This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message at the Turnover of Certificate of Award and Check to Isabela City, Basilan

    Turnover of Certificate of Award and Check to Isabela City

    City Hall, Isabela City, Basilan

    Maraming salamat po! Maupo po tayong lahat.

    Sabi ko po sana hindi na ako magme-message kasi nag-message na ako kanina. Pero siguro kaunti pong background lang noong ginagawa namin. Noong umupo po ako bilang Pangalawang Pangulo, gusto ko pong ipagpatuloy iyong dati kong ginagawa noong wala pa ako sa pulitika. Gaya po ng sabi ni Mayor Dada [Turabin Hataman], pareho po kaming pinanggalingan, pareho po kaming galing sa NGO, pareho kaming community organizer. Ako po, abogado ako pero iyong pag-abogado ko po hindi ako iyong abogadong naghihintay sa magandang opisina ng kliyente. Pero kabahagi po ako ng isang NGO nang mahabang panahon habang politiko iyong asawa ko, habang mayor po iyong asawa ko.

    Nag-mayor po iyong asawa ko 19 years doon po sa Naga—anim na terms. Habang… habang politiko po siya, ako ay isang abogado ng isang NGO. Ang pangalan po ng NGO, SALIGAN, na ang ginagawa po namin kami iyong pumupunta sa communities. Pumupunta po kami sa mahihirap na communities. Ang kadalasan pong inaalagaan namin mga magsasaka, mga mangingisda, mga urban poor, mga IPs, mga manggagawa. Ang ginagawa po namin ino-organisa namin sila, tini-training po namin sila. Gumagawa po kami ng mga paralegal training at iyong mga batas patungkol sa kanilang sektor, sinasalin namin sa Bicol para naiintindihan nila. Iyong paniniwala po—ang paniniwala po namin na kapag iyong mga tao alam nila iyong karapatan nila sa ilalim ng batas, mas nasa posisyon sila para ipaglaban iyong kanilang karapatan. Iyon po iyong buhay ko napakatagal na panahon.

    Kaya iyong sabi mo, Pres., na walang gusto sa inyo kasi malansa kayo, nako, ako po natutulog ako sa fishing communities noong ako ay nag-aabogado pa. Parati ko itong kinukuwento sa staff ko: anim na buwan na buntis po ako sa bunso kong anak. Nagko-community pa po ako at natutulog ako ng gabi sa loob ng mga bangka. Inaasikaso po ako ng mga mangingisda sa amin, pinagpapatong-patong lang nila iyong mga nets para malambot iyong aking higaan. Pero iyong amoy, sanay na sanay po ako doon at hinahanap ko pa iyong amoy na iyon. [applause]

    Noong nag-congresswoman po ako, tingin ko pareho kami ng frustration ni Cong. Dada noong Cong. po siya. Actually, maraming batas yata kaming dalawa iyong magka-co-author. Iyong frustration po namin, marami kaming gustong gawin pero hindi ganoon kadali kasi kailangan mo ng… kailangan mo ng suporta ng marami pang tao na iba iyong paniniwala sa iyo. Mas mahusay si Cong. Mujiv [Hataman] diyan sa amin kasi pareho siya ng asawa ko na sanay makipag-deal sa maraming tao. Kami ni Cong. Dada, iba iyong pinanggalingan namin kaya pareho kami ng frustrations.

    Kaya noong biglaan po naging Vice President ako, hindi naman po ako magpopolitiko kung hindi biglaang namatay iyong asawa ko. Kasi kung hindi po naaksidente iyong asawa ko, malamang hanggang ngayon ay nag-aabogado pa rin ako sa mahihirap. At ang akala ko po noon, habangbuhay iyon iyong gagawin ko. Kaya lang noong bigla po siyang naaksidente noong 2012, biglang nangailangan na may pumasok, ako po iyong binala sa kanyon kaya ako iyong nandoon. [laughter]

    Naalala ko, bagong—bago po mamatay—ay, kamamatay lang ng asawa ko, nagpapagupit po ako sa Maynila kasabay ko si Cong. Mujiv, pareho kaming sina-shampoo. [laughter] Kilalang-kilala ko na po ang pangalan niya kasi parati siyang kinukuwento ng asawa ko. Nagpakilala sa akin si Cong. Mujiv. Sabi niya, “Ako si Mujiv Hataman.” Sabi ko, “Ay, Gov! Kilalang-kilala kita sa pangalan.” Kasi—alam po ito ni Cong. Mujiv—noong nabubuhay pa po iyong asawa ko, ang laki ng panaginip niya para sa ARMM. Iyong kaniya pong panaginip noon iyong lasting na peace para sa region.

    Kaya noong nabigyan na po ako ng pagkakataong maging Vice President, marami po kaming mga projects nasa ARMM. Mapalad po kami noong ARMM Gov. pa si Cong. Mujiv at nagiging partner po namin sila sa iba naming mga proyekto sa Lanao, sa Marawi, pati sa mga kabataang mga Muslim. Marami po kaming mga ginawang project. Pero ito pong sa Basilan, nag-start po kami last year lang. Alam ko po mayroong mga mayors dito nakikilala ko kanina. Kung kailan po mas may panahon, bibisita rin kami sa lugar niyo. Kasi iyong sa akin po, nasasayang ako na hindi tulungan lalo na kasi iyong promise ng mas mabuting future nandiyan.

