This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI – Episode 119

    ELY: Magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas, at Mindanao! Isa na namang edisyon ng BISErbisyong LENI dito po sa RMN. Ngayong araw ng Linggo, August 18, 2019, mula po dito sa DZXL Manila, tayo po ay napapakinggan din sa DYHP Cebu, DXCC Cagaiyan de Oro, DXDC Davao, at DWNX Naga. At siyempre, sa lahat po ng inaabot ng ating broadcast netwide, magandang umaga, Pilipinas! Ako pa rin ho ang inyong radyoman, Ely Saludar. Kasama ho natin ang opisyal pong tagapagsalita ng Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si Atty. Barry Gutierrez. Attorney, good morning sa iyo!

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Good morning, Ka Ely, at magandang umaga rin sa lahat ng ating mga regular na tagapakinig.

    ELY: At siyempre, maraming magtatanong, “Nasaan po ang ating Bise Presidente?”

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Nasa Naga, Ka Ely, kasi kung hindi alam noong ibang tagasubaysubay natin, ngayon ang 7th death anniversary ni Sec. Jess Robredo, iyong yumaong asawa ni VP Leni. Kaya nandoon siya ngayon para mag-attend ng ilang events bilang paggunita dito sa 7th death anniversary ni Sec. Jesse.

    ELY: Ayon. Okay, so mamaya sa Istorya ng Pag-asa, iyong ating segment, ay makakausap natin, Attorney, ano, iyong mga dating staff—

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo—

    ELY: —ng yumaong kalihim.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo, mayroon tayong mga makakausap na mga dating nakatrabaho si Sec. Jess. Actually, iyong ilan sa kanila, ka-trabaho rin ngayon ni VP Leni. So baka puwede siguro silang mapagkuwento natin tungkol sa kanilang mga karanasan kay Secretary Jess.

    ELY: At siguro, bago ho sa ating iba pang maiinit na isyu ay alamin muna natin, ipaalam muna natin sa ating mga listeners nationwide iyong mga aktibidad, ano, ng ating Bise Presidente sa nagdaang linggo. Umpisahan siguro natin noong Lunes. Wala kayo nito sa Metro Manila, nasa ano—

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tulad ng ibang mga linggo, Ka Ely, talagang punong-puno na naman ng biyahe ang linggo ni VP. Noong Lunes, siya ay nagpunta ng Iloilo at Guimaras para makiramay at magbigay-tulong doon sa mga naging biktima at pamilya ng mga naging biktima noong paglubog doon sa trahedya sa Iloilo-Guimaras. So umaga, nasa Iloilo City siya, hapon nagpunta siya ng Guimaras at nag-attend din ng misa. At kagaya nga noong nabanggit ko, nakapagbigay din ng kaunting tulong sa mga pamiliyang nabiktima.

    Wednesday naman, siya ay nasa South Cotabato. Mayroong ilang mga Angat Buhay events na ginanap noong araw na iyon. So mineet niya iyong Lake Sebu Indigenous Women Weavers Association—isang partner organization na tinutulungan ng OVP through Angat Buhay. At nagkaroon din ng turnover naman ng isang classroom building dito sa may Tampakan, South Cotabato, at mayroon pang isa ring turnover ng classroom buildings sa Polomolok naman sa South Cotabato rin. So punong-puno ng mga—

    ELY: Visayas, Mindanao—

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Visayas to Mindanao. At noong Thursday, media launch naman ng activities para sa commemoration ng 7th death anniversary niya, ni Sec. Jess Robredo. So nag-launch iyong JMRF o iyong Jesse M. Robredo Foundation ng isang panibagong, ano ito, paghahanap ng mga batang lider—Gawad Jesse M. Robredo Award. Ito ho ay sisimulan na iyong search na iyon, at iyong awarding mangyayari next year, January 2020.

    ELY: Iiyan ang pinunta rin, ‘’di ba, ng konsehal noon na ngayon ay Pasig City Mayor Vico Sotto. Talagang inaral niya, eh, iyong mga, kumbaga, sana mga strategy at iyong mga ginawang diskarte, ano, ni yumaong mayor at dating kalihim Jesse Robredo.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo, tama. Eh, talaga naman, Ka Ely, kilalang-kilala si Sec. Jess habang siya ay mayor ng Naga bilang isa sa mga pinaka-progressive at pinaka-innovative na mga local government officials natin. In fact, nanalo siya ng Ramon Magsaysay Award para sa kaniiyang trabaho diiyan. At kaya nga maraming nanghihinaiyang doon sa kaniiyang pagyao seven years ago dahil talagang isa itong tunay na servant leader na may napakalaking kontribusyon na nagawa sa ating lipunan. At iyon nga—

    ELY: Ako, iyon nga, Attorney, ay dito, talagang humanga ako noong nakita ko at nalaman ko iyong kaniiyang storya dahil sa dami ng mga politiko, ito, kung—pupuwede siiyang magtayo ng dynastiya, eh, ‘’di ba, sa Naga? Kasi nagulat nga ako, iyong iba kapag natatapos na iyong termino, ‘’di ba, siyam na taon iiyan, tatlong termino, eh iyong asawa o anak o kapatid—

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Iyon na iyong papalit.

    ELY: Oo, doon niya ihahabilin, ‘’di ba? Pero dito sa Naga, nagulat ako. Eh, si VP, ayaw na ayaw nga niiyang pumasok sa politika, ‘’di ba.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Naku, narinig niyo na ilang beses iyong kuwento, Ka Ely, na napilitan talaga siya sa mismong pagtakbo pa lang niya ng congresswoman.

    ELY: Oo, dahil sa noong yumao si Kalihim Jesse, doon lang siya napilitan. Pero kung tutuusin—mawalang-galang na po sa ibang mga pamilya ng politiko, pero talagang ayaw na ayaw nilang ano, bigiyan ng pagkakataon iyong iba, kahit na sabihin mo kaalyado at malapit na kaibigan, talagang gusto sa kamag-anak.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Iyon nga, eh. Iyon naman talaga ang isang nabilib ako noong nakita ko kung papaano iyong naging proseso sa Naga na iniwan ni mayor and then secretary Jesse Robredo. Hindi pamilya niya iyong kaniiyang itinulak kundi pinalakas talaga niya iyong mga institutions ng konsultasyon. So tuwing eleksyon, talagang nagmi-meeting iyong iba’t ibang mga people’s organizations, iba’t ibang grupo na aktibo sa Naga at nag-uusap-usap, “Sino ba iyong mga kandidato na tingin natin bagay at talagang mayroon tayong tiwalang maglilingkod?” So napakaayos ng nagiging proseso at iyon nga, hindi naka-angkla sa iisang pangalan o isang pamilya lang. Kasi iyong mga iba diiyan, kine-claim nila dynasty of service naman daw sila. [chuckles] Iyong kay Sec. Jess, service lang talaga, tinanggal iyong dynasty.

    ELY: Kasi dito pupuwede noong mag-appoint siya sa DILG ay pupuwedeng ihabilin niya sa asawa na abogado, ‘’di ba, at nagsilbi rin bilang human rights lawyer at sa tingin ko, walang lalaban doon, eh, sa Naga, ‘’di ba—

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Naku naman, eh alam naman natin ang kultura, lalo na kung popular iyong—

    ELY: Pero hindi niya iyon ginawa, ano, na inihabilin para— Ibig sabihin, talagang iyong iba, gusto iyong makuha po ng buong… ng iisang pamilya iyong puwesto.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo nga.

