This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI – Episode 1

    14 May 2017

    [GAP 1]

    ELY: Luzon, Visayas at Mindanao. At ngayon po ay araw ng linggo, Sunday, May 14, 2017. Mga kasama tayo po ay napapakinggan Luzon, Visayas at Mindanao. Ito po ang serbisyon- Bise serbisyong Leni mga kasama.

    At siyempre, naku importante at napaka-special ang araw na ito sa ating mga kababayan. Ito pong araw ng mga nanay. Araw ng mga mommy, araw ng mga ina.

    At siyempre mga kasama, sa pagkakataon na ito, makakasama natin ang itinuturing ng ina, nanay ng sambayanang pilipino. Si Vice President Leni Robredo. VP Leni, magandang umaga po sa iyo.

    VP LENI: Magandang umaga sa inyo, Ka Ely. Magandang umaga po sa lahat ng nakikinig ngayon sa atin sa DZXL.

    ELY: Okay po. Magandang umaga po, Madame Vice President.

    VP LENI: Magandang umaga, Ka Ely. Magandang umaga po sa lahat ng nakikinig dito sa DZXL. Sa lahat po ng mga nanay, Happy Mother’s Day po sa ating lahat.

    ELY: At siyempre mga kasama, tayo po’y mapapakinggan sa RMN Cebu, sa RMN Cagayan de Oro City, at siyempre sa RMN Davao, at sa inyo po sa pobinsya ni VP Leni, RMN Naga. Nandito rin ang ating mga taga-Cebu at Cagayan de Oro, taga-Davao, at siyempre sa taga-Naga.

    VP LENI: Maayong buntag sa tanan sa mga taga-Cebu po. Sa mga taga-Cagayan de Oro, Davao at siyempre sa Naga.

    ELY: Biserbisyong Leni. Ah ito po talaga kaya talagang totoong serbisyo sa ating mga kababayan at ibibigay ng ating Bise Presidente para po sa ating mga kababayan na nangangailangan ng pagkalinga at kung ano mang ayuda sa abot po ng makakaya ng ating pangalawang pangulo ng ating bansa.

    Madame Vice President, ano po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan, lao na po iyong mga ina, iyong mga nanay dito po sa ating bansa?

    VP LENI: Napakarami pong kahirapan ang pagiging nanay. Pinagdaanan ko din po iyan. Matagal na panahon, lalo na po noong maliliit pa po iyong mga bata. Talagang kulang na kulang ang oras, kulang na kulang ang mga ginagawa para sa mga anak.

    Lalo na po siguro sa mga kababayan natin na medyo, medyo kinakapos. Mamaya po mayroon po tayong guest, kanina kakuwentuhan ko na, kanina kinuwento niya iyong kahirapan na pinagdadaanan.

    Eto naman pong programa natin ni-launch talaga ngayong Mother’s Day. Tamang-tama baka kahit papaano maging daan ito, kahit papano makatulong po tayo sa kahirapan na pinagadaanan ng ating mga nanay.

    ELY: So binabati po namin uli ang ating mga ina at sa lahat po ng nandito sa ating bansa, maging sa lahat ng nasa labas ng Pilipinas. At kayo po bilang nanay, ina, ano nga ulet iyong tawag niyo sa iyong –

    VP LENI: Mama.

    ELY: Kanya-kanya kasi, may mga Nanay, Mommy, Mama. Medyo mga makabago, Mudra, kung anu-ano.

    Pero kayo po bilang nanay sa ngayon po, ano po ang kaibahan ngayong taong ito sa pagdiriwang at celebration ito po sa Mother’s Day?

    VP LENI: Iyong sa akin kasi, Ka Ely, naging mas mahirap ang pagiging nanay mula nung namatay iyong asawa ko. Halos limang taon na nung namatay siya. Ibang-iba iyong naging buhay namin nung wala na siya. Alam mo nung buhay pa kasi siya, siya iyong naging katuwang. Katuwang sa lahat, hindi lang sa pang-araw-araw.

    Pero lalong-lalo na sa pag-aalaga ng mga anak. Parang napakagaan ng buhay nung nandiyan pa siya. Pero siyempre nung nawala na siya parang ako na lahat. Ako iyong naghahanapbuhay, ako iyong nanay at tatay.

    Iyong oras talagang kumukulang, nung buhay pa iyong asawa ko nagtatrabaho din ako. Nung mga panahon na hindi ako puwede siya iyong nanay at tatay. Pero ngayon kasi wala na siya, at mas naging sobrang busy ako ngayon. Nung naging politiko ako, talagang hating-hati iyong oras. Lalo na ngayon na naging Bise Presidente tayo.

    ELY: Siguro sa kanilang banda, hindi pa mga paslit at mga bata.

    VP LENI: Oo buti na nga lang. Nung namatay po iyong asawa ko, iyong bunso ko ay 12 years old. Bata pa pero at least hindi na siya iyong hindi pa puwedeng iwanan.

    ELY: Mhmm, ayan po. At siyempre sa ating mga kababayan, dahil sa kapag sinabing Mother’s Day, mayroon din ho diyan, iyong mga single mother, single parent or sa termino ng iba, na-ano lang. So kayo po? Ano po ang masasabi ninyo sa kanila, Madame Vice President?

    VP LENI: Well, sa akin po naiintindihan natin kung gaano kahirap. Pero sa akin, iyong mga advice natin iyong parang iyong ginawa ko sa sarili ko. Kahit gaano kahirap, alam natin na bubuti din sa darating na panahon.

    Kaya ito, iyang pagtitiis parati iyang may kapalit. Iyong kahirapan laging may kapalit. So sabi ko, iyong parati kong ina-advise sa mga kaibigan ko din na magiging nanay, walang kapalit iyong mga oras na iginugugol sa mga anak.

    Parati kasing sinasabi, lalo na pag nagtatrabaho iyong mga nanay, parang sinasabi parati na iyong quality time okay na iyon. Tsaka parati kong sinasabi na hindi okay iyong quality time lang nang quality time. Ibig sabihin, lahat ng oras na puwedeng mong samahan iyong mga anak mo mas mabuti iyon. Kasi mas nakikilala natin sila.

    Talagang sinasali iyong mga anak sa kuwento ng buhay. Ibig sabihin, dapat maintindihan din ng mga anak kung gaano kahirap.

    Parang na-aappreciate nila iyong lahat nating ginagawa. Iyong sa akin naman, iyong mga bata, kasabihan niyan ano, madaling sumunod, madaling mag-adjust. Kaya sa akin kahit gaano kahirap, iyong mga bata nag-aadjust talaga.

    Gaya, Ka Ely, ng mga anak ko, nung buhay pa iyong tatay nila parang nakasandal sa pader. Eh iyong ngayon na nawala na iyong tatay nila naramdaman din nila kung gaano kahirap sa akin. At tumutulong.

    Iyong panganay kong anak siya na rin iyong pangalawang nanay ng kaniyang mga kapatid. Eto namang magkapatid, parang biglang tumanda lahat nung nawala iyong tatay nila.

