REPORTER 1: Ma’am, unahin ko lang iyong mga tinurn over natin kanina lang. Mayroon tayong—ilang school buildings ba lahat? Lima or anim?—anim na school buildings at saka mamayang hapon, mayroong bahay pa po. Sa assessment po ninyo sa pag-iikot, gaano pa po ba talaga karami iyong kailangang bigyan ng tulong na ganito?

VP LENI: Sobrang dami pa. Sobrang dami pa iyong pangangailangan. Halimbawa, kahit iyong mga schools na nag-turn over tayo ng school buildings, marami pa tayong… marami pa silang kailangan. Halimbawa doon sa Papandayan, nag-turn over tayo kanina. Sabi ng Principal, mga apat pa iyong kailangan nila. Pero ito naman, nagagawa namin ito dahil sa private partners namin, iyong pera dito sa mga school buildings pati iyong sa bahay—pabahay—hindi iyon galing sa opisina namin. Under lang iyon sa aming Angat Buhay program. May Angat Buhay program, kami iyong parang nagpo-provide ng platform para mag-collaborate iyong gobyerno at saka iyong private. So kami iyong naghahanap ng tulong pero iyong tumutulong talaga iyong pribadong sektor. So napakapalad natin na marami tayong mga private organizations na handang-handa tumulong sa trabaho ng gobyerno. Kasi gaya nito sa Marawi, unexpected iyong… unexpected iyong calamity, eh, so hindi kaagad handa na matugunan iyong lahat na mga pangangailangan. Pero may mga private companies, mga private organizations na napakabilis iyong pagtugon. Kaya doon nagpapasalamat tayo sa kanila.

REPORTER 1: Bakit po iyong mga schools na ito iyong napili natin?

VP LENI: Actually, nag-confer tayo with DepEd. Sabi ni ASDS [Assistant Schools Division Superintendent], talagang ang pinasa nila iyong mga malalayong paaralan kasi iyong experience natin—iyong ASDS, ‘di ba—ang experience natin, iyong mga malalayo, iyong malayo din sa tulong. Iyong mga malalayong paaralan, hindi sila kagaya noong mga centrally located na mas mabilis makita kaya mas mabilis makatanggap. So kung napapansin niyo, iyong lahat na pinuntahan natin ngayon, ito iyong nasa outskirts, ito iyong mga nasa malalayo. So iyon pa rin iyong priority natin—na pinipili natin iyong mas kaunti iyong tulong na dumarating.

REPORTER 1: Ma’am, iyong mga bahay, ilang bahay po ba iyan?

VP LENI: Iyong batch na ito, 12—ito iyong second batch. Iyong first batch 60, tapos ito, 12. Ang pinaka-target natin—kasi ito, privately-funded din. Iyong pinaka-target natin 100 houses in all. Actually, iyong first batch, dapat 100 na siya. Pero nagkaproblema lang tayo doon kasi hindi nagkasya iyong lupa na nakuha natin. Hindi namin tinayuan iyong medyo steep iyong slope kasi natatakot na baka later on kapag may… kapag masama iyong panahon, magkaroon ng landslide. So ngayon, iyong 12, maganda… maganda pa rin iyong natatayuan niya. Hopefully kasi magiging 72 na lahat, so hopefully iyong 28 this year matapos na rin. Actually, iyong pondo ready na. Nandiyan iyong pondo. Ang wala lang talaga iyong availability ng lupa.

REPORTER 2: Ma’am, would you like to comment po doon sa sinabi ni President Duterte na ipapakulong iyong mga kuwe-kuwestiyon ng kaniyang… iyong mag-file ng impeachment?

VP LENI: Hindi ko kasi—pagpasensyahan niyo na, ayaw ko munang mag-comment kasi hindi ko mismo narinig. Hindi ko… parang napakahirap mag-comment sa isang bagay na hindi ako mismo iyong nakabasa, hindi ako mismo nakarinig. So tingnan ko muna kung ano iyong konteksto kasi baka ma-misinterpret natin iyong konteksto ni Presidente.

REPORTER 3: Ma’am, since the last time you visited ground zero, you’ve seen the devastation. Are you satisfied po with the pace of reconstruction?

VP LENI: Siyempre parating kulang dahil kung tayo… kung ang tatanungin kasi iyong mga tao dito, the quicker it is, the better for them, ‘di ba? Mas mabilis, mas gusto nila. Iyong nakita lang natin na difference ngayon—I was last… I was here last April, eh, so medyo dalawang buwan iyong nakaraan tapos nakabalik ulit ako. Iyong napansin ko ngayon, mayroon nang mga demolition na nangyayari. Noong… parang noong last ko kasing punta, hindi ko pa napansin, kung mayroon man, hindi ko pa napansin iyong mga demolition pero ngayon, mayroon na. Palagay ko good sign iyon na mayroon nang nangyayari. Ang alam ko kasi ang nakatagal before kasi ayaw nilang ipagalaw hanggang hindi pa naki-clear doon sa mga bombang hindi sumabog. So ito, inisip din nila iyong safety ng mga tao.

