong ko puwede pa ba siyang habulin dito? Kasi tanggal na, eh.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Eh, dapat, dapat.

    ELY: Iyong kasong administratibo, tapos na pero iyong kriminal—

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Dapat.

    ELY: Ano, Ombudsman pa rin o ano?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ombudsman pa rin kasi ginawa niya habang siya ay ano, eh, public officer. At kung ito ay totoo na mayroon talagang… nagkaroon ng GCTA for sale at ito ay mapapatunayan talagang nangyari, eh siyempre hindi naman puwede na matapos iyan sa tinanggal sa puwesto. Kailangan talaga ituloy na sa prosecution. Kasi huwag nating kakalimutan, Ka Ely, hindi ito ang unang pagkakataon na si Director Faeldon ay natatanggal sa isang puwesto. Dati, nag-Customs na iyan, ‘’di ba, tapos nagkaroon ng P6.4 billion na shabu, pumasok—

    ELY: Nawala sa Bureau of Customs.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Nawala, ‘’di ba.

    ELY: Dito naman, halos 2,000 mga ano, mga nabilanggo, nawala.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo, nawala din. Eh sa susunod, baka mamaya naman, pagkatapos ng ilang linggo, ilang buwan eh babalik na naman si [Faeldon] sa puwesto.

    ELY: Pero hindi direktang sinagot iyan ng Pangulo, eh, kung i-a-appoint siya o hindi. Tapos, kung mayroon ka pang tiwala sa kaniya, eh sabi niya, “Hindi, sa aming dalawa na lang iyon”, ‘’di ba.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo nga, eh. Mukha talagang mayroon siyang ano, eh, medyo bilib talaga yata ang Pangulo dito kay Faeldon, eh.

    ELY: Pero may mga nagsa-suggest na baka dalhin sa MMDA.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: [laughs] Kasi baka mawala traffic? Puwede! Kung gagawin iyon, eh ‘di payag ako, ‘’di ba. [laughter]

    ELY: Iyon ang tama, iyon ang maganda na mangyayari sa kaniya. Makabawi naman sa dami noong naging atraso sa bayan, ano.

    Okay, samantala, mga kasama, sa napakarami pang mga isyu na pinag-uusapan ngayon, at iyong panghuli, iyong kay Secretary Panelo, iyong referral naman ito at mukhang ang sinasabi—ikaw, ano ba ang tingin mo roon?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Nako naman, Ka Ely, alam naman natin kung ano ang ibig sabihin ng referral. [chuckles] Unang-una, ginamit niya ang letterhead ng OP, ‘’di ba; pangalawa, siya mismo ang pumirma. So kahit na anong sabihin mo, ‘’di ba, kung mismong tagapagsalita ng Pangulo, ‘’di ba, Chief Presidential Legal Counsel, sumulat sa iyo, opisyal na letterhead, kahit na sabihin pa niyang referral, eh ‘’di ba, alam mo na ang mensahe noon. May bigat iyon, ‘’di ba. Sa akin, ang tamang ginawa niya diyan—sa akin, wala namang mali na mineet niya, eh, kung talagang…

    ELY: At saka kung kilala mo, kaibigan mo naman, eh.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oh ano, pero dapat sinabi niya na, “Hindi ako puwedeng makialam diyan,” lalo na na abogado pa siya dati ni Sanchez, eh. Mayroon pa, kumbaga, na ethical consideration dito, ‘’di ba. Noong siya ay pribadong abogado pa lamang, siya ay tumayo bilang abogado nitong si Sanchez doon sa criminal case. Eh ang dami pa nga nilang pictures, kasama pa nga niya noong na-sentensyahan yata, eh, ‘’di ba. Hin’di ba dapat sa ganitong klaseng ano, maisip naman niya na medyo may conflict of interest dito. Protektahan na rin niya iyong sarili niya, protektahan niya iyong kaniyang opisinang kasalukuyang hinahawakan, at sabihin na lang niya na, “Kayo na direkta. Huwag na niyong idaan sa akin.” Kasi wala namang ano, eh, wala namang sagabal mismo kung iyong pamilya ay sumulat sa Bureau of Pardons and Parole, eh. Puwede naman nilang gawin iyon, eh.

    ELY: Pero dito, ila-libel iyong Rappler, bagama’t iyong INQUIRER.nethindi na kasi humingi na ng paumanhin.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Nako, hindi ko nga alam kung ano iyong batayan ng libel, eh. ‘’di ba pinublish lang naman iyong sulat? ‘’di ba totoo naman iyong sulat?

    ELY: Pero kasi ang naging anggulo—nabasa ko rin—na parang masyadong ano, mabigat iyong anggulo, na parang in-endorse—iyong talagang parang in-endorso, binraso na, parang ganoon, eh.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Totoo. Pero alalahanin mo, Ka Ely, kapag libel, lalo na laban sa isang public official, medyo mas maluwag-luwag talaga ang leeway diyan kapag public official iyong subject natin, ‘’di ba. Hindi naman ito pribadong tao, eh.

