This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Sama-samang Sagwan tungo sa Kaunlaran

    Message at the Negros Occidental Small Fishers Alliance 5th Provincial Congress

    Bacolod Business Inn, Bacolod, Negros Occidental

    Magandang umaga. [Audience: Magandang umaga!]

    Una sa lahat, maraming, maraming salamat sa pag-iimbita sa akin. Alam niyo po, pabalik-balik ako dito sa Bacolod, pero hindi nagsasawang bumalik dahil hindi lang sa masarap iyong pagkain pero napakababait ng mga tao dito.

    Pero bago ako magpatuloy, pagbigay-galang muna sa mga opisyal na kasama natin ngayong umaga, sa pamumuno ni Mr. Japeth Masculino, ang ating provincial agriculturist [applause]; Mr. Tony Castillo Jr., ang ating chairperson ng NOSFA (Negros Occidental Small Fishers Alliance) [applause]; Ms. Marian Jill Abeto, OIC Provincial Director ng BFAR (Bureau of Fisheries and Aquatic Resources) [applause]; Mr. Edwin Balajadia, ang ating Area Manager ng PRRM (Philippine Rural Reconstruction Movement) [applause]; Ms. Marita Rodriguez, Executive Director ng NFR (NGOs for Fishery Reform) [applause]; Ms. Judy Gepulle, Chairperson ng Municipal Federation of Small Fisherfolk, tama ba? Municipal Federation of Small Fisherfolk; mga samahan ng mangingisda mula sa Northern at Southern Negros Occidental; mga kapwa ko lingkod-bayan; ang aking mga kababayan: maayong aga sa inyong tanan. [applause]

    Alam niyo po, iyon lang iyong alam ko. [laughter] Nakakaintindi ako; kahit mag-usap tayo, maiintindihan ko kayo pero hindi ako nakakapagsalita. Hindi ko alam kung sino dito iyong familiar sa Bicol pero halos pareho—halos pareho iyong salita natin; mas malambing lang kayo sa akin. [laughter] Iyong Bicolano, kapag nagsasalita parang parating galit. Iyong mga Ilonggo naman, galit na, pero parang naglalambing pa rin. Ayon, iyon ang lamang ng mga Ilonggo sa atin. Pero ito, kanina, kalalapag lang ng aming eroplano, kakarating lang namin at pagkasalita ko, sasakay rin ulit ako sa eroplano. Talagang kayo lang iyong aking sinadya. [applause]

    Napakamalapit sa aking puso iyong mga mangingisda. Kanina, nasa lamesa ako, mga tatlo na iyong nagsabi sa akin na kaibigan nila iyong kaibigan ko rin, si Attorney Gigi Gamilla. Kami ni Attorney Gigi, magka-opisina kami nang matagal sa isang NGO na ang pangalan ay SALIGAN. Partner namin iyong PRRM noong nasa SALIGAN pa ako. Iyong SALIGAN, NGO siya ng mga abogado na naninilbihan sa mga sektor. At isa sa mga sektor na pinanilbihan namin, iyong mga mangingisda. Naninilbihan sa mga magsasaka, mga kababaihan, mga IP, mga manggagawa, ano pa ba? Mga urban poor, ang mga kabataan. Pero dito sa lahat na sektor na ito, sa pag-ikot namin—iyong area ko, Bicol region—sa pag-ikot namin, nakita ko talaga na parang pinakamahihirap iyong mga mangingisda. Lalo pa ngayon, kaysa noon.

    Noong ako ay naging Pangalawang Pangulo na, ang isa sa mga tinutukan kong binibisita, kahit saan kami pumunta, mga coastal communities. At iyong aking sasabihin sa inyo ngayon, mga kuwento ng mga nakakasalamuha namin sa aming pag-iikot. Iyong pinakauna kong kuwento ay kuwento ni Rolando Manzo, ayan. Siya si Tatay Rolando.