    ELY: Ayon, oo. Kaya saludo ho ako rito kay Sec. Jesse, dahil sa ako, binasa ko rin, eh, iyong kaniiyang kuwento. At mamaya, iyong ating mga listeners ay siguro mas mabibigiyan pa natin sila ng… iyong sabihin talaga natin na inside story, ‘’di ba, para po dito sa buhay ni yumaong kalihim Jesse Robredo.

    Okay, samantala, ano ba itong interview, ano, Attorney, parang may lumabas pa na nagulat ako, eh, parang fake news.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Anong interview?

    ELY: Iyong interview with Bloomberg.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ah, okay.

    ELY: Pero parang iba iyong anggulo na tatakbo daw siya sa 2022. Pero kapag binasa mo iyong loob, iyong buod—

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Nag-deklara na, parang ganoon iyong headline.

    ELY: Pero kapag binasa mo, dati na niiyang sinasabi na destiny iiyan. Ito po, paki-explain.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Hindi… Naupo si VP Leni noong isang araw para makausap ang Bloomberg. Ito iyong alam naman nating kilalang international news agency. At siyempre sa kurso noong usapan, maraming tinanong sa kaniya, isa sa mga tanong—lagi namang tinatanong—“May balak ka bang tumakbong presidente sa 2022?” At gaya nga ng sabi niya, Ka Ely, napakaklaro ng sinabi ni VP Leni, at ilang beses na rin niiyang binanggit ito at sa tingin niya, ang pagiging presidente ay destiny, hindi talaga napapagplanuhan, dahil sa maraming pagkakataon, iyong nananalo ay iyong isang taong hindi natin inaasahan. Siguro kung titingnan mo three years or four years before, hindi lumilitaw ang pangalan.

    Pero ang kinlaro lang ni VP Leni, she’s keeping her options open. Pero may follow-up question kasi. Ang follow-up question: “Handa ka bang maging presidente?” Simple lang naman ang sagot niya diiyan, “Noong nag-desisyon ako na tatakbo akong Bise Presidente, ibig sabihin noon, tinuturing ko ang sarili kong handa na maging presidente.” Kasi siyempre, ang pangunahing trabaho naman ng bise presidente, pumalit, eh, kung sakaling—

    ELY: Reserba.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Reserba sakaling may mangyari. So hindi puwedeng maging Bise Presidente ka na hindi ka handa.

    ELY: Saka kapag sinabi niiyang, “Hindi ako handa—hindi pa ako handa,” eh parang sinabi mo na rin na hindi ka puwede o hindi ka handa na maging vice president.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama.

    ELY: Kasi reserba ka, eh.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Iyon ang main na trabaho noon sa ilalim ng Konstitusyon. Tama.

    ELY: Okay, so maliwanag po ito at paulit-ulit nating naririnig dahil sinasabi nga ng Bise Presidente, destiny po ito. Sabi niya, hindi kinakailangang, ano, paghandaan kasi alam naman natin na ang dami ho na mga naghanda at gumastos ho ng napaka—ng limpak-limpak na salapi pero hindi,‘’di ba—[chuckles]—hindi nakuha iyong puwesto.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Saka ako, tingin ko importante iyong puntong laging sinasabi ni VP Leni tungkol diiyan. Sinasabi niya na kapag kasi nag-deklara o sinabi ko na interesado ako, lahat na lang gagawin ko para doon na lang, eh. Eh simula pa lang ng terminong ito, klarong-klaro sa kaniya na ang pangunahin talaga niiyang pakay sa pagiging bise presidente ay asikasuhin iyong kaniiyang trabahong inatas sa sarili niya—iyong pinangako niya sa ating mga kababaiyan noong siya ay tumatakbo pa—na tututukan niya iyong mga isyu, usapin at karapatan at sitwasyon ng mga nasa laylaiyan. Ang problema kasi kapag politika na lang inaatupag mo, eh nagte-take ng backseat iyong serbisyo, eh. Nauuna iyong pag-eepal, eh.

    Ang dami diiyan ang daming mga pino-post o ang daming mga sinasabi puro mga PR naman, pero kapag tinanong mo naman kung ano iyong aktwal na nagawa, kung may nagawa ba, eh, parang kapos. Si VP, kabaliktaran. Minsan nga nafu-frustrate din ako kasi gusto ko na mas maraming makaaalam, pero alam mo naman si VP, mas gusto niiyang priority iyong totoong trabaho. Iyong totoong serbisyo. Hindi iyong pagpapabida.

    ELY: Pero parang kahit kailan, parang hindi pa nagbakasyon o nag-leave ng isang linggo na hindi nagpakita sa media para manood ng Netflix. [chuckles]

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Wala pa. Si VP, parang mas masipag pa iyon kaysa sa staff, eh. [chuckles]

    ELY: Okay, so iyon ho, mga kasama, at maya-maya lang ho, ano, iyong ating INP. So napakaraming mga isyu ngayon na pinag-uusapan. Iyong budget ng OVP, okay na ba? Na-submit na rin ba?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Hindi, haharap pa lang si VP Leni—

    ELY: Hindi, pero iyong plano, iyong proposal—iyong proposed budget?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ah, oo! Na-submit na iyon kasi maaga sa aming hinihingi iiyan ng Office of the Executive Secretary at ng DBM dahil maaga pa lang, sina-submit na iyong national expenditure plan sa Kongreso. Pero iyong actual hearing, alam ko ang una next week, eh.

    ELY: Hihimayin kasi iiyan, eh, ng bawat departamento. Kumbaga, uunahin iiyan ng Kamara.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo, committee level. Pero si VP Leni, hindi katulad ng ibang mga sinundan niiyang bise presidente, laging siya mismo ang personal na humaharap sa mga hearing na iiyan. Wala pa yatang hearing na naganap ang budget committee ng Kongreso man o ng Senado na hindi siya mismo ang humarap para depensahan at i-presenta iyong proposed budget ng OVP.

    ELY: Okay, dito, anong take mo dito, Attorney, at ikaw dati ka ring congressman, iyong sinasabing ano, parang magkakaroon ng expanded wiretap law.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Naku, malaking ano iiyan, siguro tingin ko dapat pag-usapan nang mabuti dahil sa kasalukuiyan, napakalaki talaga ng potential na maabuso kung hindi aayusin nang maganda iyong mga safeguards laban sa hindi paggamit nito sa [tamang] paraan. Kasi ngayon, mayroon tayong wiretapping law. At sa ilalim ng anti-wiretapping law natin, puwede namang mag-wiretap, eh, basta may pahintulot sa korte. At dapat talaga, may malinaw kang ebidensiyang ipapakita na importante itong wiretap na ito para makapag-build up talaga ng kaso at ebidensya laban doon sa isang taong iimbestigahan ng pulis.

    Hindi ko alam kung ano pang gusto nilang expansion dito. Kasi ang nakakatakot dito, baka padaliin iyong proseso. Baka hindi na kailangan dumaan sa judge o baka kailangang iyong ipe-presentang eidensya sa judge, mas mababa na kaysa doon sa kasalukuiyang kailangang mai-presenta. Eh isipin niyo, Ka Ely, sa panahong ito lahat tayo gumagamit ng telepono, eh. Halos lahat, bawat oras na tayo ay gising nakatingin tayo sa mga telepono natin, ‘’di ba. Lahat ng ating mga personal na buhay, lahat noong ating propesiyonal na inaasikaso, nandiiyan sa telepono. So, kung mabibigiyan ng kapangyarihan ang gobyerno o kung sino mang ahensya na buksan itong mga telepono natin, pakinggan iyong ating mga conversations, bulatlatin iyong laman ng ating mga smartphones, ang dami talagang puwedeng abusong mangyari.

