This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Message at the 2019 Founder’s Day and ERDA Foundation’s 45th Anniversary

    2019 Founder’s Day and ERDA Foundation’s 45th Anniversary

    Angelo King Multi-Purpose Center, Xavier School, San Juan City

    Maraming salamat po. Maupo po tayong lahat.

    Father Ari Dy, SJ, President of ERDA [Educational Research and Development Assistance] Group and President of Xavier School; Atty. Charlie Yu, Chairman of the Board of Trustees; Ms. Dolor Cardeño, Executive Director of ERDA Foundation; members, staff, and partner organizations; community leaders; honored guests; ladies and gentlemen: magandang umaga po sa inyong lahat.

    Pagpaumanhin ko lang po iyong boses ko kasi grabe iyong aking ubo. Actually po, I have a speech prepared, pero noong pinapakinggan ko si Ma’am Dolor, parang na-inspire akong isantabi iyong aking speech kasi kilala ko na po iyong ERDA Foundation even before. But this is the first time that I have learned from Ma’am Dolor the extent and… everthing that ERDA has been doing in the 45 years that you have existed. Kaya ko po gustong magkuwento na lang kasi very similar iyong ating mga ginagawa, pati iyong pagka-walang pondo, pareho din tayo. [laughter]

    Gaya po ng sabi ni Charlie, bago pa po ako pumasok ng gobyerno, I have already been working with the communities. Iyong asawa ko iyong politiko noon, pero while my husband was mayor of Naga, I was a lawyer—I was a practicing lawyer working with the communities. Ang tawag po sa amin, alternative lawyers kasi hindi po kami iyong mga abogado na naghihintay sa mga opisina ng kliyente, pero kami po iyong mga abogadong pumupunta sa mahihirap na mga lugar at tinuturuan iyong communities ng kanilang karapatan sa ilalim ng batas.

    In fact, when I was doing extensive work in Bicol Region, ang ginagawa po namin iyong mga batas isinasalin namin sa dialect para naiintindihan ng mga communities kung ano iyong kanilang mga karapatan, sa paniniwala na kung alam nila iyong kanilang karapatan sa ilalim ng batas, they will be in a better position to fight for their rights.

    So iyong naging buhay ko po for a long, long time, ganoon. At akala ko doon na ako magga-graduate; akala ko hanggang retirement iyon na iyong aking gagawin—but the plane crash happened.

    Noong biglaan pong namatay iyong asawa ko, biglaan din na napasok ako sa larangan ng pulitika. Una, naging miyembro ako ng 16th Congress pero iyong pagkandidato ko po bilang congresswoman, it was supposed to be a one-time thing. Alam ito ni Charlie kasi magkaibigan sila ng asawa ko. Dapat po papasok ako, tatlong taon lang ako uupo habang nagpe-prepare iyong mga ka-partido ng asawa ko kasi bigla silang nawalan. Pero after three years, biglang naging kandidato ako for Vice President at nanalo.

    Pero noong nanalo na po ako, even before the inauguration, iyong pinaka-una kong pinag-aralan sa opisina namin, ano ba iyong budget ng aming opisina. At nakita ko po na kami pala iyong pinaka-maliit na budget sa buong burukrasya. Naiintindihan naman [namin] dahil kapag tiningnan po natin iyong ating Konstitusyon, wala talagang masyadong mandato iyong vice president except succession. Iyong mga nakaraang vice presidents, mayroon po silang Cabinet positions so iyon iyong inaasikaso nila. Pero as Vice President, mas ceremonial iyong trabaho. Kapag ceremonial, nag-a-attend ka ng mga events, nagtatanggap ka ng mga bisita sa opisina, pero walang mga proyektong inuumpisahan.

    So sabi ko po sa aking staff, “Parang alangan naman na anim na taon tayo dito, ceremonial work lang iyong gagawin natin?” And because of the extensive work that I have been doing with the communities, ang una ko talagang naisip was to, parang, institute an anti-poverty program kasi iyon naman iyong aking kinasanayan. At tingin ko, iyon iyong kailangan.

