This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Ambush Interview with VP Leni after the Inauguration of the Naga River Revetment Project

    9 September 2016

    Magsaysay Avenue Wharf, Naga City

    Q: Ma’am, achievement na naman na panibago ito. What can you say?

    VP LENI: Oo kasi ito Naga River revetment, mayor pa ang asawa ko, panaginip na talaga ito. Kaya lang at that time napakahirap humingi sa national government. Kaya ilang decades panaginip lang talaga siya.

    Pero noong nakaraang administrasyon, pinakinggan din ang ating panaginip. Binigyan tayo ng 375 million, at staggered sa pitongs projects. So halos ang buong portion ng Bicol river, ‘yong Naga River na tinatawag, naayos na.

    Except for a few na medyo mayroon pang matitigas na ulo na ayaw pa mag-cooperate. Pero I think ito kasi achievement for everyone in the sense na hindi lang naman isang tao, hindi lang city government ang nagpagod dito, pero napakarami talaga.

    Q: Message para sa matitigas ang ulo.

    VP LENI: Ang sa akin lang parang nakakalimutan kasi nila, unang-una ini-insist kasi ng marami na may title. Pero alam naman natin na may tinatawag na Legal Easement sa river. Kung hindi naman ito redound to the benefit of a private individual or a small group of people, pero magrerebound ito to the public good. Iyong river kasi na ito, ito ang pinaka-heart ng aming lungsod.

    Q: Particulars kung sino ang matitigas ang ulo?

    VP LENI: Hindi ko kasi alam ang latest, I think ang city government ang may alam. Mas marami iyan noon pero mas marami na din ang nag-cooperate na finally. Pero ngayon mayroon pang iilan.

    Tinuro ko nga sa kanila na tingin ko, ayaw naman kasi natin na dinadaan ang mga bagay sa dahas. Kasi kung tutuisin, puwede naman gumamit ang city ng mas kamay na bakal pero hindi naman ganyan sa Naga.

    Sa Naga naman nadadala sa pakiusap ang lahat. So ang akin lang, ‘yong pakiusap ko lang at ‘yong city pinakiusapan na sila. Baka ‘yong community magtulong-tulong.

    Siyempre malaki siguro ang contribution ng media, kapag na-feature natin nang na-feature kung gaano na kaganda at mayroon nalang kokonti na nakakaharang, baka naman. Tayo nag-aappeal naman tayo sa kanilang sense of duty.

    Q: Second wave?

    VP LENI: Ako ‘yong nakaligtaan kasi natin dito ‘yong walkway. Dahil marami pa ngang encroachment kaya instead of the walkway, pina-extend na lang natin iyong revetment. Pero pag napaigting na ang citizen involvement at mas marami na ang mag-participate, finally magagawa na din natin ang walkway.

    Kasi hindi lang sa paningin, hindi lang sa aesthetic, pero nakaka-encourage ito sa taong maglakad. Kasi pag mayroon nang walkway, mapapabilis ang pagpunta sa sentro galing dito sa Magsaysay.

    Napakalaking bagay. So pag naayos iyon, ‘yon na ang sunod dating ipapakiusap.

    Q: Total cost?

    VP LENI: 375.

    Q: Galing po iyon sa OVP?

    VP LENI: Wala pong pondo. Wala pong pondo ang OVP at wala sa amin ang mandate. Talaga ang pondo manggagaling sa DPWH.

    And I think DPWH will always be willing to do projects like these, lalo na ngayon na may pera ang gobyerno. Kaya lang dapat kasi ‘yong end natin gawin muna natin.

    Kahit nandiyan ang pera, which happened noong paumpisa ito. Kahit nandiyan ang pera kung walang paglalagyan, hindi din mai-implement. So noong umpisa nito, nag-threaten na ang DPWH na babawiin sa amin ang programa.

    Kaya mabuti na lang at nahanapan natin ng paraan, ayaw na natin uli iyon mangyari. Pero ito pagkatapos ng Naga after Sabang, naumpisahan na din namin iyong Camaligan site. ‘Yong one half, ‘yong northern portion ng Bicol river sa Camaligan side nagawa na, ngayon ang hinahanapan naman namin ang southern portion.

    Kasi kapag napalinis natin ang river na ito, maraming makikinabang, pati ating mga mangingingisda makikinabang.

    Hindi lang aesthetics pero para magiging healthy and vibrant uli ang ating kapaligiran.

