Wed, Jul 30, 2014, 5:03:17 PM
NOTICE OF AWARD - VARIOUS MEDICINES

Procurement of various medicines for medical and dental missions

NOTICE OF AWARD re: 1 unit SUV - 2013 model

INVITATION TO BID re: 1 unit Black SUV - 2013 Model

SUPPLEMENTAL/ BID BULLETIN re: 1 unit Black SUV - 2013 Model

SUPPLEMENTAL/ BID BULLETIN re: Medicines for Medical and Dental Mission

INVITATION TO BID re: 1 unit Black SUV - 2013 Model

INVITATION TO BID re: Medicines for Medical and Dental Mission

NOTICE OF INTENT TO DONATE



Please type in a keyword:
Search in Photo Gallery
VP News
Speeches
Others
VP Awards

VP Awards
TechVoc Committee

VP Scholars
SPEECHES

Home / Speeches / Education

Speech of Vice President Jejomar C. Binay for the 65th Commencement Exercise of the Wesleyan University of the Philippines, April 12, 2012 4:00 p.m.
Posted: Friday, April 13, 2012

Theme: Rising Up to the Challenges of the Times

Una sa lahat nais ko pong pasalamatan ang pamunuan ng Wesleyan University of the Philippines sa pag-gawad sa akin ng Doctor of Humanities honoris causa. Malaki pong karangalan ito para sa akin at bilang isang dating propesor, higit ko pong nauunawaan at pinahahalagaan ang pinagkaloob sa inyong lingkod.

More importantly, it is my greatest pleasure to join the graduating class and their parents and mentors on this most blessed day.  I share your most profound joy and your brightest hopes as you feverishly wait to turn the page and embark on a new beginning.

Nais ko rin pong pasalamatan natin ang lahat ng mga nagpamalas ng kadakilaan upang magsama-sama tayo ngayon. Ang mga magulang ninyo ay hindi nagsawang nagmalasakit upang kayo ay makapag-aral sa isang mahusay na pamantasan. Dapat ninyong malaman na ang araw na ito ay tagumpay din nila sapagkat ang kanilang pagaabala’t pagtiyaga ay gagantihan sa wakas ng inyong pagtatapos.

Ang inyong mga guro ay nagsunog din ng kilay upang makamit ninyo ang isang de-kalidad na edukasyon. Ako’y naging guro rin minsan, at matitiyak ko sa inyo na kahit ang pinakapilyo sa inyong batch ay napamahal sa kanila. Kung sila man ay naging mahigpit sa loob ng silid-aralan, ang tanging nais lamang nila ay mapagtibay ang inyong loob at umiral ang husay na ipinagkaloob sa inyo ng Maykapal. Sila’y nanalangin na inyong maunawaan na ang edukasyon na inyong nakamit ay nakaugat sa paglilingkod.

Higit sa lahat, nais kong magbigay pugay sa inyo, ang mga magsisitapos ngayong hapon. Hindi kayo nawalang bahala sa harap ng hirap ng buhay estudyante. Tapat ninyong ginampanan ang mga tungkuling ipinagkatiwala sa inyo.

At ngayon, matapos ang ilang taong pagbuhos ng pagod, dugo’t luha, hihirangin na kayong mga anak ng Wesleyan University of the Philippines.

Tunay na makapangyarihan ang edukasyon sa pagpapalaya sa isang tao. Matibay ang aking paniniwala na ang tao na nagmula sa hirap kung may pinag-aralan, may pagsisikap at may determinasyong umaangat sa buhay, ay handang makipagsabayan sa mga mas nakakariwasa.

Ako po’y patunay nito. Kung babalikan ninyo ang aking pinagmulan, maaring walang mag-iisip na mayroon akong mararating. Pinanganak ako sa isang pangakaraniwang pamilya, at kung mayroon kaming naranasang kaunting kaginhawaan, ito po’y dala ng aming pagsisikap sa araw-araw. Nang yumao ang aking ina, ipinagkatiwala ako ng aking ama sa tiyuhin ko sa Maynila at siya ang tumustos sa aking pag-aaral. tumulong ako sa mga gawain sa tahanan, at sa halip na makipaglaro kasama ng ibang bata, ako po’y nag-iikot upang mangolekta ng kaning baboy.

Bunga ng aking pagsisikap at ng awa ng Diyos, ako’y tinanggap sa isang state university, sa University of the Philippines Diliman. Tulad ninyo, ang aking tanging pangarap ay makapagtapos at makalipas ng ‘di mabilang na paglalamay, natanggap ko rin ang aking diploma.

Hindi nagtagal ang aking bakasyon gawa ng umiral ang kagustuhan kong maging abogado.  Nakapasok ako sa College of Law, ngunit hindi ko maipagpapatuloy ang aking pag-aaral kung hindi ako magtratrabaho. Mahirap maging working student lalo na kung abugasiya ang pinapasukan ngunit batid ko na ang lahat ng pagtitiis ay may katapusan kung pagbubutihin ko lang ang aking pagaaral.

Dumating ang araw na ako’y nanumpa bilang abogado at labis lang ang aking tuwa. Buo ang tiwala ko sa sarili’t sa lahat ng aking naalpasan. Sa aking isipan, handa kong harapin ang lahat ng hamon ng mundo. At tulad ng ibang binatang puno ng lakas ng loob at kulang sa karanasan, ako po’y nagkamali sa aking haka-haka.

