This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Bayanihan at Kabataan Para sa Tunay na Kapayaan

    Mensahe ng Pangalawang Pangulo sa Angat Buhay Youth Summit in Mindanao

    N Hotel, Cagayan de Oro

    delivered on 16 July 2018

    Thank you very much. Kindly take your seats.

    Mr. Matt Keener, Cultural Affairs Officer, now Acting Public Affairs Counselor of US Embassy—I’m honored, Matt, that I am with you during your first visit to Mindanao; Mr. Malcolm Flores, the Cultural Affairs Assistant of the US Embassy; of cours, Atty. Ton Neri, Founding Chairman of the Oro Youth Development Council; Mr. Nizam Pabil, Executive Director of the Office on Bangsamoro Youth Affairs and the next implementer of Angat Buhay – ARMM (Autonomous Region in Muslim Mindanao) [applause]—exciting iyon… parang ninerbiyos na tuloy si Nizam [laughter]; Mr. John Mayo Enriquez, Assistant to the President for Social Development of the Ateneo de Zamboanga University [applause]; Mr. Kiko Miranda, Director of the Ateneo Center for Culture and the Arts at the Ateneo de Zamboanga University; Ms. Lynrose Genon—tama ba, Genon? [applause]—lecturer, Mindanao State University; Mr. Guido Sarreal and Ms. Angie Tan-Sarreal, Co-Founders of Trail Adventures [applause]; the members of the Oro Youth Development Council—thank you very much; and of course, the participants of Angat Buhay Youth Mindanao Summit 2018 [applause]; mga minamahal kong mga kababayan: Maayong gabii sa inyong tanan! Tama ba? [laughter]

    I just arrived this afternoon from Manila, but I was following your activities via Twitter. Kagabi… kaya binibiro ko si Raffy ng costume niya kagabi. [laughter] Parang nadala siya kagabi, hindi na siya nag-costume ngayong araw. Tinatanong ko si Raffy kung saan nanggaling iyong kaniyang costume.

    Maraming, maraming salamat sa inyo for accepting our invitation to participate in the Angat Buhay Youth Summit in Mindanao. This is a very special day. Espesyal itong araw na ito, dahil kinikilala natin ang mga natatanging kontribusyon para makapagtaguyod tayo ng isang pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao. ‘Di ba napakagandang objective na magkakasama tayo ngayon? For a very long time, iyong problema sa kapayapaan, parating iniiwan natin sa mga nakakatanda sa atin. Pero kami sa Office of the Vice President—kita niyo naman siguro, lahat na staff ng Office of the Vice President, except me, lahat sila bata. Iyon ay deliberate. Pati iyong aking chief of staff, si Boyet, napakabata. Ilang taon nga si Boyet? 34. Kabi-birthday lang ni Boyet. Napakabata.

    Kasi iyong paniniwala talaga, iyong mga bata, wala pang masyadong barriers, ano? Very innovative, very creative, mag-isip parating out of the box. At iyon iyong hinahanap natin dito sa Mindanao. Naniniwala tayo na nasa kamay talaga ng mga kabataan ang susi para sa adhikain para dito sa inyong rehiyon. Having said that, napakahalaga para sa atin iyong partisipasyon, iyong proteksyon, iyong prevention, iyong partnership, iyong engagement, at iyong reintegration, para maging epektibong katuwang ang kabataan tungo sa pagkamit ng kapayapaan. Mahalaga iyon—partisipasyon, proteksyon, prevention, partnership, engagement, reintegration. Hindi puwedeng shortcuts. Hindi puwedeng basta ka na lang susulong nang hindi ka dumaan sa proseso, dahil iyong proseso kasing halaga ng resulta.

    Buo ang loob natin sa katotohanan na ito. Sabi nga natin, kayo na mga kabataan ang pag-asa ng bayan, pero higit itong naging totoo ngayong linggo, sa inyong pagbuhos ng inyong panahon, husay, at talino sa mga programang naglalayong iangat ang antas ng buhay ng mga kapwa niyo taga-Mindanao. Ang mga programa ninyo ang kongkretong hakbang natin tungo sa isang maunlad na pamayanan para sa lahat.

    Kanina, noong dumating ako, binigyan ako ni Raffy ng listahan ng mga projects na pinitch niyo. Napaka-inspiring, ano? Iba-iba siya, ‘di ba? Iba-iba. Varied. Parang napaka-inspiring kasi iisipin niyo, “Uy, hindi natin iyon naisip, pero naisip nila.”