    Kaya dapat talaga tiyakin—pag-usapan nang maayos at tiyakin—na mayroon tayong mga safeguards dito, dahil ang laki ng potential dito para sa abuso.

    ELY: Ang pinaka-matindi rito iyong pag-abuso, gagamitin sa mga kalaban sa politika.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Iyon pa iyon, ‘’di ba, kasi ‘’di bale sana kung ang tututukan lang talaga iyong imbestigasyon ng mga aktwal na—

    ELY: Sa mga terorista lang, ganoon, eh.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Pero sa sitwasyon natin ngayon, nakikita natin na iyong mga batas pang-kriminal, eh ginagamit hindi laban sa mga kriminal pero laban doon sa mga kritiko ng pamahalaan. Eh, ito na nga lang pinaka-recent na pag-file ng sedition dito sa kung sino-sinong member ng oposisyon, mga pari, mga journalists, etc., eh patunay iiyan talaga na ang laki ng potensyal para abusuhin ang batas para ipitin iyong mga hindi natin kakampi o hindi natin tinuturing na kasama sa politika.

    ELY: Dito naman sa, ano, sa panukalang pagbuhay ng anti-subversion act—law.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Kung aalalahanin natin, Ka Ely, panahon pa lang ni President Cory Aquino, ni-repeal na iiyan—isa sa mga unang ni-repeal iiyan dahil nga ang tingin, pang-aabuso sa kapangyarihan ng gobyerno iyong pag-outlaw ng isang organisasyon. Kasi sa anti-subversion law, klaruhin natin: ang bawal diiyan hindi iyong akto; ang bawal, iyong pagmi-miyembro ng isang organisasyon. Tinukoy mismo na bawal maging miyembro ng Communist Party of the Philippines. Ang akin naman, bakit iyong pagmi-miyembro ang ating kailangang ipagbawal kung puwede namang ipagbawal at parusahan iyong mga akto, iyong mga gagawing mga bagay? Sa akin, rebelyon, bawal. Eh, ‘di kung nahuling nagrerebelyon, eh, ‘di hulihin, kasuhan, ‘’di ba. Illegal possession of firearms, kung nahulihan, eh, ‘di kasuhan, ‘’di ba. Kung gumawa ng iba pang krimen—pagpatay, pagnanakaw, o anuman—kasuhan, ‘’di ba. Iiyan ang punto, eh.

    Ang sa akin lang dito, ang dami na nating mga batas na puwedeng gamitin para sugpuin iiyang ganiiyang klaseng mga ginagawang mali laban sa gobyerno. So bakit kailangan pa nating dagdagan ng isang batas na medyo kuwestiyonable iyong constitutionality at matagal nang na-repeal dahil nga sa karanasan, ito ay naabuso?

    ELY: At ligal na ho ang— Para po sa kaalaman naman ng ating mga listeners, ligal na ho iyong mismong organisasyon, iyong Communist Party of the Philippines, at iba pang mga organisasyon. Ang iligal, kung kayo ay gagawa ng… iyong nakikipaglaban na.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Iyong may armas kayo.

    ELY: Tama. Iyong NPA mismo, iyon. ‘’di ba may ginagawang pagtugis iyong ating PNP at AFP sa mga New People’s Army dahil sa iyon ay armadoong grupo. Iba iiyan.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Eh, isipin mo nga, Ka Ely, sa ibang bansa iyong kanilang communist party, ligal talaga at nakakatakbo sa eleksyon. Sumasalang iiyan sa—

    ELY: Sa atin ligal din naman kung tutuusin at puwede naman silang tumakbo.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Actually, hindi ko nga maintindihan bakit hindi pa nila gawin, eh. Dapat gawin na nga nila, eh. Kasi feeling ko, kaya rin mayroong hindi pagkakaintindi, dahil sila mismo hindi pa talagang ino-own iyong ano, eh… hindi pa sila nagpapakatotoo doon sa status na hindi na nga sila iligal. Kaya ang tingin pa rin, eh, ano ito, eh, ‘’di ba, medyo kataka-taka itong grupong ito at siguro mayroong mga hindi magandang ginagawa. Ang pinaka-magandang solusyon diiyan, mag-ano na kayo, maglantad na kayo, maging open organization kayo, para makita at makilala ng mga tao na ito ay isang ordinaryong political party tulad ng iba. Pero habang wala iyon—at siyempre habang mayroon pa ring grupo tulad ng NPA, na talaga namang nag-aarmas laban sa gobyerno—eh magkakaroon pa rin talaga ng kuwestiyon tulad nito.

    ELY: Ayon, okay. At sa ilang sandali, ano, makakasama na natin iyong mga dating mga malalapit po na staff ni yumaong Jesse Robredo. At siguro, mai-kuwento ho natin, alam niyo napakaimportante nito dahil sa marami tayong nababasa na ganito, kuwentong ganito, ito, aktwal na karanasan.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama.

    ELY: Kasi alam niyo, bibihira ho iyong ganitong mga politiko at actually, mas ano… mas nakilala pa siya noong siya ay namayapa, mas marami iyong humanga at nabuksan tuloy iyong kaniiyang talambuhay, eh.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Iyon iyong malungkot, Ka Ely, eh, ‘’di ba. Marami kasi tayong mga lider tulad ni Sec. Jess na habang buhay, marami nang nagagawang mabuti pero dahil nga hindi epal, hindi naman nagpapaka-artista, ‘’di ba, hindi masyadoong nakikilala ng ating mga kababaiyan. At napakalungkot para sa akin na lumalabas lang iyong kanilang galing at sila lang ay talagang nakikilala ng mas maraming tao kapag sila ay wala na. Siyempre, noong namatay nga si Sec. Jess, siyempre lumabas na iyong kaniiyang istorya. Maraming nabilib. Pero sa akin, mas maganda sana kung iyong mga ganoong klaseng lider, habang sila ay nandito pa, kasama pa natin, naglilingkod pa, eh, maipakilala na kahit papaano. Pero parang feeling ko kasi, nasa isang panahon tayo na kung hindi ka magse-self-promote, lalo na sa social media, sa Facebook, eh, ano, eh, kahit na anong kabutihan ang gawin mo hindi ka pa rin makikilala. Samantalang kung magpo-post ka lang ng mga video na kung saan-saan ka nagpupunta—[laughs]—kahit wala ka namang ginagawa—

    ELY: Hindi, mayroon ngang isang mayor na parang lahat ng gagawin naka-Facebook Live, eh. Alam mo ba iyon.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Nabalitaan ko iiyan.

    ELY: Pero ito, siguro maganda rin naman, may epekto namang mabuti dahil sa nalalaman po ng ano, ng taumbaiyan na kung ano iyong kaniiyang mga ginagawa sa kaniiyang lungsod.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama.

    ELY: Okay naman iyon.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama naman iyon.

    ELY: Pero paminsan-minsan, parang nasosobrahan.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Sa akin naman, wala namang mali na ipaalam mo kung ano iyong iyong ginagawa. Pero mayroon kasing linya sa pagitan ng pagpapaalam at iyong parang umeepal ka na lang. At ang mahirap talaga diiyan, kapag napangunahan na nung pagpi-PR iyong aktwal na trabaho.

