Visit to the Wake of Iloilo-Guimaras Strait Tragedy Victims
Mandurriao, Iloilo City

REPORTER: Ma’am, you personally visited the victims. Nagpaabot po tayo ng tulong, Ma’am? 

VP LENI: Nagpaabot kami ng tulong. Ito kasi, napakahirap noong pinagdadaanan, lalo itong pamilyang ito—apat iyong nawala sa kanila. Pati iyong survivors, tingin ko sobrang hirap din iyong pinagdadaanan kasi iyong trauma, iyong lahat. So gusto lang nating siguraduhin na hindi lang iyong tulong pinansyal pero kung ano pang ibang tulong iyong puwede pang ibigay sa kanila. Kaya pinersonal talaga nating puntahan dito sa bahay para… para mapaabot lang natin na— Ako, nawalan din ako. Similar circumstance na nahanap din sa dagat. Mahirap talaga. Kaya makakatulong din na maramdaman na mayroong… mayroon silang mga malalapitan in the future just in case.

REPORTER: Ma’am, hindi lang dito sa Iloilo. You’re going to Guimaras as well. 

VP LENI: Palipad kami sa Guimaras ngayon. Mas marami iyong… mas marami iyong biktima doon. Mayroon ding misa ngayong hapon na nais naming daluhan.

Ito, pakikiisa kasi talagang napakasaklap ng aksidente na pinagdaanan. So gusto lang natin iparamdam na marami naman tayong hindi lang nakikidalamhati, pero handang tumulong. Kasi alam ko iyong pakiramdam, eh—na pagkatapos ng libing, mas mahirap iyong haharapin nila. 

REPORTER: What kind of help iyong ipinaabot po sa kanila?

VP LENI: Mayroon kaming kaunting financial help na ibinigay ngayon, pero may mga kailangan silang asikasuhin na mga papeles, pati iyong psychosocial na services. Gusto lang natin masiguro na makumpleto iyon, kasi iyong mga survivors na kausap natin sa loob, ano pa din, tingin natin maraming tulong iyong kailangan. Pati iyong families, iyong mga families na naiwan, kasi alam naman natin na kapag biglaan talaga, mahirap iyong pag-cope. Gusto lang natin siguraduhin na lahat na puwedeng maibigay, kayang ibigay. Marami naman iyong tumutulong, pero tingin ko never enough, ‘di ba, lalo kapag nawalan. Lahat na assurances na sa mga susunod na araw nandito tayo, kailangan nila iyon. 

OVP: Thank you, Ma’am!

– 30 –