    ELY: Yes, oo. Okay, at isa pa rin sa grabe ho na nangyayari ngayon, ito, mukhang maraming reklamo, Attorney, dito sa Rice Tariffication Law.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Nako.

    ELY: Oo, ang daming mga magsasaka, talagang problemado at iyong iba, baka hindi na magtanim, eh.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Actually, Ka Ely, noong una pa lang ipinasa itong Rice Tariffication Law, alalang-alala ko, si VP Leni mismo ang nag-raise ng ganiyang concern. Sinabi na niya na, “Okay, gagawin nating clarification, naiintindihan ko kung ano iyong punto natin dito para bumaba ang presyo sa merkado through importation, pero kailangan siguraduhin nating mapo-protektahan iyong sarili nating magsasaka.” Kahit pa bumaba ang presyo ng bigas dahil nga sa pinapasAsok galing sa mga ibang bansa tulad ng Thailand o Vietnam, talagang bababa din ang kita noong ating mga magsasaka at sobrang baba na sa simula pa lang ng kanilang kinikita kahit na napakahirap noong kanilang trabahong ginagawa. So ako, na-foresee naman na ng maraming tao ito, eh. At ang nakakalungkot lang dito, umabot pa sa ganito kahit na alam naman natin na talagang tatamaan itong ating mga magsasaka ng bigas, ng palay, eh, hindi pa rin nagawan ng tamang hakbang, hindi na-set up iyong safety net, para hindi naman sila umabot sa ganito.

    Hindi ko makakalimutan, Ka Ely, iyong itsura noong isang magsasaka na umiikot sa Facebook, eh. Iyong habang nag-a-apply sa loan? Talagang kita mo talaga na halos ano na, eh, halos nawalan na ng pag-asa sa buhay niya, eh, ‘di ba? Napakasakit naman niyan, Ka Ely, ‘di ba?

    ELY: Tama. Kasi binabanggit nga natin ni Bise Presidente nabanggit na dito sa BISErbisyong LENI na okay iyong sa rice tariffication, iyong bill pa lang iyan, okay iyan, kaya lang dapat masiguro iyong sa safety net na binabanggit mo, iyong tulong sa magsasaka. Kasi iyong nangyari sa TRAIN Law, ‘di ba, sa mga driver, eh ilang taon bago maibigay iyong tulong sa ano…’di ba, iyong tulong pasada, ‘di ba.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama. Dito sa rice tariffication sa aking pagkakaintindi mismong si Secretary Dar ng DA, eh inamin niya na wala pa talagang nabibigay na ayuda hanggang ngayon sa mga magsasaka dahil hindi pa daw… ngayon lang daw pumasok ang pera. Iyon nga, eh, ang—

    ELY: So iyong kasabihan na, “Aanhin pa ang damo…

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Kung patay na ang kabayo.” Iyon nga, eksakto, ‘di ba? Ang tanong talaga dito, ang dami ng eksperto na nagsabi na iyan ang mangyayari at pangako sila nang pangako na, “Hindi, mayroon tayong safety nets dito, mayroon tayong pondo na nakalaan para sa pag-suporta ng…”

    ELY: P10 billion daw, eh, P10 billion.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: “O, P10 billion para sa ating magsasaka.” Tapos biglang-bigla ngayong tinamaan—at ngayon ang presyo yata ng palay P7 na binibili doon sa mga magsasaka? Kulang-kulang pa doon sa ginastos nila para ma-produce iyon. Ngayon ang sasabihin, “Hindi, pasensya na kayo mabagal iyong ano, eh, mabagal iyong programa namin.” So, iyong ano lang, eh, ang hirap lang tanggapin na mangyayari ito sa kabila ng hindi naman ito hindi na-foresee. Madaming nagsasabi, in fact, “Ito dapat ang bantayan diyan, ito dapat ang siguraduhin diyan,” pero sa dulo ito pa rin ang nangyayari.

    ELY: Talagang sa implementasyon, iyon, doon tayo sumasabit, eh.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo.

    ELY: Kung minsan, ano, ang dami ko nang nasubaybayan na mga batas, ang ganda ang intensyon ng batas, eh…

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama.

    ELY: Pero sa implementasyon, sablay.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ayon nga.