Bagamat marami akong pinag-aralan, hindi po ito naging sapat upang maisabuhay ang aking mga pangarap. Bilang tagapagtanggol ng mga biktima ng batas militar, kinailangan kong suriin ang bawat kaso na iniasa sa akin. Lalung naging masusi ang pag-aaral ko sapagkat kung matatalo ang aking mga kliyente, ang haharapin nila ay bilanguan o di kaya’y kamatayan.

Pagsapit ng tawag ng serbisyo publiko, hinirang akong OIC Mayor ng isang munsipyong baon sa utang. Marami sa mga mamamayan ng aking bayan ay naghihikaos at lahat ay umaasang makahanap ng lunas. Karagdagang pag-aaral ang kinailangan at higit po dito, pinag-aral namin ang aming mga kasama’t sumangguni kami sa mga dalubhasa upang makabalangkas ng mga angkop na programa. Naglaan din kami ng pondo upang ang lahat ng mga bata ay walang dahilan upang hindi pumasok sa paaralan. At sa loob ng mahigit dalawang dekada, nadama ng tao ang pagbabago sa agos ng kanilang buhay.

It is for this reason that I have never really stopped studying. Learning has been my constant companion and even today, as your Vice President, I continue to seek current knowledge on matters that are important to my office and our country. Thankfully, this search has been made easier by the tools of technology unlike my days in college when we had to spend hours in libraries.

The spirit of service must at all times be rooted in the best intentions but unless they are accompanied by an unquenchable thirst for knowledge, success will be elusive. Our intelligence and skills must match the growing concerns of the world, wherever we live or work. We need to understand the challenges of our times and we can only overcome these problems if our decisions are based on current information and relevant solutions.

The education we obtain is meant to change the lives of others. It is not meant to be captured on a wall of diplomas that others   can     admire. All that we have learned and every single ounce of wisdom we have gained is meant to be applied to the problems people face in ordinary and even extraordinary times. Our country has its own fair share of challenges to resolve and all of us, most especially the young, bear the sweet and noble burden of helping the nation overcome all of these hurdles.

This Wesleyan University is also different from many others in that it is a Christian institution and as such is rooted in Christian values. John Wesley himself argued that the virtues of faith and love are meant to be practiced so that these may take root in all people across the land. Indeed, there are many clerics from the Methodist Church who have repeatedly stressed that participation in the community helps your faith grow and absent such involvement, you will not be equipped for mission and service to the world.

I am not a Methodist. I am Catholic. But in the quest to make the world a better place for all men, no divisions exist between us. We all yearn to be instruments of peace and love on God’s earth and I believe all of us are bound by the words from the first book of John.

“This is how we know what love is: Jesus Christ laid down his life for us. And we ought to lay down our lives for our brothers and sisters.” (1 John 3:16)

Dito po kayo naiba sa napakaraming estudyante sa buong kapuluan. Ang hamon sa inyo ay hindi lamang humayo’t umani ng kasaganahan para sa sarili. Kayo po ay inaasahang aambag sa mga hakbang laban sa kahirapan, dahil ang turing ninyo sa kapwa ay hindi lamang kababayan, kundi kapatid.

Sa gitna ng mga suliraning ating hinaharap, hinihiling ng inyong bayan na tumulong kayo sa pagsasagawa ng mga napapanahong programa. Ngunit dahil sa inyong pinanggalingan na kasaysayan, marapat na magdala kayo ng pagbabago sa diwa ng ating sambayanan. Karamihan sa mga krisis na humagupit sa mundo ay hindi namuo sa biglaang pagkakataon. Kung ating pag-aaralan, ang mga ito’y namunga sa loob ng puso ng tao. Ang kasakiman at pagiging makasarili ay hindi likas sa atin. Ito po’y pinunla’t pinalago hanggang kumalat ito na parang salot.

Ako po’y nagpapasalamat na ang mahal nating Pilipinas ay nanatiling ligtas sa ganitong uri ng pananalakay. Subalit huwag po tayong maging manhid sa peligrong ito. Pairalin po natin ang mga magagandang asal na nakaukit sa ating mga nakaugalian, at maging sa ating mga pananampalataya at maging matatag po tayo sa ating magagandang hangarin.

Mga kaibigan, ang ninais nating tagumpay ay hindi darating sa madaling panahon.

Mahabaang pagmamalasakit at pagtutulungan ang ating kakailanganin at sana po’y huwag kayong mawalan ng loob kung paminsan-minsa’y salubingin kayo ng kabiguan.  Saan man kayo makarating, nawa’y patuloy ang inyong pamumuhay ayon sa nararapat, mga kaugalian na ikinintal sa inyo ng Wesleyan University of the Philippines noong kayo ay nag-aaral pa.

Ako ay naniniwala at nananalig na kung mananatiling marangal ang landas na inyong tatahakin, gaganda ang inyong mga buhay at sisikat ang bagong araw sa ating bayan.

Congratulations to you, dear graduates. May you bring more pride to your families and your university. May you be the change that we wish to see sweep across our country.

Mabuhay kayong lahat!



CLICK HERE TO SEARCH
THE ARCHIVES