Unang Balita at Unang Hirit
Studio 3, GMA Network, Quezon City 

ARNOLD CLAVIO: At nabanggit natin si Vice President Leni Robredo. Makakapanayam natin siya ngayon, live sa ating studio. Vice President Leni Robredo, magandang umaga po at welcome po sa Unang Balita ng Unang Hirit. 

VP LENI: Magandang umaga, Igan. Magandang umaga po sa lahat na nanonood sa atin ngayong umaga. 

ARNOLD CLAVIO: Sabi mo hindi mo na papatulan si Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin nang tawagin ka niyang, ano, sabi niya—

VP LENI: —boba. 

ARNOLD CLAVIO: Boba. Pero siyempre, may naramdaman ka. 

VP LENI: Actually, medyo expected ko iyong sinabi niya noong pinuna ko iyong pagkansela ng diplomatic passports. Mayroon nga akong mga kausap na sabi ko, “Sigurado nito titirahin ako bukas.” Kasi medyo nape-predict na natin kung papaano nagre-react iyong mga opisyal ng pamahalaan kapag naki-criticize. Pero iyong sa akin lang, Igan, gaya noong sinabi ko dati, kapag usapin na bastusan, hindi tayo papatol. Kasi wala naman tayong, ‘di ba, wala namang… wala namang magandang kakaratnan noon. Ang dami-daming problemang kailangang asikasuhin. 

ARNOLD CLAVIO: Hahaba pa nang hahaba. Okay, pero  iyong sa pag-i-issue ng diplomatic passport, ayan, ang latest na sinabi ng Pangulo, “Wala ka na gobyerno, eh, so dapat wala ka nang hawak na diplomatic passport.” Depende yata iyan sa batas kung sino lang ang may hawak ng diplomatic passport. So iyong mga former ambassador o cabinet secretary ba talaga ay may kortesiya? 

VP LENI: Mayroon tayong tinatawag na Philippine Passport Law. Ito iyong Republic Act [No.] 8239, Igan, na mayroong discussion ano ba iyong mga uri ng passports na puwedeng i-issue ng ating pamahalaan: diplomatic, official, at saka iyong regular passport. Tapos doon sa diplomatic passport, mayroon siyang enumeration. Sino ba iyong mga puwedeng bigyan? Naalala ko iyong number one doon, ang Pangulo at saka mga dating pangulo. Pangalawa, Vice President at saka mga former vice presidents. Pang-anim yata, ambassadors. Pero sa Section 3 noong parehong batas—Section 7 kasi iyong enumeration, eh—sa Section 3, nandoon iyong definition sino iyong considered na ambassadors. Sa definition niya, parang 3-g yata iyon—hindi, 3-a, o 3-g—nakalagay, ang kino-consider na ambassadors, lahat na nahalal bilang ambassadors—lahat ng na-appoint bilang ambassadors at saka lahat na nagsilbi bilang ambassadors extraordinary and plenipotentiary. Gustong sabihin, kung naging ambassador ka in the past, entitled ka to a diplomatic passport. 

Iyong punta ko lang kaya… kaya iyong comment ko dati huwag padalos-dalos ng pag-desisyon sa pagkansela, dahil iyong Philippine Passport Law, isang batas na pinasa ng Kongreso. Kung isa siyang batas na pinasa ng Kongreso, walang karapatan ang kahit sinong opisyal ng pamahalaan para i-supersede iyong provisions ng Philippine Passport [Law.] 

ARNOLD CLAVIO:—na suspendihin. 

VP LENI: Oo, ng Philippine Passport Law. Kasi nakalagay din doon, totoong puwedeng kanselahin pero mayroon lang grounds ng pagkansela. In fact, nakalagay iyong ground sa batas. Tatlong grounds iyong puwedeng gamitin para—

ARNOLD CLAVIO:—bawiin. 

VP LENI: —bawiin iyong passport. At hindi rin puwedeng bawiin na walang—na hindi binibigyan ng pagkakataon na pakingaan kung sino iyong passport holder. So, iyong desisyon ng pagkansela, parang labag na kaagad siya doon sa batas. 

ARNOLD CLAVIO: So kung kaklaruhin natin, aksyunan dapat ng Kongreso. Amyendahan na. 

VP LENI: Amyendahan. Amyendahan. Dapat sana sabihin ng Kongreso na ang puwede na lang isyuhan ng diplomatic passports, iyong naninilbihan ngayon. Pero iyong batas mismo iyong nagsasabi, eh. Iyong batas mismo nagsasabi—mga dating pangulo, mga dating pangalawang pangulo, mga dating ambassadors, entitled to diplomatic passports. So walang… wala sa diskresyon ng kahit sinong opisyal iyong biglaan na pagkansela na hindi sinunod iyong probisyon ng batas. 