    Pero ang pinaka-problema po namin, pondo. Wala kaming pondo sa programa. So we conceptualized Angat Buhay, ano. Iyong pangalan po ng aming anti-poverty program, Angat Buhay. Dahil po wala kaming pondo—parang pareho rin ng ginagawa niyo—ang ginagawa po namin, parang kami nagsilbi na lang na tulay. Kami iyong naghahanap noong pinaka-mahihirap na mga communities. Tinitingnan namin kung ano iyong kanilang mga pangangailangan. Kapag nakita na po namin kung ano iyong kanilang kailangan, naghahanap kami ng private partners na puwedeng makapag-provide ng kanilang pangangailangan.

    We started Angat Buhay in October 2016. Naalala ko po, iyong aming launch, para siyang speed dating. Alam niyo iyong speed dating, na parang iyong mga mayors—pumili kami ng 50… pumili kami ng 50 na pinaka-mahihirap na lugar. Sinabihan po namin iyong mga mayors, “Mag-prepare kayo ng presentation.” So parang sa hall na ganito, bawat lugar mayroon silang booth, tapos iyong aming mga private partners, umiikot at naghahanap kung saan magma-match iyong kanilang advocacy sa pangangailangan ng lugar. And we were so inspired because in one day, we were able to get more than 700 pledges. So iyon iyong umpisa ng Angat Buhay.

    We decided to concentrate on six key advocacy areas: education, health, rural development, women and children, housing—ano pa ba iyong pang-anim—basta iyon. Pero iyong ikukuwento ko sa inyo ngayon, education.

    Ano ba iyong mga ginagawa namin sa education? Kami po, we are very much aware na marami man ang gusto naming gawin, talagang kaunti iyong aming resources. So we decided to concentrate: number one, on communities na hirap pang makakuha ng tulong. So wala po kaming areas sa Metro Manila, lahat ng areas namin sobrang lalayo—as in, mahirap talagang puntahan.

    Mayroon kaming isang area sa Agutaya in Northern Palawan, sobrang hirap pong puntahan kasi para pumunta ka, magfa-fly ka muna papuntang Coron tapos mag-two boat rides ka pa. From Coron, 10 hours to the island of Cuyo tapos from Cuyo, another 4 to 6 hours depende kung anong isla iyong pupuntahan mo.

    Pagpunta po namin doon, nakita namin—buong lugar—wala siyang kuryente, walang potable water, iyong nag-iisang paaralan doon sa isang barangay [ay] sira, iyong mga bata ang nilalaro iyong mga live na alimango na tinatalian lang nila—iyon iyong kanilang kotse-kotse, almost all the children were stunted. So as in, lahat ng problema nandoon.

    And since noong pumunta kami wala pa naman kaming dalang pera, parang we left Agutaya with broken hearts, parang, “Ano ba iyon?” Parang hindi namin inaasahan na may mga lugar palang ganoon. Pero anong sabi ni Ma’am Dolor? Magtiwala sa Diyos. In less than a month, we were able to get partners already.

    Halimbawa po ngayon, five barangays sa Agutaya—kasi 11 barangays siya—five barangays or more than 400 households, mayroon nang kuryente dahil iyong partners po namin—[applause]—iyong partners po namin, naglagay ng mga solar panels sa mga lugar. So noong nagkaka-kuryente na sila, iyong mga kababaihan nagkaroon na ng sariling hanapbuhay; gumagawa na sila ng mga hats, ng mga bags. Dahil medyo malapit po sila sa Amanpulo, iyon iyong kanilang market.

    Nakahanap po kami—Ateneo iyong aming partner dito—iyong Philippine Toy Library, naglagay ng toy library doon. When they set up the toy library, hindi ako kasama. I went there twice na, pero iyong pag-set up ng toy library, hindi ako kasama. Sabi po ng aming team, “Dapat nakita mo kung ano iyong reaksyon ng mga bata noong naglagay ng toy library” kasi gabi na daw, ayaw pa nilang umuwi. Parang first time na nakapaglaro sila sa mga tunay na laruan.