    Ito iyong paniniwala natin na tunay na kahulugan ng pagbabayanihan. ‘Di ba sa ating mga Pilipino, parating sinasabi iyong pagbabayanihan? Napakagandang pagkakataon ito na mula sa inyo mismo ang mga inisyatibang tinutulak natin—ito iyong inyong ambag, ito iyong inyong kontribusyon bilang mga anak ng Mindanao. Ito iyong nagbibigay ng diwa ng inspirasyon at pagkakaisa ng inyong komunidad, sa inyong rehiyon, sa inyong kapwa, bata man o matanda, dahil sa inyo magsisimula ang pag-usbong ng panibagong pag-asa para sa mas magandang kinabukasan ng inyong mga kababayan.

    ANGAT BUHAY SA MINDANAO

    Iyong Mindanao, isa ito sa mga lugar na binabalik-balikan namin. Napakadalas naming pumunta dito dahil marami kaming mga communities, maraming mga proyekto na ginagawa naming dito sa Mindanao. Iba-ibang mukha ng hirap at saya, ng pag-asa at paghihikahos. Maraming aral iyong napulot namin sa lahat na biyahe namin dito sa Mindanao, kaya ito iyong nagbibigay sa amin ng inspirasyon na lalo pang magtrabaho, lalo pang kumayod, para mas lalong makatulong. Lalong nagbababad, lalong nakikita iyong mas maraming pangangailangan.

    Ilan na rin iyong mga communities na pinupuntahan namin dito sa Mindanao. Isa na doon iyong Sumilao sa Bukidnon, Tangcal sa Lanao del Norte, Siayan sa Zamboanga del Norte. Noong nakaraang linggo, galling pa lang kami sa Sumisip at sa Lamitan sa Basilan; galing din kami sa Zamboanga City noong nakaraang linggo. Bukas pupunta kami sa Marawi, pero ito ay pang-ilang beses na naming pagpunta sa Marawi—bago pa nagsimula iyong siege sa Marawi ay pumupunta na kami. And in fact, we launched an Angat Buhay – Lanao del Sur chapter, kasi gusto naming tutukan dahil sa datos na mataas talaga iyong pangangailangan, mataas iyong kahirapan.

    Marami iyong ginagawa, iba-iba iyong ginagawa, depende sa pangangailangan. Tulad ng pagbibigay ng access sa trabaho at kabuhayan; puhunan para sa hanapbuhay; feeding programs para sa mga bata na mga stunted at malnourished; pagtayo ng mga classrooms at pagbigay ng mga school supplies para sa mga estudyante; pagbibigay ng serbisyong medikal; at marami pang iba. Dahil dito, unti-unti nakikita namin na bumabangon at natutupad ang pangarap ng ating mga masisipag at pinakamahuhusay na mga kababayan. Pagpunta po namin sa mga lugar na ito, parang nakikita namin na lalong nagbibigay ng inspirasyon.

    Halimbawa, pagpunta namin sa Basilan noong nakaraang lingo, first time kong pumunta ng Basilan. At iyong aking realization, napakagandang lalawigan ng Basilan—at masuwerte kami kasi iyong pagpunta namin sa Basilan, parang timing na proud iyong mga tao. Sinasabi nila, “Tahimik na dito sa amin.” And tinatanong… Anywhere we went, hindi public official iyong kausap namin pero mga ordinaryong tao, lahat sila nagke-claim, “Mas mabuti na kami ngayon kaysa noon. Tahimik na dito sa amin.” Marami silang dahilan na binibigay. Halimbawa, “nakumpleto na iyong aming road network,” “mas tutok ang local government ngayon,” etc., etc. Pero ito iyong mga hidden gems, ano? Ito iyong mga hidden gems na binabalik-balikan natin.

    Hindi kami nauubusan ng dahilan, ng kuwento, ng mga halimbawa, kung bakit napakahalaga ng ating pagtutulung-tulungan at pagbabayanihan upang makagawa ng malawakang pagbabago.

    Pagpunta namin—mayroon ditong mga taga-Zamboanga—pagpunta namin sa Zamboanga, binisita namin iyong mga Yakan weavers. At kinukuwento nila na dati silang taga-Basilan; sila ay lumikas papunta ng Zamboanga dahil sa gulo sa Basilan. Karamihan sa kanila galing Lamitan. Ang sabi nila, “umalis kami doon dahil sa gulo.”