ARNOLD CLAVIO: Ayan, so napag-aralan niyo talaga ang Philippine Passport Law. [laughs

VP LENI: Hindi naman tayo—alam mo, Igan—hindi naman tayo nagmamarunong, pero nag-aaral tayo. 

ARNOLD CLAVIO: Ito naman, doon naman sa mga mangingisda, ang sinasabi raw napulitika dahil sa pagdalaw mo. Dumalaw na si Secretary Cusi, dumalaw na si Secretary Piñol, at bakit kailangan pa raw Bise Presidente ay puntahan itong mga mangingisda? So na-politicize daw iyong isyu, Vice President. 

VP LENI: Ako, precisely iyon iyong dahilan, Igan, kung bakit hindi ako pumayag na ma-interview. Wala nga akong dalang… wala akong dalang media, wala akong dalang photographers, kasi gusto ko private iyong visit. Pero alam mo, Igan, doon may nakababad na media, na hindi mo talaga masisikreto iyong pagbisita. Pero iyong pinaka-sadya ko— Actually, iyong team ko nandoon na noong Lunes pa. Pumunta ako doon Biyernes. Lunes pa nandoon na iyong team namin para alamin ano ba iyong matutulong pa. Ano ba iyong mga kailangan nila na kulang pa? Kasi alam natin na may mga tumutulong na. Halimbawa, DOE mayroon nang tulong, DSWD mayroon nang tulong, DA mayroon nang tulong. So pinapaalam namin ano pa ba iyong kailangan? Eh kailangan nga nila, base doon sa assessment ng team namin, ang inaaalala talaga nila iyong kabuhayan. Kasi wala… hindi sila makalayag, eh. 

ARNOLD CLAVIO: Natatakot pa rin silang makapangisda doon sa lugar. 

VP LENI: At saka hindi sila makaka… hindi sila makakalayag ng ilang buwan kasi sira iyong kanilang barko. 

ARNOLD CLAVIO: May binigay pero wala yatang makina na—naiwan, na-delay. 

VP LENI: Mayroon yatang makina. 

ARNOLD CLAVIO: Na-delay daw po. Opo. 

VP LENI: Pero iyong bangka kasing binigay sa kanila, useful naman iyon pero sa malapit lang. 

ARNOLD CLAVIO: Ah, hindi pang-malayuan. 

VP LENI: Hindi sila nangingisda sa municipal waters kasi ang kuwento nila, kulang. Parang pang-araw-araw lang daw iyong makukuha doon. 

ARNOLD CLAVIO: Kasi sinasabi iyong mga mangingisda nagbago daw ng tono ng kuwento. Noong kayo ba ay nandoon, ano ba iyong kuwento sa inyo? Sa pakiramdam ba nila aksidente? Kasi ang Pangulo ngayon sabi na na-side ano, eh, na-sideswipe iyong ano. Hindi diretso kasi kung diretso daw, patay. So ano ba ang kuwento nila sa inyo po ng mga mangingisda? 

VP LENI: Iyong kuwento talaga, Igan, pareho noong unang kuwento na bago sumalpok sa kanila iyong barko, inilawan na sila. 

ARNOLD CLAVIO: So nakita na sila? 

VP LENI: Iyon iyong pakiramdam nila. Iyon iyong pakiramdam nila, nakita na sila. In fact, ang kuwento nila after sila nabangga inilawan pa ulit sila at nakita na talagang lumulubog iyong barko. At akala nga nila—kasi parang ang pagkaintindi ko parang nag-reverse pa iyong barko—akala nga nila tutulungan sila pero iniwan sila. Pero iyong punto kasi, Igan, pagpunta ko doon, nakita ko na medyo tense, eh. Parang iba iyong pakiramdam ng mga mangingisda. Naawa din ako kasi parang pagod na pagod na, marami pang iba-ibang kuwento patungkol doon sa insidente. So ako, sinadya ko talagang hindi magtanong ng direkta tungkol sa insidente kasi pakiramdam ko lang, pagod na pagod na ito kasi lahat na tao nagtatanong tungkol sa insidente. Ang pinaka-interes ko lang talaga, ano iyong—kumusta sila? Ano iyong mga problema sa pang-araw-araw? Ano iyong kailangan? 

ARNOLD CLAVIO: So ano nga pong tulong iyong naibigay ng opisina niyo? 

