This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Ambush Interview at Bonot-Sta. Rosa, Camarines Sur

    Office of the Vice President Press Release

    26 May 2017

    Q: Ano po activities natin today? VP LENI: Buong araw mag-iinaugurate tayo ng mga school buildings na binigay ng mga private na mga donors. Kanina, nag-umpisa tayo sa G. Asanez Elementary School sa barangay Mangiring two classroom building.

    Ngayon andito tayo sa G. Dumalasa ano naman ito two classrooms ulit. Mamaya lilipat sa isang munisipyo pa, Sta. Lucia, Magarao tapos may pang-apat pa sa Mangayawan. Ito donated ito lahat ng private na mga donors.

    Q: Nakuha po natin ito noong Congresswoman pa kayo? VP LENI: Noong Congresswoman pa ako kasi hinahabol ko noon na magka-zero backlog sa classrooms. Maraming maraming binuild ang DEPED dito sa atin pero sobrang laki din kasi ng pangangailangan kaya kahit marami tayong nakuha sa DepEd kulang pa din.

    So iyong kulang hiningi natin sa mga private na donors. Ano naman marami tayong mga donations na nakuha halimbawa iyong kanina galing iyan sa Atlantic bakery, ito sa Pamilya, bukas mayroon sa Punta Tarawal bigay naman iyon ng AGAPP Foundation.

    Bukas din mag-iinaugurate tayo ng library galing naman ito sa Ahon Foundation. Parang kailangan lang na tumiwala ng mga private na donors. Kapag tumiwala sila madaling humingi.

    Q: Hanggang sa Sunday na tayo Ma’am? VP LENI: Hanggang sa Sunday. Bukas iyong birthday ni Jesse pero hanggang Sunday ako dito.

    Q: Ano po iyong magiging activity natin bukas? VP LENI: Mass lang tapos inauguration ulit ng projects kasi parang tinake advantage natin na andito iyong mga donors for Jesse’s birthday kaya doon natin tiniming iyong mga inauguration saka marami tayo ngayong mga activities on the side.

    Halimbawa iyong mga Young Councilors’ League pinag-aaralan nila iyong mga governance model na sinimulan ng aking asawa so andito sila ngayon so mamaya imi-meet ko sila.

    Mayroon din iyong parang reunion ng mga city youth officials isang programa din na sinimulan ng asawa ko noong siya ay mayor pa. Mag-aattend din tayo ng activities sa Ateneo de Naga. May lecture series si former Chief Justice Hilario Davide.

    Q: Ano po iyong inyong message for Sec. Jesse, ano po iyong gusto niyong hilingin sa kanya na parang prayer? VP LENI: Ako kasi tingin ko hindi naman ako iniiwan. Parati siyang nandiyan. Kilala niyo naman lahat ako. Kilala niyo ako na hindi ako na hindi ko ito pinlano.

    Noong bigla siyang nawala, kahit ako iyong nadiyan tingin ko siya pa rin iyong nag-guiguide kaya parang iyong reference ko sa kanya hindi siya malayo parating narito pa din.

    Q: (Reaction to possibility of Martial Law in the Visayas) VP LENI: Parang mahirap kasing mag-react kasi una sinabi possibility pa lang yung tingin naman natin ngayon walang dahilan para idamay ang Visayas at Luzon. Iyong Martial law naman sa Mindanao, tinitingnan natin ngayon yung naglabas na ng declaration. May guidelines na inilabas, ito yung tinitingnan natin.

    Gusto natin maging supportive sa administrasyon kasi sa tindi ng problema natin sa terorismo hindi ito yung panahon na nag-aaway-away tayo. Kailangan tayong magkaisa pero kailangan ding maintindihan na maraming nangangamba sa Martial law.

    Maraming nagangamba dahil sa karanasan natin sa pang-aabuso na nangyari sa ating bansa. Dahil dito kaya sa pagusporta natin gusto din nating humingi ng assurance galing sa administrasyon at sa ating hukbong sandatahan na siguraduhin na hindi na ulit mangyayari iyong nangyari noong panahon ng diktadurya. Kaya kinakailangan sa atin maging vigilant parati.

    Hindi natin papayagan na maging instrumento ulit ito ng karahasan. Hindi natin papayagan na ito ang maging daan para magkaroon ulit ng nilabanan natin dati ng uri ng pamamahala. Sana hindi na ulit bumalik. Pero yung sa atin gusto nating ihayag ang suporta natin sa sa ating pangulo at sa hukbong sandatahan. Kailangan tayong magkaisa.

    Q: Mag-rerelief operations daw po kayo sa Marawi city? VP LENI: Actually nag-start na kami kahapon. Nag-set up na ng command center. Isa sa Xavier University sa Cagayan de Oro kasi partner natin iyon at isa sa Iligan. Kinailangan natin iyong gawin kasi maraming humihingi ng tulong.

    Maraming humihingi ng tulong ng pagkain kasi biglaan iyong paglikas sa kanilang mga bahay. Ito hindi din ito parang government alone pero yung ating private partners katuwang natin sa exercise na ito.

    Mayroon na kaming team galing sa Office of the Vice President na nandoon na ngayon ako gusto kong pumunta pero hindi pa ako binibigyan ng clearance. Gusto kong pumunta para i-oversee lang iyong operations. Pero ito naman pag-supplement ng mga ginagawa ng gobyerno, pag-supplement ng ginagawa ng DSWD kasi marami namang nangangailangan ng tulong.

    Q: Iyong sa AFP briefing po, Ma’am? VP LENI: Iyong AFP briefing, nagpapasalamat tayo sa AFP na binigyan tayo ng briefing ng mga nangyayari. Pinahayag sa atin kung ano ang sinimulan, ano ang expectations at doon natin nakuha ang assurance na walang pang-aabusong mangyayari.

    Walang paglabag sa mga karapatang pantao kasi ipinahayag natin na while supportive tayo nangangamba din. Nangangamba na baka magamit ito sa mali kaya mahalaga na patuloy tayong magbantay. Patuloy tayong maging supportive pero patuloy ding magbantay.

    Q: So you see the transparency in the AFP briefing that’s why medyo kampante tayo? VP LENI: Ako kasi naiintindihan natin na hindi nila puwedeng ihayag lahat ng kanilang nalalaman in the interest of national security pero tumitiwala tayo na iyong ating pangulo maraming information na nalalaman na hindi natin alam kaya siya nag-aact accordingly doon sa impormasyon na ibinibigay.

    Iyon lang ang hinihingi natin ang pag-intindi sa pangamba ng marami dahil sa karanasan nating lahat.

    Posted in Transcripts on May 25, 2017