This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Ang Kuwento ng Pilipino, Istorya ng Pag-asa

    Office of the Vice President

    01 October 2017

    OPENING OF ISTORYA NG PAG-ASA GALLERY

    DISTRICT 1 OF QUEZON CITY

    St. Theresa’s College, Quezon City

    30 September 2017

    Councilor Mayen Juico ng First District ng Quezon City; ang atin pong minamahal na Sister Jo Nebres, maraming salamat po sa paulit-ulit na na pagtanggap sa akin nang napakainit dito sa St. Theresa’s College. Kanina po sinasabi ko kay Sister, pakiramdam ko, parang Theresiana na rin ako sa dalas ng pagpunta ko rito.

    Sabi ni Councilor Mayen, makahulugan sa kaniya ang social hall na ito. Sa akin din. Mula po noong ako ay nagkakandidato pa lamang at nagpapakilala pa lamang, hanggang noong ako ay nanalo na, hanggang sa mga susunod pang pagbisita, hanggang sa next week, darating ulit ako, maraming salamat po.

    Gusto rin po nating batiin ang ating mga kapitan na kasama po natin ngayong hapon. Nandito po ang kapitan ng Brgy. Pag-asa, Brgy. Capt. Rudy Palma, magandang hapon po sa inyo. Nandito po ang kapitan ng Brgy. Ramon Magsaysay, Brgy. Capt. Epoy Firmalino. Nandito rin po si Brgy. Capt. Honie Llamas [ng Brgy. Project 6]; Brgy. Kagawad Marilou Azarcon [ng Brgy. San Antonio]; Brgy. Capt. Noel Lopez [ng Brgy. West Triangle]; nandito rin po ang mga barangay kagawad ng Brgy. Sto. Cristo, Brgy. Kagawad JR at saka Brgy. Kagawad Valerio. Magandang hapon po sa inyo. Barangay Paraiso, Brgy. Capt. Ryan Navero; Brgy. Capt. Nenita Valdez [ng Brgy. Mariblo]; Brgy. Capt. Benilo Soriano, magandang hapon po; iyong iba pa pong mga barangay officials—pasensya na po kayo, wala akong salamin. Medyo maliit ang sulat na nandito kaya hindi ko po mabasa masyado. Pero iyong iba pa pong barangay captains at barangay officials na kasama po natin ngayong hapon, maraming maraming salamat po sa pagbigay sa amin ng inyong presensya sa atin pong mahalagang okasyon ngayong hapon.

    At siyempre po, sila ang star of the show: ang ating mga Istorya ng Pag-asa Champions. Ang 20 na kasama natin ngayon; nandito po sila sa unahan. Maraming-maraming salamat po sa pagbigay ng inspirasyon at pag-asa sa aming lahat.

    Buong-puso po tayong nagpapasalamat din sa INP Core dito po sa District 1, sa pamumuno ni Councilor Mayen. Sa inyo pong suporta at mainit na pakikilahok sa atin pong adbokasiyang ito. Alam ko po na hindi madaling maghanap ng istorya. Hindi po madali na maghanda para sa ating okasyon, pero ginawa ninyo pong posible. Kaya maraming maraming salamat po sa lahat ng nagpagod. Napakaganda po, hindi lang ng mga larawan, pero napakaganda ng mga kuwento na ibinibigay ninyo po sa amin ngayong hapon.

    Ang okasyon po nating hapon ay pagpapatuloy lamang ng ating nasimulan. Kung atin pong naaalala, noong Marso, nag-launch po tayo ng Istorya ng Pag-asa para sa Quezon City. Dito po sa Metro Manila, pinakauna ang Quezon City na nag-launch tayo ng Istorya ng Pag-asa.

    Noong Hulyo naman po, doon sa District 5, 42nd founding anniversary po ng distrito, kaya naghanap sila ng 42 na istorya ng pag-asa, para bagay sa kanilang 42nd anniversary. Napakarami, pero talagang napaka-inspiring. Noong Lunes naman po, nandoon kami kay Councilor Star sa District 2. Mayroon naman po silang piniresent na 37 na istorya ng pag-asa.

    At ngayong hapon, dito naman sa District 1, gaya po ng sabi ko sa inyo, makikilala natin ang 20 na natatanging mga indibidwal na nakatira dito sa District 1 na kakakitaan natin ng malaking inspirasyon at pag-asa mula sa kanilang mga kuwento ng tagumpay.