    ELY: Ang dami-dami ho. Mga pangako sa Oil Deregulation Law, itong EPIRA law, ang dami-dami pero walang nangyari.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Alalanin natin, Ka Ely, 8hindi lang iyong mga mismong rice farmers natin ang tatamaan dito. Dahil sa dulo, kung iyong rice industry ay mamamatay dahil siyempre hindi na sulit na magtanim ka pa dahil hindi mo naman mabawi iyong ipu-pundar diyan, eh baka sa dulo kapag nawala iyong rice production natin sa lokal, nakaasa na lang tayo sa imports, kapag nagkaroon ng shortage sa international, halimbawa magkaroon ng drought sa Thailand o tumaas ang presyo ng bigas sa world market, tayo din lahat ang magsisisi.

    ELY: Parang sa langis din iyan.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Parang sa langis—tayo rin ang magsisisi. Mawawala na iyong ating, kumbaga, buffer na sanang pang food security, ‘di ba? Iyong galing mismo rito. Tayo rin ang maaapektuhan niyan. So, sana matugunan iyan.

    Ngayon may mga panawaga, hindi na sa gobyerno, pero private sector na bumili tayong local para kahit papaano tumaas ang demand para sa local rice, at tumaas naman ang presyo at ma-suportahan natin ang ating mga magsasaka. Sana i-take-up iyan ng mga pribadong tao, at ng private sector pero sa dulo talaga, Ka Ely, kailangang magkaroon ng pagtanong dito na, “Bakit umabot pa sa ganito?” ganitong simula pa lang iyan na ang tinutukoy na problema, nanguna na nga si VP Leni sa pagtukoy sa pangangailangan na magkaroon tayo ng safety nets dito.

    ELY: Okay, at dito sa issue ng ano ito, apologetic daw ito si… ang Pangulo nang banggitin iyong sa ano, sa arbitral. Totoo ba ito? Tayo ang may panalo, tayo pa ang parang nakiki-usap…

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ang problema, Ka Ely, hindi ko na alam kung ano ang totoo, eh. Sabi ni Secretary Panelo, apologetic daw.

    ELY: Oo, sabi niya. Sabi niya sa presscon niya. Narinig ko.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo. Sabi naman ni DFA Secretary Teddyboy Locsin, hindi daw. Iba raw. Hindi ko na alam, Ka Ely, kung ano ba talaga ang totoo dito, eh. Pero sa akin lang, nababahala lang ako doon sa sitwasyon kung saan tayo ang may hawak noong panalo. Kumbaga ang batas, tayo ang kinampihan, ‘di ba? Tayo ang nanalo sa kaso, eh.

    ELY: Kumbaga sa agawan sa lupa, ikaw ang may hawak ng titulong ngayon.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ikaw ang may hawak ng titulo, ikaw may hawak ng desisyon ng korte…

    ELY: So nasa iyo ang karapatan.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Nasa iyo ang karapatan.

    ELY: Pero parang ikaw ang takot na…

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: At parang tayo pa iyong makikiusap…

    ELY: Kumontrol sa lupa mo…

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama. At tayo pa ang nakikiusap, ‘di ba? Parang ganoon. At ito nga, eh, noong huling napagusapan natin ito, Ka Ely, binanggit ko na rin ito: Bakit ka papasok sa ano mang kontrata o ano mang kasunduan sa isang panig na hanggan ngayon ay hindi pa rin sumusunod doon sa pabor na desisyon sa iyo? Ito nga iyon, eh, kung iyong kapitbahay mo nag-demandahan kayo dahil sa pag-aari ng lupa. Nanalo ka, hawak mo iyong ano, pero ayaw pa rin niyang umalis doon sa lupa na iyon, eh, bakit ka papasok sa ibang kasunduan sa taong ito, hindi nga mapapagkatiwalaan ito, eh? ‘di ba?

    ELY: Iyon po. Okay at iyong sa POGO, ah. Ayaw raw ng Pangulo kasi maraming mawawalan ng hanapbuhay kung ititigil. Eh, halos wala namang Pilipino na trabahador sa POGO, eh.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Baka mawawalan ng hanapbuhay ang mga Chinese na nandodoon. [laughs]

    ELY: Mga Chinese, ‘di ba. Okay, oras na po natin, 9:37 na ho ng umaga. At good morning din diyan sa ating mga kababayan diyan po sa Cebu, sa Davao, sa Cagayan de Oro, at diyan din po sa Naga. Dito po sa Metro Manila, sa Lunes ha, iyong HPG mukhang kasama na sa ano problema—iyong sa solusyon sa problema sa trapiko sa may EDSA. Pero ano ba itong one-way EDSA scheme, ikaw anong tingin mo rito?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Hindi ko na actually maintindihan, Ka Ely, kasi parang ang nangyayari dito, eksperimento lang nang eksperimento, eh.

    ELY: So dapat kumuha ang MMDA ng mga scientists?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Dapat talaga—mayroon namang mga existing na mga ano—

    ELY: Hindi, scientists na kunin nila kasi para talagang maganda ang eksperimento. [laughs]

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: [laughs] Oo nga!