    We were able to find Andres Soriano Foundation who’s constructing a motor system now. So in a few months’ time, magkakaroon na sila ng potable water, hindi na sila bibili. Iyong St. Theresa’s [College Alumni] Association, gave away fishing boats. Kasi po iyong mga seaweed fishermen doon, nag-aarkila sila ng mga boats kasi iyong boats nila, nasira noong [Super typhoon] Yolanda. Eh iyong inaarkilahan nila, kailangan din iyong boat. So makaka-arkila sila kapag hindi lang ginagamit. Hirap na hirap iyong buhay. And little by little, Agutaya is already transforming as a community.

    Mayroon kaming ibang communities, iyong—aside from Agutaya—pinuntahan namin Siayan in Zamboanga del Norte. Ang Siayan, Zamboanga del Norte kaya po namin siya pinuntahan kasi Siayan was the poorest municipality in all of the Philippines from 2003 to 2009. So noong pumunta kami, gusto naming tingnan kung ano iyong Siayan.

    Isa sa mga na-diskubre namin, ang taas-taas ng dropout rate sa high school. And when we did a study, we found out that one of the reasons why the dropout rates are very high was because kaunti lang iyong high school sa lugar. Iyong grade schools marami, pero iyong high school kaunti lang, dalawa o tatlo lang yata sa buong munisipyo. So iyong mga bata, kailangang maglakad nang sobrang lalayo para makapag-aral ng high school.

    Noong nag-a-assess po kami, hanggang 12, 13 kilometers nilalakad nila. Ang kuwento po ng mga bata gigising sila alas-tres ng umaga. Pag-alas-kuwatro, mag-uumpisa na silang maglakad pero iyong nilalakaran nila hindi siya patag. Ang nilalakaran nila mga bundok na walang roads, talagang mga trails lang, tapos nagko-cross pa sila ng mga rivers at saka mga stream. So kapag maulan, hindi na sila nakaka-cross kasi nag-o-overflow iyong river. Pero kung maglalakad sila dalawa, tatlong oras, talagang ang matitira na lang iyong sobrang desidido mag-aral, ‘di ba? Kasi ang kuwento po nila, aalis sila sa bahay nila madilim pa, makakarating sila sa gabi, madilim na rin.

    Ang kuwento ng mga teachers, dumarating sila sa school naglakad na sila ng tatlong oras late pa sila kasi maraming mga factors. Halimbawa masama iyong panahon, etc. tapos nakakatulog na sila. Pa-minsan hindi na sila nagko-concentrate sa pag-aaral. Mayroong mga 22-year-olds, 23-year-olds, hindi pa ito natatapos ng high school kasi nagda-dropout nang nagda-dropout.

    So we partnered with a foundation. ewan ko kung narinig niyo na ito, ang pangalan ng foundation Yellow Boat of Hope. Pinapangunahan ito ni Doctor Anton Lim. Kaya ang pangalan nila Yellow Boat of Hope kasi dati ginagawa nila, nagpo-provide sila ng mga bangka para magsundo ng mga estudyante na nakatira sa coastal areas kasi dati, nilalangoy ng mga estudyante para makapag-aral. So naglalagay sila ng mga bangka para magsundo. So iyong bangka, iyon iyong naging school boat.

    And then, because of the program with us, we built our first dormitory. Iyong dormitory binuild namin sa loob ng national high school. Libre iyong pagtira pero iyong kontrata namin with the school, sila iyong bahala sa utilities. Kami iyong magpapatayo, sila iyong bahala sa utilities at saka magpa-promise sila na sila iyong magha-hire ng isang house parent para asikasuhin iyong dormers. So iyong first dormitory po namin dormitory for boys.

    Pero in just three months—nagkukuwento sa amin iyong principal na very dramatic… very dramatic iyong improvement in absenteeism. Talagang nagbawas iyong mga absent nang absent. So, na-inspire kami, naghanap kami ng puwede pang mag-provide for a girls’ dorm and several months ago, we went back to Siayan. Nag-inaugurate na kami ng girls’ dorm. So ngayon, mayroon na siyang boys’ dorm, mayroon na silang girls’ dorm na ang may obligasyon na pumili kung sino iyong titira, iyong school. Pero may usapan kami na ang dapat titira, pinaka-mahihirap at saka pinaka-malalayong titirhan. So that is Siayan.

