Filing of Counter-Affidavit in Relation to Sedition Case Against Vice President Leni Robredo
Department of Justice, Manila

ATTY. MARLON MANUEL: Yesterday, we received a copy of the order from the special panel of prosecutors resolving the various motions of the respondents and saying that because there will be no other evidence expected to be filed by the complainant CIDG as they have manifested during the previous hearing, then it is time for the submission of the counter-affidavits. So today, we have filed the counter-affidavit of Vice President [Leni] Robredo. So we have—she appeared before the head of the panel, Prosecutor [Olivia] Torrevillas. [She] signed the affidavit before Prosecutor Torrevillas so we left copies of the counter-affidavit. We will give you copies of the counter-affidavit. 

REPORTER 1: So, Sir, iyong naging—[inaudible]—tuloy, ano, iyong hearing? Binasura iyong apela na sana i-dismiss iyong preliminary investigation? May ganoon na ba, Sir?

ATTY. MARLON MANUEL: Hindi. Wala naman. 

ATTY. BARRY GUTIERREZ:  Wala naman. 

ATTY. MARLON MANUEL: Walang ganoon. Iyong iba-ibang motion, ang naging desisyon ng DOJ panel ay ituloy na iyong pagsa-submit ng counter-affidavits. So as far as we are concerned, and pursuant to that order, we have filed our counter-affidavit. 

REPORTER 2: Ano, Sir, iyong gist ng counter-affidavit po ni VP po? 

ATTY. MARLON MANUEL: Isa lang iyong paragraph na nag-aakusa sa kaniya ng isang gawain na diumano ay isang krimen. May pitong krimen na isinama doon sa reklamo laban sa kaniya at iyon ang sinagot namin at pinatunayan namin na kasinungalingan—iyong nakalagay doon sa counter-affidavit na siya ay dumalo sa isang diumano ay pagpupulong sa Ateneo na ginawa noong March 4. So fully documented iyong buong araw kung nasaan siya. So makikita niyo doon sa affidavit na isinampa niya, mula doon sa umaga kung saan siya nagpunta. At in fact, covered by media iyong mga events niya noong araw na iyon, so lumalabas na kasinungalingan iyong sinasabi doon sa sinumpaang salaysay at lalong kasinungalingan iyong sinasabi doon sa Omnibus Comment ng Solicitor General na paulit-ulit siyang nakipag-pulong kay Bikoy na hindi sinusuportahan ng mismong sinumpaang salaysay ni Bikoy. 

REPORTER 2: Sir, bakit napaaga iyong pag-submit, tama po ba? Although allowed naman nga sabi niyo as a prosecutor, pero hindi… hindi na hinintay iyong next hearing po para mag-submit ng counter-affidavit? 

ATTY. MARLON MANUEL: Bago… bago naman dumating iyong order ay hinahanda na iyong counter-affidavit. So minabuti namin na isampa na rin iyong counter-affidavit pagkatapos namin matanggap iyong order. Iyong ibang respondents naman din ay nakapagsalang na rin ng kanilang mga counter-affidavits. 

REPORTER 2: Si VP po ba attend din pa sa next hearing sa September 6 ho yata? 

ATTY. MARLON MANUEL: Through counsel… through counsel. 

REPORTER 3: Sir, when you say you have no other evidence, so ang existing evidence lang is iyong kay Bikoy lang? 

ATTY. MARLON MANUEL: Iyong sinumpaang salaysay. Wala nang iba. 

REPORTER 4: Sir, USB na-submit? Iyong USB of—

ATTY. MARLON MANUEL: Binigyan kami ng kopya noong USB pero ang laman lang ng USB ay iyong series noong videos, wala nang iba. So ang laman lang noong… so iyong inaasahan natin na dagdag na ebidensya na USB, ang laman noon ay kung ano iyong online, kung ano iyong nailabas na. 

ATTY. BARRY GUTIERREZ: At actually, hindi pa namin mabasa lahat—[chuckles]—iyong iba. Parang defective either iyong actual drive or iyong files mismo na pinadala sa amin. 