    Ganon din sa ibang mga single parents, palagay kong alam nila kung gaano kahirap pero nakikita nila sa anak nila na nag-aadjust talaga.

    ELY: Pero Madame Vice President, sa ngayon ho talagang hindi nakakaila na mahirap talaga ang buhay ngayon at marami po iyong solong ina na napiliitan pong magtrabaho dahil sa solo po sila.

    At iyong iba hindi nga natin masasabing, nako iyong iba nga nasasabing napapabayaan na iyong anak o napapasa po sa pagkalinga ng ibang tao. Mas masuwerte po kung mayroon silang ina.

    VP LENI: Na may maiiwanan. Actually, Ka Ely, iyon din iyong problema ko kasi mag-isa ako dito. Iyong nanay ko nasa Bicol. Kaya pag wala talaga ako, parating, tingin ko lahat ito nararamdaman ng mga nanay, parang ang bigat ng pakiramdam pag tuwing lumalabas ng bahay.

    Parating na-guguilty ka na baka hindi mo mabigyan ng sapat na oras preo kailangan mo ngang magtrabaho.

    Pero gaya nga ng sabi ko, parati na lang natin iisipin na sa lahat ng kahirapan mayroong kapalit. Hindi naman nasasayang iyong lahat ng hirap at pagod.

    ELY: At siyempre, mas maganda na kilalanin natin lalo na po iyong mga OFWs na talagang ang masaklap po dito, mag-aabroad po, magtatrabaho sa abroad, aalagaan iyong ibang tao. Na iyong kanilang mga anak na nangangailangan ng pagkalinga, pag-aalaga, aalis po dahil po sa hanap buhay.

    VP LENI: Totoo, Ka Ely. Actually, bago po ako naging politiko, matagal na panahon, abugada ako para sa mga kababaihan kasi napakaraming problemang hinaharap ko.

    Napakaraming kliyente iyong mga OFW. Pa-minsan sila mismo iyong nasa labas. Pa-minsan naman sila iyong naiiwan dito at iyong mga asawa nila iyong mga nag-OFW.

    Ang problema nito, maami talagang problemang kaakibat nito. Paminsan iyong mga anak parang di tumitino. Siguro naghahanap ng pagkalinga ng nanay. Paminsan naman, iyong asawa nila naliligaw ng landas.

    Maraming mga bagay na pakiramdam ng ating mga kababayan grabeng sakripisyo nila. Tinitiis nila iyong lungkot. Tinitiis nila iyong hirap, pero parang napupunta sa wala iyong kanilang pinag-ipunan. Napakahirap talaga.

    Sa atin lang palagay ko dapat, napakalaki sanang tulong ng ating pamahalaan. Kung ang ginagawa, siguro hindi na kinakailangan lumabas ang ating bayan para magtrabaho.

    Na dito na lang magtrabaho kasi paminsan iyong ating mga kababayan akala nila sobrang ang sarap ng buhay ng nagtatrabaho sa labas. Pero pag nakita nila iyong mga condition, nakakaawa talaga.

    Ang tagal ng oras na ginugugol sa trabaho. Iyong onting kinikita, pinapadala sa kamag-anak nila sa Pilipinas. At iyong lungkot na hinaharap, grabe talaga.

    ELY: Pero siyempre kahit na sabihin natin na maganda ang kita pero lumilipas po iyong panahon. Hindi po ito kayang tapatan ng salapi.

    VP LENI: Totoo, Ka Ely, at ang nakakatakot dito, mayroon akong mga kliyente na ang mga asawa nila OFW.

    Kliyente ko babae, mga asawa mayrong mga seaman, matagal na matagal ng bumabiyahe. Nung nag-retire na iyong mga asawa nila, parati ng nandito iyong reklamo nila hindi na kami sanay. Hindi na kami sanay na may asawa kami sa bahay.

    Pero parang nakakalungkot. Parang ang tagal ng panahon na hinintay mong magkasama kayo, pero dahil nasanay ka na na wala ang isa’t isa, pagsama niyo para kayong mga bagong kasal kayong nag-aadjust. Kaya ano talaga, mahirap.

    ELY: Ah siyempre iyong sa relasyon ng magulang, kung iyong ina’y nasa labas ng bansa, masuwerte siya ito kung at least mayroon siyang asawa ditong nakakalinga at titingin po sa kanilang mga anak.

    Ang mahirap po iyong kung wala po ano. Ang pinakamasaklap ay iyong kung napagmamalupitan pa.

    VP LENI: Totoo, totoo. At marami po tayong kababayan, lalo na sa Middle East, marami kami parating bumibisita sa opisina na iyong reklamo ay iyong pagmamalupit ng amo.

    Marami iyong kahit ganoon iyong sitwasyon, tinitiis nila kasi kailangan ng pamilya nila ng pantustos sa araw-araw. Kaya nakakalungkot. Gaya sa atin, iyong palaging palaisipan natin ay iyong kung paano maipapaigi iyong ating ekonomiya dito.

    Para sana iyong ating mga kababayan, lalabas lang iyong gusto talagang lumabas. Hindi iyong lumalabas dahil iyon na lang iyong option na natitira para sakanila.

    ELY: May mga panukala po, Madame Vice President, na iniimbithan na po iyong mga OFW sa Middle East, lalo na iyong mga kababaihan sa Middle East at ang binabalik na pinakamalaking… Dahil sa maraming nang-aabuso sa ating mga kababayan, lalo na po iyong mga, sabihin natin naging kasamabay.

    VP LENI: Totoo, may mga kinukuwento sa amin Ka Ely, halos pare-pareho. Halimbawa, nung pumunta sila sa doon bilang kasambahay, hindi lang sila kasamabahay ng isang pamilya, kundi pinapahiram din sila sa mga kamag-anak ng kanilang mga amo.

    Hindi pa iyon, pag minsan iyong sweldo talagang… Oo. Iyong hindi pa natin sinasabi paminsan ginagahasa pa sila. Talagang ano, talagang iyong sitwasyon na medyo nakakalungkot ano?

    ELY: Okay, so ang pinag-uusapan namin ng Bise Presidente ay iyong mga sitwasyon, lalo na po sa mga nanay. Ako naoobserbahan ko ho dito, kadalasan kapag nag-abroad, nakaipon ng onti, ay pag dating dito ay parang fiesta ho. Kasi kung talagang titingnan iyong kanilang hirap na bawat araw na nangyayari sa ibang bansa, pag dating po dito at nakikita ang pera, talagang hindi nagagastos nang tama.

    VP LENI: Tsaka marami tayong nakakausap na OFW. Pag may ibang bansa tayo, nakakusap natin sila, sasabihin natin hindi ka ba uuwi para magbakasyon?

    Parati iyong dahilan nila, wala kasing budget. Iyong budget hindi lang sa pamasahe. Laging inaalala nila hindi kami puwedeng umuwi na wala kaming dala.