    Ito pong Istorya ng Pag-asa ay isang paraan na naisip ng aming opisina para labanan ang negatibismo na dala ng mapanghamon nating panahon. Alam naman po siguro natin iyang lahat. Medyo kakaiba ngayon, ‘di ba? Kaya layunin po ng Istorya ng Pag-asa na ibalik ang pag-asa sa atin pong kamalayan.

    Alam ko pong alam ninyo ang aking sinasabi. Napapanood, naririnig, at nababasa natin araw-araw na parang lahat na lang nag-aaway. Lahat, hindi nagkakaintindihan. Mayroon namang mga dating magkakaibigan na ngayon hindi na, dahil lang sa pagkakaiba ng mga paniniwala. Paminsan po, tatanungin natin: Ano na ba ang nangyayari sa atin? Paminsan, tatanungin natin: Ito ba tayo bilang mga Pilipino? Tila hindi naman yata tayo ganito.

    Pero dahil nandoon na ang awayan, nandoon na ang magkakagalit, nandoon na ang negatibismo, ang tanong natin: Wala ba tayong gagawin para baguhin ang kuwento na sumasalubong sa atin araw-araw? Kasi tila hindi naman po yatang puwede na tinatanggap na lamang po natin na tayo ay nag-aaway, na wala tayong ginagawa.

    Kaya ito po, naisip natin na magkaroon nga ng ganitong proyekto. Pero siguro kaunting salaysay lang po kung paano ito nagsimula.

    Actually po ang Istorya ng Pag-asa ay nagsimula sa Quezon City. Hindi pa po kami. Nagsimula po ito sa Quezon City bilang isang programa, na “Araw ng Pag-(b)asa.” Noong nakaraan pong November, nagkaroon po sila ng event sa Ayala Museum. Naimbitahan po ako sa event na iyon, at habang pinapakinggan ko ang mga kuwento, sabi ko po sa sarili ko: Parang ito yata ang napapanahon. Parang kailangan yata natin ito

    Kaya pinakiusapan po natin ang nag-aasikaso ng “Araw ng Pag-(b)asa” na baka puwedeng ipahiram sa atin, kahit ang Istorya ng Pag-asa lang, para gawin natin na akma ang adbokasiya sa panahon. Mapalad po tayo na tayo ay pinayagan naman.

    Doon po sa okasyon na iyon, narinig namin [ang] dalawang kuwento. Iyong unang kuwento, kuwento ng isang taga–Quezon City.

    Kuwento po siya ni Nanay Lorna. Si Nanay Lorna, single parent din siya. Mayroon siyang apat na anak. Ang hanapbuhay niya, magtuturon. Dati, mayroon siyang maliit sari-sari store, pero napaalis sila roon sa kanilang tinitirhan, do wala na silang sari-sari store. Kaya naglalako na lang ulit siya ng turon.

    Pero sa paglalako ng turon, single parent pa siya, napaaral niya ang apat niyang anak. Ngayon po, mayroon na siyang teacher, nurse, at ang kaniya pong panganay ay nag-aaral ng abogasiya ngayon. Law student ang kaniyang panganay. At ang kaniya pong bunso ay Intarmed student sa UP PGH. Kung alam niyo po ang Intarmed sa UP PGH, napakahirap makapasok doon. Talagang mahuhusay lang ang nakakapasok.

    Iyon po, dahil lang sa pagsisipag ni Nanay Lorna. Nandoon po siya sa Ayala Museum. At habang pinapakinggan ko ang kaniyang kuwento, talagang parang ngumingiti ang aming puso.

    Ang pangalawang kuwento na na-feature, at doon po nagsalita siya, ikinuwento niya ang kaniyang [buhay], ay kuwento ni Hidilyn Diaz. Kung naaalala ninyo si Hidilyn, siya ang pinakauna nating Olympic medalist doon po sa Olympic Games sa Rio, Brazil.

    Nagkukuwento si Hidilyn doon sa Ayala Museum kung paano siya nag-umpisa. Kung nakita niyo po siyang personal, maliit lamang siya. Sinasabi niya na napakahirap ng buhay nila noon. Pakiramdam niya, hindi naman siya puwede sa ibang sports, kasi napakaliit niya. Kaya ang naisip niya, weightlifting. Noong nag-uumpisa siya, ang ginagawa niya, iyong isang kahoy, nilalagyan niya lang ng dalawang lata ng gatas sa magkabilang dulo, at iyong lata ng gatas, nilagyan niya ng simentong pinatigas. Iyon ang kaniyang barbel, ang kaniyang weights sa panahon na iyon. Marami rin ang kumukutiya sa kaniya na wala siyang pag-asang humusay.

