This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Statement of Vice President Leni Robredo on the earthquake in Davao Del Sur and neighboring provinces

    Quezon City Reception House

    Magandang umaga. Maraming salamat sa pagpunta.

    Ngayong umaga, naka-schedule sana iyong ating Ulat sa Bayan. In fact, nandito na iyong report. It’s a 40-page report, na iyong summary sana sasabihin ko ngayon, together with the recommendations. Pero dahil sa nangyari na malakas na paglindol sa Davao del Sur saka sa mga katabing probinsya gaya ng South Cotabato, minabuti namin na ipagpaliban muna.

    Mula noong lumindol kahapon, nag-usap-usap na kami, nag-form kami ng team dito sa opisina na pupunta doon para magbigay ng relief assistance. Ngayong umaga, kausap ko si Congresswoman Didi Cagas. Kinukuwento niya kung gaano ka-grabe iyong… hindi lang iyong lindol, pero iyong hundreds of aftershocks pagkatapos noon. Iyong report sa atin, as of siguro mga 10 minutes ago, iyong report daw ng PDRRMC sa kaniya ay mayroon nang eight to 10 na namatay. Mayroon pang anim na na-trap doon sa shopping center, pero—iyong shopping center na gumuho.

    Pero gusto ko lang kunin iyong pagkakataon ngayong umaga na humingi ng tulong. Panahon ito na magkaisa tayo. Humingi ng tulong sa mga mayroong capacity na tumulong. Ang pinaka-kailangan daw nila as of this time, tents dahil sunod-sunod na iyong aftershocks at iyong mga tao traumatized na grabe. Iyong mga tents saka drinking water. Iyong sabi niya kanina, nawalan na ng kuryente, nawalan na ng tubig. So nakikiusap din tayo, baka mayroong mga generators na puwedeng ipahiram muna doon. Iyon nga, iyong drinking water, nagtawag na tayo sa mga partners kung sino iyong puwedeng makapagpadala immediately, iyong mga tents. Iyong pinaka-problema kasi nito, hindi lang iyong malakas na lindol kahapon, pero the fact na sunod-sunod. At iyong pagkasunod-sunod, sobrang lakas. Ang description nga ni Cong. Didi sa akin, iyong dati daw parang ang tunog na naririnig nila habang lumilindol, parang nagka-crash lang na mga glass saka nagbo-bowling. Ngayon daw, ramdam na ramdam saka dinig na dinig iyong paggalaw ng mga rocks sa ilalim ng lupa. So iyong— Umiiyak nga si Cong. noong kausap ko. Iyong sa kaniya, iyong paano matulungan iyong taga-doon dahil sa trauma na pinagdadaanan. Kanina daw na umaga, mayroong special Mass para doon sa… pagdadasal hindi lang sa mga victims pero maging ligtas lahat. During the Mass daw, may dalawa pang malakas na aftershocks na nangyari.

    So iyong sa akin lang, parang napaka-mali sa timing na asikasuhin natin iyong report sa ICAD, na mayroon pa namang panahon para pag-usapan ito. Tingin namin mas mabuti na ang pagtuonan ng pansin ngayon ng lahat, kung paano tayo makakatulong doon sa mga victims saka sa mga kababayan natin, na magki-Christmas pa naman. Na kahit sana dumadaan sila sa ganitong trahedya, maramdaman pa din iyong diwa ng Pasko. Nag-order na ako dito sa amin na iyong lahat na Christmas celebrations i-scale down, gawin lang na napakasimple, para— Mas kailangan ng ating mga kababayan doon iyong tulong, at nananawagan tayo sa lahat.

    Ito namang report na ito, puwede nating gawin anytime kung wala nang ganitong pinagkakaabalahan tayong lahat. Pero tingin ko, ito talaga, panawagan na magkaisa tayo. Magkaisa para magtulong-tulong. Hindi natin ma-imagine kung gaano ka-grabe iyong pighati—hindi lang ng mga nawalan, pero iyong… alam niyo iyon… iyong takot na pasunod-sunod.

    So iyong sa akin lang, ipagdasal din natin iyong ating mga kababayan sa Davao saka sa Cotabato. At sana matapos na, sana matapos na kaagad ito. Hinihikayat natin iyong tulong ng lahat.

    Mag-a-update kami every time mayroon kaming balita, pero as of now, iyon iyong binigay sa atin na pinaka-pangangailangan: iyong tents saka mga drinking water. Saka kung mayroong puwedeng magpahiram ng generator, magpahiram tayo kasi mayroon pang retrieval operations na nangyayari. Ang sabi nila, kahapon noong madilim na, nahirapan na sila, nahirapan na sila mag-retrieve, kaya nag-resume na lang ngayong umaga. Pero just in case mayroon pang ibang mga gusali na maapektuhan, dapat maghanda lang tayo kaagad ng tulong.

    So pasensya na kayo. Pasensya na kayo. Alam ko na lahat naghintay kasi ini-announce natin ito, pero dahil nga sa nangyari kahapon, ipagpaliban muna natin.

    Maraming salamat sa inyong lahat.

    Posted in Press Releases on Dec 16, 2019