This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Pahayag ni Vice President Leni Robredo tungkol sa latest developments kaugnay ng COVID-19 sa Pilipinas

    11 Marso 2020

    Pahayag ni Vice President Leni Robredo tungkol sa latest developments kaugnay ng COVID-19 sa Pilipinas

    Bahagi ito ng isang video, kung saan nakausap ni VP Leni ang infectious diseases expert na si Dr. Regina Berba ng Philippine General Hospital at si Dr. Sylvia Claudio, isang public health expert at dean ng UP College of Social Work and Community Development, tungkol sa mga latest developments kaugnay ng COVID-19 sa bansa.

    [LINK TO VIDEO: https://youtu.be/4Ac8Z5Wpvtw]

    Maraming salamat sa ating mga resource persons.

    Ididiin ko lang po: Kayang iwasan ang sakit gamit ang simpleng pamamaraan. Maghugas lagi ng kamay gamit ang tubig at sabon. Gumamit ng mga alcohol-based sanitizer. Iwasang hawakan ang mukha. Iwasan ang pagdikit sa kapwa kung 'di kinakailangan. Agarang kumonsulta sa pinakamalapit na health facility kung may ubo at lagnat na hindi gumagaling matapos ang dalawang araw.

    Nananawagan din po tayo sa ating mga kasama sa gobyerno, pati na rin sa pribadong sektor: Baka panahon na para i-consider ang work-from-home na areglo, basta hindi masasakripisyo ang mga serbisyong ipinaaabot natin sa publiko. Sa DTI: Ipatupad na po sana natin ang price freeze para sa mga produktong may kaugnayan sa pag-iwas sa COVID-19. Maging mas mahigpit din sana tayo laban sa mga profiteers na nagho-hoard ng mga produktong ito. Sa mga building at condo administrators, at sa mga nagpapatakbo ng negosyo: Gawin po natin ang lahat, lalo na ang mga basic preventive measures, para maiwasan ang pagkalat ng sakit sa ating mga lugar. Ipaalala natin sa mga tumatangkilik sa atin ang tamang hygiene. Mag-disinfect ng ating mga establisimyento. Maglagay ng alcohol at hand sanitizer sa lugar na madaling makita, at laging siguruhing may sabon ang mga banyo. Sana rin po lahat sa atin makiisa sa kinauukulan para maging mas mabilis at epektibo ang contact tracing.

    Walang dahilan para mag-panic. Marami pong mga frontliners natin mula sa mga public at private hospitals, barangay health centers, mga kawani ng local government, at DOH ang nagtatrabaho nang halos walang tulog nitong nakaraang mga linggo. Maraming mga eksperto ang handang tumulong sa pagsasaliksik at sa pagsisiwalat ng tamang impormasyon. Nakikita rin po natin: handang tumulong ang pribadong sektor, lalo na ang mga ospital. Tinanong na nga po natin ang mga ahensya at eksperto, ano ba ang mga bagay na dapat matugunan agad? Ang sabi nila: Sapat na protective gear para sa mga frontliners, at sapat na kagamitan tulad ng ventilators para sa mga lokal na hospital. Patuloy ang ugnayan natin sa mga partner para makatulong sa suliraning ito.

    Pero alam din po natin na may hangganan ang magagawa ng pribadong sektor at mga frontliner sa lokal na antas. Sana nga po, patuloy tayong manawagan sa sapat at angkop na suporta at paninindigan mula sa pambansang pamahalaan. Hindi lang po sa pondo, pero lalo na sa direksyon at mga batayang pilosopiya ng pagresponde. Enero pa lang po, alam na nating aabot sa puntong ito; sana po, ngayong dumadami lalo ang kaso, magkaroon ng sapat na sense of urgency ang gobyerno. Hindi ngayon ang panahon para magpaantala sa burukrasya at mga maliit na di-pagkakaunawaan. Buhay ang katumbas ng bawat sandaling nasasayang. Kung ang problema budget, pagtulungan na natin. Alam kong handang tumulong ang pribadong sektor para mag-mobilize ng resources. Kung ang problema naman procurement, bakit hindi pa mag-issue ang gobyerno ng kaukulang order para mabili na ang dapat bilhin? May dahilan din po siguro kung bakit iyong mga bansang pinakamaraming kaso, siya rin ang pinakamababa ang death rate: Dahil tapat sila sa datos, at siniguro nila na may abot-kamay na testing para sa lahat ng gustong magpa-test. Kung nagawa ito ng mga karatig-bansa natin sa Asya, kaya rin natin ito.

    Ito po iyong mga bagay na hindi nakasalalay sa frontliners o sa pribadong sektor, kundi sa isang pambansang gobyerno na kumikilos nang may malinaw na direksyon at istratehiya. Umaasa po tayo na mamumulat ang ating mga pinuno, at magagawa nila ang inaasahan sa kanila sa ganitong klaseng panahon. Ang target natin dapat dito, zero casualties mula sa puntong ito. Umaasa akong kaisa natin ang lahat sa pagtutok upang maabot ang layuning ito.

    Ang patuloy po nating panata mula dito sa Office of the Vice President: Ibubuhos namin ang lahat ng aming makakaya para makiambag sa pagtugon sa sitwasyong ito. Patuloy ang daloy ng wasto at makabuluhang impormasyon mula dito sa aming opisina. Iuugnay namin ang mga eksperto, pribadong sektor, at kinauukulang mga responder para mapigilan ang pagkalat ng sakit. Sa huli: Kaya natin itong lagpasan, basta’t nagtutulungan tayo, at basta’t tayo’y may sapat na paninindigan.

    Posted in Statements on Mar 11, 2020