This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Ang Tama Ang Laging Magwawagi

    2 August 2016

    Message at the 4th Year Anniversary – Flag-Raising Ceremony

    Camp Crame, Quezon City

    Lubos ko pong ikinagagalak na ako ay naimbitahan sa inyong pang-apat na anibersaryo. Ang malaking dahilan po nito ay ang pagkabuo ng Center for Police Strategy and Management ang isa sa mga pinakahuling bagay na ginawa ng aking asawa katulong kayo bago siya yumao noong 2012.

    Agosto 13, 2012 po nang nilagdaan nya ang Resolution No. 2012-318: “Approving the Deactivation of the PNP Program Management Offices and the Establishment of the Center for Police Strategy Management Office.

    Limang araw pagkatapos noon bumagsak ang kanyang sinasakyang eruplano sa Masbate.

    Marahil alam ninyo naman lahat na malapita sa uso ni Jesse ang mga kapulisan, dahilan para maglunsad siya ng mga programa para sa ikabubuti ng inyong organisasyon.

    Sayang nga lang at napakaiksi ng kanyang panunungkulan kaya hindiy niya na natupad ang kanyang mga minimithi para sa inyo.

    Kung naalala po ninyo, ilang buwan din bago siya lumisan, nagpadala po ng liham si Jesse sa bawat isa sa inyo. Sana po natanggap ninyong lahat ang inyong kopya. Hayaan po ninyong basahin ko ang ilang bahagi ng kanyang liham.

    “Nitong nakaraang 2011, bagamat naharap tayo sa ilang mga mabigat na suliranin, marami rin tayong dapat ipagbunyi at ipagdiwang. Isa na rito’y ang iyong pakikiisa na pinapasalamatan ko dahil sa patuloy na pag-taas ng tiwala ng sambayanan sa kapulisan. Ayon sa mapagkakatiwalaang survey firm na Social Weather Stations, halos 7 na sa sampung Filipino ang nagtitiwala na sa pulis. At sa iyong tulong, naibaba ang dami ng taong lumalabag sa batas mula sa 324,083 nuong 2010 tungo sa 248,378 nuong 2011. Wika nga sa Ingles, “good job.”

    Marami sa mga accomplishments na ito ay dulot ng patuloy nating isinusulong na PNP Integrated Transformation Program – Performance Governance System na ngayon ay tinatawag na nating PNP PATROL PLAN 2030.”

    Inisa-isa ni Jesse sa liham ang mga benepisyong natanggap ng bawat pulis dahil sa Patrol Plan 2030. Una-una ay ang P10,000 Christmas bonus at ang kanyang pangako na matatanggap ito ng bawat pulis taon-taon. Pangalawa ay ang pagtaas ng suporta sa bawat pulis magmula sa P650 patungong P1,000. Pangatlo ay ang pagkakaroon ng bagong “cash disbursement system” na naninigurong direkta nang ibinababa ang pondo sa bawat opisina at estasyon upang hindi na kailangang maging “malakas sa itaas” ang isang puno ng opisina upang makuha ang kabuuang budget. Ibig sabihin may sigurado nang pondo para sa gasolina ang mga mobile patrol units, mga bala, pangkumpuni ng sasakyan at iba pa.

    Binanggit niya rin ang mga ginawang paraan upang matanggal ang korapsyon sa PNP. Kung nais nino man makita ang budget ng National Headqurters hanggang sa bawat patrol unit, makikita na ito sa DILG website. Pati rin ang mga suportang binibigay ng ilang pamahalaang lokal ay nakalagay doon.

    Mayroon na ring nakabantay na kinatawan ng DILG, Napolcom at media sa PNP Bidding Committee. Ang mga transparency measures na ito ay tinuturing niyang napakahalagang parte ng paniniguradong ang pera ng PNP ay mapupunta sa tamang lugar.

    Ito ang pangwakas ni Jesse sa kanyang liham sa bawat isa sa inyo:

    “Ang mga pagbabagong ito ay para sa iyo…

    Panahon na upang mapakinabangan ng ordinaryong pulis ang perang nakalaan para sa pulis. Kung walang nangurakot tulad ng mga naganap nuong nakalipas, mas marami ka sanang bala, bagong uniporme, sapatos, at sasakyan sa inyong opisina ngayon. . Ikaw sana ang nakinabang sa mga perang itinalaga para sa iyo at iyong opisina.

    Ngayong taon, inaasahan kong magiging mas mahusay at maayos ang iyong pagsisilbi upang mabigyan kita ng karampatang pabuya. Inaayos natin ang sistema ng promotion at recruitment upang ang pagtaas ng ranggo ng bawat pulis ay base sa mahusay, matapat at matuwid na pag-ganap sa tungkulin na pagsisilbi. Panahon na upang lumabas ang Pinoy Pulis na mas mapapagkakatiwalaan at maasahan ng taumbayan.

    Kung kailangan mo ang tulong ko o di kaya’y nais mong magbigay ng suhestyon o puna para sa ating mga plano at programa, umasa ka na makikinig ako at bibigyan ko ito ng karampatang aksyon.”

    At ibinigay niya ang kanyang personal na cellphone number sa inyong lahat. Alam po ninyo, nag-aalala ang kanyang staff kung paano niya masasagot ang mga text messages na siguradong darating. Ngunit sabi po ni Jesse, nais niyang malaman ng bawat pulis na may direct line sila sa kanya.