    Pero sa kanilang paglipat sa Zamboanga, dala-dala nila iyong kanilang tradisyon, kaya mayroon tayong Yakan Weaving Village sa (Zamboanga), na nagdala kami doon ng partner para tulungan. Noong 2017, iyong BeAGiver, iyong isa sa aming mga partner, isang Angat Buhay partner, nag-turnover doon ng mga looms saka mga thread para sa mga junior weavers. Kaya kung makabisita kayo doon ngayon, dumadami iyong mga bata na nagwi-weave ulit.

    Bakit gusto nating i-train ulit iyong mga bata? Kasi [sa] maraming lugar, [may mga] dying tradition—mga matatanda na lang ang gumagawa. Pero itong Yakan Weavers, napakarami ng mga bata na nag-umpisa na sa paghahabi. At nakakatuwang tingnan kasi alam naman natin na kapag ganito, hindi mamamatay iyong tradisyon.

    Nakilala namin si Zaila. Ayan si Zaila. Si Zaila nakilala namin siya, nine years old. Nine years old si Zaila—pinakabatang manghahabi siya sa Yakan Weaving Village. Pang-apat na henerasyon na ng manghahabi si Zaila at ang kapatid niya, at kabilang sila sa junior weavers na nabigyan natin ng kagamitan. Ngayon, ang kuwento sa amin ni Zaila, nakakagawa siya ng coasters—alam niyo iyong coasters, ‘di ba, iyong pinagpapatungan ng baso—mga 25 hanggang 50 pesos daw iyong isa, iyong benta niya. At mula dito, nagkukuwento siya—at proud siya sa kaniyang ginawa—nakakaipon siya nang sapat para sa kaniyang allowance at sa school supplies.

    Nakausap din namin iyong mama ni Zaila; ang sabi ng Mama ni Zaila, mula daw noong tinuruan si Zaila na maghabi, paminsan daw parang inspired na inspired siyang gumawa, minsan daw nagigising siya (Zaila’s Mama) sa gabi naghahabi si Zaila. Siguro kapag hindi nakakatulog. Kaya nagwo-worry nga ako, sabi namin baka hindi na makapag-aral. Hindi naman daw—sa free time lang nila [naghahabi].

    Sa Lamitan, Basilan naman kung saan kami pumunta, ang nakita naming pangangailangan, wala silang communal space o weaving center. Iyong kahirapan nito, kasi nasa tabi lang sila ng daan nagwi-weave, tapos na-e-expose sila sa init ng araw. Kapag umuulan, hindi sila nakakatrabaho. So iyong pnag-usapan namin doon na unang project na gagawin namin sa Lamitan ay magkaroon sila ng communal weaving center, para mayroon na silang pantakip [mula] sa elements. Puwede na silang makapaghabi kahit mainit, kahit maulan. Ito ay gagawin namin… pagpunta namin, kasama namin iyong aming partner, iyong Woven PH, at iyong LGU ng Lamitan, at magtutulung-tulungan kami para magawa iyon. At iko-connect namin sila sa mga tindahan sa Manila para magkaroon sila ng mas malaking market.

    Sa Sumisip, Basilan naman, pumunta kami doon… Kung familiar kayo sa Sumisip, nandoon siya sa may southwest portion ng Basilan. Dati napakatindi ng unrest. Pagpunta namin doon, ang kausap namin iyong mga out-of-school youth. Sila iyong gusto nating tutukan doon kasi sila iyong pinaka-vulnerable to recruitment. In fact, mayroon doong mga dating na-recruit na, na binabawi ulit natin at gusto nating bigyan ng magandang kinabukasan. Nakausap namin iyong vice mayor, nandoon iyong mayor saka vice mayor, iyong vice mayor iyong nag-organize ng out-of-school youth. Mayroon na sila ngayong ginagawa na communal gardens. Pero gusto nating subukan na mag-scholar ng 20 muna, 20 of them, papadala namin sa Dualtech Training Center Foundation, Dualtech Training Center sa Laguna. Mayroon kaming partnership sa kanila. Mag-aaral sila ng dalawang taon. Iyong first six months ay sa training center mismo, pero iyong next 18 months, parang internship na sa mga companies ng Dualtech. This program, we have been doing with Veruela, Agusan del Sur already. Iyong Veruela, I think may nag-graduate na na 34. Ngayon, pa-reach na sila ng 100, pero iyong target ng LGU ay 200 na out-of-school youth iyong ipapadala.