    Pero dahil desidido, humusay siya nang humusay. Kahit napakaliit niya lang, kahit napakahirap, nanalo siya. Nanalo siya sa Palarong Pambansa ng Pilipinas, hanggang sa nakarating siya sa Olympics, at nagbigay sa atin ng napakalaking karangalan.

    Habang pinapakinggan ko ang mga kuwento nina Hidilyn at Nanay Lorna, ako mismo, nabuhayan ng loob. Nakakataba ng puso na marinig ang mga kuwento ng tagumpay nila, sa kabila ng sakripisyo at kahirapan na kasama nito. Kung iisipin, si Hidilyn at Nanay Lorna, mga ordinaryong tao lamang, pero mga ordinaryong tao na ang kanilang mga istorya, talagang nakakamangha.

    Pagkatapos po ng ilang buwan, pinakiusap ko na kung puwedeng gawin naming proyekto ang Istorya ng Pag-asa, at pinayagan na kami. Tamang-tama, napaka-timing, naimbitahan ako sa isang forum ng mga kabataan. Ang title ng kanilang forum, “Let Us Change The Conversation.” Noong pumunta ako doon, hindi ko alam what to expect, pero noong nandoon na ako, sinasabi ng mga kabataan na itong [forum], ito rin ang paraan namin para baguhin na ang negatibismo sa ating paligid. Kaya sabi ko, maraming ni-reremind yata ako na ituloy na ang Istorya ng Pag-asa, para palitan na natin ang conversation.

    So iyon po. Iyon na ang umpisa ng Istorya ng Pag-asa. At dahil ang opisina naman namin, nakakaikot kami sa buong bansa, sabi namin, gagawin namin itong nationwide na kampanya. Sa pahintulot po ng mga dating organizers, dinala na namin ang Istorya ng Pag-asa sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

    Noong nakaraang taon lang po natin, nailunsad na po natin ito sa iba’t ibang lungsod at paaralan. Maliban pa dito sa Quezon City, nakapag-ikot na rin po tayo sa Baguio, pumunta po tayo sa University of the Cordilleras. Sila rin po ang nag-host ng Istorya ng Pag-asa doon. Galing na rin po tayo sa Naga. Galing na rin po tayo sa Cebu; doon po, dalawang proyekto. Hiwalay ang proyekto ng lungsod ng Cebu, hiwalay ang proyekto ng lalawigan ng Cebu. Sa Palawan, galing na rin po tayo doon. Sa Dumaguete, partner po natin ang Silliman University. Sa Cagayan de Oro po, partner po natin ang Xavier University. At noong nakaraan pong dalawang linggo, nandoon po kami sa Ateneo de Manila University.

    Napakaganda po noong launch sa Ateneo de Manila University kasi si Father Jett [Villarin] po mismo ang nagsabi—hindi ko alam kung sino ang Atenista dito—pero mayroon palang kurso sa Ateneo na ang tawag ay INTACT, o Introduction to Ateneo Culture and Tradition. Noong narinig po nina Father Jett itong Istorya ng Pag-asa, sabi nila, gagawin na namin siyang bahagi ng INTACT. Ang INTACT ay required course para sa mga first year, at iyon na po ang proyekto ng mga estudyante nila sa INTACT. Pupunta sila sa mga communities at maghahanap ng mga istorya ng pag-asa.

    Kaya napakasaya, Sister, kasi talagang marami na’ng sumasama sa ating movement.

    Sa amin pong pag-iikot, marami rin kaming nakasalubong na iba’t ibang kuwento. Hayaan niyo pong ikuwento ko sa inyo ang ilan sa mga inspiring stories na nadatnan namin.

    Ang isa po dito ay kuwento ni Alexander. Si Alexander, kilalang-kilala siya sa Eastwood kasi siya ay traffic enforcer [doon]. Ang kuwento niya, medyo naging malungkot, pero naging masaya ulit.

    Nabigo si Alexander. Na-in love siya, pero brineak siya ng girlfriend niya. Noong brineak siya ng girlfriend niya, ang ginawa niya para makalimot, nag-aral siyang sumayaw. Pag-aral niyang sumayaw, ini-incorporate niya iyon sa kaniyang pagiging traffic enforcer. Kaya kilalang-kilala siya sa Eastwood, kasi kilala siya bilang isanf dancing traffic enforcer. Kaya noong umpisa, binigyan namin siya ng hashtag: Sabi namin, si Alexander, umibig, nabigo, sumayaw.

