[EXCERPT]
Naga City, 25 June 2019

REPORTER: VP, have you read the tweet po of DFA Secretary Locsin?

VP LENI: Oo. Nabasa ko iyong tweet late last night kasi ang daming tumatawag. Sa akin naman, ever since hindi ako pumatol kapag usapang bastusan. Sa akin, hindi naman ako nababawasan noon. Alam ng tao kung ano ang tama at ano iyong mali, kaya hindi ko na iyon papatulan. 

Pero iyong sa akin lang, kasi usapin ng hindi nag-aaral, usapin ng walang pagkaalam. Siguro iyong hindi dito napapag-usapan, ano ba iyong basehan, ano ba iyong basehan kung bakit nagkaroon ako ng ganoong statement na baka knee-jerk reaction? Ang basehan noon, mayroon tayong batas, iyong Republic Act 8239—mayroon tayong batas na nagsasabi na ito iyong mga klase ng passports na puwedeng i-issue ng pamahalaan. Ang isa doon, diplomatic passports. Parang, Section 7 yata, Section 7 ng R.A. 8239, nagsasabing ito iyong listahan ng mga tao—7-a, Section 7-a—ito iyong listahan ng mga tao na entitled sa diplomatic passports. Kung hindi ako nagkakamali, ang number one doon, President and all former presidents. Number two, Vice President and all former vice presidents. Parang, number six yata, kung hindi ako nagkakamali, nakalagay yata ambassadors. Doon sa ambassadors, sa Section 3, 3-[g], nakalagay sino ba iyong kino-consider na ambassador. Nakalagay sa batas—ang batas, pinasa ng Kongreso, pinasa ito noong 1996, alam ko panahon ni President Ramos. Ang sinasabi niya, ang ambassadors, ang kinokonsiderang ambassadors, iyong lahat na na-appoint at lahat na nagsilbi as ambassadors, extraordinary plenipotentiary. 

Nakalagay din sa parehong batas na puwedeng i-cancel iyong passports. Nakalagay ano ba iyong basis ng cancellation, 1, 2, 3. Iyong number one—hindi ko memorized iyong pasunod-sunod, pero kung convicted ka of a criminal offense, kung considered kang fugitive from justice, o number three, kung fraudulent iyong acquisition mo ng passport o tampered ito. Kinansel iyong mga passports, ‘di ba, ano iyong basis ng cancellation? Wala yata sa 1, 2, 3 na iyon. 

Iyong kinanselan ng passports, by law… iyong batas na nagsasabi na entitled siya doon sa passport na iyon. Hindi siya discretionary. Ang sinasabi, walang cancellation kung walang hearing at hindi binigyan ng pagkakataon na makapagdepensa iyong kinanselan. 

Parang lahat na elements na iyon, wala. So sinasabi ko na baka hindi padalos-dalos iyong pagdesisyon, kasi mayroon tayong batas na sinusunod. At iyong desisyon ng kahit sinong public official, hindi naman masu-supersede kung ano iyong provisions ng batas. Iyon iyong datos, iyon iyong batas natin. Iyon iyong datos, at iyon iyong basehan kung bakit ko sinabi iyong aking sinabi.

Pero pagdating sa bastusan, hindi ako sasagot, kasi hindi naman— Hindi ako ganoon, at palagay ko karamihan sa mga Pilipino hindi rin ganoon. Kaya dapat hindi binibigyan ng pagkakataon na, parang, makabuwelo iyong ganoong pag-uugali.

REPORTER: But his succeeding tweets po, the apology specifically?

VP LENI: Sa akin naman… sa akin, wala iyon. Ever since naman, nasa receiving end ako ng napakaraming unfair na accusations, nasa receiving end ako ng napakaraming pambabastos. Kapag usapin na ganoon, ayaw kong patulan. Kasi mas—

REPORTER: But do you accept it?

VP LENI: —mas maraming importanteng bagay na kailangang asikasuhin. Iyong pinaka-issue dito, iyong mga mangingisda, na na-violate iyong kanilang mga karapatan. Ano iyong ginagawa natin dahil sa— Ano iyong ginagawa natin para ma-repair iyong pag-violate sa kanilang karapatan? Tingin ko iyon iyong pinaka-issue dito. 

REPORTER: Do you accept his apology?

VP LENI: Iyong sa akin nga, wala naman iyon sa akin. Iyong sa akin, hindi iyon personal. Hindi ako iyong— Iyong tao iyong maghuhusga. Iyong sa akin lang, sana kung ano iyong obligasyon, gawin. Kung ano iyong responsibilidad, gawin. Kung ano iyong nasa batas, sundin.

REPORTER: Have you talked to former DFA Secretary Del Rosario po?

VP LENI: Hindi, hindi ko siya nakausap recently.

REPORTER: Pero iyong ibibigay niya doon sa fishermen?

VP LENI: Nabasa ko lang siya sa balita, pero wala pang… hindi ko pa siya nakakausap personally, dahil nandito ako para sa Omasenso [sa] Kabuhayan. 

REPORTER: Thank you po!

– 30 –