    Ito, iyong kagandahan nito, kasi halos sigurado na iyong trabaho. They are being trained in Electromechanics Technology, mayroong programang ganoon. So excited kaming gawin iyan sa Basilan, kasi una inilalayo natin iyong mga kabataan sa temptation, pangalawa pagkakataon ng mga pamilya nila na magkaroon ng magandang kinabukasan. At gaya ng sabi ko, ito na iyong pangalawang batch; iyong first batch ay from Veruela, Agusan del Sur.

    KABATAAN AT BAYANIHAN

    Nakita natin ang lalim ng iniiwan nitong marka sa mga komunidad na ating binibisita. Ang madalas nga nilang sinasabi, minsan kasi daw nararamdaman nila na nakalimutan na sila. Mayroon kaming mga lugar na… halimbawa, mayroon kaming community sa Agutaya in Northern Palawan. Sobrang layo niya. Kung familiar kayo sa Coron, iyong pinuntahan namin, from Coron mag-e-eight hours ka pang boat ride to Cuyo; from Cuyo, another five hours boat ride doon sa Algeciras, iyong pinuntahan namin. Napakahirap niyang puntahan.

    The first time that we went was in late 2016. Pagpunta namin, we could not understand why people were crying—iyong mayor umiiyak, iyong barangay captain umiiyak, lahat na mga tao umiiyak. And we asked them kung bakit. Ang sabi nila, “Kasi natutuwa kami.” Apparently those were tears of joy. “Natutuwa kami kasi halos hindi kami nabibisita. Iyon pala hindi pa kami nakakalimutan.” Sila iyong magsasabi sa iyo, “Kahit wala po kayong dala, masaya na kami na mayroon na kaming assurance that we have not been forgotten.” And more often than not, itong malalayong lugar, ito din iyong malalayo sa tulong ng pamahalaan, so we really need to reach out.

    Noong 2017, siguro na-mention na ng mga naunang nagsalita, we held our first-ever Angat Buhay Youth Summit, with 50 youth organizations from different parts of the country. Sa loob ng dalawang araw, sumailalim ang about 100 youth leaders sa mga workshops at module, at bumuo ng mga programang alinsunod sa kailangan ng kanilang mga komunidad at kanilang adbokasiya.

    Mula sa 50—gaya ng mangyayari ngayon—10 groups will be selected, sampung grupo ang nakakuha ng seed grant o pondo para ipatupad ang kanilang mga proyekto.

    And we are very fortunate that the US Embassy agreed to be our partner in this endeavor, so iyong seed grants na matatanggap noong 10 groups will be coming from the US Embassy. So Matt, thank you very much. [applause]

    Hindi pa iyon. Tama ba ang pag-intindi ko? Baka mali iyong announcement ko. Iyong Number 1—out of the 10, iyong Number 1—will participate in the… Asia Pacific Youth Exchange. Kasama ako doon, kaya ako iyong makakasama niyo sa Seoul, South Korea. [applause]

    Ah, hindi pa nila alam? Sorry ha, inunahan ko na iyong pag-announce. [laughter] Iyong nag-first last year, nagpunta din doon sa South Korea, pero ako, hindi ako nakasama—si USec. Boyet saka si Raffy iyong kasama. But this time, lagot kayo, ako iyong kasama niyo. [laughter]

    Halimbawa, baka na-mention na before pero ime-mention ko pa din, ang nanalong first place noon ay ang grupong Project GifTED. Napaka-inspiring. Layon nito na sa tulong ng music therapy, mailalayo ang mga kabataan ng Lipa—Lipa in Batangas—sa droga at depresyon. Iyon iyong dalawa na nagbabagabag sa communities ngayon, drugs and depression. Ang project nila: isang youth orchestra na binubuo ng mga at-risk youth sa Lipa City in Batangas. So ang pinili nila iyong at-risk. Umaasa sila na tulungan ang mga kapos-palad na kabataan na madiskubre ang kanilang mga talento sa musika o pagtugtog. Ang huli naming balita, nagpapraktis na sila, nagpe-prepare na sila, para sa kanilang kauna-unahang recital bilang grupo. Raffy and Boyet—saka si Jill—dapat pala pumunta tayo sa kanilang concert. Tanungin natin kung kailan.