    ELY: Okay, so sana, okay po iiyan, ano, iyong i-Facebook Live niyo iyong mismong ginagawa ng mga opisyal ng ating pamahalaan. Pero, eh, sana consistent na talagang iyong sa tatlong taong termino, talagang tuloy-tuloy ang trabaho. Baka naman kasi, alam mo naman, Attorney, iyong kasabihan dito sa atin na “ningas-kugon”.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Pero ako naman, ayaw kong— Gusto ko namang isipin kahit papaano na marami tayong mga batang lider na na-elect ngayon, lalo na sa mga lokal na pamahalaan—

    ELY: Dito lang sa Metro Manila.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Dito lang sa Metro Manila.

    ELY: Sa Maynila, si Mayor Isko Moreno, si—

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Si Mayor Isko, si Mayor Vico, si Mayor Joy sa Quezon City—

    ELY: Sa San Juan, si Zamora.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo, si Mayor Francis, ‘’di ba. Iiyan, ako, malaki ang pag-asa ko na iyong simula nila na parang dynamic, maayos. Sana maituloy nila.

    ELY: Eh, ako naman, sana magkamali ako na, ‘’di ba, kasi kadalasan, ang dami rin sa mga naunang batang politiko, eh iyong kinain din ng sistema.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Iyon ang sanang maiwasan talaga.

    ELY: Sana huwag sila at magkamali ako sa aking mga hinala.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama iiyan, Ka Ely.

    ELY: Iyon ho, ah. At alam naman natin na tayo, dito po sa Pilipinas, kung minsan ano, eh, kapag nalapit ka sa kusina, kailangang maulingan ka, kailangan dire-diretso na hanggang sa maging ulikba na, eh, ‘’di ba.

    [GAP 2] ELY: Okay, oras ho natin sa buong kapuluan, 9:32 na ho ng umaga. Ito na ho, para malaman natin iyong buong kuwento at kung ano ba iyong mga ano, mga talagang nakagawian din ng yumaong mayor at kalihim. Alam mo, kilala rin siya, Attorney Barry, iyong sa ano, iyong parang naka-tsinelas lang, ganoon.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo, tsinelas leadership. Iyanang nauso na termino after nga yumao si Sec. Jess. Kasi isa sa kuwento—pero ito na iyong ating mga kasama, sila siguro iyong mas makakapag-kuwento niiyan—pero isa sa mga kuwentong naririnig ko parati, habang siya ay mayor, umiikot lang siya doon sa Naga. Simpleng nakabihis, walang… walang ere, walang mga bodyguard, hindi tulad noong mga politikong nakakasanaiyannatin. Kaya rin mahal na mahal siya noong kaniiyang mga kababaiyan.

    ELY: Okay, umpisahan na natin. Ipakilala mo na kung sino ang uunahin natin.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ngayong umaga, kasama natin, Ka Ely, dalawang dating staff ni Sec. Jess. Ako ba ang magpapakilala sa inyo? [chuckles] Si Ms. Salve Duplito at si Ms. Joan dela Cruz. Dapat kasama pa rin natin actually si Usec. Boyet Dy, iyong Chief of Staff ni VP Leni, pero mukhang recovering from a medical procedure pa, eh, so—

    ELY: Sige sige.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Sige.

    ELY: Okay, si—kay Ma’am Salve. Good morning.

    SALVE DUPLITO: Okay, magandang umaga. Magandang umaga sa ating lahat. Kasama ko dito si Joan. Magkasama kami noon sa DILG, sa Office of the Secretary. Si Joan [ang] boss ko noon, eh.

    JOAN DELA CRUZ: Ay, hindi naman. Ako iyongutusan. So, 2010 to 2012, for two years—

    SALVE DUPLITO: Two years hanggang sa yumao na nga si mahal na Secretary.

    ELY: Siguro, maganda maitanong rin sa inyo at para sa kaalaman ng ating mga listeners, gaano—paano ba maging boss… kasi may kaniya-kaniiyang ugali, ano, iyongmga boss at si Sec. Jesse, papaano ba maging boss?

    SALVE DUPLITO: Ikaw na, Jo. [chuckles]

    ELY: Sige, dalawa na kayo ni Ma’am Salve.

    SALVE DUPLITO: Okay. Noong pumasok ako doon—nauna si Joan actually, eh, kasi si Joan parang isa sa mga unang-unang tinext niya, sila ni Boyet unang tinext niya. Noong dumating ako, medyo may mga lumipas na na mga krisis eh pero talagang pumasok ako as speechwriter at [communications] consultant.

    Ang pagkakakilala ko talaga—parang pagpasok na pagpasok ko—celebrity na siya sa mata ko, eh, kasi Gawad Pook palang gumagawa na ako ng mga articles, in-interview ko na siya sa Naga. So noong pagpasok ko may hero worship na talaga ako sa kaniya. Iba talaga nakakausap mo na at nakikilala mo na. Ang nakakatuwa sa kaniyaang bilis niya mag-hold ng meetings, ‘di ba? Parang iyongmga ManComm meetings, 30 minutes lang sa kaniya. Ang style niya talaga, uupo siya, tapos iisa-isahin niya lang, “Oh, ikaw, anong take up mo sa akin? Ikaw, ganiiyan-ganiiyan.” So may mga times talaga na magugulat ka kasi ibang level talaga siya mag-isip. Iyoniyong unang takeaway ko noon, eh, kasi madami na ako nakita at naka-trabaho as part of the media. Ibang level talaga siya mag-isip. Masarap maka-trabaho iyongganoong klaseng boss kasi hindi ka nagbababad sa meeting.

    ELY: Detalyado kaagad, diretsahan kaagad, oo.

    SALVE DUPLITO: Oo. Ito si Joan marami itong personal na istorya. Sige, go. Huwag munang iiyak. [laughs]

    JOAN DELA CRUZ: Pero siya iyongfirst official boss ko. Kinuha niya ako I was fresh out of college. So wala akong any experience of working with anyone. Pero naalala ko noong unang araw ko noon, kasi tinawagan niya ako, tapos noong huli siyang nag-oathtaking sa Malacanang, parang Linggo iyon, tapos naghahanap daw siya ng staff. Tapos sabi ko, “Sige, pag-iisipan ko kasi mayroon ako dapat iba pang trabaho.” Pero noong Monday, noong una akong mag-start, ako lang mag-isa. Iyongunang sinabi niya sa akinnoon was—inupuan niya ako wala pang five minutes—sabi niya, “Joan, huwag mong gagawin iyonghindi ikaw sa opisinang ito.” Tapos, I think iyongbasis niya is bata ako, kung hindi ako komportable, ibig sabihin, baka may mali in that scenario. So, every time na mayroon hindi ako komportable, mayroon na kaming unsure ni Boyet na gagawin, lagi kaming magtatanong sa kaniya. Tapos si Sec. Jesse, aside from that very idealistic Sec. Jesse, he’s very efficient as a manager. Lagi iyan, unang umaga, 7:30, laging nakadikit—alam ko nang tatawag iiyan. Tapos, mayroon siyang, “Oh, Joan, one, two, three, four,” Iyoniyongutos niya. Pagdating ng lunch time, magfa-follow-up iyan. Kapag hindi mo nagawa, ah, patay na. Tapos kapag hindi ako naka-reply sa inutos niya doon sa taong ni-refer niyasa akin, papagalitan din ako niyan.

    Pero, what I really appreciate about him is the fact he was a very good teacher also for me. Again, I had no basis on what a good boss is. Siya iyongnaging standard ko kasi he was very patient with all of us and para siyang tatay. Kapag nagkakasakit ako, magpa-paalam ako, “Sec., hindi ako makakapasok.” Tapos tatanungin pa niya, “Oh, anong nangyari sa ’yo?” [chuckles] So, very, very forgiving siya, I think, dahil bata. At ang galing niyang magturo.