    Si Tatay Rolando, nakilala namin siya pagpunta namin sa Agutaya. Hindi ko alam kung narinig niyo na iyong Agutaya. Medyo malapit siya dito nang kaunti. Iyong Agutaya, nasa northern Palawan, ano. Nasa Northern Palawan siya, pero napakahirap puntahan. Siguro mas kilala niyo iyong Coron, ‘di ba? Kasi iyong Coron, pinupuntahan iyan ng mga turista. Iyong Agutaya, parang magbabangka ka mula Coron hanggang sa Cuyo ng walong oras. From Cuyo, magbabangka ka ulit—mga another five to six hours—papunta sa Barangay Algeciras sa Agutaya. Si Tatay Rolando taga-doon sa Barangay Algeciras.

    Ako, dalawang beses na akong pumunta. Dahil ang Agutaya, nakita namin base sa datos, isa siya sa pinaka-mahirap na lugar dito sa Pilipinas. Iyong una kaming pumunta, November 2016, nakilala na namin si Tatay Rolando at iyong kuwento niya, karamihan sa mga mangingisda sa Agutaya, iyong pinaka hanapbuhay, seaweed farming.

    Dati raw medyo maayos iyong kanilang hanapbuhay. Pero noong pagkatapos ng Yolanda, iyong parang patrol boat ng gobyerno, nasira. Hindi pala, bago pa pala mag-Yolanda, nasira iyong patrol boat. Hindi na naayos; hindi na napalitan. Mula daw noong nasira iyong patrol boat na iyon, pinapasok na sila ng mga malalaki—pinapasok na sila ng mga malalaking troll, mga illegal fishers. Wala silang kalaban-laban, dahil maliliit iyong mga bangka nila.

    Pag-tama ng Yolanda—tinamaan sila ng Yolanda—iyong mga bangka nila, nasira din. Ilan lang iyong naisalba. Si Tatay Rolando, isa siya sa doon sa mga nasiraan ng bangka. So pagkatapos ng Yolanda—dahil wala na siyang bangka—wala na ring bangka iyong ibang mga mangingisda doon, nakikihiram na lang siya, nakikigamit, pa-minsan, nag-aarkila. Ang problema ng paghiram, pakikigamit, pag-arkila, hindi mo sarili iyong oras. Nakakalabas ka lang kapag hindi kailangan ng may-ari iyong kaniyang bangka. Kaya sobrang naghirap iyong buhay niya. Sobrang naghirap din iyong buhay ng marami pang mga mangingisda doon sa Agutaya.

    Pagpunta namin, isa sa mga nahahalata ko, iyong mga bata, dinala ako sa nag-iisang elementary school doon. Iyong mga bata, pinalinya nila para salubungin ako. Nag-iiyakan nga iyong mga tao, kasi hindi pala sila nabibisita. Hindi sila nabibisita sa layo. Pinahilera nila iyong mga bata para salubungin ako; nahalata ko mula Kinder hanggang Grade 6 nakahilera, nasa Grade 5 na ako, iyong mga Grade 5 kasinglaki lang noong mga Grade 1.

    So tinatanong ko iyong doktor na kasama namin: “Bakit ganoon? Bakit ang liliit ng mga bata?” Ang sagot sa akin noong doktor, “Kasi karamihan sa mga bata dito sa amin stunted.” Iyong stunted, iyon iyong alam natin na “bansot.” Alam niyo ba iyong bansot? Iyon [stunted] iyong Tagalog word for bansot. Akala natin iyong bansot, hindi lang, parang pandak lang ‘di ba? Hindi lumalaki. Pero ang sabi ng doktor, iyong pagka-stunted pala na iyon—iyong pagka-bansot—hindi lang iyong tangkad iyong naaapektuhan, pati iyong katalinuhan, ano. At iyong nakakalungkot doon, paglampas niya ng Five years old, hindi na siya nahahabol. Ang gusto kong sabihin: mayroong mga naapektuhan sa utak saka sa pisikal na anyo mo na hindi na gagaling. Kaya ito iyong sinasabi na bobo. Wala naman talagang bobo, ano. Wala naman talagang bobo; talagang naaapektuhan na iyong pag-aaral. At sabi sa amin, dahil iyon sa kahirapan, dahil hindi nakakakain nang sapat.