    Hindi kami puwedeng umuwi ng wala kaming pasalubong. Iyon daw yong mas malaki kaysa sa pamasahe. Parang nakakalungkot. Parang kailangan siguro naiintindihan ito ng mga pamilyang naiiwan na hindi naman ganoon kadali. Hindi talaga na masarap na mawalay sa pamilya. Kaya siguro pinapahalagahan din.

    ELY: Kasi mayroon po, iyong gobyerno natin mayroon silang mga seminar para kung umalis, para pag pupunta ka sa isang lugar, alam niyo iyong dapat o hindi dapat, iyong bawal.

    Pero siguo mas maganda siguro na pag datingan na dito ay magkaroon din sila ng seminar, gabayan din po sila ng gobyerno kung papaano gagastusin iyong pera at siguro iyong sa buong pamilya. Mabago iyong buong kultura.

    Kasi ultimo kahit kapitbahay. Pag dating ni ano galing abroad dapat may pasalubong kahit tsokolate. Siguro ano po iyong tingin niyo dito?

    VP LENI: Nung mayor pa yong asawa ko, Ka Ely, ng Naga. Inorganisa namin iyong mga pamilya ng OFW. Inorganisa namin iyong mga pamilya ng OFW sa amin.

    At iyong mga seminar kasi kung dito sa amin karamhan ng seminar parang sa OFW lang. Pero iyong sa amin sinubukan namin na isama pati iyong pamilya nung mga lumalabas. Hindi lang sa pag negosyo, pero sa values formation.

    Kasama na dito kung iyong ano iyong dapat asahan at iyong hindi dapat asahan sa kapamilyang umalis. Dito napakahalaga nito, tinuturaan sila na iyong pinapadala sa kanila hindi nalulustay.

    Na iyong pinapadala sa kanila, iyong sineset aside nilang percentage ay para sa savings. Alam niyo kasi kahit may sakit na nagtatrabaho sa labas ayaw umuwi kasi walang uuwian. Pero kung napipilit na iyong pamilya may maitatabi na pangnegosyo, pang-savings, para sa retirement, mas madali ito para sa atin.

    ELY: Okay, so iyon po iyong mga payo ng ating Bise Presidente. At bilang nanay ng samabayanan, siguro makakabubuti sa ating mga kababayan, iyong mga nakikinig sa atin ngayon, tingnan po na siguro salaminin po natin. Alam niyo po talagang napakahirap kumita ng pera sa labas ng bulsa.

    Iyan po ang mahirap. Dahilan ang dami ng sakripisyo iyong sa pamilya, sa lahat. Dito naman sa Pilipinas, halimbawa aalis ka nang madilim, dito sa Metro Manila. Maaring aalis ka, tulog pa iyong mga anak mo, pag dating mo tulog na.

    VP LENI: Tsaka ano, Ka Ely, ang buhay talaga dito mga nakahirap ganon na. Aalis nang madilim para makaiwas sa traffic, makarating ng opisina nang mas maaga. Uuwi, madilim na kasi na-traffic ulit.

    Tapos iyong mga nanay uuwi ng bahay, nagtatrabaho pa din. Na iyong parati kong tanong, ilang oras na lang iyong tulog. Minsan iyong mga sagot nila, nakakatulog naman sa bus. Natutulog naman kami sa jeep kapag sumasakay. Pero sa tingin ko iyong oras nasasasayang dito grabe.

    ELY: Okay para po sa inyong mga tanong, kung mayroon tayong nais na ipaabot sa Bise Presidente, kayo po ay mag text sa 09214311044. Maari kayong tumawag sa 8822376, 8822374 at 8822378. Iwan niyo na lang po ang inyong mensahe dahil sa kulang po ang ating oras. Okay, text o tawag po dito sa ating palatuntunan.

    ELY: Okay, samantala, mayroon po tayong makakausap. Pero itatanong lang natin Madame Vice President, iyong mabutihing inay na si Mommy Sally at nagbabasa ako sa salamat sa Philippine Daily Inquirer, pati sa ating programa nailabas din po. So kumusta na po si Mommy Sally?

    VP LENI: Nako, iyong nanay ko nasa Naga ngayon. Ano siya, mga 81 years old na siya sa September. Iyong nanay ko po hanggang ngayon nag-dadrive pa rin at nagtuturo pa din. Nagsimula po siyang magturo 18 años pa lang.

    ELY: Ilang taon na po siya ngayon?

    VP LENI: 81, mga 81 po pero nagtuturo pa din. Independent pa rin, Ka Ely. Sinasabi ko sana pag edad ko nang ganyan, ganyan din ako.

    ELY: So sa tingin niyo ano ho ba ang sikreto ni Mommy Sally at umabot pa ng 80? Ano ho ba ang dahilan? Dahil doon sa inyong probinsya? Maganda po ang kapaligiran, wala pong masyadong polusyon o sa kaniyang lifestyle? Ano po iyon?

    VP LENI: Sa tingin ko lahat. Unang-una, masayahin. Hindi masyado hindi nagpoproblema ng hindi naman dapat problemahin. Pangalawa, aktibo talaga siya Ka Ely. Hindi nagpapahinga.

    Talagang mula nang maliit kami hanggang ngayon. Busy-busy pa rin. Paminsan nga iyong biro ko sa kanya parang mas busy siya sa akin. Pangtalo, iyong buhay probinsya din.

    Napakasuwerte kami doon sa Naga na ang lakad mo alas-otso, aalis kami quarter to 8, aabot ka pa din. Makakaabot ka tanghali. Nakapagpananghalian, puwede pang magsiesta. Hindi na la-late sa opisina. Pag alas-sinkong labasan, alas-sinko y media, wala pang 5:30 nasa bahay ka na.

    ELY: Napakabilis po, wala masyadong stress.

    VP LENI: Opo, wala masyadong stress at may panahon ka pa para sa lahat.

    ELY: Ah masarap talag kapag buhay probinsya ano? Ah iyong ilan nating kababayan nananawa na po siguro sa paulit-ulit sa iba, pupunta, makikipagsapalaran dito sa Metro Manila. Makikipagsiksikan at kung saan saan titira. Ganoon po talaga iyong sitwasyon. Kulang po ba ang oportunidad sa probinsya?

    VP LENI: Kulang talaga, Ka Ely. Iyon din iyong ating itinutulak. Iyong pagprogreso hindi lang dito sa Metro Manila, pati doon sa mga probinsiya. Hindi lang para sa mga tagaprobinsiya pero dito rin para sa mga taga-Manila.

    Kasi ngayon tinitingnan natin, siksikan tayo nang siksikan. Nung head pa ako ng HUDDC, iyon iyong pinakamalaking problema namin kasi napakaraming pabahay iyong kailangan dito sa Manila, pero wala ng lupang available.