ATTY. MARLON MANUEL: Pero iyon, so wala na. Wala nang ibang ebidensya. 

REPORTER 3: Wala, Sir, iyong mga sinasabi nilang e-mail or text messages? 

ATTY. MARLON MANUEL: Wala. 

ATTY. BARRY GUTIERREZ: Wala. 

ATTY. MARLON MANUEL: And as far as the Vice President is concerned, it’s just that one paragraph that accuses her of a direct action—and that is a complete falsehood. 

ATTY. BARRY GUTIERREZ: Kapag tiningnan mo kasi talaga iyong buong affidavit ni [Peter Joemel] Advincula, isa lang talaga iyong alegasyon na direkta kay VP Leni—iyong binabanggit nga ni Atty. Marlon na supposedly nag-attend siya ng isang meeting noong March 4 sa Ateneo. At itong counter-affidavit namin, pinapatunayang—klarong-klaro—na imposibleng nandoon si VP Leni dahil siya ay nasa ibang lugar at mayroon kaming ilang testigo na mag-a-attest dito, may mga pictures, may mga news articles, mayroong iba’t ibang mga ebidensya na pinapakita na wala talaga siya sa Ateneo at nasa iba siyang lugar. So kung iyon lang talaga iyong kanilang ebidensyang maipapakita, pawang kasinungalingan ito at humihina at pinagdududahan iyong buong salaysay nitong si Advincula. 

REPORTER 5: May we know, Sir, kung saan exactly si VP at that time? 

ATTY. MARLON MANUEL: Tatlong events iyong pinuntahan niya noong buong araw na iyon mula umaga—sa Bocaue, sa Dr. Yanga’s College. Pagkatapos noon, sa Bocaue pa rin, mayroong isang Ahon Laylayan event. Mula doon sa Bocaue ay dumiretso sila sa Bustos, Bulacan sa isang women’s month celebration. At lahat ito, gaya noong sabi ko, ay fully documented even by media, by independent reports—news reports. 

REPORTER 5: Until what time po ito, Sir? 

ATTY. MARLON MANUEL: Umalis sila sa Bustos, Bulacan ng alas-singko—

ATTY. BARRY GUTIERREZ: —y medya. 

ATTY. MARLON MANUEL: Mga alas-singko y medya ng hapon at nakarating sila sa—nakabalik siya sa bahay niya, mga after one hour, after a little over one hour noong gabi na. So gabi na noong araw na iyon. 

REPORTER 5: So there was no way, Sir, na at 4 p.m.—

ATTY. MARLON MANUEL: No way. The whole day. The whole day of March 4, morning until about 6:30 to 7 o’clock in the evening ay nasa labas siya ng Metro Manila. So hindi lang imposible iyong alas-kuwatro, imposible pa iyong buong araw ay she was anywhere near Ateneo. 

ATTY. BARRY GUTIERREZ: At actually, kapag binigay namin sa inyo iyong kopya ng counter-affidavit, naka-cite naman doon iyong mga online coverage. In fact, iyong isa doon Philippine News Agency pa ang naglabas. In fact, mayroon pang isang video na nandoon sa website noong Dr. Yanga’s College, so available pa up to the other day kung saan fininalize namin iyong affidavit. So kapag nakakuha—kapag nakuha ninyo iyong kopya na ibibigay namin noong counter-affidavit, puwede niyong i-check for yourselves na mayroon talagang documentation kung nasaan si VP. 

ATTY. MARLON MANUEL: Pero subject to independent verification, you can check—you can go to Dr. Yanga’s College, you can go to Bustos, Bulacan, you can go to – iyong lugar sa Bocaue kung saan ginawa iyong event niya, and you can even ask media—members of the media who covered, who reported on the events. 

ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo, kasi nag-release din kami ng transcript ng isang media interview that was conducted while she was there sa lahat ng mga media contacts namin sa OVP. 