    ELY: Pahawak na natin sa DOST itong ano, iyong problema sa EDSA.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: [laughs] Oo nga.

    ELY: Pero dito ho ha, kasi may naririnig ako na maraming nagtatalo na subukan, eh sumabat ako, “Okay po iyan sa ano, iyong one-way na iyan, at wala sigurong epekto sa mga may sariling sasakyan.” Pero sa mga wala—halimbawa taga-Makati ako, nagko-commute ako, ang trabaho ko sa Cubao. Dadaan pa ako ng C5, iikot pa ako, paano ang pamasahe? Okay po ito sa mga may sariling sasakyan. So iyon po. Tumahimik na—[chuckles]

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Actually, iyan nga ang nagiging problema, Ka Ely, eh. Parang dito sa buong usapan ng traffic, ang nabibigyan ng emphasis lagi iyong pribadong sasakyan, eh, hindi iyong public transportation.

    ELY: Dapat iyong taumbayan, iyong nakararami.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: At saka kung bibilangin mo talaga ang volume, kung iyong sa tao lang hindi sasakyan ang bibilangin mo, mas madami pa rin talagang nagba-bus, nagte-tren, ‘di ba? Kaysa sa mga nakasakay sa kotse. So bakit hindi iyon ang ating pinagtutuunan ng pansin? Eh noong isang araw, nag-breakdown na naman itong MRT, ‘di ba?

    ELY: Yes, oo. Grabe ang traffic.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: May nabasa nga ako na comment sa Facebook na ano daw, eh, gawin na lang daw elevated walkway kasi ganoon din naman daw ang nangyayari, naglalakad ang mga tao sa riles sa taas, ‘di ba? [chuckles]

    ELY: Iyon siguro maganda. Talagang iyong sa MRT siguraduhin na hindi titirik, tapos magdadagdag pa ng mga bagon.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama, ‘di ba. Eh nakakagulat lang na tatlong taon na itong terminong ito, eh, hindi pa din nasosolusyunan iyan. Naalala ko noong kampanya, iyan iyong jingle ni ano, ni Pangulong Duterte, ‘di ba? Parang traffic, ‘di ba, MRT, iyan ang mga pinangako niyang aayusin, eh.

    ELY: Pero kaya raw, December, inaabangan ko ang December na ilang minuto lang, ano, from Cubao to Makati.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Baka naman hatinggabi… ng Linggo. [laughs]

    ELY: Kasi inaabangan ko iyon para pag pupunta ako sa Guadalupe taga-Quezon City ako, eh, ‘di—magdadagdag lang ako ng allowance, gagawin ko nang 10 minutes, para petiks petiks lang.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Five minutes lang? Ah ganoon, ah. [laughs]

    ELY: Sana matupad.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Sana nga.

    ELY: [chuckles] Ayon lahat naman tayo eh gusto nating matupad iyong mga pangako—

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Baka ang susi sa pagpapatupad niyan si Director Faeldon na nasa MMDA. [chuckles]

    ELY: Baka mawala ang traffic, oo. Okay, samantala, mga kasama, ang oras ho natin sa buong kapuluuan, 9:40 na po ng umaga.

    [commercial break]

    ELY: Okay. Oras po natin, 9:41. Iyong sa budget nakalusot na sa House ha, iyong budget ng OVP.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo. Naaprubahan na iyong sa House, hinihintay na lang natin iyong sa Senado.

    ELY: Magkano iyong ano… iyong… P600 [million]?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: P600 plus. Maliit lang grabe. Isa sa pinakamaliit ang budget ng OVP.

    ELY: Iyong sa OP, parang magkano….

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: P8 billion.

    ELY: Malaki para maging ano, isang araw…

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: P22 million.

    ELY: P22 million per day. Saan gagastusin iyon?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo. Ito nga, bilang comparison, Ka Ely, ha. Iyong budget ng OVP sa isang taon, iyon ang budget ng OP sa wala pang isang buwan.

    ELY: Sa isang buwan?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo.

    ELY: Grabe, ano. Nagulat lang ako noong kino-compute ko at may nag-compute din na P22 million a day ang sa OP. Anong gagawin nila sa pera?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ah hindi ko alam, Ka Ely.

    ELY: P22 million pero…

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: At ang malaki doon, intelligence fund at discretionary funds.

    ELY: So hindi dadaan sa COA?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Hindi dadaan sa COA.

    ELY: Nako, eh, ang dami namin dito kakamot-kamot lagi tuwing araw ng suweldo. Ang taas ng, ang laki ng kaltas, eh.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo nga, eh. At saka ang dami actually na programa ng gobyerno na nangangailangan ng pondo. Ito pangunahin na nga itong napag-usapan nating ano, mga magsasaka ng ating palay, ‘di ba na sinasabi noong DAR Secretary na ngayon lang pumasok ang pera kaya hindi namin nabigyan ng suporta, kaya ngayon, eh, naghihingalo, ‘di ba.

