This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Bawat Pilipina Tungo sa Tunay na Pagbabago

    8 March 2017

    Speech at the Women Defend Democracy: A Forum on International Women’s Day, Miriam College, 8 March 2017

    Magandang umaga po sa ating lahat. Dahil sa imbitasyon ng Pilipina, makakasama ko ulit iyong mga magaganda at matapang na kababaihan.

    Sa panahong ito, marami tayong hinaharap. Nakikita natin ang garapalang pagbabanta laban sa ating demokrasya. Sunud-sunod ang pagkalat ng mga pekeng news. Biktima po ako doon.

    “Sabi ni Sec. Dinky, siya na rin daw, biktima na rin siya.”

    Laganap na ang isang kulturang sinusulong ang takot, pagpatay at kawalang respeto sa karapatan ng isang tao na mabuhay. Maging ang kalayaang maipahayag ang sarili ay tila pinagbabantaan na’t sinusupil. Paano tayo umabot sa puntong ito? Parang bigla, diba? Parang dati, nanahimik tayo, isang umaga, gumising tayo, iba na ang mundong kinagagalawan natin.

    Sa kabila ng mga nakababahalang mga pangyayari ngayon, makikita natin na ang ating kababaihan mula sa iba’t ibang sektor ay sama-samang tumatayo laban sa anumang pang-aalipusta.

    Makikita po natin ito sa ating kasaysayan, nakita natin kung papaano naging bahagi ang kababaihan sa paghubog ng ating bayan sa iba’t ibang paraan – sa pakikibaka, sa pagbuo at sa pagtaguyod ng mga prinsipyo, sa pag-aaruga, sa paghilom, at sa pagsisikap ipagkaisa ang taumbuyan patungo sa iisang layunin – ang kalayaan ng bawat Pilipino.

    Aalahanin po natin ang mga katulad nina Teresa Magbanua, Trinidad Tecson at Agueda Kahabagan ay ilan sa mga kababaihang nakibaka kasama ang mga kapatid na Katipunero laban sa mga puwersa ng kolonyalismo.

    Ang mga kababaihan naman ng Malolos ay patuloy na nagsulong ng pantay na edukasyon. Noon pa man, buong tapang nang tumutol ang mga Pilipina nang pagbantaan ang kanilang kalayaan.

    Hindi maikakailang naging mahalagang bahagi ang mga kababaihan sa pagkamit ng kapayapaan. Kababaihan ang mga gumamot sa mga sugatang sundalo. Kababaihan ang mga buong-tapang nagdasal at nag-alay ng mga bulaklak sa mga naka-uniporme at armado sa EDSA.

    Kababaihan ang nagtahi ng watawat ng Pilipinas na sumisimbolo ng kalayaan, katotohanan at katarungan. Hindi po natin maikakaila ang malaking ambag ng kababaihan sa pagtagpi-tagpi at pagkakaisa ng ating bayan tungo sa tunay na kasarinlan na matagal na nating inaasam.

    At ito po iyong nakakalungkot: na kahit tapos na kahit natapos na ang eleksyon, laganap pa rin ang alitan. Ito po ay hindi nakakatulong. Lalo na’t ang tunay na pangangailangan ng taumbayan ay nakakaligtaan na. Nakatuon ang pamahalaan sa pagsulong ng mga programa na nauuwi sa kamatayan at karahasan, sana mas bigyang pansin ang pangunahing pangangailangan ng bawat Pilipino – trabaho, edukasyon, kalusugan.

    Nang tayo ay bigyan ng mandato ng taumbayan, nagpursige tayo na magtrabaho para sa interes ng bayan bago ang pulitika. Sa loob ng nakaraang pitong buwan, sinusubukan namin puntahan linggo linggo at bisitahin ang pinakamalalayong barangay upang kapanayamin at kausapin ang taumbayan.

    Pinag-aaralan po natin kung ano ang pinaka-epektibong paraan upang maipadama sa kanila ang pagkalinga ng ating gobyerno. Kahit po limitado ang budget at resources ng ating opisina, sinisikap nating bumuo ng mga programa na tutugon sa pangangailangan ng mahihirap nating kababayan.

    Noong pong nakaraang Oktubre, inilunsad po natin ang Angat Buhay: Partnerships Against Poverty. Layunin nito na mai-kabit ang limampu sa ating pinakamahihirap na LGUs sa mga private organizations, development partners, at NGOs na handing punuan ang kanilang pangangailangan sa larangan ng hunger at food security, healthcare, education, rural development, women empowerment at housing.

    Sa kabila po ng ating pagsusumikap na magtrabaho para sa kapakanan ng bayan, mayroon pa ring nagpupumilit na unahin ang pamumulitika. Ang mga kritiko at oposisyon ay isa-isang sinusubukan patahimikin sa pamamagitan ng kaso at mga fake news sa social media.

    Ito po ang ipinipangako ko sa inyo: Hindi tayo matitinag. Hindi tayo susuko. Hindi tayo mananahimik. Ang demokrasya ay nakaugat sa prinsipyo ng pagbibigay-boses sa ating kababayan, lalong lalo na ang kababaihan na pilit nila ngayong patahimikin.

    Democracy is about the freedom to be the people who we are called to be. Democracy without women is impossible.

    Ang bawat Pilipina ay may mahalagang bahagi sa pagkamit ng tunay na pagbabago. Ang bawat Pilipina ay nararapat maging malaya – sa takot, sa pang-aabuso, at sa kawalan ng katarungan.

    Kaya naman po nagpapasalamat talaga ako sa inyo ngayon dahil patuloy niyo pa ring itinataguyod ang karapatan at kalayaan ng bawat Pilipina kahit gaano ka hirap.

    Huwag tayong susuko. Patuloy nating ipagtanggol ang ating kalayaan at demokrasya.

    Huwag tayong magpapatahimik. Bilang mga kababaihan, ipinamalas na natin ang ating katapangan at paninindigan upang masigurong marinig ang ating mga boses. Tungkulin nating ipaglaban ang karapatang magpahayag ng sariling saloobin.

    Hindi natin kailangan mangamba. Hindi natin kailangan matakot.

    Kinakailangan nating manatiling matatag at magsilbi upang maibigay ang mas magandang buhay para sa bawat pamilyang Pilipino.

    Maraming salamat, at mabuhay po tayong lahat!

    Posted in Speeches on May 08, 2017