11th Commencement Exercises of the Teodoro M. Luansing College of Rosario
Lipa City, Batangas

ABS-CBN: Ma’am, kumusta po iyong pag-iikot po, in particular ng oposisyon, sa pangangampanya ngayon?

VP LENI: Well, very inspiring iyong pag-iikot, kasi iyong expectations talaga namin, mahirap—mahirap dahil walang resources, mahirap dahil kulang iyong mga local government officials na kapartido, saka hindi masyadong kilala iyong mga kandidato. Pero very encouraging, dahil kapag nakikilala talaga, iyong conversion mataas. Kaya sa amin naman, tingin ko worth ito ng pagod, na talagang we have to go out of our way para ipakilala isa-isa. Kahit wala sila, mayroon akong dalang video na ini-introduce sila. Maganda iyong reception. Parang more than what we expected. Kasi iyong difficulties, from the very start inaasahan na iyon. Pero so far, mayroon namang mga local officials na tumutulong, binibigyan kami ng pagkakataon na makausap iyong constituents nila.

ABS-CBN: Ano po ba ito, Ma’am: mga hayag ba o patago?

VP LENI: Iba-iba. Iba-iba iyong siguro categories ng mga local officials. Mayroong mga malalakas iyong loob na hayag. Talagang hinahangaan natin sila, kasi alam naman natin iyong possible na repercussions na gagawin sa kanila. Iyong iba naman, naiintindihan natin, tinutulungan tayo on the side pero ayaw lang makitang kasama natin. Very understandable naman iyon at pasalamat pa din tayo—pasalamat pa din tayo na iyong opportunity na makausap iyong mga tao sa kanila, nagagawa pa din natin.

ABS-CBN: Ma’am, ano iyong strategy ng oposisyon as doon sa pangangampanya? Paano mawi-win iyong majority?

VP LENI: Ito talaga, iyong buong kampanya, nabubuhay sa volunteerism. Walang ibang paraan kasi wala naman kaming resources sa, kung napapansin natin, sa TV, na iyon pa din iyong pinaka-effective na means para ipakilala sila. Pasulpot-sulpot iyong ads, kasi kapag may nakukuhang tulong saka nag-a-ads, pero mas madalas offline. Pero iyong kabutihan naman nito, talagang iyong mga volunteers, sila iyong nagpapagawa ng mga campaign collaterals. Sila iyong nangungulit, sila iyong talagang nangungulit na, “Sabihin lang sa amin kung anong gagawin at gagawin namin.” Mayroon tayong Project Makinig,na by the tens of thousands of volunteers na ang umiikot on a house-to-house basis. Malaking bagay. Of course, we wish na mas marami pang oras, pero tingin ko kakayanin naman.

ABS-CBN: Ma’am, siguro nabalitaan niyo iyong Chinese vessel—

VP LENI: —oo, dito sa Batangas.

ABS-CBN: Ano po iyong stand niyo doon? In particular, mas marami pa daw sa West Philippine Sea na ganitong uri ng vessel?

VP LENI: Ito kasi, matagal na… matagal nang nire-report ng mga mangingisda natin, kung paano sila nade-deprive ng kanilang kabuhayan. At iyong pinakamalungkot dito, dapat sana iyong expectation natin, iyong pamahalaan iyong unang unang magtatanggol, iyong unang unang magtatanggol sa mga maliliit. Na hindi naman sana ganito kasi nasa teritoryo natin. Iyong kabutihan lang dito sa Batangas, kasi iyong mayor nanindigan. Sa atin, dapat i-celebrate iyong mga government officials na ganito, para tularan ng iba pa, kasi iyong mga tao, wala naman iyang aasahan na iba kundi kami na mga nasa pamahalaan na magtanggol sa kaniya. Kaya sa akin lang, sana iyong pamahalaan natin, mas strong iyong statements, iyong kanilang protesta, kasi ito iyong nagbibigay ng assurance sa mga kababayan natin na hindi sila pinapabayaan ng pamahalaan.

ABS-CBN: Pero kayo, Ma’am, sa opisina ng Vice President, paano natin maa-assure na hindi mapu-pursue itong mga ganitong plano na mas maraming Chinese dito sa bansa?

VP LENI: Iyong sa amin kasi, ang pinakamagagawa namin, mag-advocate, i-amplify iyong voices. Kasi talagang wala sa mandato namin iyong mandato na nasa Pangulo. Kaya nga parati tayong nagboboses, para hikayatin iyong Office of the President, iyong ating DFA, na mag-file ng protesta, kasi ito iyong expression ng hindi natin pagpayag na ginaganito ang ating teritoryo—na nilalapastangan, inaabuso, hindi ginagalang. Iyong parati nga nating tinitingnan, sana kahit man lang magpareho man lang tayo ng ginagawa sa ibang bansa, gaya ng Vietnam, na every time na mayroong threat pa lang ng pananakop, nag-iingay na. Iyong sa atin, parang ang bagal ng response, tapos hindi pa malakas. Kaya iyong sa atin lang, kami, patuloy kaming mag-a-advocate, patuloy na palalakasin namin iyong boses hindi lang namin, pero iyong boses noong maliliit, para iyong gobyerno, gumawa ng mga hakbang na mas malakas, hakbang na mas magbibigay ng assurance sa ating mga… sa mga Pilipino na hindi tayo papayag ng pananakop.

ABS-CBN: Ma’am, last na po: Aside from that, ano po iyong assurance na puwede nating ibigay sa mga Batangueño na nagwo-worry ngayon na baka kung anong gawin nito, wala silang kamalay-malay, magugulat sila?

VP LENI: Iyong sa atin kasi, iyong assurance na mabibigay natin sa mga Batangueño, na ako bilang Pangalawang Pangulo, sa abot ng aking makakaya, talagang ire-resist natin iyong kahit anong—kahit hindi pa actual na pananakop, kahit threat pa lang ng pananakop. Dahil ito, hindi lang sovereignty natin iyong pinaglalaban natin, pero iyong kabuhayan ng maraming Pilipinong mangingisda. Iyong atin, iyong resources natin na inaasahan sa langis, sa kuryente, nandiyan sa karagatan, at ito, ang makikinabang nito, hindi lang naman iyong  taga-Batangas, pero iyong buong Pilipinas. 

Pero iyong sa atin, siguro iyong assurance na iyon, may kakabit na panawagan—panawagan, unang una, sa national government, na sana hindi hayaan na ginaganito tayo ng ibang bansa. Pangalawa, siguro panawagan din sa local officials, na hindi magpabaya, na kapag iyong kaniya-kaniyang… kani-kanilang mga jurisdiction may ganito, talagang mag-resist. Iyong nangyari dito sa Bolo… Lobo [chuckles]— Iyong nangyari dito sa Lobo, ano talaga, maganda iyong example na binigay ng mayor, na kahit nga may pinapakitang, parang, clearance ng DENR, hindi niya ini-honor kasi sinabi niya, “Hindi niyo puwedeng gawin ito sa aming ilog.” Kaya sana lahat, gaya sa kaniya.

ABS-CBN: Thank you, Ma’am!

– 30 –