Camarines Sur

REPORTER: Mensahe lang po sa mga kababayan natin na nasaktan po?

VP LENI: Iyong sa akin, salamat sa suporta. Pero kapag bastusan, huwag na tayong makisali sa usapan, kasi wala naman tayong mapapala. Tutok lang sa tunay na isyu. Iyong tunay na isyu dito, iyong mga [mangingisda] natin na na-violate iyong kanilang mga karapatan. 

REPORTER: Alam niyo po, iyong mga kababayan natin, parang talagang nagdurugo iyong mga puso nila sa pangyayaring ganoon.

VP LENI: Ano naman po, touched naman tayo na nasasaktan sila para sa atin, pero tayo po, hindi nawawala iyong focus natin sa trabaho. Kahit na may mga ganitong unfortunate incident, sige lang tayo para sa mga responsibilidad na inaasahan na gampanan natin.

REPORTER: Mabuhay po kayo, Ma’am. Salamat po!

VP LENI: Salamat!

– 30 –