    Kaya mag-rerelocate tayo sa labas ng Manila dahil kulang nga iyong available dito. Pag iyong nilabas naman sa Manila, iyon din iyong problema parehas dito. Walang oportunidad sa trabaho, napakalayo. Kaya ano talaga, isang problema siya na umiikot lamang. Kaya siguro iyong long-term solution talaga siguro, iyong progreso ilalabas na sa Manila.

    ELY: Siguro sa mga susunod nating, bigyan natin ng episode iyan nandito po tungkol sa pabahay. Siguro iyong maaari nating maibahagi sa mga kababayan. Ayan so, maya-maya makakausap ho natin, maganda ho ito, at ano ito, iyong sa Angat Buhay. Meron po kayong mga advocacy Ma’am, na may makakausap tayo mamaya. Ang ating studio guest si Ma’am Dyan Rodriguez.

    [GAP 2]

    ELY: Okay balik ho tayo, mga kasama. Siyempre uulitin po natin. Tayo po ay pinakikinggan sa DZXL-RMN Manila at syempre sa RMN DYHP 612, RMN CDO DXCC 828, RMN Davao DXDC 621, at RMN Naga DWDMX 91.1.

    At siyempre sa ating mga kababayan na mahilig po sa social media at sa Facebook ano? Ang ating Facebook Live sa RMN News Nationwide. I-type niyo na lang, i-search niyo na lang sa inyong FB ang RMN News Nationwide-The Sound of the Nation at inyo na pong mapapanood live. Iyong ating palatuntunan kasama ang Bise Presidente. At Madame Vice President, balik po tayo ulit.

    VP LENI: Magandang umaga muli, mayroon po tayong guest muli at napakapalad na nakasama po natin ngayon si Ms. Dyan Rodriguez, siya po iyong advocacy coordinator ng Action against Hunger. Pero konting background lang. Ka Ely kung bakit natin inimbitahan si Ms. Dyan ngayong umaga.

    Linggo-linggo kasi umiikot kami. Umiikot kami sa pinakamahihirap na lugar dito sa bansa natin. Meron kaming isang trend na nakikita na mas mahirap iyong lugar, mas marami kaming nakikitang mga bata na iyong sa atin bansot.

    Naalala ko pumunta kami, Ka Ely, sa Agutaya, isang munisipyo ito sa Palawan. Parang hindi nagkakalayo iyong tangkad ng mga Grade 5 sa Grade 1.

    Nagtatanong kami bakit kaya ganon? Ang sabi po sa amin sa doctor na kasama natin, iyong condition po na iyon ang tawag – stunting. At iyong stunting pala ay napakalaking problema dito sa ating bansa. Kaya natin inimbitahan si Ms. Dyan, kasi isa itong ang tawag nga – parang tahimik na magnanakaw.

    Kasi hindi natin napapansin, pero andaming kabataan na nananakaw sa atin dahil lang dito sa stunting.

    ELY: Kasi iyong iba po hindi po siguro alam nila, na may mga ganyan na sabihin natin, hindi ganon ka-ano. Sasabihin na naku, kanino kaya nga mana iyan?

    VP LENI: Ay totoo.

    ELY: So sinisisi nila sa ganon, pero hindi alam nila na may kakulangan po ata.

    VP LENI: Totoo kasi sa atin, parang isinantabi lang natin. Sabi lang natin maliit.

    ELY: Naku, eto bansot, mana siguro ito sa lolo mo. Eh mga magulang mo matatangkad.

    VP LENI: Kaya ngayong umaga po i-welcome po natin si Ms. Dyan Rodriguez. Gaya po ng sabi ko kanina siya po iyong advocacy coordinator ng Action against Hunger. Magandang umaga sa iyo, Ms. Dyan.

    RODRIGUEZ: Magandang umaga po, Vice. Happy Mother’s Day.

    VP LENI: Happy Mother’s Day.

    ELY: Happy Mother’s Day po.

    VP LENI: Sabi po namin kanina, Ms. Dyan, kaya po namin kayo inimbitahan kasi gusto namin maintindihan iyong sitwasyon ng nutrisyon ng mga kabataan natin dito sa Pilipinas. Ano ho ba iyong assessment natin?

    RODRIGUEZ: So thank you po, Vice, sa question. Napakahalaga po na tanong. Marami po kasi hinaharap na problema ang ating bansa, pero isa sa mga problema na hindi masyadong napapansin ng karamihan is iyong problema ng undernutrition.

    Mayroon pong tatlong klase ng undernutrition, iyong isa po ay iyong kakulangan sa timbang, or underweight. Pagakapayat or Wasted. Tapos, pagkabansot or stunting or stunted iyong bata. Malaking problema po siya kasi latest po na datos ng National Nutritious Survey, 3.7 million na bata na 0-5 years old na Filipino ay stunted. At nabanggit niyo po kanina na malaking epekto ito sa height. Pero ang stunting, hindi lang siya linear growth or sa height.

    VP LENI: Pati po sa timbang.

    RODRIGUEZ: Pati sa cognitive development din, Vice. So iyong future din nung bata most probably hindi na p productive, kasi iyong mental development niya hindi ganon ka improved.

    VP LENI: Ito ba ho Ms. Diane iyong sinasabi nating parang bobo. Di ba parang sinasabi natin na parang mahina iyong, mahina naman ng batang ito bobo, pero actually hindi iyon pagka-bobo. Pero apektado pa iyon ng kaniyang malnutrition, di ba?

    RODRIGUEZ: That’s true, Vice. Lalo na ikaw na ang dami mo nang na-meet na mga Pilipino sa ibang lugar. Hindi lang sa mga bata. I’m sure may mga nakausap ka na na mga Filipino adults na hindi nila kaagad maintindihan kung ano iyong punto mo.

    VP LENI: Totoo.

    RODRIGUEZ: Mahirap iyon. At marami sa kanila, parents na rin, caregivers, hindi din nila alam kung paano alagaan iyong mga anak nila.

    VP LENI: Totoo. I-kuwento ko lang sa inyo Ms. Dyan, pumunta kami, isang Sabado yata o isang Biyernes, sa isang munisipyo sa Bulacan. Ang pangalan ng munisipyo ay Donya Remedios Trinidad, isa siya sa mga pinuntahan namin kasi nalaman namin na isa siya sa pinakamalaking malnutrition rates.

    Nung pumunta kami doon, inipon namin iyong mga bata na malnourished pati iyong kanilang mga magulang. Pinasalita namin sila isa isa iyong mga magulang at mayrong isang common sa kanila.

    Iyong common sa kanila walang maayos na trabaho ang mga magulang nila. Kaya nakita niyo ba iyong relationship na ito na iyong kahirapan contributory factor pa ito sa malnourished children?

    RODRIGUEZ: Totoo iyan, Vice, kasi sa National Nutrition Survey, pinapakita niya na every stunted children naka-specify saan ba sila. Nasa Eastern Visayas, Southern Luzon, Autonomous Region of Muslim Mindanao, at apektado talaga indigenous people.

