-
Posted
in Statements on Sep 21, 2021
Mensahe ni VP Leni Robredo sa Anibersaryo ng Deklarasyon ng Martial Law
Kaisa ng sambayanang Pilipino ang Tanggapan ng Pangalawang Pangulo sa paggunita sa deklarasyon ng Martial Law noong 1972.
Ipinapaalala sa atin ng kasalukuyang situwasyon, kung kailan malinaw ang pagsisikap na baluktutin ang katotohanan ng malagim na kabanatang iyon: Kumukupas ang alaala; kung minsan, nabibili ang plataporma; ang kuwento, nabubura. Kapag nanahimik tayo— kapag hindi natin pinadaloy ang naratibo sa sari-sarili nating mga espasyo, pera at kapangyarihan ang magdidikta ng kasaysayan.
Kailangan nating ulit-uliti...
Read More...
-
Posted
in Statements on Sep 01, 2021
Pahayag ni OVP Spokesperson Atty. Barry Gutierrez ukol sa iba't-ibang grupo na nagpapahayag ng suporta kay VP Leni Robredo
Nagpapasalamat si VP Leni sa lahat ng mga nagpahayag ng kanilang tiwala at suporta. Kasama sa kanyang proseso ng pagdedesisyon ang pakikinig sa mga panawagang ito. Malapit na tayo sa panahong tinukoy niya para sa pagpapahayag ng kanyang desisyon.
#
Read More...
-
Posted
in Statements on Aug 30, 2021
Mensahe ni VP Leni Robredo para sa Araw ng mga Bayani 2021
Ngayong National Heroes’ Day, kinikilala natin ang giting, sakripisyo, at kadakilaan hindi lang ng mga tanyag na bayani ng ating lahi, kundi pati ng napakaraming Pilipinong nag-alay ng buhay para sa bayan. Di man naitala ng kasaysayan ang kanilang pangalan at pinanggalingan, nabubuhay sa atin ang kanilang pinangarap at pinaghirapan: Isang bansang mas ligtas, mas malaya, mas makatao.
Patunay sila: Bawat Pilipino, puwedeng maging bayani. At ang totoo nga—lalo ngayong panahon ng krisis—bawat Pilipino, tinatawag na maging bayani. Hindi kai...
Read More...
-
Posted
in Statements on Aug 21, 2021
Mensahe ni VP Leni Robredo para sa Ninoy Aquino Day
Ngayong araw, ginugunita natin ang ikatatlumpu’t walong anibersaryo ng pagkamatay ni Ninoy Aquino. May dagdag na kalungkutan ang paggunita natin ngayong taon, dala ng pagpanaw ng anak niyang si PNoy nitong nagdaang Hunyo lang.
Kasama si Pangulong Cory, isang mag-anak silang nagpamalas ng kabayanihan at pagmamahal sa bayan. Binibigyang-pugay natin ngayon ang tapang ni Ninoy nang pinili niyang talikuran ang pansariling kaginhawahan upang ialay ang kanyang buhay sa ngalan ng ating kalayaan. Sakripisyo itong bumago sa takbo ng ating kasaysayan....
Read More...
-
Posted
in Statements on Aug 04, 2021
Mga rekomendasyon ni VP Leni sa pagbabalik ng ECQ sa NCR
Narinig po natin ‘yung sinabi ng Palasyo na gustong maging “last ever lockdown” itong paparating na ECQ sa NCR.
Para marating ‘yung goal na ‘yun, kailangang tingnan ang lockdown bilang stopgap measure lang. Hindi ito gagana kung lahat ng ibang pandemic measures naka-status quo lang.
Halimbawa, 50,000 per day pa lang ang testing— dapat umabot ng at least 120,000 ‘yan para natutukoy talaga natin ang mga lugar na dapat tutukan.
‘Yung contact tracing, labo-labo pa rin, ang daming app, ibig sabihin ang daming database. Pag-isahin na natin ‘y...
Read More...