ATTY. MARLON MANUEL: At siguro, mahalaga na ipaliwanag na bakit iyong counter-affidavit, naka-sentro doon sa March 4? Kasi walang ibang alegasyon laban sa kaniya maliban doon sa iisang paragraph na iyon na diumano, siya ay dumalo doon sa pagpupulong ng March 4, mga bandang alas-kuwatro ng hapon sa Ateneo. Wala nang ibang alegasyon na ginawa niya na lumalabas diumano na isa doon sa pitong krimen na inaakusahan siya na ginawa niya kasama pa noong ibang mga respondents. So malinaw iyon, kaya doon naka-sentro iyong counter-affidavit. 

REPORTER 5: Sir, in deciding to finally file a counter-affidavit, did you conclude na given the response of the prosecutors, wala nang additional evidence pa na puwede pang i-submit? 

ATTY. MARLON MANUEL: Not only the prosecutors, but even the complainant CIDG through the Solicitor General during the previous hearing, they confirmed that whatever is submitted is what they have. And aside from the USB, wala nang iba silang idadagdag pa. 

REPORTER 5: Sir, but in the filing of the OSG, they said that the CIDG, the complainant, is not required to present all the evidence during preliminary investigation? 

ATTY. MARLON MANUEL: Doon sa counter-affidavit, sinagot na namin iyon at sinasabi namin, kaya mo nga ginagawa ang preliminary investigation para desisyunan mo, mayroon ka bang sapat na ebidensya para ipagpatuloy iyong paglilitis? Hindi kahit anong akusasyon, hindi kahit anong ebidensya ay ipapasa mo na sa korte at bahala na sa korte idagdag iyong iba pang ebidensya. Hindi, screening ano ito, eh, screening stage ang preliminary investigation. So ang layunin ng preliminary investigation, ang tungkulin ng panel of prosecutors ay siguraduhin na walang mangyayaring persecution, walang mangyayaring harassment dahilan sa walang saysay na reklamo, dahilan sa pawang kasinungalingan na mga akusasyon. At iyon ang sinasabi namin na kailangang mangyari sa stage na ito ng preliminary investigation. 

ATTY. BARRY GUTIERREZ: At saka klaro iyon from the order noong panel na lumabas nga kahapon na kahit ano pang i-claim nitong complainants na mayroon pa silang ibang hawak na ebidensya na ilalabas nila supposedly during trial, as far as iyong preliminary investigation ay concerned, bilang pagkilala lang kung mayroon ba talagang batayan para magsampa ng kaso para sa violation ng criminal laws natin, ang pagbabatayan lang ay iyong sinubmit mismo ng PNP-CIDG. At batay doon sa aming pagsuri doon sa kanilang ebidensyang ipinakita, eh, isa lang talaga iyong ano, eh, iyong mention kay VP Leni, eh, iyong pag-attend niya noong March 4 meeting na pinapatunayan nga namin dito na klarong-klaro, eh, kasinungalingan, hindi totoo, imposibleng nangyari, imbento nitong si Advincula. At wala na—kung iyon lang iyong batayan, eh hindi na talaga dapat umabot sa pagsasampa pa kay VP Leni ng kahit ano dahil kataka-taka, eh. Mayroong seven crimes na binabanggit dito pero hindi naman kasi puwedeng alegasyon lang, eh. Kailangan mayroon kang ini-specify na ginawang akto. At dito, iyong kaisa-isang akto na binanggit na ginawa ni VP Leni supposedly, siya ay nag-attend ng isang meeting at iyon ay hindi totoo, iyon ay kasinungalingan, at kung iyon lang ang pagbabatayan, hindi talaga na dapat ito ay umabot sa anumang kaso na isasampa pa sa korte. 

So iyong kanilang kine-claim, totoo man iyon o hindi na mayroon pa silang hawak na ebidensya ay walang kuwenta iyon para dito sa proceeding na ito. 

REPORTERS: Okay na po. Sir, thank you! 

– 30 –