    ELY: Okay. Maya-maya ha, iyong mga nagtetext po dito at nagbibigay po ng mensahe, babasahin po natin—namin ni Attorney at mga mensahe, ano sa atin dito sa FB live, sa amin sa RMN mayroon kami dito.

    Okay. Samantala, mga kasama, good morning muli, ano. Tayo po ay napapakinggan dito DZXL Manila, DYHP Cebu, DXCC Cagayan de Oro, DXDC Davao, at DWNX Naga. Okay, Attorney, dito na tayo sa ating Istorya ng Pag-asa.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Okay, Ka Ely. Ang ating bisita ngayong umaga ay isang kapwa-Maroons din namin ni VP Leni. Isang propesor sa College of Engineering sa UP Diliman—si Assistant Professor Jill Manapat. Good morning po.

    JILL MANAPAT: Magandang umaga po.

    ELY: Sige, ulit. [chuckles]

    JILL MANAPAT: [laughs] Magandang umaga po sa lahat!

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: So si Professor Manapat ay founder nitong HEED. Puwede bang ipaliwanag mo sa amin kung ano itong HEED?

    JILL MANAPAT: Sige po. Iyong HEED po ang ibig po niyang sabihin ay Humanitarian Engineering, Entrepreneurship, and Design. Isa po siyang university-wide na research and design group na base ngayon sa UP Diliman. Tapos ang goal po niya ay mag-deliver ng technological solution sa underserved communities dito po sa Pilipinas. Iyon po.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: So puwede ka bang magbigay ng halimbawa ng ano iyong mga technological solutions na puwedeng makatulong sa ating mga communities dito sa ating bansa.

    JILL MANAPAT: Iyong una po naming proyekto ang tawag namin Project Plastikan.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Okay. Uso ngayon iyan. [laughs]

    JILL MANAPAT: [laughs] So iyong Project Plastikan po ang goal niya is magtayo ng mga plastic recycling facility sa iba-ibang komunidad tapos parang alternative livelihood na rin po ito para doon sa community. So iyong mga estudyante po at saka faculty under HEED, nagdi-disenyo at nagfa-fabricate ng mga plastic recycling machines. Tapos noon tine-train po iyong community kung paano ito gamitin, tapos gagawa sila ng iba-ibang produkto depende doon sa gusto ng kliyente.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ah, anong klaseng plastic ang ginagamit dito?

    JILL MANAPAT: Iyong ginagamit po namin ngayon, puwede po iyong mga polypropylene—bote ng shampoo, iyong lalagyan ng mga ketchup or suka, toyo, ganiyan.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Okay. Pero ano iyong technology, simple lang ba? Affordable ba ito para sa mga communities? Ano ang level of access nila doon sa ano—

    JILL MANAPAT: Affordable naman po siya kasi iyong technology mismo is open source siya. So nagsimula kasi doon sa open source na disenyo ng mga machines so available po ito online. So kahit sino, sa kahit anong parte ng mundo, puwede po nilang i-download iyong blueprints, ganiyan. Pero ngayon siyempre gusto namin i-innovate iyong mga machines para din po doon pumapasok iyong technological knowhow ng mga engineering students, design students na i-improve natin iyong mga makinang ito.

    Pero dito po sa HEED, parang iyong Project Plastikan, isa lang po siya—iyon lang po ang unang proyekto, pero hindi naman po siya limited sa plastics projects lang.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: So ano pa ang iba ninyong na-i-imagine na puwede ninyong maging proyekto after itong project na ito?

    JILL MANAPAT: Iyong sa HEED po, aside from these kinds of community projects, naglalayon din po kaming i-educate iyong mga engineers at saka faculty rin po ngayon sa mga unibersidad kung paano mag-implement ng mga development projects. Kasi po ngayon, kunwari sa Engineering Education since doon ako galing, parang ang kadalasang avenue ng mga graduates is nagta-trabaho sa kumpanya, kung hindi kumpanya mag-a-academe, so either industry or academe siya. Pero ngayon parang sinasabi namin na puwede mo rin naman gamitin iyong technological knowhow mo para sa development projects kasi siyempre, iyon iyong relevant din sa atin ngayon, eh. So iyon iyong ano namin.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: So far, anong reception? Mayroon bang resistance? Bukas ba sila o natutuwa ba sila na nabubuksan ang kanilang mata sa possibilities na pumasok sila into development work? Ano iyong…