    Mula noon, sinabi namin na hahanapan namin ng tulong iyong Agutaya kaya’t pabalik-balik na iyong team namin doon. Iyong kuwento ni Tatay Rolando, napakahirap daw noong seaweed farming. Hindi ko alam kung sa Negros mayroong seaweed. Mayroon ba? Napakahirap daw kasi depende rin sa klima, ‘di ba? Parang naaapektuhan siya ng sobrang init; naaapektuhan siya ng sobrang lamig. At maliban pa doon, parang hindi stable iyong presyo sa merkado. Dahil karamihan sa mga maliliit na mangingisda, hindi sila mismo iyong nagdadala sa malalaking buyers; nagmi-middleman pa. Parang ano sila, parang susunod na lang sa presyong dinidikta sa kanila. Iyon iyong kuwento sa amin ni Tatay Rolando.

    At pagkagaling namin doon sa Agutaya, isa pa sa mga coastal communities na nabisita namin iyong San Remigio sa Cebu, ano. Mayroon ba tayong Cebu? Ayan. Ang San Remigio sa Cebu, nasa—kung alam niyo iyong mapa ng Cebu, nasa may itaas siya—ang San Remigio sa Cebu, pumunta kami doon dahil coastal community siya. Pagdating namin doon, mayroong aktibo na organisasyon. Iyong pinaka-pangulo nila, mayroon siyang kapansanan. Pero iyong kapansanan niya kinuwento niya sa amin, kaya pala siya nagkaroon ng kapansanan kasi nabaril siya. Nabaril siya dahil sa pagbabantay sa mangingisda.

    Matindi iyong problema doon. Pareho din ng problema sa Algeciras: kahirapan. Pareho din sa problema sa Agutaya. Iyong hindi maaasahan iyong presyo, apektado sila ng polusyon. Ang kahirapan pa doon, kung sa Agutaya, stunted iyong mga bata, dito naman sa San Remigio, marami iyong may diperensya sa pag-iisip.

    Kaya’t ngayon, iyong aming opisina, may itatayo doon na parang mental health facility. Kasi ang nangyayari, para makatrabaho iyong mga mangingisda, iyong kamag-anak nila—iyong pamilya—na mayroong diperensya sa pag-iisip ay kinakadena nila sa bahay. Nakakaawa. Marami talaga iyong problema ng lugar, pero dala rin ng kahirapan.

    Ito, mula noong pumunta kami sa Agutaya, pumunta kami sa San Remigio, pumunta pa kami sa ibang mahihirap na lugar, sinabi na namin na gaya ng ginagawa ko noong hindi pa ako politiko, paulit-ulit na bibisita, pupuntahan iyong pinaka-malalayo, pinaka-mahihirap na mga lugar, para makinig. Hindi para magsalita lang, pero para makinig sa mga kahirapan na pinagdadaanan ng mga kababayan. Dahil sa pakikinig na iyon, doon nahahanap iyong mga solusyon na kinakailangan.

    Naisipan namin na para magkaroon ng isa talagang programa para ginagawa ito, iyong aming opisina nagsimula ng isang programa para sa mahihirap. Ang tawag namin dito Angat Buhay.

    Iyong Angat Buhay na programa, hindi ko alam kung pamilyar kayo sa Opisina ng Pangalawang Pangulo, pero iyong Opisina ng Pangalawang Pangulo, isa po kami sa pinaka-maliit iyong budget sa gobyerno. Napakaliit ng budget dahil wala namang masyadong mandato na maggawa ng mga programa. Ang sinasabi lang ng batas, na kung mayroong mangyari sa Pangulo, dapat handang humalili. Pero pagkatapos niyan, walang nakasaad, kaya walang budget para sa programa.