    ELY: Ayon, so kapag may inutos talagang dapat gawin mo agad.

    JOAN DELA CRUZ: Agad, agad. [laughs]

    SALVE DUPLITO: Dapat mabilis talaga.

    ELY: Iyonang maganda, Atty. Barry, kapag lalo na sa gobyerno. Kasi kapag may gusto ka dapat nagagawa ng buong staff mo, ng opisina eh. ‘Di ba, iyongkadalasan iyongiba, hindi naman po lahat siguro, pero marami, naiipon. ‘Di ba, ang daming mga issue na dapat resolbahin, naiipon sa pinaka-boss at iyongiba, ayaw i-delegate iyong kaniyang responsibilidad, ‘di ba. May mga ganoon, eh.

    SALVE DUPLITO: Ibang-iba kasi siya sa detalye. Naalala ko noon bago siya nawala, iyongspeeches parang sa kaniyakapag sinubmit ko parang okay na iyaneh. Wala nang itatanong. Bihira lang magpa-revise. Pero ang nakakatuwa, kapag letter.

    JOAN DELA CRUZ: Oo.

    SALVE DUPLITO: Iyongletter talaga tinututukan niya. Kung naalala niyo bago siya namatay, nagpadala siya ng letter sa lahat ng pulis. Ilang linggo naming—buwan yata. [laughs]

    JOAN DELA CRUZ: Nakasampung balik ata iyon, eh, iyong letter na iyon.

    SALVE DUPLITO: Oo. Ang dami kasi very personal. Gusto niya talaga bawat kataga, bawat salita, bawat phrase pinag-iisipan nang mabuti. Kaya naalala ko noong nawala siya, binalik-balikan iyanng media. Nilabas ulit kasi parang, full of heart talaga iyan. Tapos iyongmga detalye, he won’t allow any detail to fall through the cracks kumbaga. Eh, iyongsinasabi mo, Ka Ely, na sa gobyerno madalas mangyari iyondahil sa dami ng ginagawa mo, puwedena iyongmga detalye na nalalaglag pero para sa kaniya, iyongisang detalye na iyonbuhay ng isang tao, ’di ba? Parang, ganoon siya magisip, eh. Iyongimpact agad sa community at saka sa mga stakeholders,iyonang iniisip niya.

    ELY: At kapag may lumapit sa kaniyakasi may mga termino sa mga opisyal ng gobyerno, idi-dribble ka, eh. “Okay, sige, ako bahala diyan. I-utos ko sa staff.” Pero hindi naman inuutos sa staff. May mga ganoon, o nakalimutan o sa dami. Pero kay Sec. Jessetalagang kapag may lumapit agad, ipinasa sa inyo. Sabi mo, mga after lunch, eh, hinahanap na ang resulta.

    JOAN DELA CRUZ: At saka iyongphone talaga niya, pinamigay niya iyansa national TV. As in nagte-text lahat sa kaniyang tao. Tapos magugulat ka, ultimo—may time na pati kabit ng pulis tumawag sa kaniya. [laughs]

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Para magsumbong?

    JOAN DELA CRUZ: Oo, para magsumbong! Tapos, magkasama kami noon tapos parang siya, “Joan, itawag mo ito.” I think kasi may support na kailangan or whatever. Pero ang ano ko lang is, ganoon siya ka-hands on pero at the same time, hindi tayo takot magsalita noon [because] he was always very consultative with us. Not just with the immediate staff but with everyone. Tapos iyongopisina namin niyankapag nandiyansiya, bukas na bukas. As in, nakapila iyongmga tao, tinatanong niya, “Ikaw, anong sadya mo sa akin?” Tapos lahat, kahit naghintay ka ng isang oras, alam mo na matutugunan kung ano iyong concern.

    SALVE DUPLITO: Sa street level nila, walk-in. Kung sino iyongalam nila na, “Ay, opisina ni Secretary Robredo,” aakyat iyantapos makikita mo—kaya kapag papasok kami, nakapila na iyong mga tao. Pero isa-isa iyon—iisa-isahin niyang kakausapin.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Paano niya naba-balance iyon doon sa bigger respon—

    SALVE DUPLITO: Ito na iyongbalance niya. [laughs]

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Nai-imagine ko kasi na kung Mayor ka, puwedeiyon, eh, ‘di ba. Pero noong Secretary siya na mayroon siyang mas malawak na tungkulin. Paano iyongbalanse?

    SALVE DUPLITO: Magaling siya mag-delegate.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Okay.

    ELY: Iyon.

    JOAN DELA CRUZ: Tsaka he knows who to trust, I think. Kaya mayroon kami nung management committee, na it’s key staff plus selected officials from the department. And every week, we give updates to him. May matrix kami of how to follow through.

    ELY: So, iyonang importante. Marunong ka mag-delegate kasi iyongiba, inaako lahat, eh. Parang wala tiwala sa staff o ano. Iyontalaga para hindi maapektuhan iyongbuong departamento.

    SALVE DUPLITO: Eh, ang ganda ng question ni Cong. Barry. Kasi pati family, binalance niya rin.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo, actually iyon nga iyong—

    SALVE DUPLITO: In fact—

    JOAN DELA CRUZ: Lagi naming kinu-kuwentotitigil iyongmundo ni Sec. Jesse, basta tumawag si VP Leni, si Aika—and iyongthree children, as in, whatever he’s doing.

    SALVE DUPLITO: Tapos may isang time na may inuutos siya sa atin, parang apat na tasks yata iyon. Tapos noong nagfa-follow up na, iyongunang task, ang unang-una niyang finollow up iyonghomework ni Jillian. [laughs]

    JOAN DELA CRUZ: Ay, oo. May Sunday ganiyan. Kailangan daw ni Tricia ng help with—

    SALVE DUPLITO: May homework. May text siya sa iyona, nakakatuwa talaga text niya kay Joan. Parang hatinggabi na yata iyon, nag-text sa iyong, “Jo, paki-solve nga itong Math problem. Hindi na kaya ng powers ko.” [laughs]

    JOAN DELA CRUZ: Kasi raw magaling ako sa Math, ‘di ba. [laughs]

    SALVE DUPLITO: So pati pamilya naba-balanse niya. Work, politics, family.

    ELY: Sino kaya nag-OJT sa ABS-[CBN]na anak niya? Parang sinamahan niya pa raw, eh. Parang sinasamahan pa niya pati pago-OJT.

    SALVE DUPLITO: Ay, hindi ko maalala.

    JOAN DELA CRUZ: Pero hindi ako magugulat na—

    ELY: Talagang sinamahan pa. Nagulat iyongmga tao roon. Talagang sinamahan pa, ‘di ba? So ganoon talaga. Balanse ang trabaho at pamilya. So, Atty. Barry—[chuckles]

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Balanse…

    [Everyone laughs]

    SALVE DUPLITO: Paano ba natin gawin iyonsa buhay natin? Eh, kahit ako hirap, eh. Pero galing kasi ng example na binigay niya. Ang nakakatuwa pa iyong—kami actually, alam namin naghi-hero workship ganiyan—pero nalaman lang namin iyonglevel ng dedication niya sa family niya noong nawala na siya. Kaya sobrang natulala kami noong first presscon ni VP Leni na kung naalala niyo iyonghitsura niya, very simple, tapos nandoon si Aika sa gilid niya tapos naalala namin—narinig namin for the first time kay Ma’am kung paano siya—siya ang nagfi-fix ng internet kahit nandito siya sa Metro Manila. Kapag nawalan sila ng wi-fi, ite-text niya siya. Siya pa din ang nag-aayos noon. Siya ang bumibili sa ACE Hardware ng mga turnilyo, ganiyanganiyan. Kapag uuwi siya—because umuuwi siya every weekend—lahat ng inaasikaso ng ordinaryong tatay sa bahay, siya pa din.