VP LENI: Mayroon kasi kami, Igan, noong programa, iyong Angat Buhay, na ito collaboration talaga. Public-private partnership ito. Alam mo naman na iyong opisina namin kaunti lang iyong budget para sa programa, so marami kaming nagagawa sa mga communities na ang pondo galing sa private. Iyong aming partners, nag-raise ng pera para sa mga mangingisda at iyong binigay namin sa kanilang 50,000 pesos each, hindi iyon galing sa opisina. Galing iyon sa aming Angat Buhay partners. At wala naman silang hinihinging kapalit. Ang pinaka-interes lang nila matulungan iyong mga magsasaka na mayroong… mayroong pagkukuna ng pang-araw-araw na gastusin kahit hindi sila nakakapaglayag. 

ARNOLD CLAVIO: May nagbigay daw ng commitment sa inyo, si dating Foreign Affairs Secretary Del Rosario? 

VP LENI: Actually, nabasa ko lang iyon, Igan. Nabasa ko lang iyon sa diyaryo. 

ARNOLD CLAVIO: Okay, sa inyo daw ito idadaan? 

VP LENI: Pero parang wala pang coordination sa opisina namin. 

ARNOLD CLAVIO: Okay, ito, iyong latest po ay pinayagan, ano, iyong mga mangingisda dahil kaibigan daw po natin sila. So, iyong sa mga kuwento ng mga mangingisda sa inyo, ito ba ay—kasi may kasunduan na ho si President Xi Jinping, eh, saka po itong si Pangulong Duterte daw na maari silang makapangisda doon sa ating exclusive economic zone. 

VP LENI: Iyon talaga sa term pa lang, Igan, kaya nga tinatawag na exclusive economic zone kasi iyong ating… iyong ating Konstitusyon—iyong 1987 Constitution—very specific iyong probisyon ng batas na iyong exclusive economic zone, for the exclusive use and enjoyment iyon ng Filipino citizens. Kaya kapag sinabi mong papayagan mong mangisda doon iyong hindi… hindi mga Pilipino, labag iyon sa Konstitusyon. In fact, iyon din iyong isang kahilingan ng mga mangingisda, na sana nakakabuwelo din sila sa hanapbuhay doon kasi talagang talong-talo sila. Talong-talo sila ng Chinese fishing vessels. Hindi talaga sila [maka-]buwelo sa pangingisda. Eh, iyon nga, very specific iyong ating constitutional provisions na dapat exclusive iyan para sa use and enjoyment of Filipino citizens. 

ARNOLD CLAVIO: Iyong ganiyang pananaw ay kaparehas ng pananaw ni Justice Antonio Carpio pero ang reaksyon ng Pangulo ay buwang itong si Carpio, ano. So ano na ang inaasahan niyong magiging reaksyon ngayong nagsalita na rin po kayo, Vice President? 

VP LENI: Ito kasi… ito kasi, Igan, kahit ano pang name-calling iyong gawin natin, nandiyan iyong batas, eh. Nandiyan iyong Konstitusyon, nandiyan iyong mga batas na pinasa ng Kongreso. Hindi naman iyon mababago unless iyong Kongreso iyong magbago,unless baguhin natin iyong Konstitusyon. 

ARNOLD CLAVIO: Iyong Culpable Violation of the Constitution ay isa sa mga grounds for impeachment, Vice President, pero ayaw ko namang tanungin kayo diyan dahil it’s a political act na rin ng Congress. 

VP LENI: Political. 

ARNOLD CLAVIO: Sa Congress ba may Liberal Party pong nahalal? 

VP LENI: Mayroong 18. 

ARNOLD CLAVIO: May speaker na ho ba kayo roon? Kung sino ang susuportahan? 

VP LENI: Actually, hindi ko pinapakialaman iyong mga miyembro ng Liberal Party sa kanilang mga desisyon. Nire-respeto naman natin iyong… iyong desisyon nila. Ngayon yata, Igan, ang pagkaintindi ko maraming contenders na nanliligaw pa sa mga miyembro ng Kongreso. 

ARNOLD CLAVIO: Okay, noong kayo raw po ay kauupo lamang, hanggang kahit noong bago mag-eleksyon, sabi niyo wala kayong balak tumakbong presidente. 

VP LENI: Oo. 