    And then, we also have a community in Sumilao. Sa Sumilao, iyong tinutulungan natin mga farmers. But one of the times that we were there, we also discovered nasa gitna noong… sa gitna noong ano ito… ng pineapple plantation, mayroon ding paaralan—high school—na grabe rin iyong dropout rate kasi pareho… parehong sitwasyon: ang lalayo noong inuuwian—ng lalayo noong inuuwian ng mga bata. Tapos iyong… we also built a girls’ dorm with the Rotary Club of Makati, ano. Iyong Rotary Club of Makati sila iyong partner namin. Nag-build kami ng girls’ dorm. Ngayon, sa tabi ng girls’ dorm may vegetable garden na puwedeng pagkuhanan nila ng kanilang pagkain. And I was just in Washington D.C. last week, nag-fund raising naman doon iyong isa naming partner—iyong ANCOP USA—to build a boys’ dorm. Iyong ANCOP USA parang siya iyong foundation ng Couples for Christ, if you are familiar with Couples for Christ. They have been partnering with us, providing medical equipment. But when they learned of the plight of the Sumilao farmers, sabi nila gusto nilang mag-build.

    About last month yata iyon—last month, we were also in Eastern Samar. Iyong Eastern Samar, isa sa pinaka-mahirap na probinsya dito sa atin kasi sobrang layo niya from Tacloban. So from Tacloban, iyong dating four hours going there, ngayon na may roads na mas madali-dali na. Mayroon kaming dalawang communities doon: Balangkayan and Salcedo.

    Iyong sa Balangkayan, una naming binigay mga multi-cabs. We gave them two multi-cabs na ginawang school bus—school jeep. So nagsusunod ng mga estudyanteng malalayo kasi same, very high iyong dropout rates. Pero after almost a year na operation ng multi-cabs, while dramatic din iyong improvement, mayroong mga lugar na hindi inaabot kasi walang mga roads. So we also built—we have just inaugurated a girls’ dorm in Balangkayan also. Same arrangement: iyong school—libre iyong tira ng mga bata—iyong school iyong magra-run. Every time we go to an inauguration nag-iiyakan iyong parents kasi iyong sakripisyo talaga ng mga anak nila, imagine them having to walk four, six hours every day just to go to school.

    And then there’s another high school in Salcedo. Iyong Salcedo, coastal ito. Mayroong school of fisheries for high school students, sobrang layo din. Ganoon din ang nilalakad ng mga bata anywhere from six o 12, 13 kilometers each way. Naglagay din kami ng girls’ dorm.

    So, itong paglalagay ng dormitories, sobrang inspired kami. Kasi noong mga unang nilagay, nakita kaagad namin iyong resulta. At mukhang wala pang gumagawa nitong iba.

    We do not want to compete with government. We are here to supplement what government has not yet reached. Kasi it doesn’t make sense na iyong ginagawa na ng gobyerno, gagawin pa rin namin.

    Sa iba namang mga lugar, iba naman iyong cause ng dropout rates. Ang number one cause sa grade school, malnutrition. Talagang kahirapan—kahit libre iyong pag-aaral—talagang iyong kahirapan it prevents them from having quality education. So sa mga grade school naman, ang aming mga programa, sinasabayan siya ng feeding programs, like what happened in Lambunao, Iloilo.

    Sa Lambunao, Iloilo, we started dealing with farmers there na tinrain namin iyong mga farmers. Mayroon silang Champion Farmers’ Program na organic farming iyong ginagawa. But we realized very ironically na iyong mga anak ng mga farmers, sila iyong mga malnourished. So we partnered with Assisi Foundation. We partnered with Assisi Foundation and we started a feeding program in Lambunao. And sobrang saya lang natin kasi less than a year after we first launched the feeding program, wala na sa malnutrition iyong aming mga bata. Mayroong—pagpunta namin—mayroong mga bata na nine years old, 12 years old, hindi pa nakakalakad dahil sobrang malnourished. Pero ngayon, ano na, parang walang pinagdaanang bagyo. Parang mga normal na sila.