So ngayon, siguro dahil may demolition na nangyayari, ito iyong mga areas na cleared na. Kapag kausap mo iyong mga taga-rito, siyempre sila excited na maayos na. Gaya kanina, nagkuwento si ASDS na pinresent sa kanila iyong plano. Mukhang maayos naman. So ang pinaka… pinaka-desire natin, as soon as possible, matapos na siya para makabalik na sa normalcy iyong buhay ng mga tao dito. Kasi iyong mahigit dalawang taon sa evacuation centers is too much for them. So iyong sa atin naman, gumagawa tayo ng mga hakbang para kahit papaano, maka-gaan-gaan sa load na dinadala nila. Halimbawa, iyong mga IDPs sa Saguiaran, iyong mga kababaihan doon binigyan natin ng livelihood; sa Balo-i, tumulong din tayo sa kabuhayan ng ibang mga nandoon. Hinahanap natin iyong mga bagay na hindi man makakapantay doon sa dati nilang buhay, kahit papaano makabawas-bawas.

Noong pagpunta ko dito noong April, mas inip iyong mga tao dahil matagal na nga. Pero ngayon, parang iba iyong atmosphere. Siguro dahil may nakikita sila—may nakikita silang gumagalaw na. So siguro ngayon mas hopeful kaysa noong April.

REPORTER 3: Would you support po some calls asking for a Truth Commission on Marawi Siege?  

VP LENI: Iyong sa akin, ever since naman iyong hinihiling natin na magkaroon ng isang independent body na mag-imbestiga kasi iyong mga previous meetings natin dito, especially with Cebu society, ang kahilingan talaga nila ma-imbestiga iyong mga, hindi lang iyong kaguluhan in general, pero iyong mga deaths ng civilians. Iyong sa atin naman, mayroon tayong Task Force Bangon Marawi. Kasama natin ngayon si Asec. Felix. Mas maigi sigurong tanungin sila kung ano iyong progress… ano iyong progress ng kahilingan ng tao? Pero ako from Day One, nandito ako less than a month after the siege broke, ang hinihiling talaga ng mga… ang hinihiling talaga ng mga evacuees, maging bahagi sila ng pagpa-plano kung ano iyong gusto nilang mangyari moving forward. In fact, iyong kahilingan na iyon, sinabi ko iyon kay Secretary Lorenzana the first time I came here na iyong kahilingan talaga ng mga tao parang kasali sila sa usapin [at] mabigyan sila ng boses. Hindi iyong parang… parang iba iyong nagpa-plano tapos dinidikta na lang sa kanila. Mas preferred nila na kasama sila sa kung anumang usapin sa pagplano kung saan papunta iyong Marawi.

Hopefully, natugunan iyon—iyong request na iyon kasi na… na-relay naman natin. Pero ito, patuloy naman na iyong engagement ng opisina namin with Marawi patuloy. On a very regular basis nandito ako, naghahanap kung ano iyong gaps para kahit kaunti iyong pondo ng opisina namin, at least makatulong kaming maghanap ng private partners.

REPORTER 4: Ma’am, Divina Suson of the Philippine Daily Inquirer, nandito po kayo to turn over school classrooms and housing pero sa Butig, Lanao del Sur, we were there on June 12, may dalawang elementary schools doon—Ragayan Elementary School and Poctan Elementary School—sira pa po sila, Ma’am. In fact sa Poctan, TLC pa po iyong ginagamit ng mga kinder—temporary learning center. Sa Ragayan, nagka-klase pa sila ng butas-butas iyong room nila. Nasira po siya in 2016 na giyera versus Maute pa rin, ISIS. May mga teachers doon na temporary housing pa rin kasi hindi pa sila nabibigyan ng housing. Wala bang nakapagfeedback sa inyo, Ma’am, para humingi sila ng tulong?

VP LENI: Actually… actually po, hindi naman kami dito gumagalaw without coordination with DepEd kasi hindi naman namin alam iyong sitwasyon on the ground. Iyong DepEd talaga iyong nakakaalam. So iyong sa amin, naghahanap lang kami ng donors pero iyong pag-i-identify ng mga sites, iyong DepEd iyong nakakaalam kung papaano ipa-prioritize. Actually kaninang umaga, in-express sa akin ni ASDS iyong problema sa mga teachers na maraming mga teachers na until now, ano pa rin, evacuees pa rin sila na napakahirap kasi nagtuturo sila halimbawa sa Barangay Sagonsongan, nagtuturo sila doon pero kailangan pa nila na mag-biyahe everyday. Ang iba, nagba-biyahe pa from Cagayan de Oro. So in-express ni ASDS kanina, humihingi siya ng tulong na baka naman puwedeng i-prioritize iyong mga teachers sa, at least sa temporary housing para malapit na sila sa mga assignments nila. Ang sabi ko kay ASDS, ite-take up namin ito with the local government unit kasi kami din, kahit sa pagpili ng beneficiaries sa housing, umaasa din kami sa advice ng local government unit kasi sila iyong mas nakakaalam ng sitwasyon on the ground.

Pero iyong request ng DepEd about the housing for teachers, ire-relay namin this afternoon pagpunta namin doon kasi tingin ko very logical naman iyong request. Hindi lang kasi iyong pamilya ng teacher iyong apektado kung wala pa siyang tirahan, pero iyong mga estudyanteng tinuturuan nila. Kasi ang kuwento nila Ma’am, ang iba nakakarating parang alas-10 na ng umaga dahil ang layo ng tinuturuan. Tapos kinakailangan umalis very early in the afternoon kasi magba-biyahe na naman so nagsa-suffer din iyong serbisyo. Kaya iyon iyong isang bagay na ite-take up namin with the City Government, na kung puwedeng sa next batch of beneficiaries, i-prioritize sila.

OVP: Okay po. Thank you po.

REPORTERS: Thank you!

-30-