This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Bayang Sinidlan ng Mayamang Kasaysayan

    Message at the Flag-raising at Manila City Hall and Ribbon cutting at Museo ng Maynila

    Magandang umaga po sa inyong lahat! Bago po ako magpatuloy, pagbigay-galang po muna sa mga opisyal na kasama po natin ngayong umaga.

    Siyempre po sa pamumuno ng ating former president, Mayor Joseph Ejercito Estrada; Vice Mayor Honey Lacuna, magandang umaga po; members of the City Council, sa pamumuno po ng ating majority floor leader, Councilor Cassy Sison; Congressman Karlo Nograles ng 1st district of Davao; iyong atin pong Personnel Officer, Ms. Miguelita “Migs” Alonzo; ating City Sheriff, Atty. Jennifer dela Cruz-Buendia; iyong atin pong mahusay na City Administrator, Atty. Jojo Alcovendaz; pati na rin po iyong mga pinuno ng iba’t ibang departamento at ahensya dito po sa Lungsod ng Maynila; iyong atin pong Police [Chief] Superintendent Joel Napoleon Coronel, district director ng Manila Police District; Director Flordeliza Villaseñor, director ng Museo ng Maynila; mga kapwa ko po lingkod-bayan: Magandang, magandang umaga pong muli sa inyong lahat!

    Isa pong napakalaking karangalan sa akin na ako po ay naimbitahan sa okasyon ng isang makasaysayang araw para po sa Lungsod ng Maynila.

    Ngayon po ay isang araw ng paggunita. Ngayon, inaalala po natin ang isang kabanata sa kasaysayan ng inyong lungsod na marapat lamang ay bisitahin po nating muli dahil bahagi ito ng pagkakilanlan natin bilang lahi. Paalala ito ng halaga sa atin ng pagkamit ng liberasyon at kalayaan. Isa po itong pagpapatunay na mayaman ang ating kasaysayan sa mga kuwento ng kabayanihan sa ngalan ng ating kasarinlan.

    Ginugunita po natin ngayong araw iyong panahon mula ika-3 ng Pebrero hanggang ika-3 ng Marso noong 1945, panahon na tumagal ang laban para sa kalayaan ng Maynila noong kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang mga institusyon at imprastruktura ng Maynila, natupok at naging abo dala ng kaliwa’t kanang bombahan. Ilang mga bahay po ang nasunog, kasama na ang mga nakatira dito; pati ang mga kalsada, may bakas ng madugong digmaan. Higit isandaang libong Pilipino ang nasawi sa labanang ito—ang ilan po sa kanila ay hindi na nakilala, ang ilan ay hindi na natagpuan man lamang.

    Kinikilala po natin ang araw na ito bilang simula ng isa sa pinakamadilim na bahagi ng inyong kuwento bilang isang lungsod, at mahalaga pong balikan, dahil pagkakataon ito upang gunitain natin at bigyang-galang ang lahat na nag-alay ng kanilang buhay para sa Maynila. Ito po ang paraan natin para buhayin, sa anumang paraan, hindi lamang ang alaala ng mga yumao, ngunit pati na ang sigla at yaman ng dating Maynila. Bawat kalye, bawat kanto, bawat tulay ng inyong lungsod, may pangalan at istorya—mga paalala ng mga kasaysayan na nasaksihan nito.

    Ang kuwento po ng emansipasyon at liberasyon ng Maynila ay isang kuwento ng pag-asa: na mayroong muling pagbangon mula sa pagkakasadlak. Kuwento ng bawat Manileño, na sa kabila ng kahirapan sa buhay, ay patuloy na lumalaban.

    Pitumpu’t tatlong (73) taon na ang nakalipas, at ibang-iba na po ang Maynilang kilala natin ngayon: araw man o gabi, masigla at buhay na buhay ang komersyo. Nasa paligid po natin ang ilan sa mga simbulo ng ating mayamang kasaysayan bilang sambayanan. Ilan sa mga kilalang paaralan at institusyon, gaya po ng La Salle (De La Salle University) at UST (University of Santo Tomas), na matatagpuan po dito sa Maynila, ay naging saksi ng mga labanan noon para isalba ang ating lungsod.

    Nandito po sa puso ng Maynila ang mga bagay na nagpapaalala sa atin kung bakit at sino tayo bilang Pilipino: nandito ang napakagandang Rizal Park sa Luneta, at iba pang mga monumentong nagpapaalala sa atin ng mga laban na ating napagtagumpayan. Nandito rin po ang Palasyo ng Malacañang, kung saan nauupo ang pinakamataas na opisyal ng ating bayan; pati na ang makasaysayang Intramuros, na naging saksi ng pagsakop at muling paglaya ng Maynila.

    At sa ilalim ng pamumuno ng ating minamahal na Mayor President Erap Estrada, patuloy ang pag-angat ng Maynila bilang isa sa mga maunlad na lungsod na tinitingala ng buong bansa.

    Ngunit sa kabila po ng pag-unlad na ginagawa dito sa inyong lungsod, isang bagay ang nariyan pa rin hanggang ngayon: ang angking ganda ng inyong lungsod na walang kinikilalang panahon.

    At itong yaman at ganda ng inyong kultura ang nais nating kilalanin at gunitain rin ngayong araw.

    Natataon po ang okasyon na ito sa ating pagsalubong sa Pebrero bilang National Arts and Cultures Month. Mamaya, bubuksan po natin sa publiko ang photo exhibit ng Museo ng Maynila, kung saan makikita natin ang mga natatangi at pambihirang larawan ng Maynila noong kasagsagan at pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

    Iniimbitahan po natin ang lahat na silipin ang mga exhibit dito sa inyong museo, at magkaroon ng bagong pagkilala at pagpapahalaga sa inyong lugar. Bitbit ng mga litraro sa exhibit na ito ang libo-libong istorya ng ating kasaysayan bilang sambayanan, partikular na ang kuwento ng Maynila. Layunin po ng photo exhibit na ito na ipagmalaki ang ganda at yaman ng mayabong na sining at kultura ng inyong lungsod. Partikular na sa ating mga kabataan, pagkakataon po ito upang magkaroon sila ng panibagong pagpapahalaga sa kung ano ang noon at ngayon ng mahal nating Maynila. Pagkakataon po ito para sa ating lahat upang makita at makilala ang Maynila sa mas malalim na pinanggagalingan: sa mga mata ng taong nabuhay sa kasagsagan ng digmaan, at kung paano bumangon ulit ang mga unang Manileño mula rito. Patunay ito na maging ang mga Manileño ngayon ay may kakayahang bumangon, anuman ang mga kahirapan na dagok sa buhay.

    Sa isa po sa mga monumentong itinayo para sa mga pumanaw noong Battle of Manila, nakasulat po ang mga katagang: “We remember them, nor shall we ever forget.”[1] Nawa’y maging paalala ito para sa ating lahat, na ang lahat na tinatamasa natin ngayon ay pagpapasalamat sa mga nauna sa atin. Ginugunita po natin ang kanilang alaala ngayon, upang maging ang mga susunod pang henerasyon ay ipagpatuloy ang pagkilalang ito sa mga bayani ng panahong iyon.

    Tunay pong sisidlan ng mayamang kasaysayan ang ating bayan—pahalagahan din po natin ito at palawakin, at higit sa lahat, ipagmalaki.

    Maraming, maraming salamat po, at mabuhay ang lungsod ng Maynila.

    Posted in Speeches on Feb 05, 2018