This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Ambush Interview in Naga City

    17 September 2016

    Q: Re sinabi ni Edgar Matobato

    VP Leni: Napakaseryoso ng alegasyon. Siguro maging vigilant tayo kasi ang pinakamahalaga naman ay malaman nating ang katotohanan. Pero gaya ng sinasabi ko at this point, hindi naman natin alam kung totoo o hindi.

    Kaya parating with a grain of salt. Pero ang pinakamahalaga kasi dito, ano ba ‘yong totoo? Napakarami na kasi nang nangyayari.

    Pero sana ‘yong pinakadulo nito, mas makatulong at hindi magdadala ng kaguluhan. Kasi gaya ng sabi ko, madali lang sa atin mag-judge.

    Pero siguro mas mabuti mas maging mahinahon lang, maging vigilant para siguradong ‘yong proseso pagdaanan at malaman ang katotohanan sa huli.

    Q: Reaction sa sinabi ni APC na Plan B ito

    VP Leni: Very unfair iyong statement na iyon. In the sense na parati naman tayong naging supportive kay Pangulong Duterte. Kami mismo dalawa walang problema.

    Nagkikita kami regularly during the Cabinet meetings, very supportive ang pangulo sa akin kaya ‘yong sa akin lang parang napaka irresponsible ang pagsabi.

    Kasi ano ba ang.. unang-una walang basis. Pangalawa, ano ba iyong gustong ma-achieve after. Mahalaga na nagkakasundo kami ng Pangulo kasi iyon naman ang kinakailangan ng ating bansa.

    Ako mismo parati ko naman sinasabi na any attempt na magkaroon ng pag-start ng impeachment proceedings hindi ko iyan susuportahan kasi tingin ko hindi iyan makakabuti para sa atin, tingin ko kailangan bigyan natin ng pagkakataon ang ating Pangulo na makapagsilbi sa atin nang maayos.

    Ang akin namang suporta, parati ko itong sinasabi sa Pangulo, hindi ako, alam naman niya ito, hindi ako sumasang-ayon sa lahat ng desisyon.

    Halimbawa, ‘yong paglibing kay dating Pangulong Marcos sa libingan ng mga bayani, hindi ako sang-ayon doon. Pero despite the fact na very vocal ako sa mga hindi ko pag sang-ayon sa iba niyang polisiya, parang hindi naman na-take against me ng ating Pangulo.

    Kaya even during the Cabinet meeting sinabi ko iyon sa kanya na nagpapasalamat ako na hindi niya tini-take against me.

    Ang sagot nga ni Pangulo sa akin na ang mas mahalaga naman nito ay iyong aming working relationship na very encouraging. In the sense na iyong pagsuporta puwede kayong hindi nagkakasundo sa lahat ng bagay pero ‘yong klaro sa iyo na susuportahan ninyo basta ikakabuti ng ating bansa.

    Para kong inu-ulit-ulit sa kanya na iyong success ng kanyang administrasyon ay success iyon ng ating bansa. Kailangan talaga pagtulungan natin lahat.

    Kung may maling ginagawa, mag-criticize. Pero not to the point na darating sa impeachment o whatever kasi hindi natin ma-afford na magkaroon uli ng kaguluhan.

    Q: Pinag-usapan ninyo ni President

    VP Leni: Actually, iyong buod ng pinag-usapan namin ni-report ko sa kanya, kasi ‘nong Tuesday ng hapon iyong Cabinet meeting, Tuesday ng umaga nasa Eastern Samar ako.

    Ni-report ko sa kanya ‘yong problema sa emergency shelter response doon. At nag-offer siya na ipapatawag niya ‘yong lahat ng ahensya, parang contributory ang proseso sa… ‘yong mga choke points ng proseso.

    Tapos after kasi noon nagkaroon ng NEDA board meeting pero after noon, si Pangulo kasi lumipat sa isang kuwarto para sa isa pang meeting pero kinausap ko si Executive Secretary at si CabSec.

    Sabi ko gusto ko sanang personal na makausap si Presidente kasi kahit sinabi ko sa microphone na palagi ko siyang ina-assure ng suporta ko, hindi ko sa kanya na-personal ang gusto kong sabihin.

    Sinabi ko kay ES at kay CabSec na walang plano ang LP. Hindi nga kami nagmi-meet as a party. Alam ninyo naman na after ng election, ang dami nang nawala sa amin. Hindi pa kami nagmi-meet na kabuuhan.

    Ang alam ko lang na nag-meet ang LP before ‘yong sa House of Representatives kasi pinag-uusapan kung magma-minority or majority. Pero kami as a party never pa kami nag-meet.

    Kaya para kay Sen. Alan para akusahan ang partido ng ganoon, tingin ko unfair. Kasi unang-una hindi totoo, sunod walang basis.

    Q: Napag-uusapan ba ng LP kung anong gagawin dito sa accusation

    VP Leni: Palagay ko wala kami sa posisyon para maghusga kung tama ang accusation o hindi. Ang sa amin lang, huwag harangan kung ano man ang ginagawa ng pamahalaan para malaman ang katotohanan.

    Pero tingin ko premature para sa partido na magsabi na ito ang gagawin namin dahil dito. Kasi again, hindi naman natin alam kung totoo ang sinasabi.

    Hindi natin alam kung totoo ang accusations. Mas mabuti na alamin muna natin. Magdesisyon kung alam na natin kung totoo ba o hindi.

    Q: Stand on pag-revive ng Bataan Nuclear Power Plant

    VP Leni: Ito po kailangang, kung naalala kasi natin, ito na-construct na before. Pero hindi siya tinuloy dahil sa maraming oposisyon. Ako hindi ako kontra sa anumang moves para pag-aralan muli ito.

    Pero ang sa akin lang, sana kung ang desisyon ay ire-revive ito, ang desisyon naabot after sa masusing pag-aaral. Parang iyon naman ang ginagawa. Napanood ko sa balita noong nakaraang araw, iyong mga opisyal ng DOE, pareho din iyon.

    Nandoon nga iyong ating kababayan, si Usec. Wimpy Fuentebella, iyon naman ang sinasabi. Pinag-aaralan iyong pros and cons kung bubuhayin ba siya o hindi.

    Kasi ngayon may kakulangan tayo sa supply bg kuryente so iyong pag-revive ba niya makakabuti or makakasama.

    Q: Thank you po.

    Posted in Transcripts on Aug 17, 2016