This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Ambush Interview at Brgy. Litolet, Municipality of Siayan, Zamboanga del Norte

    16 December 2016

    Question: Wala na po kayo sa Gabinete, ano po ang plano ninyo para matulungan ang mga lugar gaya ng Siayan?

    VP Leni: Kahit pa po asa Gabinete pa tayo may nilaunch po tayo na flagship program ng OVP na Angat Buhay. Ito po ang sinasabi ko kanina na pumili po kami na 50 na pinakamahihirap na munisipyo sa Pilipinas at ang balak po natin over and above sa mga programa ng gobyerno ay i-tap ang private sector para magdala ng tulong dito. Noong October 10 po ang launch nito.

    Nag-repesent po si Mayor Flor ng kalagayan sa Siayan kung ano ang kailangan nila at inilahad po nila iyon sa mg apartners. Ito po ang first batch ng partners natin ang Phlippine Toy Library, Card MRI, iba-iba pa pong aspeto ang tutulungan.

    May health and nutrition, may education, ma rural development pero ito pong pagpunta natin parang gaya ng sinabi ko kanina, inspirasyon siya kasi kung nakita natin kung gaano siya kahirap dati at kng papaano na-transform ng LGU iyong sarili niya para maiangat ang buhay, ito po ang ginaganahan tayong tulungan.

    Kahit po ang mga private partners natin noong nalaman nila ang kuwento ng Siayan, energized sila. Hopefully after this visit, ipapakita natin ang documentation natin sa mga partners at hopefully sa susunod na baba masmarami na tayong kasama.

    Question: Reaction on statement of President Duterte na he was personally going around in Davao killing the suspects…

    VP Leni: Nakakabahala iyon kasi anong mensahe na ibinibigay niya hindi lang sa karaniwang mamamayan kundi pati sa mga alagad ng batas.

    Dapat siguro na alalahanin natin na siya iyong Commander in Chief ng Armed Forces at pinakaboss ng mga pulis. Kapag sinabi natin na ang pangulo natin kinukuwento na umiikot siya at pumapatay ng tao, nakakatakot dito parang ineencourage natin ang culture of impunity.

    Ano ang mensahe nito? Binibigyan ba natin ng lisensya ang mga alagad ng batas o ang mga karaniwang mamamayan na mamatay din ng tao. Alam natin na ang statistics ngayon nakakabahala na almost 6,000 deaths ngayon.

    Kalahati noon parang dahil sa police operations tapos dadagdagan pa ng ganitong mga pananalita. Natatakot tayo dahil baka things may get out of hand.

    Sa tingin nga natin out of hand na ngayon while supportive tayo sa kampanya laban sa iligal na droga pero tingin natin may paraan sana na mas epektibo at hindi kasama doon ang pagpatay sa mga mamamayan.

    Question: Napatay po ang isang konsehal ng Siayan ano po ang maitutulong natin dito?

    VP Leni: Actually ito po iyong kinukuha nating documentation ngayon. Nabalitaan ko nga po na kamag-anak ni Mayor Flor ang namatay na konsehal at mukhang biktima po ito ng extra judicial killings.

    Sabi ng mga tagarito hindi naman ito involved sa drugs at marami na kuwentong dinudulog sa atin na pinapatay tapos pinapalaba involved sa droga. Nakaktakot po ito kasi kapag nangyari ito sa isang konsehal sa malayong bayan ng Siayan, puwede siyang mangyari kahit kanino sa atin.

    Question: Iyong UN rapporteur hindi naman daw po dinisinvite, it’s just that gusto lang po na sumunod siya sa conditions na sinet ni President Duterte. Your thoughts on this…

    VP Leni: Hindi ko pa nakikita iyong conditions pero sa tingin ko mahalaga na may third person, isang institusyon na titingin sa mga nangyayari sa atin kasi halimbawa nagkaroon ng imbestigasyon sa Senado at nagkaroon ng report.

    Pero may haka-haka na hindi kumpleto iyong report. Parang kapag disinterested, pag sinabi nating disinterested ibig sabihin walang bahid ng pulitika, baka mas unbiased ang imbestigasyon na gagawin.

    Tayo we would prefer na tayo-tayo ang mag-iimbestiga, pero kung mayroong kuwestiyon na hindi patas ang pag-imbestiga, baka kailangan na ng tulong mula sa iba para makita kung ano ang tunay na nangyayari.

    Question: Sen. Pangilinan po said maaaring na-iinspire ni Pangulong Duterte ang killings. Do you share the same opinion?

    VP Leni: Ako oo. Sang-ayon ako sa sinabi ni Senator Pangilinan.

    Gaya ng sabi ko kanina na baka ang statements ng pangulo na siya mismo ang pumapatay at iyong sinabi niya na pag alagad ng batas ang pumatay at drug related ito ay sisiguruhin niya na hindi ito makukulong.

    Parang pag ganito kasi ang statements parang iniinspire mo pa ang iba to take the law into their own hands.

    Nakakatakot nito parang nilulusaw niya ang rule of law sa ating bansa na ito ang pinakacore ng ating kaluluwa bilang isang bansa.

    Question: Planong pabahay sa Siayan bago kayo nag-resign sa HUDCC?

    VP Leni: Hindi lang sa Siayan kundi pati sa lahat ng LGUs na nangangailangan ng pabahay. Ang ating directive a lahat ng local government ay ma-strengthen niya ang kanyang local housing board at ang lahat ng local housing boards gumawa ng local shelter plans na siyang basehan ng programa.

    Kasi in the past parang hindi siya nakabase sa isang shelter plan kaya parang bara-bara ang plano. Ayaw na natin iyon.

    Gusto namin LGU na ang magsabi kung ano ang kailangan namin at kung saan namin gustong ilagay ang pabahay para komprehensibo ang programa.

    Question: Christmas message po sa Siayan

    VP Leni: Nagpapaabot po tayo ng merry Christmas at happy new year sa mga taga-Siayan na napakainit ng pagtanggap sa atin.

    Kanina nagpapasalamat ako sabi nila, hindi kasi kami nabibisita ngayon lang ata kami naalala kaya parang nakakaantig ng puso at sinasabi mo sa sarili mo dapat gawin ko pa ito ng mas matagal dahil parang marami pa ang mga lugar na hindi naibigyan ng mukha ang national government kaya sa mga taga Siayan, maligayang Pasko po at manigong bagong taon.

    Posted in Transcripts on Dec 16, 2016