    Pero gusto naming tumulong sa mahihirap, kaya’t naisip namin na gawin, iyong opisina naming, gawing parang tulay, ano. Tulay papunta doon sa mga communities na nangangailangan ng tulong papunta rin doon sa mga organisasyon—mga pribadong organisasyon—na gustong tumulong. So iyong Angat Buhay, ganoon. Iyong mga programang ginagawa namin, karamihan ng pondo, galing sa private.

    Naging matagumpay iyong programa. In fact, as of now, nasa 155,000 families na iyong aming naalagaan. Nasa 176 municipalities na kami, at nakalakap na rin kami ng mga 252 million pesos para pinangtutulong para sa mga communities. [applause]

    Pero kahit ganoon, konting-konti ito kumpara sa kalakihan ng problema. Iyong masakit, iyong masama pa sa loob kasi nakikita mo iyong kahirapan, pero pa-minsan, wala kang magawa kasi wala kang pang-tulong. Pero hindi din iyon dahilan para hindi asikasuhin iyong mga pangangailangan. Kaya iyon na rin iyong goal namin: sa bawat ikot, hinahanap naming ano iyong pinaka-mahihirap na mga lugar.

    Dito sa Negros Occidental, mayroon kaming isang area—iyong Zamboanguita. Alam niyo ba iyong Zamboanguita? Nasa Oriental pala siya. Iyong Zamboanguita saka iyong Hinoba-an, ayon. Pumupunta kami doon; iyong pinupuntahan namin doon, nasa taas ng bundok. Halimbawa, sa Zamboanguita iyong tinulungan namin, isang IP community, na pag-akyat namin ang naabutan namin isang paaralan na mga magulang lang iyong mga gumawa. Mga magulang lang iyong gumawa, kasi walang nakakarating sila. Nahirapan kaming maghanap ng donors kasi mahirap mag-construct ng paaralan doon, pero napuntahan pa rin. At ngayon, mayroon nang paaralan doon sa Zamboanguita.

    Dito naman sa Hinoba-an, may pinupuntahan kami na isang napakalayong barangay na kailangan mo munang mag-habal-habal ng ilang oras. Kailangang mag-habal-habal ng ilang oras. At kapag maulan, sobrang hirap mapuntahan, iyong tipong naghahabal-habal ka pero baba ka nang baba kasi kahit iyong habal-habal hindi kaya na pasanin ka.

    Pero kaya ko kinukuwento kasi iyon iyong problema talaga ng marami. Iyong problema ng marami. Marami pang may kailangan ng tulong, at iyong pangangailangan ng mga mangingisda, talagang napakalaki.

    Noong ako naging chair ng HUDCC—sandali lang iyon—pero isa sa gusto nating tutukan sana iyong housing para sa mga mangingisda dahil napakaraming mangingisda—sa survey namin—walang sariling mga bahay. Walang sariling bahay, hindi pag-aari iyong lupa, kung mayroon mang bahay, hindi pag-aari iyong lupa na tinataniman. Walang security of tenure. Iyong alis nang alis kapag pinapaalis. Eh ‘di ba ito iyong nagdadala ng kalituhan. Ito iyong nagdadala ng hindi kampante iyong pakiramdam.

    Iyong tatay ko taga-Bulan, Sorsogon, ano. Iyong Bulan, Sorsogon, pinaka-dulo din iyon ng Sorsogon. Noong pumunta kami doon, isa sa mga nakikita naming pangangailangan ng coastal communities, karamihan walang banyo. Karamihan, wala silang mga sariling toilets. Nakahanap kami ng donor, nagpadala kami ng maraming toilet bowls saka pampagawa ng mga toilets. Noong nagawa na, nagbisita ako sa mga pamilya na naging beneficiaries, halos nag-iiyakan din iyong mga tao. Parang proud na proud sila na mayroon na silang sariling banyo. Noong tinatanong ko, “Noong wala pa kayong banyo, papaano?” Ang sabi nila, “Sa dagat.”