    Noong umpisa po, bale 2013, noong nagsisimula pa lang ako, ang pakilala ko pa dito service learning, hindi pa siya humanitarian engineering. Tapos noong una parang wala pong masyadong nakikinig, so sinimulan ko lang siya sa klase ko lang muna. Parang iyong existing existing na syllabus, nag-incorporate lang ako ng simpleng project sa end ng latter part tapos noon, iyon iyong ginawa ng mga estudyante. Tapos unti-unting nakita noong ibang faculty na, “Uy, parang medyo okay pala ito,” ganiyan. So may mga sumamang iba… And then eventually noong naka-attend ako ng isang conference abroad tapos doon ko nalaman iyong field ng humanitarian engineering so iyon na iyong inintroduce ko sa UP noong 2017. So nagkaroon ako ng co-founders na faculty din sa UP, iyong isa taga-College of Fine Arts, tapos ngayon ka-partner na rin namin iyong College of Social Work at Community Development at tapos…

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Medyo naging multi-disciplinary na iyong apparoach—

    JILL MANAPAT: Oo… talagang iyon iyong isang unique kay HEED kasi talagang iba-ibang stakeholders iyong pinagsasama-sama namin.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Naintriga lang ako sa term na humanitarian engineering. Ano exactly iyong ibig sabihin noon?

    JILL MANAPAT: So basically engineering siya, research and development… research and design for community development. So specific siya for the marginalized.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Pero kumbaga technology saka technological expertise para sa mga tao?

    JILL MANAPAT: Mga tao… marginalized na mga tao. Kasi kumbaga iyong ginagawa rin naman ng mga researchers ngayon, para rin sa mga tao. Iyon lang, targeted mostly industry, malalaking kumpanya. So iyong ano namin is iyong mga underprivileged sectors.

    ELY: So sa ating mga listeners, baka may interesado kung papaano sila makakatulong dito.

    JILL MANAPAT: Ah, so iyong HEED po, binabalak po namin hopefully by next year, kasi ngayon within Diliman pa lang siya, pero gusto namin siyang palawakin sa—

    ELY: Kasi ngayon napapakinggan tayo sa Cebu, sa Davao, sa Cagayan de Oro, so papaano natin ma… pagkakataon niyo na ito.

    JILL MANAPAT: Balak po naming magtayo ng tinatawag na chapters sa ibang mga unibersidad sa iba pa pong lugar sa Pilipinas…

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: So naka-base talaga sa mga academic institutions iyong idea ninyo?

    JILL MANAPAT: Yes po, parang capacity-building siya for these academic institutions to build their own HEED programs. Ngayon po para magawa iyong, kasi siyempre iyong HEED faculty sa Diliman mga full-time faculty din, so gusto naming magtayo ng independent na group outside UP, tinatawag namin siya ngayon na HEED PH. Tapos noon gusto naming ito gawing parang social guide tour, para mas sustainable siya na hindi kami dependent lang on grants, ganiyan, so parang medyo hybrid na siya na non-profit, ganoon. Siguro iyong sa tulong na part is more on kung mayroon po kayong mga kakilalang impact investors or seed funding, para ma-start po itong HEED PH na organisasyon.

    Tapos po kung mayroong mga interesado, kasi kapag nag-start up kailangan naming bumuo ng startup team, so aside from the CEO, kailangan din namin ng CFO, Chief Financial Officer, preferably from Accounting or BA, saka iyong educational designer po kasi, iyong someone with an educational background talaga kasi ako, guro naman ako pero hindi Educ iyong background ko so kailangan namin iyong magde-design talaga ng curriculum, ng training for faculty, for evaluation and monitoring, kung na-apply talaga nila iyong mga natutunan, ganiyan, so iyon po iyong ano naming ngayon.

    Kung kailangan po nila kaming kontakin, mayroon po kaming email, heed.upd@gmail.com, nasa Facebook din po kami at HEED UPD and may website din po kami, www.heedupd.com.

    ELY: Okay, ating mga listeners ah, pagkakataon niyo na. At napapakinggan tayo sa Visayas at Mindanao, so tamang-tama, puwede… Siguro ang target niyo mga SUCs?

    JILL MANAPAT: Opo, SUCs… Puwede rin pong private. Ngayon po mayroon kaming…

    ELY: Pero usually mga SUCs, mas madali—

    JILL MANAPAT: Opo…

    ELY: From UP Diliman, tapos sa mga ibang…

    JILL MANAPAT: Opo… ibang probinsiya…

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Paano kayo nag-identify ng communities na magpapa-implement kayo ng project?

    JILL MANAPAT: Iyong sa Project Plastikan po, doon po pumapasok iyong si SWCD or iyong College of Social Work and Community Development, in particular iyong ka-trabaho po namin dito is iyong Center for Women and Gender Studies. So si HEED po, mayroon kaming community engagement director, ito si Teacher Natalie Verceles, sila po iyong para ano… sila iyong broad idea noong project pini-pitch namin, sinasabi namin kay Center for Women and Gender Studies, tapos sila iyong nag-i-identify kung saang community ito pinaka-applicable.