    Pinag-uusapan po namin kanina nina Cong. Mujiv, dati kapag sinabing Basilan, parang synonymous siya sa magulo. Pero ngayon, ibang-iba na. Ibang-iba na. Ako nga po pangalawa ko na itong punta at na-a-appreciate ko talaga iyong ganda. Hindi lang iyong ganda pero nakikita kung ano iyong ginagawa ng good governance. Doon po sa samahan namin nila Mayor Dada na Kaya Natin, iyon iyong pinaglalaban namin na iyong mabuting… mabuting pamamahala, siya iyong susi para sa lasting na progress sa isang lugar. At iyong ginagawa po namin ngayon sa Office of the Vice President, nagsimula po kami walang-wala kami. Noong 2016 po pag-upo ko, gusto kong magkaroon ng anti-poverty program pero wala po kaming pera.

    Kaya ang konsepto po namin noon, nakikipag-partner kami sa mga private organizations. Parang kami lang iyong taga-lakad. Maghahanap kami ng community na nangangailangan ng tulong. Iyong kinakailangan ng community ipapaalam namin sa partners namin. Gaya po ng… gaya po noong pinuntahan namin sa Lamitan kanina, magpapatayo po doon ng weaving center para sa mga Yakan weavers. Pero iyon po, ang pera noon galing sa private. Noong nalaman po ng Senado na marami kaming natutulungan kahit wala kami noong budget, last year nabigyan na po kami ng kaunting budget. At iyong kaunting budget, iyon po iyong pinangtutulong namin sa mga lugar na palagay namin kapag tinulungan namin iyong mga sektor, kahit papaano magagaanan ang mga dala-dala nilang kabigatan.

    Kaya kami po, pinipili namin iyong pinupuntahan. Ang requirement po namin dalawa lang. Ang requirement namin: may pangangailangan; ang pangalawa naming requirement, iyong LGU nagpa-practice ng good governance. Kasi para po sa amin, masasayang iyong tulong kung hindi naman maayos iyong pamamalakad kasi hindi ganoon iyong aming paniniwala. Iyong paniniwala po namin, kaming mga nakaupo, dadaan lang kami, ‘di ba? Tayong mga elected, hindi naman tayo forever nandito. Dadaan lang kami. Pero obligasyon namin na habang nandito kami, aayusin namin. Kaya naghahanap po kami ng mga lingkod-bayan na ganoon din iyong kaisipan—na habang nakaupo siya, inaayos niya. Alam po namin na iyong governance ni Cong. Mujiv, ni Mayor Dada, talagang napakaayos na hindi kami masasayang tumulong.

    Kaya iyong sa amin po, nilu-look forward namin iyong partnerships. Sana po pagbalik namin ng… pagbalik po namin ng Isabela, makabisita kami doon sa barangay niyo. [applause] Kung mas mahaba lang po iyong oras namin ngayon, pupunta kami talaga doon sa inyo kasi iyon naman po iyong gusto namin. Kaya lang ngayon kasi palipat po kami ng Marawi kaya medyo nagmamadali kami kasi hinahabol namin iyong ano pa, iyong hindi pa gabi. Pero sa susunod pong pagbalik namin, sana makabisita kami sa inyo kasi ayaw naman po namin noong partner na hindi namin nakikita iyong kalagayan.

    So ito po, iyong sa amin iyong pagbigay ng tseke, umpisa—umpisa ng mahabang partnership. Ayaw po namin na pera lang iyong binibigay. Kung sa amin po, kung ano pang ibang matutulong namin na mga kaalaman, mga pagpapahusay ng ginagawa niyo— Natuwa po ako kasi nagkukuwento si Mayor Dada na marami siyang financial literacy na ginagawa dito sa Isabela. Tingin ko po napakahalaga noon kasi ang paniniwala naman po natin, iyong pag-empower sa bawat mamamayan, iyon iyong susi sa kaginhawaan.

    So ito po, nilu-look forward namin iyong partnership. Uulitin ko lang po iyong pasasalamat sa LGU. Alam ko marami kaming hiningi. Marami po kaming hininging requirements pero kahit po madalian ay na-submit agad ng LGU. Kaya Mayor Dada, Vice Mayor Kifli [Hataman-Salliman], Cong. Mujiv, at saka po siyempre sa Sangguniang Panlungsod kasi kayo iyong nagpasa, sa atin pong mga barangay captains na nandito, iyong mga mayor, sana po makabisita din kami sa inyo sa susunod. Pero ito po, napakaganda noong lugar niyo. Napakapalad niyo. Kami po ay nandito lang para makatulong ng kahit papaano. Kaya maraming salamat. Mabuhay po kayo! [applause]

    Posted in Speeches on Dec 11, 2019