    Pero ngayon, may panibagong yugto ang kaniyang buhay. Hindi na siya traffic enforcer. Pumasok na siya bilang sundalo. Kaya wala na siya ngayon sa Eastwood.

    Ang isang kuwento na dinaanan din namin – ito si Aling Charing. Si Aling Charing, kilala ko siyang personal, kasi taga doon siya sa amin sa Naga. Noong mayor pa ng Naga ang asawa ko, si Aling Charing ay street sweeper. Paborito siya ng lahat kasi parati siyang nakatawa. Parating smiling face si Aling Charing. Kung ano nakikita niyo sa picture na iyan, ganiyan na ganiyan siya, araw-araw, kahit napakatindi ng init ng araw, ganiyan siya.

    Pero ang kakaibang kuwento ni Aling Charing, single parent din siya, lima ang kaniyang mga anak, pinaaral niya ang kanyang mga anak. Noong medyo nakaginhawa na nang kaunti—kasi dati, hanggang Grade 6 lang ang natapos niya—at noong ginhawa na ang mga anak niya, nag-aral ulit siya ng high school. At nag-graduate siya ng high school at the age of 50.

    Pero hindi pa iyon. Hindi pa siya nakuntento. Pagka-graduate niya ng high school at the age of 50, nag-aral pa siya ng college. Sa araw, street cleaner siya; kapag gabi, estudyante. At the age of 54, natapos niya ang kurso. Kaya nag-graduate rin siya sa [pagiging] street cleaner. Na-promote na rin si Aling Charing.

    Isa pang kuwento, nakasalubong naman namin si Ding Opinion. Nakilala namin siya sa Palawan noong pagpunta namin.

    Si Ding ay isang PWD. Bata pa lamang, mayroon na siyang kapansanan. Napakahirap ng pamilya nila. Noong makita namin si Ding, hindi ko alam kung halata sa picture, pero iyong kaniyang mga kamay at paa, sobrang maliliit. Pero hindi hinayaan ni Ding na ang kaniyang kapansanan na maging hadlang para siya ay makapagtrabaho at maging aktibong mamamayan sa kaniyang lipunan.

    Kahit siya ay may kapansanan, nag-aral siya ng [paggawa] ng makina, hanggang sa mayroon siyang maayos na trabaho. Si Ding, nagke-create na siya ng mga specialized na wheelchair, depende sa pangangailangan mo. Ang kaniyang mga kapwa nangangailangan din ng wheelchair, siya na rin ang gumagawa para sa kanila.

    Nandoon si Ding noong pumunta kami, at masayang-masaya pati iyong kaniyang mga kasama na kahit papaano ay nakilala natin iyong kahirapan na pinagdaanan ni Ding.

    Sina Hidilyn, Nanay Lorna, Alexander, Aling Charing at Ding—iba-iba man ang kanilang pinanggalingan, mayroon isang pareho sa kanila: Buhay ang pag-asa sa puso nila. Ito ang nagtulak sa kanila na magpursige sa kanilang buhay. Ngayon, sila na mismo ang nagbibigay ng inspirasyon sa atin. Sila ang simbolo at tanglaw ng pag-asa na nagdadala ng liwanag sa ating paligid.

    May sinabi po si Pope Francis. Ang sabi niya, “A tiny flicker of light that feeds on hope is enough to shatter the shield of darkness. A single individual is enough for hope to exist, and that can be you.”

    Napakaganda, ‘di ba? Napakaganda kasi sa gitna ng kadiliman, hindi na tayo kailangang umasa sa iba. Tayo na mismo, kahit nag-iisa lang tayo, puwedeng tayo ang magdadala ng liwanag sa kadiliman. Kaya napakaganda kasi paminsan, sasabihin natin, iyong iba kasi, ganito ganyan. Pero ang sinasabi ni Pope Francis: Kahit hindi na natin intindihin ang iba. Basta tayo mismo, tayo ang nagdadala ng liwanag. Puwede na; maaalis na ang kadiliman.