    Isa pang natatanging organisasyon, na nagkamit ng pangalawang place doon sa unang Angat Buhay Youth Summit, ay ang Youth for Mental (Health) Coalition. Malinaw ang adbokasiya ng kanilang organisasyon: ang palaganapin ang kaalaman ng lahat, lalo na ang kabataan, tungkol sa mental health. Ang proyekto nila ay isang Mental Health Mission sa Marawi—naging partner na namin sila—upang tulungan ang mga kabataang nangangailangan ng mga psychiatric at psychosocial services pagkatapos ng pagsalakay ng mga militante sa kanilang lugar. When the siege happened, with the help of Xavier University, nag-set up kami ng camp dito sa Cagayan de Oro, at iyong Youth for Mental Health Coalition has since become our partner.

    Habang pinapakinggan natin kung paano nila binubuhos ang kanilang sarili para sa kanilang adbokasiya, kitang-kita kung gaano ka-malikhain, creative, at mahusay ang ating kabataan ngayon. Kung bibigyan lamang natin ng espasyo ang mga tulad ninyo na tumukoy ng mga posibleng solusyon sa mga problemang hinaharap natin ngayon, malamang matagal na nating nalutas ang mga ito.

    Ito iyong parati naming pinu-push na paniniwala, na ang development ng ating bansa, parating sinasabi natin, “Ano ba iyan, hindi na tayo nag-i-improve. Parati na lang ganito.” Iyong sa akin, iyong pagtingin namin, empowerment iyong pinakamahalaga—na iyong lahat na sectors, lahat na tao, binibigyan ng space for participation, kasi hindi naman kaya ng mga nasa gobyerno na solusyunan iyong lahat na problema.

    Hindi dapat inaangkin, hindi dapat inaari iyong pag-solve ng problema; dapat nagbibigay ng system saka spaces for empowerment and participation. Kasi paniniwala namin, the best solutions actually come from those on the ground, iyong nakakaintindi ng problema. Dapat lang binibigyan ng pagkakataon. Iyong obligasyon namin, ginagawa namin ito. That’s why we have Angat Buhay and Angat Buhay Youth.

    ANGAT BUHAY YOUTH SUMMIT SA MINDANAO

    Napakarami nang napulot na aral mula sa mga youth organizations na ito, kaya sabi namin: umpisa pa lang ito ng marami pang Angat Buhay Youth Summit na gagawin natin sa buong bansa.

    Actually, we have to admit, when we held the first-ever Angat Buhay Youth Summit, parang we felt it was a one-time thing. Pero when we listened to the projects, to the project pitches of the different groups, parang we realized there was really a space for youth participation in solving the problems of our country. Kaya sabi namin, hindi lang sa Manila gagawin, but we’ll do it in Mindanao, we’ll do it at the ARMM, and Luzon, pero iyong Visayas yata will be early next year kasi wala na tayong oras. Pero we’ll be doing it all over the country. Kami iyong pupunta para maimbitahan iyong mga youth organizations on the ground to participate.

    Kaya iyon, nandito na tayo ngayon, this is our first-ever regional run ng Angat Buhay Youth. Napili itong dito gawin sa Mindanao dahil nakita natin itong pagkakataon para sa ating mga kabataan dito na maging aktibo sa pagbabalik at pagpapanatili ng kapayapaan dito sa inyo. Habang unti-unti nating inaalalayan ang ilan sa mga lalawigan ninyo na muling bumangon mula sa kahirapan, nagbubukas ito ng maraming oportunidad para pasukin ang mga komunidad at tumulong sa sarili ninyong paraan.

    Ang gusto nating sabihin: Handang-handa na ang Mindanao para sa mas malawakan pang pag-unlad, at isa kayo sa mga kailangan na bigyan ng pagkakataon na magawa ito. Matagal nang naging balakid ang…sinabi ito sa amin noong nasa Zamboanga kami. We had a forum in Zamboanga, and there were businessmen who attended the forum, and they were telling us that, “We have been inviting companies to open branches here in Zamboanga, pero parang nakatatak na iyong image na magulo dito, maraming upheavals.” So sinasabi nila, “Kahit anong subok namin, ang kailangan pala naming munang asikasuhin, iyong nakatatak na imahe na magulo dito sa amin.” So dapat iyon iyong pagtulung-tulungan natin.

    Panahon na para palitan natin iyong, parang, negativity, and palitan ito ng talagang pag-uudyok na inspirasyon, lahat nagtutulung-tulungan. Naghahanap ng solusyon na hindi pang-madalian pero solusyon na malalim at sustainable.

    MUKHA NG PAG-ASA SA MINDANAO

    Maraming mga kuwento iyong nadaanan namin. Isa dito iyong kuwento ng Siayan. I don’t know if you’re familiar with Siayan. Mayroon ba ditong taga-Zamboanga del Norte?