ARNOLD CLAVIO: Pero ito ho, kahapon naringgan kayo na medyo nagbago raw iyong pahayag niyo at medyo, destiny ang pagiging pangulo. So anong plano niyo? Medyo maaga ba o—

VP LENI: Actually… actually, Igan, wala namang nagbago. Siguro sa pagkakasulat lang ng balita pero walang nagbago sa pahayag. Parati kong sinasabi na iyong presidency destiny iyon. Hindi iyon napa-plano. Kung pag-aaralan natin iyong kasaysayan, hindi mo talaga mapapaghandaan iyong pagka-pangulo kasi talagang kahit anong paghahanda, kung hindi iyon para sa iyo, hindi iyon ibibigay sa iyo. 

Pero ang sa akin lang, Igan, ngayon na Pangalawang Pangulo ako, mahirap na isipin ko iyong 2022 dahil marami kaming ginagawa na mga programa— 

ARNOLD CLAVIO: Oo, trabaho lang muna. 

VP LENI: —na kapag ang inisip ko iyong eleksyon sa 2022, hindi ko na magagampanan iyong trabaho ko. Halimbawa, sa Angat Buhay na programa namin, pinupuntahan namin pinakamalalayo, pinaka-mahihirap na mga lugar—not necessarily ito iyong maraming botante. Kapag ang inisip ko magkakandidato ako sa 2022, hindi ko na ito pupuntahan. 

ARNOLD CLAVIO: Dahil kaunti lang ang tao.

VP LENI: Kasi sayang ng oras, sayang ng, ‘di ba, sayang ng effort na pagpunta na kaunti lang iyong botante doon. 

ARNOLD CLAVIO: Pero sila nga iyong bihirang puntahan. 

VP LENI: Kaya nga, eh. Kaya nga iyon iyong ginagawa namin. Bihira silang puntahan, dapat puntahan namin. Pero kapag eleksyon na iyong iniisip ko, hindi na maganda, eh. Kasi parati ang iisipin mo muna, saan ka makakakuha ng boto. Pero iyong sa akin, ang three years ang dami pang puwedeng mangyari. 

ARNOLD CLAVIO: Totoo po iyan. At naisip niyo rin ba na baka sa 2022 baka puro babae ho ang maglaban-laban sa pagka-pangulo?

VP LENI: Kaya nga ang sabi ko naman, Igan, anything is possible. Alam natin iyan. Iyong lahat na pagkandidato ko, lahat aksidente. Iyong 2013, kumandidato ako bilang Congresswoman, hindi ko naman iyon pinlano. Last day to file, doon ako nag-file na walang paghahanda. Iyong term ko bilang congresswoman, ang iniisip ko na lang, “Magre-reelect ba o tama na kasi iyong unang plano talaga one term lang?” Pero noong 2016 bigla na lang, kumandidato ako para vice president. Parang two months before ako kumandidato, wala man lang ka-plano-plano na magkakandidato. 

ARNOLD CLAVIO: At nanalo ka, destiny rin iyon. 

VP LENI: Ano nga, Igan, eh, talagang maraming bagay, lalo na iyong pagka-pangulo, na hindi mo mapa-plano. 

ARNOLD CLAVIO: Ayon naman kay incoming senator Imee Marcos, posibleng siya ang humawak ng committee on electoral reforms, na kahit pa may electoral protest ang kaniyang kapatid na si Bongbong Marcos laban po sa inyo. So ano po ang reaksyon niyo na siya mismo na kapatid ang mangunguna dito sa electoral reforms na ito? 

VP LENI: Ito naman, Igan, iyong—

ARNOLD CLAVIO: Ano na ba ang latest roon?

VP LENI: Iyong latest, nag-file kami ng motion sa PET—sa [Presidential] Electoral Tribunal—na pagdesisyunan na iyong kaso. Kasi ‘di ba iyong pinaka-huli nito, Igan, although hindi ko puwedeng i-discuss iyong merits ng kaso, pero iyong pinaka-huli nito, nag-request si— Nagsabi iyong Supreme Court kay Mr. Marcos na pumili ka ng tatlong probinsya na best exemplifies iyong sinasabi mong pandaraya. Siya iyong pumili—Camarines Sur, Negros Oriental, at saka Iloilo. So doon nagkaroon ng revision. Tapos na iyong revision. Tapos na iyong revision kaya nga sinasabi namin ngayon, baka dahil tapos na iyong revision, baka pagdesisyunan na. 

ARNOLD CLAVIO: So welcome, Ma’am, sa inyo si Senator Marcos na— 

VP LENI: Karapatan naman niya iyan kasi miyembro siya ng Senado. 

ARNOLD CLAVIO: Naku, maraming salamat po sa pagbisita niyo sa amin. Sana nalinawan po ang ilang mga isyu. Nakasama po natin, Vice President Leni Robredo. 

VP LENI: Maraming salamat. 

– 30 –