    Ang liwanag na ito ay nasa loob ng bawat isa sa atin. Ito ang panlaban natin sa mapanghamon nating panahon ngayon. Hindi po natin hahayaan na manahimik na lang tayo sa gitna ng maraming awayan. Sa social media, hindi ko po alam kung sino dito ang nagfe-Facebook. Kapag binubuksan ko ang Facebook, ang daming nag-aaway. Dati, kaya nga tayo nasa Facebook para tayo ay sumaya. Pero ang nasa Facebook ngayon, away nang away. Ang pinag-aawayan, pagkakaiba lang ng opinyon, na hindi naman dapat pag-awayan. Dapat kahit iba ang opinyon, magrespetuhan lahat. Pero hindi ganoon ang nangyayari. Marami na ngayong mga trolls; dati wala namang troll. Pero bakit bigla-bigla na lang, mayroon nang mga trolls? Iyong iba sa atin, kapag napipikon, nakikipag-away na rin sa trolls.

    Kaya ang pakiusap namin, kapag mayroon kayong nakitang troll, o mayroong umaway sa inyo sa social media, ang ating mga istorya ng pag-asa na lang ang isagot natin sa kanila. Ibahagi na lang natin sa iba ang mga istorya na nadadaanan natin kaysa nakikipag-awayan pa tayo, kasi wala namang mangyayari.

    Kaya ang gusto natin, ang istorya ng 20 natin ngayon, ito ay ipapakilala natin sa buong bansa. Ipapakilala natin ang kuwento ninyong lahat. Kapag nag-aaway sila, hayaan na natin. Ang ipapakilala natin, kayo.

    Ngayon, nag-uumpisa tayo sa isang traveling photo exhibit. Sabi nga ni Councilor Mayen, ito, galing sa St. Theresa’s, iikot ito sa lahat ng mga paaralan rin dito sa District 1, at sa lahat ng barangay.

    Pero sa November, mag-e-evolve tayo. Hindi na lang tayo isang traveling photo exhibit, pero maglo-launch tayo ng short film festival na hihikayatin natin na gawan ng maiiksing mga pelikula ang ating mga istorya ng pag-asa. Naging partner na natin dito ang Ayala Foundation at pumayag na sila, na iyong mga magagawang short film, ipapalabas sa mga Ayala Cinemas bago mag-umpisa ang mga main feature.

    ‘Di ba, napakaganda? Na imbis na awayan ang naririnig natin, imbis na awayan ang ating nababasa, ang mababasa na natin, mga kuwento nila.

    Marami tayo. Alam niyo po, inisa-isa ko ang mga kuwento ninyo. At ang kuwento ninyo, parang parati akong naiiyak sa umpisa pero natatapos ang bawat kuwento na nakangiti ka. Kanina, tinitingnan ko ang mga picture sa labas. Ganoon pa rin. Sabi ko, iba pala ang mararamdaman kapag nakikita mo na ang litrato. Kasi ang tiningnan ko, iyong nakasulat nang mga kuwento. Pero kanina, biglang nagkaroon ng mukha ang mga kuwento.

    At ngayong hapon, nandito kayo lahat, makikilala namin kayo nang personal. Siguro banggitin ko lang ang ilan; hindi ko po mababanggit lahat kasi napakarami.

    Kanina, nakasalubong ko sa labas si Aileen Ferrer. Si Aileen, ipinakilala sa akin ni Councilor Mayen. Biyuda siya. Namatay ang asawa niya dahil sa sakit sa puso. Pero pagkamatay ng asawa niya, itinataguyod niya na ang mga anak niya. Hindi nagtagal, siya naman ang nagkasakit at nagkaroon ng cancer.

    Pero si Aileen, hindi nahinto kahit nagkaroon ng cancer. Nilabanan niya ang cancer at nag-aral nang maayos. Teacher si Aileen. Tinatanong ko siya kanina kung cancer ba sa ano. Sabi niya, sa breast pero nag-metastasize na sa [kaniyang] tuhod.

    Pero kung titingnan natin si Teacher Aileen ngayon, parang walang kahirapan na pinagdadaanan kasi laging nakatawa. Magaan ang hitsura. Nagpagamot siya—sabi niya, nakadalawang cycle siya ng chemotherapy. Pero hindi siya huminto sa pagtatrabaho.

    Ngayon, si Aileen ay isang cancer survivor. Dagdag pa rito, hindi pa siya nakuntento. Ngayon, nagma-Masters si Aileen para mas lalong mapabuti ang kaniyang pagtuturo. Kaya kay Teacher Aileen, tuloy ang buhay—nabiyuda, nagkasakit, maraming pinagdaanan at itinaguyod ang mga anak na mag-isa. Pero ganoon pa rin. Makikita natin ngayon, talagang inspirasyon para sa ating lahat.