    Q: Ano pang inaasahan natin sa pagbalik ng Pangulo?

    VP LENI: Malaking trabaho ang dala niya pagbalik. Kasi kung titingnan natin kung ano ang nangyari sa ASEAN, tinanggap natin ang chairmanship for 2017.

    So pagbalik niya, ang expectation natin, all systems go na tayo sa preparations sa ASEAN in 2017 dito sa Pilipinas.

    Q: Sa tingin ninyo wala bang epekto ang mga nangyari noong nakaraan katulad ng nangyari with the US President?

    VP LENI: Sana wala. Binabasa ko iyong interviews at statement ni Pangulong Obama, para sine-set aside naman niya ‘yong mga ganoon na hindi makaapekto sa long-term relations ng Pilipinas at US.

    Kasi ang relations na iyon hindi lang naman nabuo ni President Obama at Pangulong Aquino pero iyon ay produkto ng napakatagal na panahon at sakripisyo between the two countries.

    Q: Message po sa mga taga-Naga sa pista ni Ina.

    VP LENI: Unang una wine-welcome po natin lahat ng mga bisita sa buhay nating mga na Nagueno, ito ang pinaka-highlight. Taun-taon nagsisimula talaga siya sa araw na ito ang Translacion o second Friday of September kung saan ang imahe ni Ina ay dinadala mula sa Basilica to the Cathedral.

    Ito napakalaking bagay sa amin iyong maibahagi sa inyo iyong debosyon. Kasi iyong debosyon namin napakalaking bahagi ng buhay naming mga Bicolano.

    Q: May bisita po ba kayo, Ma’am?

    VP LENI: Marami po akong bisita na first timers. Mga staff ko sa opisina. Halos kuwarenta ang pumunta. Iyong iba dumating kahapon, iyong iba dumating ngayon, may mga naiwan din kasi hindi maiwan ang trabaho.

    Pero ako natutuwa na ganito kasi sa experience ko iyong mga naimbitahan ko noong Congressman ako naging deboto na din.

    Taun-taon na ring pumupunta. Kung ma-spread lang natin ang devotion through this napakalaking bagay.

    Q: What do you think will be the probable outcome of the Duterte anti-drug campaign after six months?

    VP LENI: Ako kasi ang tingin ko ang six months would not be enough. Noong nakaraang ilang araw, two or three days ago, nag-request ako sa DILG ng briefing kung ano ang ginagawa ng ating gobyerno pagdating sa rehabilitation kasi mayroon tayo ngayon na 700,000 surrenderers at wala pang national na existing na template kung ano ang gagawin.

    Nag-report ang DOH at sinabi nito na ang kailangan lang naman i-commit sa rehabilitation ay 10 percent noon so ibig sabihin 70,000 iyon. So ano na gagawin natin sa 630,000.

    Sinabi ko lang doon na ang 700,000 hindi dapat gawing accomplishment it is only a means to achieve the accomplishment. So ako naman naiintindihan ko na hindi ito kaya ng pangulo lamang, kailangang pagtulungan nating lahat.

    So ako during the meeting, nag-volunteer ako na ang aming office, the Office of the Vice President ay maging active sa community rehabilitation.

    Kasi marami na rin tayong experiences dito sa Naga na mga institusyon hindi lang rehabilitation iyong hinaharap kundi pati prevention. Series of meetings ito in fact sa Monday I have a meeting with CBCP para ano.

    May plano na din ang gobyerno pero evolving naman ito kung pwede nating i-improve, improve natin. Ang vinolunteer ko nga doon ay mag-assign ng areas na puwede nating i-model kasi kung ang i-aassign nationwide, baka mahirap with 700,000 surrenderers.

    Pero everything is falling into place.

    Iyong DILG, DOH, TESDA, DSWD, PDEA, Dangerous Drugs Board, lahat nagtutulungan.

    Q: Comment on SK…

    VP LENI: Ako hindi ako sangayon sa pag-abolish ng SK. Iyon ang dahilan kung bakit isa ako sa mga author ng SK Reform Bill. Nakikita natin ang halaga ng ang kabataan ay binibigyan ng pagkakataon na makilahok sa governance at ang ating finile na SK Reform bill was a means para sagutin ang pagkukulang ng SK.

    Pero kung abolisyon, parang inaalisan mo ng boses ang mga kabataan.

    Posted in Transcripts on Sep 09, 2016