This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Ambush Interview at the AFP General Headquarters

    24 May 2017

    AFP NATIONAL HEADQUARTERS

    Q: What’s your reason for coming here sa AFP? VP LENI: Iyong mula pong kahapon, patuloy ang pagbigay sa atin ng updates ng AFP. At iyong pagpunta ko ngayong umaga, bahagi ng pinag-uusapan pa kahapon. Humingi po tayo ng briefing sa kanila ngayong umaga kung ano iyong updates. Dahil gusto natin na mula sa kanila ang impormasyon na nakakalap natin. Dahil napakarami pong lumalabas na impormasyon ngayon sa social media, at kung sino-sino, kailangan marinig natin galing sa AFP kung ano ang totoo.

    Q: [unintelligible] VP LENI: Wala pa po. Tinanong natin ang liderato ng AFP tungkol sa, tungkol po diyan. Ang sabi nila wala pang guidelines. Hinihintay po nila ang pagdating ng ating pangulo, pero ang sa atin po maging kalmado lang sana tayo. Nakikiusap tayo sa ating mga kababayan na maging kalmado. Marami naman pong—gusto nating hintayin, gusto nating hintayin iyong official declaration. Gusto natin hintayin kung ano iyong guidelines. Iyon atin pong konstitusyon, marami namang nilagay na safeguards para hindi ito maabuso. Iyong liderato po ng AFP, ina-assure tayo kanina na kung i-implement naman itong martial law, nangangako sila na talagang pangangalagaan iyong basic na mga karapatan ng ating mga kababayan. Pero tayo po nagpapasalamat tayo sa ating mga sundalo at kapulisan sa patuloy na pangangalaga sa ating seguridad. Sila po ang napapalaban ngayon kaya kinakailangan talaga nila ang suporta at tulong nating lahat. Kanina po tinanong ko sila ano ba iyong matutulong namin sa puntong ito. Sabi po nila, iyong pakiusap sana sa ating mga kababayan na hindi lang maging kalmado pero pakiusap na makipagtulungan. Hindi po basta basta ang laban na ito. Ang mga kalaban natin mga—ang kalaban po natin dito terorismo. Na iyong impormasyon galing sa ating mga kababayan ay napakahalaga, para matulungan na maging matagumpay ang police operations. Tinitiyak naman ng—tiniyak po sa atin ng liderato ng AFP na kontrolado nila ang sitwasyon, pero para sana sa agarang paglutas ng sitwasyon na ito, nakikiusap sila sa kooperasyon ng lahat.

    Ito po iyong panahon na kailangan tayong magkaisa. Ito iyong panahon na kailangang pangalagaan nating sabay sabay iyong seguridad ng ating bansa. Hindi ito iyong panahon para maghiwa-hiwalay pa tayo. Kaya ito po iyon pinakapakiusap sa atin ng AFP, na pakiusapan iyong ating mga kababayan ng kanilang kooperasyon.

    Q: Sino po iyong nakausap ninyo? VP LENI: Marami po iyong officers na kausap, namumo po si Gen. Mison, iyong ating Deputy Chief of Staff. Dumating rin po si USEC Del Rosario ng DND. Iyong nagbigay ng briefing si Gen. Clement. Nandoon rin po iyong AFP spokesperson at iyong iba pang opisyal.

    Q: Maraming residente sa Marawi ang nangangailangan ng tulong. Sa ngayon po, anong maitutulong ng Office of the Vice President? VP LENI: Actually po nanawagan na kami ng… nanawagan na po kami para sa tulong ng lahat, kasi iyong inaalala po namin dito baka maraming maapektuhan sa displacement, baka kailangan ng relief operations. Kanina pong maagang maaga — mula kagabi hanggang kaninang maagang maaga, kausap po natin iyong representatives ng LGU Marawi. Ang sabi nila sa amin, i-hold muna ‘yung pagpadala ng relief, kasi hindi nila alam papa’no iyong pagtanggap kasi hindi pa clear iyong pagpapapuntahan. Magsasabi daw sila sa atin kapag okay na. Pero ina-anticipate natin na baka kinakailangan ng relief after nitong operation. Sana hindi siya tumagal. Tinanong natin kanina iyong ating mga opisyal ng AFP, ano ba iyong pinakamaa-advise nila para maging safe lahat. Ang kanila pong pakiusap, sana huwag lalabas ng bahay. Sana huwag lalabas ng bahay. Hindi nila ine-encourage na mag-evacuate sa isang common na lugar kasi pag mag-ipon-ipon, lalong vulnerable iyon. Huwag nang lumabas ng bahay.

