This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message at the Groundbreaking Ceremony and Visit to the Magic Circle Housing Cooperative

    14 November 2016 Groundbreaking Ceremony Social Resettlement for Comprehensive Community – Magic Circle Housing Cooperative In-City Housing Project, Quezon City

    Magandang umaga po sa inyong lahat. Ngayon lang ata tayo nagkita-kita na lahat kayo nakatawa. Tinext ako ni Teody last week, sabi niya kung pwede ako makadaan, sabi ko siyempre basta kayo.

    Groundbreaking na, talagang pupunta tayo. Pero pagpasensyahan ninyo na po, paiba-iba ang oras namin. Sabi ko po kay Teody, alas-tres mamaya, pero bigla pong may patawag ng NEDA board meeting sa Malacanang, kaya pinakausap ko po na gawing alas-onse ngayong umaga kaya maraming salamat.

    At siyempre lahat ng miyembro. Representatives po ng NHA, Kilos Maralita, sila po ang nagpakilala sa akin kila Teody, kaya maraming salamat sa inyong tulong.

    Nandito din po ang representatives, Institute for Popular Democracy. Iyong representatives ng ating partner, Ayala Land Corp at Bella Vita Corporation, magandang umaga po sa inyong lahat.

    At siyempre po, ayaw kong sabihing beneficiaries iyong lahat ng partners na nandito ngayong umaga. Lahat pong mga bisita, mga minamahal kong kababayan, magangdang umaga po sa inyong lahat.

    Matagal po nating hinintay ang umagang ito. Sinimulan po ito buhay pa ang asawa ko. Kaya yoong una po tayong nakakilala, pinapakita po ninyo sa akin ang picture ninyo kasama ang asawa ko.

    Nakakalungkot po kasi nawala ang asawa ko, hindi na niya nasaksihan iyong kasiyahan ng umagang ito. Pero sigurado po ako, kahit naman ako nasaan andoon ang asawa ko.

    Sigurado po ako masayang masaya siya para sa inyo ngayong umaga. Ito po ang parati nating sinasabi, kapag mayroon pong relocation, kapag aasikasuhin ang mga informal settlers, kailangan po parati kayong partner hindi lang beneficiary.

    Kaya sinimulan po ito ng asawa ko, yung konsepto ng People’s Plan, at ngayon po iyon ang direksyon na tatahakin natin, na ang lahat ng pag-asikaso sa mga informal settlers, parati na pong malakas ang boses ninyo lahat. Ito po ang pagpili.

    Sigurado po tayong magiging succesful ito, dahil sa pagplano, sa pagpili ng site, pagdecision, lahat, nandiyan kayo, binigyan kayo ng boses. Mahaba na po yung ating nilakbay, marami nang luha yung ibinuhos.

    Kung naaalala niyo po, noong Christmas niyo, dumaan ako sa inyo. Noon, nandoon na po ang pag-asa pero nandoon pa rin ang pangamba.

    Actually po, noong nakaraan nagtetext nanaman sa akin, mayroon na namang problema. Mahaba po ang kanyang text. Ang text niya, lahat pinapausog po dito, pinapausog doon.

    Kaya sabi ko po puwede bang tawagin ka namin, mag-set kami ng meeting para yung ikwnento mo lahat yung mga pinapausog, ikwento mo nang mahaba-haba, hindi sa text. At iyon nga, nag-meeting kami, naayos naman ang problema.

    Kaya ngayong umaga po, nagpapasalamat po tayo. Unang una, sa Quezon City Government, na hindi din po binitawan yung pagtulong sa lahat pong SRCC. Nagpapasalamat tayo sa partners Kilos Maralita, Institute for Popular Democracy, at siyempre po, nagpapasalamat po tayo sa Ayala Corporation saka sa Bella Vita Corporation sa partnership na gagawin. 1,033 households ang mabibigyan na po ng pag-asa.

    Binabasa ko nga yung inyong plano, two story ang inyong mga bahay.Two story na 24 square meters. Sana naman dahil magkakasama tayo nung luhaan pa kayo, pag nandiyan na yung inyong two story na pabahay, maimbita naman sana kami, at makainom naman kami ng malamig, na makahigop naman ng mainit na sabaw habang cinecelebrate natin na sa wakas, ang ating pangamba sa araw araw na kung tayo ay papaalisin na, papalikasin, mawawala na. Kaya ito po, malapit-lapit na po tayo. Malapit-lapit na tayo sa matagal na nating minimithi.

    Gusto ko pong pasalamatan din yung lahat ng miyembro ng SRCC Magic Circle. Sa tiyaga, sa pasensya, sa dedikasyon na pinakita niyo para ipaglaban yung inyong karapatan. Kayo po ay inspirasyon naming lahat, inspirasyon po kayo ng iba pang nangangarap din, na balang araw mabibigyan din ang kanilang pabahay.

    Kaya congratulations po sa inyong lahat, magandang umaga, at maraming salamat uli.

    Posted in Speeches on Nov 14, 2016