    Iyon. Kapag pumupunta kami sa Siayan, nagpe-plane kami to Dipolog, tapos nagsasasakyan na lang. Malayo siya. Malayo iyong Siayan.

    Pero Siayan was the poorest municipality in the entire country from 2003 to 2009, with a poverty incidence of 97.5 percent. [gasps from audience] Sobrang hirap.

    Pero things started to come around noong mayroong mayor na na-elect in 2010, si Mayor Flora Villarosa. Napaka-energetic na mayor. Ayan si Mayor Flora, iyong katabi ko.

    Noong pumasok si Mayor Flora, talagang in-empower niya iyong mga tao. Gumawa siya ng mga kooperatiba bawat barangay. Dati hindi maayos iyong farming sa kanila kasi hindi talaga suitable for farming iyong kanilang lupa. Nasa bukid kasi, very rocky. Pero si Mayor Flora, nagawa niya na marami siyang communal na vegetable gardens para lang may kainin iyong mga tao. So things started to turn around in 2010.

    Noong pumasok kami in 2016, tiningnan namin kung ano iyong mga problema ng Siayan na puwede kaming lumahok. Isa naming nakita, Siayan has one of the highest dropout rates in high school. Napakataas ng kaniyang dropout rates. And then we partnered with—baka kilala niyo sa Zamboanga, si Dr. Anton, taga-Zamboanga siya. We partnered with Yellow Boat of Hope Foundation. Iyong ginagawa ng Yellow Boat of Hope, doon sa coastal communities they provide school boats, ‘di ba. Kasi apparently may mga bata who would swim their way to school, ano. So iyong Yellow Boat of Hope, ang ginawa niya naglagay siya ng mga school boats doon, at iyong school boats, para siyang school bus na sinusundo niya iyong mga estudyante sa coastal communities para makapasok sa paaralan.

    After iyon ginawa, we made another assessment late 2017. There was a marked improvement, pero mataas pa din ang dropout rate. And one of the reasons na binibigay, hindi naman lahat taga-coastal. Mayroong iba na mga taga-bukid, and they would walk six to 10 kilometers each way, every day, just to go to school. Ito talaga, mga… ang iba inaabot ng more than two hours na walk.

    So ang naisip namin is to put up a dormitory. Again with the Yellow Boat of Hope Foundation. Iyong dormitory binuild sa loob mismo noong public high school. This dormitory is good for… right now ang na-aaccommodate niya 25 kids. Pumili sila noong pinakamahihirap, iyong school na iyon pumili [ng] pinakamahihirap na mga bata at pinakamalalayong tirahan. And when we went to the inauguration of the dormitory—ayan na sila—in-interview namin iyong mga bata na nandoon. Kinumusta namin.

    When we went, it was the third day that they were in the dorm, kasi bagong bago iyong dorm. Tinatanong namin iyong dorm master kung kumusta naman. Sabi ng dorm master, “Okay naman, Ma’am, kaya lang ako iyong napuyat.” So sabi namin, “Bakit ka napuyat?” “Kasi iyang mga batang iyan, alas-tres ng umaga, gising na.” So tinatanong namin iyong mga bata, “Bakit kayo alas-tres ng umaga gising na? Hindi ba kayo makatulog?” Sabi nila, “Nasanay na po kami, kasi alas-tres ng umaga gising na kami, kasi maglalakad pa nang malayo.” So even if they were in the dorm already, they were so used to waking up at 3 o’clock in the morning. Siguro naman ngayon, a few months na—Feb[ruary] yata tayo pumunta, ano? Feb[ruary]? Siguro naman ngayon medyo sanay-sanay na silang puwede nang late pumasok.

    One of the boys that we met was Rain-Rain Tusing. Iyon iyong pangalan niya, Rain-Rain. Si Rain-Rain Tusing, we learned that he lives six kilometers away from school; naglalakad siya more than an hour. Isa siya doon sa mga bata na 3 or 4 in the morning gising na. Kinukuwento niya, paggising niya, tumutulong pa siya with the household chores, and then he would go to school. He said that even if he leaves the house at… very early, madilim pa, nakakarating siya late pa din siya sa flag ceremony. Kaya sabi niya ang dami na daw niyang penalties. Iyong penalties niya daw lampas na ng isang bond paper, kasi parati siyang nape-penalize kahit ang aga niyang umaalis for school. Kasi iyong nilalakaran niya, hindi lang siya six kilometers na patag, mountainous, and he had to cross two rivers. Ang problema, when it rains hard, like now, the rainy season, the water would overflow from the river and they wouldn’t be able to cross, so absent na sila sa school. Iyong mga hindi matiyagang bata, nagku-quit na lang, ‘di ba, nagku-quit na lang kasi sobrang hirap pumasok. So ginawa namin ito sa Siayan, at noong kinukumusta namin, ang sabi ng principal ay mas mabuti-buti na ngayon. Pero we want to accommodate more para mas matulungan sila.