    Alam mo, Jo—

    JOAN DELA CRUZ: Ay, iiyak na. [laughs]

    SALVE DUPLITO: Hindi! [laughs] Ang naalala ko talaga noong scene na iyon, ang daming reporters, lahat ng TV networks, nandoon, radyo, ganyan, pati mga cameraman, umiiyak. Kasiiyongidea na iyong tatay na sobrang busy pero may oras talaga sa pamilya niya, doon lang namin nalaman. So kami din parang natulala kami.

    JOAN DELA CRUZ:Ikaw, umiyak ka din.

    SALVE DUPLITO: Lagi akong umiiyak. [laughs]

    JOAN DELA CRUZ: Pero sa kaniya, wala kasing iba, eh. Parang he treats everyone like he treats his family, I think that was—and may genuine concern for people.

    SALVE DUPLITO: Totoo. Kapag nakikita niya kami na past five na, nasa opisina pa, sasabihin niya, “Hoy, umuwi na kayo. Kasi ala-singko na.”

    ELY: Ayan, so, talagang iyongconcern niya sa pamilya, ano, at sa mga staff niya, talagang… Kayo, ano bang may bago na kayong mga ano… siya ang kauna-unahan mong boss? [To Joan]

    JOAN DELA CRUZ: Opo. [laughs]

    SALVE DUPLITO: At marami na siya naging—[laughs]

    JOAN DELA CRUZ: Pero iyong mga naging boss ko pagkatapos– Pero nag-abogado po ako pagkatapos. At ngayon po ay nagta-trabaho po ako ngayon sa isang firm.

    ELY: So, iyongmga boss mo ngayon—

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Talagang itatanong mo iyan, Ka Ely. [laughter]

    ELY: Anong kaibahan? Ibig sabihin, anong namimiss mo sa—

    JOAN DELA CRUZ: Hindi, nag-stay po kasi ako noon kay Mar [Roxas] ng isang taon. Sobrang love ko po si Mar. Sir, kung nakikinig ka. [laughs]

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Pero sobrang close ni Sec. Jess at ni Sec Mar.

    JOAN DELA CRUZ: Yes.

    SALVE DUPLITO: ‘Di ba pangalawang asawa nga iyong tawag ni Ma’am—

    ELY: Pero actually, noon, parang na-intriga pa sila, eh, ‘di ba?

    SALVE DUPLITO: Yes. Lahat naman in-intriga, ‘di ba?

    ELY: Kasi parang gustong kunin diumano—hindi, iyong mga report report—ni Sec. Mar iyongDILG, mga ganoon. Pero sige, paki-kuwentomo.

    JOAN DELA CRUZ: Ah, pero ako po, nandoon kasi ako for the transition hanggang for a year. Ako, humanga ako kay Mar kasi noong uma-attend ako sa mga meetings na na aattendan ko with Sec. Jess, iyongmga hindi natapos, tapos noong si Mar iyongumupo doon, sa utak ko, “Kung si Sec. Jessenandito, iyondin ang gagawin niya.” Kaya ako, kahit kung—noong si Sec. Mar sinabi sa akinmag-leave ako ng law school noong tumakbo siya, nag-leave ako. Tinulungan ko rin siya sa last election kasi ganoon ako kabilib sa kaniyakasi iyongbilib ni Sec. Jessesa kaniyana-attach sa akin. [laughs] And I think it makes sense na iyonghinanap ni Sec. Jessena matino at mahusay, I mean, I found it also in Mar. Sir, ha. [laughs]

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Talaga naman ha.

    SALVE DUPLITO: Nagulat ka sa tanong, ha! [laughter]

    ELY: Hindi, kaibigan ko rin si Mar kaya–

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: May mga disclaimer lahat dito. [chuckles] Ito, mahirap lang pag-usapan pero na-bring up na niya, pero noong araw nga na lumabas iyongbalita na nag-crash iyongplane ni Sec. Jess, ano iyonguna niyong naisip noon? Ano iyongpakiramdam?

    SALVE DUPLITO: Mag-backtrack ka muna kasi iyonggabi noon, magkakasama kami. Parang dumating si Boyet [Dy] dahil nasa China na sila Boyet so bumalik sila mag-asawa dito. Nakipag-dinner kami kay Sec. Jess. Ang tawag ni Ma’am—ni VP Leni—sa dinner na iyon, The Last Supper. Nandito lang kami malapit sa bahay niya. Magkasama kami hanggang alas-10 ng gabi. Tapos iyonnga, inaasikaso namin iyongbiyahe niya kinaumagahan. Prepared na iyongspeech niya for that. Lahat na na-prepare, tapos umalis siya nang maaga kasi maaga pa siya aalis. So, the next day, Sabado iyon. Si Joan, sila ang naunang—

    JOAN DELA CRUZ: Actually, noong morning kasi na iyon, nag-text pa siya sa akinkasi naputulan sila ng kuryente.

    SALVE DUPLITO: Sa bahay.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Sa bahay? [laughter]

    JOAN DELA CRUZ: Sa bahay. Parang sabi niya, “Joan, sorry, alam ko holiday pero can you check kasi wala kaming kuryente.” So, okay. Tapos, nag-revert ako by lunch as per usual. Tapos, nagulat ako he wasn’t replying. Tapos noong hapon na, may tumawag na sa akin. Tinatanong kung nasaan… na may balita nga doon na may nag-crash sa Masbate. I was—nanggaling ako ng Crame noon. So, bumalik ako ng Crame. Tinawagan na ba kita? Tapos nagkita na tayo sa Crame.

    SALVE DUPLITO: Oo, mga alas-tres ng hapon. Tumawag si Joan, nagga-garden ako. Sabi ni Joan, “Salve, Salve, punta ka ng Crame. Punta ka na ng Crame. Ngayon na.” Sabi ko, “Anong nangyayari?” “Buksan mo iyong TV mo!” Tapos noong pag-open ko ng TV, nakita ko nga na nawawala iyongeroplano. Maulan-ulan pa noon, ‘di ba? Nagpunta kami ng Crame tapos noong nagsimula na iyongtrabaho—unang-una, para kaming mga Dumbledore’s children na nawawala iyongiyong source ng direction in everything. So, ano nang gagawin natin? Eh, ang babata pa nila. Sa grupo namin na iyon, you were 24, si Mina was—

    JOAN DELA CRUZ: 27 siguro.

    SALVE DUPLITO: 27. Si Boyet… Ako na iyongpinakamatanda, ha. [laughs] Tapos, sa totoo lang—

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Siyempre, hindi mo binanggit iyongedad mo. [laughter] Pero sige, okay na iyan.

    SALVE DUPLITO: Okay na iyon, ‘di ba? Pagdating na pagdating ko doon medyo madilim na. Siyempre, iyakan muna kami. Tapos… pero immediately, the way Sec. Jessewould do it, ano, listahan na ng mga gagawin. So ang task ko is to write already the press release, dalawang version—isa, assuming na mahahanap siya; iyongisa, assuming na hindi. Tapos, sila, lahat na ng mga gagawin—

    JOAN DELA CRUZ: Parang matrix of all the important stuff na—

    SALVE DUPLITO: Nag-matrix, nag-tabbing, very organized—the way Dumbledore would do it.