    More than 70% galing sa rural areas. More than 50% galing sa mga mahihirap. So, mayron siyang connection, at ang worse po, Vice, ang stunting po ang consequences po niyan ay intergenerational.

    VP LENI: Ang gustong sabihin ng intergenerational ay parang napapasa, napapasa siya mula sa magulang hanggang sa mga anak hanggang sa apo.

    RODRIGUEZ: That’s true.

    ELY: Mana-mana po iyan.

    VP LENI: Mana-mana siya, Ka Ely, kasi halimbawa kapag buntis siya. Iyong buntis na malnourished mismo iyong buntis. Chances are ay kapag nanganak siya, malnourished din iyong anak niya din. Tsaka, tsaka tama iyong mga sinasabi Ms. Dyan, na mas mabuti pang maiwasan kaysa parang gagamutin mo habang malnourished na.

    RODRIGUEZ: That’s right.

    VP LENI: Mayron nga iyong kampanya, Ka Ely, ngayon iyong DOH na kabahagi din iyong opisina namin. Iyong tinatawag na first 1000 days.

    Ah nabasa ko nga kahapon, mayron na ding bill na inihain nito sa Senado, at siguro sa House of Representatives mayron na din, iyong First 1000 days, Ka Ely, iyong day 1 nagsisimula pa lang sa pagbubuntis palang ng nanay. Ito iyong first 100 days na kailangan alagaan na talaga, kasi after the 1000, Ms. Dyan, tama po ba iyong pag intindi ko Ms. Dyan, na mahirap ng i-reverse, mahirap siyang gamutin.

    RODRIGUEZ: I-reversable na talaga siya, Vice, kasi iyong klase ng undernutrition na wasting, ang epekto noon, puwedeng mamatay agad iyong bata. Chances ang taas.

    Pero iyong stunting, hidni ganon ‘no? Nakaka-survive. Pero iyong epekto nga sa height, sa cognitive development, hindi na iyon basta basta maibabalik.

    VP LENI: Iyong cognitive, iyon ito iyong parang sinasabi natin na parang common na, anong tawag dito, iyong talino ‘no? Ito, Ka Ely, iyong nakakatakot kasi hindi lang pala sa tangkad iyong naaapektuhan sa bata kundi pati iyong kaniyang talino. Paminsan, sasabihin lang nung magulang na mahina iyong ulo ng anak ko o bobo iyong anak ko. Iyon pala ito ay dala pala ng stunting.

    ELY: Sa pag bubuntis pa lang ay dapat kailangan talagang alagaan.

    VP LENI: Dapat naaalagaan na kasi kung maganda iyong nutrition ng nanay, malaki rin iyong chances na maganda iyong nutrition nung bata. Tsaka ito, Ka Ely, iyong nakakatakot kasi after nung first 1000 days sabi nila i-reversable, ibig sabihin kahit pa bugbugin natin ng intervention, kahit na bigyan ng napakadaming pagkain, after the 1000 days nawawalan na rin siya nang epekto.

    ELY: Opo, pero dito po kadalasan sino ho ba iyong? Kasi marami iyong, dito sa Pilipinas may mga ano na-may mga, may mga data na nagsabi na kadalasan po iyong mga kabataan, kabataan na wala pa ho sa panahon na magbuntis. At ay, hindi pa ho, napapabayan, kung baga sa ano bahala na. Ganito ho may mga, mayroon ho ba kayong bilang na ganito, statistics?

    RODRIGUEZ: Actually po isa talaga sa underlying causes ng teenage undernutrition ng teenage pregnancy. Isa siya sa top 3 causes. At maliban doon, isa pa sa doon, number 1 factor talaga ang poverty. Kasi ang dahilan naman po kung bakit naging undernourished ang bata, wala po siyang access sa services. Nutrition services, pano mag-alaga nang maayos ng bata, caregiving. So dahil sa lack of access, nagiging undernourished iyong bata.

    ELY: Ayon, at lalo na siguro tuloy ang mga walang health center.

    VP LENI: Or napakalayo. Iyong nakakatakot kasi it o, Ka Ely, kasi iyong sinabi ni Ms. Dyan kanina, iyong tatlong klaseng malnutrition. Iyong isa undernutrition, kulang lang siya sa timbang sa average. Tapos iyong isa sa wasting, it iyong nakikita kaagad diba Ms. Dyan? Kasi ito iyong sobrang payat.

    Parang tayo, ako, kapag umiikot ako parang iyong una kong napapansin kapag malnourished iyong bata pag sobrang payat sinasabihan ko iyong nanay nung bata, dalhin natin ito sa health center. Pero iyong stunting iyong nakakatakot kasi akala mo nga pandak lang. Akala mo parang genetic lang sa kanila. Hindi mo –

    ELY: Kasi po sasabihin po natin sa mga Pilipino, “‘Di ganyan talaga ang mga height ng mga Pilipino”.

    VP LENI: Hindi, tsaka paminsan okay naman iyong katawan nila. Parang malusog naman kung titingnan pero pandak lang, iyon pala stunting na iyon. Dala na ng malnutrition, kaya hindi mo alam na iyong talino niya ay nakakainan na dahil ng kaniyang malnutrition.

    Na-explanation nga ng ito Ms Dyan, ano daw? Parang kung kulang ang nutrisyon ng na pumapasok sa katawan mo, hindi lang iyong katawan mo iyong nakakainan pero pati iyong utak. Kaya ito iyong parang binabalanse niya.

    Kaya ito parang nalalaman na late na. Iyon pala ay stunted na. Iyong sa atin lang napansin maraming, kung kahit saang barangay naman tayo pumunta, mayroon namang feeding programs. Parang hindi naman nagkukulang sa feeding programs.

    Pero iyong napapansin ko naman Ms. Dyan, na paminsan may mga feeding programs na hindi naman na iyong parang hindi conscious sa sukat. So ang gustong sabihin, nag-fifeeding nga ng nag-fifeeding pero hindi naman binibilang kung ano iyong improvements sa timbang at height ng mga bata.

    Na baka mas mabuti bago masimula ang kahit anong feeding programs, mayroong baseline. Di ba parang, parang mayroong pinagsisimulan at mayroong mga targets, para alam natin kung epektibo iyong mga ginagawa.

    Kasi iyon nga, feeding ng feeding, hindi naman nagagawa. Paminsan late din medyo late na iyong feeding. Kasi iyong programa natin sa gobyerno, halimbawa, DSWD nag-fifeeding tayo sa day care centers. Uhm pa-minsan, uh medyo huli na ito, kahit nag fifeeding sa day care centers, pag medyo malala na iyong condition, wala na ding talagang epekto.

    ELY: Iyon iyong talagang sinasabi na bansot talagang hindi na kayang, hindi na kaya pong gamutin or halimbawa bigyan na ng kahit anong masusustansya, wala na pong katapusan iyang mga ganyan.

    VP LENI: At the age of ano?

    RODRIGUEZ: 5 years old.

