14 September 2016
VP Leni: Actually after Yolanda, I’ve been here so many times, pero iyon was because of the Jesse Robredo Foundation tumulong kami dito kasi naghanap kami ng lugar na kulang iyong presence ng mga tumutulong.
Parati kasi na-feafeature ang Tacloban, Ormoc, Guian, pero dito sa Eastern Samar na grabe din ang destruction, halos wala. So iyong mga pinuntahan ko rito, Hernani, Balangiga, Giporlos, Balangkayan, ito talaga ang binalikan ko.
Ngayon, nakakatuwa kasi marami nang pagbabago, iyong daan na lang. Naalala ko from before 4 hours from Tacloban going here pero ngayon sabi ni Mayor kaya na ng 2 hours.
Noong pumunta ako rito several times talagang nakadapa, nakadapa ang Hernani, halos lahat ng structures sira tapos ngayon, slowly, bumabangon. Medyo kulang talaga ang housing, kasi 900 houses, three years after, 200 pa lang ang ginagawa, wala pang tapos.
Q: Sobrang bagal po.
VP Leni: Sobrang bagal at hindi lang ito sa Hernani, ano iyon, sa buong Yolanda-striken areas. Very common ang problemang halos lahat, iyong bureaucratic red tape talaga.
Iyong requirement ng COA na kailangan titled ang property, alam naman natin, karamihan ng property sa probinsya mga tax declaration lang talaga nandiyan.
Kaya sinabi ko sa taga-NHA na pagbalik namin sa Manila at the soonest possible time, magkaroon kami ng meeting with COA at saka NHA kung paano ma-rerelax ang requirement.
Iyong sa akin, kung puwede na sana magsimula ang construction habang nilalakad iyong titling ng property. Kasi ang nangyayari ngayon ay hinihintay iyong titling ng property.
Iyong titling alone 2-3 years ang proseso so ngayon, three years after Yolanda, wala pang tapos. Mayroong 200+ na housing projects dito sa Yolanda-stricken areas na hindi pa na-tuturn over na medyo nakakadismaya.
Ang tawag natin ay emergency shelter response, eh hindi na iyon emergency. Kasi wala pa nga.
Ngayon iyong titingnan natin how to do away with bureaucratic red tape na hindi pa din sine-set aside iyong accountabilities. Siguro iyon iyong tututukan.
On Tuesday, nandito ulit ako, pero doon naman ako sa Palo at sa Tanauan. Bibisitahin ko doon ang mga housing projects na maraming problema. Sana soonest possible time mapuntahan ko na lahat.
Humihingi na ako ng matrix galing sa NHA, lahat ng existing, at lahat ng probelma.
Thank you!