    ELY: At siyempre, siguro mensahe niyo na langmuna sa ngayon para po sa ating mga kababayan at ngayon ginugunita natin, ano, iyonganibersaryo. Bagama’t ito’y malungkot na araw, ‘di ba? Dahil sa iyong pagkawala ng dating kalihim. Sige, ano ang inyong mensahe?

    JOAN DELA CRUZ: Sige, ikaw muna.

    SALVE DUPLITO: Okay, ako muna. At this point, hindi lang dito sa bansa natin, globally as well, the world is looking for great leaders and marami nang mga pag-aaral. Marami nang sinasabi kung ano iyongqualities ng great leaders na dapat hanapin natin kasi napakahirap ng sitwasyon ngayon ng mundo. We’re in chaos. We’re facing industry 4.0. Ang problema dito: papaano ba iyongordinaryong tao makakalabas ng kanilang boses para iyongfuture natin is not as dark as some people would say it is. Para sa akin, sobrang unique iyongpinakitang leadership qualities ni Secretary Jesse, and sana, hindi siya makalimutan. Iyongconcern para sa ordinaryong Pilipino, iyongbilis ng aksyon, dahil nga matagal siya sa lokal, naiintindihan niya iyongmga urgency na mga kailangan gawin. Kung may kailangan gawin, gagawin talaga. So, the promise of that great leadership quality—makikita naman natin ngayon kay Ma’am, sa iba pang mga lokal na opisyal, national government, marami, within the government itself, marami pero sana hindi makalimutan iyon sa ilalim ng pulitika, sa ilalim ng bangayan, sa ilalim ng pag-aaway. Sana lumabas iyonat matutunan isa-Jesseng lahat ng tao iyongkaniyang qualities.

    ELY: Yes, okay.

    JOAN DELA CRUZ: Sa akin, siguro iyongmas personal na, lagi kong iniisip since noong namatay siya na, “Ano iyonggagawin ni Sec. Jessenung nandito siya?” At para sa akin, hindi lang iyongmga may luck—who were lucky enough to work with him dapat na ganoon—sana lahat. At iyong lagi kong pinagdadasal iyonghindi mawala sa akiniyonghopefulness ni Sec. Jessena laging may pag-asa ang Pilipinas.

    ELY: Yes, okay, salamat. At least siguro nabahaginan natin ng iba pang mga kakaibang kuwento, lalo na iyongmga taga probinsya, ano, Luzon, Visayas, Mindanao.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama.

    ELY: Okay. Salamat at sa ilang sandali, ito na po iyongating Istorya ng Pag-asa. Nako, importante ito. Magandang pag-usapan ito, Attorney.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo, dahil sa mga nangyari.

    ELY: Napapanahon ito at alam niyo naman iyong nangyari, iyong kay Gretchen Diez, ayon. Okay, oras ho natin 9:51 na po ng umaga. [music break; end of Gap 2]

    [GAP 3] ELY: Oras na natin siyamna minuto bago sumapit ang alas-10 ng umaga. Attorney, sige pakilala mo na.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: So, mapalad tayong umaga, Ka Ely,kasama natin ang isang actress, digital content creator, LGBT rights advocate at actually, dating konsehal ng Marikina tama, ‘’di ba?

    MELA HABIJAN: Hindi, hindi nanalo pero malaking bagay.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Hindi nanalo pero sumabak. Si Ms. Mela Hajiban.

    MELA HABIJAN: Habijan po. [laughs]

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Habijan, sorry. [chuckles]

    MELA HABIJAN: Okay lang po. Magandang, magandang umaga po,Ka Ely, and Cong. Barry. Maraming,maraming salamat po sa pagpapaunlak at pag-imbita po na makasama ko po kayo ngayong umaga. Good morning at sa lahat po ng mga nanunuod sa kani-kanilang mga Facebook sa oras na ito, magandang umaga po. At sa nakikinig po sa kani-kanilang mga tahanan.

    ELY: Okay. So ikaw bilang LGBT advocate ay anong take niyo ritosa nangyari kay Gretchen Diez?

    MELA HABIJAN: Masakit po bilang isang transwoman. Ako po ay isang transwoman.Ang ibig sabihinpo noon ay ipinanganak ako sa katawan ng lalaki pero ang puso, isipan at kaluluwa ko po ay babae. Masakit sapagkat una sa lahat may hindi pagkilala sa iyong katotohanan. Masakit sapagkat may pag-aakusa na ikaw ay makasalanan. Masakit sapagkat may pagtingin na ikaw ay mali, na ikaw ay hindi dapat, na ikaw hindi umaayon sa sistema na kung anong tinatawag na normal, sa sistema na kung anoang tinatawag na naayon sa batas ng lipunan at sa batas ng Diyos. Masakit po iyon,iyonghindi ka kilalanin at hindi ka tanggapin.

    ELY: Opo. Ayon. So, ano-ano pa ba, bukod dito sa ano, sa mga restroom na ganiiyan, ano pa ba iyong nararanasan niyo na kumbagasa ano–

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Discrimination.

    ELY: Diskriminasyon, opo.

    MELA HABIJAN: Marami po. Marami po sa mga kapatid kong transwoman ang hindi nakapagpatuloy ng pag-aaral dahil sa tinatawag nilang hindi pag-respeto sa appropriate dress code of the university. Pinili nilang umalis na lamang ng unibersidad dahil doon sa ganong polisiyana hindi maka-tao sapagkat naniniwala ako na ang edukasyon ay para sa lahat. Ang gusto lang ng aking mga transsisters ay mag-aral.

    Nandiyan din po ang mga hindi natatanggap sa trabaho on the basis of their gender identity. Ang gusto po lamang namin ay mag-trabaho. Maraming gusto mag-doktor pero hindi makapag-doktor, maraming gusto maging abogado pero hindi makapag-abogado just because we’re transwomen and we couldn’t be the best that we can be, we couldn’t fulfill our dreams just because we’re transwomen.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tingin mo, ano iyong bigger challenge? Kasi marami ngang kuwentong lumalabas about discrimination, iyong harassment,iyong pagpigil doon potential sana ng madaming transgender people, transwomen and transmen, pero so far most of iyongmga pino-propose na solution is legal. Nandiyan iyongSOGIE bill, nandiyan iyong recognition of gender identity legally ”di ba. Pero ano ba iyong mas malaking challenge? Is it really changing iyong the legal framework or iyong pagbabago nung kultura?

    Kasi halimbawa, noong binabasa ko itong account nitong si Gretchen, parang to a large extent, feeling ko iyong orientation din talaga nung kausap niya iyong naging problema, eh. Lalo na if you read all the hateful comments online,kita mo na mayroon talagang kailangan magbago din, doon sa kamalaiyan ng mismong tao na nakaka-deal natin on a day-to-day basis. Between those two, ano sa tingin mo iyong bigger challenge o hin’di ba tayo dapat mag-dichotomy sabay dapat iyong pagtulak natin?