    ELY: Okay. So, salamat kay Jill.

    JILL MANAPAT: Salamat din po sa pagkakataon!

    ELY: Okay so puwede niyo silang i-message sa Facebook or mag-e-mail doon sa binabanggit niya kanina. Okay, Jill, salamat, ha.

    JILL MANAPAT: Salamat din po.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Thank you!

    ELY: Okay, oras na po natin, 9:52 na po ng umaga at samantala, mayroon tayong, Attorney, ano, iyong mga response ng Office of the Vice President. Pero basahin ko lang din muna iyong mga message sa atin sa Facebook. Mula kay Teresa Ormega Gaan, papaano daw po makakalapit kay Vice President? Punta lang po kayo sa Office of the Vice President.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo, sa may office sa Ben-Lor Building diyan sa may Quezon Avenue, malapit sa Capitol Medical Center, lalo na kung mga requests for assistance. Doon, mayroon kaming tanggapan doon na handang i-process iyong mga ganoong klaseng requests.

    ELY: Okay. God bless, Vice, mula kay Delicia Lingon, at gayundin si Dofel Alexis Bacuño, good morning po sa inyo ha, at God bless daw kay VP Leni. Mula rin kay—mensahe mula kay James de Castro Ortiz, “God Bless, VP.” At Prosie Orqueza, good morning po sa inyo. At mula rin kay Antonio Ersain, Netsa Sullesa Arapan, Dennis Corteza, Helga Trinindad, okay, so good morning po sa mga kababayan natin na patuloy na sumusubaybay dito po sa BISErbisyong LENI.

    At so, Attorney, iyong mga humihingi ng tulong yata.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo, ito, Ka Ely, noong August 25 episode daw natin, mayroong nagpadala ng help request via Facebook nga, itong si Ginoong Joel Mercado. Ang lumalabas dito siya ay humihingi ng tulong dahil siya ay dialysis patient at medyo malaki-laki daw ang gastos para sa dialysis. So mga two days after, sinagot natin siya, August 27, para makakuha ng dagdag na impormasyon, at noong September 2, sinabihan na siyang i-submit iyong mga kailangang dokumento para matapos iyong pag-proseso ng kanyang application for medical assistance sa porma ng gamot… Ang problema kasi dito, iyong kanyang kasalukuyang dialysis center, hindi kasama doon sa mga service provider na nasa network ng OVP. Pero hinihintay na lang matapos iyong submission ng mga dokumentong ito at iyong kanyang interview at once ma-complete iyong mga documents na iyan, mukhang nakahanda nang i-release iyong medical assistance sa kanya sa porma ng gamot.

    Halimbawa lang ito, Ka Ely, ng prosesong ating pinagdadaanan, kung kayo ay nangangailangan ng tulong, puwedekayong magpadala ng mensahe, pero siguraduhin lang na kayo ay may contact information para sila ay ma-follow up ng ating staff sa Public Assistance Division ng OVP.

    ELY: Okay, oras po natin, 9:55 na po ng umaga. At bago tayo magtapos, Attorney, maraming nagtatanong, kasi mayroong humarap sa media, itong si Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ah, si CJ Bersamin.

    ELY: At kanyang binabanggit na, soon, malapit na, iyong mga nag-aabang dito po sa magiging resulta, iyong resulta po ng… dito sa protesta.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Iyong sa pilot…

    ELY: So ano bang inaasahan natin dito, Attorney?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Hinde, una–

    ELY: Bagama’t hindi naman natin ipe-preempt kung ano ang resulta ano, iyong findings o kung anuman.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Siguro kailangan lang nating ipaalala, Ka Ely, na itong report na binabanggit ni CJ Bersamin, ito iyong may kaugnayan doon sa tatlong pilot provinces—tatlong probinsya na inidentify mismo ni… noon gating natalong kandidato, si dating Senador Bongbong Marcos, na ito daw iyong magpapatunay na mayroon talagang dayaan na nangyari noong nakaraang eleksyon. So noong nakaraang ilang buwan iyong tinapos na recount, ito ay iyong sa probinsya ng Camarines Sur, Iloilo, at Negros Oriental. Mukhang ang sinasabi ng PET dito, ng Supreme Court, matatapos na iyong kanilang report… so natapos na iyong recount.