    So, the reason why I’m so inspired to tell you this because you’re doing the same thing—and we’re constricted by the same limitations, ‘di ba? Walang pera, we have to deal with communities. Pa-minsan, mahirap din maki-deal with communities, ‘di ba? Sa amin, because of our limitations, it is not enough to qualify for our program; it is not enough na mahirap iyong lugar, pero the mayors of these communities should be willing to undergo our Bridging Leadership program. Mayroon kaming Bridging Leadership program. Partner po namin, Father Ari, iyong Xavier University in Mindanao. So iyong Luzon and Visayas, ang partner noon with UP, Charlie—si Charlie taga-UP. Pero iyong sa Mindanao, partner namin iyong Xavier University, nire-require namin na iyong mayors at saka iyong head ng department kung saan iyong programa namin, they have to undergo a Bridging Leadership program kasi we are fully aware that we will be here only for six years. Ngayon nga, three years na lang iyong natitira kasi 2022 tapos na kami and ayaw namin na iyong mga programa na parang… parang ano iyon, parang sinubukan mo lang tapos iniwan mo rin. So we wanted—we want our programs to be sustainable, we want them to be effective. So the commitment of the mayors is that after 2022, they will be the one to continue with the programs. So iyon iyong mga ginagawa.

    Of course, maraming mga donors na nagbibigay ng mga school materials; mayroong mga donors na nagbibigay ng mga classrooms, iba-iba. Pero iyong kinuwento ko sa inyo iyong mga programang parang wala pang… wala pang pumapasok and yet, malaki iyong tulong sa community.

    So, ano iyong lesson nito sa atin lahat? Ang lesson sa lahat na wala talagang kapalit iyong empathy, ‘di ba? Walang kapalit iyong nararamdaman mo, iyong kahirapan noong tutulungan mo. Kasi kapag hind mo nararamdaman, ibang klaseng tulong iyong binibigay.

    Pero the reason why hanga ako sa ERDA is you really make it a point na iyong mga kabataan natin, ini-immerse sa mga communities kasi it’s the only way to develop empathy. Iyong kapag may empathy kasi it’s the source of passion, ‘di ba? Sinasabi ni Ma’am Dolor kanina na sabi parati ni Father Tritz, kailangan may passion. Iyong passion, kapag naramdaman mo na iyong kahirapan sa community, imposible nang hindi ka ma-affect, ‘di ba. Iyong mga anak natin very spoiled sa bahay, ‘di ba, spoiled sa bahay. Pero oras na binabad mo sila sa communities, namumulat iyong mga mata nila sa kahirapan. Kapag bumabalik sila, they are changed persons, ‘di ba. Changed kasi nakikita nila they are grateful of the blessings that they have been receiving and they feel responsible. They feel responsible for their fellowmen. So pareho tayo ng ginagawa.

    May kasabihan that it takes a village to raise a child, ‘di ba. So iyong ginagawa niyo para sa education, iyong ginagawa namin para sa education pero ibang constituency iyong ating tinutulungan, kapag pinagtahi-tahi natin iyong ating ginagawa, lalaki’t lalaki iyong ating tinutulungan.

    You’ve been here for 45 years, ‘di ba. It’s a milestone. Mahirap… mahirap maka-reach ng 45 years. Kami, three years pa lang; ginagapang pa namin, pero kayo 45 years. And this celebration is really a means to not just be grateful of all the help that you have been receiving but also a way for us to count our blessings. Na despite the many difficulties, you were able to reach this milestone. Despite the many difficulties, more than 800,000 children [na] ang natulungan. Despite the many difficulties, you are in 17 regions across the country, ‘di ba. Sino ba iyong walang pondo na magagawa iyong mga bagay na iyon?

    My only hope as you celebrate your 45 years is you inspire more people to do the same. Na sana iyong giving back, na iyong natutulungan sana ninyo, they will… have it in their hearts to also pay back kasi iyon naman iyong pinaka-susi para magtulungan tayo, to be responsible for each other.

    So, my congratulations to Father Ari, to Charlie, to Ma’am Dolor, and to all of you who have been very instrumental in making ERDA Foundation a huge, huge success and thank you for all that you do for our people and for our country.

    Maraming salamat po. [applause]

    Posted in Speeches on Sep 18, 2019