    VP LENI: After the age of 5 years old, i-reversable na siya. Kaya kung ano man iyong tulong na ibibigay, dapat bago mag-5 years old iyong bata dapat maibigay na.

    ELY: Siguro mga sanggol palang dapat na.

    RODRIGUEZ: Nabanggit po ni Vice iyong first 1000 days. Iyong from pregnancy hanggang 2 years old, ito po iyong pinaka-critical. May nabanggit nga po iyong dating direktor ng World Bank, na iyong poor po na potential na Filipino workforce dahil sa under investments sa pinaka-critical na age na ito.

    So napakahalaga na dapat may investment. At iyon nga po nasabi ni Vice na ang wasting po klaro. For example po, Sir, two days ago galing po ako ng Zamboanga dahil may proyekto kami doon.

    Ang latest po na bilang namin ng severely acute malnourished sa transitory site sa Zamboanga ay 30 children. Alam po namin kung paano gamutin pero iyong mga severely stunted po hirap na so napakahalaga na iyong intervention para sa gray matter. Iyong gray matter na hindi natin nakikita na nasa brain dapat bigyan tugon ng pamahalaan.

    VP LENI: Tsaka ano ito Ka Ely parang may isang study, may isang pag-aaral na sinasabi na kailangan dagdagan pa ng pamahalaan iyong budget para sa nutrisyon kasi parang iyong world average 2.1% ata.

    2.1% ng buong budget napupunta sa nutrisyon pero sa atin parang .52% lang so malayo pa tayo sa world average. Kaya yung sa atin sa laki ng problema natin sa stunting, sa laki ng problema natin sa malnutrition kailangan talaga itong tutukan.

    Pero kapag tinignan kasi natin iyong numbers, parang nakakabigay tayo ng tulong sa mga wasted dahil iyon yung, ang wasted iyong mga sobrang kulang sa imbang, ito iyong sobrang mga payat.

    ELY: Di po ba sa eskuwelahan ngayon may mga feeding program, pero 7 years old pataas na. Siguro mas maganda po kung may mga senador tayo o congressman na mag-file ng bill siguro sa sanggol pa lang magkaroon na ng feeding program.

    VP LENI: Totoo.

    RODRIGUEZ: The earlier the better talga. Nabanggit din po sa isang discussion in the Office ni Vice before dapat may feeding program for pregnant mothers.

    VP LENI: Actually sa Naga, ginagawa namin iyon may intervention talaga mula sa mga buntis. Nababasa natin na maraming panukala na magkaroon ng school meals. Ang gustong sabihin, ilibre na kahit iyong pananghalian ng paaralan.

    Ok naman iyon kasi sinisiguro natin na yung mga nag-aaral walang nagugutom. Kasi ngayon marami tayong school children na papasok sa paaralan na talagang gutom. Pero kapag may school meals hindi na magugutom pero hindi ito enough.

    Ibig sabihin hindi siya sapat dahil kung lampas ng 5 yearls old hindi mo na rin magagamot kaya dapat talaga sana sa mga communities may mga feeding programs mula pagbuntis hanggang sa baby hanggang sa paglaki na.

    Ikuwento ko lang nang kaunti, nagkaroon kami ng pagkakataon na tignan ang Zero Hunger Program ng Brazil. Napakaganda doon kasi talaga doon lahat ng paaralan ang mga bata bawal magbaon ng pagkain dahil lahat ng schools may nutritionist na talagang ma ano yun, talagang nutritious iyong mga meals na binibigay.

    Ito mula umaga hanggang hapon. Pero puwera dito, meron sila sa mga mahihirap na communities mayroon silang tinatawag na mga community centers pero restaurant siya. Restaurant na para sa mga mahihirap, piso lang iyong bayad. Sa pisong bayad ng ulam, mayroon ka ng maraming pagkain na iyong nutrisyon sapat.

    Nilalagay na niya ito sa mga mahihirap na mga lugar para kahit walang wala ka, puwede ka pa rin kumain. Ito ay isang panaginip natin sa bansa natin na at least sa mga mahihirap na lugar, mayroong pagkakataon na makakain pa din yung mga mahihirap kasi hindi lang naman iyong mga bata ang kailangang alagaan kundi pati iyong matatanda. Kasi sila din iyong mga magulang ng mga batang puwedeng maging malnourished.

    ELY: Kung minsan dito po halimbawa sa Metro Manila na may mga sapat ng health centers pero iyong ibang nanay dahil sa sobrang busy, nagtatrabaho, iyong iba sa gawaing bahay o yung iba mas maraming anak, hindi po napapasyal sa health center. Hindi po nila nakukuha itong mga benepisyo.

    VP LENI: Napakaraming ganito, Ka Ely. Iyong isang panukala ko nga noong ako ay miyembro ng House of Representatives ay sana gawin nang mas permanente iyong status ng ating barangay nutrition scholars at barangay health workers.

    Dahil ito talaga iyong mga taong nagpapagod magbahay-bahay para siguruhin na ang nutrition at kalusugan ng mga residents naaasikaso. Ang problema, sila ay volunteer workers.

    Napakakonti ng allowances na nakukuha siyempre kanya-kanya din. May problema din iyong kanya-kanya pero iyong panukala ko sana, sana permanente na sila na sinusuwelduhan ng pamahalaan para iyong mga malalayo masyado na bahay, iyong mga nanay hindi masyadong nakakapunta sa mga centers napupuntahan sana ng mga BNS at BHW.

    RODRIGUEZ: Napakahalaga ng punto ni Vice, kasi iyong present law po for BNS, Presidential Decree 1659, 70s pa po ito. Never pa po siyang na-update. Ang nakasulat sa law ang honorarium ng BNS, 120 pesos a year so ang hirap po talaga ng situation.

    Regarding po sa sinasabi mo, totoo yan, Sir. May dalawang screening po tayo na tinatawag. Passive screening at active screening. Iyong passive screening iyong regular na schedule sa health center. Pero kung ang BNS po empowered, may mga pamasahe po na pumunta ng purok puwede po nila kasi kilala nila iyong mga stunted, sila po mismo pupunta. Pero iyon nga po hindi empowered at karamihan dito nasa poor areas. Geographically isolated areras so kailangan talaga ng government support.

    VP LENI: Tsaka yong mga BNS at BHW natin Ka Ely, talagang nakakaawa iyong sitwasyon, abonado. Talagang iniiwan ang sariling responsibilidad sa pamilya para makapaglingkod lang.

    Tingin natin hindi ito makatarungan. Kasi kung titingnan natin mas mahirap iyong trabaho nila sa atin kasi sila talaga iyong nagbabahay-bahay kaya iyong sa akin lang sana ito iyong matutukan natin, matingnan kung papaano mas matutulungan sila kasi iyong tulong sa kanila hindi naman para sa kanila iyon personal. Iyong tulong sa kanila para sa mga kababayan nating kailangang marating.