    Mayroon ding isa pang kuwento na nadaanan ko. Ito ang kuwento ni Erica.

    Si Erica ay isang proud na LGBT. Lumaki siya sa hirap, kaya hindi siya nakapagtapos sa pag-aaral. Sa kasamaang palad, naaksidente pa si Erica at tinakbuhan ng salarin. Dahil dito, kinailangang putulin ang kaniyang binti.

    Naging mahirap ang buhay ni Erica pagkatapos nito, pero pinilit niya na bumangon at magsimulang muli. Sa kabila ng kaniyang kalagayan, nabuhay siya nang normal at naghanap ng paraan para makapagtrabaho.

    Kita niyo naman po. Naputulan ng binti, pero hindi niya iyon hinayaan para sabihin na wala nang silbi o magmukmok sa tabi.

    Ngayon, isa na siyang hairdresser at makeup artist. Limitado man ang kaniyang galaw, pinupuntahan niya ang kaniyang mga customer at nagho-home service ng gupit, rebond, make up at iba pa. Para kay Erica, habang may buhay, may pag-asa.

    Kaya ang mga nagtatamad-tamaran, kapag nabasa ang istorya ni Erica, mahihiya na maging tamad pa rin.

    Marami pang ibang mga kuwento pero ang kuwento ni Teacher Aileen at Erica, ay dalawa lamang sa ipinagmamalaking kuwento ng inyong distrito. Gaya ng sinasabi ko kanina, habang binabasa ko [ang mga kuwento], umiiyak at tumatawa [ako], kasi talagang parang pinipiga ang puso mo kapag nabasa mo ang pinagdaanan nilang mga hirap, pero mapapa-smile ka na rin pagkatapos dahil nalampasan nila lahat iyon. Lahat po ng kuwento ninyo ay napakagaganda, at talagang nakakapukaw ng inspirasyon at pag-asa sa puso ng bawat isa sa atin.

    Marami pa pong iba sa labas ng 20 na ito, alam po natin iyan, na siguro, hindi pa natin sila nakikilala, pero alam natin na sa paligid natin, maraming kuwento ng pag-asa. At bawat kuwento ng tagumpay ay istorya ng inspirasyon, dahil sa kabila ng matitinding pagsubok sa buhay, kayo po ang patunay na kung kakayanin, kung mananalig tayo sa Diyos, hindi tayo susuko—nagiging posible ang lahat ng imposible.

    Susundan ko lang po ulit ang sinabi ko kanina: Hope is the only thing that is stronger than fear. Ang tanging panlaban natin sa takot at pangamba ay itong tanglaw ng pag-asa na matatagpuan sa bawat isa sa atin. Ang kuwento po ng ating mga Istorya ng Pag-asa ay patunay na hindi pa tayo tuluyang nababalot ng dilim. Kailangan lamang nating buksan ang ating mga mata para makita sila.

    Sabi nga po, “Darkness is merely the absence of light.” Sa huli po, laging mabuti ang mananaig. Kasi ngayon, paminsan, tatanungin natin: May pag-asa pa ba tayo? May pag-asa po tayo. Kasi hindi naman po nananalo ang kasamaan. Parating ang nananalo ay kabutihan, at ang pinakapruweba po nito ay ang ating mga Istorya ng Pag-asa ngayon.

    Kaya po sana, dahil sa mga kuwento nila, buo ulit ang pag-asa sa atin. Dala-dala po natin ang inspirasyon nilang lahat sa ating mga puso.

    Ngayong hapon po, nagpapasalamat kami sa inyong 20, sa pagbibigay po sa amin ng pag-asa, ng inspirasyon, na sa kabila ng nararamdaman na kadiliman ng marami po sa atin, ang inyong kuwento, ang inyong halimbawa, ang siyang magpapalakas sa aming mga loob na basta’t manalig lang tayo, basta’t ang pag-asa ay hindi nawawala ang pag-asa sa ating mga puso, lahat ng kahirapan, kaya nating lampasan. Lahat ng imposible, magiging posible.

    Maraming salamat kay Councilor Mayen, at sa kaniyang staff, na walang sawa at walang pagod na umikot nang umikot para maging posible ang ating okasyon ngayong hapon.

    Maraming maraming salamat, Sister Jo.

    Maraming salamat pong muli at magandang hapon po sa inyong lahat.

    Posted in Speeches on Oct 01, 2017