Meeting with Multi-sectoral Representatives
Balagtas Sports Complex, Atimonan, Quezon

REPORTER: Ma’am, so far, kumusta po iyong ating pag-ikot sa mga bayan?

VP LENI: Okay naman po iyong pag-iikot, very inspiring, kasi iyong mga tao naman, basta nakikilala nila kung sino iyong mga kandidato, talagang nakakapagdesisyon. Iyong mahirap lang po talaga sa mga kandidato namin, siyempre po kulang iyong resources, kaya wala po talagang… wala pong pang-TV ads masyado. Kailangan talagang pagpaguran na iikot sa buong Pilipinas at ipakilala. Pero iyong reception ng tao, very encouraging. 

REPORTER: Ma’am, reaction niyo po doon sa mga Chinese vessels, Ma’am, na namataan sa Pag-asa?

VP LENI: Ito, nakakabahala—nakakabahala kasi parang hindi tayo tinatantanan. Ako, ngayong umaga lang, habang papunta ako dito sa Quezon, iyong binabasa kong balita, iyong napakalapit na sa isang bayan dito sa Batangas ng isang dredging na barko ng Tsina, na nagbibigay ng pagkabahala sa mga residente. Ito sana, iyong ating pamahalaan, magbigay ng mas… mas strong na statement na kinukundena iyong, alam mo iyon, iyong pag-threaten sa ating soberanya. Kasi ito, gusto naman nating makipagkaibigan, walang kuwestiyon iyon. Sa atin, pati sa Tsina, wala naman tayong problemang makipagkaibigan. Pero sana pangalagaan natin kung ano iyong sa atin, kung ano iyong nasa atin na. Huwag naman sana nating hahayaan na sinasakop tayo, na hindi tayo nagrereklamo. Kasi kapag hindi tayo nagrereklamo, ganito iyong nangyayari—na hindi na nirerespeto iyong pag-aari natin saka iyong soberanya ng bawat Pilipino.

REPORTER: Ma’am, reaction lang po na naglabas iyong SC ng desisyon na nag-order sa SolGen na ilabas iyong findings po ng mga kaso?

VP LENI: Ako, ang laki kasing… ang laking… parang, giant step ito, iyong desisyon ng Supreme Court, kasi matagal nang pinag-aawayan ilan ba talaga iyong namatay sa ngalan ng drug war. Ako mismo, ako mismo, sumulat iyong aming opisina sa PNP, sumulat kami sa DILG, nagtatanong, pero hindi naman kami sinasagot. Kailangan iyong pamahalaan maging transparent. At nagpapasalamat tayo na kahit papaano, mayroon nang order na gawing publiko iyong records, kasi iyong katarungan naman, matatanggap lang iyon ng mga naging biktima, ng mga pamilya ng naging biktima, kapag alam iyong datos. Kasi hanggang hindi alam iyong datos, paano natin hahabulin iyong mga nagkasala? Kaya sana—important first step ito na sana tuloy-tuloy na iyong quest para bigyan sila ng katarungan.

REPORTER: Thank you so much, Ma’am!

VP LENI: Thank you!

– 30 –