    ELY: At siguro iyong mismong community tulungan din po nila. Di ba may nangyari pa iyong doktor sa barrio napatay kawawa naman. Kapag ho ganyan sila mismo dapat babantayan nila proprotektahan. Nagmamalasakit po hindi para kumita kundi para makatulong po sa taumbayan.

    VP LENI: Totoo. Eto maswerte tayo na mayroon tayong mga doktor, marami na akong na-meet sa kanila na mga doctors to the barrios na pagkatapos maka-graduate ng medisina, pagkatapos makapasa ng board, talagang pumupunta sa malalayong lugar.

    Pero ito talaga ang inaasahan natin Ka Ely, iyong mga barangay workers kasi ito yung hindi natin kilala pero sila iyong nakakakilala ng mga tao. Iyong sa akin kaunting incentive lang talagang sobrang daming kapalit na serbisyo.

    Doon sa amin, ang problema kasi Ka Ely depende din sa pera ng barangay o pera ng munisipyo. May iba na 200 a month ang nakukuha mayroong iba na 500 per quarter.

    Iyong mas mayaman na munisipyo at barangay, mas mataas-taas pero dapat sana hindi ganito dahil ang serbisyong binibigay sa mayaman na lugar at mahirap na lugar pareho lang at mas mahirap ata iyong nasa mahirap na lugar. Kasi iyong kailangang lakbayin ay napakalayo talaga.

    ELY: Bago po tayo magtapos kay Ma’am Dyan, baka po mayroon kayong mga panawagan o mga proyektong gagawin.

    RODRIGUEZ: Iyong Action Against Hunger, parte naman po ng PHILCAN na coalition, patuloy po kaming sumusuporta sa mga inititatives para ma-address ito. Isa po doon maipasa ang First 1000 days bill, at mai-prioritize din ang pag-ammend ng BNS na policy.

    Supportive din kami po sa advocacy ng Vice President kasi naniniwala po kami na ang leadership at political will kailangan po sa advocacy niya po.

    ELY: Maraming salamat po.

    VP LENI: Maraming salamat po Ms. Dyan. Pasensya na po at Linggo pinagtrabaho namin kayo pero katrabaho namin siya sa aming Angat Buhay Program. Maraming salamat po.

    [GAP 3]

    ELY: Magbabasa lang po tayo ng mga text bago tayo pumunta kay Nanay Lorna. Good morning po. Para po kay VP, happy mother’s day po at nanay para po sa bahay at para sa laylayan.

    Ipagpatuloy lang po ang pagtatrabaho. Tulungan po natin ang bawat isa iyong suporta po sa inyo. Mabuhay ka VP, mabuhay ang Pilipino at mabuhay ang Pilipinas. From Dubredo kami.

    Eto rin po Happy Mother’s Day po, kailangan kayo ng Pilipinas, kayo po ang may pinakamatinong pag-iisip sa lahat ng mga opisyal ng gobyerno ngayon mula kay Kris ng Caloocan.

    Pasadahan lang po natin ito para kay VP Leni, Happy Mother’s Day po at since mother’s day ngayon, ano po ang current projects ng government ngayon para sa mga unemployed moms lalo na sa mga single moms? Maraming salamat po mula kay Christine ng Bulacan.

    VP LENI: Ely kabahagi ito ng ating Angat Buhay program, mayroon tayong women empowerment, ang gusto natin dito magkaroon ng livelihood opportunities ang mga kababaihan na hindi puwedeng mag-opisina dahil may mga anak na binabantayan. Pumupunta tayo sa mga communities na mahihirap at ni-lilink natin sila sa mga malalaking kumpanya na puwede silang maka-supply doon ng pangangailangan.

    ELY: I would like to ask Mrs. VP Leni kung papaano niya matutulungan ang mga pangagailangan ng sambayanang Pilipino na hindi na pumunta sa ibayong dagat para magtrabaho. Ano po ba ang alternative na paraan upang maiwasan ito mula kay 0232?

    VP LENI: Ito iyong pinag-usapan natin Ka Ely kanina na dapat palakasan natin ang ating ekonomiya para maraming trabaho ang maging available dito sa loob Pilipinas.

    ELY: Ito naman po mula sa Bukidnon, tanong ko lang po kay Vice Leni ano po ang secret niya sa kanyang kagandahan? Simple talaga at elegante mula kay Marilou ng Bukidnon.

    VP LENI: Parati lang pong masaya.

    ELY: Naku andami po hong mga text pasensya na po kung hindi mabasa.

    VP LENI: Ito rin po Ka Ely binigyan din po kasi ako ng listahan, iyong may tinatanong tungkol sa 6 year old na anak niyang special child, i-kokontak po namin siya pagkatapos ng programa.

    ELY: Narito po sa ating studio si Nanay Lorna Tambawan.

    VP LENI: Bago po natin mapakinggan si Nanay Lorna, inimbitahan po natin siya kasi napakalaking inspirasyon nito para sa ating lahat. Nakilala ko siya sa isang programa sa Ayaa museum di ba Nanay Lorna? Isa po siya sa mga fineature na ang kanyang kuwento ay Istorya ng Pag-asa.

    Si Nanay Lorna po, single mother pareho ko din pero si Nanay Lorna kinuwento sa akin, ang alam ko lang si Nanay Lorna nagbebenta ng turon pero kinuwento niya sa akin kanina nagkakariton pala siya.

    Umiikot siya sa Cubao, E. Rodriguez, pero sa kanyang pagsusumikap bilang single parent, ang kanyang pagkakariton, pagtitinda, pagluluto ng turon, pagsasari-sari store, napatapos niya iyong kanyang mga anak. Iyong kanyang panganay ay third year law student ngayon na scholar.

    Nagtatrabaho sa isang pribandong kumpanya. Na-meet ko na siya noong nasa Ayala Museum kami. Iyong pangalawa niya ay nurse nasa Dubai. Iyong iyong katuwang ni Nanay Lorna ngayon. Pangatlo naman teacher sa Cuba. Ang pang-apat kasama niya ngayon, itong pang-apat isa rin siyang inspirasyon.

    Alam mo Ka Ely itong pag-apat na ito, iyong bunso ni Nanay Lorna, third year siya pero intarmed sa UP. Sa mga hindi nakakaalam kung ano iyong intarmed, parang 50 lang ang nakakapasok o 40 lang ang nakakapasok taon-taon at ang nakakapasok dito ay iyong pinakamatatalino.

    Iyong intarmed ito yung pinakamatatalinong puwedeng mag-intarmed kasi parang iyong buong medical course iniiksian niya pitong taon. Ito talagang grabe iyong para makapasok dito, ngayon third year na siya.

    Nag-high school siya sa Philippine Science. Napakatalinong bata. Tinatanong ko nga kanina taga-Cubao kasi siya sabi ko kay Nanay Lorna, uwian pa ba siya galing sa ano. Kasi ang mga medical students lahat ng oras ginugugol sa pag-aaral sabi ni Nanay Lorna uwian po kasi wala po kaming pambayad ng pang-arkila sa malapit sa UP Manila.

