This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with VP Leni Robredo at the Quezon City Reception House

    VP LENI: Actually… actually, long overdue ito. Dapat sana before the SEA Games. Kaya lang parang napaka… napa-ano kasi… parang, siyempre, may mga puna ka tapos mayroon tayong celebration as a country. Hinintay naming matapos. Natapos noong 12, pero nasa Basilan-Marawi kasi ako, eh, so dapat ngayon. Eh lumindol kahapon.

    TV5: Ma’am, parang with the events happening, most likely next year po or after Christmas po?

    VP LENI: Ako, depende how things will unfold sa Davao. Kung may oras pa before Christmas, baka gawin na namin before Christmas. Pero kapag grabe, baka pag-resume na lang ulit—

    TV5: 2020 na po?

    VP LENI: —tutal hindi naman siya sobrang urgent. Parang mas urgent ngayon, eh. Lalo pa kasi—

    ANC: Ma’am, nakita niyo iyong ano— May sarili kasing magazine iyong PCOO. Nakita niyo na iyon?

    VP LENI: Iyong magazine hindi ko nakita pero—

    ANC: May documentary saka may report na—

    [other reporters join in]

    DZBB: Ma’am, bale kailan po kayo magsisimulang magpadala ng tulong sa mga—

    VP LENI: Actually, since yesterday, ready na iyong team. Ngayon lang natin nakuha iyong tunay na—ay, iyong pinaka-urgent—so by today, sana ma-purchase na namin. As early as tomorrow, puwede nang pumunta.

    Mayroon kami ngayong team on the ground sa Bicol, kasi nagre-relief operations pa din kami sa ‘Tisoy’. Nasa Masbate iyong aming team. In fact, nakaplano sana akong sumunod sa Masbate. Pero may another team kami na finorm kahapon. Ngayon, mayroon na akong order na iyong hindi kaagad— Kung mayroon kaming tirang pera na puwede naming i-purchase— Kasi iyong pinaka-problema ng opisina namin, hindi readily available iyong funds, so talagang umaasa kami sa partners, pero kung mayroon kaming pondong kaunti na puwedeng ma-release for Davao del Sur, ire-release namin today para mabili na iyong mga tents, kasi iyong sabi ni Congresswoman Didi Cagas, kailangan na kailangan na talaga ngayon.

    DZBB: Kasi ngayon, maliban sa lindol, inuulan din sila.

    VP LENI: Inuulan, tapos iyong mga tao daw talaga sobrang takot dahil ang— Iba-iba iyong numbers, pero ang sabi sa akin ni Congresswoman Didi a few minutes ago, 500-plus daw iyong aftershocks as of a few minutes ago. So kung ganoon, imagine na lang natin iyong takot sa mga tao. Iyon nga, iyong kinukuwento ko, kausap ko si Congresswoman Didi, iyak nang iyak, kasi iyong ano niya talaga, iyong trauma na pinagdadaanan ng mga kababayan.

    ANC: Pero, Ma’am, so far, hinihintay pa nating lumabas—

    VP LENI: Wala pa, eh. Wala pa kaming napapadala. Pero ang ginawa namin kahapon, iyong team finorm na namin. Ang hinihintay na lang namin talaga iyong kung ano iyong pinaka-kailangan. Pero ngayon, bibilin na—most probably tomorrow pupunta na doon.

    DZBB: Ano pong priority na ipapadala niyo?

    VP LENI: Iyong sabi sa amin, iyong priority daw nila tents saka drinking water, kasi wala na daw tubig. Wala nang tubig as of this morning. So nakikiusap din tayo, siguro tulong sa mga local government units doon, iyong mga generators, baka may mga puwedeng makapagpahiram. Sana iyong mga taga-doon na kakilala natin na mayroon na hindi naman affected, makapahiram ng generators, kasi kailangan talaga nila sa operations. Pero ano naman, sabi ko kay Congresswoman Didi—hinihingi ko nga iyong number ni Gov, kasi si Gov daw umiikot. Hinihingi ko iyong number kasi ang gusto naman nating malaman, ano pang ibang kailangan as the day progresses.

    DZMM: Ma’am, your message sa mga kababayan natin na naapektuhan?

    VP LENI: Iyong sa akin, nakikiisa tayo, nakikiisa tayo sa ating mga kababayan na naapektuhan ng lindol na ito. Nakikiusap din tayo sa ating mga kababayan na hindi apektado na magkaisa tayo, magpadala ng tulong, kasi ngayon nila tayo kailangan na kailangan—lalo na kasi magpa-Pasko. Masiguro lang sana natin iyong kanilang kaligtasan, masiguro natin na iyong pinaka-basic na pangangailangan, natutugunan. Kasi napaka-extraordinary talaga ng circumstances para sa kanila ngayon, lalong lalo na kasi, iyong nga, sunod-sunod pa din iyong aftershocks. Hindi ito parang bagyo na pagkatapos ng bagyo, tapos na. Ito talaga, sunod-sunod pa, so hindi natin alam kung hanggang kailan ito. Pero habang nangyayari pa, at habang iyong mga kababayan natin displaced pa, sana magtulong-tulong lahat.

    REPORTERS: Thank you, Ma’am!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Dec 15, 2019