    Ito iyong hindi nakikita ng ating ibang mga opisyal. Ito iyong hindi nakikita ng iba nating mga kababayan na mayroon, na marami sa atin na kampanteng natutulog na hindi pinagdadaanan iyong pinagdadaanan ng maliliit na mga mangingisda. Pero iyong hirap na pinagdadaanan nila, napakalaki. Ito din iyong dahilan kung bakit noong ako noong nag-aabogado pa, talagang ibinababa namin iyong aming sarili para maramdaman iyong kahirapan na pinagdadaanan ng mga mangingisda.

    Naalala ko, tatlo po iyong anak ko, tatlo iyong anak kong babae. Noong buntis ako sa bunso, kinailangang mag-paralegal training ako sa sa isang fisherfolk community sa Camarines Sur. Napakalayo. Pumunta kami doon, nagbangka. Pagdating namin doon, four days iyong paralegal training, pa-six months iyon tiyan ko, malaki na, sa pangatlo kong anak. Noong gabi na, ang sabi ng mga mangingisda, “Ma’am, pasensya ka na. Wala talagang mahihigaan.” Wala talagang matutulugan kasi talagang maliliit iyong mga bahay. Pero inasikaso na namin iyong tutulugan ko. Tatlo kaming magkakasama—iyong dalawa lalaki, ako lang iyong babae. Pagtingin ko iyong isang bangka, doon ako matutulog, pero iyong lambat, pinatong-patong nila. Pinatong-patong nila. Noong humiga na ako, parang nakakutson din ako. [laughter] Iyong problema lang, sobrang aga, gigising na ako kasi kailangan na iyong bangka. [laughter]

    Pero alam niyo kung bakit kinukuwento ko sa inyo ito? Kasi ito iyong hindi nararamdaman. Hindi nararamdaman iyong sakripisyong ibinubuhos para mabuhay lang iyong pamilya. Kaunting tulong lang mula sa iba nating mga kababayan, kaunting tulong lang mula sa gobyerno, napakalaki na sanang bagay.

    Noong nakaraang—kailan ba iyon—nakaraang August, may binisita po kami isa din na coastal community sa Camarines Sur din. Ang pangalan niya, Tinambac. Pagbisita namin sa Tinambac, iyong isa sa pangangailan nila, noong nag-typhoon Nina—last year pa iyong typhoon Nina—halos naubos iyong mga bangka nila. Wala pala silang mga bangka.

    Naisip namin, hindi lang magbigay ng bangka, pero turuan sila na maging negosyo na nila iyong paggawa ng bangka. Tinuruan sila—ka-partner namin iyong BFAR, Director—tinuruan sila, nag-training sila para gumawa ng mga fiberglass saka kahoy na bangka. At ngayon, nine-negosyo na ng mga mangingisda. Iyong pictures na iyan iyong pagpunta naming, binisita namin iyong mga gumagawa. Pero ang nakakatuwa nito kasi isa na siyang community activity at nagbebenta na rin sila sa labas ng Tinambac.

    Noong una, ayaw na ayaw noong mga mangingisda dati sa fiberglass kasi sabi nila, hindi sila masyadong pamilyar sa paggamit, mas gusto nila ang kahoy. Pero ngayon na natuto na silang gumawa, nasanay nang gamitin, ngayon gusto na nila at… Pero iyong iba pa rin, may mga lugar gusto iyong kahoy, may ibang lugar na gusto iyong bangka. Pero ito, iyong hinahanap talaga, isang malawakang programa para iyong pagbabagong ibinibigay para sa sektor, sustainable, ano? Maraming mga programang binababa, pero parang ano lang siya, parang kapag naiisipan, maglalabas ng pondo pero hindi siya… ‘di ba? Nararamdaman niyo ba iyon? Hindi… walang pangmalawakan na programa na sisiguraduhin na maiaangat iyong kabuhayan.