    Pero pag may impormasyon pong alam, iyong pina-pakiusap po natin sa lahat, makipagtulungan. Iyong seguridad naman po hindi lang trabaho ng ating mga sundalo, hindi lang po ito trabaho ng kapulisan, pero obligasyon natin itong lahat. Kaya iyon po iyong pinakapakiusap ngayon. Makakatulong tayo ng malaki sa ating mga sundalo pag hindi—pag kalmado lang tayo, huwag tayong labas nang labas ng bahay, at iyong impormasyon po ang pinakamahalaga.

    Kung babalikan natin iyong Bohol, kaya agaran iyong solusyon s aBohol dahil malaki iyong pakikipagtulungan ng mga kababayan natin doon. Umaasa po iyong ating mga sundalo na sana dito sa Marawi ganoon din.

    Q: Ma’am do you agree with the declaration of Martial Law? VP LENI: Mahirap pa po sabihin kasi wala pang opisyal na deklerasyon. Parang sinabi pa lang pero tinanong po natin ag liderato ng AFP, kahit sila parang gusto nilang hintayin muna. Hintayin muna iyong pagdating ng Pangulo, para mayroon nang official declaration, siyempre po maglalabas iyan ng general orders. Pero sa akin kasi, panahon ito na magkaisa tayo. Magtiwala po tayo sa ating mga sundalo, tiwala tayo sa AFP na iyong pinaka buod kasi nito, matapos iyong terorismo. Kung ano iyong kinakailangang gawin para una sabi po ng liderato ng AFP kanina, iyong pinaka gusto nilang mangyari ngayon, ito iyong pinaka-target nila, ma-normalize ulit iyong sitwasyon sa Marawi. So ano iyong kinakailangan para mangyari iyon, susuportahan natin, at hinihikayat natin ang laht na sumuporta din.

    Q: [unintelligible] VP LENI: Mahirap sabihin, tinatanong po natin sila kanina, sabi po nila iyong pagdeklara ng state of emergency after noong Davao bombing, hindi pa iyon bina—hindi pa iyon nili-lift. So bago ito nangyari, nasa state of emergency iyong buong bansa, ito iyong next step. Iyong sa akin po, hintayin natin iyong official declaration nang Pangulo, anyway under the constitution naman, within 48 hours, iyong Pangulo magpapadala sa congress ng information kung bakit ito kinakailangan.

    Q: Some people are saying baka maabuso dahil buong Mindanao? Do you share the same sentiments, Ma’am? VP LENI: Mahirap pa kasi sabihin ngayon. Mahirap pang sabihin ngayon in the sense na kahit iyong tutok ng operasyon nasa Marawi, iyong possibility na sa ibang bahagi sa Mindanao may mga umusbong na ganito, posible. Pero iyong isang pakiusap din natin sa lahat, at iyon din ang pakiusap ng AFP, na sa pagiging kalmado natin, bahagi nito iyong pagiging responsable. Marami po ngayong impormasyon na lumalabas sa social media, na hindi naman totoo. At nag-ca-cause lang siya ng alarm sa ating lahat, hindi siya nakakatulong. Pangalawa, iyong mga terrorista, iyong terrorismo, ito ang pinaka kalaban natin. Kaya dapat pagtulungan natin na hindi bigyan ng hindi nararapat na, alam mo iyon, recognition iyong mga ginagawa nila.

    Q: Pero Ma’am, sinusuporta niyo ang declaration of Martial Law in Mindanao? VP LENI: Ayon na po, iyong sinabi ko kanina, mahirap—hintayin natin iyong pagdating ng Pangulo. Wala pang official declaration, hindi natin alam iyong terms nito, hindi po natin alam iyong guidelines, mas mabuting hintayin natin at mas mabuting supportive tayo at this point, kung ano iyong gagawin ng pamahalaan kasi ito iyong kinakailangan, kasi iyong kalaban naman natin dito, hindi tayo-tayo, pero kalaban po natin dito terrorismo.

    Q: Ano pong confirmed info po na puwedeng i-share sa public? VP LENI: Iyong sa kanila lang, nag-usap kami na kung ilan iyong namatay, ilan iyong wounded, manggagaling iyon sa kanila. Pero iyong sinasabi nila, ina-assure na kontrolado nila iyong sitwasyon. At tayo naman nagpapasalamat sa, nagpapasalamat sa ating mga sundalo at kapulisan sa patuloy na pakikibaka para ma-normalize ulit iyong sitwasyon.

    Posted in Transcripts on May 23, 2017