    MELA HABIJAN: Nauuna naman potalaga iyong pag-unawa kung sino kami, iyong kultura kasi talaga na ang kasarian ay dalawa lamang, na ang kasarian ay lalaki at babae lamang, na ang nilalang ng Diyos aysi Adan at Eba. Doon kami nakakahon, eh, na may mga kagaya namin. It’s just so hurtful that in this day and age, wherein we got our strength to showcase that we do exist, that the L, the G, the B, the T, the Q, the I, the A, na sinasabi nila na bakit humahaba nang humaba? Humaba nanghumahaba sapagkat nagkaroon na nga ng pagkilala sa sarili at katotohanan. Na nahihirapan pang tanggapin kasi iyong kultura ay binary lamang. Iyong kultura ay naka-kahon lamang sa blue at pink, sa lalaki’t babae, sa reproductive organs na penis at vagina lamang.

    But then again our gender identity, our sexual orientation, our expressions are beyond our genitals. It’s psychological, it’s something within us and there’s nothing wrong with expressing who we are. It is never wrong to be truthful to ourselves, it is never wrong to be ourselves. Iyon sana iyong makita ng bawat isa na intindihin na—ito po, para kay Senator Dick Gordoonwhose stand is he finds it difficult because he’s adjusting—nag-adjust po kami all our lives. Pinilit naming umayon sa kung anong sinasabi ng lipunan, na ito dapat angpag-kilos ng lalaki, na ito dapat ang paraan ng pamumuhay ng isang lalaki pero hindi kami ganoon, eh. I hope he see’s that the fact that we have surpassed that identity crisis, and that we’re expressing who we are right now, made us happy, made us whole. Sana pagbigiyan kami ng mga Pilipino at ng taumbaiyan na ipakita namin ang aming katotohanan at mabuhay lang. Mabuhay lang ayon sa aming katotohanan.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Magandang mensahe.

    ELY: Pero dito ang nangyari kay Gretchen siguro mas maganda ay lalong nagbukas, ano, sakaisipan ng lahat at mismong, ito, iyong Araneta yata naglagay na sila ng para sa restroom sa mga transgender.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Parang gender neutral na.

    ELY: Pero mayroon naman na ngayon na—siguroisama nalang doon, ‘’di ba may hiwalay na iyong mga PWD, senior citizen,”di ba. May mga hiwalay sila,eh. So,ganon talaga. Pero mayroonnamangmga miyembro ng LGBT na talagang iyong iba,hindi naman kailangan mag-palda, iyong ganoon, may mga kuwestiyon na ganoon, eh. Na talagang oo, sabihin nating pusong babae, lalo pati sa entertainment, eh, pero hindi sila nagdadamit na ano, na mga ganoon.

    MELA HABIJAN: Iyon po iyong tinatawag na expression. Kaya po ang iyong SOGIE, ang ibig sabihin po niiyan ay Sexual Orientation Gender Identity and Expression. Hiwa-hiwalay po iiyan sa isa’t isa. Kasi ang sexual orientation, who are you attracted with, kanino ka nagkakaroon ng pagtingin. Iyong gender identity, ano naman ang tingin mo sa sarili mo. Iyong expression,paano mo naman gusto ipakita iyong sarili mo. So doon naman po iyon nakabatay. Ako, my gender identity is I’m a transwoman. I’m attracted to male beings and I express myself as a woman. That’s my identity as a human being and there’s nothing wrong with me.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Sa tingin mo ba, kasi na-revive ito or nabigiyan ng bagong focus itong current debate dito sa current SOGIE bill.Pumasa na kasi sa House iiyanlast time pero hindi lumusot sa Senado. So because of this particular incident, na-refocus iyong attention on that bill. Tingin mo ba that this is going to be a positive step forward kung maipapasa?

    MELA HABIJAN: Definitely po. Kaya nagpapasalamat kaming lahat kay Gretchen sa kaniiyang paglaban at pagtayo bilang isang transwoman. Kasi kung hindi ito nangyari sakaniya, mananatiling tahimik lang ulit iyong pagpasa sa SOGIE Equality Bill. Ang tagal tagal na pong nakabinbin ito sa Kongreso at sa Senado. Sana—

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo, 17 years yata.

    MELA HABIJAN: 19 years na going on 20 na. Ang hihingi lang po namin ay pagkilala, the recognition that we can be who we want to be regardless of our SOGIE. Mahirap po bang intindihin iyon?

    ELY: Okay, so, siguro maliwanag iiyanat habang wala pang batas, Attorney, siguro iyong bawat siyudad magkaroon ng ordinansakung puwede–

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Puwede, Quezon City mayroon. Kaya nga akakalungkotna sa Quezon City pa nangyari ito, eh.

    MELAI HABIJAN: I think hindi rin malungkot. Kundi, it’s a silver lining because–

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Mayroon kang legal recourse.

    MELA HABIJAN: Mayroon kang isang siyudad na nag-i-implement nito pero mayroon mga establisimiyento sa loob ng lungsod na ito na hindi pinapatupad iyon. So that means may problema iyong batas at may problema iyong pagpapatupad ng batas at mayroong problema sa pagsunod sa batas.

    ELY: Okay. So, Mela, salamatat kung ano man iyong hinaing pang LGBT,eh,handa naman tayo, Attorney,na bigiyan sila na nagpakakataon.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ako, mayhuli ano na langako kasi, iyon nga, nabanggit mo noong una na marami ngaang response when you talk about LGBTQIA+ rights, na bakit pahaba nang pahaba iyong acronym, hindi na maintindihan, etc. Ano iyong tingin mong simpleng mensahe para sa mga taong ito na para maintindihan nila iyong the idea of respect, maintindihan nila iyong idea of acknowledging iyong iba-ibang gender identity, orientation and expression?

    MELAI HABIJAN: Pare-pareho tayong tao, magkakaiba lang tayo sa loob natin. Ang normal sainyo ay maaring hindi normal sa amin. Your norm is not my norm but I happen to be a person who wants to be the best person that I can be. I just want acceptance in the sense that I want to live my life to the fullest at hindi po iyon mahirap. Hindi po iyon mahirapisa-buhay kung kinikilala niyo po ang aming pagiging tao.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Okay, magandang ano iyon,”di ba,Ka Ely. Sa dulo, tao tayong lahat.

    ELY: Yes, oo. Dapat lahat panty-pantay. Okay, Mela, salamat, ha. Good morning.

    MELAI HABIJAN: Salamat din po.

    ELY: So, Attorney, wala na tayong oras.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo nga, eh.

    ELY: Kailan banagawaran ng Ramon Magsaysay Award si Sec. Jesse? Parang 2000, ano?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo yata.

    ELY:Oo, August 31, 2000. Taong 2000. At namayapa po siSec. Jess,2012.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: 2012, August 18.

    ELY: May nag-text kasi na kaya lang daw nabigiyan ng award si Sec. Jesse dahilsa noongVice President na si VP Leni.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Parang sobranaman yatang fake newsiyon.

    ELY: Iyong nag-text sa atin, mag-Google ka. Okay? [laughs] Sige.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: GMG. [laughs]

    ELY: Kasi, ‘’di ba.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: I-Google na rin niya kung anong ibig sabihin noon. [laughter]

    ELY: Okay, Attorney, paalam na tayo.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Sige. Muli, maraming salamat, Ka Ely,at magandang umaga sa ating mga taga-pakining. Sana every week subaybaiyan niyo kami dito sa BISErbisyong LENI.

    ELY: Iyong mga taga-Naga, sa pamamagitan po ng ating DWNX ay nandiiyan po ang ating Bise Presidente diiyanpo saNaga. Sa pangalan po ni BisePresidente Leni Robredo, akopa rin ho ang inyong radyoman, Ely Saludar. Hanggang sa susunod na edisyon ng BISErbisyong LENIsa RMN.

    -30-

    Posted in Transcripts on Aug 17, 2019