    Ang isa pang kuwento ay iyong aming engagement in Marawi. Tomorrow we will be going to Marawi because finally, we will be able to turn over 60 houses in our Angat Buhay Village. Ito, siguro naikuwento naman sa inyo na wala naman kaming pondo for programs. What we do is we partner with the private sector.

    Pero itong pondo para dito sa Marawi, medyo aksidente siya. You might have heard that I have a pending protest case before the Supreme Court. Mayroon akong kaso sa Supreme Court, pino-protest iyong aking pagkapanalo sa eleksyon. And I am supposed to deposit 7.5 million pesos. I could not come up with the amount. Hanggang ngayon hindi pa din ako nakaka-deposit. But there was this group who thought of helping me out. So they started the campaign called Piso Para [Sa Laban Ni] Leni. Very touching iyong mga kuwento, because iyong mga kuwento ng Piso Para [Sa Laban Ni] Leni group, may mga drivers daw na nagdo-donate 50 pesos, 100 pesos, tapos nagso-sorry pa sila na iyon lang iyong na-donate nila, kasi kulang sa boundary. So we were so touched. But we could not accept.

    They were able to come up with the 7.5 million pesos, but we could not accept because under the law, as a government official, I could not accept donations. So what the group did was they filed a petition before the Supreme Court, asking the Supreme Court to receive the money in my behalf. But their petition was denied; ang sabi ng Supreme Court, they also could not accept because it is also tantamount to me accepting a donation.

    So iyong sa amin, parang iyong frustration was coming from the fact that the money came from ordinary Filipinos who were themselves struggling, pero nakaisip pa ding mag-donate. So we thought, kami nina Boyet, kami nina Raffy, nag-isip kami ano ba iyong puwedeng makabuluhan, iyong mararamdaman nila iyong kanilang sakripisyo? And then we learned that ang dami pang mga kulang na bahay sa Marawi.

    So nag-target kami ng 100 houses. We wanted to donate 100 houses out of those donations. Ngayon we are turning over 60 pa lang. We have money na for 100, pero ang problema, maliit iyong lupa na na-allocate for us, so naghahanap pa kami ng dagdag for the 40 other houses.

    Pero itong pabahay sa Marawi, this is very inspiring for us kasi parang gusto nating bigyan ng bagong simula iyong mga naapektuhan ng Marawi Siege, at gumawa ng isang mas maganda at maayos na komunidad kumpara sa dati.

    In fact, I think yesterday—yesterday ba, Boyet?—si Usec. Boyet went there yesterday. He was texting me, sabi niya, “Ma’am, napaka-inspiring ng mga kuwento ng mga families…” Kasi naglilipat sila, kasi they were very grateful, ‘di ba? Kaya sabi ko nga kay Usec. Boyet na let’s do away na lang with the program tomorrow. Wala nang program program. Let’s just go around the houses, so we will have time to talk to the families. So ito, this is something we are really excited about.

    But what is important here is the spirit of collaboration. Hindi lang ito Piso Para [Sa Laban Ni] Leni and the Office of the Vice President, but there were many other groups who helped us. We did not want to give just houses; we wanted to give homes for these families. So we partnered with Xavier University – Ateneo de Cagayan. [applause] We partnered with them and we asked them to be our local implementer. So iyong money did not go through us, but it was deposited to Xavier kaagad. Iyong Xavier took care of almost all—social preparation, everything, including looking for a local contractor. Gusto namin may social preparation para, alam niyo iyon, iyong sense of ownership of the families, handa talaga sila. Ang values is as important as the house itself. So ito, kahapon naglilipat sila; hopefully tomorrow lahat na nakalipat—lahat ba nakalipat? Hopefully tomorrow lahat na sila nandoon. And we are very excited.

    We partnered with the United Architects of the Philippines (QC Elliptical Chapter), sila iyong naggawa ng design, ng planning. There were so many other groups who helped us out. Marami pang mga gustong… we wanted to build a mosque outside the village, but mas gusto ng LGU na mosque na lang for everyone, kasi maraming villages doon. Ayaw din natin na parang exclusive. So iyon iyong gagawin. Mayroon ding temporary learning spaces.

