This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Ating Pangalagaan, Mga Pamana ng Nakaraan

    16 January 2017 Mensahe para sa Sentenaryo ng Pagsasarili ng Bayan ng Bustos, Sesquisentenaryo ng Pagkakatatag ng Pueblo de Bustos at ika-Pitong Taon ng Minasa Festival, Bulacan Military Area Park, Bayan ng Bustos, Bulacan

    Isang mainit na pagbati po sa inyong lahat!

    Nagagalak po akong makiisa at makisalo sa inyong pagdiriwang ng natatanging sentenaryo ng pagsasarili ng Bayan ng Bustos.

    Tanyag ang Probinsiya ng Bulacan, at ang kanyang mga bayan, bilang mga lugar na pinagsilangan ng samu’t saring kabayanihan. Sa loob ng nagdaang siglo, naging saksi ito sa kuwento ng maraming Pilipino – na matapang na nakipaglaban at inialay ang buhay sa tapat na pagseserbisyo. Tunay ngang duyan ang Bulacan ng mga magigiting.

    Mula pa noong panahon ng mga Kastila, nakilala na ang Bayan ng Bustos sa angkin nitong galing, na tumayo sa sariling mga paa at itatatag ang isang lokal na pamahalaang mapagkalinga. Sa tulong ng isang nagkakaisang taumbayan, bumukal ang progresibong pag-unlad at kasaganahan.

    Napakalayo na po ng narating ng inyong bayan. Kasabay ng paglago ng mga industriya at pagtayo ng makabagong imprastraktura, ay siya namang pag-usbong ng mga negosyo sa pangangalakal at agrikultura.

    Sa mga nagdaang dekada, inyong ipinamalas ang maraming kapuri-puring ugali, tulad ng kasipagan, pagtitiyaga, lakas ng loob, pagkakaisa, at disiplina sa sarili – mga dakilang pamana para sa mga susunod pang salinlahi.

    Sa parehong paraan, ang pagdaraos na ito ng ikapitong Minasa Festival ay isang pagkakataon upang maipalamas sa mundo ang natatanging ganda at gara ng kulturang Pilipino. Isa rin itong dakilang pamana, tulad ng taglay natin ngayong demokrasya – na kailangang pangalagaaan, bantayan, at ipaglaban kung kinakailangan. Lalung-lao na sa mga panahong ito ng madilim na pagbabago.

    Dala ang inspirasyon mula sa pagsasakripisyo ng ating mga bayani, magawa sana nating tugunan ang tawag at hamon ng kasalukuyang panahon. Alin sa mga aral ng nakaraan ang ating paghuhugutan ng lakas? Anong mga ugali at pagpapahalaga ang ating ipamamana?

    Gawin natin ang lahat, upang ang mga magandang tradisyon na tulad nito ay mailipat sa kamay ng susunod na salinlahi. Magsilbi tayong gabay sa ating kabataan, upang kanilang tahakin ang landas ng katarungan at pagkakapantay-pantay, kahit pa hindi ito madali.

    Ngunit tulad nga po ng aking madalas na sinasabi, kailangan lamang tayong manalig, na ang tama at mabuti ang siyang mananaig sa huli.

    Lagi nating tatandaan: hindi nakasalalay sa kamay ng iilang opisina o ahensiya ang tunay na pagbabago. Dumadaloy ito sa bawat Pilipino na handang mag-ambag ng kanyang talino, oras, at kakayahan upang mapaginhawa ang buhay ng kapuwang nangangailangan.

    Ang pagbabago ay manggagaling sayo. Sa kanya, At sa kanya. Ang tunay na pagbabago ay manggagaling sa magandang pag-asa at saloobin ng bawat isa sa atin. Tiwala lang talaga.

    Ang mga pagtitipong tulad nito ay isang paanyaya na isantabi na muna ang anumang alitan o tampuhan. Ang tunay na naghahangad ng mabuti sa bayan, ay bukas sa konstruktibong kritisismo at pakikipag-ugnayan. Sa halip na palalimin ang ating pagkakaiba-iba, magsilbi tayong tulay ng epektibong pakikipagtalastasan.

    Sinasalamin ng bawat piraso ng Minasa ang sipag, tiyaga, at pagkamalikhain ng bawat Bustosenyo.

    Taglay nito ang inyong kuwento at bawat pinagdaanan, mga pagkabigo at pinagtagumpayan.

    At kung pagsasama-samahin natin ang bawat isa ninyong pangarap at mabuting adhikain, sigurado po akong ating kakayanin anumang pagsubok ang iharap sa atin.

    Muli, maraming salamat at happy fiesta sa inyong lahat!

    Posted in Speeches on Jan 16, 2017