    Nandiyan iyong BFAR, parati nating partner iyong BFAR. Gaya nito, sa boat-making, partner namin iyong BFAR. Pero kulang din iyong pondo. Iyong BFAR kulang na kulang iyong pondo kahit iyong mga taga-BFAR gustong tumulong, halos limitado rin iyong resources para tumulong. Iyong ating mga—nandiyan si provincial agriculturist, alam po ninyo, Sir, kung ano iyong problema ng municipal at saka provincial agriculturist—limitado rin iyong mandato.

    Nagkaroon noong nasa SALIGAN pa ako, nag-train kami ng mga bantay-dagat. Iyong mga trinain naming mga bantay-dagat, galing din doon sa mga fisherfolk na organization. Kapag nanghuhuli sila ng mga malalaking mga operators ng mga bangka, sila pa iyong binabalikan ng mga kaso. May naalala ako, may isang kaso na napakatagal naming dinepensahan. Iyong presidente ng isang fisherfolk organization, may hinuli siyang isang malaking bangka na kumukuha ng mga isda illegally doon sa municipal waters. Iyong kaso sa kaniya, ninakawan niya daw ng tsinelas at saka wallet iyong kapitan ng bangka. At iyong kaso, anim na taon yata bago natapos. Alam niyo iyon? Walang wala na, volunteer na bantay-dagat, wala naman lang suweldo, tumutulong sa sektor, pero siya pa iyong binabalikan. Ito iyong mga pang-araw-araw na mga problemang dinadatnan.

    Kaya ito, napakinggan natin iyong speech ni Congressman Gary Alejano. Sang-ayon tayo na sana magkaroon na ng hiwalay na departamento para natututukan iyong pangangailangan noong mangingisda. Iyong reklamo sa amin ng mga mangingisda, sa present set-up kasi, parang second-class citizens sila. Sa present set-up, mas inaasikaso iyong mga rice farmers. Pero iyong mga mangingisda, ang biro nga nila sa amin: “Kung may matira.” Kaya siguro kung may hiwalay na department na ang inaasikaso iyong mga pangangailangan talaga, mas magiging efficient.

    Pero ito, nandito tayo ngayon sa NOSFA, isang malaking blessing ito para sa ating lahat, na mayroon tayong kinabibilangan na isang organisasyon na kung saan nabibigyan ng pagkakataon iyong mga boses nating marinig. Napakahirap para sa mga maliliit na tao, mga simpleng mga manggagawa, na mabigyan ng pagkakataon na iparinig iyong boses. Kaya iyong organisasyon na ganito, lalo na nakikita natin na malakas iyong organisasyon, marami iyong mga miyembro, mas malakas din iyong boses.

    Kaya iyong sa akin, pag-congratulate lang sa NOSFA. Pag-congratulate sa NOSFA sa… limang taon ba? Limang taon na paglalagi bilang isang organisasyon. Iyong amin pong dasal na sana patuloy… huwag sana kayong magsawa, huwag sanang mapagod. Sana patuloy na ipaglaban iyong karapatan ng bawat mangingisda na miyembro natin. Alam ho natin gaano kahirap, pero sana sa bawat pagkakataon na may kahirapan na dumadaan sa atin, parati nating iisipin iyong marami pang iba na umaasa sa ating lahat.

    Nagpapasalamat tayo sa PRRM, sa NFR, sa BFAR, sa Provincial Agriculturist’s Office, at saka kung mayroon ditong mga MAO na patuloy na umaalalay at tumutulong sa kanilang lahat.

    Ako po, kulang man iyong mandato ng aming opisina, sa kaunting resources na nakukuha namin through Angat Buhay, nandito po kami parati para tumulong sa mga kababayan nating nangangailan.

    Maraming salamat pong muli sa inyong lahat. [applause]

    Posted in Speeches on Oct 10, 2018