    Ito iyong parang conclusion ng pagtulong natin during the siege, kasi during the siege—si Raffy taga-dito na iyan sa Cagayan de Oro; halos dito na iyan nakatira kasi he was the one in charge of the relief operations for the Office of the Vice President. But Raffy could not have done it without the help of Xavier University. Kaya mayroong isang team of students, I met them when I went. Ano talaga, walang tulog, walang kain. Talagang… they were there when help was needed the most.

    KABATAAN AT KAPAYAPAAN

    Ito ay isang patunay na maaasahan natin ang ating bagong henerasyon. Na kayang-kaya ninyong mga kabataan gumawa ng sariling marka sa mundo. Na kayang-kaya ninyong gawing posible ang imposible—basta sa usapan dito sa Angat Buhay Youth, walang imposible; lahat natin hahanapan ng paraan. [applause] At kaya sabi ko mas malaki iyong aking pag-asa sa mga kabataan, dahil parati kayong handang tumaya—handang tumaya, handang manalig, at handang magtiwala sa kakayahan ng bawat isa’t isa.

    Napakarami pa sanang ibang mga kuwento at examples, pero mauubos na iyong oras, mag-a-announce pa tayo ng winners. Pero sana after this, marami kayong aral na mabaon. Marami ba kayong aral na natutunan? (“Yes!”) [applause] Sana. At sana, pipili tayo ng 10 groups tonight, pero sana iyong 50 will become our community already here in Mindanao. [applause] We will continue looking for partners para iyong projects ninyo lahat ma-implement natin. Gusto talaga nating i-involve iyong mga kabataan.

    Ito, kapag tiningnan… Ang iba kasi, kapag tinitingnan, “Ito iyong project namin. Totoong maganda siya pero hindi naman niya maso-solve iyong problem sa Mindanao.” Hindi siguro maso-solve agad, pero iyong gagawin niyo, iyon na iyong umpisa. Ito iyong umpisa, ito iyong footprint na iiwan ninyo. Kasi ang usapin ng kapayapaan ay hindi lamang tungkol sa kawalan ng kaguluhan, ‘di ba? Ang usapin ng kapayapaan, hindi lang tungkol sa pagbaba ng mga armas o paghuli sa mga masasamang elemento. At hindi lang ito tungkol sa pagtigil ng patayan.

    Pero iyong usapin tungkol sa kapayapaan ay tungkol ito sa seguridad at karapatang mabuhay nang mapayapa ng bawat isa sa atin; tungkol ito sa pagsiguro na makakatulog tayo nang mahimbing, nang walang gigising sa atin na putok ng baril. Na walang pag-aalala na may mangyayaring masama. Na ang ating mga kabataan ngayon, lapis o laruan ang hawak, hindi bala ng baril. Pagpunta kasi namin sa Basilan, mayroong mga returnees as young as 11, na nag-Grade 1 pa lang siya ngayon. Dapat nag-Grade 1 na ba siya before. Grade 1 na siya ngayon; ngayon lang siya nakahawak ng lapis—dahil baril daw iyong kaniyang hawak. Parang heartbreaking, ‘di ba? Iyon iyong atin dream, na sana iyong mga kabataan, ma-enjoy iyong kanilang kabataan.

    Ang usapin ng kapayapaan ay tungkol din sa buhay ng bawat isa sa atin; sa kaligtasan natin at pagpapaginhawa sa ating mga buhay. Nag-uumpisa tayo sa mga maliliit na hakbang, gaya ng mga ginagawa natin ngayon, pero ito ay lalakas, at iyong boses ng bawat isa ay mapapakinggan at mapagbibigyan.

    Sa pagkakataong ito, kayo ang boses. Kayo ang boses na maglalakas-loob na magsalita para sa ating kapayapaan, alang-alang sa inyong komunidad. Sa inyo nagsisimula ang landas tungo sa mas mapayapa at mas maunlad na Mindanao.

    Gaya ng sabi ko kanina, ito ang Angat Buhay Youth Mindanao, pero dadalhin natin ito sa ARMM, at ito iyong ating lead. Siya iyong ating lead, at gaya dito, wala tayong duda na magtatagumpay ito, dahil alam natin na iyong ating mga kabataan ay buong-pusong gustong mag-ambag para sa ating kapayapaan.

    Maraming salamat, at congratulations sa inyong lahat!

    Posted in Speeches on Jul 17, 2018