    Kung aalalahanin natin, nag-release na ng public statement dati ang abogado ni VP Leni dito, si Atty. Romy Macalintal, at sinabi niya na ayon sa kanilang nakuhang impormasyon, mukang lumamang pa, lalo pang lumaki ang lamang ng mga lagpas 15,000 so—

    ELY: Sige, sabihin natin, kasi ang pinalilitaw po dito ng kampo ng nagpo-protesta, ay pagkatapos nito uupo na sila. Pakilinaw mo nga, kasi may nakausap ako diyan na abogado at dating commissioner ng COMELEC, si Atty. Gregorio Larrazabal, si Goyo, na hindi—isang step pa lang iyan, pagkatapos niyan bibilangin lahat kung may mapatunayan na talagang may matinding dayaan. Iyon nga paki-explain mo nga.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Sakto iyong paliwanag ni Commissioner Larrazabal kasi itong pagibilang sa tatlong probinsya, ang punto lang nito, para makita kung mayroon bang batayan para ituloy pa. Kasi 25 provinces ang binaggit ni Ginoong Marcos dito sa kanyang protesta.

    ELY: So kumbaga sana pala, “Sige, may akusasyon ka na nagkadayaan, pumili ka ng tatlo.” Pumili siya ng tatlo…

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ngayon ang usapan, kung mapakita na sa tatlong iyan mayroon talagang… makabawi ka ng boto, itutuloy natin sa iba pa.

    ELY: Bilangin natin iyong 25.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Mga 22 pa.

    ELY: So iyong tatlo nakatatlong taon na, ‘di ba. So iyong 22 provinces, mga ilang taon pa iyon?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Eh ‘di 25 years. [laughs]. Hindi naman.

    ELY: Pinapaliwanag lang po natin sa ating mga listeners kasi lumilitaw kasi, Attorney, na parang kapag nailabas na po ng PET ang resulta, tapos na ang kuwento, uupo na sila sa… Kung saka-sakali na mananalo.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ito, Ka Ely, ha, matatapos lang ito sa ganitong paraan. Puwedekasing sabihin ng PET, “Imbes na napatunayan mong lumaki boto mo, lumaki pa lamang ng kalaban, eh. Eh idi-dismiss na namin ito.” Iyon, iyon ang tapos. So puwedeng matapos ito para kay VP, na madi-dismiss na iyong protesta.

    ELY: Pero sabihin natin na halimbawa, sa kabilang dako naman, iyong resulta, eh, sabihin natin iyong alegasyon eh ganoon, hindi pa rin tapos ang kaso?

    ATTY. BARRY: Ibig sabihin lang noon, puwedeng sabihin ng PET, “Ituloy natin iyong bilang sa iba pang mga probinsya na binanggit ninyo.”

    ELY: Para sa ibang kaso kumbaga, kung may probable cause, isasampa na natin iyan, parang ganoon.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama, tama. Parang abogado na kayo, Ka Ely. [laughs] Tama. Kumbaga kaya nga pilot, eh—kung mapakita natin na mayroon dito, eh ‘di itutuloy natin sa iba pang probinsya. Pero kung lalabas na wala naman pala, eh ‘di tapusin na natin.

    ELY: Isara na natin iyong kabanata. So iyan po malinaw ha, kasi iyong narinig ko, may statement itong si CJ, eh, naku lalabas na pala… Uupo na. Hello, hindi po.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Mukhang hindi pa.

    ELY: Iyon, wala pa…

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Actually, kapag nangyari iyon, eh talagang mayroon nang ibang kataka-takang nangyari.

    ELY: Pero ang proseso talaga…

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ang proseso talaga hindi ganoon. Klarong-klaro iyon.

    ELY: Iyon pa lang ang simula para bilangin ang lahat.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama.

    ELY: Eh tapos ako may dinagdag pa nga ako. Alam mo, bukod diyan may counter-protest pa, titignan pa iyan, ‘di ba.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Totoo.

    ELY: Siguro parang 50 years… [laughs]

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Pero baka naman sabihin sinasadyang bagalan. Sa totoo lang, tatagal talaga, eh, kasi by hand ang bilang diyan. Isa-isang titignan, ‘di ba, isa-isang i-a-appreciate.

    ELY: Tama naman para malaman natin kung talaga bang nagkadayaan ba o hindi at para mabigyan ng katarungan iyong mga bumoto naman. At saka iyong importante diyan iyong kredibilidad ng eleksyon.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama.

    ELY: Okay, Attorney, paalam na tayo.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Okay, so maraming salamat ulit, Ka Ely, at sa lahat ng ating tagasubaybay. Next week si VP Leni na ulit dito. Mami-miss kita pero sigurado ako na-miss mo naman si VP Leni dahil medyo matagal nawala. [chuckles]

    ELY: Sige, Attorney, salamat ha.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Salamat!

    ELY: Okay, mga kasama, iyan po si Atty. Barry Gutierrez, ang opisyal po na tagapagsalita ng Tanggapan ng Bise Presidente. Maraming salamat mga kasama sa inyong pagsubaybay, sa pangalan po ni Vice President Leni Robredo, ako pa rin po ang inyong radyoman Ely Saludar dito po sa BISErbisyong LENI dito sa RMN.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Sep 07, 2019