    Kanina po Ka Ely kinukuwento po ni Nanay Lorna na baka paalisin na naman sila sa kanilang tinitirahan dahil wala pa silang sariling bahay. Pero siguro po i-welcome po muna natin siya.

    Nanay Lorna, magandang umaga po. Happy Mother’s Day! Baka po puwede nating ikuwento nang maiksi iyong pinagdaanan mo pong kahirapan.

    NANAY LORNA: Magandang umaga po sa mga tagapakinig at Happy Mother’s day po sa mga nanay din. Kayo na rin po.

    ELY: Biyuda po kayo ano? Naitaguyod niyo po ang mga anak ninyo at masuwerte din po kayo sa mga anak ninyo dahil sa talagang siguro maganda po ang inyong ugnayan na mag-iina.

    VP LENI: Pero ano po ang sikreto ninyo, Nanay Lorna na lahat matitino at lahat mahuhusay mag-aral?

    NANAY LORNA: In-encourage ko lang talaga sila kasi may kasabihan kasi na mahirap ang maging mahirap kaya naging challenge sa kanila na nakikita nila kung papaano ako maghanapbuhay tapos sabi ko para naman makaalis sa hirap kailangang mag-aral kayong mabuti so lahat ng project ng government iyon ang nilalapitan ko para makapagtapos sila sa gusto nilang kurso.

    VP LENI: Kanina po naikuwento niyo, Nanay Lorna na nagkakariton ka. Paano niyo po sila natutulungan sa kanilang pag-aaral siyempre umuwi sila nang gabi magpapaturo sa iyo pero ikaw pagod dahil sa pagkariton?

    NANAY LORNA: Ito rin ang kabutihan sa akin kasi inaalam ko iyong time na uwi nila tapos ako pa ho ang naghahatid ako din ang nagsusundo. Habang naghahatid on the way to school, iniinterview ko na sila. Tinatanong ko na kung ano ang assignment at kung ready na sila sa school. Pag pauwi naman, pauwi sa bahay.

    VP LENI: Tapos ka na makapag-ikot?

    NANAY LORNA: Opo kailangang tapos ka na nang maaga para makasundo ako sa kanila. Tinatanong ko sila habang naglalakad kami papaano ang assignment?

    VP LENI: So ang patututor mo habang naglalakad?

    NANAY LORNA: Habang naglalakad. Pag nagluluto tinatanong ko din sa kanila kung may assignment then start na kung hindi naiintindihan tsaka lang magtatanong pero without reading ako sa notebook nila, sila na mismo ang nagsasalita sa akin.

    VP LENI: Maliban sa turon ano pa ang iba niyo pang tinitinda?

    NANAY LORNA: Ang specialty ko talaga sa araw-araw, turon, banana cue at lumpiang gulay.

    VP LENI: Kanina nagkuwento ka na parang nagtitinda ka rin ng gulay?

    NANAY LORNA: Opo iyong inaangkat kong mga gulay bulto tapos pagdating na sa bahay, aasaduhin ko pa iyong first ten pesos.

    VP LENI: Tapos iyon ang iniikot ninyo?

    NANAY LORNA: Opo.

    VP LENI: Kasi Ka Ely noong nakilala ko siya mayroon na siyang maliit na sari-sari store pero kinukuwento niya sa akin kanina mukhang mapapaalis na naman sila, babalik na naman daw siya sa pagkariton.

    ELY: Pero may policy po ang ating gobyerno na hindi puwedeng paalisin kung walang paglilipatan po ata.

    VP LENI: Iyon nga iyong kanyang dinudulog sa atin kanina.

    ELY: Iyon po ang panghawakan natin sabi naman ng Pangulo iyan siya mismo ang nagsabi. Ano po ba ang inyong maipapayo sa ating mga kababayan lalo na po sa mga ina kasi iyong iba halimbawa nabuntis o hindi pinanagutan.

    Iyong iba naman maaga nabiyuda, bagsak ang kanyang mundo paano niya bubuhayin ang kanyang anak parang wala ho kayo ho ano ang maibibigay niyong payo sa kanila?

    NANAY LORNA: Para sa mga nanay na walang asawa o nabuntis nang maaga, trust lang lagi sa Panginoon na andiyan ang kanyang gabay at huwag mawalan ng pag-asa andiyan lang iyon kaya lang ikaw na mismo ang magtataguyod.

    Maraming oportunidad na hindi pupuwedeng sabihin mo na hindi mo kayang itaguyod ang mga anak mo. Kailangan ikaw mismong nanay bigyan mo sila lagi ng lakas na ikaw kaya mo lahat kahit anong hirap ang dumaan o bagyo kailangan nandiyan ikaw naka-stand para sa mga anak.

    ELY: Maraming salamat po, Nanay Lorna at nawa’y nagbigay po tayo ng insirasyon sa lahat ng mga nanay nationwide. Salamat po.

    VP LENI: Isa na lang Ka Ely, dahil galing ito sa aming kuwentuhan ni nanay kanina, sabi niya ang laking tulong sa kanya ng mga programa ng gobyerno siguro Ka Ely sa susunod na Linggo, sa susunod nating programa, ipaalam natin sa kanila kung ano ang mga programa ng gobyerno para sa mga mahihirap kasi sinasabi po ni Nanay Lorna ang laking tulong noon sa kaniya. Alam niya kung saang opisina lalapit at kung saang tao hihingi ng tulong.

    ELY: Maraming salamat po Madame Vice President baka may panghuling mensahe kayo sa ating mga kababayan.

    VP LENI: Unang-una po magpapasalamat tayo sa mga guests po natin ngayong umaga. Si Ms. Dyan Rodriguez kanina at ngayon po si Nanay Lorna. Si Ms. Dyan po binigyan tayo ng impormasyon sa nutrisyon at si Nanay Lorna naman talagang nagbibigay ng inspirasyon para po sa mga nanay na katulad natin.

    Mga nanay na solo na lang na nagtataguyod sa kanilang anak kaya maraming maraming salamat sa kanila. Marming salamat din po sa lahat ng nakinig sa atin. Parang marami po tayong tagapakinig ngayon Ka Ely medyo mahaba iyong listahan ng mga messages na pumasok humihingi lang po kami ng paumanhin na hindi po natin mababasa lahat dahil kulang po sa oras pero iyong mga kailangan pong tugunan, ikokontak po namin kayo sa telepono at marahil puwede nating pag-usapan sa susunod na linggo, Ka Ely.

    ELY: Salamat po kay Vice President Leni Robredo at salamat din po sa mga nakinig. Iyong mga nag-text po at nag-message sa FB maraming salamat din po. Iyong iba naman kung ano-ano ang sinasabi salamat din po tayo po ay nasa demokrasyang bansa. Salamat hanggang sa susunod na linggo alas-nuwebe hanggang alas-diyes ng umaga. Happy Mother’s day po sa lahat ng mga ina.

    Posted in Transcripts on May 14, 2017