    Ganoon po kayo ka-importante sa kanya. Sabi niya po, ang lagi daw dumadaan sa isip niya ay ang bawat pulis sa pinakamalalayong lugar na araw-araw naninilbihan may bagyo man o sobrang init, at humaharap sa panganib, na kung minsan ay kulang sa bala o baril.

    Kung naalala po ninyo, binanggit nya ito sa kanyang huling “New Year’s Call” dito rin sa Camp Crame, noong January 2012. Marahil po marami sa inyo ay narinig ang kanyang speech. Ang sabi niya:

    “Tatapatin ko po sainyo, minsan mabigat sa dibdib ko ang gawaing ito. Subalit pag nakikita ko po yung ordinaryong pulis sa kaduluduluhang istasyon, sinasabi ko po sa aking sarili kailangan ko pong gawin ito para sa kaniya. Ito na lang po ang kanyang pag-asa at magsilbing huwaran din na dapat ang matuwid na daan ang syang dapat nating tahakin.”

    “Serving the country by opting to make reforms and making people accountable for their actions is often lonely. There’s resistance. There’s opposition from those who are used to mediocrity. You might even face hostility from those who intend to do wrong. It is not possible to accept responsibility, power or authority and say you don’t want the risks that go along with them.”

    Naalala ko po si General Bato sa sinabing iyan ni Jesse. Kasi noong Biyernes, sinabi niya sa kanyang speech na inaalok siya ng malaking pera ng mga tao sa illegal gambling operations. Totoo pong maraming tukso at panganib ang inyong trabaho. Lubos akong humahanga sa iyo at sa lahat ng mga pulis na hindi tumatakas sa kanilang tungkulin. Sabi nga po ni Jesse sa isa sa pinakahuling speeches niya sa inyo:

    “Do not shrink from this lonely path. Resistance, opposition, and even hostility are part of the important work that we need to do. You can always proceed despite the fear in your heart. Pinapangako ko po sa inyo na kung pipiliin ninyo ang mahirap, pero matuwid na daan, kakampi ninyo ako.

    If you really want to make a difference in the assignments that you accept, it is important that you take the risk. My belief is that at the end of all of this, you will always win if you do what is right, no matter how difficult. …Napatunayan na po ang aking paniniwala na sa dulo ng lahat ng ito, hindi mananalo yung masama sa mabuti. Patuloy tayong maniwala na ang tama ang laging magwawagi.”

    Ang tama ang laging magwawagi. Iyan po ang aming paniniwala, bali-baliktarin man ang mundo. Marami tayong hinaharap na suliranin sa ating lipunan. Lahat po tayo ay naghahangad ng pagbabago. Ang pamamaraan ng pagbabago ay mahalaga sa ating kapayapaan, hindi lamang ang uri ng pagbabago na ating inaasam-asam.

    Lahat ng Pilipino ay nangangarap ng lipunang walang droga at krimen. Ngunit kung paano natin ito mararating ay kasing importante ng mismong pangarap na iyon.

    Nasa Patrol Plan 2030 na po lahat ng kasagutan. From strategy to organizational structure, from financial support to capability. Your strategic initiatives are impressive: One, there’s strategic planning and performance management which revolutionizes and institutionalizes the new culture of governance that can realize very concrete and tangible results within the PNP. Two, initiatives to integrate and showcase PNP reforms through the “Model Police Station” and the PNP Quality Service Lane should bring back the public’s trust in the police force.

    Third, the reform of the budget system should make sure that every peso our taxpayers pay is used for good. Fourth, the focus on organizational development ensures that there are safeguards to guard against abuse, among other things. Fifth, the improvement of the human resource system will ensure that each man in uniform is taken cared of from recruitment to retirement.

    Sixth, a good crime analysis program will institute an evidence-based fight against crime. Seventh, the reform of the logistics management system reduces corruption. Eighth, the Police Integrated Patrol System will intensify law enforcement operations. Ninth, improvement of case management will enable police commanders and other supervisors to effectively manage the investigation of crimes.

    Tenth, the barangay peacekeeping operations will involve the community in fighting crime. And lastly, a better education and training system ensures that excellence is within every police officer.

    Kinakailangan lamang maging tapat tayo sa buod at diwa ng Patrol Plan 2030 para maisakatuparan ang ating mga minimithi.

    The end goal and the dream is excellence in every man in uniform. Those of you who are receiving their awards today, like Police Chief Superintendent Noel Alvarez Baraceros and Police Deputy Director General Francisco Uyami, Jr. hold the standard for excellence. May you all emulate their years of commitment to the call of duty.

    In closing, let me say this: being excellent in our sworn jobs to serve and protect our countrymen is not all about what we do in the line of fire. It also means building the stability of institutions that keep the peace. It’s not about deciding who dies or who lives. It’s also about making sure that when the fighting dies down, what’s left is a community that trusts more than fears.

    A community that can live together in peace.

    After all, we don’t just live on brute force or strength. We live on moral courage, which, is far more rare than bravery in the line of fire.

    Thank you very much for listening to me today.

    Happy anniversary!!

    Posted in Speeches on Aug 22, 2016